1. Home
  2. Stories
  3. The Mysterious Cellphone (2): Bagong Bida (Non-erotica)
PSErotica

The Mysterious Cellphone (2): Bagong Bida (Non-erotica)

By w_dummy ·

Trigger warning: this work of fiction contains themes not suitable for traumatized audiences; separate reality from fiction. (Ang sulating kathang-isip na ito ay naglalaman ng mga temang hindi angkop para sa mga na-trauma na madla; atin pong isaisip na hiwalay ang katotohanan sa gawa-gawa.)

Ang isang payat na lalaki ay nakatayo sa harap ng isang whiteboard na puno ng mga sulatin at diagram.Gamit ang kanyang mga daliri, sinuklay niya paitaas ang magulo niyang buhok na kulay-kape upang ayusin.

Ang tahimik na silid, na may lamang mga istante na puno ng mga librong mayroong magkakaibang intelektuwal na kasulatan, ay nakakatulong sa lalaki na makapag-isip ng malinaw. Ang mga dingding ay pinalamutian ng mga picture frames: bawat isa dito ay naglalaman ng excellence award or kaya naman ay certificates / awards. Lahat ng awards na nakamit ng payat na lalaki mula sa kindergarten hanggang sa pagtatapos ng pag-aaral ay makikita. Sa isang sulok ng silid, mayroong isang walk-in closet na puno ng mamahaling damit at mga aksesorya, ang mga ito ay pangbihis semi-pormal hanggang sa pormal.Ang buong silid ay tila ba pisikal na anyo ng personality ng taong nagmamay-ari nito:overachiever, maluwalhati, at wasto.

May pagkatok sa pintuan na gumambala sa pagiisip ng lalaki at may boses ng babae na maririnig mula sa labas na nagsasabing, "Bryt, tutuloy ka ba sa lakad mo bukas?"

"Oo, 'nay. Nga pala, wag niyo po muna ko istorbohin," sagot ng payat na lalaki.

"Okay, sorry, anak!" Malambing na tugon ng nanay.

Nag-iisang anak si Bryt ng mayamang pamilya at may pagka spoiled, pero mabait at masipag naman siyang anak. Ang kanyang ama, Filipino-Japanese ay retiradong office worker sa isang kilalang kumpanya sa buong mundo, at ang kanyang inaay dating pulis na mataas ang ranggo. Ngayon, nabubuhay na lang ang mag-anak sa benepisyo at investments na binuno nila sa pagsisikap.

Sosyal pa din, pero simple, ang kanilang pamumuhay; kalkulado ang bawat labas ng pera.Kung ang ibang mayamang pamilya ay naghahapunan sa mamahaling restawran, ang pamilya Yagami ay mas pipiliin na bumili ng sahog mula sa malapit na mall, umuwi, at tulong-tulong na magluto ng masarap at malusog na hapunan. Isa na rin itong paraan para makapag-bonding sila. Wala silang katulong o drayber, sapagkat natutunan nilang gawin para sa sarili ang mga bagay-bagay.

Tiniklop ni Bryt ang kanyang mga braso at inilagay ang kanyang mga daliri sa kanyang baba habang nag-iisip ng malalim at binabasa ang nakasulat sa whiteboard. Makalipas ang ilang minuto, ngumiti siya at tumingin sa isang sulok ng kwarto.

"Right, there's no reason para hindi gumana yung plano ko," bulong niya sa sarili.

Sa sulok na iyon ay may mesa kung saan may nakapatong na laptop at naka wireless connection dito ang misteryosong cellphone.

Habang naglalakad si Bryt papunta sa mesa, inalala niya ang pinakamahalagang rule ng cellphone: "Sa oras na maramdaman ng cellphone na nakuha na ng may-ari ang kanyang gusto, isang buong linggo siya nitong sisingilin. Hindi siya makakagalaw, hindi niya maipipikit ang mata niya, maninigas ang buong katawan niya, at bibiyakin ang ulo sa sobrang sakit. Tuloy-tuloy ito sa loob ng isang linggo at walang kahit isang segundong pahinga. Isang linggong impyerno, kapalit ng panandaliang ligaya."

Lalong lumawak ang ngiti ni Bryt. "Fools. There's nothing I can't outsmart. Not even that stupid rule. Tanga ka lang, Quimson," bulong ni Bryt sa sarili, habang inaalala ang dating may-ari ng cellphone na ngayon ay pumanaw na.

Nilapat ni Bryt ang mga kamay sa keyboard ng isang laptop.

Ang laptop at ang phone ay connected sa iisang Wi-Fi network at na-configure ni Bryt upang ang screen ng telepono ay kita mula sa laptop. Malinaw dapat na maintindihang hindi kinokontrol ni Bryt ang screen ng cellphone mula sa laptop, bagkus, ang command sa laptop ay "ipinapasa" sa cellphone.

Mayroon isang app sa laptop kung saan ilalagay ni Bryt ang utos. Babasahin ng laptop ang utos, at sa halip na simpleng i-copy/paste ang utos, manwal na isusulat mag-isa ng laptop ang utos doon sa screen ng cellphone.

Naisip ni Bryt ang ganitong configuration, upang makilala ng phone na ang "may-ari" nito ay hindi tao, dahil ang utos ay hindi galing sa taong may hawak ng phone,sa halip ay galing ang utos sa laptop.

Dahil dito, mababaliwala ang rule ng cellphone na parurusahan nito ang gumamit nito.

Natural namang hindi pisikal na nakakagalaw mag-isa ang laptop - halimbawa, hindi naman nito kayang mag-isang isara ang lid nito - kaya naman baliwala ang parusang hindi makakagalaw ng pisikal ang "may-ari".

Wala ring "mata" ang laptop para "hindi maipikit", pinakamalapit na nito ay ang camera at screen, ngunit ito ay hindi "mata". Wala rin itong "katawan" o "ulo" na pwedeng "manigas" at "biyakin sa sobrang sakit" dahil hindi naman nakakaramdam ng pisikal na sakit ang laptop - ito ay makina at hindi buhay na nilalang.

Nautakan na ni Bryt ang rule na ito, mayroon na lamang isa pa: "Rule 1: The person whose photographed by this phone shall be under the owner's control."

Base sa utos na ito, napagtanto ni Bryt na hindi gagana kung mag-download ng picture ng tao sa phone, i-upload, at bigyan ng utos ang tao sa larawan. Hindi rin maaaring mag-screenshot ng larawan na nai-download lang. Base sa utos, kailangan talagang ang phone ang makakuha ng litrato.

Kaya naman naisip ni Bryt na ilagay at isandal ang phone sa isang phone stand, kung saan ang camera nito ay nakaharap sa pader. Hindi man gagana ang pag-download ng picture o pag screenshot, gagana marahil kung maglalagay siya ng litrato ng tao sa harap ng camera at saka kukunan ito ng litrato.

Ngunit, lahat ng configurations na ito ay hindi pa tunay nasusubukan at napapatunayan kung gagana. Ito lamang ang resulta ng mabusising pagpaplano ni Bryt at patungkol sa mga ito ang diagram na kanina ay tinitignan niya sa whiteboard.

Alam ni Bryt ang panganib na pinapasok niya kung sakali mang hindi ito gumana, ngunit isa siyang taong ayaw nagpapatalo sa patalinuhan. Para sa kanya, ang phone ay isa lamang puzzle na kayang i-solve at isang batas na kaya niyang hanapan ng butas para mapaikot ayon sa kanyang kagustuhan.

Kaya naman, habang nakaharap si Bryt sa laptop, nawala ang kanyang ngiti at napalitan ng kaba.

May isa pa siyang app na binuksan sa laptop. Ang app na ito ay isang accessibility app na si Bryt mismo ang nag program. Built-in dito sa app ang artificial intelligence na pasadyang binayaran at pinagawa ni Bryt sa kanyang kaibigang lider ng sindikato: ang misteryosong si W, kilala niya na palaging kumakawawa sa kababaihan tuwing Araw ng Paglilinis.

"Aileen," bigkas ni Bryt sa mic ng laptop. Ito ang command para ma-activate ang AI.

"You called, sir?" sumagot ang AI, pangbabae ang boses nito.

"Show phone-screen-projection.exe," sagot ni Bryt.

Nag-isip ang AI at naintindihan nito ang command. Automatic nitong binuksan ang app na nagpapakita sa screen ng phone.

"Take a picture," utos ni Bryt. Naintindihan na naman nito ng AI, at mag-isang pinagalaw ng AI ang mouse pointer ng laptop para itapat sa "Capture" button ng camera ng phone at pindutin ito.

Napangiti si Bryt. Tagumpay niyang kayang utusan ang AI para itong software na ito ang kukuha ng litrato at hindi mismo ang sarili niyang daliri, trackpad o mouse ng laptop, bagkus ang pagkuha ng picture ay gawa ng AI software, na ito namang sumusunod lamang sa utos ng isang nabubuhay na tao. Sa ganitong paraan, makikila dapat ng phone na AI software ang kumuha ng litrato at hindi nabubuhay na tao na kaya nitong parusahan.

Parang nabunutan ng tinik si Bryt. Lalo siyang nakumbinsing sa pamamagitan ng app na may kakayahang manwal na mag type ng utos sa phone at itong AI na kayang kumuha mag-isa ng litrato, ay kaya niyang abusuhin at gamitin ang phone ng hindi napaparusahan nito at hindi kinikilalang "may-ari".

Lumabas saglit ng kwarto si Bryt para mabilisang kunin ang photo frame sa sala na may lamang picture ng kayang ama at ina. Dinala niya ang litrato pabalik sa kanyang kwarto at itinapat ito sa harap ng camera ng phone.

"Okay… first actual testing if it can control a person ba talaga ng hindi ako nasasaktan. Hope I don't die!" isip ni Bryt sa sarili, magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman.

"Aileen."

"Take a picture."

Automatic muling ginalaw ng AI ang mouse pointer. Tumapat ito sa "Capture" button muli ng phone, at pinindot.

"Okay… fuck," tinitigasan ni Bryt ang kanyang loob.

Binuksan na ngayon ni Bryt ang app kung saan siya dapat mag lagay ng utos. Nag type si Bryt doon, "They will both enter their son's room, stand in the middle of the room, spin three times, jump two times, and then exit the room. Upon exiting the room, they will return to what they were previously doing and never ever will have any memory of these commands. Once the sentence before this is accomplished, they are free of my control until I enter another command."

Lalong bumilis ang takbo ng puso ni Bryt habang pinapanood niya ang manwal na pag type ng laptop sa mga letra na ito doon sa screen ng phone.

"THEY WILL BOTH ENTER THEIR SON'S ROOM…"

Umalog-alog ang doorknob ng pintuan ni Bryt. Nakita niyang bumukas ang kanyang pinto at pumasok ang mga magulang sa kanyang kwarto.

"STAND IN THE MIDDLE OF THE ROOM…"

Walang emosyon sa mukha ng kanyang mga magulang habang ang dalawa ay pumwesto sa gitna ng kwarto.

"SPIN THREE TIMES…"

Sabay na sabay ang mga magulang niyang umikot ng tatlong beses.

"JUMP TWO TIMES…"

Matapos umikot ay sabay din tumalon ng dalawang beses ang mga magulang niya.

"AND THEN EXIT THE ROOM…"

Matapos tumalon, sabay naglakad palabas ng kwarto ang mag-asawa.

"UPON EXITING THE ROOM, THEY WILL RETURN TO WHAT THEY WERE PREVIOUSLY DOING…"

Pinanood ni Bryt ang mga magulang niya na walang ka-imik-imik at emosyon na bumalik nga sa kanilang mga ginagawa bago masailalim ng mga utos. Sinundan niya ang kanyang nanay pabalik sa garden at itinuloy nito ang pagdilig sa mga halaman na tila walang nangyari.

"AND NEVER EVER WILL HAVE ANY MEMORY OF THESE COMMANDS…"

Lakas loob na lumapit si Bryt sa kanyang ina at nag tanong, "Ma, ano po ginawa mo sa kwarto ko?"

Napakunot-noo ang kanyang nanay at sumagot, "Huh? Ahh! Tinatanong ko lang kung tuloy ba lakad mo bukas. Sorry, did I disturb you, nak?"

Nanlaki ang mga mata ni Bryt na gumana ang mga utos niya. Ang huling naalala ng nanay ay ang pagpunta nito sa kwarto kanina at hindi ang pag-ikot at pagtalon. "Ah… hindi naman po, ma, I'm okay!"

Sumunod ay pumunta siya sa kanyang tatay. Tinuloy nito ang paglilinis ng kotse. "Dad, bakit ka po pumunta sa kwarto ko para tumalon at umikot?"

Napatitig ang tatay ni Bryt sa kanya, walang emosyon sa mukha nito. Medyo matagal ang pagtitig. Unti-unting kinakabahan si Bryt sa bawat segundo na para bang sobrang bagal lumipas.

"Dad?" kabadong tanong ni Bryt. "… dad? Dad!" Tuluyan ng natakot si Bryt at sa sobrang kaba ay sinampal ang kanyang ama upang "magising".

"Aray!" sigaw ng kanyang ama. "Ano ba yun?!" pagalit na reklamo ng ama.

Nakanganga si Bryt sa pagkagulat at pagkalito. Akala niya ay may kung anomang nangyari at hindi bumalik sa normal ang kanyang ama. "Dad? Bakit ka pumunta po sa kwarto ko para tumalon? Bakit ka po nakatitig sakin?" muling pag tanong ni Bryt para makasigurado.

Natatawang-naiinis ang tatay ng sumagot, "I was thinking kasi kaya ako nakatitig! Trying to figure out ano sinasabi mong pumunta ko sa kwarto mo at tumalon?"

Dito muling nakahinga ng maluwag si Bryt at medyo natawa na sa pangyayari. "Ay, hindi wala, dad… de, wala, prank lang yun sa TikTok po. Yung magtatanong ka ng random sa parents mo po, wala sorry!" Awkward na palusot ni Bryt habang natatawa-tawa at lumalakad palayo.

"Maka sampal ng sariling ama, aba!" pabirong sabi ng kanyang tatay.

"Sorry na, kala ko inaatake ka po kasi sa puso! Or may stroke! I love you, dad!" dagdag palusot ni Bryt.

"ONCE THE SENTENCE BEFORE THIS IS ACCOMPLISHED, THEY ARE FREE OF MY CONTROL UNTIL I ENTER ANOTHER COMMAND."

Naglakad pabalik ng kwarto si Bryt, may matinding kaba pa din sa kanyang emosyon dahil ito na yata ang pinaka nakakatakot na parte ng pagsusuring ito: kung siya ba ay mapaparusahan ng cellphone, o gagana ba ang plano niya hanggang sa pinakahuli.

Pumasok siya sa kwarto, isinara ang pinto, at humiga sa kama. Sa oras na yun para bang lahat ng ala-ala niya simula pagkabuhay ay bumalik sa kanya. Pinagpapawisan siya sa takot, nanginginig ang mga kamay at nanlalamig ang mga paa, habang nakatitig sa orasan. Bawat segundo ay parang isang minuto.

Lumipas ang limang minuto. Sampung minuto. Kalahating oras. Isang oras. Dalawang oras.

Bumalikwas ng higaan si Bryt na nanlalaki ang mga mata. "Ahhhh…" bumigkas si Bryt. "AHHHH…" nilakasan ni Bryt ang boses.

Dahan-dahan siyang tumayo at ginalaw-galaw ang mga kamay at paa. Humarap siya sa salamin at pinakiramdaman kung mayroon bang masakit sa kanya, nanghihinang mga katawan, at kung kaya pa ba niyang kumurap-kurap.

Tinitigan niya ang sarili sa salamin.

"… I'm ok."

"… I'm okay?"

"… I'm… really okay!"

Isa pang demonyong ngiti ang lumapat sa mga bibig ni Bryt. Tila ba lahat ng mga plano niya at naiisipang gawin sa pamamagitan ng phone ay sabay-sabay niyang naisip.

Tumingin siya sa kanyang laptop at phone ng may malaking ngiti. "Fuck. Fuckkk. Holy shit, gumana!"

Napabalik si Bryt sa higaan para umupo at mahimasmasan sa kanyang tagumpay na nararamdaman. "I'm… I'm a fucking god of this new world!"

Naistorbo siya ng isang tunog notification galing sa laptop. Lumapit siya sa laptop at binuksan ang app na gumawa ng tunog: Messenger.

Isa itong PM mula kay W.

Binuksan ni Bryt ang mensahe.

W: "Buhay ka pa?"

Hawak-hawak ni W ang kanyang cellphone at nagulat ng makita ang "seen" notification mula kay Bryt. Dali-dali siyang nag-type ng panibagong mensahe, "Have you tried it? Did it work?"

Mayroon pa ding ngiti sa mukha ni Bryt habang sumusulat siya ng tugon, "Mom and dad just entered my room, spun and jumped, and they don't remember having done so."

Nangiti si W, ngunit hindi siya nakaramdam ng kaba para sa kaibigan, mas ramdam niya pa ang kuryusidad sa anong mangyayari. "10 bucks says you're dead in a few minutes," reply ni W.

Nanlaki ang mga mata ni W at natameme ng mabasa niya ang sagot ni Bryt: "Dude, all that happened two hours ago."

Parehong nakatingin sa mga screen ng gadgets si W at si Bryt.

Si Bryt ay nakangiti, mayabang at galak. Naghihintay ng sagot mula kay W. Kilala niya si W, alam niyang may hihingin itong kapalit kahit ba binayaran naman niya ang pagkakagawa kay Aileen. Alam niyang gagamitin siya, o ang cellphone, para sa mga plano ni W.

Si W ay hindi nakaramdam ng kasiyahan na buhay ang kanyang kaibigan, saglit lamang sa isipin niya itong sumagi at isinawalang-bahala niya ito, bagkus siya ay ngayo'y nag-iisip at nagpaplano kung papaano niyang magagamit ang misteryosong cellphone para sa kanyang mga plano.

"Bryt, what if we didn't have just one day of purging?" sagot ni W.

"Wow ha, dude, I'm alive! I'm glad I'm alive, ha, wtf bro?" reply ni Bryt, medyo nasaktan sa kawalang-pakialam at reaksyon ng kaibigan na gumana nga ang plano niya at siya ay buhay pa din.

"No, seriously, think about it," sagot ni W. "We can control the government. We can control this country. We can control anyone with your magic cellphone, right from within your cheap bedroom. Isipin mo if araw-araw ang Araw ng Paglilinis. No longer will I have to wait for one stupid day so me and my men can rape some poor slut and you won't have to make elaborate plans, hide, and deceive people para lang magawa ang mga gusto mo - because there are no rules anymore. At least not for them! Because we'll make the rules!"

Napaisip si Bryt. "Oo nga, 'no? Paano nga kung hindi lang isang beses sa isang taon lang ang Araw ng Paglilinis?"