1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapu't Apat na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapu't Apat na Pahina

By supertoyantz ·

Bago ang lahat, nais ko munang sabihin na MARAMING MARAMING MARAMING SALAMAT sa LAHAT ng TUMANGKILIK ng Klasmeyt!

Hindi nyo lang alam kung gaano kalaki ang naitulong mo sa akin.

Wala si ToyanTz kung wala ka.

Oo ikaw nga, ikaw na walang sawang nag hihintay ng update kasi na abutin ito ng ilang linggo, minsan buwan pa.

Seryoso, salamat talaga. Sobrang swerte ko at nagkaroon ako ng Reader na gaya mo.

Wala na kong masabing iba kundi pogi ako.

Naiiyak na ko.

Shit

Tsk.

Ah pota.

Basa na!

- - - - - - -

Ika Animnapu't Apat na Pahina

Natigil ang bulungan ng mga tao ng marinig ang pag ibabaw ng isang tinig.

"Masigabong palakpakan mula sa mag aaral sa pangunguna ni Mrs. Jean Senining! " sabi ng Principal.

Agad na tumayo si Mrs. Senining mula sa hilera ng mga guro para bigyang suporta ang kanyang mga estudyante.

Nuong una ay sya lamang ang masipag na pumapalakpak hanggang sa sundan pa ng isa.

Napatingin ang lahat sa pinanggalingan at natigilan sila ng makita ang apat na binatang nakatayo sa gilid at buong gilas na pumapalakpak.

Napangiti si Mrs. Senining at nag thumbs up sa apat na alas.

Ngumiti lamang ang mga ito hanggang sa unti unti na ring gumaya ang lahat.

. .

Palihim na napaingos si Mrs. Legazpi.

Pilit nyang binalewala ang maugong na pagsalubong ng mga estudyante sa huling section na magtatanghal.

Pasimple nyang kinuha ang atensyon ng punggongguro para ipagpatuloy na nito ang sasabihin at para mahinto na rin ang palakpakan.

"Ma'am, pagsimulain na po natin sila. " giit nya.

Natigilan ang pungong guro at tumango.

"A moment of silence. Magsisimula na ang ating huling magtatanghal. Muli palakpakan! " sambit nya.

Di na kailangang ulitin ng principal ang kanyang sinabi dahil umugong na ang palakpakan mula sa crowd na muling nagpaismid kay Mrs. Legazpi.

. .

Sa audience, nagulat si Romeo ng may umangkla sa magkabila nyang braso.

Paglingon nya sa kaliwa ay ang magandang mukha ni Britney ang kanyang nasilayan habang sa kanan naman ay si Coleen.

"Hi mga pogi. " sabay na bati ng dalawa.

Napangiti ang tatlong alas maliban kay Romeo.

Tila bakla nyang winasiwas ang dalawang braso.

"Eewww girls. " wika nya.

Imbes na mainsulto, tumawa lang ang dalawang dalaga.

"Taray nito. " sambit ni Britney at muling kumapit sa binata.

Ganun din ang ginawa ni Coleen hanggang sa bumuntong hininga na lang si Romeo.

"Haayyy. Ang init init, siksik kayo ng siksik. Teka, bakit kayong dalawa lang ? " tanong nya.

Nakangiting nginuso ni Coleen ang mga magulang sa likod.

Naglalakad papalapit ang mga ito kasama ang mga magulang at kapatid ni Valerie.

Napangiti ang apat na alas.

"Kamusta Tito ? " tanong ni Romeo.

"Ayos lang ako iho, salamat. Kayo ? " sagot ni Gabriel.

Nagkibit balikat si Romeo at tinuro ang stage.

"Sakto lang dating nyo. Sila na yung mag pe-perform. " sambit nya.

Kinalabit ni Coleen ang binata.

"Mga kuya, wala ba tayong pwesto ? Standing position ganon ? " tanong nya.

Nagkatinginan ang apat na alas at umiling.

"Kami nga nakatayo lang rin. " si Aldrin ang sumagot.

Tinapik ni Darius ang kaibigan.

"Tol, okay lang tayo, pero yung mga gurang. " bulong nya.

Napatango si Rhoi.

"Galaw galaw pre. " sambit nya.

Sumang ayon naman ang iba.

Kinalas ni Romeo ang mga kamay ng dalawang dalaga at minwestra ang mga ito sa isang gilid.

"This way, Ma'am, Sir. Aayusin lang ng namin ng mga utol ko ang pwesto nyo. " sabi nya.

Napangiti ang mga magulang at sumunod na lang.

Ilang saglit lang ang lumipas ay dumating ang tatlong alas kasunod ang ilang estudyante na may dalang mga upuan.

Namangha sina Coleen at Britney.

"San galing yang mga yan ? " halos sabay pa nilang tanong.

Ngumisi lang ang tatlo.

"That's magic. " wika ni Rhoi sabay kindat.

. .

Sa stage.

Pumailanlang na ang pamilyar na musika tanda ng pagsisimula ng play nina Valerie.

Huminga ng malalim ang iba na kasama sa first scene bago pikit matang lumabas ng entablado.

Saglit silang natulala sa dami ng taong sumalubong sa kanilang mga mata.

Maging si Cheska ay muntik ng umatras.

Pero natigilan sya at marahang napangit ng makita ang pagkaway ng isang babae sa gilid ng stage.

"Coleen. " bulong nya.

Katabi ni Coleen si Britey na kasulukuyang kumukuha ng video.

Napangiti si Cheska at tumango.

Nagbago ang reaksyon ng mukha.

Kung kanina ay nag aalangan sya, ngayon ay lakas loob sya nagsalita at pinangunahan ang first scene.

..

Namangha sina Valerie sa likod.

Bagama't natutuwa, di nya sukat akalain na saglit lang kakabahan ang kaibigan.

Buong buo ang boses nito at na tila natural na nakikipag usap lamang.

"A-ang galing ni Kakay. " bulong nya.

Napaigtad sya ng may dumamping kamay sa kanyang balikat.

Paglingon nya ay ang nakangiting mukha ni Caleb ang sumalubong sa kanya.

"You're next. Good luck baby. " bulong nito.

Kagat labing tumango si Valerie.

Di nga nagtagal, isa isa ng naglabasan ang mga kasali sa first scene. Naiwan si Cheska. Narinig nila ang marahan nitong pagtawag, hudyat na kailangan ng lumabas ni Valerie.

Napabuntong hininga na lang si Bebang at hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Caleb bago lakas loob na lumabas ng entablado.

Sinabi sa sarili na kaya nya.

Kakayanin.

Nagpraktis ng ngiti, lumabas na si Valerie sa entablado para sabihin ang unang linya.

Ngunit nagkamali sya.

Nagitla sa dami ng tao sa kanyang harap.

Imbes na magsalita, tanging pagbuka lamang ng bibig ang kanyang nagawa.

Natigilan si Cheska ng makita ang kaibigan.

"PSst, Bebang, ikaw na. " bulong nya na may halong pilit na ngiti.

Napalunok si Valerie.

Napatingin sya kay Cheska ngunit wala syang narinig na kung ano.

"H-ha ? " tanong nya.

Napasilip ang lahat ng kanilang kaklase sa gilid ng stage.

Lahat nagulat sa pagtahimik ni Valerie.

Ngunit lalo na si Caleb.

"Baby, kaya mo yan. " bulong nya.

Maraming nagdasal.

Sana makarecover si Valerie sa kaba.

Ngunit tila unti unti na syang nilalamon nito.

Hanggang sa biglang may magsalita mula sa audience.

"Huu! Bebang ang ganda mo anak! " sigaw ng ama ni Valerie.

Natigilan ang lahat at napadako sa direksyon ng sumigaw. Maya maya ay umugong ang tawanan.

Tumayo ang principal at tinaas ang kamay tanda na tumahimik ang lahat at magbigay galang sa nagtatanghal.

Lumapit ang ilang gwardya sa direksyon ng mga magulang nina Valerie at Caleb para sana suwayin at pagsabihan ngunit humarang ang apat na binata.

"Pasensya na mga kuya, natuwa lang si Tito. Walang problema dito. " nakangiting harang ni Romeo.

"Respeto na lang ho sa play. " sabi ng isang gwardya.

Napayuko si Valerio at hiyang hiya sa ginawa.

Pasimple syang napatingin sa anak na nasa entablado sa pag aakalang napahiya nya ito.

Ngunit nagulat sila ng makitang nakangiti si Valerie.

Maya maya ay nag thumbs up ito sa ama.

"Thanks Tatay. " malakas na sagot ng dalaga.

Napangiti na lang din si Valerie at tumango.

"Kaya mo yan. " bulong nya.

Nakuha naman ito ni Valerie at impit na napangiti.

Pagkuwa'y tumingin kay Cheska at binuka ang bibig.

Unti unting dumaloy ang kanyang mga linya.

. . . . .

Gumulong ang play.

Smooth at maganda ang nangyayari.

Sa gilid, punong puno ng galak ang puso ni Mrs. Senining sa nakikita nyang performance ng klase.

Walang nagkakalat.

Lahat organisado at talaga namang napakaganda ng pagtatanghal na ginagawa ng mga ito.

Sa tabi nya ay ang nag ngingitngit na si Mrs. Legazpi.

Sa nakikita nya, mukhang matatalo ng klase ni Mrs. Senining ang klase nya.

At hindi nya iyon kayang sikmurain.

Kailangan may gawin sya.

Palihim syang tumayo.

Dahan dahang umikot sa gilid ng stage.

Mabilis syang nakarating sa likod ng walang nakakapansin.

Marahil ay tutok lahat sa nangyayaring play.

Marahil ay gandang ganda ang mga ito.

Bagay na lalong nyang ikinabwisit.

"Hmm.. Ano kayang dapat kong gawin ? " tanong nya sa sarili na ang tinutukoy ay kung ano ang dapat nyang gawin para masira ang nangyayaring play.

Hanggang sa mapadako ang tingin nya sa isang botelya.

Saglit nya itong dinampot.

May nakahugit na bungo sa katawan nito.

Napaisip si Mrs. Legazpi at pilit na inalala ang play na Romeo and Juliet.

"Poison ? Bakit may lason dito ? Hmm." tanong nya.

Unti unti syang napangisi ng maalala na uminom nga pala ng lason si Juliet sa huli para makaligpas sa tangkang pagpapakasal sa kanya ng mga magulang sa lalaking di nya gusto. Ngunit saglit lamang ang epekto ng nasabing lason. Sa loob ng isang oras ay babalik sya sa dati. Tamang oras para isipin ng mga magulang na sya ay namatay nya.

Tinitigan ni Mrs. Legazpi ang botelya at kuminang ang kanyang mga mata.

Palihim nya itong binulsa at nagmamadaling umalis sa likod ng stage.

Mabibilis ang mga hakbang na nagtungo sa faculty kung saan nanduon ang tabletas nya sa pagtulog.

. . . . .

Lumipas ang ilang minuto, malapit ng matapos ang play.

Marami pa ring taong nanunuod at tila lalo pa itong kumakapal.

Mainit, ngunit hindi nila ito alintana dahil sa enjoyment sa palabas.

Smooth ang play.

Ramdam na nila ang tagumpay.

Hanggang sa may mapansing kakaiba si Romeo.

"I think there's something wrong here. " bulong nya sa katabing si Rhoi.

Kumunot ang noo ng kaibigan.

"And what's that ? " tanong nya.

Napatingin din ang dalawang alas.

Nginuso ni Romeo si Yohan.

"Di ba, yan yung napilay daw ? Mukhang ayos na sya. At nasan si Calebrador ? " tanong nya.

Napatingin ang lahat sa gumaganap na Romeo na nasa stage at nag e-emote.

"You're right tol. Baka gumaling na sya . Remember, substitute lang naman si Caleb right ? " tanong ni Aldrin.

"Still, nasan yung kumag ? " tanong ni Romeo.

"Baka nasa likod, sinusuportahan sina Val ? " sagot ni Darius.

Natahimik si Romeo at napatitig lang kay Yohan.

Ng biglang may mahagip ang kanyang mga mata.

Ngumisi ang binata at bumulong.

"Mga tol. Mukhang may mga kaibigan tayong kailangang kamustahin. " bulong nya sabay tiim bagang.

Napatingin sa kanya ang tatlong alas at sinundan ang tingin nito.

Natigilan din sila ng makita ang isang grupo ng kalalakihan na nag yoyosi sa bandang gilid ng stage.

"Hmm. Rom, di ba si ano yan ? Sino na nga ulit yan ? " tanong ni Aldrin.

"To tell you honestly tol, di ko kilala yan. " sagot ni Romeo.

"Oh bakit parang mainit dugo mo ? " tanong ni Darius.

"Look mo yung damit nya. " sagot ni Romeo.

Napatitig ang lahat sa suot ng binatang naninigarilyo, hanggang sa maging sila ay napatiimbagang.

. . . . .

Sa likod ng stage, abala si Caleb sa pag abot ng mga kailangang ng mga kaklase.

Ito na lamang ang naitutulong nya sa play.

Laking pasasalamat ng lahat sa ginagawa ng binata.

"Oh tubig pare. " abot nya sa isang kaklase.

"Salamat Caleb. Konti na lang. " sagot nito.

Ngumiti ang binata.

Ramdam na nya ang inggit sa paparating na eksena.

Ito ang scene kung saan iinumin ni Valerie ang lason na magpapatulog sa kanya.

Speaking of lason, ginala ni Caleb ang paningin para hanapin ang botelya.

"U-uhm, guys. Nasan yung poison ? " tanong nya.

Napatingin ang lahat sa kanya.

Lumapit si Yohan at pasimpleng tinulak ang binata.

"Tangnang yan. Yan na nga lang ang trabaho mo, di mo pa magawa ng tama. Ano na ngayon ang gagamitin nating props ? " Galit na tanong nya.

Agad na sumaklolo si Valerie at tinulak si Yohan.

"Ano ka ba Yohan! Ang kapal ng mukha mo! Di naman trabaho ni Caleb itong ginagawa nya pero sa pagmamalasakit nya sa class, ginagawa nya. Dapat magpasalamat ka na lang! " singhal nya.

Lumapit din si Cheska.

"Abuso ka na talaga Yohan. Dapat si Caleb na lang ang nag Romeo. Mas magaling syang umarte kesa sayo. " di na makapag pigil na sabi nya.

Sumang ayon ang lahat.

Napatiim bagang si Yohan at marahas na tinapik sa kamay si Cheska.

"Shut up! This is my play so I will be Romeo. I don't care what you say. " ganting sigaw nya sabay naglakad palayo para hanapin ang mga pinsan.

Tinapunan ng masamang tingin nina Valerie at Cheska ang binata.

Ngunit hinawakan lang ni Caleb ang kamay ng kasintahan at tumawa ng marahan.

"Kakatakot kayong dalawa. " biro nya.

Natawa din si Cheska.

"Hoy, nasan mo ba kasi nilagay yong lason ni Bebang ? " tanong nya.

Tinuro ni Caleb ang isang sulok.

"Dyan lang yon nakalagay. Kasama ng ibang props. Sigurado ako. Pero pagtingin ko kanina, wala na. " sagot nya.

"Paano yan ? Pagtapos ng scene na to, next na yung scene na dapat iinumin ko yon. " nag aalalang sabi ni Valerie.

"Gagawa ako ng paraan. Maghahanap ako ng maliit na botelya. Dyan lang kayo. " sambit ni Caleb.

Tumango ang lahat at nagtiwala sa binata.

. . . . .

"Psst! " tawag ni Mrs. Legazpi sa isang estudyanteng enjoy sa panunuod.

Lumingon ito at kunot noong lumapit.

"B-bakit po Ma'am ? " tanong nito.

Naglabas ng isang daan si Mrs. Legazpi kasama ang maliit na botelya.

"Ibalik mo nga ito dun sa likod ng stage. " utos nya.

Namilog ang mga mata ng estudyante at mabilis na inabot ang pera.

"Yun lang po ? " tanong nya.

Tumango si Mrs. Legazpi. Akmang tatalikod na sya ng may maalala ang isa pang hawak nya.

"Eto pa pala, itapon mo sa basurahan. Siguraduhin mo munang itatapos mo sa kanal itong lamang tubig. Marumi na to, baka inumin mo loko magkakasakit ka. " babala niya.

Napatingin ang estudyante sa mineral water at nakangiting tumango.

"Yun lang pala. Sige po Ma'am. " sambit nito at nagmamadaling nagtungo sa likod ng stage.

Napangiti naman si Mrs. Legazpi.

Tubig na may halong tinunaw na sleeping pills ang laman ng mineral bottle. Kailangan nya muna kasing ihalo ito sa tubig bago nya nilagyan ng kapiraso ang botelya na props.

Siguradong tulog si Valerie oras na inumin nito ang lamang tubig.

"Haha, ewan ko lang kung paano nila tatapusin ang play ng tulog ang Juliet. " bulalas nya.

Di na napansin ang pares ng mga matang nakatingin sa kanya di kalayuan.

. . . . .

"Bakit parang wala si Kuya ? " tanong ni Coleen.

Binaba saglit ni Britney ang hawak na VideoCam at pasimpleng sumilip sa gilid ng stage kung saan akyat panaog ang mga kasali sa play.

"Oo nga eh. Kanina ko pa rin sya hinihintay. " sagot nya.

"Baka naman may problema ? Silipin kaya natin ? " tanong ni Coleen.

"Okay lang sana. Kaso sinong kukuha ng videos ? " tanong ni Britney.

Maya maya ay may nagsalita.

"Eh di ako. " sagot ng boses.

Napatingin sa kanya ang dalawang dalaga at impit na napahiyaw.

"Tita Amy! " bulalas ni Coleen.

Napatingin sa likod ang mga magulang at napangiti.

"Oh Amy, bakit ngayon ka lang ? Patapos na yung play eh. " tanong ni Harriet.

Napasimangot si Amy.

"Bwisit na Taxi yon. Kung saan saan ako dinaan. Naipit tuloy ako sa traffic! Hah! Kala nya babayaran ko metro nya! " taray nya.

Natawa ng marahan si Gabriel.

"Hay nako Amelia. Antaray mo talaga. Paano ka magkakanobyo nyan kung ganyan ka kasungit ? Maupo ka nga. " utos nya.

Nilapag ni Amy ang bag sa tabi ng kapatid at kinuha ang Video Cam kay Britney.

"Hala lakad, akina muna to. Teka pano nga to ? " tanong nya.

Natawa na lang si Britney at mabilis na tinuruan ang dalaga sa pagkuha ng Video.

Bago magkahawak kamay nilang tinungo ang likod ng stage para kamustahin ang kapatid.

. . . . .

Sa likod ng stage.

Di pa nakakalayo si Caleb ng may humarang sa kanyang daraanan.

Napahinga ng malalim ang binata.

"Padaananin nyo ko. Kailangan kong dumiskarte ng botelya " gigil na paliwanag nya.

Natawa si Serge at ginulo ang buhok ni Caleb.

"Dyan ka na lang bata. Baka mainis ako sayo at basagin ko yang mukha mo. " banta nya.

Galit na si Caleb.

Kinuyom nya ng mga kamao ngunit tinulak lang sya ng isang kasama ni Serge.

"Oy oy oy, ano to ? Lalaban ka ? Tangnang to, papatiwakal na ata. " natatawang pang aasar nito.

Maya maya ay dumating si Yohan.

"Oh ano to ? " tanong nya.

Dinuro ni Serge si Caleb.

"Eto eh, aalis, kala ko ba wala kang pinapaalis dito ? " tanong nya.

Ngumisi si Yohan at tumango.

"Baka magsumbong yan kuya Serge. Mamaya na lang. Patapos na yung play eh. " bulong nya.

Ngumisi lang din si Serge at tumango.

"Sige, di ko na lang to papaalisin. Hoy ungas, balik! " utos nya.

Di kumilos si Caleb.

Galit na galit na sya.

Pero nagulat sya ng itulak ng malakas ni Serge dahilan para mapaupo sya sa sahig.

Napatili si Valerie mula sa malayo at mabilis na tumakbo palapit sa nobyo.

"Baby ? Ayos ka lang ? " tanong nya.

Akmang tatyo si Caleb ngunit humarang si Cheska.

Walang sabi sabing sinampal nya ng malakas sa pisngi si Serge.

"Wala kang magawang matino! Humanap kayo ng katapat nyo! " sigaw nya.

Bagama't nagulat, napangisi si Serge at hinimas ang pisngi.

"Wild talaga tong honey ko. Halika nga dito! " sabi nya at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Cheska.

Nahintakutan si Valerie.

Dali dali nyang binitawan si Caleb at sinaklolohan ang kaibigan.

Sinipa nya ang tuhod ni Serge dahilan para mapaluhod ito sa sakit.

"Hhmppp! Potang ina! " sigaw nito.

Nakatakas si Cheska at Valerie.

Nagtago sila sa likod ni Caleb at takot na humakbang paatras.

Bagama't batid ni Yohan na magugulo ang play, hindi na nya inawat ang pinsan.

"Hala, lago kayo. " pang aasar nya.

Kinabahan si Caleb ng magsimulang lumapit ang mga kasama ni Serge.

Pero mas lalo syang kinabahan ng muling magmura ang binat at galit na sumugod sa kanya.

Walang nagawa sina Valerie at Cheska ng dakutin ni Serge ang kwelyo ni Caleb at inangat ang kamao para magpakawala ng suntok.

Pinikit na lamang nila ang mga mata dahil sa kawalan ng pag asa.

Maging si Caleb ay hinanda na ang panga.

. . . . .

Ngunit lumipas ang sampung segundo, walang kamaong dumapo sa kanyang mukha.

Dahan dahan nyang minulat ang mga mata at natulala sa nakita.

May nakaakbay na gwapong binata kay Serge at mukhang ito ang dahilan kung bakit huminto ito sa pagsuntok.

"Stop the meaning of this. " seryosong sabi nito.

Napadilat din sina Valerie at Cheska.

"Kuya Rom! " sabay nilang sigaw.

ITUTULOY!!!