1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapu't Limang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Animnapu't Limang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Animnapu't Limang Pahina

Tila huminto ang paligid ng pumaibabaw ang sabay na sigaw nina Valerie at Cheska.

Napatingin sa isang direksyon, kay Serge.

Kita nila kung paano lumunok ng ilang ulit ang binata ng marinig ang pangalang binanggit ng dalawa.

Unti unti nyang nabitawan si Caleb at muling napalunok.

"It seems, all the agreement we've made is nothing but a lie. It really saddens my heart, you know. " pabirong sabi ni Romeo.

Ngunit walang tumawa maliban sa tatlong alas.

"Tangna, english pa more. " biro ni Darius.

Inalis ni Romeo ang pagkaka akbay kay Serge at tinabihan si Caleb.

Pumihit sya paharap kay Serge.

Nag iwas ng tingin ang binata.

Naningkit ang mga mata ni Romeo.

Isa isang tinapunan ng tingin ang mga kasama nito na kung hindi nag iiwas ng tingin ay yumuyuko na lang.

"Care to explain ? " tanong nya at muling tinitigan si Serge.

Hindi nagsalita ang binata.

Matagal na katahimikan ang nangyari.

Pagkuwa'y sumingit si Yohan at pumagitna.

"A-ano bang ginagawa mo dito ? Wala ka dapat dito sa back stage. Bumalik na kayo don sa labas. " nauutal na sabi nya.

Tinapunan ng tingin ni Romeo si Yohan.

Tumaas ang isang kilay.

Napaatras ang binata.

"So sila kasali sa play? Wag mo nga kong ginagawang tanga ka." tanong nya.

Napalunok si Yohan at pinilit hamigin ang sarili.

"T-tatawagin ko yung gwardya! Nanggugulo kayo! " sumbat nya.

Lumapit si Aldrin.

"I think tol, kailangan na sina Valerie sa stage. " paalala nya.

Tila nuon lang natauhan ang lahat na may play na kasalukuyang nagaganap.

Huminga ng malalim si Romeo at pilit kinalma ang sarili.

"Hindi ko alam kung anong ginagawa nyo dito pero malungkot kami dun sa pwesto namin. Eh tutal may pinagsamahan na naman tayo, bakit di na lang tayo sama samang manuod ? Tama ba mga tol yung naisip ko ? " tanong nya.

Ngumisi sina Darius at Rhoi.

"Oo nga, malungkot don. Samahan nyo kami mga panget. " wika nila sabay kanya kanyang hatak sa mga kasama ni Serge.

Naiwan ang binata at nanatiling nakayuko.

Galit na dinunggol ni Yohan ang braso ng nakatatandang pinsan.

"Ano ba kuya Serge ? Napapahiya na tayo ! " giit nya.

Pero nagulat sya ng makita ang pagkalito sa mga mata ng binata.

Para itong batang nahuli ng mga magulang sa akto ng paggawa ng mali.

"K-kuya Serge ? " untag nya.

Ngunit di na sya nakapagsalita pa, wala sa loob na naglakad palayo.

Walang lingun lingon.

Dire diretso sa nakaparang kotse nito at pinasibad palayo.

. . . . .

Nalungkot ang mukha ni Romeo.

"Suplado ng papa ko. Hayy, gwapo pa naman non. Sayang. " sambit nya.

Natawa si Cheska at wala sa sariling dinamba ang binata.

"Grabe! You're the best talaga Romeo! " wika nya.

Nagtroll face si Romeo.

"Bakit di nyo man lang kami tinawag ? Andun lang kami sa crowd eh. " sumbat nya.

Lumapit ang magkasintahan.

"Hinaharang nina Serge si Caleb kuya Rom. " sumbong nya.

Napakamot na lang sa batok si Caleb.

"Anduwag ko. S-sorry talaga. " sambit nya.

Tinapik ni Romeo sa balikat ang binata.

"Hindi karuwagan ang ginawa mo. Nag isip ka lang. Marami at di hamak na mas malalaki sila. Tanga ka kung pumalag ka. " sermon nya.

Sumang ayon ang dalawang dalaga.

"Tama si Kuya Rom. Hindi ka duwag baby. " sabi ni Valerie.

Napangiti na lang ng kimi si Caleb.

"Hey, let's continue the play. " suhestyon nya.

Natigilan ang lahat ng maalala ang nagaganap na pagtatanghal.

Dali dali silang nag ayos at hinanda ang sarili sa nalalapit na pagtatapos.

. . .

Naiwang tulala si Yohan.

Narinig na lamang nya ang malutong na tawa na mula sa binatang nagpataboy sa siga nyang pinsan.

Aminado sya, kanina ay nakaramdam na rin sya ng takot.

Kilala nya ang pinsan, hindi ito umaatras sa laban ngunit bakit ito bigla na lang umalis ?

Napailing si Yohan at inis na nagdabog.

"You'll pay for this! " bulong nya.

Gigil syang humakbang paatras pero nagulat sya ng mabangga ang malambot na katawan.

Pumaibabaw ang matinis na tili.

"Ano ba?! " inis na sigaw ng babae.

Napalingon sina Caleb at Valerie at nagulat sila ng makita si Coleen naka upo sa sahig.

Gumulong sa sahig ang dalawang softdrinks na dala nito.

Dali dali nilang sinaklolohan ang dalaga.

"Ano bang ginagawa mo dyan Nicoleen ? " tanong ni Caleb.

Nakasimangot na pinagpag ni Coleen ang pwet at dinuro ang tulalang si Yohan.

"Eh itong isang to! Di tumitingin sa dinadaanan! " angil nya.

Agad na inalalayan ni Valerie ang dalaga para makatayo.

Si Caleb naman ay inabot ang isang kamay para alalayan si Yohan.

Saglit na natigilan ang binata pagkuwa'y tinabig ang kamay nya.

Sinikap nya ang sariling makatayo at galit na naglakad palayo.

"Magbabayad ka sa ginawa mong ito Caleb! " giit nya sa sarili.

Di pa nakakalayo ay muli syang huminto at sinulyapan ang mga naiwan.

Pero natigilan sya sa nakita.

Nagtatawanan ang mga ito na parang walang nangyari.

Sa gilid ay nakita nyang may lumapit na magandang babae at may hawak na mga inumin.

Lalong nainggit si Yohan.

Inggit ?

Tama.

Inggit nga ang nararamdaman nya.

Pero bakit ?

Saan sya naiinggit ?

"P-parang ang saya nila. " wala sa sariling sabi nya.

Napalunok si Yohan pero muli syang napasimangot ng tumingin sa kanya si Caleb at alukin ng maiinom.

Walang sabi sabing tumalikod na lang sya at naglakad na palayo.

. . . . .

"Nasan na ba yung babaeng yon. Iwanan ba daw ako sa canteen ? " nakasimangot na wika ni Britney.

Pero mabilis syang gumilid ng may masalubong na binata.

Nagmamadali itong naglalakad palayo sa likod ng stage.

Kumunot ang noo ni Britney.

"Kilala ko yun ah. " wika nya.

Naisip nyang alukin ng softdrinks ang binata ngunit dahil sa pagmamadali nito, mabilis itong nakalayo.

Nagkibit balikat na lang si Britney at pinagmasdan ang tinahak ni Yohan hanggang sa tumigil ito ng may masalubong na isa pang lalake.

Saglit nyang pinagmasdan ang dalawa.

Nakita nya pang agawin ni Yohan ang dalang botelya ng lalake.

Napakamot lang ito at tinahak na ang daan pabalik sa covered court habang si Yohan naman ay nagtungo sa carpark.

Inignora na lamang ni Britney ang nakita at tinungo na ang daan patungo sa likod ng stage.

. . . . .

Pagdating nya ay nakita nyang nagkakagulo ang lahat.

"Hey, what's happening ? " tanong ni Britney.

Napalingon ang lahat sa dalaga ngunit saglit ding bumalik sa pag aalala.

Nilapitan nya si Coleen na abala rin sa pagkakalkal ng kung ano habang tinapunan lang nya ng tingin si Romeo na umiinom ng coke sa isang tabi.

"Uy, anong hinahanap nyo ? " tanong niya.

Napalingon si Coleen.

"Sis, kailangan nila ng bottle. Maliit na bottle. Props para sa poison ni Val, ay ni Juliet pala. " sagot nya.

"P-pero, I thought okay na lahat ? " tanong ni Britney.

"Hindi pa nga. Lapag mo na kasi yan tapos tumulong ka na rin. " utos ni Cheska.

Binelatan lang ni Britney ang dalaga pagkuway nilapag ang hawak na softdrinks sa tabi ni Romeo.

Saglit silang nagkatitigan ng binata pero natigilan sya ng kindatan nito.

Umahon ang kilig sa katawan ni Britney.

Hanggang sa maramdamn nya ng paghatak nina Coleen at Cheska sa kanyang mga braso.

Natawa na lang ang dalaga.

"Eto na nga . Makikihanap na. " sabi nya.

Maya maya ay biglang may naalala si Coleen.

"T-teka kuya! Di ba pwedeng kahit anong bottle na lang ? " tanong nya.

Nagkatinginan sina Caleb at Valerie.

"Why ? " tanong ng binata.

"Eh pwede kaya yung lalagyan ni Dad ng medicine nya ? Yung maliit na bottle ? Wag nyo na lang lagyan ng water tapos kunwari iinom si Val. How's that ? " balik tanong ni Coleen.

"Pwede na yun Coleen! " singit ni Cheska.

"Oo nga! Tara kunin natin! " sambit ni Valerie.

Pero pinigilan sya ni Coleen.

"Hep hep! Kami na lang ni Brit ang kukuha, stay put na lang kayo dito. " sabi nya.

"Oo nga babe. Dito ka na lang, after nila. Sila Kakay then ikaw na. Bilisan nyo Nicoleen. " utos ni Caleb.

"Sure thing! Tara sis. " aya ni Coleen.

"Tara! Teka, bakit di ka nakabihis ? Di ba ikaw yung Romeo ? " tanong ni Britney.

Natigilan ang lahat.

Napakamot na lang sa batok si Cheska.

"Mamaya ng kwentuhan. Isa pa pala, si Yohan nasan na ? Dyusko. Pasaway talaga yon! " gigil na sabi nya.

Nagsimula na silang mag aalala dahil sa sunod sunod na aberya.

Ngunit di nawalan ng focus si Caleb.

"Relax guys. Let's focus. Ako na lang ang hahanap kay Yohan. Kung kailangang kaladkarin ko sya pabalik dito, gagawin ko. " seryosong wika nya.

"Sige nga baby para maturuan ng leksyon yon. Pero mag iingat ka ha ? Baka nandun pa yung mga kasama ng pinsan nya. " bilin ni Valerie.

Ngumiti lang si Caleb at nag thumbs up.

"Kaso, di ko alam kung san nagsuot yung ungas na yon. " sabi nya.

Natigilan si Britney ng may maalala.

"Oops, I forgot to tell you guys. Nakasalubong ko si Yohan on my way here. I tried to greet him though but he seems, mad. I don't know. " imporma nya.

Natigilan ang lahat at napatingin sa dalaga.

"Oy, san sya nagpunta ? " tanong ni Cheska.

Napaisip si Britney at biglang napapitik sa ere.

"I got it! There! Sa carpark! " turo nya.

Nagkatinginan ang lahat.

"Ayos, tara na. Sabay sabay na tayong pumunta don. Kunin mo na rin hone yung medicine bottle ni Dad. Let's go at malapit na si Val. " wika ni Caleb at nagpauna na sa paglalakd.

Agad namang sumunod ang dalawang dalaga sa binata.

. . . . .

Sa stage.

Pasimpleng naupong muli si Mrs. Legazpi sa hilera ng mga teachers.

Kumunot ang noo ni Mrs. Senining at di napigilan ang sarili na magtanong.

"Ma'am, san ka galing ? " tanong nya.

Ngumisi lamang ang guro.

"Dyan lang sa tabi tabi, may inasikaso lang akong importante. " sagot nya at muling pinokus ang atensyon sa kasulukuyang nagaganap na play.

Napatango na lang si Mrs. Senining.

Sumingit ang Principal na di nakatiis na magbigay ng papuri.

"Your class is doing great, Ma'am. " puri nito.

Napangiti si Mrs. Senining.

"T-thank you po. Pinaghirapan po yan ng mga bata. " tanging nasabi nya.

"I see. Sabik na akong makita ang katapusan. Kahit pa alam naman natin na tragic ang nangyari sa magkasintahan, gusto kong makita kung paano i - execute ng mga anak mo. Mukhang maganda eh. " muling papuro ng Principal.

Napangiti ng maluwang si Mrs. Senining.

"Salamat po Ma'am. Excited na nga rin po ako eh. " masayang sabi nya sabay tingin sa mga nagtatanghal.

. . . . .

Napaismid ng palihim si Mrs. Legazpi sa narinig.

Sinulyapan nya ang mga gumaganap.

Kanina pa sya naghahanap ng maipipintas sa mga ito ngunit sa malas ay talagang wala syang maipintas.

Meron may ay maliit na detalye lamang na lalo lamang nagbigay buhay sa ginagawang pagtatanghal.

Tinapunan nya ng tingin ang crowd.

Kita nyang seryosong nanunuod ang mga ito.

Bagay na hindi nangyari nung ang section nya ang nag perform.

Umahon ang inggit sa sistema ni Mrs. Legazpi.

Pero pilit nya itong pinaglabanan dahil batid nyang may hangganan ang lahat.

"Let's see. " bulong nya sabay ngisi.

Di maiwasang pangilabutan ni Mrs. Senining ng makita ang ngising iyon ng kapwa guro.

Wala sa loob syang napapikit at umusal ng panalangin.

"Dyusko po, sana ayos lang ang mga bata. " bulong nya.

. . . . .

Carpark.

"San kayo nagpark ? " tanong ni Caleb sa kapatid.

Di na sumagot si Coleen at naglakad na lang patungo sa isang direksyon.

Nakilala naman agad ni Caleb ang van ng ina. Agad na binuksan ng dalaga ang pinto at hinalughog ang bag ng inang si Harriet.

Habang inaantay ang kapatid, palingon lingon si Caleb sa paligid.

Pilit nyang minumukhaan ang mga sasakyang nakaparada at baka sakaling may makita si Yohan.

Ngunit sa malas ay wala syang makita.

"Brit, are you sure na dito pumunta si Yohan ? " tanong nya.

"Yeah, ito lang naman yung place dito eh. Pero I'm not sure kung nagtagal sya. Baka saglit lang sya dito then umalis din agad. Try kaya natin isa isahin tong mga car ? " tanong din ni Britney.

Sumang ayon si Caleb.

"Bilisan mo dyan Nicoleen. Sisilipin lang namin ni Britney itong mga sasakyan dito. " bilin nya.

Mabilis namang sumunod si Coleen.

"I got it! Eto na. Tara. " aya nya.

"Make sure you locked the door. " utos ni Caleb.

Tumango si Coleen at nagsimula na silang isa isahin ang mga sasakyan.

Ilang minuto lang ay natagpuan ni Britney ang hinahanap.

"Guys here! Quick! " tawag nya sa dalawa.

Agad na lumapit ang magkapatid at natigilan sila sa nakita.

Si Yohan, nakhimlay sa driver's seat at tila mahimbing na natutulog.

Nabwisit si Caleb at kinatok ang bintana ng sasakyan.

"Hoy! Ngayon mo pa nakuhang matulog! Tapusin mo muna yung play! " sigaw nya.

Ngunit sa malas ay di nagpatinag ang binata sa loob.

Sinubukan nilang buksan ang pinto.

Tagumpay.

Tinapik ni Caleb sa pisngi si Yohan.

"Hoy Yohan. Ano bang arte yan ? " tanong nya.

Pero wala pa ring epekto.

Inalog ni Caleb ang binata.

"Yohan! Gising! " tawag nya.

Nagkatinginan ang dalawang dalaga ng malaglag sa sahig ang isang botelya.

"K-kuya, look. " turo ni Coleen

Natigilan si Caleb at dinampot ang botelya.

"T-teka, eto yung props dapat sa lason ah. Bakit nasa kanya ? " tanong nya.

"Baka sya talaga kumuha. " sagot ni Britney.

"Pero imposible. Nasa stage sya nung nawala to. Saka natutulog sya tapos di natin magising ? Ininom nya ba tong laman ? Eh mineral water lang din laman nito eh. " sunod sunod na tanong pa ni Caleb.

Kapwa walang naisagot ang dalawang dalaga.

Biglang may naalala si Britney.

"Oh wait. I remembered something. May kinausap syang guy nung papunta sya dito. Tama! Dun sa guy galing itong bottle! " bulalas nya.

Natigilan ang dalawa.

"Sinong lalaki yon ? Saka anong laman nitong bote at bakit nakatulog si Yohan ng ganito katindi ? " tanong ni Caleb.

"I think kailangan nating makita yung guy para maliwanagan tayo. " singit ni Coleen.

Di nagtagal ay may nagsalita sa likod nila.

"We don't have time for that. Go back there Caleb. Valerie needs you. " wika ng boses.

Gulat na napalingon ang tatlo.

Bumungad sa kanila ang gwapong binata na nakasuot ng puting damit.

"S-sino ka ? Bakit mo kami kilala ni Val ? " tanong ni Caleb.

Nagkibit balikat ang lalake.

"Sigurado ka bang gusto mo pang ungkatin kung paano ko nalaman ang mga pangalan nyo ? Di yata't may mas importante ka pang kailangang gawin ? " balik tanong nito.

"Oo nga Caleb. Tara na! Kailangan nilang malaman ang nangyari kay Yohan. Sabihin natin na ayaw nyang magising! " suhestyon ni Britney.

"P-pero anong gagawin natin ? Sya yung bida eh! " bulalas ni Caleb.

Natigilan ang lahat.

Napatingin si Coleen sa estranghero.

Diyata't kilala nya ito.

Pamilyar sa kanya ng gwapo nitong mukha ngunit di nya talaga maalala kung saan.

Napatingin sa kanya ang binata at ngumiti.

Napasinghap si Coleen.

May kamukha ng lalake!

"T-teka. Kilala ba kita ? " tanong nya.

Muling ngumiti ang binata.

"Mamaya na yan. First things first. You have to go back there Caleb. Hayaan mo na si Yohan dito. Ako na ang bahala sa kanya. " sabi nya.

Nag alangan si Caleb kung magtitiwala ba sa binata, pero no choice sya.

"S-salamat. Mamaya, babalik kami. Kailangang magawan ng paraan itong si Yohan. Salamat pare. " sambit nya at hinatak na ang dalawang dalaga.

Nagpatianod naman ang dalawa.

Bago tuluyang makalayo, nilingon ni Coleen ang binata.

Pero nanlaki ang mga mata nya ng wala na ito sa tabi ng sasakyan.

. . . . .

Nagmamadaling bumalik ang tatlo para ibalita ang nangyari.

Naabutan na lamang nila si Cheska na at ang iba pa na tila natataranta.

"Guys, eto na yung bottle. " wika ni Caleb.

Tila nakahinga ng maluwag ang dalaga.

"Salamat naman at nandito na kayo! Oh, nasan na si Yohan ? Sila na ni Val! " tarantang sabi ni Cheska.

Nagkatinginan ang tatlo.

Si Britney ang sumagot.

"S-si Yohan, nakita naming natutulog sa car nya. Sinubukan namin syang gisingin pero ayaw talaga. Parang may something eh. " sabi nya.

Lalong nataranta si Cheska.

"A-anong ayaw magising ? Hala! Paano na ? Sinong partner ni Val ? Last scene na eh! Oh God! I can't take this anymore. " sa taranta, napa-english na sya.

Di malaman ng lahat kung matatawa o mahahawa sa pagkataranta ng dalaga.

Pero sa kalagitnaan ng lahat ng aberya, may biglang nagsalita sa likod.

"Ano bang pinagtatalunan nyo dyan ? " tanong ng boses.

Nanigas ang likod nina Caleb, Cheska at Britney sa narinig.

Sabay sabay silang lumingon sa pag aakalang sinundan sila ng estranghero.

Ngunit si Romeo lamang ang nasa likuran.

Blangko ang ekspresyon sa mukha ng binata habang naka dekwatro sa upuan.

"Alam kong gwapo ako, pero wag nyo akong titigan ng ganyan. " biro nito.

Napalunok ang tatlo.

Sumingit na si Cheska.

"Kuya Rom, walang partner si Val! After ng scene na to, si Yohan na dapat! Pero nakatulog daw sya sa sasakyan! " ulit nya.

Ngunit walang reaksyon ang binata.

"So ? Anong silbi ni Caleb ? Eh di sya ang ipalit. " suhestyon ni Romeo.

Natulala ang lahat at napatingin kay Caleb.

Unti unting napangisi.

Hanggang sa nabigla na lang ang binata ng kaladkarin sya sa isang panig kung saan naruon ang extra costume ni Yohan.

ITUTULOY !!!