1. Home
  2. Stories
  3. init 26
PSErotica

init 26

By dreamcatcher ·

"Sabi ko, nalimutan mo na ba
ang sexy body ko? hi hi hi" ani
Beth "Ha? Eh. Hindi no. Paano
naman
kita makakalimutan Beth."
"Unforgettable ba ako? Ha ha ha" biro ni Beth "Oo" may
pagkaseryoso kong
sagot. "O bakit ka naman naging
seryosong bigla?" tanong ni Beth
"Wala lang…" sambit ko. "Oo nga
pala, ano Yahoo Id ng pinapanood mong nagsho-show
para mapanood ko rin." "He! Huwag
ka ng manood." sabi
ni Beth "Sige na ng sabay nating
mapanood at makilatis ang
showgirl na yan" pagpupumilit ko "Hay naku. Wag na. At baka
pagpantasyahan mo pa. Ako na
lang pagpantasyahan mo. He he
he" ani Beth "Aba sige ba" biro ko
"Lelang mo… may… may gf ka
na nga eh" sabi ni Beth May naramdaman akong parang
lungkot sa kanyang boses. "Eh
ikaw? Wala ka pa rin bang
boyfriend?" tanong ko "Marami…"
sagot ni Beth "Sa
sobrang dami di ko maalala mga pangalan hi hi hi" "Baliw ka talaga."
sabi ko "Wala… wala akong
boyfriend."
paniniguro ni Beth "Eh boylet?
boytoy?"
pangungulit ko "Wala… di na… matagal ng
wala…" mahinang wika ni Beth.
"Ano nga ulit pangalan ng bago
mong gf?" "Ah si Mabel." sagot ko
"Mabel? Pretty sya ha. Sexy rin."
sabi ni Beth "Syempre naman" sagot ko "Chick boy ka talaga Jun.
Katatapos mo lang sa isang
relasyon kay China girl eto
meron ka na namang bago" sabi
ni Beth. "Eh di ko nga rin alam.
Wala naman talaga akong balak
pumasok sa panibagong
relasyon eh." pagpapaliwanag
ko "Mahal mo ba si Mabel?" tanong
ni Beth "Hmmm siguro…"
nagaalangan kong sagot "Bakit siguro? Di ka
sigurado?"
sunod-sunod na tanong ni Beth "Di
ko rin alam eh. Ang tutoo di
ako sure" sagot ko Natahimik
kaming pareho. "Bakit di ka pa kasi magka-
boyfriend eh" pagbabasag ko ng
katahimikan. "Kasi…" parang
nanginginig na
sabi ni Beth. "Kasi may
pinangakuan ako dati…" At biglang binaba ni Beth ang
telepono… Kinabukasan… Tok! Tok!
Tok! Bumukas ang pintuan. "Good
morning" bati ko "Jun?" "Pwede ba
akong tumuloy
Beth?" "Ha? Su.. sure, sure… pasok…"
sabi ni Beth Tumuloy ako sa sala
at naupo. "Ang aga mo ah?" puna
ni Beth "Eh sabi mo kasi idaan ko
itong
mga pasalubong ko sa yo" sagot ko "Ay oo nga pala." sabi ni Beth.
"Ang dami nito. Salamat ha." "Wala
yan. Mas marami sana
iuuwi ko kaso mabigat na ang
mga dala ko eh" dagdag ko "Ok
lang no. Ang dami na nga nito eh. Hiya tuloy ako." sambit
ni Beth "Ano ka ba Beth? Ngayon
pa
tayo magkakahiyaan eh
matagal-tagal na rin tayong
magkakilala" "Maraming salamat talaga" paulit
na pasalamat ni Beth "Teka nga
pala. Bakit mo ako
binabaan ng phone kagabi?"
biglang tanong ko Natahimik si
Beth. Inantay ko syang sumagot. Di rin ako
masyadong nakatulog kagabi.
sinubukan kong tawagan si Beth
matapos nya akong babaan ng
telepono kagabi pero di nya
sinasagot ito. Di ko alam kung may nasabi ako mali na kinagalit
nya o kung ano. "Beth? May
problema ba?" "Ha? wala… wala
Jun" "Eh bakit mo nga ako
binabaan
ng phone?" ulit ko "Wala lang. Ewan ko. Parang
nalungkot lang ako" sagot nya
"Nalungkot? Tapos babaan mo
ako?" nagtatakang balik ko Di
makaimik si Beth. "May nagawa ba
akong mali sa yo Beth?" "Wala Jun… wala" "Bago
mo binaba yung phone,
sabi mo may pinangakuan ka.
Sino ba yun ha?" pangungulit ko

… "Wala. Di mo kilala" tipid na
sagot ni Beth "Ikaw ha? Di ka na
nagkukuwento. Ano nga
ngalan?" tanong ko "Di na
importante kung sino"
sagot nya Napansin kong parang nalulungkot lang si Beth sa topic
na yun. Tinignan ko ang orasan
sa sala nila. "Mag-a-alas diyes na
pala. O sige
Beth. Una na muna ako." "Ba…
bakit? May lakad ka?" tanong ni Beth "Pupunta lang ako
kina Mabel.
Dun daw ako mag-lunch at
nagluto sya." sagot ko "Ah… ok…
ok…" mahinang sabi
ni Beth "Sige. See you later ganda."
paalam ko Hinatid ako sa may
pintuan ni
Beth. Bago ako tuluyang
umalis… "Di mo ba talaga sasabihin
sino yung pinangakuan mo?" ulit ko "Di"
mahinang tugon ni Beth "O sige…
ano na lang ang
pinangako mo sa kanya aber?"
Waring nagisip si Beth. Papalayo
na ako ng sumagot sya: "Na… na nandito ako lagi para sa
kanya." Pagkatapos nun sinara ni
Beth
ang pintuan. Natigilan ako. "Di
kaya?" isip ko Nagalinlangan ako.
Babalik ba ulit ako kina Beth para ……kausapin
o puntahan ko si Mabel na
naghihintay na sa akin? "Mali
siguro iniisip…" bulong ko
sa sarili Naglakad ako hanggang sa
may kanto at nagabang ng taxi. Ilang
minuto lang at nakapara ako at
dali-daling sumakay. Nagpahatid
ako sa may Taft Ave., kina
Mabel. Sa loob ng sasakyan, di ko
pa rin maalis sa aking isipan ang sagot ni Beth. "Nandito ako
lagi para sa
kanya…" "Yun ang sinabi nya sa
akin
nung niligawan ko sya…" sa
wari-wari ko Tandang-tanda ko pa yun. Mga
tatlong taon na ang nakakalipas.
Yun ang panahon na nahulog
talaga ang loob ko kay Beth. Sa
tutoo lang, mahal ko pa rin si
Beth. Minsan pag nakikita kong may naghahatid sa kanya pauwi
sa apartment, di ko mapigilang
makaramdam ng selos. Minsan
naisip ko, bakit di naging kami?
Mahal ko sya at mahal nya ako.
Pero bakit di kami magkatuluyan? Bago ako
manligaw kay Lorna nun,
nagpaalam pa ako kay Beth. Ok
lang naman daw sa kanya. Wag
ko daw syang alalahanin. "Live
your life. I'm happy for you." Yung ang sabi nya lagi sa
akin.
Kahit na naging kami ni Lorna
and eventually ni Mabel, nanatili
kaming magkaibigan ni Beth.
Pag may problema kami, takbuhan naming dalawa ang isa't
isa. Naisip ko na baka wala
talagang feelings sa akin si Beth.
Kaibigan lang talaga. Pero higit
pa sa kaibigan lang nung simula.
Yung araw na nagtalik kami ni Beth nun, naulit yun. Di lang
minsan. Maraming beses. Para
kaming mag-"sex partners".
Marami akong natutunan kay
Beth. Bihasa talaga
sya sa pakikipagtalik. Kaya siguro ako naging marunong sa
sex ay dahil na rin sa kanya.
Sinabi nya sa akin ang mga
gusto at di gusto ng mga babae.
Natigil lang ang aming pagniniig
nung nanligaw na ako kay Lorna. Mula nun, parang normal na
magkaibigan na lang kami. "Beth…"
buntong-hininga ko Kailan ba
talaga ako nagsabi ng
"i love you" sa isang babae?
Yung talagang galing sa loob, galing sa dibdib, galing sa puso?
"Kay Beth… kay Beth lang" sa
loob-loob ko Oo nga naging kami ni
Lorna. Oo
nga at nagtagal rin kami. Pero
iba. Tingin ko minahal ko rin si Lorna. Pero iba. Di tulad nung
naramdaman ko para kay Beth.
Kung iisipin kong mabuti, kaya
naman niligawan ko si Lorna ay
para maalis sa isipan ko si Beth.
Para pumasok sa isang tutoong relasyon. Yung pwedeng
ipagsigawan sa mundo na eto
kami, magsyota kami. Si Mabel? Di
ko alam.
Swerte nga ako naging kami ni
Mabel. Pero ginusto ko ba talaga? O dala lang ng
pangungulila nung mag-break
kami ni Lorna? Dala ng libog? Yun
lang ba ang nararamdaman
ko para kay Mabel? "Ano ba ito?"
tanong ko sa sarili ko Bigla na lamang akong
nagkaganito. Ok na ang buhay
ko. May nobya ako. Maganda,
sexy, smart. Tanggap ako ng
pamilya nya. Ano pa bang
hahanapin ko? Mabait si Mabel. Ano pa bang hahanapin ko?
Sexually compatible kami ni
Mabel. Ano pa bang hahanapin
ko? Mahal ako ni Mabel. Ano pa
bang hahanapin ko? "Mahal ko ba
si Mabel?" sa isip ko Yun kaya ang sagot, isa ring
tanong? "Mahal ko ba si Mabel?"
ulit ko Di ko masagot ang sarili
kong
tanong. Gusto kong sabihin, oo
mahal ko si Mabel. Pero bakit parang di ko masabi. Dahil
kaya… di ko sya talaga mahal?
"Putsa Jun…" mura ko sa sarili
Naputol lang ang aking pagiisip
ng tumigil ang taxi. "Boss nandito
na tayo." … …anang taxi driver "Ha? O eto po
manong, salamat
po" sabay bukas ng pintuan at
baba sa taxi Lumapit ako sa may
pintuan ng
tinutuluyan ni Mabel. Naguguluhan pa rin ako pero
inisip ko mamaya ko na lang
problemahin paguwi ko. Nag-
door bell ako. Kaagad bumukas ang
pintuan. Si Mabel. "Hi honey!" "Hello
'bel" "Halika… tuloy ka…" hila nya sa akin. "Maupo ka muna dyan.
Maghahanda lang ako ng
makakain mo." "Ha? eh maaga pa
para mag-
lunch." sabi ko "Basta. Dyan ka
lang. Buksan mo ang tv kung gusto mong
manood." sabi ni Mabel "Si Tita?
Tito? nasan na sila?"
tanong ko "Wala sila. Umuwi ng
probinsya.
Piyesta kasi sa may amin sa Batangas ngayon" sagot nya
"Ganun ba? Bakit di tayo
pumunta dun?" sabi ko "Malayo.
Tapos linggo pa. Eh
may pasok tayo bukas.
Mapapagod lang tayo sa biyahe." paliwanag ni Mabel. "Ah oo nga."
sambit ko "Don't worry. Pagdadala
tayo ng
mga pagkain nina mommy."