1. Home
  2. Stories
  3. Agent Orange: Chapter 2: The Programme
Pinoy Tambay

Agent Orange: Chapter 2: The Programme

By ereimondb ·

Welcome!!!
You are about to witness our presentation, and we would like to provide you a brief introduction about our company.
We are the company that chooses elite members that can be leaders; members that are born leaders.
We choose elite members that can serve not just the country, but the whole world.
We choose elite members that can become role models, future award winning actors and actresses, breakthrough performers, singers and artists.
We are the company that chooses elite members to rule the world and make a difference.
And if you can watch this presentation… that means, we have seen a potential in you.
We have chosen each one of you…
Future leaders…
Future role models…
Future celebrities…
Congratulations…
And…
Welcome to our company…
Welcome to the Programme.

Nagpalakpakan naman ang mga dumalong bagong miyembro habang nakasuot sa kanila ang mga 3D glasses. Manghang-mangha ang lahat sa kakaibang presentasiyon na ipinalabas ng kumpanya. Walo lamang ang nakarating sa bagong batch ng company orientation ng The Programme. Tatlo sa kanila ay mga tatakbong gobernador, dalawa ay mga nagbabalak tumakbo bilang senador at ang huling tatlo naman ay mga bagitong artista na gustong sumikat.

Dahil sa lawak ng sakop at impluwensiya ng kumpanya, ay marami dito ang sumusubok makapasok, upang mai-endorso at masiguradong laging nangunguna at nananalo sa kahit anong larangan. Hawak nila ang lahat ng mayayamang negosyante at maimpluwensyang tao sa bansa, kung kaya't lahat ng kinakailangang makinarya at suporta ay makukuha bilang benepisyo ng mga piling miyembro.

Dumadaan sa butas ng karayom ang mga naghahangad maging miyembro ng Programme. Dahil marami sa mga miyembro nito ay napatunayan at subok nang nagtagumpay sa iba't ibang larangan, tulad ng mga pulitiko, manlalaro, modelo, artista, mang-aawit, manunulat at kung anu-ano pa.

Tuwang-tuwa naman ang walong bagong miyembro dahil mapapabilang sila sa mga taong tinitingala, mula noon hanggang sa ngayon.

Maya-maya ay lumabas ang isang babae. Dinig na dinig sa kalawakan ng silid ang tunog ng takong ng kanyang sapatos habang naglalakad papalapit sa mga bagong miyembro. Napakaganda ng babae habang nakangiti sa walong napili at nakarating para sa company orientation.

"Welcome elite members, and congratulations. Alam kong napakarami ninyong pinagdaanan para maging parte ng kumpanyang ito. Physical, emotional, intellectual, spiritual at marami pang ibang uri ng stress and tests ang nakumpleto ninyo, bago maging isang tunay na elite member… So again, congratulations… Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili…" Saad nito habang nakangiting pumapalakpak kasabay ng walong bagong miyembro ng Programme.

Nagtitinginan naman ang bawat isa at halatang masaya sila dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng kumpanya. Lahat sila ay umaasang maging matagumpay sa kanilang napiling larangan.

"Okay, girls and boys… Please follow me…"

Agad na naglakad ang babae, papunta sa isang silid kung saan nakalagay ang lahat ng mga puwedeng basahin ng bawat miyembro, upang mas maliwanagan pa sila tungkol sa kumpanyang kanilang pinasukan.

"Nasa inyong gawing kanan ang mga libro at babasahin tungkol sa regulasyon at batas na ipinapatupad ng ating kumpanya. Naandiyan din ang mga success stories ng ating mga miyembro, na puwede ninyong kapulutan ng inspirasayon at imahe para maging matagumpay sa inyong tatahakin. Nirerekumenda kong basahin ninyo ang lahat ng mga libro dito para mabigyan kayo ng tamang gabay bilang miyembro ng Programme."

Nagpuntahan naman ang ibang miyembro sa gawing kanan at sinipat ang mga librong nakalaga sa mga shelves. Tuwang-tuwa naman ang babae habang tinitignan niya ang mga bagong miyembro na mabilis sumunod sa kanya.

"Excuse me…" Saad ng isang lalaking miyembro.

"Yes, sir?!" Sagot ng babae.

"I'm just wondering… Kung about sa rules and regulations at inspiring stories ang mga librong nasa kanan… Tungkol saan naman po ang mga librong naandito sa bandang kaliwa?"

Napatingin ang ilang miyembro sa lalaking nagtatanong at tila napaisip din sila sa kanyang katanungan.

Saglit na natahimik ang magandang babaeng nagbibigay ng company orientation at unti-unting lumapit sa lalaking miyembro.

"Good question…" Saad nito.

"Kung mapapansin ninyo, ay hindi nakaayos ang mga libro na nasa gawing kaliwa… Ito ay dahil, talambuhay ito ng mga dating miyembro na tumiwalag at mas piniling salungatin ang mga regulasyon at batas ng Programme. Maganda ring basahin ng mga bagong miyembro ang mga librong ito para may matutunan kayo sa kanilang mga kasalanan. Iminungkahi ko nga yan na ilagay pa rin ang mga librong ito dito para masalamin ang masalimuot na kapalaran ng mga taga-kaliwa. Sila ang mga miyembro ng Resistance… mga traydor… mga kaluluwang nasusunog na sa impyerno kahit buhay pa…" Kuwento ng babae sa mga bagong recruit.

"How are they being handled? Nasaan na sila ngayon? Nasaan na ang mga tumiwalag sa Programme?"
"Another good question… May mga pamamaraan ang Programme kung papaano sila maibalik sa atin at maging miyembro ulit. Puwede silang pumayag o puwede rin silang huminde… Pag sila'y pumayag na magbalik loob, dadaan ulit sila sa mga tests at company orientation. Mabibigyan sila ng panibagong suportang kanilang kakailanganin… Pero kung sila na mismo ang tumutulak papalayo sa kumpanya, ay mapapabilang sila sa grupong Resistance. Hindi pa ako nakakarating sa kuta ng mga traydor. At hindi ko rin alam kung gaano kasalimuot ang buhay nila doon. Kaya hindi namin puwedeng sabihin sa inyo ang lahat-lahat tungkol sa mga taga-kabila." Muling paliwanag ng babae.

Tila kinakabahan naman ang mga baguhan sa ikinuwento sa kanila ng taong nagsasagawa ng company orientation. Agad nilang iniwasang magbasa ng mga libro sa gawing kaliwa at mabilis silang kumuha ng kanya-kanyang nilang babasahin galing sa mga libro sa bandang kanan.

Natuwa muli ang babae sa reaksiyon ng mga bagong miyembro, dahil nakikita nito ang takot sa kanilang mga mata.

Maya-maya ay napansin niya ang kanina pang nagtatanong na lalaking miyembro habang iniisa-isa ang mga libro sa gawing kaliwa. Sinimulan niyang obserbahan ang mga ikinikilos nito.

Maging ang mga nagmamasid na security na nakatayo sa silid ay panay na rin ang titig sa baguhang ito.

"Mayroon uli akong tanong…"
"Yes sir… Ano pong tanong ninyo?"
"I have heard about this certain Programme Agent… Kung hindi ako nagkakamali, ang itinawag sa kanya ay Agent Orange… May libro din ba tungkol sa kanya dito?"

Napangiti naman ang babae at tila naghahagilap siya ng kasagutan sa napakahirap na katanungan ng bagong miyembro.

"Agent Orange… Well sir, all I can say is, wala kang makukuhang inspirasyon sa taong iyon. Well in fact, we are forbidden to read anything about that person. Sorry, I can't answer that."

Mabilis na tinalikuran ng babae ang makulit na baguhan at pilit iwinawaglit ang mga katanungan nito.

Nakatingin lamang ang ibang mga miyembro sa kanilang kasamahan at tila mas natatakot pa sila sa mga pinaggagagawa ng lalaking ito.

"Itinatago niyo ba sa mga baguhang miyembro ang tungkol kay Agent Orange? The question is, nasaan ang libro tungkol sa downfall ng Agent Orange na yan?" Muling tanong ng lalaki.

"Sir… Uulitin ko po sa inyo, na bawal na po pag-usapan ang tungkol sa kanya. Sa totoo lang po ay bawal ding banggitin ang pangalang iyan dito sa kumpanya…"

"Why? Hindi ba kayang ihandle ng Programme si Agent Orange?"

Saglit na tumahimik ang babae at agad sumenyas sa mga security guards na nasa loob ng silid.

"Teka… Saan ninyo ako dadalhin?"

Mabilis na binitbit ng mga ito ang makulit na lalaki at pilit na inilalabas sa Reading Area.

"Wala kayong karapatang dakpin ako… Bitiwan ninyo ako… Kahit kailan hindi ninyo maitatago sa mga miyembro ang tungkol kay Agent Orange… Buhay si Agent Orange… Buhay siya at babalikan niya kayong lahat!!!!!!" Sigaw na saad ng lalaki habang kinakaladkad siya papalabas.

Napapapikit naman ang babae habang kinakalma nito ang kanyang sarili. Ito kasi ang unang pagkakataong na nakasalamuha siya ng bagong miyembrong may alam sa mapait na pinagdaanan ng kumpanya. Huminga ito ng malalalim at pilit nitong ibinabalik sa kanyang sistema ang ganda ng kanyang umaga.

Napatayo naman lahat ng miyembro at sinundan na lamang nila ng tingin ang kanilang kasamahan. Napapalunok ang ilan at tila natatakot sila sa kung anong puwedeng kahinatnan ng bawat miyembro kung sakali sila ay tumalikod sa Programme.

Napansin naman ito ng babae at agad nilapitan ang natitirang pitong miyembro.

"May katanungan pa po ba tayo?" Nakangiting saad nito sa kanila.

Napailing na lamang silang lahat at kitang-kita ang takot sa kanilang mga mukha.

"Good. Well, gusto ko lang ipaalam sa inyo na ang silid na ito ay bukas para sa mga baguhang miyembro. Matutuwa ako kung ito ang inyong gagawing tambayan habang naandito kayo sa kumpanya." Muling saad ng babae.

Sabay-sabay namang tumatango ang pitong baguhang miyembro.

"Okay… Salamat sa inyong oras at iiwan ko muna kayo saglit. Kaya girls and boys, basa basa din pag may time." Pahabol ng babae sabay kindat.

Tila napako naman sa pagkakatayo ang mga ito habang pinapanood nilang naglalakad papalabas ng silid ang babae.

Ang isa pang tatakbo bilang gobernador ay napa-ihi sa kanyang salawal dahil sa sobrang nerbiyos. Hindi rin niya mapigil ang panginginig ng kanyang panga sa sobrang takot.

Nakahinga na lamang sila nang tuluyang nakalabas na ang babae sa orientation room.
---
"Tita Editha! Welcome back!!!" Masayang pagbati ni Ryan sa bagong dating na bisita.

Ilang taon ding nawala sa Pilipinas ang matandang babae. Mula kasi nang magpakasal ito sa kanyang Amerikanong asawa, ay nanatili na lamang ito sa New York. Wala na siya sanang balak na bumalik pa sa ating bansa, dahil sa masalimuot nitong nakaraan, ngunit nakumbinsi naman siya ng kanyang pamangkin na si Melissa na umuwi na at bumalik sa Programme.

Lalo siyang natuwa nang ibalita ng kanyang pamangkin ang pagkawala ng tinik sa kanilang buhay na si Agent Orange.

"Salamat sa pagbati, Ryan… Salamat sa mainit na pagtanggap…"
"I'm very surprised at nakabalik na kayo ng Pilipinas… Alam po ba ito ni Melissa?"
"No… Wala namang makakapagdikta sa akin kung kailan ako dapat bumalik…"

"Yes. That's true tita Editha… Lagi naman kayong welcome dito sa Programme… hehehe…" Biro ni Ryan sabay kindat sa matandang babae.

"Thank you Rye, you are so kind… Yun nga lang, wala pa ring pinagbago ang Pilipinas… Sobrang init at traffic pa din…"

"Well tita, wala na po tayong magagawa diyan… Ika nga nila eh, sanayan na lang yan. Patibayan ng sikmura, pakapalan ng apog."
"Good point."
"Take your seat tita… Gusto niyo po ba magpahanda ako ng brunch? Coffee? Tea? Soda?"

"No… No… No… Ryan… I just came here to visit…" Saad ng matanda sabay upo nito sa itim na leather sofa.

Naupo rin si Ryan sa isang sofa na nakaharap sa kanyang bisita.

"Do you want me to call Mel? Sa tingin ko miss na miss ka na ng pamangkin ninyo…"
"No Ryan… Ikaw lang naman talaga ang sadya ko dito…"
"O-kay… What's that about? Anong maipaglilingkod ko sa inyo Mrs. Banks?"
"Well… I have been hearing a lot of news lately… I heard na may kaunting rigodon at balasahan na nangyari dito sa kumpanya… is it true?"
"Yes tita… Mahirap mang tanggapin, pero talagang may masamang pinagdaanan ang programme nitong mga nakaraang buwan… Nagsisimula pa lang kaming bumangon ngayon…"
"Good… And I am here to help and give you support… I also want to express my deepest gratitude, nang nalamang kong nawala na sa Programme ang Agent Orange na yan… Natapos na rin ang pamumuno ng angkan ng Bermudes sa kumpanyang ito…"

Hindi naman nakaimik si Ryan. Tila alam na niya kung saan patungo ang kanilang pag-uusapan. Inayos nito ang kanyang suot na necktie at marahang pinunasan ng kanyang kamay ang namumuong pawis sa kanyang noo.

"Sad to say tita… Yes. Tapos na ang ilang dekadang pamumuno ng angkang Bermudes."
"Where's Agent Orange by the way? Patay na ba siya?"
"Let's just say… na Agent Orange is being handled and controlled."
"Well… The hell I care…"

Napatango na lamang si Ryan sa inaasal ng kanyang bisita.

"Rye… Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa… Dumiretso ako dito galing airport para harapin at kausapin ka…"
"Sure tita… Tell me…"

"Ilang taon na rin akong nawala sa sirkulasyon… Nawala sa Programa… Nawala sa kumpanya… And I want to come back… A grand come back…" Saad ng babae sabay sindi sa kanyang sigarilyo.

"Tita Editha… You can always come back… Hindi naman po kayo inalis sa Programme, at wala po kayong nilabag na batas ng kumpanya…"
"No…No…No… Not that kind of come back…"
"O-kay… So what do you want Mrs. Banks?"

"Gusto ko ng posisyon… Posisyong nararapat para sa akin…" Paliwanag ng babae habang naghihithit-buga sa kanyang yosi.

"Sure tita.. Just tell me kung anong gusto ninyong posisyon sa kumpanya and I will be more than happy to give it to you…" Saad ni Ryan sabay ngiti sa kanyang kaharapa na babae.

"Great… I want to be the Country Director of the Programme… I want your position…" Saad ni Editha.

Tila nabigla naman si Ryan nang madinig ang kahilingan ni Mrs. Banks.

"The heck?"

"Look Ryan… Alam kong Santander ang susunod na angkan para mamuno sa kumpanya… Pero alam naman nating lahat na inagawan lang ng Bermudes ang angkan ng mga Villamor. Ang angkan ko… Ang pamilya ko… Kaya ako ang nararapat na sumunod sa Agent Orange na yan. Ako lang ang nararapat sa position mo."

Napatawa naman ang lalaki dahil sa kalokohang sinabi sa kanya ng matandang babae.

"The fall! Hahahaha… You're kidding me right?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Seryosong sagot ni Editha.

Napatayo naman si Ryan at pumunta sa kanyang lamesa.

"If you can see these paper works tita, you will notice that I am too busy to accept visitors right now. So just find your way out of my office." Galit na saad ni Ryan at agad na binuksan ang isang folder na nakapatong sa kanyang lamesa.

Agad namang pinatay ni Editha ang kanyang sigarilyo sa ash tray at dahan-dahang tumayo. Bakas din sa kanya ang pagkadismaya, dahil sa hindi magandang pagtanggap ni Ryan sa kanyang sinabi.

"I will come back Ryan Santander… Babalik ako para siguraduhing nalinis na ang opisinang ito. Kaya kung ako sa iyo, simulan mo nang ilagay sa karton ang mga gamit mo." Pahabol na saad ni Editha habang naglalakad papalabas ng opisina ng Country Director.

Hindi naman siya pinapakinggan ni Ryan. Patuloy pa rin ito sa pagsusulat at pag-aasikaso ng mga application forms ng mga nagpapahiwatig ng kanilang kagustuhang maging miyembro ng Programme.

Nanginginig pa rin ito sa galit.

Alam kasi niyang may karapatan si Editha na maging Country Director kung nanaisin nito. Ngunit dahil sa wala ang matandang babae noong botohan sa kung sinong susunod na mamamahala, ay si Ryan ang naitalaga ng konseho.

Ang nasa batas kasi ng kumpanya, ay kapag ang isang namumuno ay natanggal, kusang tumiwalag o namatay ay maaaring palitan ng susunod na representante ng isang angkan o ang angkan na naunang namuno bago sa dalawang ito.

Apat na angkan ang bumuo ng sikretong organisasyon o kumpanyang The Programme. Ito ay ang mga angkan ng Villamor, Bermudes, Santander at Havila. Naunang namuno ang pamilya ni Editha sa kumpanya hanggang sa namatay ang kanyang ama sa isang kaduda-dudang aksidente. Dahil walang representante ang Havila, ay nailipat sa susunod na angkan ang pamamahala. At iyon ay ang angkan ng Bermudes, kung saan nananalaytay ang dugo ng tinaguriang traydor na si Agent Orange.

Nang nawala sa pamamahala si Agent Orange ay nagkaroon ng botohan sa kung sino ang susunod na gagawing Country Director. At dahil rin sa kakulangan ng representante sa angkan ng Villamor, ay nailipat ang posisyon sa angkan ng Santander. Ang angkan ng ngayong namamahala ng Programme, na si Ryan Santander.

Bakas sa mukha ng lalaki ang pagkabuwiset at inis at tila nasira na ang buo niyang araw. Mas minabuti na lamang niyang umuwi ng kanyang bahay at doon na lang palipasin ang kanyang sama ng loob.

Habang papauwi, ay sinigurado muna niyang hindi na umaaligid ang isang misteryosong lalaki na laging nasa tapat ng kaniyang bahay. At nang naikutan na nila ang buong village ay bumaba na rin ito ng kanyang kotse at naglakad papasok ng kaniyang bahay.

"Surprise!" Maligayang pagbati ni Ruth habang hawak-hawak ang isang cake.

Takang-taka naman ang lalaki dahil sa inihanda ng kanyang kinakasamang babae.

"Woah… Ano ito?"

"I baked this cake… Hihihi…" Saad ni Ruth.

"Really? Nakakapag bake ka na ulit?"
"Yes…"

Nataranta naman si Ryan nang malamang si Ruth mismo ang nagbake hawak-hawak nitong masarap na one-layer cake. Napaisip siya kung nagbalik na ang alaala ng magandang babae.

"Ibig sabihin, nakakaalala ka na?"

"Hmmm… Ewan ko… Paggising ko na lang sa umaga, bigla kong naisipang mag bake eh… Bakit dear? Madalas ba kitang ipag-bake ng cake dati?"

Sandaling natigilan si Ryan sa katanungan ni Ruth.

"Kasi… Pakiramdam ko, relax na relax ako habang hinahanda ang cake na ito…"

"Well… Ruth… I have to admit na magaling ka talagang magbake. I mean, hilig mo ang pagluluto…"

"Really?? Wow! So I must be doing this activity more often. Malay natin dito ko maibalik ang alaala ko." Saad ni Ruth na may ngiti sa kanyang mukha.

Lalo namang kinabahan si Ryan dahil pursigido ang magandang babae na maibalik agad ang kanyang memorya.

"Actually… I helped her bake…" Biglang singit naman ni Mae. Ang pinsan daw ni Ruth.

"Hihihi… Ito naman si ate Mae, binuking mo ako agad… Gusto ko lang kasing magyabang muna sa mister ko na ako talaga ang nagbake ng cake… Pero tumulong din naman ako… Nagcrack ako ng eggs… Hihihi…"

"Sorry Ruth… Natakot kasi ako baka hindi masarap ang nagawa kong cake, at ikaw pa ang pagalitan ng asawa mo… Hihihi…"

"Hindi naman ah… Masarap kaya…"

Tila nabunutan naman ng tinik si Ryan nang masiguradong wala pang bumabalik sa alaala ng kanyang asawa.

"Well… Kahit ikaw o hindi ikaw ang nagbake ng cake, masaya pa rin ako dahil hinanda mo yan para sa akin… Thanks, dear…" Saad ni Ryan.

"You are welcome, dear… Pasasalamat ko na lang yan sa iyo para sa mga sakripisyo mo sa akin habang nakaratay ako sa ospital… I love you…" Sagot ni Ruth.

"I love you too…"

"Dear… Aakyat na muna ako ha… medyo napagod kasi ako kaya gusto ko nang makapagpahinga… Tikman mo na lang yung cake ha…"
"Sure… Akyat ka na… Susunod na ako…"
"Okay… Love you ulit…"
"Love you too ulit.."

Marahang hinalikan ni Ryan sa pisngi si Ruth at agad namang naglakad patungo sa kanyang silid ang magandang babae. Naiwan naman sa may sala sina Mae at Ryan.

"fall! Akala ko nakaalala na siya… You should have called me." Mahina at pagalit na saad ni Ryan.

"Eh anong magagawa ko? Mapilit masyado yang babaeng iyan. Putcha, tignan mo ang mga kamay ko… Sobrang daming paso dahil sa putang inang bake-bake na yan…"

"Watch your words… Baka marinig ka niya…"

"Naku!!! Banas na banas na ako sa pagbabantay sa babaeng yan… Kulang na nga lang ihulog ko na sa hagdan yan para wala nang problema…" Pagalit na saad ng babae.

"Mae!!!"

"Joke! Para namang may choice ako… Leche!"

"Basta next time, pagmay ginawa siya ulet, katulad ng pinaggagagawa niya dati, tawagan mo ako agad. At tigilan niyo na yang baking sessions ninyo. Painumin mo agad siya ng gamot na bigay ni Dra. Galvez. Mahirap na…"

"Ano pa nga ba… Hayyy…"

"Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan ko… Konting tiis pa… Alam ko namang mabibiyayaan ka ng kumpanya dahil diyan sa trabaho mo… Just do your job, and The Programme will compensate your efforts."

"Great. Basta pagkatapos nitong misyon ko, ayaw ko nang maging alalay ng kahit sino…" Saad ni Mae sabay lakad papalayo kay Ryan.

Hindi naman alam ng lalaki kung papaano pa niya makumbinsi ang babae na patuloy na magpanggap na kamag-anak ni Ruth. Kailangan niya kasi ng may titingin sa kanyang kinakasama habang abala siya sa kanyang trabaho sa kumpanya.

Maya-maya ay umakyat na si Ryan sa kanilang silid ni Ruth.

Nadatnan nito ang magandang babae na mahimbing nang natutulog.

Nakasuot ito ng manipis na pantulog at kitang-kita ang kinis at puti ng balat nito.

Marahan niyang ibinaba ang mga gamit niya sa may lamesa at sinikap na huwag magising si Ruth. Habang pinagmamasdan nito ang kanyang kinakasama na natutulog sa kama ay unti-unti niyang tinatanggal ang lahat ng kanyang damit.

Dahan-dahan siyang lumapit sa kama at tinabihan ang natutulog na babae.

Tila hindi na ito nakatiis sa pagtitig lamang kay Ruth, kung kaya't agad nitong hinalikan sa may noo pababa sa pisngi at labi nito.

Nagising naman agad si Ruth dahil sa ginagawa sa kanya ni Ryan.

"Rye……." Mahinang bulong nito.

Hindi naman siya pinakinggan ng lalaki at patuloy pa rin ito sa pagromansa sa kanya.

Napapakagat-labi naman si Ruth habang gumagapang ang nguso at dila ng lalaki sa kanyang balat. Napapahawak ito sa buhok ni Ryan at tila sarap na sarap na rin siya sa ginagawa ng lalaki.

Naisip ng magandang babae na matagal-tagal nang nagtiis ang kanyang asawa sa ganitong romansa, kung kaya't ibinigay na lamang nito kaagad ang kagustuhan ni Ryan.

"Aaaaaaaaaaaaahhhh….dear…" Impit na ungol ni Ruth.

Nang madinig ito ng lalaki ay unti-unti na niyang tinanggal ang manipis na pantulog ng kanyang kinakasama. Hanggang sa lumantad ang suso ng kanyang kaniig.

Walang sawa nitong dinilaan ang utong ni Ruth habang lamas-lamas nito ang kabuuhan ng dibdib ng babae.

Napapaliyad naman si Ruth sa kiliti dulot ng pagsupsop ni Ryan sa kanyang tayung-tayo na utong.

"Sige pa dear… sige pa…."

Hindi naman tinitigilan ng lalaki ang kanyang ginagawang pagsuso hanggang sa iginiya niya ang kamay ni Ruth papunta sa kanyang matigas nang burat.

Naramdaman ni Ruth ang init ng kargada ng kanyang asawa at sinimulan na niya itong diyakulin. Napapapikit naman si Ryan habang pinakikiramdaman ang maliit na kamay ng magandang babae na nakahawak sa kanyang katigasan.

Dinilaan ng lalaki ang bandang leeg ni Ruth patungo sa ibaba ng tenga nito. Sarap na sarap si Ryan sa kanilang ginagawa ng babae. Tila natatanggal ang lahat ng kanyang problema habang nilalasap ang lambot at kinis ng balat ni Ruth.

Maya-maya ay pumuwesto si Ryan sa bandang ibaba ng kanyang kinakasama. Hinalikan muna nito ang pusod ng babae pababa sa kanyang singit. Dinila-dilaan pa niya ito bago dumiretso sa hiwa ni Ruth.

Napapahawak naman sa ulunan ni Ryan si Ruth dahil sa tindi ng kiliti na kanyang nararamdaman.

Bahagyang iniangat ni Ryan ang hita ni Ruth upang tuluyang malantad ang namumula't basang-basa na puke nito.

Hanggang sa inilapit na nito ang kanyang mukha at pinasadahan ng kanyang dila ang lagusan ni Ruth.

"Aaaaaaaaaaaahhhhh… shit….."

Sarap na sarap si Ryan habang pinapapak ang makatas nang puke ng babae. Ipinalalasap niya dito ang kanyang husay sa kantutan.

"Sige pa dear……sige pa…..aaaaaahhhh…"

Lalo namang naging masipag si Ryan sa kanyang ginagawang pagdila sa puke ni Ruth at talagang wala itong balak tigilan.

At dahil sa sobrang sarap at kasabikan ay agad bumulwak ang katas ng magandang babae. Ibang iba ang kanyang pakiramdam nang magpakawala ito ng katas sa mukha ni Ryan. Sinimot naman ng lalaki ang tamod sa puke ni Ruth.

Ilang saglit pa'y iniba niya ang posisyon ng kanyang kaniig.

Pinadapa niya ito at pinatuwad malapit sa kanyang tigas na tigas nang burat.

Hindi naiwasan ni Ryan na makita muli ang napakalaking tattoo sa likuran ni Ruth.

Isang tattoo na tila maraming alaalang nakapaloob dito.

At habang ikinikiskis niya ang kanyang burat sa puke ni Ruth, ay bumabalik sa kanyang isipan ang mga mapapait na alaala, dala ng larawang nakaguhit sa likuran ng magandang babae.

At dahil sa nanumbalik na galit ay agad niyang ibinaon sa puke ni Ruth ang kanyang matabang burat.

"aaaaaaah….ughhhh….aray….taba naman niya dear….dahan-dahan lang please…"

Tila nagbibingi-bingihan si Ryan at patuloy pa rin ito sa kanyang malalakas na pag-ulos sa makipot pang puke ng babae.

Napapluha naman sa sakit si Ruth, ngunit tinitiis na lamang niya ito upang mapagbigyan ang kanyang asawa.

Patuloy pa rin sa pagbabaon at pagkadyot si Ryan habang nakatingin sa likuran ni Ruth. Inilalabas niya ang lahat ng kanyang galit sa bawat kantot na ibinibira sa babae.

Sinikap naman ni Ruth na masanay sa sakit at hapdi at sinasabayan na lamang nito ang bawat tira ng kanyang asawa.

Nasasarapan na rin siya sa karinyo-brutal na ginagawa ni Ryan sa kanyang katawan.

At dahil sa malalakas na pag-ulos ng lalaki ay mabilis na kumakatas ang lagusan ni Ruth at hindi niya mapigilan ang mangilang-ulit na pagpapalabas ng tamod.

Dinig na dinig naman ang tunog ng paglabas-masok ng uten ni Ryan sa madulas nang puke ng kanyang kaniig.

Hanggang sa tila namumuo na ang tamod sa burat ng lalaki at isang malakas na kadyot ang ibinigay sa puke ng babae.

"Ooooooohhhhh aaaaaaahhhhh fall! fall! Aaaaaaaaaahhhhhh.."

Malakas na ungol ni Ryan habang pinapasabog ang kanyang napakaraming tamod sa kaloob-looban ng puke ni Ruth.

Tila lupaypay naman ang magandang babae habang nakatuwad at tinatanggap ang katas ng kanyang asawa.

Pawis na pawis ang dalawa matapos ang kanilang ginawang pagkakantutan. Hinugot naman ni Ryan ang matigas niya pang burat at agad na nagtungo sa banyo. Naiwan sa kama si Ruth habang patuloy na nilalasap ang kanilang ginawang pagniniig.

Iniisip ni Ruth na sa wakas ay napapaligaya na niya ulit ang kanyang asawa. Ang buong akala niya kasi ay matagal nang nagtitiis si Ryan dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya noon.

Masaya siya dahil unti-unti nang bumabalik sa normal ang lahat.

Samantalang si Ryan naman ay galit na galit na nakaharap sa salamin, habang tinititigan nito ang kanyang hubad na repleksiyon.

Bakas sa kanyang mukha nag matagal nanag naipon na poot na bumabalot sa kanyang pagkatao.

"Konti na lang… Konti na lang…" Saad nito sa kanyang sarili habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
---
Kinaumagahan, ay masayang bumangon si Ruth sa kanyang higaan. Maaliwalas ang kanyang maamong mukha at halatang nag-enjoy siya sa ginawa nilang pagniniig ng kanyang asawa.

Agad itong naligo at nagbihis ng magandang bestida.

Humarap sa salamin at naglagay ng kaunting kolorete sa kanyang mukha.

Inilagay din niya ang isang mamahaling pang-ipit at dekorasyon sa kanyang buhok, na siya namang nakadagdag sa kagandahan ng babae.

Maya-maya ay lumabas ito sa veranda upang lumanghap ng sariwang hangin. Masaya niyang sinalubong ang malamig na simoy ng hangin at ang tila umaawit na mga ibon sa kanyang kapaligiran.

Hanggang sa napatingin muli siya sa bandang ibaba at napansin niya muli ang misteryosong lalaki na nakatayo sa tapat ng kanilang bahay.

Hindi na nagdalawang isip si Ruth at agad itong lumabas ng kanyang kuwarto upang puntahan ang lalaking ito. Hindi naman napansin ni Mae na lumabas ang kanyang binabantayan dahil abala ito sa pagtawag sa kanyang telepono.

Nang makalabas ng gate si Ruth ay agad siyang napansin ng misteryosong lalaki.

Nanlaki ang mga mata nito at akmang tatakbo para makaiwas sa magandang babae.

"Hoy! Teka lang!!! Huwag kang umalis!" Sigaw ng magandang babae.

Napalingon naman ang misteryosong lalaki at nakita nitong mayhumaharurot na kotse sa direksyon ni Ruth.

Agad siyang tumakbo sa kinaruroonan ng babae at hinatak ito papalapit sa kanya.

Madali namang nakaiwas ang sasakyang muntikang nakasagasa kay Ruth.

"Lintek!!! Magpapakamatay ka ba?!" Sigaw ng lalaking nagmamaneho ng kotse.

Sobrang lakas naman ng kabog sa dibdib ni Ruth at hindi nito mapigilan ang kanyang panginginig, dahil muntikan nanaman siyang maaksidente.

Hindi niya namamalayang nakayakap na pala siya sa misteryosong lalaki.

Napatingin ito sa mukha ng kanyang kayakap at tumitig sa kulay asul na mga mata ng lalaki.

Ramdam din niya ang mainit na balat nito habang patuloy siyang nakakapit dito.