1. Home
  2. Stories
  3. Asawa Ko, Patawad - Part two
Filipino Sex Stories

Asawa Ko, Patawad - Part two

By trebor_1177 ·

Asawa ko, patawad - Part two

"Ano ba ang dahilan sa lahat ng bagay na nangyayari sa ating buhay? Kawalan! kawalan ng kung anuman."

Lumipas ang ilang araw, ang laki ng pinag-bago ng asawa ko. Di na siya nagaaya mag-chat, bihira na magtext o minsan naman ay tipid ang mga reply nya sa mga text ko. Kapag kausap mo naman ay palaging nagmamadali, kesyo marami gawain sa bahay o inaasikaso anak namin. Hindi na ko nagusisa pa baka ano lang masabi ko, bagkus nanahimik na lang ako.

Panay na din ang labas nila ng mga kaklase niya. Kung ano't anong dahilan sa pagpapalam niya.

Minsan paalam niya na lalabas daw sila ng kapatid niya kasama ang iba pa nilang pinsan. Huling usap namin ay nagbilin ako na tumawag kung pauwi na at i-kamusta na lang ako sa sister at mga pinsan niya.

Maghapon sa opisina hindi ako mapalagay, pero iniwaksi ko sa aking isipan ang kakaiba. Tutal kasama naman niya ang kapatid niya.

Break time 3pm dito, nang nag-text si misis na nagkita na sila ng kapatid niya at tatagpuin ang iba nila pinsan sa Morato. Mga 7pm na nun sa Pinas.

Tumawag ako sa kanya, "Hello be, saan na kayo?" tanong ko.

"Malapit na kami sa Morato, tatawag ako sayo mamaya bago umuwi. Pahinga ka muna bago ka maligo paguwi mo ha." sunod ni misis.

"Hi kuya, musta na ka na diyan?" dinig ko ang hipag ko sa kabilang linya.

Nawala ng tuluyan ang mga pag-aalinlangan ko.

Past 7pm ng mag-out ako sa office. Nagtaka ako at hindi pa nagte-text o tumawag ang misis ko gaya ng pangako niya.

Di ako naka-tiis. Nag text ako kung asan na sila at pauwi na kako ako.

Walang sagot galing sa aking asawa, naghintay pa ako muli. Sa wakas tumawag siya.

"Be sorry, pauwi na kami. Grabe! sobra ako nag-enjoy. Palabas na kami ng bar abang ng taxi."

Habang nagsasalita siya may napuna ako. Nasa bar pa, bakit walang sounds o ingay ako nadinig. Kung palabas na, bakit wala ako nadinig na ingay ng mga sasakyan.

"O sige be may taxi na bye, text kita kapag sa bahay na. Love you." paalam ni misis.

"Ingat ka ha mga dala mo baka makalimutan mo sa taxi, love you too." sagot ko.

Pagdating ko sa flat, after an hour wala pa rin text si misis. Hindi naman ganun kalayo ang Morato sa bahay namin. Di ako mapalagay, pilit ko siyang tinatawagan. Pero nag-riring lang ang fone niya.

Nag-aalala na ako, try ko tumawag ako sa kapatid niya baka magkasama pa sila. Nag-ring,

"Hello!" sabi sa kabilang linya.

"Mek, kuya mo to, magkasama pa ba kayo ate mo? Kanina ko pa kasi siya di ma-contact." bungad ko.

"Kuya, kanina pa ako sa bahay mga 10pm pa, maaga din kami natapos dahil bigla sumama pakiramdam ni ate."

"Ah ganun ba, sige salamat ha. Kamusta mo ako kina mama at papa." paalam ko sa hipag ko.

Torture sa aking isipan ang mga nalaman ko, try ko ulit tinawagan ang fone ni misis. Ala pa din nasagot, maya maya tumunog fone ko.

Si misis nagtext, kadarating lang daw niya ng bahay dahil sobra trafik. Oh tlaga! isip isip ko.

Tumawag ako agad agad sa landline sa bahay, ring lang ng ring. Pinagloloko ako nitong asawa ko. Sabi kadarating lang bahay di nadinig ang tawag ko sa landline, abot kamay lang yung handset.

Tinawagan ko siya ulit sa fone niya,

"Natawag ako bakit hindi ka nasagot nag-aalala ako sa iyo." bungad ko.

"Ngayon lang ng ring cp ko be. Kaya nga sinagot ko agad." paliwanag niya.

"Sa landline ako natawag." Matagal bago siya nakasagot.

"Sori be, dumiretso na ako sa kuwarto, masama pakiramdam ko."

Dun naputol ang pag-uusap namin ng gabing iyon.

Di ako makatulog ng gabing iyon, balisa, pa-ikot sa aking kama. Ang aking asawa nalulong na. Natuto nang mag-sinungaling. Eventually, nakatulog din ako ng gabing iyon. Pero pag gising ng umaga ay andun pa din ang sakit.

Hindi na ako ngusisa at nagtanong pa about sa lakad niya nung nakaraang gabi. Parang wala lang, intay ko lang siya magkwento. Ganun kasi si misis pala-kwento ng mga happenings para di raw ako left behind.

Pero this time, walang kwento akong nadinig galing sa kanya. She had changed totally to someone I don't know anymore.

Day, weeks past, tuluyan ng nawala ang pagcha-chat namin. Yung usual "hi's and hello" lang. "Love you, love you too" na parang automatic reply sa isang instant text message.

"Luv u, c u soon!" Kasabay ng pagkaubos ng mga letra sa katagang ito, ganun din ang nangyayari sa aming mag-asawa.

I need to do something, before anything goes to worst!

Dumating ang araw ng katapusan ng aking kontrata, hindi na ako nagrenew pa kahit tinataasan pa ang aking sahod ng arabo kong amo. Ang alam ng misis ko ay magextend ako gaya ng napagusapan namin noon.

Umuwi ako Pinas na hindi niya alam. Sa eroplano pa lamang hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa sarili ko. Nagpupuyos ako sa galit, masakit ang maiputan ka sa ulo.

Bandang hapon ng marating ko ang bahay ng magulang ko. Bitbit ang mga bagahe ko, at ilang gamit na naipon noon sa abroad. Nagulat din ang nanay sa biglaang pag-uwi ko. Sinadya kong dito talaga muna pumunta.

"Di ka man lang nagpasundo, asaan ang asawa mo bakit di mo kasama. Alam ba niya uuwi ka ngayon?" bungad ng nanay.

"Hinde nay, sopresahin ko sana ang mag-iina ko. Tapos na kasi yung project namin, binigyan kami ng 2 months na bakasyon." pagsisinungaling ko.

"Ahh, o siya halika't mag-meryenda ka muna". Sabi ng nanay.

Habang kumakain, nabanggit ng nanay na may naabutan siyang bisitang lalaki at batang babae ang misis ko noong nakaraang dumalaw siya. Parang nagulat pa daw ang asawa ko, sa hindi inaasahang pag-dalaw ng nanay. Pakilala daw ni misis ay kaklase nya yung lalaki.

Hindi rin naman nagtagal ang nanay dahil may ibinigay lang sa apo niya. Napansin daw siya kakaiba sa kilos ni misis maging sa bisita nito, habang pabulong na nag-usap sa salas.

Nakikinig lang ako sa mga sinabi ng nanay, lutang ang isip. Pati ba naman sa bahay! Malayo ang tingin sa kawalan na halos tumagos sa pader. Napansin ng nanay ang pagka-balisa ko.

"May problema ba anak?"

Tingin lang ang naiganti ko sa tanong niya.

"Anak, hindi sa nanghihimasok ako sa buhay ninyo mag-asawa. Kilala kita maliit ka pa lang alam ko kung may nililihim ka sa akin." Sabi ng nanay.

"Pag-isipan mo mabuti ang mga binabalak mo." dugtong nya.

"Opo nay." sagot ko na lang.

Pagka-kain ako'y nag-paalam na sa aking magulang. Pauwi sa bahay mag-kahalong emosyon ang nararamdaman ko.

Nagpa-gabi na ako ng uwi sa aming bahay, umaasang may maabutang kakaiba. Malapit na ako sa aming bahay ng may mapansin akong kotse na nakapark sa labas. Bigla akong kinabahan.

©2015 trebor_1177. This story may not be reproduced in any manner, without the expressed permission of the author by any means available.