1. Home
  2. Stories
  3. Popoy ! Mahiyain pero Lapitin ! cont. . .
PSErotica

Popoy ! Mahiyain pero Lapitin ! cont. . .

By light3150 ·

Tutal araw naman ng sabado at walang pasok kinabukasan ay nakisalo na sa inuman si Rico at para na rin hindi mapahiya ang kanyang kapatid. Pagtapos inumin ang unang tagay. . . "Kuya ikaw naman tumugtog oh!" sabi ni Popoy sabay abot ng gitara kay Rico. Si Rico ang nagturo kay Popoy dahil sya ay gitarista sa kanyang banda.
Naging masaya ang takbo ng kanilang inuman. kantahan at tawanan.
Samantala sa kanilang tahanan. . .
katext ni Samantha ang kanyang boyfriend na si Nick.
Nick: babe sino ba kasama mo jan? punta ako jan n0w..!
Sam (Samantha): huh? Si mama nasa baba, nagliligpit ng mga groceries.
Nick: eh mga kapatid mo?
Sam: si kuya sinundo daw si Popoy. hmm may binabalak ka ha..? hihihi
Nick: Sabik na ako sayo babe eh..
Sam: sige babe maya maya pag tulog na si mama.. hihi
-Sa inuman. . .
Nagsiuwian na ang ibang kabarkada ni Popoy at tatlo na lang silang natira ni Jeff at ang kuya nya. Habang naggigitara si Rico ay biglang may pumikot sa kanyang tenga. "Aray..!!" reklamo ni Rico sabay lingon sa kanyang likuran. "ikaw pala love..!" takot na sabi ng binata at napatayo na parang nakakita ng multo. Isang magandang dilag na nagngangalang Karol. Sya ang gf ni Rico, 4th year college, maganda ito, 5 feet ang height, tama lang ang pangangatawan. "kanina pa ako text ng text sayo! kaya pala di ka nagrereply dahil busy ka sa kakalaklak.!" tila galit na sabi ni Karol. "Sorry love, naiwan ko phone ko kasi inutusan lang akong tawagin tong si Popoy" sabi ng binata sabay yakap kay Karol na naglalambing. Natuwa naman ang dalaga sa inasal ni Rico kaya nawala na ang galit nito. "Oh sige na, tara na tama na yan!" sabi ng dalaga. Sakto namang huling tagay na rin at binigay ni Jeff ang baso kay Popoy ngunit bagsak na ang ulo nito sa lamesa.