1. Home
  2. Stories
  3. Misha, The Band Vocalist - 1
PSErotica

Misha, The Band Vocalist - 1

By yourstarr ·

Disclamer: I don't usually write or make stories so mind the errors or whatever. I just have a lot of time in my hands that's why I decided to use it and write a story instead of lurking around doing nothing :D Hope you guys like it and don't forget to comment so that I would know if I should continue this or not :P

-----

My name's Misha Nakamura, a 2nd year college student in a university located in Manila. At hindi ako yung tipo ng babae na inaakala mo…

"Shit! Late na naman ako sa first class ko! Dapat talaga di na ko pumayag sumama sa gig! Makaligo na nga muna.. *Vocalist at guitarist nga pala ko sa isang banda, kumbaga eto sideline ko para sa araw-araw na pang-gastos ko.* Fuck, matatanggalan na ko neto ng scholarship eh! Bat kasi di na lang ako pinanganak na mayaman!"

"Hoy Misha! Di ka ba kakain muna bago pumasok?" Sigaw ng room mate ko na si Keira Dela Paz.

"Naku te! Sa school na lang ako kakain, kaylangan ko umabot sa first class ko kung hindi baka i-drop na ko ni sir."

"Bahala ka, pero ikaw din baka himatayin ka nyan sa daan." Natatawang sabi ni Keira. "Tsaka nga pala itext mo ko kung sasama ka sa gig natin mamaya sa may Morato. Sayang din yun pang dagdag tuition fee rin."

"Sige sige, tetext kita kagad pag nakapag decide na ko."

-----

Habang nasa jeep, lingid sa kaalaman ni Misha na may bumubutas na pala sa bag nya at tinatangkang kunin ang wallet nya. Di na nya ito namalayan dahil sa antok at hilo na nararamdaman nya.

Nakita na lamang nyang butas na ang kanyang bag at wala na ang kanyang wallet pag pasok sa loob ng kanilang classroom.

"Tangnang buhay to! Kapag pinanganak ka nga namang malas o! Natyempuhan pa na nasa wallet ko lahat ng pera ko! Nyetang first class kasi to! Edi sana dineposit ko muna pera ko sa banko bago pumasok. Fuck talaga!"

"Hi babe!"

"Hoy Christian tigil-tigilan mo muna ko ngayon ah! Di maganda umaga ko!" Pasigaw na sagot ni Misha sa masugid nyang manliligaw since High School na si Christian Alcantara.

"Edi tell me what made your morning like this? Alam mo naman anytime makikinig ako sayo." Pacute na sabi ni Christian.

"Late ako! Nanakawan ako! At andito ka sa harap ko! Yan! Alam mo na kung bakit badtrip ako! So please! Umalis ka muna!"

"Ok, ok.. As you wish my lady.." Pacute pa ring hayag ni Christian.

-----

Pagkatapos na pagkatapos ng class ni Misha ay dumiretso kagad sya sa tambayan nila ng mga kabanda nya. Nakitang nyang andun na silang lahat.

"Oh anong nangyari sa bag mo? Sino may gawa nyan? Tara resbakan natin!" Hiyaw ng drummer ng banda na si Macoy Vicente. At agad naman itong sinang-ayunan ng iba pa nyang kabanda.

"Nadukutan eh, kasama nga pang tuition at allowance ko. Hahaha! Sabi na talaga malas akong tao eh." Sagot naman ni Misha

"Edi sana kasi iniwan mo na lang sa dorm pera mo."

"Sinabi ko naman sayo na idedeposit ko nga sa banko yung pera ko after class. Tsaka malay ko ba na madudukutan ako. Sa dinami dami ng tao sa Jeep malay ko ba na ako pala trip nung punyetang magnanakaw na yun!" Sagot ni Misha sa sinabi ni Keira.

"Edi ok! Eh pano ka na nyan? Kung may mapapahiram lang ako eh kaso alam mo din naman sitwasyon ko."

"Sus ok lang yun Kei! Kilala mo ko, di ako mapapabagsak ng nangyaring to. Pero kaylangan ko syempre ng tulong nyo para makabawi.."

"Tulong namin? Eh kung pera yan naku sorry Mish ala rin ako hahaha." Pabirong sabi ni Red Crisostomo ang Lead Guitarist ng banda nila.

"Tado! Ibig ko lang sabihin eh dapat araw araw may gig tayo para mabawi ko yung nawalang pera ko hanggang bayaran para sa finals. Syempre kaylangan andun kayo, alangan naman mag one man band ako."

"Ah! Yun naman pala. Linawin kasi kagad ano Mish?" Pangaasar na biro ni Macoy.

"Game kami dyan! Alam mo namang wala tayong iwanan eh!" Sang ayon ni Keira sa sinabi ni Misha.

"Lakas ko talaga sa inyo eh no? Labyu mga tol! Hahaha!"

------

Dito na lang po muna :DD Sorry wala pang exciting na pangyayari! Pero sa next chapter baka meron na hihi~ pero depende pa rin yun sa inyo! Baka kasi di nyo type tong panimula. Comment na lang kayo pag gusto nyo pa :) Till next chapter! ;)

Chapter 2 - http://pserotica.com/node/8941