1. Home
  2. Stories
  3. Kuya Part 2
PSErotica

Kuya Part 2

By dzaqtv3 ·

PART 2

Nakapatong ang kamay niya sa shorts niya. Nakapikit at hinimihimas ang harap niya. Pilit kong iniiba ang iniisip ko pero curious ako sa ginagawa niya. Kaya ini-adjust ko ng konti ang ulo ko para mas masulyapan ko ng patago ang ginagawa niya. Wow! May namumukol sa shorts niya. Napapa-ungol pa siya. Parang nanunukso. Alam kong napapansin na niya na sumusulyap ako sa kanya pero di pa rin siya tumitigil. "Kuya abante na tayo" ng bigla kaming businahan ng sumusunod sa amin na Elf Truck. Para siyang naalimpungatan at pinaandar ulit ang sasakyan. Lumingon siya ulit sa akin at napangiti. Hindi ko makuha ang gusto niyang sabihin. Ano kaya gusto niyang iparating sa akin. Bakit niya hinihimas-himas ang ari niya ng ganon?

Sa bagay, ako rin naman, unintentionally, nagagawa ko rin yon. Even on public places. At supposedly, walang malisya yon whatsoever dahil nga, pareho kaming lalaki.

"San ka nga ulit?" patay malisya niyang tanong sa akin. "Philam lang po. Kahit hanggang gate na lang." sabay turo ko kung saan kami liliko. "Malakas ang ulan. Hatid na kita hanggang sa bahay nyo" sabay niya saka lumiko papasok sa gate. "Ituro mo na lang ang daan" sabi niya.

At itinuro ko nga ang daan papunta sa bahay ko. "O, ang ganda pala ng bahay nyo eh. Mayaman kayo ano?" tanong niya sa akin ng huminto na kami sa tapat ng bahay ko. "Hindi naman. Sa lolo ko yang bahay na yan, pinagagamit lang po sa akin" paliwanag ko. "Bakit ikaw lang mag-isa dyan? Wala kang kasama?" tanong niya habang may kinukuha sa likod ng driver's seat. "Opo. Ako lang dyan. Ak lang din nagluluto sa sarili ko" patuloy ko. "Sige po salamat at pasensya sa abala, Kuya Wilson" at bababa na sana ako sa sasakyan. "Teka lang" sabi niya sabay bumaba sa sasakyan na dala ang isang payong. Nagulat ako. Mabait ulit si Kuya Wilson.

Ah, papayungan ako sa pagbababa ko. Isip ko ng tumapat siya sa pinto ko. Pinagbuksan ako ng pinto at pinayungan ako papasok sa bahay. Sinusian ko ang pinto at inalok siyang tumuloy. "Pasok ka muna Kuya Wilson. Bigyan kitang kape" pagmamagandang-loob kong alok sa kanya. "Sige wag na ayos na ako" sabi niya. "Salamat ulit Kuya Wilson" sabi ko sabay ngiti. "Sige. Mag-lock ka ng pinto. Mahirap na't baka ma-rape ka, may itsura ka pa naman" sabi niya sa akin sabay tumalikod at tuloy-tuloy na lumabas ng bahay.

Ma-rape? Ano ako babae? Anong gusto niyang sabihin don? Hindi ko yata na-gets yon? Oo, may hitsura ako. Gwapo, maputi, makinis, may dalawang lubog na dimples. Pero ang hindi ko ma-gets eh yung re-rapin daw ako. At ini-lock ko na nga ang front door. Pumasok sa kwarto at nagpalit ng damit. Habang nagpapalit ng damit ay nakaisip ako ng dahilan kung bakit nasabi ni Kuya Wilson ang ganon.

Siguro iniisip niya, bakla ako, na silahis ako dahil naka-pink ako. Tapos siguro, kaya niya hinimas-himas ang ari niya dun sa kotse eh dahil sine-seduce niya ako. At lahat yon dahil pinahiram ako ni Jasmine ng pink na damit. Gusto kong maasar kay Jasmine pero hindi ko naman magawa. Ano naman ngayon kung isipan niyang silahis ako. Na bading ako? Alam ko, hindi naman yon totoo kaya ayos lang. Nagpatuloy ako sa pagbibihis. Di nagtagal, nakatulog na ako.

"Beh, gcng knb? Nk2log kB? Ndi kb nbsa ng ulan?" text sa akin ni Jasmine na siyang gumising sa akin. Tumingin ako sa relos at 5:47am na pala. Bumangon na ako at sinagot ko ang text nya. "Opo bebe gncng m me. Nk2log po ako. Dnt wori po abt me, im fyn. D po me nbsa sa ulan. Kain n po b u? at i-sinend ko na ang message. Nagpatuloy kami sa mga ka-sweetan namin. Maya-maya'y pumasok na ako. Nagtext ulit siya nung nasa school ako. Sabi niya, iniimbitahan daw ako ni Kuya Wilson next week. Isasama daw niya ako sa pagbisita nilang magkapatid sa farm nila sa Tagaytay. Nung una tumanggi ako. Pero napapayag din naman ako ni Jasmine. Ayos lang umabsent for three days kasi University week namin at halos everyday kapag University Week ay wala kaming ginagawa.

Isang linggo ang lumipas at dumating ang araw ng pagpunta namin sa Tagaytay. "Baby, asan ka na? Malapit ka na ba?" sabi sa akin ni Jasmine habang kausap ko siya sa cell phone. "Babe on the way na ako. Nakasakay na ako ng taxi. Mga 15 minutes andyan na ako. Hindi naman ma-traffic" sagot ko sa kanya. "Sige baby ingat ka, Love you po, Mwaah" sabi niya. "Sige love you too babe, bye bye" at she hunged up na. Mabilis ang takbo ng taxi kaya less than 15 minutes ay dumating na ako sa tapat ng bahay nina Jasmine.

Sinalubong ako ni Jasmine at niyakap. "Na-miss kita babe" palambing niyang sabi sa akin. "Miss din kita" at hinigpitan pang lalo ang yakap sa kanya. "Gwapo talaga ng bebe ko" sabay kurot sa magkabila kong cheeks. "Ehem, ehem. Dylan tulungan mo naman ako dito" putol sa amin ni Kuya Wilson na nagpapatulong magkarga ng mga baon at ang ice chest. "Sige po kuya. Good morning po pala" sabi ko sa kanya at binuhat ang ice chest. "Sa trunk na yan Dylan" sabi ni Kuya Wilson sa akin. "Kaw talaga kuya, pinapagod mo bebe ko. Kita mong ang puti-puti't ang kinis-kinis nyan pinagbubuhat mo lang" sabi ni Jasmine at sumakay na sa sasakyan. "Mabuti yan…Nang tumuwid si Dylan" sabi ni Kuya Wilson na nakatingin sa akin. Hindi ko na naman malaman ang ibig sabihin niya don. Biro ba yon? Nagpasensya na lang ako at sumakay na rin kaming dalawa sa sasakyan.

Hindi pa ganon ka-traffic sa Tagaytay proper kaya in 2 hours narating na namin ang farm nina Jasmine. Flower farm pala yon. Ang daming iba't-ibang klase ng flowers. At dahil hindi naman ako flower-lover, hindi ko rin alam ang pangalan ng mga yon.

Nang maibaba na namin ang mga gamit ay itinuro na ni Kuya Wilson kung san kami tutuloy. At biruin mong may apartelle pala sa gitna ng flower farm. "Kuya, ganito ka na pala ka-yaman. Di mo man lang kinukwento sa akin." pabirong sabi ni Jasmine sa kuya niya. Napangiti lang si Kuya Wilson at ipinagpatuloy ang paglalakad namin. Pagpasok namin sa reception ng apartelle ay binati agad kami ng mga receptionist. "Welcome po sir Wilson. Nakabalik na po pala kayo." sabi ng isang lalaking receptionist. "Welcome back po sir Wilson." sabi naman ng isang babaeng receptionist. "Nung nakaraang linggo lang ako dumating kaya di ako nakadalaw agad." tugon ni Kuya Wilson.

Itinuro na ng lalaking receptionist sa amin kung sang kwarto kami tutuloy. Tinanong ako ni Kuya Wilson kung ayos lang ba na ikuha niya ako ng seperate na kwarto. Ayos lang naman sa akin. Marunong naman akong lumugar. Nang ma-ayos na ang mga gamit ko ay natulog ako. Di na ako nakapagsuot ng pang-itaas dahil sa sobrang antok. Hindi ko na rin alintana ang lamig ng klima sa Tagaytay.

Naalimpungatan na lang ako ng narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto. Halos hindi ko maimulat ang mata ko sa sobrang kaantukan. Pero naaninag kong madilim na pala. At dahil hindi nakabukas ang ilaw, nahirapan akong maaninag kung sino ang pumasok sa kwarto ko. Maya-maya'y isinara niya ang pinto. Doon na ako kinabahan. "Sino ka? May tao ba dyan?" pasigaw kong tanong. Walang sumagot. Bumangon na ako sa kama. Dahan-dahan akong tumayo. "Sino ka sabi eh, bubugbugin kita" pasigaw ko pa ring sabi.

"Dylan ano ka ba, si Wilson to. Pakibukas naman ilaw" At si Kuya Wilson lang pala ang pumasok sa kwarto ko. "AH, Kuya, Pasensya po talaga di ko sinasadya. Nagulat lang ako" at binuksan ko ang ilaw. May dala siyang pagkain na nakalagay sa tray. "Maghapunan ka na" marahan niyang sabi sa akin. "Hindi ka na namin ginising ni Jasmine dahil ang sarap ng tulog mo kanina" sabi niya sa akin. "Ah ganun po ba. Salamat po. Sana hindi na po kayo nag-abala. Ako na lang po ang lalabas para kumain" nahihiya kong tugon sa kanya. "Wala ito. Ganito lang talaga akong makiharap sa bisita" masuyo ang pagkakasabi niya. Pinaupo niya ako sa kama at inilapag sa lamesa na katabi noon ang tray ng pagkain. "Kumain ka na" sabi niya sa akin. Sumunod naman ako. Umupo ako sa kama.

"Kayo po Kuya?" alok ko sa kanya. "Wag na. Tapos na kami ni Jasmine" tugon niya. "Asan po pala siya?" tanong ko sabay sumubo ng isa. "Binisita yung kaibigan niya na caretaker ng farm na ito. Baka mamaya pa yon babalik" at para akong biglang kinabahan. Hindi ko mawari pero nakikinita-kinita ko na may posibleng mangyari, sa amin (?). Nagpatuloy ang kwentuhan namin. Tinanong niya kung bakit ako lang mag-isa sa bahay sa Philam. Sabi ko naman, pinatira muna ako don ng Tita ko dahil umalis siya noon for the States. Since mawawala siya ng three months, at dahil gusto kong malaman ang buhay ng isang independent na kabataan, kaya ako tumira don. Nagpatuloy ang pag-uusap namin hanggang sa magtanong siya sa akin.

"Dylan, mahal mo ba si Jasmine?" tanong ni Kuya Wilson sa akin. "Ah, opo, mahal na mahal ko po si Jasmine" tugon ko sa kanya. Nawiwirduhan ako. Bakit kaya niya ako inuurirat ngayon? "Ni minsan ba, di ka tumingin sa iba?" tanong niya ulit sa akin. "Hindi po Kuya" mabilis kong tugon. "Hindi ka tumingin sa ibang babae?" at inulit niya ang tanong. "Hindi po Kuya. Mahal na mahal ko po si Jasmine. Faithful po ako sa kanya" mabilis kong tugon. "Eh sa lalaki?" at nagulat ako sa itinanong nya. "Po? sa lalaki?" paglilinaw ko sa kanya. "Oo, hindi ka ba tumitingin sa lalaki?" urirat niya sa akin habang tumatayo mula sa pagkakaupo sa isa pang kama. "Hi-hindi po. Hindi po ako tumitingin sa, lalaki. Hindi ako ganon. Hindi ako…hindi ako bakla" pautal-utal kong sabi kay Kuya Wilson.

Hindi ko maintindihan kung bakit niya ako tinatanong ng ganon. Anong motibo nito? "Hindi mo ba siya ipagpapalit sa kahit na sinong babae?" tanong niya ulit sa akin habang dahan-dahang lumalapit sa akin. "Ahh..Hindi po. Mahal ko po siya" nauutal ko pa ring tugon. "Kahit dito?" at ipinasok niya ang kamay niya sa loob nang kanyang pyjama. Dinama niya iyon. Napalunok ako.