1. Home
  2. Stories
  3. Jasmin and Lucifer 12
PSErotica

Jasmin and Lucifer 12

By pistol_eros ·

Chapter 12

Ang Simula

By Pistol Eros

Sa dating condo ni Lucifer. Pag labas nya ng kwarto nakita sya ni Dan, tibong housemate nya nagtratrabaho sa Airline industries.

Dan: Kuya Lu, maaga ka umuwi maya birthday ko. May onting kainan at inuman sa pool area. Magpunta mga ka-workmate ko.

Lu: May mga chick ka ba inimbitahan? Hahaha!

Dan: Meron kuya. Ung Vietnamese sana makapunta. Panalo un.

Lu: Hahaha! Sige. Sige. Uwi ako maagad.

Oras ng uwian ni Lucifer dumaan sya sa pool area to check Dan’s birthday party. Medyo madami rin bisita at may mga babae nga na bisita.

Dan: Uy! Kuya!

Lu: Happy Birthday Pre! Saglit lang ako. Kahiya di ko kilala mga bisita mo eh.

Dan: Ok lang yan. Mababait yan. Sayang Kuya di makapunta ung Vietnamese. Hahaha! Kain ka muna.

Lu: Sige! Sige! Mukhang masasarap handa mo.

Dan: Ung papaitan Kuya tikman mo. Ako nagluto nyan.

Lumakad si Lucifer towards the table where the foods are served. Habang kumukuha ng pagkain may isang babaeng nagsalita at nag-alok. Si Jasmin katabi ang kanyang boyfriend na si Christopher.

Jas: Kuya. Etong kinilaw the best. Try mo.

Lu: Thank you. Maya sa second round tikman ko. (At ngumiti)

Dan: Kuya si Jasmin nga pala at si Christopher boyfriend nya workmate ko. Eto si…

Isa-isa pinakilala ni Dan mga bisita nya. Habang nag-iinom may mga okasyon na nagkakausap sila ni Jasmin. Si Jasmin, na medyo kalog, madaldal at accommodating na babae. Si Lucifer naman ay inubos lang pangalawang beer in can na hawak nya at nagpaalam na.

Lu: Dan, bihis muna ako. Try ko balik. Hehehe! Happy Birthday!

Dan: Salamat. Balik ka Kuya.

Halos lahat ng kaibigan ni Dan ay nakilala at nagging kaibigan din ni Lucifer dahil sa mga ilan pang occasion na naganap. Ngunit wala na doon si Jasmin. Hanggang… Covid-19 hits the World…

Nagkagulo buong mundo at maraming industry ang tinamaan ng pagbagsak. Una na ang nasa linya ng Tourism. Maraming OFW ang hindi pinalad at kailangan umuwi ng bansa, isa na si Dan at mga kasama nito na nasa Airline Industries.

Tulad ng iba, bilang isang Engineer, si Lucifer ay Working from Home.

Isang araw sa condo nila Lucifer, kumatok si Dan sa kwarto nito habang sya ay nagtatrabaho.

Tok! Tok! Tok!

Dan: Kuya Lu! Tara inom tayo onti dumating mga workmate ko may dalang alak.

Lu: Sige! Sige! Labas ako maya-maya may tinatapos pa ako work.

Lumipas ang mahabang sandali. Pagkatapos makausap at magpaalam ni Lucifer sa kanyang asawa at girlfriend na maki-inom sya sa sala. Lumabas ito ng kwarto bitbit ang may bawas ng Johnny Walker Double Black.

Dan: Tagal mo naman Kuya. Paubos na iniinom namin oh! Marami ka natatabi dyan, di ba?! Hahaha!

Lu: Ayun! Kaya pala ako inaya para may maglabas ng alak.

Dan: Galing mo Kuya.. Hahaha!

Nakitawa rin ang lahat. Dahil binida na pala ni Dan na laging may stock na alak si Lucifer sa kanyang kwarto. Beer at ang paborito nitong Johnny Walker Double Black. Kasama sa kumpulan ay si Jasmin at kanyang boyfriend na si Christopher.

Jas: Kuya gusto mo ice?

Lu: No ice. Thank you.

Jas: Chaser?

Lu: Ok na ako dito. (Hawak ang basong may lamang hard drinks na dala nila Jasmin).

Jas: Wow! Cool! Heavy drinker pala si Kuya.

Lu: Di naman. Iwas sakit sa ulo lang kinabukasan. Malakas makapanghan-over yang yelo at chaser.

Jas: Tama.

Inuman, kulitan at kwentuhan. Nang mapansin ni Lucifer ang tattoo sa kaliwang paa nito. Malapit sa bukong-bukong.

Lu: Tattoo pala yan?

Jas: Kala mo dumi?

Lu: Hindi. Kala ko balat.

Jas: May sentimental yan.

Hanggang naubos ang bitbit na alak ng mga bisita ni Dan at ang inilabas ni Lucifer na Johnny Walker.

Dan: Kuya alam ko merami ka pa dyan tinatago. Ilabas mo na yan!!! Hahaha!

Lu: Beer ba o Double Black? Hindi malamig yung beer eh.

Jas: Pass ako sa Beer. Di ako nainom nyan.

Dan: Double black na lang Kuya. Hahaha!

Jas: Uy! Sige na Kuya. Para makainom pa ako.

Lu: Ikaw pala malakas uminom eh. Grabe. Parang wala ka pang tama eh.

Jas: Bet ko kasi yung iniinom. Kaya labas mo na ung isa mo pang bote dyan. Hehehe!

Lu: Hehehe!

Nangalahati na ang pangalawang bote. Nagkasarapan sa inom at kwentuhan. Hanggang may sumuka na… Ang boyfriend ni Jasmin… Habang nakaupo at kaharap ang lahat.

Chris: Gwark!!! Gwark!! Gwarkkkk!! ….

Jas: Ay! Ano ba yan?! Weak mo talaga..

Chris: Sorry Babe!!

Lu: Kaya pa?

Jas: Daya mo kasi. Late ka na lumabas. (Himas. Himas likod ng boyfriend nya.)

Lu: Di rin. Lagyan mo marami tissue ung suka para madali linisin.

Jas: Ano ba yan pati damit mo may suka..

Chris: Sorry Babe!!

After maglinis sa C.R. ni Christopher kasama si Jasmin. Inalok ni Lucifer ang room nya para makapagpahinga ang dalawang lalakeng lasing.

Lu: Jas, pagpahingahin mo muna sila sa kwarto ko para mahulasan. Habang inuubos natin ung isang bote.

Jas: Sige nga Kuya.

Kumuha din si Lucifer ng T-shirt sa kanyang cabinet.

Lu: Oh! Pagpalitin mo damit si Chris.

Chris: Di na pre. Ok na ito. Di naman gaano nasukahan.

Inalalayan nang dalawang babae ang kanya-kanyang boyfriend sa kama ni Lucifer at iniwan ang mga ito. Pagbalik sa kumpulan ay nagkatabi si Lucifer at Jasmin. Sa hindi malamang kadahilanan pumasok din si Daniel at girlfriend nito sa kanilang kwarto marahil para makapagpahinga na ang huli. Lumalim ang usapana at napunta sa kung ano ang kalagayan nang relasyon nila sa mga kapartner. Ito ay iniwasan ni Raffy na boyfriend ni Brenda at pumasok sa kwarto. Naiwan si Lucifer kausap ang tatlong babae, si Claire, Jasmin at Brenda.

Iba talaga nagagawa nang alak, nagkwento si Brenda about sa relasyon nila ni Raffy na nagpaiyak dito. Kung paanong may papakasalan itong ibang babae samantalang silang dalawa ang magkasama. Kanya-kanyang payo at paglalahad. Pansin ni Lucifer na masyado nang nakadikit sa kanya si Jasmin at permanenteng nakahawak ang kaliwang kamay nito sa kanyang hita. Sinubukan ito ni Lucifer, nung s’ya na ang magsalita ay hinawakan nito ang kamay ni Jasmin. Bigla namang binawi ni Jasmin ang kamay at parang walang nagpatuloy ang usapan. Pero nandyan pa ring dikit na dikit si Jasmin kay Lucifer. Hanggang maubos ang iniinom nila.

Jas: Uy! Saya nitong inuman na’tin. Ulitin na’tin ito.

Claire: Sige. Set natin bago kami umuwi Pinas. May steamboat kami.

Lu: Syempre akin ang alak?

Jas: Hahaha! Galing mo.

Brenda: Hehehe!

Claire: Hehehe!

Lu: Kailan naman?

Jas: Sabihan ka namin. Ano FB mo? Add kita.

Lu: Search mo name ko, Lucifer Tanikala. Nag-iisa sa buong mundo yan.

Jas: Hi

Lu: Hello

Ginising ang dalawang lalakeng natutulog at nagsiuwi na ang mga ito.

Hindi natuloy ang napag-usapang muling masayang inuman ngunit nagpatuloy ang ugnayan nila Lucifer at Jasmin.

Lu: Paano yan? Di tuloy steamboat?

Jas: Hindi.. Ang scary eh.. Baka mahuli pa tayo.

Lu: Uu. 10k sgd o 6 years imprisonment

Jas: Onga. Mahirap na

Lu: Musta ka nga pala nung huling inom natin?

Jas: Hmmm.. ok naman.

Jas: Tulog maghapon (lol)

Jas: Sumuka ka din ba?

Lu: Uu.. Sayang isang araw ko. lol

Lu: Sumuka ka rin?

Jas: Hindi.. ako pa. (lol)

Jas: Bet ko ung ininom naten eh. Buti nga May alak ka pa.. kung hindi bitin ung dala namen

Lu: May work ako nun eh.. nagising ako 930 open ko lang laptop ko at nag online sa skype tapos tulog ulit.. lol

Jas: Lol. Atleast baya yung araw mo.. takte!!! Ako nga ginagawa ko na lang productive araw ko. (lol) (lol) (lol)

Lu: Nasobrahan din talaga ako.. puro pa inom ko.. at haba ng drama nyo.. hehehe

Jas: Lol. (>.<) Ikaw din naman may drama sa buhay.. (lol) (lol) (lol)

Jas: Kala mo siya oh.

Lucifer sends a teasing gif.

Jas: Huyyyyy.. halos nakinig nga lang ako sa inyo

Lu: Nge.. ayaw mo nga ako pagsalitain. Gusto mo ikaw lang.. hehehe

Jas: O.a

Jas: Ikaw nga Un

Lu: Tinatakpan mo pa nga bibig ko eh..

Jas: Lol. Dame mo kc drama. Di pa tapos ung dalawa mag kwento. (lol) (lol) (lol)

Lu: Ako daw.. nagrereact lang ako sa drama n’yo eh.. (lol)

Jas: React???? Sos!!!!!!!! (lol) (lol) (lol) ulitin natin un. Inumaga na tayo eh

Lu: 6 am na ata ako nahiga nun eh.. literal na umaga na eh.

Lu: Ulitin? Malabo na yan.. Nasa Pinas na Bf mo.. di ka naman na nun payagan punta dito..

---

Lu: So ano na?

Jas: Alin?

Jas: CB pa

Lu: Pwede na gumala..

Lu: Dumalaw na nga dito ung isang kasama nila Daniel.. Ung malaki katawan.. Kalimutan ko name..

Jas: Haha Di malakas loob ko. (smiling face with cold sweat)

Lu: Wala pa rin kami hard drinks.. lol

Jas: Soju nalang

Lu: Special request pa ah

Lu: Soju

Jas: (giggling) (shushing face) (hugging)

Jas: Baka Lang nemen

---

Lu: Shot

Jas: Monday

Jas: Night?

Lu: Kala ko bukas?

Lu: Di ka pinayagan noh?! Lol

Jas: Haha (lol) (sad with cold sweat)

Lu: Tama nga ako? Lol

Lu: Baka di ako pwede Monday night

Jas: Oo hehe

Jas: Pag dating nalang daw niya

Lucifer sends thumb-up icon.

Lu: Sabi sayo eh

Jas: Ang layo ko daw ih

Lu: Pagbalik na lang nya, eh?

Jas: Onga … sayang

Jas: Pwede daw kung malapit Lang ako

Lu: Pwede naman kita hatid

Jas: Sundo Hatid

Lu: Can.

Jas: Hahaha

Lu: Saan ka nga ba?

Jas: Bishan

Lu: Oh?!

Lu: Punta ako bishan bukas umaga

Lu: Swab test

Lu: Layo mo nga pala noh?!

Jas: Layo Dba

Jas: Naisip ko din bigla eh

Jas: May pasok ako eh

Lu: Sayang

Lu: Whole day?

Jas: Oo

Jas: Bat swab test?

Lu: Required ng MOH. Para clear kami.

Jas: Bakit hospi ka ba?

Lu: Di.. lahat naman ata nag undergo swabtest

Lu: Sila Daniel nga din

Jas: Parang Hindi naman

Jas: Samen Wala ih

Lu: Eh sa medical kayo eh..

Lu: Eh dapat nga kayo ang lagi swab test kasi mas expose kayo

Jas: Haha kaya nga eh.. Pero Wala naman inadvise

Lu: Ubusin na namin tong soju. Bili na lang ulit..

Jas: Cge (smiley)

Unang labas ni Jasmin at Lucifer ay magbike sila dapat sa Eastcoast ngunit nauwi sa panonood nang Busan 2 at inom sa Alcapone. Habang nag-iinom ay pinahawakan ni Jasmin kay Lucifer ang tuhod nitong may peklat.

Jas: Kati.

Kinamot nang mahina ni Lucifer ang sinasabing makating peklat ni Jasmin at naglagi na ang kamay nito doon hanggang sa mga hita ni Jasmin. Wala namang pagtanggi kay Jasmin.

Lu: Napaano?

Jas: Semplang sa motor.

Lu: Buti yan lang inabot mo?

Nang hinatid ni Lucifer si Jasmin ay hindi ito nagpahatid hanggang sa apartment nito hanggang bus interChange lang.

Lu: Payakap ako Jas.

Jas: …

Lu: Sarap mo akapin. Jas, gusto kita. Kung ano man meron sa inyo ni Christopher labas ako doon. Ok na ako sa ganito. Labas labas ta’yo.

Jas: Hehehe!

---

Jas: Good morning

Lu: Good morning (wink)

Lu: Ingat ka po pagpasok

Jas: Wala pasok today

Lu: Nge.. Sabi last time may pasok ka.. o pinalit dahil pumasok ka Thursday

Lu: Ano plan mo today? Wala ka pala pasok?

Jas: (thumb-up)

Jas: Adikkkkk Sabi ko Wala pasok.

Lu: Ukie.. Ukie..

Jas: Pwede na mag pulau ubin

Lu: K.. Set mo.. Kailan mo gusto?

Lu: Sabihan mo ako agad lalo na kung weekdays..

Jas: Sunday

Lu: Next Sunday?

Hindi natuloy ang usapang Pulau Ubin dahil mas pinili ni Jasmin makipagbadmenton sa mga housemate nito at na injured ito. Si Lucifer buong araw lang nasa bahay, frustrated sa hindi natuloy ang Pulau Ubin nila ni Jasmin. Nagset nang panibagong araw si Jasmin.

Jas: Sa AuG 5 mag MC (Medical Certificate) ako

Jas: Inumin na naten yan. (referring to Soju)

Jas: Hehe

Lu: Lol

Lu: Saan natin inumin?

Jas: Sa inyo

Lu: Dahil dyan sa braso mo?

Jas: Oo. Dapat Bukas kaso nga Wala tao sa Clinic Naka on leave Doctor namin

Jas: So tiis muna haha

Lu: Sure ka? Alam ni Christopher? Nandito pa si Daniel nyan..

Jas: Ahh Hindi pa

Jas: Sasabihin ko palang

Lu: Thursday MC mo so, Wednesday ka puna dito?

Lu: Awitan mo si Daniel magpainom since paalis na sya..

Lu: Wag mo sabihin may Soju ako..

Lu: Ilabas ko na lang pag andito ka na..

Jas: Yes po

Jas: Samahan mo ko pa mC?

Jas: Wed ako Nandyan

Lu: Sige.. so, puntahan kita Wed sa inyo o sa clinic nyo?

Jas: Sa bahay

Lu: Samahan kita magMC

Jasmin missed your video chat.

Lu: In another call again.. hehehe

Jas: Haha Eto kausap ko na si Christopher

Lu: Nagpapaalam ka?

Jas: Ah Hindi. Hehehe

Jas: Sa tues na ko papa alam.

Araw ng padespsedida ni Daniel ay dinaanan ni Lucifer si Jasmin sa apartment nito at bumili sila nang cake. Pag-akyat ay umuna nang onti si Jasmin. Nasa kitchen si Daniel nagluluto nang pagpasok nila Jasmin.

Jas: Hi!

Dan: Uy! Aga mo.

Nagbeso-beso ang dalawa.

Lu: Nakasabay ko dyan sa baba.

Nagsimula ang inuman at natapos nang walang especial na nangyari. Dahil sa pangungulit nila Daniel ay alas dos na naka-uwi si Jasmin. Hindi ito nagpahatid. Muli frustrated si Lucifer dahil sa hindi nito pagpayag magpahatid at pag-uwi ay wala man lang itong message sa kanya kung nakauwi nang matiwasay. Hindi rin ito nagparamdam buong araw kay Lucifer na nag-alala nang husto.

Araw nang Pulau Ubin nila Lucifer at Jasmin…

Lu: Good morning

Lu: Gising ka na po?

Jas: Di pa ko natutulog

Jas: Di ako maktulog

Jas: Ok lang ba wag na tayo maaga

Jas: Pikit lng ako

Lu: Ganun? Insomia?

Lu: K.. msg mo lang po ako pag paalis ka na dyan.

Jas: Cge po.

Lu: Ano na po?

Jasmin missed your call.

Jasmin missed your call.

Jas: Kagigising lang po

Jasmin missed your call.

Lu: Pls call me

Jasmin missed your call.

Jas: Game pa ba?

Jas: Kausap ko mami ko.

Jasmin missed your call.

Lu: Di ko alam sayo..

Lu: Ano na po?

Lu: Matutulog na lang ba ako maghapon?

Jas: Inittt eh

Lu: Kala ko di ka takot sa araw?

Lu: Ok..

Lu: 2nd time na ito..

Lu: Next time wag mo ako aayain kung di ka 100% sure..

Jas: (see-no-evil monkey) (see-no-evil monkey) (see-no-evil monkey)

Lu: Wag mo naman ako gawin backup plan mo..

Lu: 3rd time na pala.

Lucifer replies to Jasmin’s story, her picture out with other friends.

Lu: May iba ka pala talaga sinamahan..

Lu: Buti naman nag enjoy ka nung Sunday..

Jas: Hapon na yan..

Jas: Antok kc talaga ko

At marami pang pagkakataon na frustrate si Lucifer sa attitude ni Jasmin na walang paki-alam sa oras at pambabalewala nito. Lahat pabor sa kanya. Ganun at ganon ang nangyayari. May pagkakataon na muling nagset si Jasmin na magbike sila sa eastcoast ni Lucifer.

Jas: Samahan mo ba ko tom?

Jas: After naten East Coast samahan mo ko market

Lu: Sige

Lu: Basta magising ka maaga.. tawagan mo ako

Lu: Baka kasi di ka na naman makatulog maayos..

Lu: Sunduin ba kita?

Lu: Kung oo, what time?

Jas: 6:30am

Lu: Ukie po.. be there at 630am

Jas: Ok po.

Lu: Nyt.. see u tmr

Jas: Yup

Madaling araw pagkagising ni Lucifer para magprepare sa lakad nila ni Jasmin may nakita itong mensahe mula kay Jasmin.

Jas: Beb hapon nlng tayooo Para sure (heart)

Lu: So, di na kita samahan sa market?

Lu: (thumb up)

Lu: Good morning

Jasmin missed your call.

Jasmin missed your call.

Jas: Good morning

Lu: So, see u na lang maya hapon? Same time?

Lu: 4pm, later?

Jasmin missed your call.

Lu: Di talaga makasingit

Jasmin missed your call.

Lu: Magbihis na ako..

Paalis na po ako

You called Jasmin.

Lu: Nakasingit rin

Jas: Mga 4:30 na

Jas: Sa Mrt nalang po

Jas: Paya Lebar

Lu: On the way na po ako..

Lu: Take ur time.. intyin kita sa baba ng unit nyo

Jas: Wag na dun. Mrt nalang

Lu: Junction 8

Jas: Luciferrr

Jas: San ka na?

Jas: Di pala ko Pwede Ng Ganong oras

Jas: Mga 6pm nalang tayo.

Jas: Mag cab nalang ako papunta East Coast sorry

Lu: Anyare?

Lu: Nasa circle line na po ako

Jas: Hindi na haha. Joke Lang

Jas: See you

Lu: Kainis ka.. lol

Jas: Lol (tongue out)

Lu: Doon kita intayin sa pinag-intayan mo last time..

Jas: Ok

Lu: Dito po ako banda naka-upo sa mga atm

Jas: Naka zoom call pa po ako.

Lu: Pero naka-ayos ka na?

Jas: Hindi padin

Jas: Maligo n me.. Hatid ko muna tong housemate ko. Mag cab nalang ako sa East Coast n tayo meet.

Jas: Mcdo East Coast

Jas: Start ka na mag bike sa East Coast Para Di ka Ma Bored

Lu: Ha?

Lu: Andito na ako mrt Bishan kanina pa..

Lu: Punta ka dito. dito tayo magtaxi

Jasmin missed your call.

Jas: Huhu.. I know

Jas: Ocge wait po ulit

Lu: Alam mo pala.. eh bakit bigla ka magsabi sa East Coast na magkita?

Lu: May probs ba?

Jasmin missed your call.

Jasmin missed your call.

Jasmin missed your call.

Lu: Saan ka na po?

Jasmin missed your call.

Jasmin missed your call.

Jas: Sorry San ka na

Jas: Wait nalang ako cab

Lu: Ha? Andito nga ako bishan mrt

Lu: Saan ka po ba?

Jas: Ok wait ko cab po.

Lu: Papunta saan?

Jas: Sayo

Lu: Baba ka pa o sakay na lang ako?

Jasmin missed your call.

Jas: Baba pa

Lu: 2 bus stops magCab ka pa?

Lu: O wala ka sa inyo?

Jasmin missed your call.

Jas: Galing po ako yishun

Lu: Bakit di mo sinabi? Kala ko andito ka sa unit nyo..

Jas: Nagsabi ako

Jas: Hahatid ko

Jas: 15 mins

Lu: Wala ka sinabi sa Yishun.. kaya nagtataka ako.. ihahatid housemate?

Jas: Lapit na me

Jas: Galit ka?

Lu: May karapatan ba ako magalit? Di ba sabi ko take ur time..

Lu: May effect ba sayo kung magalit ako?

Lu: Almost 30mins na..

Jas: Inside Mrt

Lu: Kala ko nagCab ka?

Jas: San ka?

Apat na oras nag-intay si Lucifer sa usapang tagpuan nila ni Jasmin. Nalaman din ni Lucifer na kaya ito na late ay dahil nakipagswimming pa ito sa Condo nang ex-housemate n’ya kahit alam nitong nag-iintay na si Lucifer sa tagpuan nila. Ang sinabi nitong maliligo sa mensahe ay swimming pala. Ang dahilan lang na sinabi ni Jasmin ay…

Jas: Girlfriend hindi dapat tanggihan, di ba?

Lu: Ha? Kanino mo natutuhan ‘yan? Jas, nag-commit ka. Ikaw nagset nitong lakad na ito.

Jas: Pwede ka naman maglalakad-lakad sa Mall habang intay sa akin. At pinapauna na kita, ayaw mo.

Lu: Jas, sinabi ko sa’yo homebody akong tao. Di ako naglalaboy kung walang nag-aaya sa akin. Ikaw ang pinuntahan ko.

Jas: Si Christopher nga 5 oras pa.

Lu: S’ya yun. Nililigawan ka. Ano ba ta’yo?

Jas: Friend.

Lu: Ganyan ginagawa mo sa friend mo?

Jas: …

Lu: Eh, bakit magkahawak kamay ta’yo?

Jas: Landi. Hehehe!

Parang tanga si Lucifer na hindi n’ya alam kung ano meron sila ni Jasmin. Pag tinanong n’ya si Jasmin ay puro paiwas ang sagot nito at “special friend” lang daw n’ya si Lucifer, ok naman ito kay Lucifer. Pero pag magkasama sila hindi masasabing magkaibigan lang sila. Dahil perming naka-holding hands sila habang naglalakad at masayang naghaharutan na kala mo mag-girlfriend at boyfriend.

Ilang beses na rin sila napagkamalang ikakasal. Una, nang naglibot sila sa isang mall at may nadaanan silang wedding boutique. Inalok sila nang package at sinakyan nila pareho ito. Matagal silang naglagi doon at kausap ang wedding planner. Pangalawang pagkakataon ay noong nagpalagay nang eyelash extension si Jasmin bago ang kaarawan nito (ang landi). Kala nang attendant ay para sa nalalapit nilang kasal.

Madalas rin ihatid o sunduin ni Lucifer si Jasmin sa pinagtatrabahuhang clinic nito. Lumalabas sila at kumakain sa mga gustong kainan ni Jasmin, sa lahat nang pagkakataon na ito si Lucifer ang gumagastos at nagbabayad. Ang masakit ay nagdadasal at nagpapasalamat si Jasmin kay Lord kada kakain sila pero kay Lucifer, never itong nagpasalamat. Madalas din may kausap ito bago o habang kumakain either family n’ya, anak o si Christopher ang boyfriend n’ya. May pagkakataon nag-lunch sila sa Saap Saap Thai sa Changi Airport Terminal 3 at nag-order sila nang paborito nitong Beef Tendon.

Jas: Wait. Usog ka onti. Wag ka maingay. Si Christopher tumatawag. (Videocall)

Nasa kanan ni Jasmin si Lucifer, hawak nito ang phone (sapat na hindi makita si Lucifer sa screen nito) sa kaliwang kamay at hawak naman ng kanan nito ang kaliwang kamay ni Lucifer. Nang sumubo ito nang pagkain ay nilapag ang kamay ni Lucifer sa kanang hita nito. Automatiko naman humimas doon ang kamay ni Lucifer habang kumakain. At paglibre na ulit ang kanang kamay ni Jasmin ay muli nitong hahawakan ang kamay ni Lucifer na humihimas sa kanyang hita.

Jas: Babe! Maya na tayo usap hindi ako makakain maayos.

Chris: Sige, Babe. Bye! Love you!

Jas: Bye! Love you!

At end na nga ni Jasmin ang videocall nila ni Christopher. Lucifer feels sorry for Christopher. Walang kaalam-alam na harap-harapan s’yang niloloko ni Jasmin.

Lu: Buong gabi na kayo magka-videocall pati ba naman lunch?

Jas: Opo. Kahit pag nasa clinic ako alam n’ya oras nang lunch ko. Sinasabayan n’ya ako.

Lu: Hindi n’ya alam magkasama ta’yo, di ba?

Jas: Hindi.

Lu: Ano sabi mo?

Jas: Lunch out. Alam naman n’ya paborito ko ito.

Lu: Kala ko di ka nagsisinungaling?

Jas: Hindi nga.

Lu: Ano tawag mo d’yan?

Jas: White lies. Hehehe!

Ilang beses na rin nagpunta si Jasmin sa bagong unit ni Lucifer. Dahil ginagalang at pinahahalagahan ni Lucifer si Jasmin, walang sexual na nangyayari sa kanila. Puro hugging, kissing at petting lang at de-oras ang mga ito. Pinaglulutuan, minamasahe ni Lucifer si Jasmin at mag-iinom sila ng paborito nitong Soju (Green Grapes Flavor). Nagpunta rin si Jasmin noong birthday celebration si Lucifer. Muli hindi nagpahatid pauwi si Jasmin at walang mensahe after kung okey ba itong nakauwi. Lagi lang dahilan ni Jasmin ay wala s’ya sa mood.

Kung ano-ano rin ang mga binibigay ni Lucifer kay Jasmin. Lalo na sa mga occasion like birthday nito at Christmas. Pero madalang pa sa ulan kung magpasalamat o magsorry ito. May pagkakataon na suot na nito ang hikaw na bigay ni Lucifer ay hindi pa ito nagpapasalamat. Kaya lahat nang nakakaalam nang situation nila ay sinasabing ginagamit lang ni Jasmin si Lucifer. Para naman kay Lucifer ay walang gamitang nangyayari. Sadyang generous lang s’ya at masaya s’yang, napapasaya si Jasmin sa mga ginagawa at binibigay n’ya dito. Pagkakakilala ni Lucifer dito ay isang proud, spoiled at self-centered woman.

Minsan ay pinagamit ni Lucifer ang kanyang credit card kay Jasmin para bumili nang bagong cellphone (Iphone 12 Pro Max). Sa pangakong babayaran ni Jasmin si Lucifer kada sweldo nito. Kahit may onting pag-aalangan ay pinagamit ni Lucifer ang kanyang credit card. Nag-aalangan s’ya dahil pauwi na itong si Jasmin nang Pinas at pa-Canada na pero alam n’yang babayaran s’ya nito dahil walang paltos ito sa gawain at pag-attend sa Church. Ngunit…

Lu: Tapos na ulit papel ko sa buhay nya.. Kaya basura na ulit si ako. tsk!

Lu: Di ko man lang narinig o nabasang magpasalamat eh.. Grabe..

Lu: Tapos sabihin nya friend kami..

Lu: Ambait eh..

Jas: Thank you

This really frustrates Lucifer and he burst. Para kay Lucifer insulto na sa kanya ang pagpapasalamat nito dahil parang hindi sincere, masabi lang nagpasalamat. Bukod pa sa wala itong pakialam sa kanyang effort at oras na inuukol dito, feeling n’ya ay isa s’yang basahan na kung kailan lang s’ya kailanganin ni Jasmin ay saka lang maalala at any time ay pwedeng i-dispose. Para kay Lucifer sobra na ang kabastusan ni Jasmin sa kanya.

Lu: This is it.. Sorry.. I quit..

Lu: Bigay mo na lang sa akin ung phone.

Jas: Aww

Jas: Why

Jas: Overnight mind changer ka naman

Lu: Nope.. di ako tulad mo..

Lu: Sorry. ayaw ko na magsalita unnecessary words.

Nagkita sila para ibigay ni Jasmin ang phone kay Lucifer.

Lu: Out na?

Jas: Yup

Jas: Otw

Jas: So? San ka na?

Lu: Wait.. Nagpark ng bike

Lu: Kung gusto mo magSaap Saap Thai magtap-out ka..

Jas: Libre mo?

Lu: Lagi naman

Hindi natapos sa simpleng dinner ang gabing iyon. Nagbike pa sila sa eastcoast at humirit pa si Jasmin mag-dessert sa Awfully Chocolate. Sa mga oras na magkasama sila walang tanong si Jasmin at walang napag-usapan bakit na frustrate si Lucifer. Walang “sorry” narinig si Lucifer…

Lu: Sorry..

Lu: Thank you for the wonderful memories

Lu: Always take care

Jas: Nu meron

Jas: Thank you

Lu: Mr. Epal – sign off

Mr. Noone – sign off

Mr. PayForme – sign off

Jas: Cge po.