1. Home
  2. Stories
  3. Kuya Part 1
PSErotica

Kuya Part 1

By dzaqtv3 ·

PART 1

Sometime in 2003

"Bebe w8 m aq s tpt ng rum nmin. Plbs n me. Luv ya. Mwaah." sabi sa text message na natanggap ko. Sa wakas, tapos na naman ang isang mahabang araw. At na-miss ko rin ang bebe ko. Almost 7 hours din kaming di nagkita dahil sala-salabat ang schedules namin. Magkaiba rin kasi ang building namin, ako dito sa building ng College of Education, siya naman sa building ng College of Pharmacy na aabutin ng mga 25 minutes kung lalakarin mo.

Pero for me, ayos lang yon. Basta for my one and only bebe na si Jasmine. Matagal na rin kami. For almost 1 and a half year na ang relationship namin and still going strong and hoping for it to be stronger. Ganon na kami katagal pero wala pang nangyayari sa amin. Yon ay dahil nire-respeto ko siya bilang babae.

Pang-apat ko na siyang girlfriend at siya ang tumagal ng ganito. Yung iba kasi, short time lang nung highschool. Pinakamatagal na siguro ang 6 months. Maayos naman akong karelasyon. Masarap magmahal - malambing, sweet at thoughtful (sabi niya ha.).

"Oh shit.." sabi ko ng sa gitna ng pag-lalakad ko papunta sa building nina Jasmine ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Dali-dali akong sumilong sa lona ng helera ng mga food stalls. Putik na ang sapatos ko. Basang-basa narin ang polo't pantalon ko. Nakakahiya kung haharap ako sa bebe ko na ganito itsura ko. Napatingin ako sa horizon. Konting mga hakbang na lang sana at nakapasok na ako sa building nina Jasmine. Habang nakatingin ako sa malayo, may nakita akong babaeng lumalabas sa building. Sa lakas ng bagsak ng tubig-ulan, hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya. May dala siyang pink na payong at naka-pink na tote bag. Nang maaninag ko e si Jasmine lang pala. Napangiti siya ng makita ako. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa akin dahil nga basa ang pavement.

"Dylan, sorry ah kung di na kita naantay. Tagal mo kasi e kaya lumabas na ako." sabi niya habang may hinahalungkat sa bag niya. "Ayos lang bhe. Heto nama't nagkasalubong na rin tayo eh." sabi ko habang pinupunasan ang sarili ko ng panyo. "Heto panyo ko. Punasan mo ng maigi braso mo. Pati batok mo. Don't worry, mabango pa rin yan." sabi niya sabay abot sa panyo na pink din. "Thanks bebe, sweet mo talaga" sabi ko at akmang aakbay sa kanya. "Hey basa ka pa, wag ka munang umakbay. Ah! Wait may extra yata akong damit dito. Magpalit ka muna." sabi niya habang naghalungkat uli sa bag niya. "Eto oh" sabi niya sabay abot sa pink na T-Shirt. "Ngak! Ano yan? Di ko isusuot yan!" sabi ko. "Ang arte mo ha, ikaw na nga ang inaalagaan ikaw pa itong tumatanggi" sabi niya habang inilagay ulit ang damit sa loob ng bag. "O sige na, sige na. Isusuot ko na." sabi ko ng hinabol ko siya. "Ok" sabi niya sabay ngiti sa akin.

Hay, parang di bagay sa akin ito. Di ako nagsusot ng pink dahil hindi ako..hindi ako bading! Pero dahil sa kakulitan nya, isinuot ko na rin. Fitted na fitted ang T-Shirt sa akin. Sabi niya, mas lalo daw akong gumwapo. Bumagay daw sa maputi kong balat ang T-Shirt nyang yon. Abot-abot ang kahihiyan ko habang naglakad kami palabas ng campus. Lalong lumakas ang ulan kaya nahirapan kami sa pagkuha ng masasakyan. Usually kasi, hinahatid ko siya (sa Project 7) at ako sa may Philam. Isang oras na yata akong pumapara ng bus ay wala man lang tumitigil. Kaya nagsabi siya sa akin na magpapasundo na lang kami sa kuya niya.

Matapos siguro ang isa na namang matagal na 30 minutes na antayan ay tumabi ang isang itim na Mitsubishi Galant sa tapat ng waiting shed kung saan kami nag-aantay. May bumabang malaking lalaki. Nakasukob sa malaking dark blue na payong. Iyon na pala ang kuya ni Jasmine na noon ko lang din nakita.

"Kanina ka pa ba Jasmine?" tanong ng kuya niya habang kinukuha ang gamit ni Jasmine. "Hindi naman kuya" sabi ni Jasmine. "O Tara na't gabi na, ma-traffic pa naman." sabi ng kuya ni Jasmine na parang silang dalawa lang ang tao doon. Hindi man lang ako tinitignan o binati man lang. Suplado. "Kuya, sabay na natin si Dylan" sabi ni Jasmine sa kuya niya. Sa wakas at tumingin na ang kuya niya sa akin. "Hi po. Pasensya po kung naabala pa kita. Mahirap kasi kumuha ng sasakyan" sabi ko na medyo nauutal pa. "Sumakay ka na. Malakas ang ulan" sabi ng kuya ni Jasmine habang inalalayan ang kapatid para pumasok na sa sasakyan. Sa passenger seat ako pina-upo at si Jasmine sa likod. Tulad ng inaasahan, ma-traffic nga. Yung magkapatid, panay ang kwentuhan. Nagtatawanan pa. Na-OP nga ako. Napansin naman yon ni Jasmine at hinihimas na lang ako sa balikat.

Mga 7:30 na yata ng makarating kami sa bahay ni Jasmine. Nauna siyang pumasok kasama ang kuya niya. "O ano pang itinatayo mo dyan, pumasok ka na" masungit pa rin ang tono ng kuya niya. "Jasmine, naka-YM ko kanina si Papa. Kinukumusta ka" sabi ng kuya niya habang nag-aayos ng pagkain sa la mesa. Ako naman, kumuha ng papel sa bag ko at isinapin sa sofa upang hindi ito mabasa. "Ano? Si Papa? Anong sabi niya?" excited na tanong ni Jasmine sa kuya niya. "Tatawag daw ulit siya mamaya. Abangan na lang natin" sabi ng kuya niya na naglalapag na ng mga ulam. "Ako na ang tatawag kay Papa" sabi ni Jasmine at nagmadaling umakyat sa kwarto niya. Naiwan kaming dalawa ng kuya niya sa baba. "Jasmine, halika ka dito kumain ka muna" sigaw ng kuya niya na naka-upo na sa lamesa. "Mamaya na kuya busog pa ako. Kayo na lang muna ni Dylan ang kumain." sigaw naman ni Jasmine sa taas.

Akmang sasandok na ng kanin ang kuya ni Jasmine ng tumitig siya sa akin. Agad kong iniiwas ko namang iniwas ang tingin ko sa kanya. "Sabayan mo na ako dito" alok niya. "Sige lang po, Kuya" sagot ko. "Wag ka na ngang pa-importante." seryosong sagot niya sa akin. Napilitan akong lumapit sa lamesa at sinabayan ko na siyang kumain.

"Dylan ka di ba. Dylan Chavez, tama ba?" sabi ng kuya ni Jasmine habang kumakain. "Opo, tama po kayo ,kuya…" sagot ko na hindi alam kung anong pangalan ang itatawag ko sa kanya. "Wilson. Wilson Perez" sabay iniabot ang kamay para makipag-kamay. Iniabot ko rin ang sa akin tanda ng paggalang. Tumitig ulit siya sa akin. Seryoso mukha niya pero parang may gustong sabihin. Hala ano ito. Halos 15 seconds na ang handshake namin. Ayaw pa rin nya bitawan ang kamay ko. Kaya sinubukan kong magsalita. "Ah..Eh..Ngayon ko lang po yata kayo na-meet" sabi ko at tumigil na siya sa paghawak sa kamay ko. "Oo dahil ngayon lang ulit ako bumalik dito sa Manila." sabi niya at itinuloy ang pagkain. "San po ba kayo?" tanong ko.

"Kuya Wilson na lang, konti lang naman tanda ko sa yo." sabi niya sa akin saka nagtagay ng mango juice sa baso niya. "O sige. Kuya Wilson, san ka ba dati?" ulit na tanong ko. "Sa Bangkok ako galing. Nagtrabaho ako don bilang officer sa bangko doon. Nag-resign na ako kaya bumalik na ako dito." sabi niya habang ang baso ko naman ang nilagyan. "Ah ganon po ba. Eh di maganda na po ang kita nyo?" sabi ko sabay nagpasalamat sa pagsasalin ng juice sa baso ko. "Ah, hindi naman. May konting naipon lang." sabi niya at sabay naming nilagok ang juice.

"Balita ko, smart kid ka daw sabi ni Jasmine" sabi ni Kuya Wilson na nakatitig sa akin ng mabuti. "Ah hindi naman" nahihiya kong sagot. "Anong hindi? Bidang-bida ka nga sa amin ni Jasmine eh" sagot nya sa akin. Napangiti lang ako. "Accelerated ka daw nong highschool kaya daw maaga kang nag-college." sabi niya. "Ah, eh, ganon nga po." nahihiya pa rin ako sa pagsagot at pangisi-ngisi lang. "Ilang taon ka na ba? Anong year ka na ba?" tanong ulit niya sa akin. "Ah..19 na po ako. Isang taon lang po tanda ko kay Jasmine. Third year na rin po ako" sabi ko habang akmang magliligpit ng pinagkainan. "Di ba sabi ko wag ka ng mag-po? 25 pa lang naman ako. Atsaka hayaan mo na yang pinagkainan mo dyan. May magliligpat naman nyan" sagot niya sa akin.

"Salamat po sa pagkain" sabi ko at tumayo na paupo ulit sa sofa. Si Kuya Wilson naman ay umakyat sa taas. Di ako makatiis at nilapitan ko ulit ang lamesa. Pinagsama-sama ko ang mga hugasin saka inilagay sa lababo. Nagulat na lang ako ng biglang sumulpot sa likod ko ang naka-sando na si Kuya Wilson. "Di ba sabi ko may gagawa na niyan. Umupo ka na lang don" sabi niya sabay hinawakan ang kamay ko para bitawan ang pinggan. Para akong nakuryente na hindi ko alam. May kung ano akong nararamdaman sa kuya ni Jasmine. Ewan ko pero basta kakaiba. "Ah sige po" at binitawan ko ang pinggan at muling umupo sa sofa. Narinig ko na lang na siya na ang naghuhugas. Biruin mo, malaki ang sinusweldo, big time, pero marunong maghugas ng plato. Napansin ko na mukhang mabait rin naman ang kuya ni Jasmine. Maya-maya'y bumaba na si Jasmine.

"Ano, ginulpi ka ba ni kuya?" tanong ni Jasmine sa akin. "Hindi naman" sabi ko sa kanya. "Masarap ba luto niya? Anong masasabi mo?" tanong ni Jasmine sa akin habang papalapit siya sa lamesa. "Oo. Masarap." sabi ko. "Masarap pa rin akong magluto Jasmine kaya kumain ka na." sigaw ng kuya niya habang naghuhugas. "Nakausap mo na papa mo?" tanong ko sa kanya at tinabihan siya sa lamesa. "Oo. Sensya bhe ha kung natagalan." sabi niya sa akin habang hinihimas ako sa pisngi. "Ayos lang. Bhe, kailangan ko ng umuwi. Gabi na kasi eh." sabi ko kay Jasmine na nag-umpisa ng kumain. "Ganon ba bhe. Sorry ha. Sige" akma siyang ki-kiss sa cheeks ko pero biglang pumasok sa dining si Kuya Wilson.

"Oo nga Dylan. Umuwi ka na at gabi na, baka hinahanap ka na sa inyo." sabi niya sa akin habang nagpupunas ng kamay sa suot niyang apron. "Bukas ko sayo ito isosoli Jasmine. Lalabhan ko muna" sabi ko na tumayo na at handa ng umalis. "Sige kahit hwag muna. Mukhang buong magdamag pa rin yang ulan. Hindi pa yan matutuyo." sabi niya na lumingon sa akin. "Mag-ingat ka na lang Dylan. Sana makakuha ka pa ng masasakyan." sabi ni Kuya Wilson habang tinatabihan si Jasmine.

"Ano ka ba naman kuya, ihatid mo naman si Dylan. Kawawa naman yan wala nang masasakyan yan." sabi ni Jasmine sa kapatid na may kasama pang pabirong suntok sa braso. "Kaya na niya sarili nya" pa-suplado ulit na sabi ni Kuya Wilson. "Ayos lang ako Jasmine. Makakauwi pa ako nito." sabi ko at kinuha na ulit ang bag ko. "Basta, kuya ihatid mo na si Dylan. Maawa ka naman" sabi ni Jasmine sa kuya.

"O sige. O sige na at ng matahimik ka na" sabay tayo ni Kuya Wilson at kinuha ang susi ng sasakyan sa nakapatong sa ibabaw ng component. "Wag na po kuya. Ayos lang po" tanggi ko sa kanya. "Wag ka ng maarte. Heto na nga at ihahatid na kita" suplado pa rin ang sagot sa akin. "Bye Dylan. Ingat kayo ha. At ikaw kuya ayus-ayusin mo pagpapatakbo mo ha!" pabirong sabi ni Jasmine sa kapatid. "Opo ate.." pabirong tugon ni Kuya Wilson. Nauna ng lumabas si Kuya Wilson sa pinto. Nang palabas na ako'y sinitsitan pa ako ni Jasmine at nag-mouth ng "I Love You". Sinagot ko rin at nag-mouth ako ng "I Love You too."

"Bilisan mo na at ng makabalik ako ng maaga" sigaw ni Kuya Wilson sa akin habang nasa sasakyan. Tuluyan na akong lumabas sa bahay nina Jasmine.

Hindi na masyadong ma-traffic tulad kanina pero malakas pa rin ang ulan. At dahil nga umuulan, ang ginaw tuloy ng aircon. At ang tatag ni Kuya Wilson. Naka-sando pa rin. Naka-upo ako ulit sa passenger seat ng ma-curious akong tingnan siya. Nice. Malaki ang braso, muscled at halatang nag-gy-gym. Ano kaya ito? Bakit ako naku-curious sa itsura ni Kuya Wilson? Napalingon siya sa akin. Nag-flash siya ng kakaibang smile. Parang, nang-iinsultong ngiti. Namula ako at tumingin sa harapan.

Nang mapadako kami sa may bungad ng West Avenue. Pila na naman ang sasakyan. Nakakainip dahil ang tagal naming nakatigil. Nilibang ko ang sarili sa mahinang pakanta-kanta. Hindi kasi kami nag-uusap. On the corner of my eye, napapansin kong may ginagawa si Kuya Wilson. Sumandal ako ng husto sa upuan. Pa-simple lang ang sulyap ko sa kanya. Nagulat ako sa posisyon ng kamay niya.