1. Home
  2. Stories
  3. Andrew Part 4
PSErotica

Andrew Part 4

By dzaqtv3 ·

Part 4

Pagkalabas na pagkalabas niya ay automatic na naka-ihi na ako. Haay sa lahat talaga, ayaw ko ng may kasabay sa pag-ihi. Tinitigasan ako. Nako-conscious ako pag alam kong may kapwa kong lalaki na naglalabas ng uten nila.

Pagkalabas ko ng banyo ay wala na si Andrew. Marahil nauna na siyang bumalik sa kwarto at hindi na ako naantay. Inaayos ko ang trunks ko (dahil may bumabakat) kaya nakabangga ko ang isang matangkad, chinito at maskuladong lalaki. "Ahh..sorry bro..di ko sinasadya…pasensya…" paumanhin ko sa kanya.

"It's ok. Di naman ako nasugatan eh.." at napangiti siya sa akin. Matagal lang kaming nagtitigan. Putik, gwapo yung lalaki. Maputi at makinis. Aalis na sana ako sa pagkakatayo ko ng harangin niya ako. "Ahh..bro..excuse me…padaan naman.." at hinaharangan niya ang bawat balingan ko. "Can you stay here for a while..sa loob tayo.." at ayun na nga. Sabi ko na nga ba. Sa mga titig niya sa akin, iba ang gusto niya. "Sorry bro pero excuse me…" ipinasandal niya ako sa pader ng C.R. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Inilagay niya ang kamay sa pader.

Dahan-dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin. "Ahh..bro.." ang nasambit ko dahil halos 1 inch na lang ang layo ng mukha niya sa akin. Halos ma-tempt na ako sa ginagawa niya. Alam kong gusto niya ng halikan. Nadadarang na ako. Nang saktong hahalikan na niya ako ay bigla ko siyang itinulak papalayo.

Si Anne! Nakatingin sa akin. Sa lahat pa ng pwedeng makakita, si Anne pa. "Bro what's wrong?" tanong sa akin ng chinitong lalaki habang hahabulin pa sana ako. Napangiti lang sa akin si Anne. Tumingin lang din ako sa kanya bago tuluyan ng pumasok sa C.R. ng babae. "Bro, tuloy natin..sabi ko kasi sayo sa loob tayo.." at hinawakan ako sa baywang. "F_ck you!" sabay tulak at naglakad ng mabilis palayo. Nakita kaya ni Anne yon? Kabadong-kabado ako. Baka maging iba ang interpretasyon niya. Bad shot pa naman ako sa kanya. Baka siraan niya ako kay Andrew. At baka mapa-aga ang alis namin dito.

Papunta na sana ako sa kwarto ng makita ko si Andrew. Napaurong ako. Parang ayoko siyang makasalubong. Ewan ko bakit parang na-guilty ako. Pero wala naman akong ginawang masama. Hindi ko naman pinatulan yung chinito. Hindi naman ako nagpatangay sa lust. "Hoy pare tara na kain na tayo!" masayang bungad sa akin ni Andrew habang naka-bath robe na naglalakad palapit sa akin. "Ahh..ehhh..kwan..kasi..hindi pa ako gutom eh.." pautal kong sabi. "Anong hindi gutom? Siguradong naubos ang lakas mo dun sa alok sayo nung mga prosti kanina…hahaha.." biro ni Andrew at inakbayan ako. "Hindi ah…pero.." at pinutol niya ako. "Basta sige na tara na kain na tayo. Napagod din ako sa swimming natin. Di ko namalayan eh alas 6 na pala" at naglakad na kami patungo sa restaurant.

Pagdating doon ay naka-upo na si Anne sa isang table. Napaiwas ako ng tingin. Pero napag-isip-isip ko, bakit ako mahihiya kung alam kong wala akong ginagawang mali. Kaya taas noo ulit ako habang naglalakad palapit sa table. Umupo si Andrew sa tabi ni Anne (siyempre) at ako sa harap nila. "Nag-order ako ng inihaw na pusit at liyempo, ok na ba sayo yun?" tanong sa akin ni Andrew at inakbayan si Anne. "Ok lang yon tol masarap yon.." sabi ko sa kanya. Tinitignan pa rin ako ni Anne. Nakangiti pero alam mong nang-aasar. Di naglaon ay dumating na ang mga pagkain. Pinaghatian namin ni Andrew ang inorder niya habang si Anne ay nagkasya sa cream of mushroom soup at chocolate mousse. Busog na busog kami ni Andrew. Panay ang dighay namin hanggang sa paglabas ng restaurant.

Bumalik na kami sa mga kwarto namin. Ako, nag-shower at nagpalit ng trunks dahil balak ko ulit mag-swimming pag bumaba na ang busog ko. Si Andrew naman ay nagpalit ng boxer shorts saka lumabas sa may balcony. "Pare koy! Swimming tayo ulit mamaya ah!" sigaw ni Andrew sa akin habang ako naman ay nasa loob ng kwarto ko. Nakabukas naman ang pinto ko kaya narinig ko ng malinaw ang sinabi niya. "Sige tol mamaya.." sabi ko. Palabas na ako sa kwarto ko para makipag-kwentuhan kay Andrew. Paglabas na paglabas ko, nakita kong nilapitan ni Anne si Andrew. Hinawakan siya sa chest at shoulders. Si Andrew naman, nakatingala lang kay Anne.

Nagulat ako ng nilingon ako ni Anne at ngumiti. Nagulantang ulit ako kaya nag-iwas ako ng tingin. Nang ibalik ko ang paningin sa kanilang dalawa'y nakita ko na lang na nakaupo na si Anne kay Andrew. Hala. Sine-seduce ni Anne si Andrew. At parang gusto ko siyang sakalin hanggang sa lumawit ang dila niya. Maya-maya pa'y nakita kong dinidilaan na ni Anne ang bibig ni Andrew. Si Andrew naman, nakapikit at naririnig kong napapa-ungol. Pumasok na ako ulit sa kwarto. Parang hindi ko kakayaning makita pa ang mga moments nina Andrew at Anne. Mixed emotions ang naramdaman ko. Una, nagpupuyos ako sa galit dahil sa ginagawa ni Anne kay Andrew. Ang alam ko kasi, wala pang karanasan si Andrew sa sex, samantalang si Anne naman, popular na slut sa school. Sa kabilang banda, gwapong-gwapo ako kay Andrew habang nakikipaghalikan siya. Sana ako na lang ang minamahal niya. Sana ako na lang ang hinahalikan niya. Sana ako na lang si Anne.

Inaliw ko na lang ang sarili sa panonood ng TV. Maya-maya'y nakarinig ako ng sigawan kaya lumabas ako ng room at nakinig sa may hallway sa balcony. Boses nina Andrew at Anne. "Punyeta ka!!! Bakit ba ayaw mong makipag-sex sa akin?" balahurang sigaw ni Anne. "Anne please stop this. Alam mong ayoko ng ganito. Di pa ako ready..At isa pa bata pa tayo.." sigaw ni Andrew habang inumpisahan siyang batuhin ng damit ni Anne. Sumisilip ako sa may bintana kaya nakikita kong mabuti ang posisyon nila. Si Andrew, wala ng saplot sa katawan. Pilit na pinapapatong ng nakahubad na rin na si Anne si Andrew. "Stop this Anne!" sigaw ulit ni Andrew kay Anne ng makawala sa kama. Sayang at nakatalikod si Andrew. Pwet lang niya ang nakita ko. Kaagad siyang nagsuot ng boxers at bath robe. "Bumalik ka rito Andrew! (nagbago ang tono) please ngayong gabi lang…pagbigyan mo na ako!" pagsusumamo ni Anne kay Andrew.

Tumalilis ako ng takbo pabalik sa loob ng kwarto ng makita kong papalabas na ng kwarto si Andrew. Naunahan ako ni Andrew at inabutan niya ako na bubuksan pa lang ang door knob. Pinilit kong hindi ipakita na nataranta ako dahil inabutan niya ako sa labas. "Ahh..bro, nag-aaway yata kayo?" pautal kong tanong sa kanya. "P_ta ka Wilson wag kang makisali rito ha! Andrew, pumasok ka na dito!" biglang sabi ni Anne na lumabas sa kwarto na nakatalapi lang ng tuwalya. "B_ll shit ka Anne! Please stop it. Nakakahiya kay Wilson" sigaw ni Andrew kay Anne na hinawakan sa braso at pilit pinapabalik sa loob ng kwarto. "B_ll shit ka rin Andrew! B_ll shit!" sigaw ni Anne sabay padabog na isinarado ang kwarto.

Sa puntong yon, nilapitan ko si Andrew at inakbayan. "Ano ba problema non, tol?" tanong ko sa kanya. "Halika tol sa may poolside tayo mag-usap" alok sa akin ni Andrew. At tinungo nga namin ang pool na malapit sa room namin at umupo kami sa gilid noon at doon nag-usap. Ikwinento na ni Andrew ang nangyari. Pinipilit daw siya ni Anne na makipagtalik sa kanya. Hindi naman pumayag si Andrew. Edukado naman kasi si Andrew. Hindi niya magagawa ang isang bagay na alam niyang mali at sa huli ay pagsisisihan niya.

"Nasaktan ako pare. Yun lang ba ang gusto niya sa akin? Ang makipag-sex sa akin? Seryoso ako sa kanya tol at alam mo yan. Mahal ko siya pero ang gawin ko (makipag-sex) yon, hindi pa ako handa.." seryosong sabi ni Andrew sa akin. "Ang masasabi ko lang pare eh, hindi yan gawain ng matinong babae. I mean, alam nating pareho na kilala siya sa school bilang..ahmm..malandi.." sagot ko sa kanya. "Pero pare, mahal ko kasi siya. Kaya tinanggap ko kung ano siya" at nagpatuloy kamis sa seryosong usapan. Maya-maya rin ay naalis na rin ang init ng ulo niya ng maiba ang topic namin. Kaya ng tuluyang maalis ang topak niya ay nagyaya ulit magswimming. Nauna siyang tumalon.

"Hwag kang tatalon pare… (at nagtakip ako ng mukha para hindi mabasa)" at tumalon nga si Andrew sa pool. Nabasa na naman ako. "Tara dito Wilson sarap maligo. Medyo malamig! Nakaka-relax!" sigaw sa akin ni Andrew habang pakampay-kampay sa tubig. "Ayoko pare! Hindi na ako maliligo!" sigaw ko sa kanya. "Pero basa ka na eh..o..eto pa" at patuloy akong binasa ni Andrew ng tubig. "Wag kang makulit tol…" saway ko sa kanya. Pinagmasdan ko lang siya habang lumalangoy. Ang ganda talaga ng hubog ng katawan niya. Hindi naman siya nangitim kahit naligo kami kanina ng hindi man lang nagsa-sunblock.

Maya-maya, napansin kong hindi na umaahon si Andrew para suminghap ng hangin. Kaya kinabahan ako. Since walang tao sa pool na yon (dahil katatapos lang yatang linisin at kakaunti na rin ang taong nasa labas) ay sumigaw ako ng sumigaw. Pero hindi pa rin siya umaahon kaya nag-dive ako. Nakita ko siya sa ilalim, nakaluhod at hindi gumagalaw kaya binilisan ko ang paglangoy papunta sa kanya. Saktong paghawak ko sa kanya para sana alugin siya eh hinatak niya ang kamay ko. Ang mokong na yon talaga. Nagkunwaring patay na siya. At lumangoy siya palayo sa akin, nagpapahabol. Hinabol ko rin naman siya. Hindi ko namalayan na napunta na kami sa malalim na parte ng pool.

Hindi ko na naman nakitang umahon si Andrew para suminghap ng hangin. Medyo madilim sa ilalim para hanapin siya kaya ako ang umahon. Tinignan ko baka umalis na siya sa pool ng hindi ko namamalayan. Pero hindi ko siya nakita, wala sa poolside. Sumisid ako pero nahirapan akong makakita dahil sira ang mga ilaw sa pool. Nang suminghap ulit ako ng hangin ay nakita ko siya sa dulo ng pool. Nalulunod si Andrew. At nang mabasa ko ang karatula, napamura ako dahil nasa 10ft pala ang lalim ng napuntahan niya. At since hindi siya ganon karunong lumangoy, tiyak na malulunod nga siya kaya dali-dali akong lumangoy papunta sa kanya. Kinakabahan ako dahil alam kong mahihirapan na siyang pagaanin ang sarili niya dahil natataranta na siya. Nang abutan ko siya'y tumigil na siya sa paggalaw.

"Tulong! Tulong! May nalunod! Tulong!" halos mapatid ang litid ko sa sigaw. Kinakabahan na ako dahil wala nang pulso si Andrew. Sinikap ko siyang iahon pero mabigat siya. Isa pa, malalim nga ang pool. Kaya muli akong sumigaw. Maya-maya'y may nakarinig na rin sa akin. Dalawang lalaki ang tumungo sa pool. Yung isa natira sa poolside. Tinulungan ako nung isang lalaki na iahon si Andrew. "Tol, gising! Tol, gumising ka! Tol…Andrew gising!" sigaw ko habang tinatapik ko ang mukha niya ng maiahon na namin siya. "Anong nangyari sa kanya? Bakit siya nalunod?" tanong ng lalaki. "Ahh..ehh..kasi kuya nagswi-swimming kami tapos ayun na…hindi niya namalayan na malalim na pala…(tinapik-tapik ulit si Andrew sa mukha) Andrew, tol, gising!" natataranta na ako. Kasi talagang hindi na siya gumagalaw.

"Marunong ka bang mag-CPR?" tanong ng lalaki. "Hindi po…" taranta kong sabi. Maya-maya'y yung isang lalaki ang nag-CPR. Nag-pump siya. Dalawa, tatlong beses at pinakiramdaman si Andrew. Wala. Hindi pa rin siya humihinga. Sinubukan niya ulit. Wala pa rin. "Tol…kaya mo yan…wag kang bibitiw tol…gising!" at patuloy ko siyang niyugyog.

itutuloy