1. Home
  2. Stories
  3. Pagdating ng Panahon: Prologue
PSErotica

Pagdating ng Panahon: Prologue

By hwoarang24 ·

Prologue:
"wow, iba talaga pala sa syudad Mama, maingay pero ang astig" ika ng labing apat na taong binata sa Mama nya habang sila'y masayang kumakain sa Jollibee.
Ngumiti lang ang Mama nya, mukhang takam na takam sa buhay syodad ang binata nya, kasi naman sa tagal na nitong mulat sa mundo e ngayon lang talaga xa, as in, nakapunta sa Syodad at sa pangarap nyang Jollibee.
Unti unting dumami ang tao, tanghali kasi, uwian ng mga estudyante na dun na din nakain, napangiti na naman ang binata sa nakitang nag gagandahang dilag, bukas na ang diwa nya sa pag kakaroon ng crush at sa nakikita nya ngaun e lahat lang ata crush nya.
Kung hitsura ay may dating naman angbinata, probinsyano nga lang kaya di xa pansin sa lugar nila ngayon.
Napapasarap ang subo ng binata sa hawak na manok ng may pumasok na dalawang babae at isang bakla, estudyante din, at sa tingin nya'y kaedaran din nya.
Tumigil saglit ang mundo, ang mata nya'y di naalis sa magandang mukha ng dalaga, maputi,makinis, chinita at napangiti din xa ng masilayan ang dalawang munting dimple sa pagngiti ng dalaga.
bumilis ang tibok ng puso nya, di na pansin ang Mama nya na pinagmamasdan xa. Ang mahalaga ay ang pasulyap sulyap nya sa dalaga, lalo't isang mesa lang agwat nila. Masaya nyang pinagmasdan ang bawat pagsubo at pagtawa ng dalaga, love at first sight oh totoo pala to. Di na nya napansin na dumukot ng cp ang mama nya at may tinawagan, sa gitna ng pagsasalpukan ng mga love molecules sa puso at utak nya ay nakaisip xa ng idea, dinukot nya ang cp nya. Sinet ang camera at tinutok sa dalaga.
"click" isang magandang angulo sa cp nya. Minasdan pa nya ang litratong nakuha nya,at anung gulat nya ng paglipat ng tingin nya sa dalaga e nagtama ang paningin nila.
nakutuban ng dalaga na may nagpicture sa kanya, cute naman ang snatcher, kaya di nya naiwasang alisin ang titig dito, actually naisip pa nyang titigan ito lalo at anung saya nya ng makitang napapayuko na ang binata atngumingiti.
"shit, yan na ang titig treatment ng mgababae" bulong ng binata, di pa din nag hihiwalay ang tingin nila ng parehas,kapwa narinig nila ang isang magandang kanta.
"alam ko hindi mo pansin, narito lang ako" tila nag usap ang puso, ngunit agad naputol ng hawakan ng mama nyaang binata, hinila patayo at nagmamadaling tumakbo sa labas. .
Malungkot na umuwi sa probinsya ang binata,
"see you someday" bulong ng dalaga sa sarili. .