1. Home
  2. Stories
  3. Ang Usapan - My Story
PSErotica

Ang Usapan - My Story

By veevoh ·

Hello po sa lahat! Maraming salamat po sa mga taga-subaybay at taga-suporta ng story dito.

Di ako masyado ma-comment or ma-post dito kasi mas active ako sa kabila.

Pero gusto ko lang po sabihin na nagsulat po ako ng istorya na gusto ko. Wala po ako pakialam sa gusto nyo at di po ako nanghihingi ng advice or whatsoever. Kung nagustuhan mo story, I am happy for you. Pero I don't care kung di mo man magustuhan. Di po ako binabayaran para magsulat ng story na magugustuhan ng mga tao.

Ayos lang naman pong mag comment about sa na-release na story kasi nabasa nyo na eh. May mali, bitin, di maganda o kung ano pa man. Opinyon nyo yan sa nabasa nyo. Di ko naman po kayo pinipilit basahin ang story ko. Kaya wag nyo na po sana ko diktahan kung paano tatakbo yung story ko. Magsulat po kayo ng inyo para may mabasa rin ako.

Actually ayoko na dapat magsulat kasi taga basa lang talaga ako. Pero dahil nagsasawa ako sa mga istoryang nababasa ko at ang tagal ng mga authors na inaabangan ko, nagsulat na lang ako ng gusto kong mabasa. Para ma-divert na rin ang atensyon ko sa mga gumugulo sa isipan ko. Di ko naman inakala na magugustuhan ng tao gawa ko. Nakakataba ng puso po ang recognition at appreciation sa story. Nakakaaliw din basahin ang mga comments. Pero hanggang don na lang po yun. Akin pa rin naman po tong story. At uulitin ko po, di ako humihingi ng advice para mag-improve o mapaganda and sulat ko dahil di ko naman balak gawing profession to.

Sa ngayon, pinagbibigyan ko lang po ang mga mambabasa na sa simula palang nakasuporta na. Alam ko rin kasi ang pakiramdam ng nabibitin at umaasa - kaya nga ako nagsulat! Pero na-stress na din po ako. So konti na lang talaga. Konting konti na lang po talaga. I am a busy person. Kung tutuusin di ko na dapat ginagawa to. Di ko rin maintindihan sarili ko bakit pa ko nagpapakapagod at naggugugol ng oras dito. Sana po malaman ng iba na mahirap po magsulat. Di ko alam sa ibang writers pero di lang po puro libog tong story ko, grabeng imagination at gamit ng utak ang ginagawa para detalyado hangga't maaari ang pagsusulat. Para maganda at exciting din ang dating sa mambabasa.

May mga nagsabi before na kung ayaw ko na, bigyan ng closure yung story. Ummm, di ko po gagawin yun kasi parang pinatay ko na yung kwento. And there's sooo much to the story. Dami kasi dyan ang galing mag speculate at natuon lang atensyon na matira si Ella at atat na atat na. Mas gugustuhin ko pong ihinto na lang at bahala na kayo magtuloy kung gusto nyo. Paganahin nyo rin imagination nyo.

Sa totoo lang ginanahan ako magsulat, may Part 17 na sana kagabi. Matatapos ko na sana ng may mga magaganda na naman akong nabasa. Tinigil ko na muna kasi nawalan ako ng gana. Dami kasi sobrang gagaling. Nahiya ako since amateur writer lang naman ako.

Anyways, ang haba na nito. Ang gusto ko lang talaga sabihin ay hayaan nyo na lang po sana ako magsulat. Di ko naman pinagdadamot yung story ko. Kung ayaw nyo, wag nyo na po basahin.

Thank you for understanding.