1. Home
  2. Stories
  3. Andrew Part 2
PSErotica

Andrew Part 2

By dzaqtv3 ·

Part 2 (sorry for the delay)

"My God! How dare you to cheat! How you to cheat right in front of my face!" bulyaw ng teacher kong si Ms. Degolacion habang naglalakad kami papunta sa principal's office. "Ma'am I'm sorry.." ang tangi kong nasasambit sa tuwing humihinto siya sa mga birada niya sa akin.

Diyos ko ano ba 'tong ginawa ko? Ano ba 'tong mga nasabi ko? Bakit hinayaan ko ang sarili ko na akuin ang pagkakamali ni Andrew? Bakit ako nagpapakadakila? Eh alam ko naman na hindi na ako ang bida sa kanya, kundi si Anne. Si Anne na maputi, maganda, sexy; Si Anne na walang laman kukote kungdi pulos face powder at lipstick; Si Anne na hindi man lang nagbigay ng effort to comfort him kanina…

Humigit kumulang na isang oras akong ginisa, nilaga at iprinito sa loob ng principal's office. Noong una'y ayaw pumayag ng principal. Kaylangan daw akong i-suspend for 3 days in accordance with our student handbook. Pero since maganda naman daw ang track record ko sa school at ito ang kauna-unahang (at kahuli-hulihan) instance na nahuli ako na nangongodigo, babawasan na lang daw ng 15 points ang results ko sa exam. Plus kaylangan kong mag-submit ng two special projects. Mabuti kamo at napakiusapan ko na hwag ng ipaalam sa mga magulang ko dahil tiyak, tatamaan ako ng matindi. Lalo na sa tatay ko.

Dati kasing MP sa AFP si Papa. Pero dahil sa intrigahan sa trabaho at promotion, na-relieve siya. Kaya, si mama na lang ang solong nagtrabaho. Natigil din siya sa trabaho for 5 years until napasok siya sa SWAT. Hindi siya yung mismong operative pero basta may pwesto siya don. Nagsimula na siyang kumita ulit. Unti-unting bumangon ang pamilya namin.

Kaya lang, malupit si Papa. Sobra. Dahil nga sa military-inclined ang job niya, batas-militar ang palakad niya sa bahay. "Obey and never dare to complain" ang lagi niyang sinasabi. Dahil sa ako ang panganay, at lalaki daw ako, dapat daw magpakita ako ng mga traits ng isang future general - disiplinado at well-trained. Kaya anong takot ko na lang magkamali ng kilos at sasabihin. Kasi katumbas ng mga iyon ay latay sa kamay, likod at hita. Nung grade 5 ako, halos gabi-gabi kung paluin niya ako. Maigi daw yun para maging imune na ako sa physical pain. Nung 1st naman, nag-upgrade siya ng weapon sa akin. Hose naman daw para magka-marka. Ang lalaki daw kasi na hindi dumaan sa hostility ay magiging bading. Eh pano ako? Naranasan ko ang sobra-sobrang hostility sa kanya eh bakit parang, papunta ako sa pagiging g-a-y?

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay pinaakyat na ako ni Ms. Degolacion. Hindi na niya ako pinag-test bagkus pina-upo na niya ako sa labas. Pasulyap-sulyap sa akin si Andrew. Nangungusap ang mga mata niya. Nagso-sorry. Pagkatapos ng test, nagsilabasan na sila lahat. Isa-isa nila akong tinititigan. Yung iba nagbubulungan, yung iba agad na tumitingin sa ceiling at sa sahig. Nakita kong natapos na si Andrew at tumayo na rin si Anne. Sabay silang nagpasa pero nauna si Anne na lumabas. Dumaan siya sa harap ko at nagparinig, "Mangongodigo na nga lang, ipinahalata pa.." sabay sumilip sa bintana at tinawag si Andrew para magmadali. Agad din namang lumabas si Andrew. Uuwi na rin sana ako ng habulin ako ni Andrew.

"Tol wait, we need to talk" seryosong sabi ni Andrew. "Hon, let's go. May gimik tayo after ng test di ba?" malanding sabi ni Anne. "Hindi naman to magtatagal Anne. So please, Wilson, we really need to talk" patuloy na pag-iinsist ni Andrew. "Okay lang ba sayo Anne?" nangingimi kong tanong kay Anne. "Whatever" at sabay na hinalikan sa pisngi si Andrew at naglakad palayo sa classroom.

Pagka-alis ni Anne ay nagsimula na kaming mag-usap ni Andrew. "Tol, bakit mo ginawa yon…hindi dapat…nahihiya ako…" halos paiyak na si Andrew. "Wala yon..That's what friends are for nga di ba…" tipid kong sagot. "Pero bro…malalagot ka sa papa mo.." at tumulo na nga ang luha ni Andrew. "Wala yon pare…napaki-usapan ko naman si ma'am.." sabi ko sa kanya na tinapik pa sa balikat. "Salamat pare…totoong kaibigan ka talaga…" at niyakap ako ni Andrew. Wow! Si Andrew niyakap ako! Si Crush, in-embrace ako! Wow! Ang saya ko! Parang nawala lahat ng nangyari kanina. Tumigil ang mundo ko.

Nang tumagal ay tinanggal ko na ang yakap niya. "Pre, ano ka ba, bading..?" biro ko at sabay kaming tumawa ng malakas. Sabay na rin kaming lumabas ng classroom. Siya sinundan si Anne at ako, umuwi na.

Pagkatapos noon ay medyo umayos na ulit ang friendship namin ni Andrew. Nag-uusap na ulit kami sa phone, di nga lang sing dalas ng dati pero at least di ba. Paminsan-minsan, pag absent si Anne, sumasabay na ulit siya sa akin. Haay…ang saya ng buhay.

itutuloy…