1. Home
  2. Stories
  3. Alon: Book 2 - Chapter 3: Bang! Bang! PART 1
Pinoy Tambay

Alon: Book 2 - Chapter 3: Bang! Bang! PART 1

By ereimondb ·

Baler, Aurora

Dahil wala si Alo sa kaniyang penthouse, ay sinamantala namang pagkakataon ito ni Dale para gawin ang kanyang trabaho.

Kailangan niyang mag-general cleaning sa hotel room ng kanyang boss at tanging siya lang ang puwedeng makapasok sa loob nito. Ito ang natatanging bilin ng binata sa Butler ng hotel.

Masaya naman si Dale dahil naatasan siya ni Alo na maglinis sa napakagandang silid. Mabait naman sa kanya ang binata at madalas ay ibinibilin niyang kumuha siya ng kanyang makakain sa ref, kasama na dito ang malamig na inumin, pagkatapos nito linisin ang kanyang penthouse.

Habang nagpapahinga ay sumilip si Dale sa may bintan ng penthouse, at tanaw-tanaw nito ang lugar kung saan ipinagdaraos ang Foundation Day ng surfing school ni Alo.

Masayang naglalanguyan at nagsusurf ang mga empleyado nito habang ang iba naman ay nagpapasahan inumin mula sa isang bote ng alak.

Maya-maya ay biglang may kumatok sa silid ng binata.

Agad namang itinabi ni Dale ang kanyang gamit sa paglilinis at pumunta sa pintuan upang tignan kung sino ang kumakatok.

Pagsilip niya sa butas ng pintuan ay nakita niya ang isang pamilyar na lalaki. Nanlaki ang mga mata nito dahil hindi niya inaasahan ang pagbisita nito sa silid ng kanyang amo.

Hindi niya alam kung pagbubuksan pa niya ang lalaki o hahayaan na lamang nitong nasa tapat ng ito ng pinto.

Kinakabahan si Dale. Hindi siya makapagdesisyon kung ano ang dapat niyang gawin.

"Dale!! Pagbuksan mo ako pare! Alam kong naandiyan ka!" Saad nito. Lalo naman bumilis ang pagpintig ng puso ng binata. "Takte! Hindi ako aalis dito pare hangga't di mo ako ipinagbubuksan."

Huminga ng malalim si Dale at Ipinikit nito ang kanyang mga mata. Tila nagdadasal at ipinapasa-diyos na lamang ang kanyang gagawin.

Inisip niyang bahala na kung anumang mangyari. Basta dapat paalisin niya rito ang lalaking ito.

Hinawakan na niya ang doorknob at dahan-dahang binuksan ang pinto.

"Dale! Pare! Kamusta? Long time no see pare!!" "Nestor!? Bakit naandito ka?" "Pare naman, patuluyin mo naman ako." "Sorry hindi puwede pare eh. Mapapagalitan ako." "Ito naman oh! Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan." "Hindi talaga puwede pare. Malilintikan ako kay bossing!" "May makakaalam ba pare?! Puta! Wala naman di ba?"

Malakas na itinulak ni Nestor ang pintuan kung kaya't agad itong nakapasok sa loob.

Madalas siyang naatasang maglinis sa kuwarto ni Alo.

Alam din niya ang mga kalokohang ginagawa ng binata sa loob nito.

"Ayos ah! Ikaw na lang ba talaga naglilinis nito pare? Marami kang dapat linisin dito sa sobrang laki. Di mo kakayanin ito mag-isa."

Napapakamot na lamang si Dale habang pinagmamasdan si Nestor.

"Pare, maawa ka naman sa akin. Mahal ko trabaho ko. Baka mapatalsik ako niyan eh." "Relax ka lang pre. Ako bahala sayo. Malakas kaya ako sa ama ni Sir Alo. Tsaka doon sa puta niya! Hahaha."

Halata naman ang pagkainis ni Dale sa kayabangan ng lalaki.

"Kamusta naman kayo dito?" "Ayos naman pare. Kaya naman namin." "Eh yung ano…" "Anong ano?" "Yung dating gawi?!" "Anong dating gawi?" "Puta naman pare, nagka-amnesya ka ba? Yung dating gawi. Yung mga bidyo-bidyo. May epektos ka ba diyan pare. Bilhin ko na." "Wala nang ganyan dito pareng Nestor. Ikaw lang naman ang may pasimuno niyan eh." "Hina niyo talaga. Tinuruan ko na nga kayo eh. Extra income din yan mga tol. Malakas bentahan ng mga scandal ngayon. Mga chicken pala kayo dito eh.. Bok! Bok! Bok! Bok! Hahahaha!" "Okay na kami sa ganito pare. Marangal ang trabaho." "Marangal? Magkakano ba sahod natin dati? Barya lang pare! Eh yung kinita ko. Milyun-milyon. At pare, heto ha, puwede pa ako maningil ulit. Utakan lang ang kailangan pare. Utak lang!"

Tatawa-tawa na lang si Nestor habang dinidemonyo niya ang tagalinis ni Alo sa kanyang penthouse.

"Ngayon pare, utak at diskarte ang kailangang. Kung ayaw mong lumuwa ang mata mo sa gutom. Tignan mo ako, instant milyunaryo pare!" "O sige na pare, mayaman ka na. Mawalang galang lang, alis ka na at baka maabutan pa tayo dito ni Sir Alwyn." "Asus! Tambay muna ako dito. Papa-aircon lang."

Badtrip na badtrip na talaga si Dale kay Nestor dahil ayaw pa rin nitong umalis.

Maya-maya ay sumilip din sa bintana ang lalaki at tinanaw ang salu-salong nangyayari sa kabilang parte ng hotel.

"Anung meron dun pre?" "Foundation day ng surfing school ni Sir Alwyn." "Kita mo nga naman! Talagang matinik talaga itong si Alwyn. Pati family business nila ang galing tuhugin. Hehehe." "Masipag lang talaga si Sir Alwyn pareng Nestor." "Hehehe. Sino nga bang mag-aakala sa taong akala mo puro kantot lang ang alam, e magaling pala magpatakbo ng negosyo." "Nasa pamilya kasi nila yan." "Kaya nga eh. Kaya talagang kikita tayo diyan ng malaki pareng Dale." "Kumikita din naman ako, dahil maganda ang kita ng hotel na ito." "Hindi lang iyon pare, kapag pinagbigyan mo lang ako magsetup ulit, ibibigay ko sayo ang 50% ng makukuha kong milyones galing sa mga iyan." "Naku pare, ilabas mo ako diyan. Hindi ako interesado." "Gamitin mo utak mo Dale. Barya lang sa kanila yun." "Ayos na ako kung anung meron ako." "Isang video camera lang brad. Dito lang oh, sa may aparador. Pagbigyan mo na akong ilagay ito." "Pare! Hindi talaga puwede. Kahit itong pagpasok mo sa penthouse ni Sir Alwyn hindi na nga puwede, ito pa kayang pagsetup mo ulit. Pare, nakikiusap ako sayo umalis ka na." "Para namang wala tayong pinagsamahan pareng Dale.. Tsk! Tsk! Tsk! Isa lang eh..ayaw pa ako pagbigyan."

Maya-maya ay may napansin si Nestor na isang inumin na nakalapag sa may lamesa.

"Oi! Free beer! Ito ang namiss ko sa paglilinis dito ah!!! Akin na lang ito! Painom! Kanina pa ako nauuhaw eh!" "Tangina naman pare!" "Sandali lang, inom muna ako dito. Maglinis ka na, huwag mo na ako intindihin."

Napakamot at napailing na lamang si Dale sa sobrang inis niya sa kakulitan ni Nestor.

Gustuhin man niyang ituloy ang paglilinis ay kailangan niyang bantayan ang lalaki at baka bigla na lang nitong iiwan ang video camera kung saan.

Tiyak ay siya lamang ang magiging suspek kapag may lumabas na panibagong iskandal ng binata.

---

"Cheers!!!!"

Masayang nagdiriwang sina Alo, Angie at ang mga tauhan ng surfing school.

Kitang-kita na sobra silang nag-eenjoy lalo na sa pagkapanalo ng blue team.

"Sa amin na ang 50,000… Nararamdaman ko na ang pagkapanalo ng team namin." Pang-iinis ni Justin. "Unang game pa lang yan. Huwag kang mayabang." "Oo nga. May beach volleyball pa. At humanda kayo dahil magaling ako diyan." Saad ng HR Manager. "Naku?! Makatalon ka naman kaya? Hahaha" Biro ni Justin sa HR Manager.

Nagtawanan naman ang lahat habang sinesetup pa lang ang court ng kanilang beach volleyball game.

"Oi tama na yan. Baka magkapikunan pa kayo. Hehehe." Awat ni Alo. "Naku Sir Alo, lagi kaya akong inaapi niyang ni Justin." Saad ng HR Manager.

Maya-maya ay niyakap siya ni Justin.

"Biro lang naman yun babes eh…Love ko naman ito Sir Alo.." Paglalambing ni Justin.

Lalo namang lumakas ang kantyawan ng ibang empleyado sa dalawa.

"Hahaha… Bagay kayo ah…" Biro ni Alo. "Sir naman…" Tila kinikilig na saad ng HR Manager. "Naman!" Saad naman ni Justin.

Nagtawanan ang lahat dahil sa ipinakita ni Justin na parang nandidiri naman ito sa ginawa niya sa HR Manager. Hindi niya kayang patulan ito dahil sa kakaibang hugis ng baywang ng babae.

"Basta gawin ninyo ang lahat. Always enjoy the game." Saad naman ni Angie.

Ngumiti naman si Alo sa babae at tila gumagaan naman na ang pakiramdam niya dito.

"Tama si Angie, guys. Yun naman ang importante, ang lahat ay mag-enjoy and feel the camaraderie of each team. Of course, Alam kong magiging masaya kayo sa prizes natin, but learn something about this day. Okay?" Pahayag naman ni Alo habang kinakausap ang kanyang mga ka-team. "Magpatalo naman kasi kayo. Para one all. Hahaha.." Pabirong saad ng HR Manager. "I'll make sure that we'll win this round, dear. Don't worry." Saad ni Angie sabay kindat sa kanyang teammate sa red team. "Hindi kami magpapatalo. Gawin niyo na lang ang best niyo." Saad naman ni Alo.

Hanggang sa tawagin na sila ng game coordinator sa pagsisimula ng beach volleyball.

Ipinupuwesto na ang mga players at naupo naman si Alo sa gilid malapit sa kanyang team.

Maya-maya ay napansin niya si Iris, na panay pa rin ang sulyap sa kanya.

Nginitian niya lamang ito at agad ibinaling sa iba ang kanyang paningin.

Nararamdaman naman ni Iris ang panlalamig sa kanya ng binata. Iniisip niya tuloy kung may nagawa ba siya dito na masama, na hindi niya namamalayan, o sadyang may iba nang laman ang puso ng lalaking ito.

Gustong-gusto niya sana makausap si Alo. Ngunit walang tamang pagkakataon. Medyo dumidistansya rin kasi si Iris, dahil nahihiya ito sa bagong school directress na nahuli silang nagsesix sa office nito.

Ngunit alam ni Iris na hindi siya titigil hangga't hindi niya nakakausap ang binata.

Lalo na't gusto na rin niyang sabihin na dinadala niya ngayon ang anak ni Alo.

---

"Pareng Nestor, ubos na yang beer mo. Puwede ka nang umalis." "Sandali lang pare, parang bumigat ang tiyan ko. Gagamit muna ako ng banyo."

Papunta n asana si Nestor sa banyo nang bigla itong harangan ni Dale.

"Oops! Pare hindi puwede. Hanggang dito ka lang sa lugar na nakikita kita." "Edi sumama ka sa akin sa loob ng banyo. Yun nga lang pagpasensyahan at tiisin mo ang amoy." "Puta pare hindi puwede yon." "Ang lupit mo namang pareng Dale. Pati ba naman ang pagdumi ko pinipigilan mo na rin." "Doon ka na lang sa baba kung gusto mo. Kung makakalusot ka sa bossing natin doon." "Tangina naman pare, taeng-tae na ako. Langhiya naman oh!" Saad ni Nestor sabay upo na lang sa sofa, habang himas-himas nito ang kanyang tiyan.

Maya-maya ay may biglang kumatok muli sa pintuan.

"Puta! Baka si bossing yun! Malilintikan na talaga ako!!" "Relax ka lang pareng Dale! Silipin mo muna!" "Tangina naman kasi!" "Silip silip muna pare."

Agad namang tinignan ni Dale kung sino ang taong kumakatok sa pintuan, at nakita niya roon si Nikki.

Binuksan niya ang pinto at dumungaw ang napakagandang dalaga na naka micro-mini na shorts.

Nanlaki naman ang mata ni Nestor nang makita niya si Nikki.

Ngayon lang niya nakita sa personal ang dalaga. At tanging sa video scandal lang ni Alo niya ito napapanood.

Ilang beses niya rin itong pinagjakulan at ngayong nakita na niya sa personal, ay talaga namang sarap na sarap ito sa mala-gatas na kaputian ng dalaga.

"Ay sorry! Akala ko naandito si Alo. Hihihi." "Wala po ma'am Nikki, busy pa po doon sa event nila sa school." "Oo nga eh."

Napansin naman ni Nikki si Nestor na nakaupo sa sofa.

Ngayon lang niya ito nakita kung kaya't napangiti siya dito.

"Hi!" Maikling sagot nito.

Nagulat naman ang barako sa biglang pagpansin sa kanya ng napakaseksing si Nikki.

Gusto sanang tumayo ni Nestor, ngunit hindi na nito mapigil ang nakatayo niyang burat.

Agad na nalibugan ang lalaki sa kinis ni Nikki.

"Hello po."

Pinanlakihan naman ng mata ni Dale si Nestor at sinisenyasan na umalis na.

"Bago ka dito?" Tanong ni Nikki. "Ah eh… Kaibigan ako ni Alo."

Nagulat naman si Dale sa pagpapakilala ni Nestor bilang kaibigan ng kanyang bossing.

"Wow! Really?"

Ngumiti naman si Nikki at agad tumabi sa sofa upang makausap ang kaibigan daw ni Alo.

"Ngayon ko lang nalaman na may kaibigan pa pala si Alo. You know, he is really a very busy person." "Ah eh… Taga rito lang po ako sa Baler. Eh mula pa noong dumating dito si Alwyn, este Alo, eh magkakilala na kami nyan." "Ahh… Good, good! Madami kasi akong gustong malaman tungkol sa kanya eh.." "Naku, marami akong kuwento diyan kay Alo… Hehehe.." "Hihihi..Gusto ko iyan! I want to know more about him!"

Excited na excited naman si Nikki at interesado itong makinig sa ikukuwento ng lalaki.

Nakahanap naman ng paraan si Nestor na makausap pa ng matagal ang kinalilibugang babae. Kitang kita nito kung gaano kasariwa ang dalaga at parang gusto niya na itong sunggaban. Amoy na amoy naman nito ang bango ng hininga ni Nikki na nakakadagdag sa kanyang libog.

Parang naiimagine niya na itong kinakantot ng marahas.

"Kung gusto mo, ikukuwento ko sayo lahat lahat…" "Sige ba…" "Ikaw pala yung ikinukuwento sa akin ni Alwyn na babae… Hehehe…" "Talaga? Ako lang ba iyon? Hihihi" "Sobrang ganda mo pala, Nikki." "Salamat… Ano po pala pangalan ninyo?" "Ah eh… Nestor." "Ah sige kuya Nestor kuwentuhan mo ako ha…" "Sige, kuwentutan, este kuwentuhan tayo.. hahaha." "Hihihi..sira ka rin pala… pilyo parang si Alo."

Inis na inis naman si Dale sa mga pinaggagagawa ni Nestor sa girlfriend ni Alo.

At takang-taka naman ang dalawang lalaki dahil sa sobrang giliw naman ng dalaga sa pakikipag-usap kay Nestor.

"Kunin ko na lang number mo. Para maikuwento ko sayo Nikki." "Sige ba…" Saad ni Nikki, saka kinuha ang kanyang cellphone at binanggit sa lalaki ang numero nito.

Tuwang tuwa naman si Nestor at natitiyak niyang may mang-yayari sa kanila ng napakasarap na si Nikki.

"Kailangan ko na kasi umalis. Pupunta ako sa school. Gusto mo ba sumama? Naandoon si Alo." "Naku hindi na, may gagawin pa kasi ako. Text text na lang tayo Nikki." "Sige Nestor. Una na ako." "Sige. Asahan ko text mo para maikuwento ko sayo. Hehehe." "Okay.."

Hindi naman nilubayan ng tingin ng lalaki ang hita ng napakagandang si Nikki.

"Sige Dale, puntahan ko na si Sir Alwyn mo." "Sige po ma'am Nikki. Ingat po kayo." "Okay." Saad ng dalaga sabay kindat dito.

Pakaalis ni Nikki ay agad nitong nilingon si Nestor.

"Puta pare! Iyon yung malibog na gustong-gusto ng kanto ni Sir Alo." Saad ni Nestor. "Pare, bakit mo naman ginawa iyon. Girlfriend yun ni bossing." "Puta! Pag ganoon kalibog pare, dapat tinutuka mo agad. Naandiyan na ang palay oh.." "Alis ka na pare, parang gusto ko nang tumawag ng security." Sobra na talaga ang inis ni Dale sa ginagawang kagaguhan ni Nestor. "Sige na nga, alis na ako. Solb na solb na ako sa araw na to." "Mabuti pa nga pare. Alis ka na."

Tinapik ni Nestor ang balikat ni Dale.

"Itaga mo ito sa bato pare, makakantot ko rin iyang syota ni Alo. Gagawin ko ang ginagawa niya sa asawa ng ninong niya. Hehehe.." "Labas ka na pare… Mawalang galang lang, lumabas ka na."

Pinagtulakan na ni Dale si Nestor para makalabas na sa penthouse.

"Adios pareng Dale! Hayaan mo, hahatian kita dahil pinapasok mo ako ngayon. Hehehe. Babalik ako pare, kita-kits." Maangas na saad ni Nestor.

Hindi na sumagot si Dale at dali-dali nitong inilock ang pintuan.

Nakangisi naman si Nestor habang nagsimula na itong maglakad papalayo sa penthouse.

May plano na siya kung papaano muling mapagkakitaan ang pamilya ni Alo. At alam niyang maisasakatuparan niya iyon sa pamamagitan ng malibog na dalagang si Nikki.

---

Patuloy pa rin sa paglalaro ang mga empleyado ni Alo ng beach volleyball.

At katulad ng sinabi ni Angie, ay mukhang lumalamang na ang red team dahil sa husay nilang maglaro ng volleyball.

Halos hindi naman makahinga ang lahat dahil sa pagod at hingal, idagdag pa ang napakainit na sikat ng araw.

"Time out! Time out!" Sigaw ng coach ng red team na si Angie.

Agad namang lumapit sa kanya ang kanyang mga ka-team.

Pagod na pagod sina Iris at ang HR Manager na talaga namang napakahusay na maglaro.

Panay pa rin ang pagsulyap ni Iris sa binata.

Iniabot naman sa kanya ang inumin at bimpo para ipangpunas sa kanyang tumutulong pawis.

Maya-maya ay napalingon siya sa direksyon ni Alo.

May lumapit kasing babae at niyakap niya ito.

Nanlaki naman ang kanyang mga mata nang bigla siyang hinalikan nito sa labi.

Kitang-kita kung gaano sila kasweet ng dalaga.

"Ganda niya ano?" Saad ng HR Manager.

Napatingin naman si Iris sa matabang babae.

"S-s-ino po ba siya?" Tanong ni Nikki.

"Iyan si Nikki. Sobrang bata at sobrang ganda. Pamangkin yan ni ma'am Andrea."

"Ahhh… pero…"

"Pero bakit sila ganyang kaclose ni Sir Alwyn? Hahaha"

Nahihiya pa si Iris na diretsuhin ng tanong ang HR Manager.

"Ahhh ehhh… oo. Bakit ganyan sila kaclose nung Nikki?"

"Hindi mo pa ba alam? Naku! Huli ka na sa balita neng!"

"Ano pong balita?"

"Girlfriend ni Sir Alo, iyang si Nikki."

Nagulat naman si Iris sa ibinalita ng HR Manager.

"Po?"

"Gulat ka ano? Hehehe.. They look good together no? Alam mo na…umiikot lang sa pamilya nila ang kayamanan. So, hindi na ako nagulat na maging sila talaga."

Parang unti-unti namang gumuho ang mundo ni Iris.

Nakaramdam agad siya ng kawalan ng pag-asa.

Wala na talaga silang kinabukasan ng binata. At hinding-hindi na talaga sila magkakatuluyan ni Alo.

Wala na ring kikilalaning ama ang kanyang anak.

"Okay! Balik na kayo sa puwesto niyo!" Saad ni Angie.

Pabalik na sana si Iris sa kanyang puwesto sa court at magsisimula na ang next set ay bigla na lang itong natumba at nahimatay.

"Irissssss?!!!!!" Sigaw ng HR Manager habang salu-salo si Iris na nawalan ng malay.

"Bakit hindi na lang tayo umattend sa event ni Alwyn, kumpadre?" "Mukhang mababato lamang kayo doon. And besides, naandoon naman si Angie. Kaya na nilang dalawa iyon." "Sana isinama na lang natin si Nikki." Saad ni Andrea. "Hayaan mo na si Nikki. Gusto rin niya makasama ang kanyang boyfriend. At kailangan din siya ni inaanak. Hehehe.."

Iyon na nga ang iniisip ni Andrea, ang ipagkatiwala siya sa kamay ng binata. Wala pa rin siyang tiwala kay Alo.

"Don't worry Andrea, responsable naman ang anak ko, kaya wala kang dapat isipin sa kanya."

Ngumiti na lamang si Andrea sa paliwanag sa kanya ni Hector. Sa isip-isip ng magandang babae ay iyon nga mismo ang ikinakabahala niya. Na ginagamit lang ni Alo ang kanyang pamangkin.

Maya-maya ay kinuha ni Manuel ang .45 caliber semi-automatic na pistol. Ikinasa niya ito saka tinignan ang shooting targets sa kanyang harapan.

Tila pinagmamasdan niyang maigi kung saan niya patatamaan ang civilian target na nasa kanyang harapan.

Inilagay na niya ng earplugs ang magkabila niyang tenga at isinuot ang head earmuffs at inihahanda ang kanyang sarili saka isinuot ang eye protector.

Muli niyang ibinaling ang kanyang mga mata sa target, at pinaputok ang kanyang baril.

Hindi man gumitna ang tinamaan ng kanyang bala ay malapit-lapit naman ito sa kanyang tinatarget.

"That is a goot shot kumpadre." "Sablay pa rin kumpadre. I will do better next time." Saad ni Manuel sabay hithit ng kanyang tabako. "Gusto ko subukan." Saad ni Andrea. Nagulat naman ang dalawang lalaki sa sinabi ng kasama nilang babae. "Are you sure Andrea? Hindi ito laruan." Saad ng kanyang asawa. Ngumiti naman si Andrea kay Manuel. "Gusto ko lang talaga subukan. Hindi naman ako papayag na kayo lang ang laging nag-eenjoy. You can teach me if you want."

Pinanlalakihan ng mata ni Don Manuel ang kanyang asawa at tila gusto niya itong suwayin.

"Manood ka na lang muna Andrea." "How about you Hector, can you teach me how to shoot?"

Gustuhin man ni Hector na turuan ang magandang babae ay tila nag-aalangan naman siya. Panay ang tingin nito sa kanyang kumpadre.

"Please? Let me try it. Kahit once lang. Please?" Pagmamakaawa ng magandang si Andrea. "Okay, okay. Just once Andrea." Saad ni Hector.

Napailing na lang si Don Manuel saka humithit muli sa kanyang tabako. Hindi na niya makontrol si Andrea dahil kasama nila si Hector.

"Yehey! Sige na turuan mo ako." "Okay. I will teach you the basic."

Agad namang tinuruan ni Hector ang babae at seryoso namang nakikinig ito sa kanya. Pursigidong matuto si Andrea kung papaano gumamit ng baril. Tila may pinaghahandaan ito. Balisang-balisa naman si Don Manuel sa inaasal ni Andrea. Ayaw niya itong turuan dahil baka ito pa mismo ang gamitin ng babae laban sa kanya.

Ipinakit muna ni Hector ang tamang paghawak at pagpapaputok. Pinanood naman siya ng maigi ni Andrea.

Mabilis namang natuto si Andrea, kung kaya't agad na inilagay sa kayan ang eye protector at head earmuffs. Nagpaturo na rin siya kung papaano ikasa ang .45 kalibre na pistol.

Tutok na tutok si Andrea sa kanyang target. Naiisip din niya kung sakaling bigla siyang umikot patalikod at barilin si Don Manuel. Ngunit hindi niya itong kayang gawin. Itinuon na lamang niya ang kanyang paningin sa isang hugis taong target.

Bang!

Bullseye.