1. Home
  2. Stories
  3. Breaking the Language Barriers (Part 1)
PSErotica

Breaking the Language Barriers (Part 1)

By danelle ·

"No hablo ingles talaga?"

"Si!" Nakangising sagot ng Markus, "boss" ko sa non-government institution namin. Gigil na gigil akong ilampaso ang nakangisi niyang mukha sa sahig. Eh, kasi naman, ano? Sa lahat ng mga staff members, ako pa ang pinili niyang mag-escort sa isang foreigner na hindi nag-i-ingles! Nosebleed na nga ang mag-pastol ng mga foreigners na puro ingles, mas lalong nosebleed kung hindi pa nag-iingles!

Ang organisasyon pala namin ay isang NGO na nag-pa-facilitate at nagho-host ng mga iba't ibang lahi para sa cultural exchange at exposure programs. Sa mga hino-host namin ay pinapakita namin ang mga tourist destinations at pati na rin ang ilang social realities ng Pilipinas. Kaya hindi lang mga magagandang tanawin sa Pilipinas ang nakikita ng mga foreigners, pati rin ang mga problema ng mga komunidad sa Pilipinas. Marami naman sa mga foreigners na ito ay uuwi sa kani-kaniyang bansa nila para mangalap ng suporta para sa mga komunidad na pinupuntahan nila.

At eto ngayon, may isang Mexicano na pupunta dito. Representative siya ng isang grupo ng mga health professionals sa bansa nila, at gusto raw nilang maglunsad dito ng isang medical mission.

Mahusay naman daw ang grupo nila. Yun nga lang, itong pupunta dito ay hindi gaano nakakapag-salita ng Ingles.

Sinuklay ko ang daliri ko sa maikli kong buhok at nag-buntong-hininga. "Bakit hindi na lang sila magpadala ng Inglesero kasi…"

Tumingin sa akin si Markus mula sa kanyang computer screen. "Hindi ko alam. Just make the most out of it, intiendes? Keber ko kung mag-marathon ka ng "Dora" o ng mga Espanyol telenovela, pero ikaw ang nakatoka sa kanya."

May araw ka rin, bakla ka! ngitngit ko sa sarili.

"Fine!" Sagot ko sa kanya, sabay irap at lakad palayo.

"And don't forget, DJ: it's Samuel, not Sam!" Pahabol na sigaw ni Markus sa akin. I flipped him the bird.

Ay! Diyos mio! Bakit ba ako napapasubo sa ganito?!?

==================

Potek na iyan! Mahigit apat na oras na akong naghihintay sa NAIA Terminal 2, wala pa ring dumadating na flight na galing Hong Kong. Tumingin uli ako sa relo ko. Bolsyet! Alas dos na! Anuvah?!?

Nag-sindi uli ako ng yosi. Syet! Dalawang stick na lang ang natira sa kalahating kaha ng Winston Lights ko.

Kung hindi ako makakatulog, mambubulabog din ako! Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Markus.

Naka-dalawang beses ko rin siya tinawagan bago siya sumagot. Halata sa boses ng hitad na nagising ko siya.

"Markus, sigurado ka ba sa oras ng flight nitong Mexican taco na ito? Wala pa rin eh!"

"Baka naman na-delay lang, DJ," humihikab na sagot ng baklita. "Antayin mo na lang, por favor!"

"Sinabi mo ba sa e-mail na susunduin ko siya? Baka naman nauna na sa akin yun sa tutuluyan niya!"

"Beki, sinabi ko na maghintay siya sa airport, at susunduin at ihahatid mo siya."

"In Spanish mo ba sinabi?"

"In English!" Inis na sagot ni Markus. Buti nga at nagising ka rin, bakla ka! "Pero ginamitan ko ng Google translate."

"Eh jologs naman ata ang translation mo, beks!"

"Hintayin mo na lang, beki ha!"

"Hay! I hate you!"

"I hate you too! Goodnight at good luck, bakla!"

Grrrr!!!! Kung puwede ko lang ibato ang cellphone ko. Hayst! Hindi pa kami nakakapunta ng Mindanao ay mauubusan na ata ako ng pasensya! Sa Saranggani namin kasi dadalhin itong si "Taco" (Taco na ang ipinangalan ko sa kanya dahil sa pagkabagot!). Pero may mga pari muna na magpapasyal sa kanya sa Maynila for the next two days.

Naglakad-lakad muna ako sa waiting area ng terminal para matanggal ang antok. May boses na nagsalita sa loudspeaker. Hong Kong lang ang nanuot sa diwa kong bagot na bagot na, at nabuhayan ako ng loob.

Pinulot ko ang maliit na placard mula sa isa sa mga silya at pinatay ang yosi ko. Samuel Ruiz lang naman ang nakasulat sa placard. Pumuwesto ako sa kung saan maglalabasan ang mga bumaba ng eroplano.

Mga 20 minutes pa akong naghintay nang may mga nagsilabasan mula sa terminal. Wala pa sigurong bente katao ang lumabas, tulak ang kani-kaniyang mga luggage trolley. May ilang Intsik, puti, marami ang Pinoy. Marami sa kanila ay sinalubong ng ilang mga kasabay kong nakatambay sa waiting area. Hay! Buti pa sila!

"Our flight was delayed for three hours!" Narinig kong reklamo ng isang babaeng Puti na sinalubong ng isang Pinoy. Parang si Hermione Granger ang accent niya.

Ah! Kaya naman pala! Sige, hintay-hintay lang ako.

Pero mahigit isang oras na ang nakalipas, at naubos na ang mga lumalabas, wala pa ring Taco na nagaganap! Namputsang buhay naman ito, o! Anong petsa na, teh?!? Ako na lang at isa pang lalaking matanda ang naghihintay sa waiting area na iyon.

Nag-ring ang cellphone ko. "DJ, nasaan ka na?!?" Pasigaw na tanong ni Markus.

"Nandito pa rin, bakla!" Pasigaw na sagot ko. "Wala pa si Taco, Tequila sunrise na, teh!"

"May tumawag na sa opisina. Nage-Espanyol! Ang naintindihan lang ni Madel doon ay 'taxi'!"

"Ay, Josme! Hanapin ko si Taco!" Sagot ko kay Markus.

Diyosnamahabagin! Saan ko naman hahanapin ang Taco na iyon? Pag nakalabas na siya ng terminal eh, susuyurin ko na ang Maynila para mahanap siya!

Palakad na ako papunta sa loob mismo ng terminal para ipa-page ang pangalan ni Samuel, nang may narinig ako sa may likuran ko, "Senyor DJ?"

Napalingon ako at nakita ang isang nakatalikod na matangkad at matipunong lalaki, kausap ang matanda na nasa waiting area. Hindi ko alam kung matatawa ako o manggagalaiti dahil hindi man lang sinabi ni Markus sa e-mail na babae ako. Madalas kasing napapagkamalang panlalake ang pangalan kong DJ. Dagdag pa na hindi rin ako mahilig na magsuot ng girly na damit dahil gusto ko na kumportable ako sa kahit saan ako magpunta. Pero mas namayani sa akin ang sense of relief at baka nga si Taco na ito!

Nilapitan ko ang dalawang lalake at baka karay-karayin nitong matandang ito si Taco kung saan. Tinapik ko ang balikat ni Taco, "Uhm, Samuel?"

Napalingon siya sa akin. Oh.My.God! Tanginangmakalaglagpanty ang mukha niya! Napalunok ako at pinaalalahanan ang sarili sa trabaho ko.

"Mi nombre es DJ," sabi ko sa kanya (salamat, Dora at Diego!). "Te estoy recogiendo" (Salamat Google translate!)

Itinaas ko ang placard ko para makita niya. Nagliwanag ang mukha ni Taco at napangiti siya. Syet! Ang ganda ng mga mata niya! Grabe ang mga labi nitong Latino na ito! Enrique Iglesias, ikaw ba iyan?

"Sí. ¡Gracias! Soy Samuel. Usted me va a recoger?" Sabi ni Taco. "Lo siento. Mi avión se había retrasado."

Patay na! Sa loob-loob ko ay naiiyak ako. Nosebleed na ito, teh! Kala na siguro ng mokong ay marunong ako mag-Espanyol.

"Sorry." Sabi ko. "No hablo espanyol. Me, english only. But I will take you to where you will stay."

Mukha namang naintindihan ni kuya at tumango-tango siya. "Gracias.Thank you." Sagot naman niya. Noon ko na lang napansin ang pagod sa mukha niya. Nanliit naman ako sa attitude ko kanina. Ako naghihintay lang, samantalang siya, dalawang araw halos ang biyahe niya dahil walang direct flight from Mexico to Pinas. Na-delay pa. Sorry naman, kuya! Tao lang.

"We go this way…" Alok ko sa kanya, sabay hila sa kanyang luggage. Isang maleta, isang malaking back-pack at laptop bag lang ang dala niya.

"Si. Gracias." Sabi niya uli at sumunod sa akin papuntang parking lot, kung saan ko pinarada ang van ng opisina namin.

"Do you speak English?" Tanong ko kay Samuel habang binabagtas namin ang EDSA.

"Poquito," sagot niya. Konti lang daw. "I understand and speak a little English."

"Would you like to have breakfast first? Eat something?"

"Ahh, no. I go rest, if okay." Sagot niya uli. Naisip ko na Oo nga naman, DJ. Pagod itong tao, teh! Jet lag pa.

"Okay, then. I will take you to a seminary. Padre speaks Spanish. And we will meet again tomorrow after you have rested."

Sa gilid ng mata ko ay nakita kong tumango lang si Samuel. "Gracias," ang mahina niyang tugon.

Naka-idlip siya kahit mabilis lang biyahe namin na walang trapik. Ayoko pa nga sana siyang gisingin sa van dahil parang ang sarap niya pagmasdan habang natutulog. Pero siyempre naghihintay si Father na sumalubong sa amin sa gate ng seminaryo.

"Samuel, we are here." Sabi ko habang tinapik-tapik ang balikat niya.

Kinamayan niya ako bago ako magpaalam sa kaniya, at hinatid nila ako ni Father ng tanaw pabalik sa van.

Madre de dios! Medyo magaspang ang kamay niya pero firm ang kanyang handshake. Ang ngiti niya, kahit pagod, ay umaabot hanggang mata.

Muy delicioso!

*** To be continued ***

======================
Author's note: This story is inspired by my Spanish-speaking companion na kasama for these past few days.