1. Home
  2. Stories
  3. Andrew
PSErotica

Andrew

By dzaqtv3 ·

Part 1

FEBRUARY 1999

"G_go ka! Hindi mo alam ang malaking kahihiyan na ginawa mo sa pamilyang ito! Nakakahiya ka! Nakakadiri ka!" bulyaw sa akin ni Papa sabay sa pagsuntok sa aking mukha. Alas tres na ng madaling araw, nasa kasarapan na ng tulog ang lahat, pero ako, heto, binubugbog, nilalait at pinagmamalupitan ng tatay ko. Kung nakakamatay ang pag-iyak, siguro kanina pa ako patay. Si Mama, walang magawa. Pilit na pinalalayo si Papa pero hindi siya nagpapapigil. Kasabay ko rin siya sa pag-iyak. Ang kapatid ko, si Jasmine, patagong nakasilip sa pinto ng kwarto ko. Lumingon ako sa kanya. Gusto ko siyang hingan ng tulong. Pero alam kong wala rin siyang magagawa.

"Hayup ka talaga! Wala kang silbing…arggg…hayup ka! B_ll Sh_t ka! Tarant_do! G_go! Bastardo!" patuloy na pang-iinsulto sa akin ni Papa. Halos wala na akong lakas. Simula ng damputin niya ako sa school gymnasium, hanggang nasa daan, hanggang sa makarating dito sa bahay, walang habas na pambubugbog ang binibigay niya sa akin. Dumadaloy na rin ang dugo mula sa pumutok kong labi. Nasulyapan ko rin ang halos mag kulay-violet ko nang braso. Dinadalaw na ako ng antok…Gusto ko ng matulog…At parang ayaw ko na ring gumising…

JUNE 1998

Haay…eto na naman, school opening na naman. Bagong umpisa na naman ng kalbaryo sa school. Ako si Wilson Perez, isang ordinaryong highschool student. Graduating na ako next year. Sa wakas! College na rin! Mas mahihirap nga lang ang mga school works! Pero enjoy naman! Bakit? Ahem, siyempre…Boys! Yes, i like boys!

Hindi naman ako ganun ka-bakla tulad ng iba. Iba naman ako. Hindi ako showy, hindi ako malandi, at ayoko silang kahalubilo. Discreet ako. Maski sino siguro hindi magkakaroon ni katiting na hinala na i'm bisexual kasi, as in walang anumang bakas. Straight body ako lagi at malalim ang boses. Lalaking-lalaki. Pero lalaki lang talaga ang gusto ko.

Sa mga unang araw ng klase, nahirapan akong mag-adjust kasi disbanded kami ng mga kabarkada ko. Napadpad kami sa iba-ibang sections kaya wala akong ka-buddy. Close kaming magbabarkada. Puro kami lalaki. At sa tingin ko, ako lang ang medyo tagilid ang sexuality.

Aaminin ko, matindi ang pagnanasa ko kay Gil, isa sa barkada ko. Maputi siya. Chinito, sexy at gwapo. In-imagine ko na bino-blowjob ko siya tapos siya naman sarap na sarap. Basta halos lahat ng homosexual fantasies naiisip ko sa kanya. Pero ni minsan, i never took advantage sa kanya. Even when all the four of us go to shower (sa gymnasium ng school) together after playing basketball. Oo. Nakita ko na lahat ng burat nila. At yung kay Gil nga ang pinakamalaki. Sa edad niyang 17, bihira ang may kargadang ganon. Pero dahil ayokong masira ang friendship namin, hindi ako nag-attempt na gawan siya ng kahalayan.

AUGUST 1998

Minsan sa launch break, nasa canteen ako and enjoying my launch. May tumabing matangkad na lalaki. Hindi ko siya tinignan. Pero at the corner of my eyes, napansin kong may hitsura siya! Hindi siya maputi katulad ko. Moreno pero hindi ganon ka-itim.

"Hi Bro. Andrew here. Andrew Esteban. How about you?" tanong ng lalaki sa akin. "Ah..Wilson, Wilson Perez" tugon ko at nag-shake hands kami. "Bago lang ako dito. Transferee ako. Kanina lang ako pumasok. Galing ako ng (toot) Academy, yung sa may (toot) City" nakangiting sabi niya sa akin. "Ah alam ko yon. Don nag-elementary yung kabarkada ko" nakangiti ko ring sabi sa kanya habang sumubo ako ng isa.

Nagtuloy-tuloy ang pag-uusap namin. After ng launch break namin na yon. Sabay kaming pumanhik sa classroom namin at ipinakilala siya sa mga classmates ko. Maging sa uwian, sinabayan ko rin siya palabas ng school. In short, in a span of siguro two weeks, naging close na kami ni Andrew.

Marami kasi kaming mga similarities sa mga interests namin. We both love basketball. We both enjoy playing PS games. Basta lahat, magkasundo kami. At sa pagtagal nga, unti-unti kong napansin na, gwapo rin pala tong si Andrew. Hindi talaga siya yung type ko kasi moreno siya. Pero nang tumagal na nga, gwapo na rin siya sa paningin ko.

OCTOBER 1998

Sa kanya na umikot ang mundo ko. Nagtatampo na mga kabarkada ko kasi kung hindi pa daw nila ako puntahan sa bahay ay hindi pa kami aalis para gumala sa mall na dati na naming ginagawa. Hindi na rin kami madalas mag-teleconferencing sa phone dahil gabi-gabi kaming nagte-telebabad ni Andrew sa phone.

Ganado na rin akong mag-aral ng mabuti dahil kay Andrew. Matalino kasi siya. Halos lahat, alam niya. Kung hindi siya ang nakaka-perfect ng mga exams at quizzes namin, siya ang pinakamataas ang grade sa lahat ng aming subjects.

Umabot na rin sa puntong nakikitulog ako sa bahay nila. Naging close kasi kami ng mommy niya kaya halos linggu-linggo kung imbitahan ako sa kanila for a sleep over. At dito ko na rin natuklasan ang mga kapilyuhan ni Andrew. Minsan, habang nakatayo ako sa terrace nila, bigla na lang niya akong hinuhubaran. At siyempre sa pagkapahiya ko, hinahabol ko siya para hubaran.

Nagpapagulong-gulong kami sa kama sa paghaharutan (as in naglalaro lang ha). Minsan nagsasakalan, minsan naman kinikiliti ko siya sa hita (malakas ang kiliti nya don).

Ang saya ko rin pag nakikita ko siya sa school. Lumiliwanag ang mundo ko. Tumatalino ako. Lumulundag ang puso ko. At ang corny ko ano. Pero, ganito talaga ang nararamdaman ko. Minsan nga, umabsent siya sa school. Eh normally, tatawag siya sa akin para abisuhan ako at ang mga teacher namin na aabsent siya. Pero in that instance, hindi niya ginawa.

Pag-uwi ko sa bahay, tinawagan ko siya. "Hello, good evening po. Si Wilson po ito. Pwede po ba kay Andrew?" tanong ko sa nakasagot ng phone. "Sandali lang Wilson ha, ia-abot ko kay Andrew ang phone" sabi sa akin ng mommy niya na siya palang nakasagot sa phone.

"Hello?" tanong sa akin ni Andrew. "Hoy kumag, Wilson to!" Pabirong sabi ko sa kanya. "Hoy kumag kaw pala. Musta? Ano ginawa nyo kanina?" medyo ngongo na sabi niya. "Lagot ka! Nag-quiz kami sa lahat ng subject! At malaki ang nawala sayo!" biro ko sa kanya.

"Ha? Naku bakit pa kasi ako napa-absent!" tugon niya sa akin. "Eh, bakit ka nga ba kasi umabsent?" urirat ko sa kanya. "Ang lala ng sipon ko pare. Nilalagnat din ako ngayon" tugon niya sa akin sabay suminga. "Yak pare siningahan mo pa ako! Ah basta, lagot ka, puro major quizzes pa naman yon" panakot ko sa kanya. "Talaga? Naku naman! Siguro naman tatanggapin nila excuse letter ko" tugon niya sa akin. "Joke lang pare, biro lang yon!" sabi ko sabay tawa ng malakas. "G_go ka talaga Wilson pina-kaba mo ako ng husto!" sabi niya. "Kaw naman di ka na nasanay sa akin!" sabi ko sabay tumawa ulit ng malakas.

NOVEMBER 1998

Malapit na ang birthday ko. Sabi ng Papa ko, kain na lang daw kami sa labas instead na maghanda at mag-imbeta ng maraming bisita. Hindi naman ako makasuway dahil demanding si Papa. Lahat ng sabihin niya,yon ang dapat masunod. Kawawa ka kapag sumagot ka sa kanya. Kaya plinano namin na after ng klase ko, dadaanan ako nila Papa, Mama at Jasmine sa school para kumain sa labas.

Pagdating ko sa classroom, nagulat ako dahil naunahan ako ni Andrew. Matalino nga at masikap na estudyante si Andrew pero, palagi siyang nale-late. Minsan 30 minutes, minsan isang oras. Basta hindi siya dumadating on time.

"Hoy! Birthday boy! Anong handa mo?" bungad nya sa akin at tinabihan siya sa upuan. "Wala kaming handa. Kakain lang kami sa labas" sabi ko sa kanya at napansin ang isang plastic bag. "Ano yan?" sabi ko sabay turo sa plastic. "Ah ito ba.." at kinuha niya ang plastic at inilabas ang laman. Isang malaking teddy bear ang laman ng plastic bag. How sweet. Hindi ako makapagsalita. Lalo na ng iabot nya sa akin ang teddy bear. "Cute ba?" tanong niya sa akin. "Ahh..oo" pakunwari pa ako na hindi nagustuhan ang teddy bear pero deep inside, halos tumalon ang puso ko sa kilig at tuwa.

Sa lahat naman ng pwede nyang i-regalo, bakit naman teddy bear pa? Naku! Nahalata kaya niya? Alam na kaya niya na bisexual ako? Kaya agad kong iniabot sa kanya ang teddy bear. "Bakit naman yan ang regalo mo sa akin?" tanong ko sa kanya. "Hahaha…Regalo? Hindi sa yo ito tol!" at tumawa pa ulit siya ng malakas.

Parang gumuho ang mundo ko. Kung anu-ano pa kasing ini-imagine ko. Hindi pala sa akin yong teddy. Napahiya ako. Kaya para bumawi, nagtanong ulit ako. "Para kanino ba yan?" tanong ko habang patuloy pa rin siya sa pagtawa. "Kay Anne yan pare! Ba't naman kita bibigyan niyan? Ano ka bading? Hindi ka naman bading di ba?" tanong niya sa akin.

"Ahh..Ahh..Hindi nga pero bakit mo inabot sa akin?" nauutal kong tugon. "Pinapakita ko lang sayo. Tignan mo lang kung maganda. Ibibigay ko yan sa kanya mamaya."

Sa ilang buwan naming friendship, ni minsan hindi niya nabanggit na nanliligaw na pala siya. Sumama ang loob ko. Kasi all this time, nag-si-sikreto na pala siya sa akin.

"O, Wilson, Maganda ba? Sa tingin mo magugustuhan kaya niya to?" tanong sa akin ni Andrew at pinakaway pa ang kamay ng teddy. Hindi ko siya sinagot. Kinuha ko ang notebook ko at nagsulat. "Oy ano na? Maganda ba? Sagutin mo naman ako!" kulit niya sa akin at inagaw ang ballpen ko. "Akin na yan!" sigaw ko sa kanya.

"Ang init naman ng ulo mo ngayon. Birthday na birthday mo ganyan ka. Nagtatanong lang naman ako." sabi niya sa akin at inilagay sa balikat ko ang teddy. Kaagad ko naman iyong inalis. "Ang sungit mo ngayon Wilson. Ano ba nakain mo?" tanong niya sa akin at itinago na ang teddy bear sa plastic bag. "Wala, masama lang talaga gising ko"

Itinuloy nga niya ang panliligaw kay Anne. At unti-unti na ring nabawasan ang mga oras na magkasama kami. Halos buntutan na ni Andrew si Anne. Araw-araw, kung anu-ano ang ibinibigay niya kay Anne. Gusto kong sabunutan ang bruha. Mang-aagaw!

At napasagot din ni Andrew si Anne. Ang dating araw-araw naming tawagan ay naging sobrang dalang na. Kung dati nakaka-sleep over pa ako sa kanila, ngayon, ni hindi na niya ako pinapupunta sa bahay niya. Kung dati sabay kami tuwing launchbreak, ngayon, mag-isa na lang ako sa pagkain. Nami-miss ko tuloy ang dati kong barkada. Pero sa tuwi namang magkikita kami sa canteen ay hindi na rin nila ako pinapansin.

DECEMBER 1998

Mas lumamlam pa ang friendship namin ni Andrew. Maski magkatabi kami sa upuan, bihira na kaming mag-usap. Bakit? Puro love letters kay Anne ang inaatupag. Buwisit talaga si Anne. Ang sarap kalbuhin. At dahil don, unti-unting bumaba ang performance ni Andrew sa klase. Kung dati lagi siyang highest pointer, ngayon, kung hindi siya ang lowest eh second siya sa lowest. Kapareho ni Anne. Maganda nga, boba naman. Naku, nakakairita talaga!

At dahil nga sa bumabagsak na class standing ni Andrew, napilitan siyang magkodigo. Sa second day ng midterm exams namin, nahuli siya ng teacher namin na may maliit na papel sa harap niya.

"My God! Ano to Andrew? Sayo ba ito?" sabi ng teacher namin at pinulot ang maliit na papel. "Ma'am, let me explain po.." palusot ni Andrew. "You're cheating Andrew! No need for explanations! Tara sa principal's office! Now" sigaw ng teacher namin na ikinagulat ng lahat. "Hindi ka ganyan dati Andrew. Ewan ko ba at nitong mga nakaraang quizzes at exams natin ay puro failing marks ang nakukuha mo!" galit pa ring sabi ng teacher namin.

"Ma'am, hindi ko po talaga alam ang tungkol dyan." patuloy na palusot ni Andrew. "What? Anong hindi alam? Mr. Andrew Esteban don't make fool of me! Hindi ako tanga! Alam kong sayo yan. Handwriting mo yan!" sigaw ng teacher ko sa kanya. Sa buong sagutan nila ng teacher ko ay nakatingin lang ako sa kanya. Namumutla na siya. Halos mangiyak-ngiyak na. Kaya tumayo ako.

"Ma'am, sa akin po iyan. Ako po ang nagsulat niyan" matapang kong sabi sa teacher ko. "Pero Wils…" nagtatakang sabi sa akin ni Andrew. "My God, Mr. Wilson Perez! Sa yo ito?" at nilapitan ako ng teacher ko. "Ahhmm..Yes Ma'am akin po yan" sabi ko sa teacher ko. "Come with me Wilson. Let's go to the principal's office" utos sa akin ng teacher ko.

"Pero Wilson, ako.." at pinutol ko ang sinasabi ni Andrew. "Ako na ang bahala Andrew.." sabi ko. "Pero tol.." at tuluyan na akong lumabas sa classroom.

itutuloy