1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampung Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampung Pahina

By supertoyantz ·

Ika Limampung Pahina

Mabagal na lumipas ang mga oras.

Nakatitig lamang si Valerie sa guro na nasa harap ng classroom.

Nakikita nyang bumubuka ang bibig nito.

Ngunit ni katiting na salita ay wala syang maintindihan.

Kanina pa nya nais umuwi at magmukmok, kung hindi nga lang paniguradong magtataka ang kanyang mga magulang.

Binaling na lamang ni Valerie ang atensyon sa pinto.

Marahan syang napahinga ng malalim ng muling maalala ang tagpong kanyang nasaksihan.

"Bakit sila magkasama ? S-saan kaya sila pupunta ? A-anong ginawa nila dito ? Bakit di man lang nya ako pinuntahan ? " wika nya sa isip.

Paulit ulit na mga tanong ngunit ni katiting ay wala syang ideya kung ano ang isasagot sa mga ito.

Mayroong mga hinalang nabubuo sa kanyang isipan pero mabilis nya itong winawaksi dahil ayaw nyang magkasala sa nobyo oras na sya'y magkamali.

..

Wala sa loob na pinagapang nya ang isang kamay sa bulsa ng palda.

Kinapa ang nag iisang laman nito, ang cellphone na bigay ni Coleen.

Kating kati na syang tingnan kung may text ang binata.

Pinipigilan lamang nya ang sarili dahil baka mahuli ng guro.

Ilang saglit ang lumipas, hindi na nakatiis si Valerie.

Pasimple nyang dinukot mula sa bulsa ang cellphone at sinulyapan.

Buong pag asang makakakita ng kahit anong mensahe mula sa nobyo.

Baka sinabi nito sa text ang dahilan kung bakit sila magkasama ng babaeng iyon.

Dahan dahan, sinulyapan muna ni Valerie ang guro.

Ng makitang abala ito sa pagsusulat ng kung ano sa pisara, pasimple nyang tinapunan ng tingin ang cellphone.

Buo ang pag asang makakakita ng kahit isang text.

Pero wala syang nakita.

Tuluyan ng bumagsak ang pag asa ni Valerie.

Parang gusaling bigla na lamang gumuho ang kanyang lakas.

Kung kanina ay may kaunti pa syang natitirang enerhiya, pero ng makita ang natitirang pag asa, tila nais na lamang nyang mahiga.

Napakagat labi ang dalaga.

Muli nya pang kinalikot ang cellphone.

Nagbabaka sakaling wala syang signal at delayed lamang ang mensahe ng nobyo.

Pero hindi, buong buo ang signal nito.

Dahil duon, tuluyan ng binalik ni Valerie ang aparato sa bulsa.

Tulala syang napatungo para itago sa iba ang kanina pa pinipigilang luha.

Ayaw sana nyang umiyak.

Pero hindi na nya kayang pigilin pa.

Hanggang sa maramdaman na lamang nya ang pag hagod ng isang kamay sa kanyang likod.

Nag angat ng tingin si Valerie at binalingan ang katabing si Cheska.

Malungkot itong nakangiti na tila nakikiramay.

..

"Ang pangit naman kung itatanong ko kung okay ka lang. Halata namang hindi. Pero sana, tiisin mo muna bes. Kahit hanggang matapos na lang itong klase natin. " request ni Cheska.

Dahil sa narinig, lalong naiyak si Valerie.

Pero sinunod nya ang payo ng kaibigan.

Kahit mahirap, pinigil nya ang pagluha.

Nag abot ng panyo si Cheska.

Hindi na nag dalawang isip pa si Valerie, mabilis nya itong kinuha at pinunasan ang mukha.

Eksakto namang narinig nila ang muling pagsasalita ng guro.

"So that's it for today. See you next week. " sabi nito.

Nagkatinginan ang mga estudyante.

Nagtaka sa sinabi ng guro.

Napangiti naman ang teacher at tumayo.

"Syempre, bibigyan ko kayo ng chance to prepare for the upcoming foundation day. Well actually, like you guys, marami din kaming ginagawa. Lalo na at alam nyo naman na may mahahalaga tayong guests. So, we are expecting that you are all prepared for this event. I heard na play daw ang nabunot nyo. Sa section ko kasi ay sabayang pagbigkas. So it's a bit easy compared sa gagawin nyo. But still, my students are practicing hard everyday. I guess, your're doing the same. Well, enough of this, good luck kids. Do your best. " sabi nya.

Isa isa nyang dinampot ang mga gamit.

Pero dahil sa marami ito, naisip nyang magpatulong.

Napatingin sya sa gawi nina Cheska.

Napakunot noo ng makitang tila nag uusap ito ng masinsinan.

"Uhm, Miss Calderon, pwede bang pabuhat ng bag ko ? " utos nya.

Ngunit dahil sa seryosong nag uusap ang dalawa, hindi agad narinig ni Kakay ang sinabi ng guro.

Kailangan pa syang tapikin ng kaklaseng nasa likod bago tumingin.

"Ano ba ? " tanong ni Cheska.

Nginuso ng kaklaseng lalaki ang teacher.

"Tawag ka ni Ma'am. Tsismisan kasi ng tsismisan. " biro nito.

Pinandilatan ni Cheska ang lalaki.

"Lul ! Wag ka ngang papansin. " taray nya.

Natawa ang lalaki.

Pero napaigtad si Cheska ng muling tawagin ng teacher.

"Ms. Calderon. Busy ka ? " tanong nito.

Dali daling napatayo si Cheska.

"M-ma'am, di po. " sagot nya.

Ngumiti ang guro.

"Pakibuhat naman itong bag ko. " sambit nya.

Natigilan si Cheska at pasimpleng sinulyapan ang kaibigan.

Tila nakaunawa naman si Valerie kaya kimi syang ngumiti at tinulak ang dalaga.

"Sige na Kay, ok lang ako dito. " bulong nya.

"S-sure ka ? " tanong ni Cheska.

Marahang tumango si Valerie.

Alumpihit na lumayo si Cheska at dinampot ang sinasabing bag ng guro.

Tiningnan nya muna ang kaibigan bago ganap na lumabas ng silid.

..

Malungkot na sinilid ni Valerie ang notebook sa kanyang bag.

3 teachers lang ang nagturo.

Nagsabi na ang iba na hindi na magtuturo sa araw na ito hanggang sa sumapit ang araw ng foundation.

Kung normal na sitwasyon, isa si Valerie sa mga matutuwa.

Pero hindi nga normal ang sitwasyon.

Dahil sa kawalan ng magagawa, lalo lamang syang nagkakaroon ng pagkakataong alalahanin ang mga nakita kaninang umaga.

Kahit anong pilit nyang iwaksi sa isipan ang eksenang iyon, talagang nagpupumilit itong sumiksik sa kanyang utak.

Pinikit nya ang mga mata dala ng nararamdamang pagkakahapo.

Pero nagkamali sya.

Lalong naging malinaw sa kanyang isipan ang imahe ng mukha ng nobyo.

Tila tukso pang sumagi sa kanyang utak ang katanungang kanina pa nya ayaw pansinin.

"A-ano na bang ginagawa nila ?. " bulong nya.

Puro masasamang eksena ang papalit palit sa utak ni Valerie.

Dahil sa labis na sama ng loob, di nya maiwasang muling mapaluha.

Hanggang sa may magsalita sa kanyang harap.

"V-val ? Are you okay ? " tanong ng boses.

Mabilis na nagmulat ng mga mata si Valerie.

Tumambad sa kanyang harap ang nag aalalang anyo ni Yohan.

Agad nyang inayos ang sarili.

Gamit ang panyo ni Cheska, mabilis nyang pinunasan ang mga luhang nagbabantang umagos sa kanyang mga pisngi.

Pilit syang ngumiti at binalingan ang binata.

"A-ayos lang. Bakit ? " tanong nya.

Napakamot sa batok si Yohan.

"W-wala. I j-just saw you crying. " sagot nya.

Umiling si Valerie.

"Ah, napuwing kasi ako. Ano ba yon ? " tanong nya.

Nginuso ni Yohan ang mga kaklase.

"Ready na sila para sa practice. Eh ikaw ? " balik tanong nya.

Natigilan si Valerie at nahihiyang napatingin sa mga kaklase.

Halos lahat ng mga ito ay nakatingin sa kanya.

"S-sige. " tanging nasabi nya.

"Uhm, wait na lang natin si Kakay then we're going. " wika ni Yohan.

Napakunot noo si Valerie.

"Going ? Saan ? " tanong nya.

Ngumiti si Yohan.

"Sa bahay. I decided na sa bahay na lang tayo mag practice. Mas okay yon kasi mas comfortable. Pwede pang umidlip yung iba if they want. " sagot nya.

Natigilan si Valerie.

Mas praktikal kung sa bahay nina Yohan gaganapin ang ensayo.

Mas malaya silang makakagalaw.

Napatingin sya sa binata.

"Hintayin na lang natin si Ches. " tanging nasabi nya.

Ngumiti si Yohan at marahang tumango.

"Sure. Guys, prepare na kayo. Hintayin na lang natin si Cheska then alis na tayo. " wika nya.

Isa isa namang naghanda ang mga kaklase nila.

Habang si Valerie ay nananatiling hati ang opinyon sa muling pagpunta sa bahay nina Yohan.

..

Bubulong bulong na naglalakad pabalik sa classroom si Cheska.

"Andaming utos. " inis na sabi nya.

Pagpasok nya sa classroom ay napatingin sa kanya ang mga kaklase.

"Ayan na pala sya eh. " wika ng isa.

Gumaya ang iba.

Napaatras si Cheska at takot na sumandal sa pinto.

"H-hindi ako ang may kasalanan. Wag ako. W-wag ang mura kong katawan. " arte nya.

Natawa ang lahat.

"Landi nito, tara na. Kanina ka pa namin hinihintay. " sambit ng isang kaklase.

Kumunot ang noo ni Cheska.

"Di ko alam na kung anong sinasabi nyo. Pero sige, since na nandito na ako. Tara na. San ba ? " biro nya.

Natatawang sumagot si Yohan.

"Sa bahay. " sambit nya.

Natigilan si Cheska.

"B-bakit ? " tanong nya.

Ngumiti si Yohan.

"Dun tayo mag practice. Para mas kumportable. " sagot nya.

"Huh ? Okay naman dito ah. " wika ni Cheska.

"Yeah, okay naman. Kaso pag nagutom tayo, kailangan pa nating bumili. Eh sa bahay, pwede naman tayong umorder na lang. Sagot ko na miryenda. " pagyayabang ni Yohan.

Napaismid si Cheska sabay naglakad patungo sa kaibigan.

"Oy Bebang, kina Yohan daw tayo. " sabi nya.

Marahang tumango si Valerie.

"Alam ko. " tanging nasabi nya.

"Alam mo, okay lang sayo ? " tanong ni Cheska.

Nagkibit balikat lamang si Valerie.

"As if naman na may magagawa ako. Saka tama si Yohan, mas tipid kung sa kanila na lang mag practice. Dito kailangan pa nating gumastos. " sagot nya.

"Eh paano yung nanay nya ? Saka yung mayayabang nyang pinsan ? Pano kung pagtripan na naman tayo ? " asar na tanong ni Cheska.

Napabuntong hininga si Valerie sabay tawag kay Yohan.

"Yohan. Saglit lang please. " tawag nya.

Agad namang lumapit ang binata.

"Yes ? Shall we ? " tanong nya.

Napasimangot si Cheska.

"Gusto mong mashawi ? Baka naman nandun na naman yung mga pinsan mo. " singit nya.

Napakamot sa batok si Yohan.

"Akala ko ba napatawad nyo na ko ? Napag usapan na natin yan di ba ? Nakahingi na ako ng sorry sa inyo sa bahay nina Val. " wika nya.

"Alam ko. Ikaw napatawad namin, pero yung mga pinsan mo. Neknek nila. " sabi ni Cheska.

"Hala, eh pano yan ? Nasa vacation yung parents ni Kuya Siege kaya sa bahay sya tumitira pansamantala. " imporma ni Yohan.

Naningkit ang mga mata ni Cheska.

Binalingan nya ang kaibigan at niyugyog.

"Ano Bebs ? Tuloy pa tayo ? " tanong nya.

Natawa ng marahan si Valerie at winaksi ang kamay ng kaibigan.

"Ang OA mo. Move on move on din pag may time. " sagot nya.

Natawa si Yohan.

Pero umismid lang si Cheska.

"Look who's talking. Sino kaya ang hirap mag move on ? Baka nakakalimutan mo, pinapahirapan mo pa rin si Caleb hanggang ngayon. " bulong nya.

Natigilan si Valerie sa narinig.

Tila may kung anong bagay sa kanyang kaloob looban ang nasaling ng kaibigan.

Ayaw nyang magalit.

Masakit.

Kaya wala syang nagawa kundi ngumiti na lamang.

Pero ang ngiting iyon ay lumabas na pilit at nagmukhang pagngiwi.

..

Tila nakaramdam naman si Cheska.

Kagat labi syang tumabi sa kaibigan at hinawakan ito sa kamay.

"S-sorry bes. " bulong nya.

Ngumiti ng kimi si Valerie.

"O-okay lang. Ano ? Tuloy natin ? " tanong nya.

"Sorry talaga. Sige, marami naman tayo eh. " sagot ni Cheska.

Ngumiti si Valerie at binalingan si Yohan.

"Tara na. Tawagin mo na sila. " sambit nya.

Agad namang tumango ang binata at isa isang tinawag ang mga kaklase.

Habang si Cheska ay mahigpit na hinawakan ang kamay ng kaibigan bilang pag hingi ng tawad sa kanyang nasabi.

- - - - - - -

"At last, we're here ! " sabi ni Caleb.

Maayos nyang pinark ang sasakyan sa tabi ng isang luma ngunit malaking bahay.

Hinugot ng binata ang susi at sinuksok sa bulsa.

Wala sa loob na hinaplos ang kanina pa nangangalay na batok.

Napatingin si Britney sa katabi.

Tinabig nya ang kamay nito at sya na ang humilot.

"Sorry honey, napagod ka ata ng sobra. " sabi nya.

Ngumiti lang si Caleb.

"It's okay. Uhm, t-teka dyan dyan. " request nya.

Inayos naman ni Britney ang paghilot.

"Here ? Okay na ba ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Thanks. I didn't know na may talent ka pala sa paghilot. " sagot nya.

Natawa si Britney at pabirong pinalo ang binata sa braso.

"Ang bilis mo namang makalimot ? Remember, ako ang humihilot sayo after mong maglaro ng football. " wika nya.

Napangiti si Caleb.

"Yeah. At hanggang ngayon, ang lambot lambot pa rin ng kamay mo. " puna nya.

Ngumiti si Britney.

"Alaga eh. " landi nya.

Napangiti na lang si Caleb.

Ayaw nyang pagkumparahin ang dalawang dalaga pero di nya maiwasan.

Malayo ang agwat ng dalawa.

Bagama't parehong maganda, kitang kita ang pagkakaiba.

Si Britney ang tipo ng babaeng maaaring ituring na prinsesa mula sa isang magarang kastilyo.

Makinis ang kutis at sadyang malambot.

Alaga sa kung anu anong pampaganda.

Halos buwan buwan nagtutungo sa derma para alamin ang lagay ng kutis nito.

Mapuputing ngipin na alaga din ng dentista.

Sosyal.

Napapalibutan ng magagarang alahas at mamahaling pabango.

Nagsusuot ng dekalidad na mga damit at alahas.

Kumpleto sa mamahaling gadgets.

Sunod sa luho.

Kabaligtaran ni Valerie.

Maganda ang dalaga.

Pero sa natural na paraan.

Tanging pulbos at simpleng lipstik ang kolorete sa mukha.

Magaspang ang kamay tanda ng pagiging masipag.

Simple lamang ang gamit na pabango pero di nya maintindihan kung bakit ayaw nitong tantanan ng kanyang ilong.

Hindi magarbo manamit, pero bawat isuot nito ay kaaya aya sa kanyang paningin.

Maputi ang ngipin, pero batid nyang walang dentista ang dalaga.

Lalong hindi ito kumukonsulta sa derma.

Malayo ang agwat.

Sadyang magkaiba.

Kung normal na lalaki ang tatanungin at papipiliin sa dalawa.

Aminado syang si Britney ang pipiliin.

Pero hindi sya.

Dahil hinding hindi paningin ang hahayaan nyang pumili.

Kundi puso.

At iisa lang ang kilala nito.

..

Winagayway ni Britney ang kamay sa harap ng binata.

"Huy, anyare ? " biro nya.

Tila nagising sa malalim na panaginip si Caleb.

Wala sa loob na napangiti sya.

"H-ha ? " tanong nya.

Natawa si Britney.

"Hala, day dreaming. Don't tell me sya na naman ? " tanong nya.

Lumuwang ang ngiti ni Caleb.

Ayaw nyang saktan ang dalaga pero ayaw nya ding magsinungaling dito.

Kaya marahan syang tumango.

Napangiti ng kimi si Britney.

Hindi na sya nagulat sa ideya.

Kasama sya ng binata ngunit iba ang nasa isip nito.

"She's so lucky. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb at hinawakan sa kamay ang dalaga.

"Brit, don't be sad. Nagkataon lang na nahanap namin ang isa't isa. Ikaw, mahahanap mo rin ang para sayo. And when the right guy comes, do your best para hindi na sya makawala. " payo nya.

Natigilan si Britney ng may maalala sa sinabi ng binata.

Wala sa loob na napahawak sya sa kanyang mga labi.

Unti unting napangiti.

"I guess you're right. At mukhang nakita ko na sya. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"H-ha ? " tanong nya.

Natawa si Britney.

Binuksan nya ang pinto ng sasakyan at patalong bumaba.

"Wala ! Tara na ! Gawin na natin yung pinapagawa ni Dad para makauwi na tayo. Sasamahan kitang humingi ng sorry kay Val. " sagot nya.

Natuwa si Caleb.

Ginaya nya ang dalaga at lumabas na rin ng van.

Matapos masigurong nakalock ang mga pinto, dali dali syang lumapit sa dalaga at walang malisyang inakbayan ito.

Napangiti si Britney.

Kataka taka ang kanyang nararamdaman.

Pero mula ng mangyari ang pag uusap nila sa pagitan ng gwapong estranghero at ang biglaan nitong pagmolestya sa kanyang mga labi, masasabi nyang natanggap na nya ang katotohanang hindi sila para sa isa't isa ni Caleb.

Bakit nga naman nya ipagsisiksikan ang sarili sa taong may mahal ng iba.

Di tama yon.

Unfair.

Hindi lang para sa dalawang nagmamahalan kundi para narin sa kanyang sarili.

Ang nararapat sa kanya ay humanap ng tulad nyang single.

Pero mukhang di na nya kailangang maghanap.

Sa isiping iyon ay biglang napangiti si Britney.

Ramdam nya ang paggapang ng kilig sa katawan sa pag alaala pa lamang sa gwapo nitong mukha.

"Oh God. I want to see him again ! " bulong nya.

Nagtaka si Caleb.

"H-ha ? " tanong nya.

Natawa si Britney.

"Wala ! " landi nya.

ITUTULOY !!!