1. Home
  2. Stories
  3. BUHAY PSE (Si Jane Part2) Ang unang pagkikita
PSErotica

BUHAY PSE (Si Jane Part2) Ang unang pagkikita

By dakz ·

Ang kuwentong ito ay orihinal na komposisyon ng may-akda. Ito’y mula sa pangyayaring tunay na naganap at sinahugan ng malikot na imahinasyon ng otor upang makapagbigay aliw sa mga mambabasa. Kung may pagkakahawig ang tema, karakter, lugar at pangyayari, ipagpaumanhin po ninyo, wala pong intensiyon ang may-akda sa anumang pagkakapareha ng kwento, kathang isip man o sa tunay na buhay. Maraming Salamat po, magandang araw.

Sa pagpapatuloy…….

Alas otso na ng umaga nang marating ko ang kalakhang Maynila. Nang maiparada ko ang sasakyang ginamit ko sa paglalakbay mula sa Ilocos ay deretso ako sa tanggapan ng kumpanyang pinaglilingkuran ko. Ako nga pala si Rey, trenta y nueve anyos, limang talampakan at apat na pulgada lamang ang taas, katamtaman ang pangangatawan (hehehe maliit na nga mataba pa), kulay kayumanggi at biniyayaan ng mukhang hindi naman pangit pero hindi rin masasabing gwapo. (labo ng desciprtion ko ah) Pasalamat na lang pala ako at may lahing Kastila daw ang mga ninuno ko (take note po ha, DAW) kaya may nangangalit sa tangos na ilong.

Ang amo ko ay isang mangangalakal na naguyo kong pumasok sa larangan ng makabagong teknolohiya. Nang mag-umpisa ang isang malaking kumpanya ng kumunikasyon sa mundo ng malawak na talastasan o internet, sinubukan kong mag-aplika bilang kinatawan sa aming lugar at sa awa ng DIYOS ay nakapasok ako bilang ahente, tagakabit at tagasuporta sa mga nagnanais magkaroon ng internet sa kani-kanilang bahay. At sa pag-usad ng panahon, eto isa na ako sa namamahala sa buong probinsiya sa pagkakabit ng nasabing Internet Service Provider (ISP).

Pagbungad ko pa lang sa tanggapan ay nasilayan ko na ang matamis na ngiti ni Jane. Parang nawala ang pagod ko ng maalala ko ang kanyang sinabi kahapon. Umaalingawngaw pa rin sa utak ko ang sinabi niyang “akong bahala sa’yo, imamaneho kita pagkatapos ng meeting.” Hhmmm.. Parang may tumango rin sa pagitan ng aking mga hita. Parang may pakiramdam din ang aking alaga at animo’y sundalong nakarinig ng putukan at handa nang lumaban.

Si Jane nga pala ay ang sekretarya ng aking amo. Limang talampakan ang taas, bilugang mukha na inukitan ng mga nangungusap na mata, katamtamang laki at tangos ng ilong na pinarehasan ng labing nanghahalina sa natural nitong mamula mulang kulay. Ang beinte dos anyos na dalaga ay matatawag mong obra sa angking ganda. (pero wag ka, pag nakanti mo ang itinatagong kiliti, hindi ka lulubayan hangga’t di nauubos ang iyong lakas).

Paano nga ba nagsimula ang aming mainit na samahan. Naalala ko pa ng una kaming magkita. Tuwing luluwas ako ng Maynila ay deretso lang ako pag pumapasok sa looban ng bahay ng aking amo. Kampante at kilala na rin naman kasi ako ng mga guwardiya at katulong. Naka-walking shorts at plain white t-shirt lang ako noon dahil galing ako sa bahay namin sa Caloocan. Ang ibang damit kong panlakad ay nasa bag sa kompartment ng sasakyan.

“Ay, sir sino po sila? Ano po kailangan ninyo? Bakit po kayo pumapasok agad?” sunod sunod na tanong sa akin ng isang magandang dalaga na ngayon ko lang nakita. Ang maamong mukha nito ay nagmistulang tigre na handang sagpangin at kainin ako ng buong buo. (Kinain nga ako ng buo, hehehehe) “Guaarrrddd…. May nakapasok na..”

“Jane!” putol ng makapangyarihang boses mula sa likuran ko. Si Mr. Chua pala, ang aking amo. “He is Mr. Roque, our Operations Manager in Ilocos, Rey, ito naman si Jane, bagong sekretarya ko.”

Ang tigreng gustong lumapa sa akin kanina ay tila mahika ang pagbabagong anyo. Lumabas ang tunay na ganda at lalo akong nabighani ng humingi ito ng paumanhin sa akin at sinabayan ng matamis na ngiti. (Killer smile ika nga.)

“O Rey, musta ang biyahe? Nakabawi ka naba ng lakas?” nangingiti si Boss sa nakikitang tensiyon sa pagitan namin ni Jane. “May lakad kasi ako ngayon at bukas, kaya kayong dalawa na lang ni Jane ang dumalo sa meeting con party ng mother company natin mamaya.”

“Yari na naman ako niyan Boss?” medyo angal ko. “Wala akong practice sa inuman eh”

“Hahaha, kaya mo yan, patulong ka kay Jane pag di mo na kayang sumabay sa kanila mamaya.” Alaska ng amo ko sa akin.

“Ows, marunong ba siyang uminom ng nakakalasing? Baka mamaya yung bote malasing sa kanya Boss ha?”

“O Jane, hinahamon ka nitong Ilocano, sampulan mo kaya mamaya, hahahaha.”

“Boss naman, baka mamaya niyan maniwala si sir Rey na lasengga ako, hihihi.”

“Can you drop the sir? Hehehe hindi naman ako propesor eh.” ganting biro ko sa sinabi ni Jane.

“So ano po itatawag ko sa inyo?”

“Hala, tinanggal nga ang sir may po naman, hahaha. Kuya is ok for me.”

“Sige kuya.”

“O ayan ha, nagkapalagayan na kayo ng loob.” Pumihit na ang amo ko patungong garahe. “Siya, mauna na ako. Mag-iwan kayo ng pang-uwe mamaya ha, wag iinum lahat”

“Aye! Boss” pahabol kong sagot sa nakatalikod ng amo namin.

Habang nag-aantay ng oras ay naghuntahan kami ni Jane. Sa isang oras naming palitan ng kuro kuro ay palagay na nga kami sa isa’t isa. Pag nagbibitaw ako ng joke ay napapahampas na siya sa braso ko pag tumatawa. Mukhang may idea na ako sa makahulugang ngiti at kindat sa akin ng amo ko kanina.

Lumipas pa ang mga oras, at eto na nga kami ni Jane. Binabaybay na namin ang kahabaan ng EDSA papuntang East Avenue galing sa Monumento. Kung ano anong topic pa rin ang aming napapagkwentutan, este kwentuhan pala.

Alas sais y medya na ng matapos ang meeting, kasunod ay kainan at social gathering ng buong Rehiyon I. Dito lahat ng mga may hawak sa mga probinsiya ng rehiyon uno ay nagkakakwentuhan, balitaan at palitan ng mga eksperiyensiya sa larangang aming ginagalawan. Bumuhos ang alak. May hard at serbesa. Humanap kami ni Jane ng makakaumpukan. Eksato namang napalingon sa aming kinaroroonan ang mayhawak sa Cagayan Province. Si Jake, ang payaso ng grupo. Siya lagi ang nagbabaon ng maraming jokes pag may ganitong okasyon. Doon na kami sa mesa nila nakisalo ni Jane. Pakilala sa isa’t isa sa mga baguhan. Kwentuhan, inuman at walang humpay na pasikatan sa mga nagaganap sa kani-kaniyang probinsiya.
Di namin namamalayan na napaparami na pala kami ng inum. Medyo magaslaw na rin ang galaw at pananalita ng bawat isa. Ang kaninang puro trabahong topiko ay napunta na sa seksuwalidad dahil na rin sa isang joke ni Jake.

“Bakit may mas mababang urinary bowl sa mga CR ng lalake?” banat ni Jake.

“Sa mga bata ata yun?” di siguradong sagot ni Mia, ang Admin ng Bulacan Area.

“Mali” si Jake

“Para sa mga unano at mga bata naman talaga ah.” siguradong sagot ko.

“Mali nga. Para yun sa mga Arabo ng di sumayad ang kanilang ibon.”

Tawanan ang grupo. Habang humahagalpak si Jane ay napapasandal siya sa akin. Di ko alam, kung sinasadya niya dahil ipinauubaya niya ang kanyang katawan sa aking dibdib. Inilapit kong lalo ang upuan ko baka sa susunod na pagsandal niya sa akin ay magkamali siya at mapadausdos pa pababa. Dikit na dikit na ang aming mga upuan kaya ng minsang ibinababa niya ang kanyang kamay ay sa aking naghuhumindig na ahas napadako. Sa gulat ko ay napatingin na lang ako sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at di man lang inalis ang kanyang kamay sa pagkapatong niya sa bukol ko sa harap. Pilit ko mang di pansinin pero ang damuhong alaga ko ay lalo pang nag-alburuto at pumitik pitik pa.

“Kuya, lashing na atah akoh.” Si Jane na lalo pang pinamungay ang mata at ang init ng kanyang hininga sa pagbulong niya sa aking tainga.

Dahil dito ay lalong nag-init ang aking pakiramdam.

“Ha? Hinay hinay lang sa inom Jane.” Iniakbay ko ang kamay ko sa kanya dahil sa dina niya tinangka pang lumayo ng sumandal siya muli sa akin. “O kung gusto mo umuwi na tayo?”

“San mo ako iuuwi kuya?”

“Sa langit!” pabiro kong sabi.

“Hhmmm.. Siguraduhin mo lang na langit nga ha?” ang kamay niyang nakapatong sa bukol ko ay dahan dahang humimas sa kahabaan nito. “At siguraduhin mong kayang lumaban ng matagal itong dayunyor mo kuya ha?”

“Uummmppp… Ano ba Jane baka makita nila yang kamay mo.” Bulong ko sa kanya.

“Sige na nga alis na tayo dito.”

Sa aking isip ay may naglalarong kaaya ayang magaganap sa pagitan namin ni Jane.