1. Home
  2. Stories
  3. Andrew Part 5
PSErotica

Andrew Part 5

By dzaqtv3 ·

Part 5

"I mouth-to-mouth mo!" nagmamadaling utos sa akin ng isang lalaki. Dali-dali at walang malisyang ginawa ko ang ipinag-uutos ng lalaki. Yun lang kasi ang alam kong first-aid sa nalunod. Unang beses…wala pa rin. Pangalawa…wala pa rin. "Tol ano ba!! Gumising ka!!" at inulit ko ang pag-mouth-to-mouth resuscitation. Wala pa rin. "G_go ka gumising ka! G_go ka!" tumulo na ang luha ko habang sinuntok-suntok ko siya sa dibdib.

Nagulat na lang ako ng napa-ubo siya. Para akong nabunutan ng tinik. Na-revive ko na si Andrew. Maya-maya'y isinuka na niya ang nainom na tubig. Ubo pa rin siya ng ubo. Saka ko lang din napansin na marami na rin pala ang umusyoso. "Ayos ka lang ba tol?" tanong ko sa kanya habang marahang inaayos ang gulu-gulo niyang buhok. "Ayos lang tol…(umuubo) salamat, niligtas mo ako (umubo ulit)"

"Salamat kuya! Salamat sa pagtulong sa amin!" sabi ko sa dalawang lalaki habang nagpahid ng luha. "Walang anuman iho. Sa susunod, magbasa kayo ng karatula. Wag kayong basta lulusong sa tubig!" payo ng isa bago tuluyan na kaming iniwan. Unti-unti na ring nagsi-alisan ang mga umusyoso. "Salamat talaga tol! Utang ko sayo buhay ko ngayon!" pagpapasalamat ni Andrew sa akin habang tinutulungan ko siyang bumangon. "Wala yon tol ano ka ba. Ikaw kasi eh, mag-aaya kang magswimming, magpapalunod ka lang pala!" biro ko sa kanya. "Opo sige po mali na po ako..Opo daddy hindi na po mauulit.." pabirong sabi sa akin ni Andrew. "Ewan ko sayo!" at pinatayo ko na siya. "Tol pa kiss nga dyan niligtas mo buhay ko!" at aktong hahalikan nga ako sa pisngi ng nagbibirong si Andrew. "Tumigil ka nga, ihulog kita dyan eh!" sabi ko.

Nagulat ako ng mamataan kong papalapit si Anne. Parang galit na galit. "Andrew! Andrew ayos ka lang ba?" sabi ni Anne ng makalapit na siya kay Andrew. "Oo.." maikling tugon niya bago pilit na inaalis ang kamay sa mukha niya. "Hoy Wilson anong ginawa mo kay Andrew? Bakit mo siya hinayaang malunod? Gusto mo ba siyang patayin, ha?" sigaw ni Anne sa akin. "Hindi ko siya hinayaan, ang totoo nga…" at pinutol ako ni Andrew para ipagtanggol ako. Ang sweet. Ang sweet-sweet mo talaga Andrew. Nakipagsigawan siya kay Anne para ipagtanggol ako. Hanggang sa marating namin ang mga room namin ay tuloy pa rin ang bulyawan ng dalawa.

Kinabukasan maaga kaming nag-check out. Hindi pa rin nag-papansinan ang dalawa at si Anne ay patuloy sa pantataray sa akin.

Salamat din at maaga akong naka-uwi sa bahay tulad ng utos sa akin ni Papa. Mga 7:20 yata ng dumating ako sa bahay. Tulog pa silang lahat kaya dumiretso ako sa kama at natulog. Pero nagising na lang ako sa bulyaw ni Papa. Pumasok siya sa loob ng kwarto, galit na galit. Bakit daw ni hindi man lang ako nagparamdam na dumating na daw ako. Kaya bilang parusa ko, pinagsusuntok niya ako sa braso. Halos mapunit ang damit ko ng hilahin niya ako sa kama. Itinulak ako sa may pinto kaya napahiga ako. Pinagtatadyakan niya ako.

Diyos ko naman. Gumawa na nga ako ng kabutihan kagabi sa pagligtas ko kay Andrew, pagdating ko sa bahay eh heto ako at pinaparusahan na naman ni Papa. Nakakag_go namang buhay ito. Saan na ba ako lulugar? Dumating na nga ako ng maaga eh binubugbog pa rin ako. Hindi ko nga siya ginising dahil ayaw niyang nai-istorbo sa pagtulog at baka mas lalo pa akong magulpi. Ni hindi man lang ako inintindi ni Papa. Halos isang oras din akong ginulpi ni papa kasi hinagupit pa niya ako ng sinturon niya. Inutusan niya si Mama na hwag akong pakainin ng tanghalian. Sinunod naman ni Mama. Si Jasmine, hindi rin pinalapit sa akin. Baka daw kasi bigyan niya ako ng makakain. Pero, sa kabila ng pagluha ko, ayos pa rin naman ang pakiramdam ko. Kasi kagabi, nailigtas ko ang buhay ng pinakamamahal ko. At wala ng sasarap pa sa feeling na yon.

Lumipas ang mga araw at mukhang ang insidenteng yon ay mas lalong nakapagpalapit muli sa amin ni Andrew. Ngayon, mas madalas na niya ulit akong sabayan sa lunch break at sa uwian. Parati na rin ang pag-aaway nila ni Anne. Hindi ako magpapaka-impokrito, natutuwa ako sa nangyayari sa kanila. Sa wakas, `naagaw` ko na rin si Andrew kay Anne.

February 1999

Minsan nagkaroon kami ni-require kami ng teacher ko na mag-group research tungkol sa evolution of man. At sa nakakatawang pagkakataon, kaming tatlo nina Andrew at Anne ang napiling pag-partnerin ng teacher namin. Sabi ko, ayaw kong ka-grupo si Anne dahil bukod sa boba eh halatang hindi siya makiki-cooperate. Pero nag-insist ang teacher namin. Kaya napag-usapan na sa bahay ni Anne kami gagawa ng research work. Marami daw kasing libro sina Anne (di naman niya binabasa kasi ewan ko lang kung marunong siyang magbasa) kaya mas mapapadali raw ang research work namin.

Since alam na alam ni Andrew ang papunta don, sinabihan ko siya na daanan ako sa napag-usapan naming meeting place dahil hindi ko alam ang daan kina Anne. Umuwi rin kasi ako para kumuha ng ilang libro tungkol sa Biology sa bahay. Sa isang gas station na along EDSA ako nag-antay. Mga 2:30 na yata yun ng hapon. Sabi ni Andrew, mga alas-dos ay dadating na siya.

Halos malaman ko na yata ang lahat ng plate number ng sasakyan na dumaan pero ni anino ni Andrew hindi ko nakita. Nalanghap ko na rin yata lahat ng alikabok at usok ng EDSA pero hindi pa rin siya dumating. 5:30 na. Ang tanga ko naman at hanggang ngayon hinihintay ko pa siya. Sobrang inip na inip na ako kaya tumawag ulit ako sa bahay nila. Sabi ng mommy niya, kanina pa daw siya umalis kasama si Anne. Susunduin na daw ako. Susunduin? Kanina pa umalis? Eh kanina pa rin ako nag-aabang dito eh! Para na akong asong u_ol na palinga-linga't paroo't parito sa kakahintay.

Wala na, hindi na siya dadating kaya nang mag-alas-sais na ay napagpasyahan ko ng umuwi. Lagot na. Ang hirap pa namang humanap ng masasakyan pauwi dahil rush hour na. Nasayang rin ang isang araw na sana'y nagugol ko para sa research work namin. Ang sama ng loob ko. Bakit 'pag siya ang nangangailangan, lagi naman akong nasa tabi niya. Pero 'pag ako naman, parang binabalewala. Alam kong medyo childish ito pero, ang unfair naman! Para akong g_go! Nagpapakatanga na masusuklian niya lahat ng kabutihan ko sa kanya. Hangal na ako kung hangal! Nakakainis! Nakakairita!

Wala na talaga akong ma-parang jeep. Mag-ba-bus sana ako pero lahat punuan. Naglakad ako ng kaunti at baka may tumigil na jeep. "B_ll shit naman…" ang nasabi ko ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Imbes na sumilong ay nag-senti ako. Naglakad na lang ako mula sa gas station papunta sa sakayan ng tricycle pabalik sa bahay ko. Mangiyak-ngiyak na talaga ako. Ang sama ng loob ko kay Andrew. Bakit naman kasi ganito. Halos madapa ako ng biglang may umungos sa harapan ko na kotse. Kotse ni Anne. Bumukas ang bintana.

"Wilson, anong ginagawa mo dyan?" sigaw ni Andrew sa akin. Hindi ko siya pinapansin. Tuloy ulit ako sa paglakad. "Wilson, pumasok ka na dito ano ba!" sigaw ulit ni Andrew sa akin na ini-isnob pa rin siya. "Sorry na, may dinaanan lang kami ni Anne kaya kami natagalan. Pasensya na! Ano ba!" patuloy siya sa pagsunod sa akin at bumubusina pa. "Hoy wag ka ngang pa-importante, sumakay ka na!" at nakisabat na si Anne. Nilingon ko lang sila at sabay naglakad ulit. Narinig kong bumaba si Andrew sa sasakyan. "Please Wilson sumakay ka na. Basang-basa ka na. Magkakasakit ka. Sorry na. Sumakay ka na please" sabi ni Andrew habang pinapayungan ako. Gusto ko siyang suntukin nong mga oras na yon.

Gusto kong ipagsigawan na ang sama ng loob ko sa ginawa niyang pang-iindyan sa akin. "Sige na please, sorry na bro..Sakay ka na please" sabay inakbayan ako. Wala na akong nagawa. Nawaglit lahat ng sama ng loob ko ng inakbayan niya ako. Napasakay na rin ako sa loob ng kotse. Kung bakit kasi hindi ko magawang magalit sa kanya ng todo. Simpleng akbay lang eh okay na ako. "B_ll shit talaga ang hirap magpa-tuyo ng seat cover!" parinig ni Anne sa akin kasi basang-basa na rin ang seat cover niya. Ipinagpatuloy na ni Andrew ang pag-da-drive. Pagdating namin sa bahay nina Anne, ang tagal bago niya ako pinapasok. Mapuputikan daw kasi ang sahig nila. At nag-away na naman sina Andrew at Anne dahil sa akin. Sa kabilang banda, ang sarap ng feeling, pinagtatanggol na naman ako ng aking hero.

Isang araw, mag-isang pumasok si Andrew sa klase. Lupaypay siya at parang walang sigla. Tinanong ko kung bakit. Sabi niya, gusto ng makipag-break ni Anne. Yes! Sa wakas! Three points! Si Anne na mismo ang bumitaw kay Andrew. Magkaka-chance na ako!

"Ganon ba, bro? Bakit naman?" tanong ko sa kanya. "Basta tol, ang dami naming hindi mapagkasunduan. Isa ka na doon. Ayaw niya kasi na kaibiganin pa kita" sabi ni Andrew na nakatitig sa akin ng diretso. "Ahh..bakit naman daw?" nagtataka kong tanong. "Kasi daw…" at binitin pa ako ni Andrew. "Kasi…ano?" tanong ko. "Kasi…bading ka daw sabi niya…" at parang tinakasan ako ng bait. Lagot. Sinabi yata ni Anne ang nakita niya nung nasa Bulacan kami. Natigilan ako. Hindi ako nakapag-comment. Nanlamig ang kamay ko. Nanliliit ako.

Parang gusto kong mag-evaporate at mawala sa kinauupuan ko. "Pero hindi ka naman bading di ba? Alam ko na straight ka. Hindi ako naniniwala sa sinasabi niya sayo, Wilson" at para akong bumalik sa katinuan. Salamat at akala ko napasakay siya sa sinabi ni Anne. "Ahh..ehh..bro, ayokong magmukhang defensive pero, what you see is what you get" palusot ko sa kanya. "Oo nga bro, alam kong hindi ka bakla. Don't worry" pakunswelo niya sa akin. Naniniwala ako kay Andrew. Alam kong sincere siya nung sinabi niya yon. Maya-maya, pinag-usapan namin yung iba pang dahilan kung bakit gusto na siyang i-break ni Anne. Bigla kong iniba ang mga advise ko. Imbes na i-motivate siya para sumunod sa gusto ni Anne, sinabi kong sa nalalapit na JS Prom namin niya subuking ayusin ang relasyon nila ni Anne. Mahirap na kasi baka mahalata niyang bisexual ako.

Dumaan ang mga araw at napansin kong lumamlam na nga ang relasyon nina Andrew at Anne. Hindi na sila sabay mag-launchbreak, hindi na rin niya hinahatid sa bahay si Anne, at hindi na rin sila nag-uusap sa klase. Patuloy din ang paghingi ng advise ni Andrew sa kung anong dapat niyang gawin. Nagbibigay naman ako ng payo. Pero lagi kong sinasabi, lalakero si Anne. At may 80% kang tsansa na maisalba pa ang relasyon niyo.

At dahil malapit na nga ang JS Prom, nagpa-gwapo ako ng husto. Natutulog ako ng maaga dahil mahirap na at baka magka-pimples. Binawasan ko ang pagkain para makapag-suot ako ng magandang suit. Ginagawa ko ang lahat kasi nangangarap akong isasayaw ako ni Andrew sa prom.

13 February 1999

6:30pm
Prom Night na. Todo bihis ang lahat. Ako nakaturtle neck na peach at black suit. Muntik na nga akong hindi pasamahin ni Papa dahil pang-bakla lang daw ang JS Prom pero salamat kay Mama at Jasmine na tinulungan akong magpaliwanag.

"Hoy pare koy! Gwapo mo ah!" sabi ni Andrew na bigla na lang lumitaw sa likuran ko't inakbayan ako. Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa. Ang gwapo rin ni Andrew. Naka dark blue siya na long-sleeved polo na may bukas na dalawang butones at kulay khaki na suit at pantalon. "Kaw din tol, ayos ang porma natin ah!" tugon ko sa bati niya. Sabi ko tuloy sa sarili ko, nung nagsabog siguro ng kagwapuhan ang Diyos, maraming nasalo si Andrew. Binati rin ako ng mga classmates kong girls, pati yung mga sa ibang section.

Sabi naman nila, mas gwapo ako kay Andrew kaya posibleng ako ang maging Prom King. Sa bagay, para sa ilan, mas gusto nila ang mestiso kaysa sa fair-skinned. Pero ako, mas gusto ko ang kulay ni Andrew. Maya-maya, parang tumigil ang lahat ng pumasok si Anne. Parang grand entrance, wala siyang escort. Una akong nagandahan sa suot niya. Di naglaon ay na-appreciate ko na rin na maganda talaga si Anne. At na-insecure ako. Kasi alam kong makukuha na naman niya ang atensyon ni Andrew.

8:00pm

Inuna nila ang pagpapakain sa amin kaya alas-otso na yata nag-umpisa ang main event, ang ball. Hala, kanya-kanyang kuha ng partner ang mga kaklase kong lalaki. Yung isang classmate ko, si Jane, nilapitan ako, isayaw ko daw siya. Alam kong crush niya ako since 1st year pa kami. Hindi ko naman siya mapatulan dahil nga, si Andrew ang gusto ko. Kaya kahit hindi ako willing eh nakipagsayaw ako sa kanya. Panay ang sabi niya na ang gwapo ko daw. Ngumingiti lang ako. Hinanap ng mata ko si Andrew. At laking gulat ko. Akala ko, hindi siya magsasayaw. Pero, heto at kasayaw na niya si Anne. Nainggit tuloy ako. Habang nagsasayaw kami ni Jane ay nakatingin lang ako kina Anne at Andrew.

Ang malanding Anne. Kapit-tuko sa batok ni Andrew. Ang sweet nilang tignan. Naiirita ako kay Anne kaya tumalikod ako sa kanila at pinagbuti na lang ang pakikipag-sayaw kay Jane. At si Jane, kapit-tuko rin sa akin. Uupo na sana ako dahil naiinis na nga ako pero mukhang ayaw niyang umalis sa akin. Maya-maya, nag-excuse ako na mag-babanyo. At yon ang naging daan para maka-alis sa dance floor. Halos 30 minutes din akong naglagi sa CR.

9:30pm

Pagkagaling ko sa banyo, hinihintay pa rin pala ako ni Jane. Sabi ko, upo muna ako dahil nahihilo na ako. Pumayag naman siya. Pagka-upo ko ay nagsasayaw pa rin ang dalawa. Nag-uusap. Naiinggit pa rin ako. Kinausap ko na lang ang classmate kong si Dexter para maalis ang atensyon ko sa kanila.

Sa pag-uusap namin ni Dexter, hindi ko namalayang tinabihan na pala ako ni Andrew sa upuan. Kinalabit niya ako at nagtanong kung pwede daw ba kaming mag-usap. Pumayag ako at lumabas kami sa gymnasium. Naupo kami sa silya ng guard sa exit door ng gymnasium at doon nag-usap. Hindi pa rin daw nagbabago ang gusto ni Anne. Kailangan daw na hwag na niya akong kaibiganin para maipagpatuloy ang relationship nila. Hindi naman pumayag si Andrew. Hindi ako nagko-comment ng pakabig.

Maya-maya'y tinawag na kami ng classmate ko para panoorin ang regodon de honor.

10:30pm

Matapos ang regodon ay na-upo muna ang lahat para i-announce ang mga special dates ng mga piling babae mula sa iba't-ibang section. Isa rito si Anne. At isa-isa ng ini-announce ang mga dates nila.

Nagulat ako ng tinawag ang pangalan ko. Ako ang special date ni Anne. Nakita ko ang pagbabago sa expression ng mukha ni Anne. Parang may halong pandidiri. "So ang mga tinawag na mga lucky gentlemen, puntahan na dito sa podium ang inyong date at tumungo na sa mga special tables na inihanda namin para sa inyo" sabi ng emcee. "Tol, ikaw muna bahala kay Anne" sabi ni Andrew. "O sige tol" at tumayo na ako para sunduin si Anne. Iniabot ko ang kamay ko sa kanya para alalayan siyang bumaba sa hagdan ng podium pero hindi niya gustong hawakan ko siya. Naglakad kami ng hindi siya nagpapahawak sa akin.

Pagdating sa table, agad niya akong kinausap. "Alam ko ang baho mo Wilson. Alam kong bading ka. At alam ko rin na may gusto ka kay Wilson!" galit na sabi ni Anne sa akin sabay ngumingiti ng may ka-plastican sa mga taong kumukuha ng pictures namin. "Anne…" at hindi ko alam ang idudugtong. "Don't talk Wilson. Wala kang dapat sabihin. Ang dapat mong gawin, layuan si Andrew. Di siya papatol sayo. Wag kang mag-ilusyon!" at sa buong pag-upo namin sa table ay puro pangungutya at panlalait ang pinagsasabi ni Anne sa akin. Ni minsan hindi ko siya sinagot. Nakinig lang ako.

11:30pm

Matapos ang 1 hour time na ibinigay para sa amin ay pinabalik na kami sa mga upuan namin dahil ia-announce na ang Prom King and Queen. Ako, wala na sa mood makinig dahil sa mga masasakit na salita na sinabi sa akin ni Anne. Si Andrew naman, nilapitan ni Anne at hinawakan siya sa kamay.

"And our Prom King is…Mr. Andrew Esteban" at nag-cheer ang lahat. Nakipag-appear sa akin si Andrew sabay nakangiting tumayo at naglakad papunta sa special spot niya sa podium. "At ang Prom Queen naman ay si…(drum roll) Ms. Anne Celeste!" at parang teleserye ang nangyari. Silang dalawa ang main couple of the evening. Ako, sumimangot ulit. Nabadtrip na ako ng tuluyan. Nagpaka-senti na ako. Talagang hanggang pangarap lang na magugustuhan din ako ni Andrew.

Pagkatapos ng announcement, bumalik ulit sa dance floor ang lahat, maliban sa akin. Panay ulit ang patugtog ng love songs. Pero hindi na ako kinikilig. Naiirita na ako. Lalo na ng tugtugin yung "King and Queen of Hearts". Sa asar ko, lumabas ako ng gymnasium para magpahangin.

12:30am

Saktong 12:00am ay tinapos na ang prom. Unti-unting umuwi ang mga estudyante. Ako, andun pa rin, naka-upo sa silya ng guardia. Si Anne, lumabas na. Pero nag-iisa. Nilingon niya ako ng mapansing nakatingin ako sa kanya. Nginitian niya ako. Hindi ko naman na-gets ang ibig sabihin noon. Kaagad siyang tumuloy sa parking area. Ilalagay siguro sa sasakyan niya ang mga bulaklak niya. Hinintay kong lumabas si Andrew pero hindi siya lumabas kaya pumasok ako at hinanap siya.

Nang makita ko siya'y nag-iwas siya ng tingin sa akin. Lumapit ako. "Tol, congrats, Prom King! Gwapings!" masayang bati ko sa kanya. Hindi siya kumibo. Unti-unti nang nawalan ng tao sa loob kaya kaming dalawa na lang ang natira. "Tol, may problema ba?" tanong ko sa kanya ng hindi pa siya kumibo. "Salamat sa lahat Wilson. Salamat" sabi ni Andrew. Hindi ko siya maintindihan. "Bakit Andrew? Bakit ka nagpapasalamat?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Basta bro, salamat sa lahat" at mukhang alam ko na ang ibig niyang sabihin. Pinili niya si Anne. Tapos na ang friendship namin. Tapos na kami. "Bro, sana maintindihan mo na mahal ko si Anne" seryoso nyang sabi sa akin. Parang binuhusan ako ng mainit at malamig na tubig. Break-up ba ito? Hindi naman kami magka-relasyon. Break-up ng friendship namin. Parang sasabog ang dibdib ko. Hindi ko kaya.

"Bro, goodbye." sabi ni Andrew sabay talikod sa akin. Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa akin. Halos ma-iyak na ako. Hindi ako nakatiis at hinabol ko siya at ginawa ang matagal ko nang gustong gawin. Niyakap ko siya. Mahigpit. Alam kong nagulat siya dahil hinawakan niya ang kamay ko at pilit inaalis. "Bro ano ba! Bitiwan mo ako!" iritang sabi ni Andrew. "Sandali lang please..kahit ilang segundo lang bro..please" at tumulo ang luha ko. Maya-maya'y natalo niya ang lakas ko't nakawala siya sa yakap ko. "At totoo nga, bading ka Wilson! Bading! Ahhhhg!" sigaw ni Andrew. "Pinaniwala mo ako Wilson! Pinagmukha mo akong tanga! G_go ka! F_ck you ka! Bading!!!" patuloy si Andrew sa pangungutya. Umaalingawngaw sa buong gym ang bawat panlalait niya.

"Andrew, ni minsan wala akong ginawang kahalayan sa yo, alam mo yan!! Hwag ka namang ganyan!" sabay pag-agos ng luha ko. "Hwag mo akong iyakan Wilson, hindi mo ako makukuha sa pa-iyak-iyak! Basta, niloko mo ako, bading ka! bading!!" galit na galit niyang sigaw. Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko siya. Niyakap ko siya. Mahigpit ulit. Pati siya umiyak na. Ngayon hindi niya ako pinigilan.

"Andrew, please..I beg you..sana mahalin mo rin ako…Ako na lang…" sabay hikbi. Ako lang yumayakap sa kanya. Patuloy siya sa pag-iyak. "Ako na lang Andrew…ako na lang…" at bigla niya akong hinawakan sa mukha. "Wilson, nagpapasalamat ako (humihikbi) sa lahat ng naitulong mo sa akin. Pasensya rin kung hindi ko yon nasuklian…" masuyo niyang sabi habang pinupunasan ang luha ko. "Pero dapat mong maintindihan na hindi tayo pwede…pareho tayong lalaki…" At unti-unting natutunaw ang tuhod ko.

"Kailangan na kitang iwan, Wilson para maging maayos kami ni Anne…" ang bawat salitang sinasabi niya'y tumutusok sa dibdib ko. Hindi na ako makahinga. Ang sama ng loob ko.

"Hindi na kita pipigilan kung yan ang magpapaligaya sayo. Kaibigan kita, mahal kita. Masaya ako kung san ka masaya. Sige na..pinapalaya na kita.." sobrang sakit sa akin pagkasabi ko non. Para akong sinabugan ng bomba. Kitang-kita kong masakit din kay Andrew na layuan ako dahil sobra nga kaming close. "Pero, pwede bang bago ka umalis, isayaw mo ako, kahit sandali lang.." sabi ko sa kanya. At pinagbigyan niya ako. Lumapit siya sa akin at inihilig ko ang ulo ko sa chest nya. Patuloy ako sa pag-iyak.

Eto pala ang katumbas ng lahat ng ginawa kong kabutihan sa kanya. Ang ipagpalit ako sa babaeng tulad ni Anne. Pero anong magagawa ko, hindi talaga kami pwede ni Andrew. Kaya habang isinasayaw ako ni Andrew, inalala ko lahat ng mga good times namin. Yung pag-ako ko sa pag-cheat niya hanggang sa pagligtas ko sa buhay niya. Ang sarap alalahanin, masakit balikan.

Maya-maya'y bumitaw siya sa akin. Nagpaalam. Lumabas na siya sa gymnasium. Tuloy-tuloy at hindi man lang lumingon. Ako naman, naiwan sa loob. Nag-iisa. Umiiyak.

Feeling ko ng mga oras na iyon, ang lupit-lupit ng mundo. Walang nagmamahal sa akin. Parang ayoko na ring mabuhay. OA ako kung sa OA pero ganito talaga ang naramdaman ko. Feeling ko wala akong kakampi. Si Andrew nga nakaisa-isa kong minamahal at tinuturing na kakampi, heto't iniwan na rin ako. Ang sama ng loob ko. Ang sakit. Ito ang naging sukli ng pagiging mabuting kaibigan ko sa kanya.

Natigil ako sa pag-iyak ng marinig ko ang isang malakas na sigaw. Ang papa ko. "Punyeta ka! Gabing-gabi na andito ka pa!" sabay kaladkad sa akin. Ni hindi man lang ako binati. Alam kong gabi na pero sana naman, inintindi niya ako. Halos madapa na ako sa paghablot niya sa akin.

Nagkauntog-untog ako habang isinasakay sa kotse. Habang nagmamaneho siya'y patuloy siya sa pagbatok at pagsuntok sa dibdib ko. "P_ta ka! Anong iniiyak-iyak mo! Bakla ka ba, ha?" sabay suntok sa kaliwa kong pisngi. Wala na akong maramdamang sakit. Manhid na ako. Tulala lang ako. Ni hindi ko siya sinasaway habang binubugbog niya ako.

Nang makarating kami sa bahay ay kinaladkad niya rin ako papasok. Napahiga ako sa sahig. Nasira na rin ang damit ko. Patuloy na tumutulo ang luha ko. Nasasaktan hindi dahil ginugulpi ako ni Papa, kungdi dahil sa pang-iiiwan ni Andrew sa akin. Bumaba sina Mama at Jasmine ng marinig ang mga hiyaw ni Papa. Itinulak niya ako at napahiga sa sahig. Pinagsisipa niya ako.

Hinambalos ng dala niyang bag. Nahagip din niya ang walis namin at siyang inihampas sa ulo ko, braso at hita. Wala. Hindi pa rin ako nakakaramdam ng sakit. Hanggang mag-alas tres ng madaling araw ay hindi pa siya tapos. Iginapos niya ako sa banyo at ini-lock ang pinto. Putok ang labi ko, dumadaloy ang dugo sa ilong ko. Gusto ko ng mamatay. Para makaltakas na sa mga kalupitang dinadanas ko. Para makalimutan na minsan may isang Andrew na dumating sa buhay ko.