1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Isang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Isang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Apatnapu't Isang Pahina

Malungkot na umuwi si Caleb.

Dire diretso syang pumasok sa malaking pinto at marahan din itong sinara.

Matamlay syang naglakad patungo sa salas.

Buong katamaran nyang binagsak ang katawan sa malambot na sofa.

Napabuntong hininga ang binata.

Ipinikit nya ang mga mata at unti unting binalikan ang kaganapan kani kanina lamang.

..

Masakit ang kanyang puso.

Masakit dahil sa nangyayari sa kanila ng pinakamamahal na kasintahan.

"A-ano na kayang ginagawa nya ngayon ? " tanong nya sa sarili.

Dinilat ni Caleb ang mga mata at inangat ang braso.

"Past 10 na pala. Baka tulog na sya. " malungkot nyang wika.

Muli, napahinga ng malalim ang binata.

Pinikit nyang muli ang mga mata at inimagine ang maamong mukha ng dalaga.

Dahil sa kabisado nya ang bawat detalye ng mukha nito, hindi naging mahirap para kay Caleb na alalahanin ang magandang mukha ni Valerie.

Mabilis na tumambad sa kanyang imahinasyon ang nakangiting mukha ng kasintahan.

Napangiti din si Caleb.

Saglit pa lamang silang hindi nagkikita ng dalaga, pakiramdam nya ay napakatagal na panahon na ito.

Gustong gusto nyang makita si Valerie.

Kung sya ang tatanungin, ayaw na nyang mawalay sa tabi nito.

Ngunit batid nyang hindi sya maaaring mapagbigyan ng tadhana.

Unang una na ay dahilang bata pa sila at marami pang dapat gawin.

Ikalawa ay ang sitwasyon.

Galit sa kanya ang nobya.

At hindi basta simpleng galit lamang, maaaring maging dahilan pa ito ng pagkakahiwalay nila ng dalaga.

..

Napakagat labi si Caleb.

Di na kagulat gulat kanyang biglang naramdaman ng sumagi sa kanyang isip ang salitang "Hiwalay"

Parang may malamig na kamay ang biglang dumakot sa kanyang puso at hinatak palabas.

Masakit.

Masakit ang isiping magkakahiwalay sila ng dalaga.

Di nya maintindihan ang nararamdaman pero kung sya ang tatanungin, doble pa ito sa naramdaman nya ng mahuling nagtataksil si Britney.

..

Ng maalala ang dating kasintahan ay di nya maiwasang makaramdam ng galit.

Mabilis nitong pinuno ang kanyang sistema dahilan para bigla syang mapadilat.

Napatiim bagang si Caleb.

Nilingon nya ang hagdan.

"You'll pay for this Britney. " bulong nya.

Tumayo ang binata.

Mabilis nyang hinamig ang sarili at buo ang loob na humakbang.

Mabagal ang kanyang naging mga yabag.

Ngunit sa kabila ng pagiging mabagal, damang dama nya ang bigat ng mga paa.

Humawak sya sa railings ng hagdan.

Bawat hakbang paakyat ay tila lalong nadadagan ang kanyang galit para sa babaeng syang dahilan kung bakit sila nagkakalabuan ngayon ni Valerie.

..

Di nagtagal ay nakaakyat na si Caleb sa ikalawang palapag.

Saglit syang tumigil at huminga ng malalim.

Maaaring sa mga oras na ito, tulog na rin si Britney.

Sinubukan nyang kalmahin ang sarili.

Pero bigo sya.

Napailing si Caleb.

Bakit nga ba naman nya kakalmahin pa ang sarili ?

Bahala na kung ano ang kanyang magawa.

Kasalanan ni Britney ang lahat.

Kasalanan nito kung bakit umiyak si Val.

..

Ng maalala ang luhaang mukha ng kasintahan.

Lalong nag apoy ang damdamin ni Caleb.

Tinapunan nya ang tingin ang pinto ng guest room na syang ginagamit ni Britney.

Nagtagis ang kanyang mga ngipin.

Mabigat na hinakbang ang kanang paa na syang sinundan pa ng kaliwa.

Mabagal.

Hanggang sa unti unting bumilis.

Di na nya kayang maghintay pa ng bukas para komprontahin ang dalaga.

Galit sya.

Galit na galit.

"Damn you. " bulong nya at tumigil sa mismong tapat ng silid ni Britney.

Hinawakan nya ang door knob at akmang pipihitin ng makarinig ng pagbukas ng pinto.

..

Nataranta si Caleb.

Imbes na buksan ang silid ni Britney, mabilis syang naglakad patungo sa katapat na kwarto ng biglang may magsalita.

"Anak ? " sambit ng boses.

Natigilan si Caleb.

Dahan dahang lumingon hanggang sa tumambad sa kanyang paningin ang ama.

"D-dad ? " tanong nya.

Ngumiti si Gabriel at iinot inot na naglakad palabas ng silid.

Marahan nyang hinatak ang pinto at maingat na sinara.

"San ka pupunta anak ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb at napatingin sa pintong nasa tapat.

Hindi nya ito silid.

Kwarto ito ng kapatid na si Coleen.

Napakamot si Caleb.

"S-sisilipin ko lang po si Coleen. B-baka kasi di pa sya natutulog eh. " pagsisinungaling nya.

Napangiti si Gabriel.

"Just like the old times. Ang bait talaga ni kuya. " puri nya.

Napakagat labi si Caleb.

Tama ang ama.

Nung mga bata pa sila ay lagi silang magkatabi ni Coleen matulog.

Pero syempre, lumalaki na sila at nag iiba na ang panahon.

Kailangan nilang maghiwalay ng silid na syang tinutulan ni Coleen.

Di nito maintindihan kung bakit kailangan nilang maghiwalay ng rooms.

Ayaw sana nitong pumayag pero sa huli ay nasunod pa rin ang kagustuhan ng kanilang abuela na paghiwalayin sila ng kwarto.

Pero gabi gabi bago matulog, lagi nyang binibisita ang kwarto ng kapatid.

..

Napangiti ng kimi si Caleb at nilapitan ang ama.

"Dad. Bakit ka po tumayo ? " tanong nya.

Ngumiti si Gabriel at inakbayan ang anak.

"I'm fine anak. Huwag mo kong ituring na imbalido. " mahinang sagot nya.

"Hindi naman po sa ganon Dad. Pero kailangan nyo pong magpahinga. " katwiran ni Caleb.

Tumango tango si Gabriel.

"Sshh, wag kang maingay. Natutulog ang Mommy mo. " bulong nya.

"Kaya pala nakalabas kayo. " biro ni Caleb.

Natawa ng mahina si Gabriel.

"Ikaw ? Bakit gising ka pa anak ? Wala ka bang pasok tomorrow ? Ang sabi ni Tyang Amy mo, di ka daw nakakapasok sa school dahil sa pagbabantay mo sakin. Sorry anak ha ? " mahinang wika nya.

Umiling si Caleb.

"It's nothing Dad. Pwede naman akong mag aral next year eh. Ewan ko ba kay Tyang. Bigla na lang po akong inenroll. " naiiling na sabi nya.

Napahinga ng malalim si Gabriel.

"Naiintindihan ko ang Tyang mo. Ayaw nyang isipin ko na pinabayaan ka nya kaya gumawa sya ng paraan para hindi ka mahinto sa pag aaral. Nagpapasalamat ako sa inyong dalawa anak. Lalong lalong na sayo. Naikwento na sa akin ng Mommy mo ang lahat. Ikaw lang pala ang naniniwalang hindi ko kayo iniwan kapalit ng pera. " bulong nya.

Napangiti si Caleb.

"It's not true Dad. Pati sina Mommy at Coleen hindi naniniwala. Wala lang silang magawa kay Lola. " wika nya.

Muling napahinga ng malalim si Gabriel.

"Yang Lola mo. Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa kanya para kamuhian nya ako ng ganito. Ayos lang naman sakin kung sakin sya magagalit, basta wag na wag nya lang kayong idadamay. Pero mukhang iba talaga ang trip ng Lola mo. " sabi nya.

Natahimik si Caleb.

Pero natigilan sya ng makitang naglalakad ang ama.

"D-dad. San ka pupunta ? " tanong nya.

Ngumiti si Gabriel.

"Sa kitchen. Titimplahan kita ng gatas. " sagot nya.

Nagkanda iling iling si Caleb.

"No Dad. Ako na po. Baka madulas kayo sa hagdan. " wika nya.

"Sshh, wag ka ngang maingay. Kapag nagising ang Mommy mo, parehas tayong may sapak don. " biro ni Gabriel.

Natawa si Caleb pero inalalayan nya ang ama.

Dahan dahan silang bumaba ng hagdan.

Binitawan na nya ito ng makarating sila sa ibaba at pinagmasdan sa paglalakad.

..

Marahang humahakbang si Gabriel.

Bagama't nahihirapan, hindi huminto sya huminto hanggang sa makarating sa kusina.

Dire diretso nyang tinungo ang isang drawer at marahang hinatak.

Napangiti ang lalaki ng makita ang mga customized na mugs para sa bawat miyembro ng pamilya.

"Dito pa rin pala to nakalagay. " sambit nya.

Napangiti rin si Caleb.

"Of course. Hindi binabago yan ni Mom. " wika nya.

Tumango si Gabriel at kinuha ang dalawang baso.

Sa isa ay may nakaprint na "Daddy" at isa naman ay "Kuya"

"Yeah. Masinop talaga sa gamit ang Mommy mo. Anong gusto mo nak ? " tanong nya.

"Milk na lang po. " sagot ni Caleb.

"Okay. Upo ka muna at pagsisilbihan kita. " biro ni Gabriel.

Napailing si Caleb.

"Dad, ako po dapat ang magsilbi sa inyo. " sabi nya.

Pero ngumiti lang si Gabriel at sinimulan na ang pagtitimpla.

"Nonsense. Napakarami mo ng ginawa sa akin anak. Kapiraso lang ito. Hayaan mo na ako. " wika nya.

"Kayo po ang bahala. Baka po mapaso kayo ha. " sabi ni Caleb.

Pinagpatuloy na lang ni Gabriel ang pagtitimpla habang pinapanuod ng anak.

Ilang saglit lang ay natapos na ang ama.

Agad na tumayo si Caleb at kinuha ang sariling baso.

"Ako na po Dad. " agaw nya.

Ngumiti si Gabriel at napauna na sa paglabas sa kusina.

"Sa sala tayo. " wika nya.

Tumango si Caleb at sumunod sa ama.

Tinungo nila ang salas at naupo sa sofa.

Nilapag ni Caleb ang dalawang baso sa lamesita pagkatapos ay tinabihan ang ama.

Tahimik silang sumimsim ng mga gatas.

..

Ilang minuto ding namayani ang katahimikan bago ito binasag ni Gabriel.

"Anak, kamusta na kayo ni Valerie ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb.

Mabilis nyang pinagana ang isip ngunit tila nablangko sya ng mga oras na iyon.

Anong isasagot nya sa ama ?

May problema sila ng nobya ?

At kapag nagtanong ito, anong sasabihin nya ?

Aaminin nya bang dahil sa nahuli sya ni Valerie na nakikipaghalikan kay Britney ?

Kapag inamin nya iyon ay siguragong pagagalitan sya nito.

Pero kapag hindi naman sya nagsabi ng totoo, baka lalo pang lumala ang sitwasyon.

..

Samu't saring katanungan ang umikot sa utak ni Caleb.

Kakatwang iisa lamang ang tanong ng ama at napakasimple pa nito.

Pero ang hirap na hirap sya sa pagsagot.

Hanggang sa huli, nagpasya na lamang si Caleb na ipagtapat ang totoo.

Hindi sya sanay na magsinungaling sa ama.

Napahinga ng malalim si Caleb.

Bumuka ang kanyang bibig para sana sagutin ang ama ngunit naunahan na sya nito.

"Kung ayaw mong magsalita, ayos lang. Pasensya na sa tanong ko." mahinang wika ni Gabriel.

Nagkandailing iling si Caleb.

"N-no Dad. It's okay. It's j-just that. " putol nya.

"It's just that ? " tanong ni Gabriel.

Muling napabuntong hininga si Caleb.

"M-medyo galit po sya sakin. " pag amin nya.

Nagulat si Gabriel sa narinig.

"Galit ? Bakit ? Anong ginawa mo ?" tanong nya.

Napakagat labi si Caleb.

"K-kasalanan ko po Dad. " sagot nya sabay yuko.

Tinitigan ni Gabriel ang anak.

"Pwede mong ikwento sa akin. Makikinig ako. " sabi nya.

Ilang saglit na natahimik si Caleb.

Bago dahan dahang nag angat ng paningin at tumitig sa ama.

Nagulat si Gabriel ng makitang pinangingiliran ng luha ang mga mata ng anak.

Sa isip isip ay seryoso nga ata ang problema ng mag kasintahan.

..

Maya maya ay tumitig si Caleb sa basong may lamang gatas.

Ngunit wala dito ang kanyang isipan.

Tagus tagusan ang kanyang nakikita.

Imahe ng isang babae.

Luhaan.

At sya ang dahilan.

Napapikit si Caleb.

"N-nasaktan ko po sya Dad. N-nakita nya po kaming naghahalikan ni Britney. " sabi nya.

Natigilan si Gabriel.

"N-naghahalikan ? Bakit anak ? Bakit kayo naghahalikan ni Britney eh si Valerie na ang nobya mo ? Bakit mo nagawa sa kanya ang bagay na iyon ? " tanong nya.

Umiling si Caleb.

"H-hindi ko po alam ang mga nangyari Dad. Nagulat na lang ako ng halikan nya ako bigla. Tapos di ko akalaing nakita pala yun ni Val. Nasa bintana kasi kami ng mga time na yon at nasa baba lang sya. Di ko talaga yun ginusto Dad. " pagsusumbong nya.

Napailing si Gabriel.

"Bakit naman yun gagawin ni Britney. M-may unawaan pa ba kayo ? " tanong nya.

Mariing umiling si Caleb.

"Wala na Dad. Walang wala na po. Bago ako umalis ng states, wala na kami at malinaw yon. Twice ko na po syang nahuling nagtaksil at para sakin sapat na yon. Si Lola lang naman ang mapilit. Masakit yung feeling na sinasaktan at pinagtataksilan ka Dad. Naramdaman ko na po yon kaya alam ko ang nararamdaman ni Val ngayon. " sabi nya.

"Nagkausap na ba kayo ni Valerie ? " tanong ni Gabriel.

Tumango si Caleb.

"Nagpunta po ako sa kanila. Pero galit po sya Dad. Magpapaliwanag sana ako pero naunahan na sya ng galit. " sagot nya.

"Di mo sya masisisi anak. Kahit naman siguro ako ang nasa sitwasyon nya, magagalit din ako. Natural lamang ang kanyang reaksyon. " sabi ng ama.

Natahimik si Caleb.

Marahan nyang pinahid ang mga luha.

"I k-know Dad. Hindi ko naman po sya masisisi talaga. Pero sana po ay mapakinggan nya ako. " wika nya.

Tinapik ni Gabriel ang balikat ng anak.

"You really love Valerie. " sabi nya.

Tumango si Caleb.

"Yes Dad. Mas matindi pa ito sa naramdaman ko nuon kay Britney. Ayaw ko pong mag compare pero di ko po kayang mawala sya sakin. " sagot nya.

"Hindi naman sya mawawala sayo anak. Kung mahal ka talaga nya, di ka nya matitiis. Magpapalipas lang yun ng sama ng loob. Magkakaayos din kayo. Basta wag kang titigil sa pagsuyo sa kanya. " payo ng ama.

Mabilis na tumango si Caleb.

"Opo. Pero ano pong gagawin ko Dad ? Galit po sya sakin eh. " tanong nya.

Ngumiti si Gabriel.

"Talaga bang ako ang mag iisip ng plano para magkabalikan kayo ng nobya mo ? Di ba't mas masarap kung ikaw ang nakaisip ng paraan ? Masasabi mo talagang naghirap ka. Di yung sumunod ka lang sa utos ng iba. " payo nya.

Natigilan si Caleb at dahan dahang napangiti.

"Oo nga po. Sige po Dad. Hindi ko po sya titigilan hangga't di nya ako napapatawad. Sana talaga patawarin nya ako at pakinggan yung side ko. " sambit nya.

Muling napangiti si Gabriel at sinaid ang laman ng baso.

Dahan dahan syang tumayo at tinapik sa balikat ang anak.

"Samahan mo nga ako sa kwarto, baka mahulog ako sa hagdan eh. " pagsuyo nya.

Mabilis namang kumilos si Caleb.

Inalalayan nya ang ama habang binabagtas nila ang hagdan.

Matapos ay hinatid nya sa mismong silid ng mga magulang.

"Salamat sa paghatid anak. " sabi ni Gabriel.

"Goodnight Dad. Salamat po sa payo. " wika ni Caleb.

Ngumiti si Gabriel at tinapik sa balikat ang anak.

"Mabait ang nobya mo anak. At sa nakikita ko, mahal na mahal ka rin nya. Wag ka lang magsasawa sa pagsuyo sa kanya at siguradong patatawarin ka rin non. Magkakaayos din kayo. " sambit nya.

Napangiti si Caleb.

Kahit papaano ay gumaan na ang kanyang pakiramdam.

Marahan syang tumango.

"Opo Dad. Salamat po. Pahinga na po kayo. " sabi nya.

Tumango si Gabriel.

"Matulog ka na rin. May pasok ka pa bukas di ba ? " tanong nya.

"Opo. Goodnight Dad. " sagot ni Caleb.

"Goodnight din anak. " wika ni Gabriel at binusak na ang pinto.

Akmang papasok na ang ama ng muling tawagin ni Caleb.

"D-dad. " tawag nya.

Nakangiting lumingon si Gabriel.

Pero natigilan sya ng makita ang mukha ng anak.

Tila punong puno ito ng agam agam at pagkabalisa.

Nagtaka si Gabriel.

"Anak ? " tanong nya.

Tumitig si Caleb sa mga mata ng ama.

"S-si Lola po. " sabi nya.

Natigilan si Gabriel ng marinig ang sinabi ng anak.

Hindi na kailangan pang magsalita nito.

Alam nya ang takbo ng lovestory ni Caleb.

At masakit para sa kanya ang tinatakbo nito.

Napahinga ng malalim si Gabriel at dahan dahang sinarang muli ang pinto.

Hinarap nya ang anak at hinawakan sa balikat.

"Nabanggit mo yang Lola mo. Di ba si Britney ang gusto nyang ipakasal sayo ? Kaya ba sya nandito ? " tanong nya.

Napakagat labi si Caleb.

"H-hindi ko po alam. D-dad, natatakot po ako. " sagot nya.

Kumunot ang noo ni Gabriel.

"Saan ? Saan ka natatakot ? " tanong nya.

Napatitig si Caleb sa mga mata ng ama.

"K-kay Lola po. Baka hindi po magustuhan ni Lola si Val. " sagot nya.

Natigilan si Gabriel.

Pinagmasdan nya ang anak.

Pagkuwa'y hinaplos ang pisngi nito.

"Anak. Tatanungin kita, dumating na ba sa puntong nanghimasok ako sa desisyon mo pagdating sa usaping pag ibig ? Ang Mommy mo ? nakarinig ka ba ng pagtutol sa kanya nung sinabi mong girlfriend mo na si Valerie ? " tanong nya.

Marahang umiling si Caleb.

"Never Dad. From the start naging supportive kayo sa mga decisions ko. Lalo na po sa amin ni Val. " sagot nya.

Ngumiti si Gabriel.

"Magulang mo kami, pero hindi kami nanghimasok sa mga desisyon mo dahil naniniwala kami ng Mommy mo na malaki ka na at may sapat ng pag iisip para alamin kung ano ang tama at mali. Pero syempre, nandito lang kami ng Mommy mo para gumabay sa inyong magkapatid. Kapag may tanong kayo, sasagutin namin basta kaya namin. Kung may kailangan kayo, ibibigay namin hangga't kaya namin. Ganyan namin kayo kamahal ng Mommy nyo. Lagi lang kaming nasa likod nyo at handang umalalay. " sabi nya.

Nangilid ang mga luha ni Caleb.

Wala sa loob na niyakap nya ang ama.

"S-salamat po Dad. Maswerte talaga kami ni Coleen sa inyo ni Mommy. " wika nya.

Hinaplos ni Gabriel ang buhok ng anak.

"Mas maswerte kami at kayo ang naging anak namin. Tatandaan mo ang sinabi kong ito anak. Para kung sakaling magkapamilya ka na, gawin mo rin kung ano ang sa tingin mong makabubuti para sa kanila. " sabi nya.

Tumango tango si Caleb.

"Opo Dad. Opo. " wika nya.

Napangiti si Gabriel.

Matagal na panahon na rin ng maramdaman nya ang yakap ng panganay na anak.

Sa twina ay si Coleen ang laging naglalambing sa kanya.

Palibhasa lalaki, nakokornihan na siguro si Caleb sa mga ganitong bagay.

Pero sya ay hindi, kung maaari nga lamang ay lagi nyang yayakapin ang kanyang mga anak.

..

Ilang saglit ding namayani ang katahimikan sa mag ama.

Nakasubsob lamang ang mukha ni Caleb sa balikat ng ama at ninamnam ang sandali.

Hanggang sa mapansin nya ang sitwasyon.

Nahihiyang kumalas ng yakap ang binata.

"S-sorry Dad. " sabi nya.

"For what ? " tanong ni Gabriel.

"Dyahe, baka sabihin nyo gay ako. " sagot ni Caleb.

Ngumiti si Gabriel.

"Gay ? Kabaklaan na ba ang ipakita mo ang pagmamahal mo sa Daddy mo ? " tanong nya.

Napangiti si Caleb at muling niyakap ang ama.

"Sinong bading ? " biro nya.

Nagtawanan ang dalawa.

Tinapik ni Gabriel ang balikat ng anak.

"Sige na at matulog ka na. Anong oras na oh. " sabi nya.

Kumalas ng yakap si Caleb.

"Thank you po ulit Dad. Dabest ka talaga, kayo ni Mom. " wika nya.

Ngumiti si Gabriel at ginulo ang buhok ng anak.

"Kahit katiting hindi ako nagduda na kaya mong alagaan ang Mommy at kapatid mo nung iniwan ko kayo. " sabi nya.

Napakamot sa batok si Caleb.

"Pero wag nyo na po uling gagawin yun Dad. Sama sama na tayo. Walang iwanan. " wika nya.

Natawa si Gabriel.

"Alam ko. Mali ako don. Hayaan mo, di ko na uulitin yun no. Di ko na ulit kayang mawalay sa inyo. " sabi nya.

Napangiti si Caleb.

"Pahinga na po kayo Dad. " taboy nya.

"Ikaw din, matulog ka na. " wika ni Gabriel.

Tumango si Caleb.

Hinawakan na ni Gabriel ang doorknob at pinihit sabay bukas ng pinto.

Pero bago sya tuluyang pumasok ay nilingon nya ang anak.

"Yung mga sinabi ko sayo anak. " sabi nya.

"Anu po yun Dad ? " tanong ni Caleb.

"Yung tungkol sa Lola mo ." sagot ni Gabriel.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Anong meron kay Lola ? " tanong nya.

Ngumiti si Gabriel.

"Kaming mga magulang mo ay hindi nanghihimasok sa relasyon ninyo ni Val dahil alam naming mabait sya at mahal na mahal mo sya. Gusto mo bang magkahiwalay kayo ni Val ? " tanong nya.

Mariing umiling si Caleb.

"Hindi po ! Ayaw ko po ! " sagot nya.

Ngumiting muli si Gabriel.

"Then fight for her. Kahit sino pa ang humarang. Kahit gaano pa karaming pagsubok ang dumating. As long as alam nyong mahal nyo ang isa't isa at nararamdaman ninyo ito, nothing in this world can stop you. Even your Lola Constance. " sabi nya.

Natigilan si Caleb ng marinig ang pangalan ng abuela.

Mabilis na gumuhit ang masungit nitong mukha sa kanyang imahe at di nya maiwasang magamba.

Pero pagdilat nya ay napatingin sya sa mukha ng ama.

May naalala sya.

"Dad. " tawag nya.

"Yeah ? " tanong ni Gabriel.

"Mahirap ka rin dati right ? " tanong ni Caleb.

Tumango si Gabriel.

"Yeah, galing akong probinsya at nakipagsapalaran lang dito sa Maynila. Nakilala ko ang Mommy mo ng minsan silang kumain ng friend nya sa fastfood na pinagtatrabahuhan ko. " sagot nya.

Napangiti si Caleb.

"Alam ko na po yang story na yan. Gusto ko lang pong marinig yung part na tinanan nyo si Mommy. " sabi nya.

Napangiti din si Gabriel.

"Na naman ? Di ka ba nagsasawa sa kwento ko ? Ginaya ko lang naman yun dun sa ginawa ng kaibigan ko sa probinsya. " natatawang kwento nya.

Umiling si Caleb.

"Never akong magsasawa. Gusto ko lang kayong gayahin kasi parang ang tapang tapang nyo po eh. " sagot nya.

Ngumiti si Gabriel at tinapik ang balikat ng anak.

"Kinukuha ko ang tapang ko sa Mommy mo anak. Sya ang lakas at kahinaan ko. " wika nya.

Napangiti si Caleb at namangha sa pagmamahal ng ama sa ina.

"Mahal na mahal nyo talaga si Mommy. " puna nya.

Ngumiti din si Gabriel.

"Higit sa buhay ko. Gagawi ko ang lahat para sa kanya. Para sa inyo. Ipaglalaban ko kayo kahit kanino, kahit pa sa Lola mo. " sabi nya.

Natigilan si Caleb.

"B-bakit di nyo na lang po sabihin kay Lola na wag na nyang ireto sakin si Britney ? Sabihin nyo po Dad na may girlfriend na ko. " tanong nya.

Napangiti si Gabriel.

"Eh di para mo na ring sinabi na ipaglaban ko si Valerie sa Lola mo ? Eh anong silbi mo ? " tanong nya.

Natulala si Caleb sa narinig.

Dahan dahan syang napayuko.

"P-parang di ko po kasi kayang salungatin si Lola. P-pero mahal ko po si Val. Ayaw ko na po syang masaktan at umiyak. T-tulungan nyo po ako Dad. " bulong nya.

Napahinga ng malalim si Gabriel.

"Anak, walang payo ang makakatulong sayo kung ikaw mismo ay aminadong hindi mo kayang salungatin ang Lola mo. Hindi nya kaligayahan ang nakasalalay dito kundi sa inyo ni Valerie. Ipaglaban mo sya anak. " sabi nya.

Natahimik si Caleb.

Sari saring emosyon ang kanyang nararamdaman.

Pero mas nangingibabaw dito ang pangungulila kay Valerie.

Naalala nya ang abuela.

Ayaw nyang magalit ito sa kanya.

Natatakot sya.

Lumaki sila ni Coleen na ilag dito.

Sa twing galit ang kanilang Lola, lagi silang nagtatago sa kwartong magkapatid at pahuhupain ang galit nito.

Lahat ng utos nito ay kanilang sinusunod.

Kahit pa ang pagkakasundo nito sa kanya at kay Britney nuon.

Labag man sa loob na mag asawa ng maaga, tinanggap na nya sa sistema ang utos ng Lola.

Pero nuon iyon.

Nuong hindi pa nya nakikilala ang babaing nagpapabilis ng tibok ng kanyang puso sa simpleng pagngiti lamang nito.

Dahan dahang tumingin si Caleb sa ama.

"Dad. I can't lose Val. Mahal na mahal ko sya. " sabi nya.

Ngumiti si Gabriel.

"Then fight for her. Kung alam mo sa sarili mong hindi mo sya kayang ipaglaban, ano pang silbi ng sasabihin ko ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb.

Tila narinig na nya ang mga katagang iyon.

Unti unti syang napangiti ng maalala si Romeo.

"Yes Dad. I'll fight for her. Mahal ko si Val at ayaw kong mawala sya sa akin. Sapat na ang boto kayo nina Mom at Coleen sa kanya. Kung hindi sya matanggap ni Lola, bahala sya. " sabi nya.

Natawa si Gabriel.

"That's my son. Matulog ka na. Kanina pa tayo nakatayo dito. Nangangalay na ko. " biro nya.

Natawa din si Caleb at niyakap ang ama.

"Thanks Dad sa usap. Gumaan po ang pakiramdam ko. " wika nya.

Tumango lang si Gabriel.

"Anything for you anak. Goodnight. I love you. " sabi nya.

"I love you too Dad. Salamat po ulit. " wika ni Caleb.

Ngumiti si Gabriel at tuluyan ng pumasok sa silid.

Napangiti na lang din si Caleb at tinungo ang sariling kwarto.

- - - -

Sa di kalayuan, dahan dahang sinara ni Britney ang pinto.

Tinakbo nya ang kama at sinubsob ang mukha sa unan.

Duon nya ibinuhos ang emosyon na kanina pa pinipigilan.

Katatapos lamang nyang maligo at magtitimpla sana sya ng gatas ng marinig ang pag uusap ng mag ama.

Hindi nya gustong makinig sa mga ito, pero tila may kung anong pwersa ang humahatak sa kanya para manatili.

Ngayon ay nagsisisi sya.

Akala nya ay maibabalik pa sa dati ang pagmamahal ni Caleb sa kanya.

Ngunit sa narinig nya sa mga sinabi nito sa ama, mukhang malabo na talaga iyon.

Mahal na mahal nito si Valerie.

Tuluyan ng naisara ang posibilidad na magkabalikan pa sila ni Caleb.

..

Napahagulgol si Britney.

Masakit sa kanya ang bagay na iyon.

Kung kelan pa naman nya napagtantong mahal nya ang binata.

Sayang.

Napakalaki ng kanyang pagsisisi dahil sa nagawang kasalanan.

Huli na ang lahat.

May mahal ng iba ang binata.

At wala na syang magagawa pa.

Pero wala nga ba ?

Natigilan si Britney.

Bumalikwas sya ng bangon at mabilis na hinagilap ang cellphone.

Agad nyang tinipa ang numero ng partikular na tao.

Nag iisa na lang ang kakampi nya.

At kailangang maipaalam nya dito ang mga balak ni Caleb.

Nakailang ring muna bago may sumagot.

Kinalma muna ni Britney ang sarili bago nagsalita.

"Hello Lola. " bungad nya.

ITUTULOY !!!