1. Home
  2. Stories
  3. come Saturday
PSErotica

come Saturday

By stardust6969 ·

as promised to somebody you used to know..a short story.not so erotic..basta lang.

Wednesday

Pagpasok ni Weng sa condo unit ng kaibigan niyang si Astrid, namataan niya ito na nakupo sa sofa. May hawak na wine glass. Sa center table ay may chilled red wine sa bucket. Kabisado na ni Weng ang kaibigan, ang timpla at mga moods nito. Best friends sila ni Astrid simula pa high school sa isang exclusive girls’ school. Alam niyang may problema ito pag umiinom sa bahay. Tumawag ito sa kanya kanina para magpasama sa condo.

Dumeretso si Weng sa kaibigan. Umupo sa tabi nito.
“Ok ka lang friend?” .
“Ok lang ako Weng.” Mahinang sagot ni Astrid.
“OK daw, ayan at mugto yata mga mata mo.!”

“Dalawang bagay lang ang alam kong ipagkakaganyan mo. Either may sakit ang nanay mo or may problema ka kay Alex. Pero ang alam ko Ok lang si mother. Kaya, sure na, si Jowa mo ang issue”.

“Hindi siya dumating ano? Binitin ka na naman?

Hindi kumibo si Astrid.

Tumayo si Weng at hinarap ang kaibigan.

“Hanggang ngayon talaga friend, hindi ko lubos maisip kung ano talaga ang nakita mo kay Alex?” Tanong ni Weng.

“I’ll understand kung material na bagay lang ang habol mo kay Alex. Marami sa mga katulad mo ang ganyan. Gusto lang makaahon sa kahirapan, makapagaral, suportahan pati buong pamilya. Yung iba, pansariling karangyaan at luho, mga signature na gamit, damit, alahas, gadgets, kotse, bahay at travel. Meron naman ang trip ay kapangyarihan.”

“In a sense, parang pokpok na rin ang tingin sa kanila ng marami, stay-in nga lang at high maintenance.”

“But, in fairness, maliban sa mga nasubo na dahil nadenggoy ni lalake, may mga ilan din namang talagang nagpakaGAGA at nagmahal ng tunay.”

“Pero ikaw best friend, maganda ka, pang beauty queen ang mukha at katawan mo. Matalino, may magandang trabaho. Galing sa buena pamilya. Hindi ka naman kung saan lang niya dinampot no?”

At saka hindi ba’t maraming baliw na baliw sa iyo hanggang ngayon, mga hunks at guwapo at higit sa lahat, mga single pa! Hind ka naman cherry sa pagibig, lalo na sa sex. Friend, ang dami mo ng nakarelasyon, mga flings at serious, sila ang namurublema sa iyo.” “Pero ngayon lang! Ngayon ka lang nagkaganyan dahil sa lalake.”

Haizz! At kay Alex pa!” Nakapamewang na si Weng .

“Ewan ko nga ba sa doctor na yan, hindi naman siya si Brad Pitt, hindi nga siya kaguwapuhan eh. Hindi naman sikat na tao, artista o politico. Oo, may kaya ang Jowa mo, pero hindi siya anak ni Henry Sy o Lucio Tan. Anong nangyari sa iyo.? Anong pinakain niya sa iyo?

Nanatiling walang kibo si Astrid sa gitna ng litanya ni Weng.

Ahhh, alam ko na!” Sabay duro kay Astrid.
Siguro malaki titi ni Alex ano!? Yun ang pinakain niya sa iyo! Magaling siyang kumantot at bumurotsa ano! Pinaiikot niya tumbong mo! Kilala kita friend, malibog kang babae ka!

Weng ano ka ba!! Baliw ka talaga! Ang bastos bastos ng bibig mo kahit kailan! Sabay bato ng throw pillow sa mukha ng kaibigan.

“Alam mo naman friend”, ani Weng
“konserbatibo ang pamilya ko, lumaki akong sexually suppressed maging sa pananalita. Kaya ng independent na ako, kumawala lahat ng kabastusan sa bibig ko! Puke, kantot, titi . Hi hi hi hi, putang ina, ang sarap palang pakingan nun.

“Alin, kung hindi lang ganito ang mukha at katawan ko,.. kung naging kasing ganda at seksi mo ako, araw araw siguro may kakantot sa akin, kaso nga hindi eh, kailangan bumili pa ako ng lalake. Makipagkumpetensya pa sa mga bekis.

“Haiiz!, PARUSA TALAGA ANG MAGING MALIBOG KAPAG SABOG NA NGA ANG KATAWAN MO, HINDI KA PA MAGANDA.” Pa-OA epek na hinagpis ni Weng.

“Hahahaha!! Weng tumigil ka na, sobra ka na talaga!.”
“Uminom na lang tayo.” Alam ni Astrid na pinatatawa lang siya ng kaibigan.

Nagsalin si Weng ng wine sa isa pang wine glass.

“Toast na lang tayo,! Tinaas ni Astrid ang hawak na wine glass.

“Friend, anong okasyon, buntis ka?”

“GAGA! hindi.” Anibersaryo namin ni Alex sa Friday. Second.”

“Aba, record yan, ngayon ka lang tumagal ng ganyan sa relasyon” Saka Wednesday pa lang ngayon at bakit ako ang bisita mo. Explain nga friend!”

Matagal bago nakasagot si Astrid.

“Nakapagdesiyon na ko Weng.”

“Papakasal kayo ni Alex. Hello!? May asawa siya di ba?”

“Weeeenngg! Ingit ni Astrid.

O siya siya…ano yun!

“Tata…tatapusin ko na ang relasyon naming ni Alex. Sasabihin ko sa kanya pag pag nagkita kami sa Sabado. “ Pilit na pinipigil ni Astrid ang maluha.

“Seryoso ka friend!?

Tumango lang si Astrid.

Nakatitig lang si Weng ang magandang mukha ng kaibigan. Ngayon lang niya nakitang ganitong kalungkot ito. Pero kung ngayong bakas ang labis na lungkot sa mukha ng kaibigan, mas madalas namang mababakas dito ang labis na kaligayahan mula ng makarelasyon nito si Alex, kaligayahang nuon lang niya nakita kay Astrid sa buong panahon ng kanilang pagiging magkaibigan.

GANUN BA TALAGA ANG PAGIBIG, ANG UMIIBIG?! Masayang malungkot? Masarap na masakit? Tanong ni Weng sa sarile. Hindi niya alam. “No boy friend since birth”, yun ang tukso sa kanya ng mga kaibigan. Masakit, pero tutoo.

Isang siyang permanent resident ng FRIENDZONE. Okey na nga sana sa kanya ang maging FUBU kaso lang, ang gusto lang sa kanya ng mga lalaki ay BU lang talaga. Walang FU.

-------------------------------------------------------

Talaga friend? Tanong ulit ni Weng sa tahimik na kaibigan.

"Oo Weng. Kailangan."

May ginawang ba siyang kalokohan sa iyo? Sinaktan ka ba niya? May iba pa siyang babae? May iba ka ng lalake?

Mapait ang ngiti ni Astrid.

“Napakabuti ng puso ni Alex. Ngayon lang ako nakakilala ng ganung klaseng tao. Nilaan ang kakayahan, talino at panahon para mapabuti ang kalagayan ng mga mahihirap na komunidad sa ating bansa. Nagpakadalubhasa sa medisina sa Eurropa, pero piniling magsilbi ng walang kapalit sa ating mga kababayan.”

“Sa loob nga ng dalawang taon naming relasyon, halos bihira nga kaming magkasama. Mas madalas siya sa medical misyon nila.”

“Alam mo ba Weng, hindi lang minsan ng ginusto niyang tapusin na ang aming relasyon. Hindi dahil sa hindi na niya ako mahal. Hindi dahil ayaw na niya. Ang feeling niya kasi, much as he loves me, nasasayang lang daw ang buhay ko sa piling niya, that I don’t deserve the kind of life I have with him”

Eh anong say mo?

“Wala lang, sabi ko lang, eh siya ang life ko, paaano yan.? Hindi ako pumayag. Nagagalit ako tuwing inuungkat niya yun.”

“In the first place, kung mabait siya, eh bakit siya nakipagrelasyon sa iyo. Alam niyang may asawa siya?” Katwirran ni Weng

“Ewan ko nga ba. Kung ako nga hindi ba, nuon pa man, sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ako papatol sa may asawa. Alam mo naman na maraming babae ang papa ko. Nakita ko ang sakit ng loob na dulot nito sa mama ko.”

“Siguro nga ganyan talaga ang buhay…ang pagibig. Maraming mga bagay ang mahirap ipaliwanag.” Buntong hininga ni Astrid.

“Eh anong nangyari, bakit ngayon Ok na sa iyo na tapusin na ang lahat sa inyo?”

Matagal bago nagsalita si Astrid.

“Nakita ko ang pamilya ni Alex for the first time. Sa mall, nung Linggo. Kasama ni Alex ang asawa at dalawang anak na babae. Kung bakit ba naman naisipan kong pumunta dun. Hindi ko alam na pupunta duon sina Alex. Ang alam ko, Lunes ng umaga ang lipad niya papuntang Compostela Valley.”

“Eh anong nangyari, nakita ka, iniskandalo ka ng asawa?”

“Hindi nila ako nakita.”

Eh ano nga ang nangyari?” Kulit ni Weng.

“Para akong binuhusan ng napakalamig na tubig. I froze. Then it hit me like a ton of brick. Looking at their happy faces, especially the little girls. I realized na wala akong karapatang pumasok sa buhay nila. Masakit.

Oo, alam kong may asawa at dalawang anak ng babae si Alex, pero Weng, iba pala pag nakita mo na sila ng personal. Nakita ko ang sarile ko sa mga bata., nuong panahong nagaaway ang mom at dad ko dahil sa babae.

"Feeling ko, napakasama kong tao!”

Umiyak na si Astrid.

“Friend, kakayanin mo ba to. Paano mo sasabiin kay Alex. Papano kung hindi siya pumayag?”

“Bahala na. Basta sasabihin ko sa kanya sa Sabado.” Nagsalin uli ng red wine si Astrid. Tahimik na uminom.

Sinabayan na lang ni Weng ang kaibigan sa paginom. Alam niyang hindi na kailangan pang magsalita.

Malalim na ang gabi ng tumayo si Weng.

“Hay, naku friend, matulog na tayo at may presentation pa kami sa kliyente bukas. Pray mo na makuha namin ang account. “

“Sige, mauna ka na at susunod na rin ako.” Sagot ni Astrid.

Pumasok na sa kuwarto si Weng. Parang bahay na rin niya ang condo ng kaibigan. May sarili siyang susi nito. Welcome siya. Maliban na lang pag sa mga araw na schedule ni Alex sa condo. Sa tutoo lang, hati sina Alex at Astrid ng bayad sa condo unit. Yun ang gusto ni Astrid kahit anong pilit ni Alex na sagutin lahat ang mga gastos.

Hindi pa talaga iaantok si Weng, kaya lang, minabuti niyang hayaang mapagisa ang kaibigan. Makapagisip.
---------------------------------------------

Astrid’s Soliloquy

Natiis ko lahat ang hirap na kakabit ng aming relasyon. Ang guilt. Ang sakit tuwing makakarining ng mga salitang Mistress, kabit, other woman, husband stealer, home wrecker.

Siguro nga Karma lang. Naging mapaglaro ako sa pagibig. Ngayon, ako ang umiibig. Ganito pala ang pakiramdam. Hindi mo kontrolado. Mabuti pa nuong sila ang umiibig sa akin. Kontrolado ko ang sitwasyon, ang aking damdamin.

Masakit na masarap pala ang umibig. Kung gaano katindi ang ligayang dulot nito, singtindi din ang kakambal na pait at sakit.

Ang Pasko namin, ang Bagong Taon, ang Valentines, lalo na ang birthday ni Alex, kung hindi maaga, atrasado ang celebration, never sa mga tinakdang araw.!

“Ang birthday ko at anibersaryo namin, ipagdadasal ko pa na sana ay tumama sa araw na puwede kaming magkasama. Ang bigla kang iwan sa gitna ng masasayang sandali, ang biglaang pagkansela ng mga okasyon na kay tagal mong pinanabikan at pinaghandaan , dahil may emergency si Alex.

"MINSAN TULOY, FEELING KO PARA LANG AKONG PARAUSAN. HIS EASY LAY! , kahit pa alam kong hindi ganun. Mahal na mahal ako ni Alex!!”

“Ang kaba sa aking dibdib tuwing titignan ni Alex ang kanyang cell phone. Tuwing tutunog ang doorbell sa alanganing oras. Pag lumabas naman kami, bihira na nga lang, anduon pa ang kaba na baka may makakita sa amin. Para kaming mga criminal, umiiwas, nagtatago, natatakot mahubaran sa harap ng mapaghusgang lipunan.”

Pero pag kapiling ko na siya, bakit limot ko ang lahat ng iyan. Napapawi lahat ng agam-agam. Kay saya na ng mundong aking ginagalawan.

Ang makita lamang siya. Marinig ang pagbigkas ng aking pangalan. Ang mga ngiti. Yakap at halik. Ang hangod ng mapagpalang labi at mga kamay sa aking katawan. Ang tikas ng kanyang sandata sa aking kaibuturan. Ang tamis na dulot ng pinagisang katawan at damdamin. Ang sobrang ligayang nadarama. Nakakatakot at baka hindi makayanan. Parang sasabog ang buo kong katauhan.
Pero ngayon………..

Sana lang, makayanan ko. Sana lang, makalimot ako pagdating ng araw.

FRIDAY

TV Patrol News: kapapasok lang na balita. Dalawang doctor ang nabaril at napatay ng maipit sa palitan ng mga putok sa pagitan ng militar at mga hinihinalang miyembro ng NPA sa Compostela Valley. Ang isa ay kinilalang si Doktor Alex Miranda.

SATURDAY

wakas