1. Home
  2. Stories
  3. Bahay At Lupa - Part 6: Init At Lamig
Pinoy Tambay

Bahay At Lupa - Part 6: Init At Lamig

By suicideking ·

Napatawa na lang ako ng malakas dahil sa naitanong ni Jessica.
Tawa na halos malaglag ang aking panga, tawang hindi ko alam kung saan ko hinugot, tawa na hindi ako sigurado. Ilang taon na nga ba kaming magkakilala nitong si architect Jessica, gaya nga ng aking nabanggit dati, halos sabay lang kaming pumasok sa kumpanyang pinapasukan namin ngayon. Di hamak na mas matagal pa sa pagiging magkasama namin dati ni Samantha.

Ano nga ba ang pinagkaiba o pinagkahalintulad ng dalawa at bakit ko sila naikumpara?

Sa pangangatawan, halos parehas sila. Maganda ang hubog, mas malaki lang ng kaunti ang harapan ni Jessica kumpara kay Samantha. Ang ugali nila'y halos iisa, noong una'y may pagka-boyish at bukas sa mga biruang medyo bastos, okay, bastos. Subalit sa isang banda, mga ilang taon pa lang kaming magkasama noon ni Samantha, at alam naman ng karamihan sa atin na siya ay aking na-donselya. Si Jessica naman, hindi ko itinatanggi na hindi ako sa kanya tinitigasan, subalit may isang maliit sigurong bagay na pumipigil sa aking libog para i-push ko ang pagnanasa sa kanya. Isang dahilang nakikita ko ay ang pagka-humaling niya sa hindi ko katipo ng katawan, yun bang parang action star, parang goon sa pelikula, parang kargador nga sa Baclaran.

"Nalilibugan ka ba sa akin?" tanong niya na seryoso ang mukha.

"Huh?" sagot ko na lang.

"Bingi ka ba?? sabi ko nalilibugan ka ba sa akin?" inulit pa niya.

Ganyan talaga ang mga salitang lumalabas sa bunganga nitong babaeng ito, hindi mo nga aakalaing isa siyang propesyunal na arkitekto kung matatagpuan mo siya sa palengke minsan. Sanayan lang sabi nga, sanay na ako sa mga "Bastos" na tirada ni Jessica at ganoon din naman siya para sa akin tuwing ako'y nagbibiro din. Pero, isang malaking pero, na ang ganitong mga pagkakatao'y para sa aming dalawa lamang. Mahirap na, alam naman natin ang nature ng mga tao sa paligid. Hindi ko rin alam pero naging "Mutual" ang patakarang iyon, na ang biruan namin ay sa amin na lang.

"Bakit naman ako malilibugan sa iyo?" sagot ko.

"Puta Bogs, yung totoo kasi…" patuloy niya.

"Bakit ikaw ba nalilibugan ka sa akin?" balik ko naman sa kanyang tanong kanina pa.
"Ahahaha! tae ka! sagutin mo muna tanong ko bago ko sagutin yang tanong mo!" depensa ng aking kasama.

Lumingon ako sandali sa may pintuan, naka-sarado naman ito ngunit hindi nakalock. Sa pagmamasid ko kanina, may tatlo yata o apat na trabahador sa labas at abala sa kanilang ginagawa. Sa likod ng aking isipa'y hindi ako mapalagay, mahirap naman kasing tantsahin ang timpla nitong si Jessica, hindi mo alam kung biro pa ba o totoo na.
"Di nga Jess, seryoso na rin ako…tuwing nagbibiruan ba tayo, yung mga green jokes, mga libog terms and words, ano nararamdaman mo?" tanong ko ulit sa kanya.
Sandaling natahimik si Jessica, tila seryoso na nga siyang talaga. Pinagmasdan kong maigi ang bawat kilos niya, "Body language" ba. Naroon ayusin niya ang kanyang pagkakaupo sa silya, hawiin ang buhok sa balikat niya. Maski ang pagkurap ng kanyang mga mata'y nagbago ang ritmo, kasabay na rin nito ang pagbasa niya ng kanyang labi gamit ang kanyang dila.

"Uhm, wala naman…wala. wala lang? biro lang naman diba?" malumanay na sagot niya.
Madalas sa ibang grupo ng tao nangyayari ang ganito, akala mo ang isang babae'y malibog dahil sa kabastusan sa kanyang mga salita. Akala mo magaling sa kama at maraming alam sa sex dahil sa mga sinasabi niya. Subalit kapag nagkaalaman na e ikaw pa ang mapapahiya, mas madalas pa nga na malibog e yung mga babaeng tahimik at nasa loob lang ang kulo sabi nga.

"Pero hindi ka naman nao-offend o nababastusan?" pahabol ko pa.

"Bakit naman? okay lang naman sa akin mga ganun. besides, pag tayo lang naman ang nagbibiruan diba?" sagot niya ulit.

"So hindi ka talaga malibog?" tanong ko ulit.

"Uhm…ahahah! tae ka Bogs, bakit parang ako na yata ang nasa hot seat??" sagot niya.
Ang pagitan namin ay isang mesa, mesa na kasing laki rin ng mga nasa opisina pero gawa lang ito sa kahoy na sobra mula sa construction ng bahay. Ang suot noon ni Jessica ay simple t-shirt na hapit sa katawan niya at hindi naman gaanong mababa ang neckline pero sa laki nga din ng suso niya e paminsanminsang sumisilip ang cleavage niya. Pantalong bitin o three-forths naman sa ibaba at crocs bilang sapin sa paa. Sinadya kong sagiin ng aking sapatos ang binti niya habang ako'y naka de-kwatro sa aking kinauupuan. Aalamin ko kung magre-react ba ang kasama kong babae o hindi.

Napatingin sa akin si Jessica nang sumayad na nga ang isang parte ng suot kong sapatos sa kanyang binti. Tingin na may halong gulat o pagkabigla, sa pagkakaalam ko kasi ang hakbang na ganito'y isang senyales o paraan upang "Yayain" ko siya.

Napa-kagat muli si Jessica sa labi niya.

"Magaling ba si Elmo sa kama?" bigla kong tinanong sa kanya.

Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya siguro inaasahang tatanungin ko iyon at siguro nga'y naka-set na sa seryosong usapan ang kanyang timpla. Kumunot ang noon ni Jessica matapos ang kakaibang reaksyon niya, kaunting tawa at saka muling nagsalita.

"Uhm, hihi! tang ina ka Bogs, wala namang ganyan na mga tanong!" sagot niya.

"Aba? bakit kapag ikaw okay lang magtanong ng ganun, bakit pag ako hindi?" depensa ko naman.

"Hahaha! nahalata mo ba? hahaha! bakit magaling ka ba?" balik niya.
"Gusto mo subukan?" seryoso kong sagot.

"Gago ka Bogs! tang ina ka baka pumayag ako! hahaha!" ani Jessica.

Tumayo si Jessica mula sa kanyang kinauupuan, dumako siya sa bandang likod doon sa may bintana at sinilip kung malakas pa ang ulan. Napa-iling ang kasama kong babae sa nakita, tila gininaw pa yata nang kanyang himasin ang sariling braso niya. Maya maya pa'y bumalik na siya sa aking kinaroroonan, hindi siya umupo sa dati, doon siya naupo sa silyang bakante na nasa aking harapan lang.

"Mukhang mamaya pa titila yung ulan Bogs…hindi na tayo naka-bili man lang ng kape" wika niya.

"Bakit giniginaw kana ba?" tanong ko naman.

Inalis ni Jessica ang isa niyang paa mula sa suot niyang crocs na sandals, tapos ay itinaas niya ito at ipinatong sa gilid ng aking upuan. Maputi ang paa ni Jessica, wala siyang nail polish pero malinis naman at maganda ang hubog ng kanyang kuko sa paa na medyo basa pa dala ng tubig ulan. Napatitig ako doon, alam ko rin na nahalata niya na tinititigan ko ang kanyang paanan.

"Bakit mabaho ba? hahaha!" biro pa niya.

Ibababa na sana ni Jessica ang kanyang paa dahil siguro siya ay nahiya, pero pinigilan ko ito. Hindi ko alam pero gusto ko itong titigan. Hinawakan ko ang sakong niya at muling inilagay sa dati nitong pwesto sa aking upuan.
"Ay hindi, huwag mo alisin…nagagandahan lang ako sa paa mo…" wika ko.
"Ano? ang weird naman…" sagot niya.
"Maganda naman talaga diba? mas maganda pa sa mukha mo haha!" sabi ko pa.
"Sira! hahaha! …ah may fetish ka sa paa no?…ano pasado ba paa ko?" tanong pa niya.
"Oo. sabi ko nga maganda diba?" sagot ko ulit.
"So tinitigasan ka na nyan?" tanong ni Jessica.
Hindi ko sinagot ang tanong ni Jessica, kinapalan ko na ang aking mukha, kinuha kong muli ang paa niya at sinimulan ko itong himasin na parang pusa. Ngayon ay naka-kandong na sa aking isang hita ang kanyang isang paa, hinimas-himas ko ito at pinabayaan naman niya ako sa aking ginagawa. Sinubukan kong gawin sa kanya ang napanuod ko noong isang araw, foot massage. Doo'y muli kong pinagmasdan ang kanyang mukha, nakita kong medyo napapikit pa siya at tumingala.

"Sarap Bogs…" narinig kong tinig niyang mahina.

"Ganito?" sabay haplos ko sa talampakan niya.
"Oh shit…uhhhh" medyo nakikiliting reaksyon ng aking kasama.
Ang sumunod kong ginawa ay inilapit ko pa ang kanyang paa sa akin. Idinasog ko ang aking upuan upang mas malaya kong mahimas ang kanyang maputing paanan. Nakatitig lang sa akin si Jessica, alam kong nagugustuhan niya ang aking ginagawang pagmamasahe sa kanyang paa. Pero hindi ko alam kung naramdaman ba niya na idinikit ko na ang kanyang sakong doon mismo sa nakabukol ko nang sandata.
"Ito naman…hihi" wika pa niya at itinaas na rin niya ang kanyang isa pang paa.
Aking pinag-buti ang ginagawa kong pagmamasahe sa paa ni Jessica, hindi ko alam subalit parang nagugustuhan ko naman at para bang may "Satisfaction" akong nararamdaman mula sa paghimas ko sa maputi at makinis niyang talampakan. Nagpatuloy ako at mas diniinan ko pa ang bawat hagod ng aking daliri sa kanyang talampakan maging sa ibaba ng kanyang bilugang binti.

"Uhhhhhhh…." isang mahabang ungol ang kanyang inilabas.

"Pssst! huy!" tawag ko sa kanya.

"Ha??" gulat niya at dumilat mula sa pagkaka-pikit kanina pa.

"Hahaha! nilabasan kana yata?" biro ko naman.

"Tang ina ka, muntik na hahaha!" sagot naman niya.

Tumigil ako at muli ko siyang pinagmasdan. Sa kanyang mukha ay magugunita mong tila kapareha ng isang babaeng bino-brotsa ang kuwan. Totoo nga yatang muntik na siyang labasan dahil sa pagmamasahe ko sa kanyang paanan.

"Di nga? lalabasan ka na?" tanong ko ulit sa kanya.

Namula ang mukha ni Jessica.

"Shit gago! hahaha!" tila naiinis niyang salita.

Noon ko lang nakitang namula si Jessica. Kahit anong biruan naming may halong kalibugan dati ay hindi siya nagkakaganito. Marahil totoo nga na nagkaroon din siya ng "Arousal" dahil sa aking ginawa kanina. Hindi naman niya ibinaba pa ang kanyang dalawang paa mula sa aking kandungan. Sa pagkakataong ito'y sinadya ko pa talagang idikit pa ang kanyang paa sa aking nakabukol nang matigas na ari. Hindi siya nag-react, nakatitig lang siya sa akin at tila nag-aantabay sa susunod kong gagawin. Muli kong hinaplos ang kanyang talampakan, muli rin naman siyang napa-kagat ng labi at tumingala saka pumikit.

"Ohhhhhhh….." umungol muli si Jessica, ungol na di hamak mas malakas pa kesa kanina.
Ang isang kamay ko ay nasa kanyang talampakan, ang isa nama'y lumilibot na sa ibang parte ng kanyang katawan, sa sakong, sa binti. Hinimas ko rin ito at lalo pang nadagdagan ang kanyang pag-hingal.

"Shit Bogs…uhhhh…bakit ang galing mo? bakit…paano mo nagagawa yan??
uhhhhh…" tanong pa niya sa akin.

Gusto ko sanang dilaan na ang mga daliri niya sa paa noong mga sandaling iyon pero naisip ko galing kami sa labas at hindi ito malinis, baka madale pa ako ng sakit. Pinagbuti ko na lang ang sarap na hatid ko sa aking kasama, inasahan ko nalang na may maganda itong kapalit mula sa kanya.

"Tama na…tama na Bogs…" mahina niyang tinig.

Sinunod ko ang kanyang hiling. Nakapatong pa rin ang kanyang dalawang paa sa aking mga hita. Nakatitig si Jessica sa akin habang pinagmamasdan ko rin siya na humihingal na yata. Kagat-labi, tila nagtitimpi, nanliliit pa ang mga mata niya sa pagtitig sa akin.