1. Home
  2. Stories
  3. Apartment - Part 6: The Apprentice
Pinoy Tambay

Apartment - Part 6: The Apprentice

By suicideking ·

Kinabukasan, araw ng Linggo ay alas diyes na akong nagising, marahil dahil sa pagod. Mukhang walang tao sa aming unit, tahimik. Lumabas siguro ang dalawa or inihatid na siguro ni Estong si Mika. Nagtungo ako sa kusina at may iniwan namang pagkain ang aking kaibigan. Napaisip akong muli, pinagtira pa ako ng aking kaibigan ng pagkain, di nya alam ay natikman ko na ang kanyang GF.

"Bogs??" tawag ng babae sa labas. Si Ice, kumakatok. "Hi goodmorning pretty!" masaya kong bati sa kanya.

"Tse! may pupuntahan ako, iwan ko naman sa'yo itong susi namin, wala kasi susi si Diane e dadating yun ngayon di ko na mahintay" wika niya.

Hindi ko na naitanong kung saan ang lakad nito. Gusto ko pa namang sumama. Simpleng manamit si Ice, jeans at t-shirt lang. Walang magnanasa sa kanya sa suot nyang iyon. "Sige ate ingat ka" sabi ko sa kanya.

Tila walang naganap na pang hihipo ko sa kanya kagabi. Parang wala lang, parang nareset ang lahat pag gising ko. Wala akong nagawa that day kundi matulog at manuod ng TV. Muling bumalik ang aking pagkainip at pagkalumbay. Sumapit ang hapon at may kumatok sa aming pintuan muli.

"Tao po…" tinig ng isang babae sa pintuan.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sa akin ang isang magandang dalaga. Marahil ito ang sinasabing pinsan ni Clariza, si Diane. Si Diane ay mas maliit ang height kesa kay Ice. Mas maputi at parang bata talaga dahil sa maiksi ang buhok nito.

"Hi kuya, sorry sa abala, dito daw iniwan ni ate Ice yung susi?" wika ni Diane.

"Ah oo, saglit lang kukuhanin ko" sagot ko naman.

Iniabot ko ang susi at ngumiti naman ang dalaga, nagpasalamat at umalis na. Akalain mong nasa dugo nila ang kagandahan. Magpinsan nga talaga. Swerte ang BF nya sa Pampanga, every week ay nakakatikim. Ate ang tawag niya kay Ice, ibig sabihin ay mas bata si Diane pero mas active sa sex. Tadhana nga naman.

Bumalik ako upang matulog muli at nagising nalang ako dakong alas kuwatro na. Dahil sa pagbukas ni Estong ng pintuan, at sabay bati naman nya sa akin. "Pre! di na kita ginising kanina mukhang pagod ka e naghihilik ka pa!" wika niya.

"Oo nga e, puyat" sagot ko naman. Di niya alam e kasalo ko ang GF nya kagabi. Ang akala siguro niya ay si Ice ang kasama ko.

"Eto pre miryenda na muna" alok sa akin ni Estong.

Kinabukasan ay maaga akong nagising, may interview ako sa Makati, sa may Ayala ave. Hindi na ako sinamahan ni Estong dahil sa Ortigas ang opisina nila. Tanging iskets lamang ang aking gabay dahil baguhan nga lang ako. Madali ko namang nakita ang building kung saan naroon ang pag aaplyan ko.

Kahit mababa ang sahod ay tinanggap ko na ang offer sa akin kesa naman sa magtagal pa akong walang trabaho mauubos na ang aking pera. Masaya na rin ako at makakapag simula na ako sa susunod na lunes.

"Bogs!" bati ni Clariza pagbaba ko ng tricycle sa tapat ng aming building.

"Hi ate!" bati ko naman.

"Tse! ate ka dyan! eto nga pala pinsan ko si Diane, i guess nag meet na kayo kanina" pakilala nya sa pinsang si Diane.

"Oo kanina kinuha yung susi" sagot ko.

Napansin nilang masaya ako that night, sinabi kong natanggap na ako sa trabaho at magsisimula na next week. "Wow so ganun nalang ba yun? wala man lang celebration?" biro niya.

"Wala pa nga akong sahod haha" sagot ko naman.

Kasunod kong bumaba ng tricycle ay si Mika, dadaan daw muna siya kay Estong bago pumasok. Sa loob ko'y iiskor muna siguro itong si pare.

"Hi Bogs, musta application?" tanong niya.

"Ah girls si ate Mika nga pala GF ni pareng Estong" pakilala ko naman sa kanila.

Nagngitian lamang ang tatlong babae, niyaya naman ako ng magpinsan sa kanila dahil may dala daw na sisig galing Pampanga si Diane. Sinabi kong sumama na rin sila Estong at Mika upang magkakilala na kaming lahat. Pero tumanggi si Mika dahil may asok pa daw siya. Pero sa totoo lang ay magpapakantot siya kaya ganun, so kaylangan talaga wala ako sa unit.

Masaya kaming naghapunan, nangako nalang ako sa magpinsan na sa unang sahod ko ay ililibre ko sila. Naikwento na rin ni Ice kay Diane na masaya daw akong kasama. Nagkakatinginan kami ng malagkit ni Clariza paminsan-minsan, dahil na rin siguro naaalala niya ang paghawak ko sa mga dede niya noong isang gabi. Hindi naman na siya nagsalita ukol roon.

"Balita ko nasa Pampanga BF mo Diane? bakit di mo isama dito?" tanong ko.

"Naku di na, baka maging gwardya ko pa yun haha" pilyang sagot niya.

Naisip kong gumagawa din siguro ito ng milagro kaya ganun. Siniko naman ako ni Ice nang sinimulan kong biruin si Diane, parang binawalan niya ako. Matapos kaming kumain ay nanuod lang kami ng TV, si Ice ay naiwan dahil si Diane ay nag shower daw.

"Musta naman ang pretty friend ko?" paglalambing ko kay Ice.

"Pretty ka dyan! are you hitting on my cousin??" tanong niya.

"Ha?? nagtatanong lang ganun na agad? alam mo naman ikaw lang ang crush ko haha" pabiro kong sagot. Pero kahit biro ay crush ko naman talaga si Ice, di lang niya alam. Ewan ko kung sineryoso nya ang sagot ko.

"Siya aalis na ako ate pretty, wala na siguro kasama si pare sa amin" paalam ko.

"Sige bye" tipid na sagot ni Ice.

Paguwi ko ay nasa kwarto na si Estong, pagod din siguro. Ako naman ay balak muling magpuyat dahil sa isang lunes pa naman ang start ng pasok ko. Dapat ay ma-enjoy ko na ang "Bakasyon" ko. Tinext ko si Ice.

"Sleep kna?" text ko.

Ilang minuto ay nagreply siya. "Dp bkt? dnt tell me my umuungol n nmn jn haha" reply ni Ice.

Sinabi ko na yosi muna kami sa labas, sumang-ayon naman siya at sabay kaming lumabas ng unit namin. Mabait si Clariza, kahit anong hiling ay binibigay naman niya, hilingin ko kaya ang puke niya?

"Maaga din kayo pumapasok diba?" tanong ko.

"Oo pero 4pm palang uwi na kami, mas ok na yun kesa gabihin sa traffic" sagot naman niya.

"Ate sorry ulit ha, dun sa paghawak ko dyan" wika ko, pero ang pakay ko ay para mabuksan ulit ang usaping iyon.

"Ok na yun, wag mo nalang akong tatawaging ate, tumatanda ako e" wika niya.

Sa walong unit sa floor namin ay kaming dalawang unit lang ang nagkakausap. Karamihan sa ibang nakatira ay mga may asawa na at busy sa trabaho kaya ganun. Buti naman at nakilala ko si Ice dahil kung hindi ay malamang nabuang na ako sa inip. Nagpasalamat din ako sa kanya dahil di siya suplada.

"Sa ganda mong yan e dapat suplada ka hehe" biro ko pa.

"Sus tama na bola, wala ka mapapala! hahaha o wag kana manghahawak!" sagot naman niya.

Tinapos namin ang gabi at nagpaalam na sa isa't isa sa hindi sinasadyang pagkakataon ay muli kong nasagi ang malusog na dede ni Clariza. Di ko alam kung naramdaman niya ito, nagkasabay kasi kaming pumasok sa pintuan sa balkonahe. Tumingin ako at napangiti lamang ang dalaga.

"Nakakarami kana" wika niya.

"Edi ikaw rin" hamon ko.

"Hmp, akala mo ha, nakita ko na yan hahaha" wika niya.

Namula ako sa sinabi niya. Ang tinutukoy nya ay noong isang gabi na nakahiga ako sa sofa nila. Tama ang hinala ko. "Ang dugas! di to maaari! dapat makita ko rin hahaha" biro ko.

Tuluyang isinara ni Ice ang pintuan nila at kumindat pa ito na parang nanunukso talaga. "Shit" sabi ko, nalamangan ako nun ah. Kumatok akong muli, bumukas naman kaagad ang pinto at pagbungad pa lamang ni Ice ay ninakawan ko na siya ng halik sa pisngi.

"Ay! sira ka talaga!" gulat niya.

"Goodnight ate now we're even haha" sagot ko.

"Tse! di noh! tulog kana nga!" sagot niya at sarado ng pintuan.