1. Home
  2. Stories
  3. Breaking the Language Barriers (Part 2)
PSErotica

Breaking the Language Barriers (Part 2)

By danelle ·

Siyempre, ininggit ko ang mga ka-opisina ko kinabukasan nang ikuwento ko sa kanila ang unang tagpo namin ni Samuel aka Taco.

"Enrique Iglesias ba talaga, madz?" Si Markus, lumalabas ang pagiging "Markosa" niya. "Oh my god, beki! Ako na lang sana ang sumundot, este, sumundo sa kanya!"

Toinks! 'Tsura nitong, baklitang ito! Matapos ipagduldulan na ma-nosebleed ako, eepal ang veklush? Witchikels ako papayag!

"Ahem, sorry na lang, 'Day!" Mataray pero pabiro kong sagot sa kanya. "Ako na ang ibinook mo ng flight to GenSan! Huwag kang intrimitida!"

Tawanan naman ang iba pa naming mga ka-opisina. Ngayon dapat pupunta si Samuel sa opisina namin pero sabi ni Padre ay natutulog pa raw, kahit 4pm na. Bukas daw ipapasyal ni Padre sa Intramuros si Samuel. Siyempre naman, kelangan din naman niya ng beauty sleep, anez? Kaya ang sabi ko na lang kay Father Dionito, "Sige po, Father." Y'know, with pa-angelic voice effect pa.

Pero sa totoo lang, gusto ko nang puntahan si Samuel. Yun nga lang, kakailanganin kong magtapal ng napkin sa ilong ko dahil duduguin ako sa kaka-Ingles/Espanyol!

"Oy, seryoso na uli!" Sabi ni Markus.

Kahit intrimitidang bading itong si Markus eh, kapag usaping seryoso, seryoso talaga. Nagmamadali itong tapusin at i-finalize ang itinerary ni Taco dahil may date pa ata itong bading na ito.

"…Pagdating sa GenSan, ay sasalubungin kayo ni Sister Stella…" Tawanan kaming magkaka-opisina.

"Yes, Sister Stella M. talaga ang pangalan niya." Pagpapatuloy ni Markus. Okay, seryoso na uli.

"Pasalamat ka, DJ at nage-Espanggol din si Sister para hindi ka gaano nosebleed! At libre pa ha!"

"Ay tenkyu na po!" Ngiti ko kay Markus.

So sasalubungin daw kami ni Sister sa General Santos City, tapos ay siya na rin ang magiging translator ko hanggang sa community na pupuntahan namin hanggang sa makabalik kami sa siyudad.

"…mahina ang signal daw doon sa area, pero may mga sabitan ng cellphone kung saan may signal. Kaya mag-update ka sa mga ginagawa ninyo pana-panahon ha. Keribels?"

"Keribels, mudrabels!"

Hayst! Let the nosebleed begin again!

=============================

Mas maaliwalas na ang mukha ni Samuel nang sumakay siya sa van papuntang airport. Hindi na siya mukhang haggard.

Ipinakilala ko si Markus na siya namang driver namin noong madaling araw na palipad kami papuntang General Santos City. Siyempre, halatang kinikilig ang baklita! Pero trying to keep professional pa rin.

Habang naghihintay sa airport, limited to small talk kami ni Samuel.

"Did you sleep well?"
"Si. Yes."
"That's good!"
"Gracias."
"I hope it won't rain. Because we will walk for six hours until we reach the community."
"Perdoneme?"
Sometimes, I have to use sign language pa. Kaya pinalakad ko ang dalawang daliri ko sa palad ko. "We walk." Tapos nagtaas ng anim na daliri. "Six hours. Sais oras. Si?"

Tumango-tango si Samuel. "No hay problema. We walk. Si."

Tiningnan ko ang sapatos na suot ni Samuel. Buti nalang at naka-amphibian sandals siya. Puwede sa putik, tubig at tuyong lupa. Ewan ko lang kung kakayanin nitong hombre na ito ang mahabang lakaran.

"Coffee?"
"Si. Gracias."

Habang umoorder ako ng kape sa airport coffee shop, naisip ko na this flight, kahit less than four hours, will be the longest flight that I will have.

Pero, sa putol-putol na Ingles, masarap pakinggan ang boses ni Taco, este Samuel pala. Parang, forever bedroom voice ata itong lalaking ito. Pilit ko man intindihin ang mga layunin ng organisasyon niya dito sa bansa natin, napapa-nganga lang talaga ako sa kakatitig sa kanya. At siyempre rin, maraming mga girlalu sa paligid-ligid na napapatanga sa kanya.

Ang sarap lang niya titigan, pramis! Feeling ko I have my own personal Enrique Iglesias.

Yun nga lang, habang naka-upo kami at naghihintay ng tawag ng boarding, may isang girlash na lumapit kay Samuel. Nagulat ako, siyempre. Ay, si ate, feeling close na agad na may pa-touch pa sa braso ni koya. Gusto ko lang pandilatan si Girl na ini-ingles ang alaga kong Mexicano!

Siyempre, insekyura rin akesh! Kasi itong si Girlaloo ay super tangkad sa kanyang platform shoes (madapa ka sana!), exposed ang kanyang mapuputing hita at makinis na balat, dahil naka-pekpek shorts siya at backless na tank top (Pulmunyahin ka sana sa lamig ng aircon!) at super shiny ang nakalugay niyang buhok. At kung itatabi mo ako kanya na naka-maong, sneakers, t-shirt at jacket lang, with my cropped hair (mala-Fantine ng Les Miserables (2013) ang buhok ko, hindi pang Pantene commercial), kayumangging balat (na tinusta na ng ilang araw na field work sa Tondo) mukha lang akong julalay ni Samuel.

At siyempre pa, non-existent ako kay Ateng Long-legged dahil focused ang attention niya kay Samuel, kahit pa itong si Samuel ay panay sulyap sa akin.

Buti na lang at mukhang naasiwa itong si Samuel at sinabi na niya na "No hablo Ingles" kay Ate Pekpek-shorts. Ang weird lang ni Ate kasi giddy siya sa kaka-flirt kay Samuel. Feeling close talaga! Gusto ko nang sabunutan ang hitad!

"Mi esposa. My wife." Narinig kong sinabi ni Samuel sa babae, sabay turo sa akin.

I felt the awkward OMG moment. Tinignan ako ni Ate Pantene Commercial na para bang ipis ako. I swear, narinig ko ang "Ngii!" comment niya. Habang si Samuel naman ay nagusumamo ang mukha.

Buti na lang nagtawag na sa loud speaker na boarding na ang flight namin.

Ngumiti lang ako kay Ate Pantene at kay Samuel. "That's our flight. Vamos, cariño." Habang naglalakad papuntang gate, inakbayan ako ni Samuel at hinalikan ang tuktok ng aking ulo (sa height kong 5'4" hanggang balikat lang niya ako). Syet, ang bango lang ni Kuya. Kagigil lang talaga! Parang gusto kong ilingkis ang mga braso ko sa bewang niya at ingudngod ang mukha ko sa kili-kili niya. Pero dahil na-shock ako sa double … no TRIPLE OMG moment, napahigpit lang ang kapit ko sa hand-carry na backpack ko.

Sumulyap ako kay Samuel at ngumiti lang siya sa akin. Mischievous ang ngiti niya, at kumindat. Hindi ako madaling mag-blush, pero I swear, nag-init ang pisngi ko!

Nang lingunin ko si Ate Pantene, naiwan pala siya doon na nakatanga habang pinagmamasdan kaming pumasok sa gate ng eroplano na naka-akbay pa rin sa akin si Samuel. Hala, Ate, papasok ang langaw sa bunganga mo!

Inalis lang ni Samuel ang braso niya mula sa balikat ko nang nasa loob na kami ng eroplano.

"So sorry there." Bulong niya sa akin habang ikinakabit na namin ang aming mga seatbelt. "She was… uhm… molesta…. annoying."

Natawa ako. Molesta is right, sabi ko sa kanya. Kahit pa-putol-putol ang ingles nito ni Samuel ay pilit pa rin niyang magsingit ng kakatawanan.

Sa kuwentuhan namin sa flight ay narealize ko na nakaka-intindi naman pala siya ng Ingles. Di nga lang siya gaano makapag-salita nito. Madalas siyang nagre-refer sa tablet niya na may Spanish-English dictionary para sa mga words.

Kaya sa putol-putol na English niya and Dora-Spanish ko ay nalaman ko ang ilang detalye tungkol sa kanya.

Medical student. 28 years old. Walang girlfriend at present. Last girlfriend ay 2 years ago, at four years din sila nagtagal. Hindi raw naiintindihan ng ex-jowa niya ang kagustuhan ni Samuel na maging duktor sa mga barrio sa Mexico. Yumaman ang pamilya dahil masipag ang mga magulang, pero lumaki siya sa hirap. Mababait daw ang mga magulang niya at madalas tumutulong at nagko-contribute sa mga humanitarian foundation sa Mexico.

Ako rin, laki sa hirap. Nakapag-tapos dahil sa scholarship. 26 years old. Mas pinili ang non-government social work dahil na-imbyerna ako sa red tape ng gubyerno. Nagkaroon ng mga jowa pero tatlong taon nang walang wala. Single but not searching, sabi ko sa kanya.

After a while ay naubusan din kami ng pagkukuwentuhan, for the meantime. O baka naman dahil naubusan na kami ng Ingles kaya, medyo nagrelax-relax na lang kami.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Napadilat na lang ang mga mata ko nang mag-announce ang piloto ng final descent ng eroplano namin. At syet! Nakatulog pala ako nang nakahilig sa balikat ni Samuel. Ohsyet! Nakanganga kaya ako habang natutulog? Tulo kaya ang laway ko?
?q=
Nakahilig pa rin ako sa balikat niya at agad na tinakpan ng kamay ang bibig ko. Buti na lang walang laway. Dahan-dahan akong naupo ng matuwid sa silya ko. "I'm so sorry," hingi ko ng paumanhin kay Samuel.

"Oh no no. It's okay." Sabi niya habang tinapik-tapik pa ang balikat niya. "You can sleep here."

Napa-blush na naman ako. Kung alam mo lang, Kuya! I can do more than sleep on you! Oops! Did I say that loud? Lumingon ako sa katabi kong nasa aisle seat. Mukha namang hindi ko naibulalas ang nasa isip ko.

"Uhm… We're about to land…" Paliwanag ko kanya. Tumango-tango lang si Samuel.

Pumunta muna ako sa restroom ng eroplano para (una) i-check kung may muta ba ako; (ikalawa) maghilamos kung sakaling may muta nga ako; (ikatlo) kumain ng breath mint; (at ikaapat) para kiligin in private.

Paglabas ko ng restroom ay bumangga ako sa pader. Ay mali! Hindi pala pader yun! Dibdib pala ni Samuel yun. Ilang segundo rin siguro kaming parang nagpatintero doon sa tapat ng restroom (What? It was a very constricted space!). Napangiti lang siya at hinawakan ang magkabilang braso ko.

Kala ko naman kung ano ang gagawin niya! Yung pala, iuurong lang ako dahan-dahan sa isang tabi para makadaan siya papasok ng restroom. Anuvahto?!? Nag-init na naman ang pisngi ko.

Nahalata siguro ni Samuel ang pag-blush ko dahil naka-ngisi siya sa akin habang isinasara ang pintuan ng restroom.

Hay!

*** To be continued ***