1. Home
  2. Stories
  3. Popoy ! Mahiyain pero Lapitin !
PSErotica

Popoy ! Mahiyain pero Lapitin !

By light3150 ·

Hello, matagal na po akong reader ng mga erotic stories pero eto po ang unang post ko. .fiction lang po. .good and bad comments are accepted. .thank you !

Part 1

"Popoy…!!!!" sigaw ni aling Martha. Ang kanyang ina na kararating lang ng kanilang bahay bitbit ang mga groceries na pinamili nito. Ang kanyang asawa ay si Rene na isang engineer na kasalukuyang nasa site na kanyang pinagtatrabahuan. Nakapagpundar sila ng maliit na bakery at si Martha ang nagmamanage nito.
"Ma, wala po si Popoy kanina pa!" ani ni Rico at nagmano sa kanyang ina. Si Rico 23 years old, ang panganay sa tatlong magkakapatid. "Saan nagpunta?" tanong ng kanyang ina. "Di ko po alam, tulungan ko na po kayo" sambit ni Rico at kinuha ang mga dalahin ng kanyang ina. "Kumain na ba kayo?" si Martha. "Opo ma, si Popoy na lang ang hindi pa" tugon ni Rico. "Napakalayas talaga ng batang yon!" galit na sabi ni Martha. "Nasan si Samantha?" dugtong pa nito. "Natutulog na po yata sa kwarto nya". Si Samantha ay 21 anyos, 4th year student na nag-aaral sa isang sikat na university sa manila, sya ang pangalawa sa magkakapatid. "Sige hanapin mo na si Popoy at pauwiin mo na!". Dali-daling lumabas ng bahay si Rico upang hanapin ang kanyang kapatid. Natagpuan nya si Popoy na nakikipag-inuman sa labas ng bahay ng kabarkada nito. "Poy..!! Tara na, dumating na si mama at hinahanap ka.!" sigaw ni Rico habang papalapit sa pwesto ng kapatid na kasalukuyang nag-gigitara. "Uy tol, shot ka muna" singit naman ni Jeff na tangero sa inuman. "Oo nga kuya, last na to tapos sabay na tayong uuwi" dugtong ni Popoy at pinakita nya sa kuya nya ang isang litrong emperador lights. Si Popoy ang bunso sa magkakapatid, 18 anyos at 3rd year college sa parehong eskwelahan na pinapasukan ng kanyang ate.