1. Home
  2. Stories
  3. Ang Usapan - Part 7
PSErotica

Ang Usapan - Part 7

By veevoh ·

Parang gusto ko magjakol dahil tumigas titi ko sa napanood pero iba ang takbo ng isip ko. Muntik na ang asawa ko don. Pero buti at walang nangyari sa kanya – gaya nga ng sinabi ni Cheska. Pero mas kailangan ko atang mabantayan ang asawa ko sa mga binatang naglalagi sa kabila.

Nag-browse ako at agad nag-order online. Swerte at mukhang mabilis lang ang delivery ng order ko. Isasara ko na sana ang laptop ng aksidenteng mapindot ko ang address bar. Nagulat ako at may mga history ng porn site dito. Totoo ba to? Si Ella ba ang nanood ng mga to?

Agad kong pinindot ang isa sa mga nakalista. Kita sa video ang isang magandang babae na nakaluhod sa harap ng kumukuha ng video habang nakaupo sa sopa. Foreigners ang mga ito. Nakatingin sa camera ang babae habang hawak-hawak ang titi at marahang itinataas baba. Tapos inilabas ang dila at dinilaan ang ulo. Ngumingiti pa ang babae at napapakagat-labi pag umuungol ang lalaki. Di tumagal, dinilaan na ang katawan ng titi. Mahaba ito, sakop ang buong mukha ng babae.

Nagsimula ang pagdila nito sa puno pataas sa ulo. Ilang beses inulit. Ungol at pag-eengganyo na masarap ang ginagawa nito ang maririnig mula sa lalaki. Tapos ay sinubo na ng babae ang ulo. Parang sinisipsip ito na nagpaungol ng malakas sa lalaki. Tapos ay sinimulan na nitong kainin pati katawan. Dahan-dahan lang. Halos kalahati lang ang kinaya nung babae na maisubo. Maya-maya pa, nagsimula na ang ulo nitong magtaas-baba sa kahabaan ng lalaki.

Pinanood to ng asawa ko?! Tinignan ko ang iba pang nasa history ng browser. Halos lahat puro pag chupa ang videos. May mga parang hustler na rin kung chumupa, sagad kung sagad. Meron video na kinakantot ang bibig nung babae. Sobrang pula na ng mukha at ang dami ng laway na lumalabas. Merong labas na rin sipon. Mga “choke me daddy” tong mga to ah.

PUTA! Pag-aaralan ba to ng asawa ko? TIGAS AGAD TITI KO!!! Ini-imagine ko si Ella nakaluhod sa harap ko at chinuchupa ako! Teka, kaya ko ba sya nakita nung nakaraan na tinitignan ang titi ko? Shit, parang lalabasan ako ng di ko pa nagagalaw man lang tong alaga ko.

Tinignan ko kung kelan access ang mga videos na to. Nung Sunday! So, eto pala pinanood nila misis nung pumunta si Cheska dito sa bahay. Napangiti ako. Mukhang ayos naman pala to. So far, umaayon ang mga bagay-bagay sa napag-usapan namin ni Cheska.

Sinara ko na ang laptop at binalik sa lamesa. Bumalik sa kama at nahiga. Di ko alam kung paano pero nakatulog din ako kahit sobrang tigas ng titi ko.

Napadilat na lang ako na maliwanag na pala ng gisingin ako ni Ella. Dumating na pala ito galing trabaho. Sabay na kaming bumaba para kumain.

Habang kumakain at nag-uusap, bigla iniba ni Ella ang topic.

Ella: “Hon, ano pakiramdam mo sa pag-iba ng ayos ko? Di ka ba talaga naaasiwa or don’t you find me weird sa biglang pagbabago ko ng style ng pananamit?”

Ako: “Ayos naman. I like it very much. I think you can tell naman.” Sabay tingin dito ng malagkit. “Bakit mo naman natanong?”

Ella: “Buti naman. Natanong ko lang baka kasi di mo nagugustuhan. Feeling awkward nung simula pero medyo nasasanay na rin ako. Magaan din kasi sa katawan at nakakataas ng self-confidence makitang maayos pala ang katawan ko at bagay sakin mga ganito.”

Ako: “O di ba! Yun naman pala e. Sabi ko naman sayo, kung okay ka, okay rin ako.” Nginitian ko ito. Parang ngayon lang ito kasi nagsabi ng nararamdaman nito para sa sarili nya. Tuwing kwentuhan kasi, about sa ibang tao ang bukam-bibig nito. Ang galing ni ganto, ang ganda at sexy ni ganyan. Natutuwa akong marinig ang mga tong nanggagaling sa kanya.

Ella: “Ano naman pala tingin mo na nakikita ako ng ibang lalaki? Sabi kasi ni Cheska na marami daw mga lalaki natutuwa na pinapantasya o pinagnanasaan ng ibang lalaki asawa nila. Totoo ba yun? Ganon ka rin ba?”

Ako: “Hah?” Napatingin ako dito. Shit! Di ako handa dito ah. Fuck ka, Cheska! Humanda ka, babawian kita dahil dito. Ayoko sabihing hindi dahil baka maging iba ang dating sa asawa ko. Eto na nga’t lumalakas na ang loob nya para sa sarili, sisirain ko pa. Napahinga na lang ako ng malalim. Nakatingin lang ito sakin. “Babe, I wouldn’t say na I love the idea, pero oo. Ang sarap kayang isipin na akin tong pinagnanasaan ng mga lalaki.” Sabay ngiti dito.

Ella: “Talaga ba?!” parang nagningning ang mga mata nito.

Ako: “Yes babe. Ang hot kaya. Malaman na ang dami nagnanasa sayo at pinapantasya ka pero hanggang don na lang sila dahil meron na nagmamay-ari sayo. Haha!”

Ella: “Hmmmm…kahit makita nila ko na naka-underwear lang? Okay lang sayo yun?” medyo di sigurado nitong tanong. Kitang parang biglang nag-alangan na naman ito. Marahil iniisip nito ang nangyari nung weekend. Baka nasa isip nito na kapag nalaman ko, ay magalit ako sa kanya. Ayokong masira ang mood namin at kumpiyansa nya sa sarili ulit.

Ako: “Ummm, ayos lang. Wala naman siguro problema yun basta hanggang tease lang ang gagawin mo.”

Ella: “Talaga hon?!” bigla ito napaangat ng tingin sakin. Tila nabunutan ng tinik.

Ako: “Yes babe. Basta usapan hanggang tease lang ah. No touch involve. Hayaan mo sila maglaway sa pagnanasa sayo.” Ngiti kong sagot dito sabay kindat.

Napatayo ito at sabay kandong sakin at yakap. Nagulat ako dahil never nya pa ginawa ito. Usually tatabi lang sakin at yayakap ng mahigpit. Marahil siguro dahil nasa dining kami at wala sa sala? Di ko alam pero ayos na rin to. Lambot ng pwet!

Ella: “Actually, nung weekend parang may ganong nangyari.”

Ako: “Ano ibig mo sabihin?” parang pumintig ang titi ko. Mukhang nagbabadyang mabubuhay ata sa usapang to.

Ella: “Si Cheska kasi sabi tutulungan nya raw ako maging kumportable sa sarili kong balat. Nagpatulong pala sa mga kaibigan nya. Yung mga dati naming nakainuman na nakwento ko sayo.” Napatango lang ako. “So ayun, parang nag-setup sya ng photoshoot. Dapat daw maging kumportable ako sa suot ko habang may mga nakakakitang ibang tao. Dapat di raw ako maasiwa sa suot o itsura ko kasi maganda at sexy raw ako at dapat maging proud daw ako.”

Ako: “Tama naman si Cheska, babe. Di ba matagal ko na sinasabi sayo na sobrang ganda at sexy mo. Kala mo kasi parati kita binobola eh.” Natawa kong sabi. “Pero teka, bakit sa iba pinakita mo, sakin hindi?” tanong ko dito.

Bigla naman itong tumayo sa pagkakakandong sakin. Humarap sakin, ngumiti at kumindat. Sabay taas dahan-dahan ng maluwang at mahabang t-shirt nito. Nagulat ako ng makitang naka-panty lang pala itong kulay puti. Dati nya pa sinusuot ang damit na to para pantulog pero lagi sya may suot na shorts.

Ang sexy nyang tignan. Bikini cut tong panty. Napagmasdan ko ang gitna ng panty nya. Parang may konting basa na sa gitna. Nag-iinit na pala ito sa pag-uusap namin! Kailangan ko ata makakuha ng progress report kay Cheska ah.

Nang tuluyan nyang mahubad ang shirt, kita ko ang matching bra nito. Parang luluwa na mga suso nya dito. Bakat din ang mga utong nyang tayong tayo na. Kanina pa siguro nag-iinit tong si Ella, di lang talaga pinapakita at todo ang control sa sarili.

Di na ko nakapagpigil at dinala ko ito sa kwarto. Kanina pa tigas na tigas ang titi ko. Hiniga ko ito sa kama at hinubad ang bra nito. Agad sunggab sa mga dede nito at sipsip sa utong. Ang sarap! Parang sumisipsip ako ng maliit na aratilis. Pinkish pa ang kulay ng mga ito. Panalo talaga ko sa asawa ko.

Kinapa ko na rin ang hiyas nito at pinasadahan ng daliri ang hiwa. Grabe ang lakas ng ungol nya. Sarap na sarap. Tuluyan ko ng hinubad ang panty nya. Nakita ko na naman ang ganda ng puke ng asawa ko. Para talagang sa batang sariwang sariwa. Halos wala talagang kabuhok-buhok. Meron lang mangilan-ngilan sa bandang itaas pero di naman mahaba at makapal. Ang sarap talagang atakihin ng lapa.

Naghubad na rin ako ng mga damit ko. Pumuwesto na ko sa gitna nito at itinapat ang titi ko. Kiniskis ko ito sa hiwa nya para mabulatlat ang pasukan dahil parang nakapikit pa talaga ito na parang birhen. Dito ko napansing nakatingin pala ito sa mga ari namin. Ngayon ko lang sya nakitang tumingin sa ginagawa ko sa ari nya. Medyo nakabangon sya, gamit ang mga siko pantukod para makita ang ginagawa ko na pinagmumulan ng sarap nya. Nakanganga lang sya habang umuungol. Ang HOT nyang tignan.

Di ko na pinatagal pa at tinarak ko na ang ari ko sa kailaliman kanya. Kasabay nito ang pagbagsak ng katawan nya sa kama. Gaya ng dati, missionary position lang kami. Natapos kaming parehas na hingal na hingal. Umalis ako sa ibabaw nya at nahiga. Tumayo naman ito at nagpunta ng banyo para siguro maghugas. Di ko na namalayan pagbalik nya dahil nakatulog ako.

Nagising akong katabi ko na si misis na nakabihis. Nakapagbihis naman ako bago makatulog. Pagkita ko sa orasan, mga isang oras din pala ako nakatulog. Wala naman ulit akong pasok ngayon kaya bumangon ako. Magtatanghalian na rin pala.

Tahimik akong bumangon at lumabas ng kwarto para di magising si misis. Bigla ko naalala mga sinabi ni misis kanina habang kumakain kami. Mabisita nga tong si Cheska.

Lumabas ako ng bahay at pumunta sa kabila. Pinindot ang doorbell at nag antay. Maya-maya ay may narinig akong papalapit sa pintuan. Pagbukas, nakita ko si Cheska na nakabalot lang ng twalya. Mukhang katatapos lang maligo.

Cheska: “O, musta pogi? Nagustuhan mo ba yung pinadala ko? Kala ko mas gusto mong sa iba ko ipadala eh.” Ngising bati nito ng makita ako.

Di ko na hinintay pang anyayahan nya akong pumasok. Itinulak ko na rin syang papasok ng bahay at isinara ang pinto. Dinala ko sya sa bandang sala nila. Nandito kami ngayon nakatayo, magkaharap. Titigan kung titigan.

Ako: “Nag-enjoy ka ba nung weekend?”

Cheska: “Oo naman. Pati asawa mo naman nag-enjoy. Sayang lang at wala ka.” Pang-aasar nito.

Ako: “Mukhang bawing bawi ka naman kay Chino eh.” Balik ko dito. Nakita kong parang nagulat sya. Di nya marahil alam na narinig ko sila sa banyo. “Ano na ba nangyari sa usapan natin?”

Cheska: “Bakit bulag ka ba? Di mo ba nakikita pagbabago sa asawa mo?”

Ako: “Kitang kita at gustong gusto. Pero ang di ko gusto yung mga lalaki mong gusto maka-score sa asawa ko. May usapan tayong akin lang ang asawa ko.”

Cheska: “At may usapan din tayong hahayaan mo ko sa diskarte ko!” Singhal nito sakin.

Ako: “Kasama ba dyan mga idea na pinapasok mo sa utak ng asawa ko?” Balik kong tanong dito. “Lilinawin ko, pumayag ako sa usapan natin dahil sabi mo tutulungan mo asawa ko. Pero di kasama ang pagpayag ko na may kasamang ibang mga tao.

Cheska: “Sira ka ba?! Kasama sa diskarte ko yun. Paano mo maaasahang maging confident sa sarili asawa mo kung di nya kaya humarap sa ibang mga tao?” bato nito sakin. May point nga naman tong babaeng to.

Ako: “Basta!”

Cheska: “Come on! Di ka ba na-tu-turn on malamang ang dami nagnanasa sa asawa mo? Na gusto maka-score sa kanya? Magpakatotoo ka nga!”

Ako: “Teasing ang limit ko.” Balik kong sagot dito.

Cheska: “Fine. Marami akong alam na paraan ng pag-tease.” Bigla nitong tinanggal ang twalyang nakabalot sa katawan nito. Lumuwa sa harapan ko ang hubad nyang katawan. Ang laki talaga ng mga suso nito. Naaalala ko pa kung gaano kasarap lamasin ang mga to. Pati yung puke nitong ang sarap lapain. Wala rin kasi itong buhok kagaya ng kay Ella. Marahil ay inaahit or wax.

Ako: “Basta siguraduhin mong sumunod ka sa usapan.” Sabi ko habang tinitignan ang buong kahubdan nya.

Cheska: “Oo na, ako na bahala don.” Lumapit ito sakin at dinakma ang harapan ko. “Mukhang effective naman pala sayo.” Hinihimas na nya ngayon ang tumitigas kong alaga.

Ako: “Sige, hahayaan kita. Pero simula ngayon, lahat dapat ng ganap sa bahay namin. Kahit wala ako.” Bigla akong tumalikod at iniwan sya sa sala. Sisiguraduhin kong alam ko mga pinaggagagawa nito. Tuluyan na ko lumabas ng bahay nila.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Dumaan ang mga araw na parang normal lang. Pinagkaiba lang ay iba na magbihis ang asawa ko kahit pampasok sa opisina. Napapansin ko rin na marami na napapatingin sa kanya pag napapadaan kami na magkasama. Di ko nga lang talaga makita dahil naghihiwalay din kami. Same floor naman kami pero sa kabilang side sya.

Friday ng makatanggap ako ng text na darating sa araw na to ang delivery ko. Sa wakas!

After kumain, sinabihan ko si Ella na mauna ng matulog sa kwarto at may delivery akong darating kaya sa sala muna ko mag stay. Pumuwesto ako at nahiga. Maya-maya ay nakatulog din. Nagising na lang ako sa ring ng phone ko. Nandito na ang package ko.

Matapos bayaran, tinignan ko ito. Tamang tama, mga spy cam. Sinigurado kong eto nga talaga yung gusto ko. Wireless, HD, wide zoom, audio, record, remote access. 2pm na pala pagtingin ko sa orasan. Di ko ma-setup to ngayon. Sa off ko na lang at mukhang wala namang ganap nitong weekend. Itinabi ko muna sa storage sa ilalim ng hagdan para di makita ni Ella.

Dumaan ang weekend na wala namang nangyari. Nasabi ni misis na pumunta sa bahay si Cheska para manood ng movie. Nakita ko naman ang movie na pinanood nga nila. Hahahaha! Ganon pa rin naman mga videos, halos lahat chumuchupa ang mga babae. Pero may mga nadagdag kung saan kinakain ng lalaki ang puke ng babae. Kitang-kita kung paano tumirik ang mata ng mga babae at mamilipit sa sarap.

Di ko alam kung sinasadya ni Cheska na malaman ko kung ano mga videos na pinapanood nila o sadyang wala silang idea.

Dumating ang Monday. Nagpahinga muna ko since galing ako ng trabaho. Naiwan si Ella sa baba since tulog naman sya magdamag. Nagising ako ng hapon. Katabi ko na ang asawa ko sa kama at malalim na ang tulog. Dahan-dahan ulit akong bumangon para di maistorbo ang tulog nito at lumabas ng kwarto.

Kinuha ko na ang spy cams sa storage. Eto yung mga easy to install. At since wireless, di na kailangan masyado mabusisi at mahirapan sa wiring. Naglagay ako ng 2 sa sala para magka-ibang anggulo. Sa kusina din na sakop ang dining area, sa CR. Tapos sinubakan ko kung gumagana. Ayos, malinaw ang feed ng remote access. Mamaya ko na i-setup ang taas pagpasok ni misis.

Bumalik ako sa taas at tumabi ulit kay Ella para matulog.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Pagkarating ng bahay pagkahatid kay Ella sa trabaho, agad na kong kumilos para ma-setup ang spy cams sa taas. 2 nilagay ko sa room namin para ibang mga anggulo rin. Naglagay rin ako sa CR pati sa guest room. Bonus na lang siguro yung sa guest room at wala naman kaming mga bisita.

Lumipas ulit ang mga araw na wala masyadong ganap. Kapansin-pansin lang na mas nagiging confident na sa suot nya ang asawa ko. Iba na rin ang tindig nito. Pinagtitinginan na talaga ito tuwing dumadaan kami. Di na nga rin itinatago ng mga lalaking nakakasalubong namin ang titig nila kay Ella.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Nagising ako sa alarm ko. Wala sa tabi ko ang asawa ko. Sabado pala, off naman nito. Pagbukas ko palang ng pintuan ng kwarto, nakarinig na ko ng mga usapan sa baba. Teka, mga boses ng lalaki yung naririnig ko ah.

Dahan-dahan ako naglakad papunta sa hagdan at sumilip. Kita kong may dalawang lalaking nakaupo sa mahabang sopa. Wala namang nababanggit si misis na may bisita kami ngayong araw. Inayos ko ang sarili ko, huminga ng malalim at saka nagsimulang bumaba ng hagdan.

Nagtatawanan pa ang mga ito, kasama na si Ella ng bigla tumigil ng makita akong pababa ng hagdan. Nagsitayuan ang dalawang lalaki. Shit! Si Chino at Gino pala tong mga to. Lumapit sakin si misis at ipinakilala ko sa mga binata.

Ella: “Hon, si Gino at Chino nga pala. Sila yung mga nakakasama namin sa inuman kila Cheska. Nagyaya uminom pero tong si Cheska sabi dito na lang daw para magpaalam na rin sayo ng maayos.” Napatingin ako kay Cheska. Ngumisi lang ito ng nakakaloko.

Gino: “Gino pala, pre.” Sabay abot ng kamay. Inabot ko naman ito at kinamayan.

Chino: “Chino.” Itinaas lang nito ang kamay. May pagka-presko tong isang to. Mukhang anak mayaman. Tinanguan ko na lang ito.

Cheska: “Dan, dito na lang kami mag-inom ah. Para iba naman ang venue. Lagi na lang kasi sa bahay eh.” Pagbibigay nito ng dahilan. Magaling din umarte tong si Cheska.

Ako: “Ayos lang. Basta walang gulo ah.”

Gino: “Naku pre, walang ganon. Chill lang kami.”

Ella: “Upo ka muna dito, Hon. Magluluto lang din ako.” Pinaupo ako nito sa pwesto nya kanina sa solong sopa.

Cheska: “Tulungan na kita. Luto din tayo ng mga pampapak na pulutan.”

Tumayo ang mga ito. Naiwan ako kasama ang mga binata. Si Gino ang nagsimula makipag-usap. Nalaman kong 4th year college na pala silang dalawa ni Chino. Di ko narinig ano mga kurso nila. Wala rin naman ako pakialam. Ang tumatakbo sa isip ko, ano kaya balak nitong mga to. Si Chino, tahimik lang. Di masyado masalita. Mga tango at ngiti lang ang tugon. Nakakapagtaka dahil sa video na napanuod ko, sya salita ng salita. Parang bidang bida pa sya kay misis.

Dinalan ako ni Ella ng kape. Nakita ko namang may mga juice na sa center table para sa mga binata na konti na lang ang laman. Marahil kanina pa dumating ang mga ito. Nagpaalam din ang dalawa na bibili na ng maiinom at lumabas na.

Di ko inaasahan ito ah. Ano na naman kaya ang pakulo nitong si Cheska.

Nang maubos ko ang kape, nakita kong mag 7pm na kaya nagsabi ako sa dalawa na maliligo na ko. Umakyat ako sa kwarto para mag-ayos para pumasok sa trabaho. Pero ang utak ko, iniisip pa rin kung ano kaya ang magaganap ngayon gabi.

Bago pumasok ng banyo, sinubukan ko muna sa phone ko ang remote access ng mga spy cam. Malinaw ang lahat. Kita ko sa bandang kusina si misis na nagluluto at si Cheska nasa dining table naghihiwa ng kung ano. Para siguro sa pulutan nila. Ayos, walang makakalusot sakin kung ano mang balak nitong si Cheska.

Pumasok na ko ng banyo at naligo. Nagbihis na rin pagkatapos at bumaba. Mga 30 minutes din ang itinagal ko sa kwarto kaya nakabalik na sina Gino. Kita kong Red Horse ulit ang binili ng mga to. Buti naman at walang hard. Mahirap na baka lasing asawa ko at ano pa magawa ng mga to.

Sabay-sabay kaming lima kumain ng hapunan. Kumuha na lang ng mono block si Gino at pumuwesto sa gilid. Apat lang kasi ang upuan ng dining namin. Bale magkatabi kami ni Ella. Ako sa bandang dulo. Katapat ko si Cheska, katapat naman ni misis si Chino. Sa gilid nilang pareho si Gino.

Habang kumakain, tila nanunuksong patingin-tingin sakin si Cheska. Kita ko naman na palihim na tinitignan ng dalawang binata si Ella habang sumusubo. Pero di ata sa mukha nya nakatingin. Marahil sa dibdib nito na halos labas na sa suot nitong sando. Tila may mga pagnanasa sa mata ng dalawang binata tuwing titingin kay misis.

Matapos kumain, lumipat na ang tatlo sa sala. Hinanda na ni Ella ang babaunin ko. Matapos maayos, nagpaalam na ko na papasok na sa trabaho at nagbilin na wag magpakalasing at wala dapat gulo. Sumang-ayon lang ang mga ito.

Hinatid ako ni Ella sa sasakyan at humalik pa ito sa labi ko. Hmmm… mukhang masaya ang asawa ko ah. Tuluyan na kong umalis para pumasok. Buong byahe, nasa bahay ang isipan ko. Ano na kaya ang nangyayari don.

Pagdating sa opisina, agad akong umupo sa station ko. Saktong ang team naming ay nasa bandang dulo at ang station ko ay pinakadulo rin. Wala din masyadong tao dahil weekend. Ang ibang ka-team ko naman na kasama ko, kung di 3 station ang layo, nasa kabilang side.

Agad ko nilabas ang phone ko, isinalpak ang earphones at ni-remote access ang spy cams ko. Buti at wala masyado trabaho at natapos ko na mga pending ko kahapon. Inilagay ko yung phone ko sa keyboard tray para pwede itago pag may taong lumapit sakin – na di naman nangyayari kapag weekend.

Natatawanan ang mga to. Siguro ay medyo may epekto na ang alak. Pero di ko makita si Cheska. Si Chino at Gino nakaupo pa rin sa mahabang sopa habang si misis nakaupo sa isang solo. Wala rin sa kusina si Cheska, kahit sa banyo.

Maya-maya, bigla bumukas ang pinto, si Cheska ang pumasok. May dala itong dalawang lalagyan.

Cheska: “Ta-da!!! Eto na ang game dahil ubos na kwento natin. Haha!”

Gino: “Ano namang game yan?”

Cheska: “Ipapaliwanag ko, pero i-move nyo muna yung table sa tabi. Okay lang ba sis dyan tayo sa may lapag?”

Ella: “Oo naman. Malinis naman yan. Haha!” Kita kong binuhat ng dalawang binata ang center table sa gilid. Tapos naupo na silang apat sa semento. Bale si misis, sa kaliwa nya si Chino, kanan si Cheska at katapat si Gino.

Cheska: “Okay. Ang game na to ay ‘Strip or Touch my Body’.”

Gino: “Ano naman yang pauso mo. Di ko pa naririnig yan ah. Paano naman nilalaro yan?”

Cheska: “Eto na nga. So lahat magiging taya para walang lamangan. Paikot tayo. Pwedeng ako na mag start since ako naman pasimuno nito.” Biglang tawa nito ng malakas. Lahat naman ay nakikinig. Kahit si Gino na madaldal ay hinayaan lang magsalita si Cheska. Si misis ay nakatingin lang din dito.

Cheska: “Ang mangyayari kung sino ang taya, bubunot dito sa box na to. Eto muna gagamitin natin yung may label na ‘light’. Kung ano man mabubunot mo, yung ang kailangang gawin. May mga tanong ba?”

Chino: “Ano mga nakalagay dyan?”

Cheska: “Mga body parts ng tao. At syempre may strip.”

Gino: “WOW! All the way ba to?” Excited na tanong nito.

Ella: “NO! Di ako sasali dyan.” Bigla nitong sabi. Napatingin lahat sa kanya. Kitang parang gustong kumbinsihin nila Chino at Gino si misis na pumayag na pero di sila nagsasalita. Mukhang na-excite nung malaman ang laro at di mapigilan ang sarili.

Cheska: “Okay. Sige ganito na lang. Since di okay sa lahat, not all the way. Okay ba sayo sis hanggang undies? Nakita na naman nila tayo ng naka-underwear lang, di ba?” Nakatingin silang lahat kay Ella at inaabangan ang isasagot nito. Pati ako parang di humihinga at inaantay kung papayag ba ito.

Ella: “Sige na nga. Baka sabihin nyo KJ ako.” Biglang palakpakan ang lahat.

Cheska: “Laro lang naman to sis. Matatanda na naman tayo lahat dito. Okay, so hanggang underwear lang ang strip. Maliwanag yan mga boys ah!”

Gino at Chino: “Yes mam!” Puta, excited ang dalawa.

Cheska: “If naka-underwear ka na at strip nakuha mo, bubunot ka ulit para body part naman makuha mo. Now ang twist nito ay after ng taya bumunot at malaman ang gagawin, spin the bottle ka para malaman kung sino partner mo. Sa strip, nakalagay naman kung top or bottom ang huhubarin. Hahayaan mo ang partner mo ang maghubad para sayo. Kung body part naman, bubunot din ang partner mo para don mo i-touch kung anong body part ang nabunot mo. Halimbawa, nabunot ko NOSE. Mag spin the bottle ako. Pag tumapat kunyari kay Gino, bubunot sya. Kunyari mabunot EARS, ididikit ko ang NOSE ko sa EARS nya. Kung strip ang mabunot ng partner, syempre bunot lang ulit para body part ang mabunot. Malinaw ba?”

Gino: “Malinaw! Game na!” Halos sumigaw na ito sa excitement.

Chino: “Oo nga, simulan na yan. Mukhang maganda tong game mo ah.” Ang laki ng ngiti sa labi nito tapos biglang tingin kay Ella.

Ella: “Wait sis, para saan yang isang box?”

Cheska: “Ahhhh, mamaya na to pag lahat na tayo naka-strip.” Sabay tawa nito. “Oo nga pala, 30 seconds ang tagal sa TOUCH ah.” Tumango na lang ang lahat.

At nagsimula na nga ang laro. Bumunot si Cheska.

Cheska: “HAND.” Sabi nito tapos spin the bottle. Natapat kay Ella. “O bunot ka sis.” At bumunot si misis.

Ella: “CHEEKS.” Nagset ng timer si Cheska at inabot sa katabi nitong si Gino. Nilagay ang palad sa cheeks ni misis at sinabing time. Magkatinginan lang silang dalawa at parang mga batang kinikilig. Ang cute nilang tignan. Mukhang ayos naman pala tong laro na to.

Tinignan ko kung may mga trabaho akong pumasok. Naririnig ko naman sila sa earphone. Buti di busy at wala pa masyado pumapasok na trabaho.

Ella: “LIPS.”

Gino: “NECK.” Bigla ako napatingin sa phone ko. Kita kong dahan-dahang tumayo si Ella papunta kay Gino at umupo sa gilid nito. Nagsabi si Cheska na go. Nag-set pala ito ng timer.

Nakapaling sa tabi ang ulo ni Gino para bigyan ng space si Ella. Nakalapat naman dito ang mukha ni Ella. Binuksan ko ang frame na maganda ang anggulo at zinoom. Nakalapat ang mga labi ni Ella sa leeg ni Gino. Ang ganda ng ngiti ng mokong hanggang matapos ang time. Bumalik na si Ella sa pwesto. Titig na titig ang dalawang lalaki habang dumaan sya sa gitna. Ang iksi rin kasi ng suot nitong shorts.

Chino: “CHEEKS.” Nag-spin at tumapat kay misis. Bumunot ito pero parang nag-aalangan.

Ella: “CHEST.” Parang nahihiya nitong sabi.

Chino: “Ayun!” Nakipag-apir pa ito kay Gino. Since magkatabi naman ang dalawa, humarap na lang sila sa isa’t isa. Lumapit si Gino at inihilig ang ulo papalapit sa dibdib ni Ella. Humarap ito sa gilid at idinikit ang pisngi sa dibdib ni misis. Kitang medyo dinidiin ni Chino ang pisngi nya. Nai-imagine kong ang lambot non. Sarap siguro ng pakiramdam nito ngayon. Napatukod ang dalawang kamay ni misis sa likod bilang suporta. Marahil sa pagdiin nga ni Chino kaya parang mas lalong ibinigay nya ang dibdib nya dito. Bilang sigaw ng time at inalis naman agad ni Chino ang pisngi nya at bumalik sa pwesto ng nakangisi.

Gino: “STOMACH” at si Ella ulit.

Ella: “NOSE”

Pinaayos ni Gino si Ella na kung pwede lumuhod. Pumuwesto naman ito sa harapan nito. Nag-init ang pakiramdam ko. Eto ngayon ang asawa ko nakaluhod sa harap ng lalaki. Buti na lang at nakadamit pa ang mga ito. Sinabihan pa ng mokong si misis na ganon lang ang ayos nya at wag gagalaw. Dahan-dahang inilapit ang katawan sa mukha ni Ella. Parang nabigla si misis ng dumikit ang katawan ni Gino sa kanya. Nakahawak naman ang isang kamay nito sa ulo ni misis. Di ko masyado makita sa angulo ng mga cams pero parang ang baba ata ng pwesto kung tyan at ilong ang magkadikit. Kahit i-zoom ko, di ko makita dahil naka t-shirt ito na medyo maluwag at mahaba. Pag kita ko sa mukha nito, nakatingin kay Chino at nakangisi sabay thumbs up.

Cheska: “Time!” Biglang humiwalay si misis . Parang namumula. “O, naka-full circle na tayo. Break at shot muna tayo.” At nagtagayan muna sila.