Pinalayas ako
I just want to share my short story na nangyare talaga sa tunay na buhay .
wala namang masama kung mag sulat ako diba :D ? Marami nang nag sulat dito kaya malamang walang papansin sa gawa ko xD
Nung 16 years old pa lamang ako ay mahilig akong gumala kasama ang mga tropa ko,nag iinuman kulitan , tawanan . pag may nalalasing sa tropa kong babae diretso agad sa kwarto . Happy go lucky lang talaga ang buhay ko nun. sobrang sarap lagi akong may pera , hanggang sa isang araw napapansin ko laghi nalang mainit ang dugo sakin ng papa ko. Alam mo yung tipo na kahit wala kang ginagawa bigla kana lang aawayin kung ano ano isisisi sau ? ganun nalang lagi araw araw nalang nang yayari . Hanggang sa isang araw umuwi ako ng lasing mga alas diyes na nang gabe . na ka lock ung gate . dahil nga sa kalasingan nag sisigaw ako dun na " Hoy buksan nyo ung gate , papasukin nyo ko" mga naka tatlong ulit ata ako nun bago may bumaba para buksan ang gate si papa . bigla akong hinatak sa loob sabay sinikmuraan .. aray xD mashakeet . pero nag lakad lang ako na parang balewala .
Maya maya ay umakyat nadin ako .. sabay sumunod na din ang papa ko umakyat din sya . sabay kuha ng malaking bag at ibato sakin . "hoy ikaw ibalot mo na lahat ng gamit mo dyan tapos umalis kana dito" pasigaw na sabi ni papa
Binalot ko naman ang lahat ng gamit ko sabay diretso alis kahit 400 lang ang pera ko , Di ko alam pero malakas ang loob ko nun at di man lang ako nakaramdam ng kaba kahit konti nung lumayas na talaga ako ng tuluyan dahil lang siguro sa alak.
(nasa labas na ako)
parang nahimasmasan na ata ako naalala ko pinalayas ako , at di ko alam kung san ako matutulog , habang nag lalakad ako ay nahihilo ako dahil sa alak , at umupo muna ako saglit para mag pahinga , malayo layo na kasi nalakad ko . nakaramdam ako ng antok . at napatingin ako sa gilid , may nakita akong mga pulubi na natutulog sa gilid , kaya prang gusto ko din matulog sa kinauupuan ko. hahahaha :D . pero tumayo ulit ako at nag lakad pa ng kaunti . may nakita akong kumpulan ng mga tao na halos kasing edad ko din ung iba . Medyo kinabahan ako dahil alam ko na mga mahilig mag trip ang ganun , medyo binilisan ko ang lakad ko para malagpasan ko agad sila , at nang pag kalagpas ko ay nakahinga na ako ng maluwag ,
habang nag lalakad pa ako ay may natanaw ako na parang subdivision, pumasok ako dun sa di ko malamang dahilan . dahil siguro desperado nako makahanap ng tutulugan . nakalagpas nako sa gate ng biglang may sumita sakin . "hoy boy san ka pupunta di ka naman taga dito ah" ang gwardya ng subdivision .
pautal-utal pakong sumagot "ah.. sa ano po . sa .. tita ko po" akmang palalabasin na ako ng gwardya ng biglang may nag salita ,boses babae , galing sa likod ung boses . "uy nandyan kalang pala,bakit ang tagal mo?" sabi nang babae na nakatitig sakin. "sabay sabi nya "tara na" uwi na tayo . ako naman ay sumunod kahit may halong pag tataka , medyo malayo na kami sa gwardya nang bigla syang nag salita "san ka pupunta ? bakit papasok ka dito? tiga dito kaba?
sabe ko naman ay pinalayas kasi ako samin nag hahanap ako ng matutulugan? "ha ?bakit naman? ,ako: " basta mahabang kwento" , sya "edi kwento mo nalang mamaya sakin sa loob ng bahay " nung narinig ko yun ay parang nabuhayaan agad ako loob :D ! "talaga pwede ako sa inyo?"