1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Walong Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Apatnapu't Walong Pahina

By supertoyantz ·

Ika Apatnapu't Walong Pahina

"Maglalayas ulit ako. " matigas ngunit determinadong sagot ni Caleb.

Natigilan si Coleen sa narinig mula sa kapatid.

Napaawang ang kanyang labi tanda ng kabiglaan pero walang tinig na lumabas.

Hanggang sa mapahinga na lamang sya ng malalim.

Sinandal nya ang ulo sa balikat ng kapatid.

"Ayaw ko ng iwan mo ko kuya, pero I think it's for the best. Mas gugustuhin ko na sigurong magkalayo tayo, kesa naman pilitin ka nilang gawin ang bagay na hindi mo naman gusto. " malungkot na wika ni Coleen.

Napangiti ng tipid si Caleb.

Hinalikan nya ang buhok ng kapatid.

"It's ok. Everything will be fine. Magpapalit na rin siguro ako ng number since na alam na rin ni Lola itong number ko. Don't worry, ikaw ang una kong tatawagan if ever na magpalit ako. " sabi nya.

Tumango tango si Coleen.

Wala syang masabi dahil sa awa sa kapatid.

Hanggang sa maalala nya si Valerie.

"P-pano si Val kuya ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb ng maalala ang kasintahan.

Ito pa ang isa nyang problema.

Dinampot nya ang cellphone na nakapatong sa side table at pinakita sa kapatid.

"Ang dami ko ng texts sa kanya. I called so many times but still, wala pa ring response. Ayaw kong sabihing napapagod na ko hon, pero sa tingin ko, uunahin ko munang harapin ang problema ko kay Lola. " tanging nasabi nya.

Nag angat ng tingin si Coleen.

Kita nya ang malungkot na mga mata ng kapatid.

"Pero karapatan nyang malaman kung ano ng nangyayari sayo. Kailangan nyang malaman. " sagot nya.

Ngumiti si Caleb.

Ngunit ang ngiting ito ay hindi umabot sa kanyang mga mata.

Marahan syang umiling habang hinahaplos ang pisngi ng kapatid.

"Not now. Malapit na ang play ng section namin. Kailangang mag focus ni Val sa studies nya. Hindi makakatulong sa kanya kung dadagdag pa ako. " wika nya.

"Bakit mo naman sinasabi yan ? Saka kala ko ba papasok ka na ? " tanong ni Coleen.

Tumango si Caleb.

"Yeah, papasok ako. Kasama ako sa play. " nakangiting sagot nya.

"Wee ? Kasama ka ? " tanong muli ng dalaga.

"Yup. Saling pusa. " natatawang wika ni Caleb.

Napangiti din si Coleen.

"Sali din ako. " sabi nya.

"Haha, nakiusap na nga lang sina Val at Kakay na ipasok ako, tapos sasali ka rin ? Saka masungit yung leader nila eh. " wika ni Caleb.

Napanguso si Coleen.

"Sali ako ! Sali ako ! " sambit nya.

Napangiwi si Caleb.

"Yan ka na naman. Ilang ulit ko bang sinabi sayo na tigilan mo na yang ganyang ugali mo ? Hindi lahat ng tao kayang sakyan yang pagiging bossy mo sis. Paano ka magkaka boyfriend nyan ? Or kung magka boyfriend ka man, for sure gagawin mo lang under de saya. " pang aasar nya.

Lalong napasimangot si Coleen.

"Ewan ko sayo kuya. Kapag nag boyfriend ako, makikita mo. " banta nya.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Caleb.

Seryoso syang tumingin sa kapatid na may halong pagbabanta.

"Nicoleen, anong usapan natin ? " tanong nya.

Humagikgik si Coleen.

"Alin ? Wala naman tayong usapan ah. " nakangiting pang aasar nya.

Napasimangot lalo si Caleb.

"Magtigil ka. Nagkasundo na tayo, pumayag ka. At saka ako ang kuya mo, makinig ka sakin. " utos nya.

"Pero matagal pa ko gagraduate ! Baka naman wala ng manligaw sakin. " reklamo ng dalaga.

"That will never happen. Look at you. Ang ganda ganda ng sister ko. Andaming lalaki ang nagkakandarapa sayo. Sa states man o kahit dito sa pinas. " sambit ni Caleb.

Napangiti si Coleen at niyakap ang kapatid.

"Syempre, kambal mo ko. Kapag nasabihan ako ng maganda, automatic gwapo ka. " biro nya.

Natawa si Caleb.

"Alam ko. Bale ang pinupuri ko talaga yung sarili ko. Pinadaan ko lang sayo. " ganting biro nya.

Natatawang kinurot ni Coleen ang tagiliran ng kapatid.

"Ewan ko sayo kuya. " sambit nya.

Nagtawanan sila.

Maya maya ay huminto si Caleb at nakangiting pinagmasdan ang kapatid.

"Really, kamukha mo talaga si Mom. Nakita ko yung pictures nya nung bata pa sya. Wag ka munang magbo-boyfriend ha ? " masuyong hiling nya.

Ngumiti si Coleen at niyakap ang kapatid.

"Opo kuya. Magtatapos muna ng pag aaral. " wika nya.

Napangiti ng maluwang si Caleb.

"Yan ang sister ko. After mong grumaduate ng college, pwede na. Pero syempre, ingat pa rin sa pipiliin mo. " sabi nya.

"Kuya talaga. Promise yan. Pero depende pa rin. " pahabol ni Coleen.

Tumaas ang isang kilay ni Caleb.

"Oh ano na naman yan ? " tanong nya.

Bumungisngis si Coleen.

"Kung si Kuya Rom ang manliligaw, naku, sorry na lang kuya. Sira ang promise ko sayo. Sasagutin ko talaga sya agad. " biro nya.

Lalong napasimangot si Caleb sa narinig.

Nagkandailing iling pa sya.

"WAG ! Wag si Kuya Rom ! Alam mo namang notorious chickboy yon ! " bulalas nya.

Natawa si Coleen.

"Alam ko. Pero anong magagawa ko ? Talagang crush ko sya eh. " sabi nya.

Napangiwi si Caleb.

Pero muling nagsalita si Coleen.

"Don't worry kuya. Joke lang yung sasagutin ko agad sya. Magtatapos muna ako ng college then saka ko sya sasagutin. " nakangising wika nya.

Natawa si Caleb.

"Kapal mo. Kala mo naman talaga nililigawan ka nya. " pang aasar nya.

"Liligawan nya ko, lalo na pag nag 18 na ko. Pero sabi ko nga sayo, di ko pa sya sasagutin kasi nagpromise ko sa kuya ko. " nakangiting sabi ni Coleen.

Napailing na lang si Caleb at hindi na kumontra sa kapatid.

"Speaking of College, talaga bang hindi sila pumayag ? " tanong nya.

Malungkot na umiling si Coleen.

"Yeah, sad nga eh. Kala ko pa naman makakatransfer na ko dito. Kailangan ko pa daw kasing mag exam don. Eh next month pa yon. Nakausap na ni Mommy si Tyang Amy. Mahihirapan na daw akong makalipat next month. Ayun, nag decide na lang sina Dad na tapusin ko muna yung highschool sa states. Then dito na lang daw ako mag college if gusto ko. " sagot nya.

"Sayang, kala ko makakahabol ka pa. " sabi ni Caleb.

Nagkibit balikat lang si Coleen.

"Yaan mo na kuya, ilang months na lang naman. Saka uuwi ako every end of the month. " wika nya.

Natawa si Caleb.

"Ano ? Ginawa mong Divisoria ang Spain ? " sambit nya.

Napalabi lang si Coleen.

"Ah basta, uuwi ako. " wika nya.

Ngumiti na lang si Caleb sabay haplos sa pisngi ng kapatid.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa.

Ilang minuto ang lumipas, sinilip ng binata ang kapatid at napangiti sya ng makitang nakapikit na ito.

Dahan dahang inayos ni Caleb ang pagkakahiga ng dalaga bago marahang kinumutan.

Saglit nyang pinagmasdan ang maamo nitong mukha.

Payapa at himbing na natutulog.

Napangiti ang binata.

"I love you sis. " bulong nya sabay halik sa noo ni Coleen.

Tumayo si Caleb para patayin ang ilaw.

Pagbalik nya sa kama ay tinabihan nya ang kapatid, pero muli rin syang napatayo ng may madaganang matigas na bagay.

Inalis ni Caleb ang kumot na tumatabing hanggang sa makita nya ang sariling cellphone.

Akmang ilalapag nya na ito sa kama ng maisip ang kasintahan.

Saglit na nagtalo ang kanyang isip kung itetext pa ba ito.

At nagwagi ang bahagi ng kanyang pagkatao pabor sa dalaga.

Mabilis na tumipa ng mensahe si Caleb.

Matapos isend, nilapag nya sa side table ang cellphone at nahiga na sa kama.

Pilit binalikan ang matatamis na sandali nilang magkasintahan, hanggang sa hilahin na rin sya ng antok.

..

Kinaumagahan.

Ang marahang pagkatok mula sa pinto ang nagpagising sa natutulog pang diwa ni Valerie.

Dahan dahan syang nagmulat ng mga mata.

Kumurap kurap habang marahang ginagala ang mata sa kadiliman ng silid.

Hanggang sa muling marinig ang pagkatok.

Unti unting sumiksik sa isip ni Valerie ang sitwasyon.

Akmang bababa na mula sa kama ang dalaga ng may maramdamang tila mabigat na bagay sa kanyang baywang.

Pagtingin nya ay di nya maiwasang magtaka ng may makitang kamay.

Inangat ng dalaga ang nasabing braso at sinino ang may ari.

Hanggang sa mapangiti ng makita ang matalik na kaibigan sa kanyang tabi.

Himbing itong natutulog.

Bahagya pang nakanganga.

..

Muli, narinig ni Valerie ang pagkatok.

Maingat nyang nilapag sa gilid ang braso ni Cheska pagkatapos ay iinot inot na bumaba mula sa kama.

Nilapitan nya ang pinto at marahang binuksan.

Bumungad sa kanya ang ina.

"Oh, baka malate kayo. " bungad nito.

Ngumiti si Valerie.

"Salamat po Nay. " paos na wika nya.

Saglit na tinitigan ni Aling Vicky ang anak.

Nag iwas ng tingin ang dalaga.

Ramdam na ang nanunuot na tingin ng ina at wala syang balak sagutin ang kung anumang itatanong nito.

..

Tila nakaramdam naman si Aling Vicky, sinilip nya ang loob ng silid at muling binalingan ang anak.

"Gisingin mo na rin si Kakay. Para makapag ayos na rin sya sa kanila. " sabi nya.

Tumango si Valerie.

"O-opo Nay. " sagot nya.

Muli, natahimik si Aling Vicky.

Bumuka ang bibig nito ngunit walang boses na namutawi sa mga labi.

Hanggang sa magpasya ang ina na tumalikod na lamang at sarilinin ang katanungan sa isip.

..

Napahinga ng malalim si Valerie.

Malakas talaga ang pakiramdam ng kanyang ina.

O marahil, lahat ng ina ay ganitong instinct lalo na pagdating sa mga supling.

Dahan dahan nyang sinara ang pinto.

Naglakad pabalik sa dating pwesto at tumabi sa natutulog na kaibigan.

Hinilot ni Valerie ang sentido.

Pakiramdam nya ay napakabigat ng kanyang pakiramdam.

Pinilig nya ang kanyang ulo at binalewala ang nararamdaman.

Tumitig sa pinto at nag isip.

"Kamusta na kaya sya ? " tanong nya sa sarili.

Napapitlag si Valerie ng makarinig ng tunog.

Dali dali nyang hinagilap ang pinaggalingan nito hanggang sa mapakagat labi ng makita ang cellphone.

Unti unting bumilis ang tibok ng puso ng dalaga ng makita ang pangalan ng binata.

Tila sagot sa kanyang katanungan ang text nito.

Excited na binuksan ni Valerie ang mensahe.

Di nya maiwasang mainis sa sarili dahil sa panginginig ng mga daliri.

"Good Morning baby. I love you and I will always love you no matter what. Just take care of yourself ha ? Lagi kang kakain ng marami. Syempre, toothbrush ang kasunod non. Haha, just joking. You have the sweetest lips in the world. The lips that I've been longing to kiss. I missed you so much baby. I hope maging Okay na tayo. :'( kasi nahihirapan na ko. " basa nya.

Nanikip ang dibdib ni Valerie.

Sari saring emosyon ang mabilis na pumupuno sa kanyang puso sa simpleng pagbabasa lamang ng mensahe ng nobyo.

Di nya na napigilan ang pangingilid ng mga luha.

Wala sa loob na dinala nya sa mga labi ang cellphone.

"I missed you too baby. Nahihirapan na rin ako. Don't worry, magiging okay na tayo. Mahal na mahal din kita. " naiiyak na bulong nya.

"Oh shet, sige pa Bebang. Daganan mo pa ko. Ohhhh, sige paaa. " ungol ni Cheska.

Nabigla si Valerie sa narinig.

Mabilis nyang pinahid ang mga luha sabay tawa ng mahina.

"N-nakakagulat ka naman. " bulong nya.

Sumimangot si Cheska.

"Ang aga aga, ampangit mo. " sabi nya.

Natawa na ng tuluyan si Valerie at pinalo ng unan ang kaibigan.

Gumanti naman ng palo si Cheska hanggang sa magtilian na lamang sila.

..

Tulad ng mga ordinaryong araw, sabay na naglalakad papasok ang magkaibigan.

Malapit na sila sa eskwelahan ng may mahagip ang mga mata ni Valerie.

Huminto sya sa paglalakad at kinalabit ang kasama.

"T-teka. " pigil nya sa kaibigan.

Huminto sa paglalakad si Cheska.

"Oh bakit ? Wag mong sabihing natatae ka ? Nandito na tayo eh. " reklamo nya.

"Gago, di ba van ni Caleb yon ? " turo ni Valerie.

Sinundan ni Cheska ng tingin ang tinuturo ng kaibigan.

Hanggang sa maging sya ay matigilan ng makita ang pamilyar na sasakyan.

"Parang nga. Di ko alam plate number nila eh. " sabi nya.

"Kabisado ko. Kanila yan. " sagot ni Valerie.

"Eh bakit nandito ? Ay baka nandyan si Caleb ! Papasok ata sya eh. " excited na wika ni Cheska.

Mabilis na umakyat ang enerhiya ni Valerie sa sinabi ng kaibigan.

Kung excited ito, lalo na sya dahil sya ang kasintahan.

Di na sya nagpakaipokrito pa, hinawakan nya ang kamay ni Cheska at malakas na hinatak papasok.

"Ay teka naman. " reklamo ng dalaga.

"Bilisan mo. " gigil na sabi ni Valerie.

Natawa si Cheska.

"Di halatang excited. Konting finesse naman iha. Ganyan na ba ang kabataan ngayon ? " biro nya.

Napasimangot si Valerie at kinurot ang braso ng kaibigan.

"Hindi, ganito ang kabataan ngayon. " sabi nya.

Natatawang nagpahatak na lamang si Cheska.

Di na nila napansin ang isang pares ng mga matang nakatingin sa kanila.

..

Malapit na sa classroom sina Valerie ng bigla syang huminto.

Nagulat si Cheska.

"Oh ? Anyare ? Bakit nag brake ka ? " biro nya.

Huminga ng malalim si Valerie.

"A-ayos lang ba itsura ko ? " tanong nya.

Akmang tatawa si Cheska.

Pero pinigil nya ito ng makita ang seryosong mukha ng kaibigan.

Ngumiti na lamang sya ng kimi.

"Bebang, nagsuklay ka ba ? Bakit ang gulo ng buhok mo ? May bakas pa ng laway dito sa pisngi mo. Anu ka ba namang bata ka. Kelan ka ba matututong maligo ? " biro nya.

Imbes na tumawa, binaling ni Valerie ang tingin sa ibang direksyon.

Kinakabahan sya sa muli nilang pagkikita ng binata.

Pero sa kabila nito, di nya maiwasang manabik.

Napangiti si Cheska.

Hinawakan nya ang kamay ng kaibigan.

"Bebs. " tawag nya.

Dahan dahang napatingin si Valerie sa dalaga.

Nasa mga mata ang alinlangan.

At kitang kita ito ni Cheska.

"Alam mo, maganda ka. Mabait pa. At yun ang nagustuhan ni Caleb. Kaya wag ka ng magpacute dyan at pumasok na tayo. Mamaya lang nandito na si Ma'am. Wala pa kong assignment sa Math. " bigkas nya.

"May assignment ako. Kumopya ka na lang sakin. " sabi ni Valerie.

Ngumiti ng masuyo si Cheska.

"Bebang. Di mo ba narinig ang sinabi ko ? Assignment sa Math. Nakalimutan mo ngang may sukli pa yung pamasahe natin dati sa jeep. Tapos gusto mong iasa ko sayo ang assignment ko ? Di ka ba nahihiya sakin ? " biro nya.

Natawa si Valerie at pinalo ang kamay ng kaibigan.

"Tado. " tanging nasabi nya.

Napangiti na lang si Cheska.

"Ako muna ang sisilip. " sabi nya.

"Sige. " pagpayag ni Valerie.

Lumingon si Cheska sa kaliwa, pagkatapos ay sa kanan. Sa taas at baba bago dahan dahang dinungaw ang ulo sa pinto.

Ginala nya agad ang mga mata ngunit hindi nya nakita ang pakay.

"W-wala sya dito Bes. " imporma nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

Sinilip nya ang silid para kumpirmahin ang sinabi ng kaibigan.

Agad na ginala nya ang mga mata sa buong silid.

May mangilan ngilan silang kaklase sa loob ngunit wala ang binata.

Nagtatakang napapasok sa kwarto ang dalawa.

Nilapag ni Valerie ang bag sa upuan sabay baling sa isang kaklase.

"D-dumating ba si Caleb ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ng babae.

Maya maya ay tumango ito.

"Ay oo, dumiretso sya sa faculty. Hinahanap nya si Ma'am Jean eh. " sagot nito.

Ngumiti si Valerie.

"S-salamat. " sabi nya.

Lumapit si Cheska sa kaibigan.

"Saan daw ? " tanong nya.

"Sa faculty daw. " sagot ni Valerie.

"Pupuntahan ba natin ? " tanong ni Cheska.

Napailing si Valerie.

"W-wag na. Hinatayin na lang natin sya dito. " sagot nya.

"Okay. " sambit ni Cheska.

Nilapag din nya ang bag sa upuan at mabilis itong binuksan.

Nilabas nya ang notebook sa math.

"Sinong may assignment sa Math ? Umamin kayo ! " sigaw nya.

Nagtawanan ang mga nakarinig.

Napailing na lamang si Valerie sa kaibigan.

"Kapal ng mukha mo. " tanging nasabi nya.

Pero hindi sya pinansin ng kaibigan dahil abala na ito sa pambubrusko sa iba nilang kaklase.

..

Lumipas ang ilang sandali.

Patapos na ang first subject nila ngunit walang Caleb na nagpakita.

Patingin tingin si Valerie sa pinto.

Nagbabaka sakaling sumulpot bigla nag binata.

Pero talagang wala.

Hanggang sa tumunog na ang bell tanda na tapos na ang first period.

Napabuntong hininga na lamang ang dalaga.

Saglit syang nag inat.

"Bebs. " tawag ni Cheska.

"Oh ? " tanong ni Valerie.

"Samahan mo ko, CR muna tayo. " sagot ni Cheska.

Nagkibit balikat si Valerie.

Sabay silang tumayo.

Dire diretsong lumabas ng silid at naglakad patungo sa hagdan.

Para makarating sa CR, kailangan nilang bumaba sa first floor.

Kahilera ito ng guidance office at principal's office.

Pagdating nila ay dire diretsong pumasok si Cheska.

Akmang papasok na si Valerie ng may mahagip ang kanyang mga mata.

Sinulyapan nya ang dulong pasilyo kung saan naruon ang Principal's Office.

Hanggang sa manlaki ang kanyang mga mata.

Nanduon ang kanilang Adviser na si Mrs. Senining.

Pero di ito nag iisa.

Kasama nito ang matagal na nyang nais makita.

"C-caleb. " bulong nya.

Kasalukuyang masinsinang nag uusap ang dalawa.

Pinagmasdan ni Valerie ang binata mula sa malayo.

Tila lalo itong gumwapo sa kanyang paningin.

Unti unting napangiti ang dalaga.

Ramdam nya ang mabilis na pagbalik ng kanyang enerhiya.

Hindi na sya pumasok sa CR, bagkus ay nagmasid na lamang sya sa pinto.

..

Ilang minuto ring nagtagal ang pag uusap ng kanilang guro at ng binata.

Hanggang sa lumabas ang isa pang may edad na babae.

Kilalang kilala nya ito.

Ito ang kanilang Guidance Councilor.

Kinausap nito ang kanyang nobyo.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Ano kayang pinag uusapan nila ? " tanong nya.

Di nagtagal ay nakangiting kinamayan ni Caleb ang guidance councilor.

Muli itong pumasok sa loob habang naglakad naman sina Caleb at ang kanilang guro.

Kakaway sana si Valerie.

Pero pinigil nya ang sarili dahil sa hiya.

Hinayaan na lamang nyang mapansin sya ng kasintahan.

Hinanda ang matamis na ngiti.

Winaksi na nya ang galit nya para dito at buong pusong pinatawad ang nobyo.

Ayaw na nyang pahirapan pa ang binata.

Dahil batid nyang hindi lang naman ito ang nahihirapan, pati na sya.

..

Excited na inayos ni Valerie ang buhok at uniform.

Para lamang mapanganga ng may lumapit na isang matangkad na babae sa dalawa at walang sabi sabing niyakap ito sa braso.

Saglit na nag usap ang mga ito hanggang sa kamayan ni Caleb ang kanilang guro.

Kinamayan din ng babae si Mrs. Senining.

Matapos ang maiksing pag uusap, naghiwalay na ang tatlo.

Naglakad sa hallway ang guro, patungo sa hagdan.

Alam nyang oras na ng pagtuturo nito.

Pero wala dito ang isip ni Valerie.

Kundi sa kanyang nobyo at sa kasama nitong babae.

Di na sya nakapag isip pa.

Dali dali syang tumakbo at tinahak ang daang tinungo ng dalawa.

Hanggang sa mapapadpad sya sa parking area kung saan nakahimpil ang Van ni Caleb.

Tila napako na sa kinatatayuan si Valerie.

Nais nyang sumigaw para tawagin ang pansin ng nobyo.

Pero lalo pa syang nabaliw ng bumukas ang tinted na bintana ng sasakyan at tumambad sa kanya ang mukha ng babae.

"B-britney. " wala sa sariling bulalas nya.

ITUTULOY !!!