1. Home
  2. Stories
  3. Time Machine - Prologue ( Original Story ) by TOYANTZ
PSErotica

Time Machine - Prologue ( Original Story ) by TOYANTZ

By supertoyantz ·

Prolouge

Maliwanag ang sikat ng araw ng magmulat ako ng mga mata… Medyo masakit pa ang ulo dahil sa ininom naming alak ng mga tiyuhin ko..

Nag- inat ako ng katawan.. Kinusot ko ang mga mata ko upang alisin ang muta..Parang tuyong tuyo ang mga labi ko…

"Tangna talaga… dapat di na ako uminom." wika ko sa sarili ko..

Napilitan lang akong sumali sa inuman ng mga matatanda dahil sa nakantyawan ako ng isa kong tiyuhan… Uhuging totoy daw ako.. Naturingang laki ako sa Maynila, eh napakahina ko raw pagdating sa alak.. Panu na lang kung may makainuman akong babae at nasaling ako.. Malamang na pikot daw ang mangyari sa amin..

Pinilit kong tumayo kahit masakit pa ang mga kasu-kasuhan ko.. Bakasyon ngayon.. Nandito ako sa bahay ng lola ko.. Ancestral house na nga kung maituturing ito dahil sa may kalumaan na.. Pero sa kabila ng kalumaan ng panlabas na anyo nito.., batid kong matibay ang pundasyon ng malaking bahay na ito na pagmamay- ari pa daw ng ninuno namin..

Nakakatawa nga ang kwento ng Lola ko.. Old big house daw ang tawag sa bahay na ito.. Kadalasan na kapag may naliligaw daw na bagong salta dito sa baryo nila at mapadaan sa tapat ng bahay sa gitna ng gabi.. Iisipin daw ng mga ito na may lalabas na kung anung maligno o halimaw dito..

Naglakad ako papuntang banyo.. Nakahubad baro lang ako.. Maalinsangan kagabi kaya naghubad na ako… Idagdag pa ang tama ng alak sa katawan ko kaya naman parang talagang nagbabaga ang pakiramdam ko..

Naghilamos ako at nagsepilyo.. PAgtapos nito ay dire diretso na akong naligo… Matapos kong makapagbihis ay nuon ko lang naramdaman ang pag aalburuto ng sikmura ko.. Waring nagmumura na ito dahil sa gutom.. Nagpasya na akong lumabas ng kwarto ko..

Tahimik ang paligid… Hile hilerang kwarto ang madadaanan mo bago ka makarating sa malaking hagdan.. Makalumang disenyo ang bahay na ito… Malalaki ang kwarto na sadyang ginawa dahil sa may kaya ang pamilya ng ninuno nila Lola… Tinahak ko ang daan papunta sa kusina.. Naamoy ko ang bango ng tinustang bawang..

"Magandang umaga iho.." bati ng matandang katiwala ni Lola..

Ngumiti ako at bumati na rin.. Mula pa pagkabata ko ay kasambahay na ni Lola ang mag asawang ito.. Si Nanay Teresa at ang asawa nyang hardinero dito na si Tatay Bart…MAbabait ang mag asawang ito kaya parang magulang na rin ang turing ko sa kanila..

"Gandang morning Nay..Anu yan?.." tanong ko sa kanya sabay usisa sa mga nakahain na..

"Sinangag, tortang talong, bagoong at daing yan… Mamili ka na lang … Titimplahan na kita ng kape o kaya gatas… Anu na ba gusto mo?.. " tanong nya sa akin..

"Ako na po Nay… Gatas pa rin ako.. The best ang gatas dito.." sabi ko.. Totoo iyon.. MAy mga kambing na alaga si Lola Francheska.. dito sila kumukuha ng sariwang gatas tuwing umaga..

Tahimik akong nagsalin ng gatas… Umupo ako sa dulong kanan ng lamesa.. Dito ang pwesto ko talaga mula pa pagkabata… KAtabi ko si Lola..

"Nay.. Si Lola po?.." tanong ko sa kanya sa pagitan ng pag nguya.

"Ah… Nandun pa rin sa kwarto nya.. Kanina pa sya tapos mag almusal…" kwento ni Inay Teresa..

Nagpasya na akong tapusin na agad ang almusal ko.. Dali dali ko itong hinugasan sa kabila ng pagpigil sa akin ni Inay Teresa..Nginitian ko lang sya at hinalikan sa nuo..

Pasipol sipol pa akong bumalik sa malaking hagdan.. Umakyat ako muli at tinahak ang kwarto ni Lola… Nasa bungad lang ito.. Katapat ng kwarto ko..

"Tok Tok Tok.. Tao poww.." sabi ko ng pakwela..

Di na ako naghintay ng sagot at agad na akong pumasok… Nakita kong nakaupos si Lola sa terrace nya.. Nakaharap sa malawak nilang taniman ng mangga..

"Kamusta ang tulog mo apo?.." tanong ni Lola ng di tumitingin sa akin..

"Oks na Oks La..Kaw?.." malambing kong tanong..

Agad akong pumwesto sa likod ni Lola.. Hinalikan ko ang buhok nya at niyakap ko sya..

"Kow.. Ganun parin..Buti naman at naalala mo pa na pumasyal dito?.." sabi ni Lola na may himig pagtatampo..

"Sus.. Grandma talaga.. Nagtatampo na naman.. Alam nyo naman na busy ako sa pag aaral.. Graduating na ako ng Engineering .. Last Year ko na po ito Lola!.." excited kong balita sa kanya..

"Alam ko naman apo.. Mag aral kang mabuti.. Alam mo na sa lahat ng kayamanan sa mundo.. Yan ang tanging di mananakaw sa yo.." pangaral ni Lola at masuyong ginulo ang buhok ko..

Naguumapaw ang pagmamahal ko kay Lola.. Masyadong abala sa trabaho ang mga magulang ko.. Di ko natandaan na nagkaroon kami ng bonding time sa isat isa.. Isang sikat na Engineer din ang Daddy ko.. samantalang si Mommy ang sekretarya nya.. Lagi silang nasa field.. Kasama ko sa araw araw ang yaya ko..

"Yung Mommy mo at Daddy mo.. Di ko na maalala kung kelan sila huling bumisita.. " talagang nahihimigan ko na ang pagtatampo sa boses ni Lola.. Niyakap ko sya ng mas mahigpit..

"Busy rin kasi sila sa work Lola.. " pagtatakip ko.. MAging ako ay nakakaramdam awa para kay Lola at hiya para sa mga magulang ko..

"Sus.. Aanhin nyo ang yaman nyo?.. Di nyo naman madadala yan sa kabilang buhay…Kita mo ako?.. Anung nagawa ng yaman ng Lolo mo.. Madadala ko ba ito sa pagpanaw ko?.. " seryosong tanong ni Lola..

"Lola!.. What are you talking about..? Don't say that!.. Napakalakas nyo pa o!.. Sus naman!." nanlalaki ang mga mata ko sa mga tinuran ng Lola ko… Ito ang nag iisang kakampi ko kaya kahit katiting na ideya tungkol sa mga ganoong bagay ay di ko iniisip..

"Hay nako.. Ito talagang batang ito.. Dadating at dadating ang panahon na yon.. Matanda na ako.. Ang kamatayan ay parte ng buhay apo…" sabi ni Lola na parang natural lang ang mga sinasabi nya..

Nagpasya akong ibahin na lang ang usapan.. Humila ako ng isang bangkito at umupo sa tabi ni Lola.. Hinilig ko ang ulo ko sa mga hita nya.. Marahan nya namang hinahaplos ang buhok ko.. Sa mga ganitong pagkakataon ay parang napakapayapa ng buhay… Masaya kaming nag kwentuhan ni Lola.. Tila di namin alintana ang oras..

Matapos ang tanghalian ay nagpaalam si Lola na mag sisiesta muna.. Hinatid ko sya sa kwarto at hinayaan ko ng makapagpahinga.. NAnatili lang ako sa tabi nya at nagbabasa ng pocketbook.. Yung luma pa..Koleksyon ni Lola..Matapos kong basahin ang mga ito ay di pa rin ako nakaramdam ng antok.. Nagpasya akong mag libot libot muna..

Naglakad lakad ako sa buong bahay… Abala ako sa pagmamasid sa paligid.. Puno ng masasayang alala ng kabataan ko ang bawat kanto ng bahay na ito… Sa paglalakad ko ay nakarating ako sa basement ng mansyon.. Naalala ko ang lugar na ito.. Matigas ang pagtanggi ni Lola nuon na maglaro kami dito.. Bagay na di ko binibigyan ng pansin dahil sa bata pa naman kami.. Marami daw multo sa parteng ito ng bahay kaya kahit na curious ako ay di ko na pinasyalan ang parteng ito ng bahay..

Pipihit na sana ako pabalik ng parang may kung anung pwersa ang nagtutulak sa akin para babain ang basement… Di ako natatakot.. Sa isip sip ko.. Bakit magkakaruon ng multo ang bahay na ito ni Lola at Lolo?..Moderno na ang panahon ngayon..

Nagpasya akong babain ang makitid na pasilyo papunta sa nag iisang pinto tungo sa basement.. Isang paikot na hagdan ito at medyo maliit lang.. Mahihirapang magsalubong ang dalawang tao..

Sa pagtahak ko ng hagdan ay parang napapaisip na ako..

"Bakit parang ang haba?.." tanong ko sa sarili ko..

Inabot ata ako ng dalawang minuto sa pagbaba pa lang sa hagdan..Naramdaman kong parang lumalamig ang paligid… Nakapagtataka dahil kanina lang ay halos murahin ko na ang araw dahil sa alinsangan..

Sa wakas na abot ko ang pinto ng basement..Pinihit ko ang doorknob at nanalangin na sana ay bukas.. Mukhang dininig ng tadhana ang dasal ko at napihit ko ang seradura.. Dahan dahan kong ibinukas ang pinto.. Hinahanda ko na ang sarili ko sa maaring makita ko.. Baka may multo nga.. At least prepared ako.

Nabuksan ko na ng kalahati ang pinto.. Napakadilim.. Nakakatakot ang kadiliman na tumambad sa paningin ko..Dali dali kong sinarang muli ang pinto at patakbong umakyat sa itaas.. Napakahaba talaga ng hagdan.. Muli kong naramdaman ang alinsangan ng panahon.. Di ko na ito pinansin at dali dali na akong nag punta sa kusina para kunin ang emergency light nila Lola..

Agad akong bumalik sa basement.. Malamig na naman pagdating ko sa tapat ng pinto.. Hinayaan ko na lang ito at sinindi ko na ang ilaw.. Dahan dahan ko muling binuksan ang pinto.. NAghahanda na ako sa nakakatakot na maaaring masaksihan ko..

Pagbukas ko ng pinto at natawa ako sa sarili ko.. Tanging mga lumang kagamitan lamang ang laman ng basement.. Napapailing na lang ako at diretso ng pumasok.. Hinanap ko kung may ilaw at nakakita naman ako.. Maliit na bumbilya lamang ito pero sapat na para maliwanagan ang buong kwarto..

Halos atakihin ako ng asthma dahil sa alikabok ng kwarto.. Napansin ko ang mga lumang kagamitan.. Malamang na pagmamay ari nila Lola at Lolo ang mga ito.. Nakakaaliw ..Nanlaki ang mga mata ko ng makakita ng lumang baril.. Agad ko itong hinawakan at nag kunwari akong gwardya sibil.. Tatawa tawa pa ako habang pinaglalaruan ko ang mga lumang parapernalyas nila Lola..

Natigil ang paglalaro ko ng mapako ang mga mata ko sa isang nakatakip na bagay.. Agad ko itong nilapitan at inalis ang tabing.. Nakapagtataka ang itsura nito.. PArang may kung anu sa bagay na ito..

May maliit syang upuan at sa harap nito ay may mga numero…

"Anu naman ang isang ito?.." tanong ko..

Napansin ko ang mga numero.. Ito ang eksaktong petsa ngayon..Nakaktawa… Para palang kalendaryo ito eh..

Pinagpag ko ang maliit na parang upuan at naupo..

"Hmm… 05 - 15 - 2012" ito ang eksaktong nakalagay sa parang kalendaryo.. Napansin ko ang katabi nito na parang kambyo sa slot machine..

Nakatuwaan kong kalikutin ang parang petsa at baguhin..

" Hmm.. Ah eto birthday ko.. 12 - 10 - 1990 " sabi ko sa sarili.. Wala namang nagbago.. Hinatak ko ang parang kambyo pababa.. Nagulat ako pagkat umikot ang mga numero.. Bumalik ito sa petsang inilagay ko..Nakaramdam ako ng pagkahilo.. Sa takot ko ay napatayo ako.. DAli dali akong lumabas at nagtatakbo sa itaas..

Hinihingal ako ng makarating sa pinakadulo ng hagdan… Huminto muna ako at huminga ng malalim..Natatawa ako pagkat parang tinatakot ko lang ang sarili ko.. Hahakbang na sana ako pabalik ng bahay ng makarinig ako ng di pamilyar na boses.. Parang nag kakagulo sa itaas ng bahay kaya dali dali akong lumabas ng basement at tinahak ang hagdan..

Napahinto ang paghakbang ko ng makarating ako sa tapat mismo ng hagdan.. Nasa itaas ang isang babae.. Buntis ito.. Hawak hawak sya ng isang lalaki sa braso at inaalalayang bumaba..

"Ismeeellllll.. Manganganak na akoooooo…!.." palahaw ng babae.. Nataranta lalo ang lalake at dahan dahang ibinababa ang babae sa matarik na hagdan..

NAgtama ang mga mata namin ng lalake.. Di ko alam kung sino sa amin ang mas nagulat… Sya ba o ako.. Naalala ko ang pangalan na binanggit ng babae.. Parang pamilyar ito.. Muli kong tinitigan ang lalake at maya maya ang babae…

"Ismaeeeelll.. !.." sigaw ng babae… Lalong nataranta ang lalaki at di na ako pinansin..

"Konti na lang Lourdes mahal.. Andyan na ang kotse.. Dahan dahan.." halos maiyak na rin ang lalake sa nerbiyos..

Natulala ako sa sinabing pangalan ng lalake.. Pamilyar talaga ang mga ito pati na ang mga pangalan..Maya maya nakarinig ako ng isa pang boses sa itaas ng hagdan..

"Anu ba Ismael.. Dalian mo at manganganak na ang asawa mo!.." sabi ng matandang babae … Nagulat ako at halos manginig ang tuhod ko.. Kitang kita ko si Lola Francheska sa itaas ng hagdan.. Mas bata lang ito.. Pero nakatitiyak ako na sya nga ito..

Sa gulat ko ay di ko malaman ang gagawin ko.. Maging ang matanda ay nagulat ng magawi ang tingin nya sa akin…Sa nerbyos ko at napatakbo ako sa gawi ng kusina.. Nagulat ako pagkat ibang iba ang pagkakaayos nito.. Sumiksik ako sa pinakadulo ng lamesang kainan… Nanginginig ang katawan ko.. Pawis na pawis maging ang singit ko.. Muli kong pinagmasdan ang paligid.. Tumama ang mga mata ko sa maliit na parang greeting card sa tabi ng mga lagayan ng kaserola.. Agad ko itong dinampot.. Sulat pala ito.. Galing sa nag ngangalang Teresa!.. Nagulat ako pagkat ang nilalaman ng sulat ay pag papaalam na magbabakasyon muna para palipasin ang pasko sa piling ng pamilya nito!..

Pasko?.. Eh kalagitnaan ng buwan ng Mayo!.. Halos mahilo na ang utak ko sa kakaisip,.. Pilit akong nag hahanap ng sagot sa pangyayaring ito.. Napansin ko ang parang maliit na bulletin board sa tabi ng malaking ref na parang tokador na.. Kalendaryo ito at may bilog ang mismong petsa ng birthday ko.. Putsa!..Sa nakita ko ay parang nanlambot ang mga tuhod ko.. Napaupo ako sa sahig…

Gulong gulo ang isip ko.. Di ko malaman kung ano ba ang napasukan ko.. Muli kong tiningnan ang maliit na kalendaryo… Sa pag asang naduduling lamang ako.. PEro hindi ito nagbabago…Nanlalaki pa rin ang mga mata ko..Tulala lamang ako nakatingin..

Sino ba naman ang di matutulala..?..

Ang mismong petsa na nakalagay sa kalendaryo at ang mismong petsa kung kelan ako ipinanganak.. Unti unting pilit kong isinisiksik ang ideya na dumadapo sa utak ko.. Di ko talaga mawari ito..

Nagbalik ako sa panahon.. Bumalik ako kung kelan ako ipinanganak ng Nanay ko.. Ang mga tao kanina ay ang mga magulang ko at si Lola Francheska!..

Halos mabaliw ako sa pagpasok ng reyalidad sa utak ko.. Sa dami ng iniisip ko parang nagdilim na lang ang paligid.. Unti unti na akong nilamon ng kadiliman..

Bumagsak ako sa sahig..

ITUTULOY !!!!