1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Syam na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Syam na Pahina

By supertoyantz ·

Ika Apatnapu't Syam na Pahina

Pupungas pungas na lumabas ng silid si Coleen.

Dire diretso sya sa silid ng mga magulang.

Nakailang katok na sya ngunit wala pa ring sumasagot hanggang sa magpasya ang dalaga na buksan na ang pinto.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"Nasan yung mga gurang ? " tanong nya sa sarili.

Muli nyang hinatak ang pinto pasara at naglakad patungo sa hagdan.

Nasa bukana na sya ng masalubong ang kanilang katulong na si Lisa.

May hawak itong tray na naglalaman ng pitsel ng juice at dalawang tasang kape.

"Nasan sina Mommy ? " tanong nya.

Ngumiti ang babae at nginuso ang pool.

"Nandun po Senyorita. Dun daw po sila mag be-breakfast ng Daddy nyo. " sagot nito.

Tumango tango si Coleen.

Napatingin sya sa hawak ng katulong.

"Ate, ako ng magdadala ng pitsel. Baka matapon eh. " wika nya.

Nahihiyang umiling si Lisa.

"A-ay di na po Senyorita. Ako na po. " tanggi nya.

Pinilit ni Coleen ang ngumiti.

"It's okay. Mas mabuti na ito kaysa matapon. " sambit nya.

Walag nagawa ang babae kundi huminto para ibigay ang pitsel sa dalaga.

Kinuha naman ni Coleen ang pitsel at nagpauna na syang naglakad patungo sa pool area.

..

Tulad ng sinabi ng kasambahay, naabutan ni Coleen na sinusubuan ng kung ano ng kanyang ang amang tumatawa lang.

Napangiti ang dalaga.

Tahimik syang lumapit sa dalawa at nilapag ang pitsel sa mesa.

"Ang aga aga, PBB teens kayo. " biro nya.

Napatingin si Harriet sa anak.

"Aba, gising na ang prinsesa. Himala sa lahat ng himala. " ganting biro nya.

Nagtaka si Gabriel.

"Why ? Anong nakakagulat don mahal ? " tanong nya.

Ngumiti si Harriet.

"Ang pinakamaagang gising nyan ay ala una ng hapon. " sagot nya.

Napasimangot si Coleen sabay salampak ng upo sa harap silya.

"Mommy naman eh. " reklamo nya.

"Oh bakit ? May mali ba sa sinabi ko ? " tanong ni Harriet.

Ngumuso lang si Coleen sabay dampot ng tinapay.

Sumingit naman sa usapan si Lisa.

"Ma'am, eto na po ang kape nyo. " sabi nya sabay lapag ng dalawang tasa.

Ngumiti si Harriet.

"Oh thank you Lisa. Nag almusal na ba kayo ? Kumain na rin kayo ha ? " sabi nya.

Tumango tango si Lisa.

"Opo Ma'am. Sige po. " sambit nya sabay naglakad na palayo.

Napatingin si Gabriel sa babae.

"Nababaitan ako sa batang yan. Nakikita ko sa kanya si Amy. " wika nya.

Naningkit ang mga mata ni Harriet.

"Ows ? Baka naman nagagandahan ka ? Aba Gabriel, baka gusto mong tuluyang malumpo ? " banta nya.

Humagikgik si Coleen ngunit di sya nagsalita.

Natutuwa syang pagmasdan ang paglalambingan ng mga magulang.

Natawa na lang si Gabriel.

"Mahiya ka nga sa sinasabi mo Harriet. Naririnig ka ng anak mo. " saway nya.

"Sinasabi ko lang. " nakangusong katwiran ni Harriet.

Natatawang inakbayan ni Gabriel ang asawa.

"Pero yung totoo, natutuwa ako sa batang yon. Nuong nakaraan, nahuli ko syang nagbabasa sa library. Masasabi kong interesado syang matuto. Ilang taon na nga sya ? " tanong nya.

Napaisip din si Harriet.

"Come to think of it. Nakita ko rin syang binabasa yung mga reports ko from office. Ang pagkakaalam ko, she's 24 na. High school graduate. Why Mahal ko ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Gabriel.

"Napansin ko lang naman. Alam mo namang di ako nakatapos ng pag aaral di ba ? Dahil si Amy ang pinag tuunan ko ng pansin. " wika nya.

Sumingit na si Coleen.

"So anong pino-point out nyo Dad ? " tanong nya.

Pinilig ni Gabriel ang ulo.

"Masakit lang sakin makita na ang isang taong interesadong matuto ay hindi mabigyan ng pagkakataong patunayan ang sarili nya. Habang may ibang batang nasa kanila na ang lahat, pero sinasayang lang. " malungkot na sagot nya.

Nagkatinginan ang mag ina.

Pagkuwa'y napangiti si Harriet.

"So you're suggesting na pag aralin natin si Lisa ? " tanong nya.

Natigilan si Gabriel.

Ngumiti pero napailing.

"G-gustuhin ko man, wala na akong natitirang ipon. Nagamit ko na sa pagpapagamot. " mahinang sabi nya.

Mahigpit na niyakap ni Harriet ang kabiyak.

"Ano bang sinasabi mo ? May account ka sa bangko di ba ? " paalala nya.

Napangiti ng kimi si Gabriel.

"Isinuko ko na iyon sa Mama mo ng bumalik ako dito sa Pilipinas. " imporma nya.

Natigilan si Harriet.

"Pero ipon mo yon mahal. Pinagtrabahuhan mo yon sa kumpanya ! Bakit mo binalik ? Pera mo yon ! " gulat na sabi nya.

Natawa si Gabriel.

"Anong gagawin ko sa perang yon ? Baka yun pa ang maging dahilan para sumbatan ako ng Nanay mo. " mapait na wika nya.

Napatingin si Harriet sa asawa.

Nakaramdam sya ng di maipaliwanag na lungkot.

Napansin naman ito ni Gabriel kaya niyakap nya ang kabiyak.

"Ssshh, wag ka ngang malungkot. Pera yon ng kumpanya nyo, kaya binalik ko. Hindi na mahalaga sa akin ang perang yon dahil kasama ko na kayo dito. Ano pa bang hihilingin ko ? " nakangiting sabi nya.

Tumango si Coleen.

"Dad was right Mom. Although nakakapanghinayang, pero just the same. Mas gugustuhin ko na ring ibinalik yon ni Daddy kay Lola. Kesa naman may maisumbat pa sya kay Dad. Right Dad ? " tanong nya.

Napangiti si Gabriel sa anak.

"Hmm, mukhang tama ka mahal ko. Nagbabago na itong anak mo. " pang aasar nya.

Nanlaki ang mga mata ni Coleen.

"Dad ! " reklamo nya.

Napangiti na rin si Harriet.

"Sabi ko sayo eh. Hmm, tell me baby. Who's the lucky guy ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Coleen.

"What are you talking about Mommy ? " tanong din nya.

Napangiti si Gabriel.

"Ang sinasabi ng Mommy mo, sinong magaling na lalaki ang dahilan ng pagbabago mo. Aba, dapat pasalamatan natin yan. " biro nya.

"Yeah, kung di dahil sa kanya, brat ka pa rin hanggang ngayon baby. Sorry baby, pero talagang pasaway ka. " sambit ng ina.

Napasimangot si Coleen.

"Ewan ko sa inyo. " sabi nya sabay subo ng tinapay.

Nagkatawanan na lang ang mag asawa.

Binalingan ni Coleen ang ina.

"Mom, nasan po si kuya ? " tanong nya.

"Oh, maagang nagising ang kuya mo. Sinamahan nya si Britney. " sagot ni Harriet.

Natigilan sa pagkain si Coleen dahil sa narinig.

"Britney ? Sinamahan ? Where did they go ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Gabriel.

"Ang alam ko, may property ang Daddy ni Britney sa province. Pinapatingnan nya sa anak nya dahil marami din daw syang aasikasuhin dito sa Manila. Alam mo naman ang kuya mo. Alam nyang hindi sanay si Britney dito sa Manila, sa Province pa ? So nag offer syang samahan si Britney. " imporma nya.

Nagulat si Coleen.

"Oh, I thought pumasok na sya kaya wala sya. Yun pala magkasama sila ng bruha. " ngitngit na wika nya.

Nagkatinginan ang mag asawa.

"Anak, bakit mo naman tinawag na bruha si Britney ? " tanong ni Gabriel.

Napasimangot si Coleen.

"Sinaktan nya si Kuya, not once but twice ! Then may gana pa syang magpunta dito, para ano ? Para ituloy ang balak ni Lola na pakasal sila ni Kuya ? What for ? Eh di na sya mahal ni Kuya, si Val na ang mahal nya Dad. So meaning to say, ginugulo ni Britney ang love life ni Kuya. Ay di pala, buong buhay na ni kuya ang ginugulo nya. " dire diretsong sabi nya.

Napangiti ng kimi si Harriet.

Hinawakan nya ang kamay ng anak at hinaplos ito.

"Anak, naiintindihan namin ang galit mo kay Britney. Kahit naman kami ng Daddy mo, masama ang loob namin sa mga nangyari. Pero malaki na ang kuya Caleb mo. Kaya na nyang pangalagaan ang sarili nya lalo na kung sangkot dito ay feelings at buhay nya mismo. Sa tingin mo ba, papayag na lang ang kuya mo na saklawan ng kahit sino ang kaligayahan nya ? " tanong nya.

Natigilan si Coleen pero nanatili pa rin syang nakasimangot.

"Kahit na po Mom. Napakabait ni Kuya sa mga helpless and knowing Britney, sasamantalahin nya ang pagkakataon. Lalo na ngayong dalawa lang pala silang umalis. Kainis ! Dapat sinama nya ko eh ! Dapat kasi ginising nyo ko Mommy ! " paninisi nya.

Natawa si Gabriel at humigop ng kape.

"Anak, ginising ka namin. Twice. " imporma nya.

Napanganga si Coleen.

"W-wee ? " di makapaniwalang tanong nya.

Humagikgik si Harriet sabay tango.

"Hinatak pa nga ng Daddy mo ang paa mo. But still, you're holding the record of "The Queen of Sleep" Kahit ata sabugan ka ng bomba sa tabi mo, nakanganga ka pa rin. " biro nya.

Namula ang mga pisngi ni Coleen.

"Kainis ka Mommy. " tanging nasabi nya.

Natawa na lang ang mag asawa at nagpatuloy na sila sa pag aalmusal.

Pero muling sumingit si Coleen.

"Mom, what if malaman ito ni Val ? Na magkasama yung dalawa ? " tanong nya.

Natigil sa pagkain ang mag asawa at nagkatinginan.

Kapwa sila natahimik.

"S-siguro naman mauunawaan nya ang sitwasyon. " tanging nasabi ni Gabriel.

"I hope so. " wika ni Harriet.

Maging sya ay nangamba rin.

"K-kailangan ba nyang malaman ? " tanong ni Coleen.

Muling natahimik ang lahat.

- - - - - - - - - -

Matagal bago nakarecover si Valerie sa kanyang nasaksihan.

Ni hindi nya namalayan na kanina pa pala sya niyuyugyog ni Cheska.

"Huy, anyare ? Bebs ? Nasapian ka ? " tanong nya.

Tulalang napatingin si Valerie sa kaibigan.

"K-kakay ? " tanong nya.

Lalong napakunot noo si Cheska.

"Hindi, ako to. Si Tony Gonzaga. Ano bang nangyayari sayo ? " tanong din nya.

Di na nakapagpigil si Valerie.

Sinugod nya ng yakap ang kaibigan at humagulgol sa balikat nito.

Nagulantang naman si Cheska.

Bagama't hindi nya alam ang pinagmulan, ginantihan na lamang nya ng yakap ang kaibigan.

Mabuti na lamang ay walang gaanong dumadaan sa pwesto nila.

Mangilan ngilan lamang ang estudyanteng nag paparoo't parito at hindi nya masisisi ang mga ito kung mapatingin sa kanila.

Pero wala syang pakialam.

Hinagod hagod nya ang likod ng kaibigan at pilit itong inalo.

"Ssshhh, okay lang yan Bebs. " bulong nya.

Ilang minuto, tumigil sa pag-iyak si Valerie at marahas na pinunasan ang mga luha.

"K-kakay, tara na. Late na tayo. " mahinang sabi nya.

"Okay ka na ba ? Ano bang nangyari ? " tanong ni Cheska.

Malungkot na umiling si Valerie.

"H-hindi ako okay Kay, pero kailangan ko munang magpanggap. M-may pasok pa tayo. " sagot nya.

Napatango tango si Cheska at inalalayan ang kaibigan.

"S-sige. Basta kapag di mo na kaya, mag excuse na lang tayo kay Ma'am. Sasamahan kita Bes. " sambit nya.

Ngumiti ng malungkot si Valerie at niyakap ng mahigpit ang dalaga.

"T-thank you. Sobrang thank you talaga bes at nandyan ka lagi. " bulong nya.

Numigit lang din si Cheska.

"Oh tama na, yung sipon mo. " biro nya.

Pero di natawa si Valerie at nagpatuloy na sa paglalakad.

- - - - - - - - - -

Alumpihit si Britney habang nakaupo.

Kanina pa sya di mapakali.

Napansin naman ito ni Caleb kaya binagalan nya ang pagpapatakbo sa sasakyan.

"Is there any problem ? " tanong nya.

Ngumiti ng kimi si Britney.

"N-nothing. J-just drive. " bulong nya.

Pero muli syang nagsalita.

"Sana binisita mo man lang sya. " wika nya.

Napatingin si Caleb sa dalaga.

"Akala ko nagmamadali tayo ? Saka oras ng klase nila, malapit lang naman ang pupuntahan natin right ? 1 - 2 hours lang nandun na tayo, tulad ng napag usapan natin, iiwan muna kita para asikasuhin ang mga dapat mong asikasuhin then babalik ako ng Manila to fetch Valerie. Di ba ? Wag mong sabihing umaatras ka na sa usapan natin ? Sabi mo makikipag kasundo ka na sa kanya ? " sabi nya.

Nagkandailing iling si Britney.

"Of course not, tuloy pa rin ang plano. Makikipag bati na ako sa kanya para maging okay na kami. " malungkot na wika nya.

Napangiti ng maluwang si Caleb.

"That's my girl. " sambit nya.

Pero alumpihit pa rin si Britney.

Di nya alam kung dapat bang sabihin sa binata na nakita nyang nakita na sila ni Val kanina.

"M-maybe you should call her. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"As if you didn't know. Naiwan ko yung phone sa bahay di ba dahil sa pagmamadali. " paalala nya.

"Di mo ba talaga kabisado ang number ni Val ? " tanong ni Britney.

"Kanina ko pa nga pilit inaalala. Nakakainis nga eh. " sagot ni Caleb.

Lalong di mapakali si Britney.

"Si Coleen ? Si Mommy mo ? Wala ka man lang kabisado kahit kanino sa kanila ? " tanong nya.

Napakamot sa batok si Caleb.

"Ewan ko ba, lately nagiging makakalimutin ako. Memory gap. " sagot nya.

Napahinga na lang ng malalim si Britney.

Di sya mapakali dahil naalala nya ang mukha ni Valerie.

Siguradong magagalit ito oras na malamang magkasama sila ni Caleb.

- -

Napatingin ang binata sa katabi.

"Are you hungry ? Sabi ko sayo mag heavy breakfast na tayo eh. Di ako sanay na tinapay lang ang kinakain sa umaga eh. Come on, habang di pa tayo nakakalayo. " aya ni Caleb.

"S-sige. P-pasensya ka na ha ? " wika ni Britney.

Ngumiti si Caleb.

"Oh no it's okay. There, let's have breakfast there. Kumakain ka ba ng fastfood ? " tanong nya.

Marahang tumango si Britney.

"O-of course. " sagot nya.

"Kilala mo ba yang Jollibee? Walang ganyan sa Madrid. " biro ni Caleb.

Ngumiti lang si Britney.

"N-nakakain na ko dyan no. O-once pa lang. " wika nya.

Natuwa naman si Caleb.

"Really ? Great. Tara. I'm starving. " sambit nya at pinark ang sasakyan.

- -

Ilang sandali lang ay magkatapat ng naupo ang dalawa.

Nasa harap nila ang inorder na pagkain.

Nagsimula na si Caleb na lantakan ang mga binili nya dahil sa gutom.

Halos saglitin nya lang ang isang burger ng mapatingin sa dalaga.

"Hey, bakit di ka kumakain ? Don't you like the food ? " tanong nya.

Napangiti ng kimi si Britney.

"Oh no, it's okay. Di talaga ako kumakain ng marami sa umaga. As if you didn't know that. " sabi nya.

Nagkibit balikat lang si Caleb.

"You also know that I hate it. Di kita maintindihan eh. I mean, look at you, ang sexy sexy mo para maconcious sa figure mo. Konting carbs at fats lang to. " wika nya.

Napangiti si Britney.

"Sexy ako ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Wow, kala mo naman di nya alam. " sagot nya.

Ngumiti si Britney.

"Syempre, masarap pa ring marinig sa iba. Lalo na sa lalaking maha- " pinutol nya ang sasabihin ng maalala ang sitwasyon nila ng binata.

Napangiti lang si Caleb.

Binaba nya ang kinakaing burger at pinunasan ang bibig gamit ang tissue.

Pagkuwa'y pinakatitigan ang dalaga.

"You are beautiful. Inside and out. " puri nya.

Natawa ng bahaw si Britney.

"Outside maybe. But inside ? I doubt. Maraming taong galit sakin. I don't even have friends. " malungkot na sabi nya.

Nakaramdam ng awa si Caleb sa dalaga.

Wala sa loob na hinawakan nya ang kamay nito.

"I am your friend. Di pa ba ko sapat ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim si Britney.

"I don't want you to be my friend. " wika nya.

Ngumiti si Caleb at dahan dahang inalis ang kamay.

"But you have to accept the fact that we cannot be more than friends. " sabi nya.

Nangilid ang mga luha sa mata ni Britney.

Tumingala sya para pigilan ito.

"I k-know. I know. " bulong nya

Muling hinawakan ni Caleb ang kamay ng dalaga.

"Brit, look at me. " tawag nya.

Alumpihit na napatingin si Britney sa binata.

Ngumiti si Caleb.

"We are not meant to be. Hindi na ako nagagalit dahil sa ginawa mo, kundi nagagalit ako sa ginagawa mo sa sarili mo. Look at you, you are so beautiful and smart. Maraming lalaki ang magkakandarapa sayo. " wika nya.

Muling nangilid ang mga luha sa mata ni Britney.

"But I want you. " bulong nya.

"Pero hindi pwede. And you have to accept it. Just be happy for me. " sabi ni Caleb.

Naiyak na ng tuluyan si Britney.

Walang nagawa si Caleb kundi yakapin na lamang ang dalaga.

- - - - -

Ilang minuto ang lumipas, biglang may nagsalita sa kanilang tabi.

"What the fuck ? Kulang pa ata ang ginawa namin sayo punyeta ka. " wika ng boses.

Napatingin si Caleb sa pinanggalingan ng boses at nagulat sya ng makita ang galit na mukha ni Romeo.

Napatingin din si Britney sa nagsalita.

Una nyang napansin ang gulo gulong suot nito pero hindi nito kayang takpan ang isang katotohanan.

Napakagwapo ng binatang bagong dating.

Tumayo si Caleb para batiin sana ang binata pero nagulat siya ng hawakan sya ni Romeo sa kwelyo at iangat ng walang kahirap hirap.

"K-kuya Rom. " takot na sabi nya.

Naningkit ang mga mata ni Romeo.

"Hindi kita kaano ano Caleb, kakikilala ko lang din sayo. Respeto sa magulang mo, pero babasagin ko ang mukha mo. " madiing wika nya.

Mabilis na humarang si Britney.

"H-hey, what are you doing ? Bitawan mo sya ! " away nya.

Ngunit hindi natinag ang binata.

Bumwelo na sya para undayan ng suntok ang si Romeo ng magsalita si Caleb.

"I love Valerie so much at wala akong gagawing kahit ano para saktan sya. Hindi ko kailangang magpaliwanag sayo kuya Rom, pero mukhang di na kita mapipigilan. Alam kong nagagalit kasi akala mo ay sinasaktan ko si Val, pero nagkakamali ka. " bulong nya.

Natigil sa ere ang kamao ni Romeo.

"Anong ginagawa nyo dito ? Sino yan ? " tanong nya sabay baling kay Britney.

Napaatras ang dalaga sabay tago sa likod ni Caleb.

Ngumiti lang ang binata.

"My ex and a friend. " sagot nya.

"Anong ginagawa nyo dito ? " tanong ni Romeo.

"Kumakain. " kalmadong sagot ni Caleb.

Tumaas ang isang kilay ni Romeo.

Napangisi sya ng unti unting makita ang sitwasyon.

Binitawan nya si Caleb at inayos ang kwelyo nito.

"Hmm, kanina pa kayo ? " tanong nya.

"Kadarating lang namin. " sagot ni Caleb.

"Where's Val ? " tanong ni Romeo.

"Nasa school. " sagot ni Caleb.

Tumango tango si Romeo.

Naupo sya sa bakanteng silya sa tabi ni Britney.

"Walang fries ? Pabili naman pre. Wala pa akong almusal tangna. " wika nya sabay nilantakan ang spaghetti ng dalaga.

Natawa si Caleb.

"Gago, bayad mo ? " tanong nya.

Napakamot sa batok si Romeo sabay kapa sa bulsa.

"I forgot to bring money. Sige na, charge mo na lang kay Tabar. " sagot nya.

Natawa lalo si Caleb.

"Oh bakit kay Tabar ? Anong kinalaman nya dito ? " tanong nya.

Ngumisi si Romeo.

"Basta, sya maraming pera samin eh. Haha " sabi nya.

Natatawang binalingan ni Caleb si Britney.

"Ikaw ? May gusto ka pang kainin ? " tanong nya.

Tulalang napailing na lang ang dalaga.

"W-wala na. " sagot nya.

Nagkibit balikat na lang si Caleb at dumiretso na sa counter.

- - - - -

Habang kumakain, napatingin si Romeo sa katabi.

Nahuli nyang nakatitig ito sa kanya kaya sumimangot ang binata.

"Bakit ka nakatitig ? Di ka ba sanay makakita ng gwapo ? " tanong nya.

Natigilan ang dalaga pagkuwa'y napangiti.

"N-nothing, magkakilala kayo ni Caleb ? " tanong nya.

"Hindi, ngayon ko lang sya nakita. " sagot ni Romeo.

Nagulat si Britney.

"H-ha ? Eh bakit mo sya kinwelyuhan ? " tanong nya.

"Eh kasi malandi sya. " sagot ni Romeo.

"W-what you mean ? " tanong ni Britney.

Nagtusok ng spaghetii si Romeo at inumang sa bibig ng dalaga.

"Ahhhh. " sabi nya.

Natigilan si Britney.

"W-wait. " wika nya pero makulit ang binata kaya wala syang nagawa kundi ibuka ang bibig at tanggapin ang sinusubo nito.

Ngumiti si Romeo at kinuha ang tissue.

Pinunasan nya ang bibig ni Britney.

"There, you look beautifuler. T-teka tama ba yung english ko ? " tanong nya.

Natawa si Britney.

"T-thank you. " tanging nasabi nya.

"Welcome. Ako naman ang magtatanong. " sabi ni Romeo.

Natigilan si Britney.

"A-about what ? " tanong nya.

Ngumiti si Romeo at sinulyapan si Caleb na kasalukuyang nakapila pa.

"Mahal mo pa ang ungas na yon no ? " tanong nya.

Natulala si Britney sa narinig.

Pagkuwa'y marahan syang ngumiti.

"B-bakit mo naman nasabi ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Romeo.

"Kitang kita ko sa mga mata mo. Wala namang mali sa magmahal, pero alam mo bang taken na sya ? " tanong nyang muli.

Napahinga ng malalim si Britney.

"I k-know. " pag amin nya.

Ngumiti si Romeo.

"Pero patuloy ka pa rin. Hanggang kailan ? " tanong nya.

"W-what you mean hanggang kailan ? " balik tanong ni Britney.

"Hanggang kailan mo pagmumukhaing tanga ang sarili mo ? Hanggang kailan mo pahihirapan ang puso mo ? Hanggang sa mag break sila ? Ganon ? Maghahangad ka ng isang bagay na alam mong ang magiging kapalit nito ay ang pagkawasak ng puso ng dalawa ? Tell me, ganyan ka ba ka selfish ? " tanong nya.

Nabigla si Britney sa narinig.

"How dare you to call me selfish ! You barely know me. Ni hindi mo nga alam ang pangalan ko. " sumbat nya.

Ngumiti si Romeo.

"Hindi ko kailangang malaman ang pangalan mo para sabihin ang mga bagay na obvious na naman in the first place. Tell me, mahal mo ba talaga si Caleb ? " tanong nya.

Naningkit ang mga mata ni Britney.

"I don't need to answer that. " sagot nya.

"Yes, hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko. Pero alam kong sasagutin mo pa rin yan in 5 seconds. " kampanteng sabi ni Romeo.

"Hah ! manigas ka ! " wika ni Britney.

Ngumisi si Romeo.

"5. " nagsimula na syang magbilang.

Ngunit nanatiling matigas si Britney.

"4" wikang muli ni Romeo.

"3" dagdag pa nya.

"2" dire diretsong sabi ng binata.

"1" sambit ni Romeo.

Ngunit hindi nagsasalita si Britney.

Hanggang sa magpatuloy lang sa pagbibilang ang binata.

"2, 3, 4. " sabi nya.

Natigilan si Britney.

Di nya napigilan ang pagngiti.

"Ang daya mo ! " bintang nya.

Natawa si Romeo.

"5. So tell me, mahal mo ba talaga si Caleb ? " tanong nya.

Napahinga ng malalim ang dalaga sabay tingin kay Caleb na kasalukuyang nakikipag usap sa crew.

Marahan syang tumango.

"Yes. " siguradong sagot nya.

"I can see that. Pero sa tingin mo ba, mahal ka nya ? " tanong ni Romeo.

Napayuko si Britney sa tanong.

Ngunit natigilan sya ng hawakan ni Romeo ang kanyang baba at marahan itong iangat.

Nagtama ang paningin nilang dalawa.

"May mahal ng iba si Caleb. And you have to respect that. If you love him, you have to let him go. " bulong nya.

Nangilid ang mga luha sa mata ni Britney.

"B-but I can't. It hurts so much. " garalgal na sabi nya.

"I know, sacrificing is so damn hard. Trust me, I've been there. Moving on is one the hardest things in life. Hindi ang pagpaparaya ang pinakamahirap gawin kundi ang pagkalimot sa mga alaalang naipon magkasama ninyong binuo. Hindi mo basta basta malilimutan yan. " masuyong wika ni Romeo.

Lalong naiyak si Britney.

Tama ang binata.

Napakahirap malimutan ng mga alaala nya kay Caleb.

Ito ang tanging lalaking nagmahal sa kanya na higit pa sa pisikal na anyo.

Wala na syang nagawa kundi ang umiyak na lamang ng umiyak.

Pero muling nagsalita si Romeo.

"Ssshh, crying make things easier. Pero hindi yan ang solusyon sa problema. Let me help you with that. First, you have to accept the fact na may problema talaga. Yun ay ang katotohanang wala na kayo ni Caleb. Kapag natanggap mo na yan hanapin mo ako para malaman mo kung ano ang second step. " bulong nya.

Nag angat ng mukha si Britney at napatitig sa binata.

Pero nanlaki ang kanyang mga mata ng salubungin ng mga labi nito.

Halos 5 segundong tumagal ang halik.

Pagkuwa'y tumawa bigla si Romeo.

"Patay. Inatake na naman ako ng sakit ko. Nawa'y kalimutan mo ang nangyari at harapin ang bagong umaga na may ngiti sa iyong mga labi. " nakangiwing sabi nya.

Tulala lang si Britney.

Eksakto namang dumating si Caleb.

"Oh ? Anyare ? Mukhang nagkakasiyahan kayo ah ? " tanong nya.

Napangiwi si Romeo at inagaw ang fries.

"Salamat sa libre pare. Gora na ko. " sagot nya.

"Oo nga pala, bakit ka nandito ? Wala ka bang klase ? " tanong ni Caleb.

"Meron nga, pero don't worry, 8 pa naman ang first subject ko. " nakangiting sabi ni Romeo.

Napatingin si Caleb sa relos.

"But it's 8:14 na. 14 minutes ka ng late. " imporma nya.

Natulala si Romeo.

"P-pero 7:52 lang kanina sa phone ko. " sabi nya.

"Engot, anong feeling mo ? Humihinto ang oras ? Kanina ka pa kaya dito ! Syempre gagalaw yung oras no. " natatawang wika ni Caleb.

Napanganga si Romeo at sumubo ng fries.

"May point ka. Oh sige guys, gora na talaga ko. Hoy Caleb, alagaan mo si Miss Tisay. Kita mo, tulala pa oh. " nakangiwing turo nya at nagmamadaling lumabas ng fast food.

Napailing na lamang si Caleb at binalingan ang dalaga.

Tama si Romeo, tulala nga ito.

"Huy, anyare sayo ? " tanong nya.

Pero hindi sumagot ang dalaga, bagkus ay sinundan nya ng tingin ang tumatakbong binata sa labas ng salaming dingding.

Wala sa loob na napahawak sya sa kanyang mga labi.

Pagkuwa'y dahan dahang napangiti.

ITUTULOY !!!