1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Dalawang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Dalawang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Limampu't Dalawang Pahina

"B-bebs ? Ayos ka lang ? " atubiling tanong ni Cheska.

Kasalukuyang nasa loob ng banyo ang kaibigan.

Bigla na lamang itong pumasok ng walang pasabi.

Maya maya ay lumapit si Yohan.

"Is she alright ? " tanong nya.

Saglit na napaisip si Cheska, bago sya napatango.

"O-oo, ayos lang sya. M-medyo sumama lang daw ang pakiramdam nya. " sagot nya.

Nag alala naman si Yohan.

"Talaga ? If ever na may kailangan sya, kahit ano, don't hesitate to call me ha ? " wika nito.

Kiming napangiti si Cheska sabay tango.

"S-salamat Yohan. Sige balik ka na don, ako ng bahala kay Val. " sabi nya.

Napatingin muna si Yohan sa pinto ng banyo, bago pumihit pabalik sa salas kung saan naruon ang kanilang mga kaklase.

Hinatid ni Cheska ng tingin ang binata.

Ng masiguro nyang nakalayo na ito ay muli nyang kinatok ng marahan ang pinto.

"Bebs. " tawag nya.

Ilang saglit pa ang lumipas bago tuluyang nagsalita si Valerie.

"B-bes, w-wala na si Yohan ? " tanong nya.

"Wala na. " sagot ni Cheska.

..

Matapos marinig ang kumpirmasyon mula sa kaibigan, huminga ng malalim si Valerie at pinihit ang door knob.

Gumawa ito ng maliit na ingay, tanda na naalis na ang lock.

Kasabay ng marahang pag ikot sa seradura, dahan dahang hinatak ni Valerie ang pinto.

Tumambad sa kanya ang nag aalalang mukha ng kaibigan.

"A-ano nangya- " di na natapos ni Cheska ang kanyang sasabihin.

Sinugod na ni Valerie ng yakap ang dalaga.

Tahimik na tumangis sa balikat nito.

..

Bagaman at walang kaide ideya, ginantihan ni Cheska ang yakap ng kaibigan.

Hinagod nya ang likod nito at hinaplos ang likod.

"Sshh, okay lang yan. Sige lang, iyak mo lang. " bulong nya.

Sinunod ni Valerie ang sinabi ng kaibigan.

Binuhos nya ang luha sa balikat nito, pero mahina lamang ang kanyang paghikbi.

Ayaw nyang makagawa ng ingay.

Baka marinig pa ito ng kanilang mga kaklase at tadatarin pa sya ng tanong.

Sa ganitong estado ng kanyang katinuan, wala syang ganang makipag usap kahit kanino maliban kay Cheska.

..

Hindi naman nagtagal ang pagtangis ni Valerie.

Mahigit limang minuto ang lumipas, sya na ang nagkusang kumalas sa pagkakayakap kay Cheska.

Marahan nyang pinahid ang basang pisngi gamit ang kamay.

"S-salamat Kay. " bulong nya.

Ngumiti ng masuyo si Cheska.

"Ikaw talaga, para ka namang others. What are friends are two. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Valerie sa narinig.

"H-ha ? Ano kamo ? " tanong nya.

"What are friends are two. " ulit ni Cheska.

Natigilan si Valerie.

"H-hindi kita maintindihan. " wika nya.

Napailing si Cheska.

"What ? Simple english you don't understanding ? What more if I more english you ? You will start panic. " naiiling na sabi nya.

Natulala si Valerie.

Napatitig sa mukha ng kaibigan at tinantya kung seryoso ba ito sa sinabi.

Pero walang bakas na nagbibiro si Cheska.

Tila para sa dalaga ay walang mali sa sinabi nito.

Dahil dito, napanganga si Valerie at napahawak sa tyan.

Pinigil nya ang tumawa pero huli na, sumabog ito dahilan para mapasandal sya sa pader.

"HAHAHAHAHAHA, bwisit ka Kakay ! " hiyaw nya.

Kumunot ang noo ni Cheska.

"Hala, nasagi ko ata yang utak mo at nalaglag yung mga iniingatan mong turnilyo. Anyare sayo ? " biro nya.

Pero imbes na sumagot, lalo lang tumawa si Valerie.

Napahawak sya sa panga dahil muntik ng tumulo ang kanyang laway, pero lalo lang natawa ang dalaga.

..

Napangiti si Cheska.

Kanina ay alalang alala sya sa kaibigan dahil bigla na lamang itong tumakbo patungong banyo matapos ang ginawang pagtawag kay Caleb.

Alam nyang may mali.

Ng bigla na lamang itong patakbong bumalik sa banyo, alam nyang may hinding magandang nangyari.

Kaya dali dali syang sumunod pero nagulat sya ng biglang isara ni Valerie ang pinto.

Sinubukan nyang kumatok at sinabi ditong nais nya ring pumasok, pero hindi tumugon ang kaibigan mula sa loob.

Dinikit nya ang tenga at natigilan ng makarinig ng mumunting hikbi.

Halatang pinipigilan lamang ni Valerie ang humagulgol dahil sa wala ito sa sariling tahanan.

Duon pa lamang, nagkaroon na si Cheska ng ideya.

Alam nyang maaaring isa sa mga kaklase nila ang gumamit ng banyo kaya naman nanatili syang nakabantay sa pinto, at hindi ito iniwanan.

..

Matagal bago nakarekober si Valerie sa kahusayan ni Cheska sa salitang banyaga.

Likas dito ang ganuong mga biro pero di nya maintindihan ang sarili.

Iilan lamang ito sa mga banat ni Cheska, pero tawang tawa na sya.

Ang kaninang luha ng pighati ay napalitan ng luha ng ligaya.

Akmang pupunasan nya ito ng biglang sumayad ang daliri ng kaibigan sa kanyang pisngi.

Napatitig si Valerie sa mga mata ni Cheska.

Nakikita nya rito ang pinaghalong pag aalala at simpatya.

Napangiti ng kimi si Valerie.

Pigil ang pag iyak na nagsalita.

"A-ang bobo mo bes. " sabi nya.

Imbes na ma-offend, napangiti lang si Cheska at kinurot ang pisngi ng dalaga.

"Ikaw ang bobo bes, hindi lang ako naiintindihan kaya ka ganyan. " ganti nya.

Natawa si Valerie.

Pero unti unti itong napawi at napalitan ng simpleng pagngiti.

"S-salamat. " bulong nya.

Gumanti ng ngiti si Cheska.

Matapos pawiin ang mga luha nito, masuyo nyang hinaplos ang pisngi ng kaibigan.

"Kahit kelan, kahit saan, kahit anong oras, kahit anong ginagawa ko, basta kailangan mo ako, darating ako. " sabi nito.

Impit na napaiyak si Valerie sa narinig.

Lalo ng hawakan ni Cheska ang dalawang tenga nya.

Ugali nila ito mula pa pagkabata sa twing nanghihina ang isa at kailangan ng karamay.

Alam nya ang nais nitong mangyari.

Bilang pagtugon, inangat nya ang kamay at hinawakan din ang magkabilang tenga nito.

"K-kahit kelan, k-kahit saan, k-kahit anong oras. Kahit ano pang ginagawa ko Kakay, basta kailanganin mo rin ako, darating at darating ako. " naiiyak na bulong nya.

Ngumiti si Cheska.

Kanina pa nya pinipigilan ang pag iyak dahil sa nakikitang kahinaan ng kaibigan.

Batid nyang hindi ito gawa ng normal na kabiguan lamang.

Alam nyang matatag ang dalaga.

Saksi sya sa ugali nitong hindi sumusuko sa kahit anong hamon.

Kahit mahirap, iisip at iisip ng paraan si Valerie para malampasan ang pagsubok.

Pero nag iba ang ihip ng hangin ng makilala nito si Caleb.

Hindi nya masisisi ang kaibigan sa naging pagbabago nito.

Dahil batid nya ang katotohanang nagmamahal lang ito.

Bagama't hindi nya pa nararanasan ang ganitong intensidad, alam nyang darating din ang panahon na sya naman ang mangangailangan.

At alam nyang hindi sya mabibigo kapag kinailangan nya ang tulong ng kaibigan.

..

Hapon na ng matapos sa paglilibot sina Caleb at Britney.

Napakaraming pinirmahan ng dalaga.

May mga tao din silang kinatagpo at saglit na kinausap.

Kanina pa sya kating kati na umuwi, pero nahihiya sya kay Britney kaya tiniis na lamang nya ito.

Eksaktong alas tres y medya ng hapon, natapos ang lahat ng dapat gawin ng dalaga.

Agad syang sumakay sa van at inaya itong umuwi.

"Let's go ? " tanog nya.

Napangiti si Britney.

"Nagmamadali ? " biro nya.

Napangiti lang ng kimi si Caleb.

Nagets naman ni Britney ang nais nitong mangyari kaya agad na syang nagpaalam sa mag asawang katiwala ng kanilang lumang bahay.

"If ever na may kailangan po kayo or something, just give a ring okay ? I will leave you this phone para naman may magamit po kayo. May load na rin yan, kayo na po ang bahalang magload if maubos. Okay po ba ? " bilin nya.

Tumango ang matandang si Baldo.

"Sya sige iha, sigurado ba kayong hindi na kayo mag mimiryenda ? " tanong nito.

Napatingin si Britney kay Caleb na kasalukuyang nasa likod ng manubela.

Halata sa mukha nito ang pagkainip.

Nauunawaan nya ang binata kaya naman umiling na lamang sya sa alok ng matanda.

"Baka ho kasi gabihin kami sa daan kapag nagtagal pa po kami. Next time na lang po Manong. " sabi nya.

Sumingit ang asawa nito.

"Masyado naman atang nagmamadali iyang si Caleb ineng ? Pasensya na ulit kung napagkamalan ko kayong magnobyo ha. Parang nagalit pa yata sya. " tila nagtatampong wika nito.

Napangiti si Britney.

Kung ibang pagkakataon ay matutuwa sya dahil napagkamalan silang magkasintahan ni Caleb.

Pero iba na ang sitwasyon ngayon, alam na nya ang dapat kalagyan kaya naman sya na ang nagkusang itama ang maling akala ng matanda.

"Hindi po sa ganon Manang, may gagawin pa po kasi sya. Pero nag enjoy naman sya dito. Sya pa nga ang nagsabi na babalik daw kami kapag may time. " paliwanag nya.

Napangiti na rin ang matandang babae at hinaplos ang tyan ni Britney.

Napaatras ang dalaga.

Natawa ang matandang lalaki.

"Hayaan mo na sya ineng, hihilutin ka lang nya kasi may lahing mangkukulam itong manang mo. Baka mausog ka. Ikaw rin, ang layo ng maynila para bumalik kayo dito at magpahilot lang. " sabi nito.

Natigilan si Britney pero unti unti nyang naunawaan ang nais nitong mangyari.

"A-ano pong gagawin ko ? " tanong nya.

"Wala naman, lalawayan lang kita. " sabi ng matandang babae.

Tinago ni Britney ang pagngiwi at binalingan si Caleb.

Tila nakahalata naman ang binata na tila may hindi kumportable ang dalaga kaya dali dali syang bumaba sa sasakyan at lumapit sa mga ito.

"Yo. " tanging nasabi nya.

Pasimpleng kinalabit ni Britney ang binata.

"H-help. " bulong nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Why ? " tanong nya.

Natawa ang matandang si Baldo.

"Ikaw rin iho, magpalaway ka na rin sa manang mo. Mahirap na at baka mausog ka nya. "sabi nito.

Tuluyan ng naunawaan ni Caleb ang nangyayari kaya natawa sya.

Tinaas nya ang T-Shirt at nilantad ang tyan para tanggapin ang paghilot ng matandang babae na may kasamang laway.

Napatingin si Britney sa nangyayari.

May halong pandidiri at pagkamangha.

"T-that's it ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Yeah, ganyan talaga ang mga matatanda. Karamihan sa kanila ay may usog. Kapag nakasama mo sila, di talaga maiiwasang 'mausog' ka nila. Ang usog ay old belief. Alam ko naman na narinig mo na yan from Mommy right ? So para maiwasan ang usog, kailangan mong magpahilot or magpalaway sa kung sino man ang sa tingin mong may usog. You know, para maiwasan ang anumang mangyayari, magpahilot ka na lang or magpalaway. Wala namang mawawala if ever na maniwala tayo right ? " nakangiting paliwanag nya.

Alumpihit pa rin si Britney.

"B-but, lalawayan nya ko. " bulong nya.

Natawa si Caleb.

"Nauna na nga kong nagpalaway. Ikaw naman Brit, wag kang ganyan. Baka maoffend mo sila. " ganting bulong nya.

"P-pero. " asiwa pa rin si Britney.

Ngumiti ang matandang babae.

"Pagpasensyahan mo na ako iha, baka kasi sumakit pa ang tyan mo. Yun kasi ang usog ko, pagsakit ng tyan. Ayaw ko lang na mangyari sa iyo yon. " wika nya.

"Kita mo na, ambait ni Lola. Sige na Brit. Wag mo naman syang ipahiya. " bulong ni Caleb.

Napangiwi si Britney.

Atubili nyang tinaas ang blouse at nilantad ang makinis na tyan.

Agad namang nilawayan ng matanda ang dalaga at hinilot hilot.

"Ayos na iha. " nakangiting wika nito.

Napalunok si Britney.

Ramdam nya ang mamasa masang tyan pero tiniis nya ito at binaba na rin ang damit.

"S-salamat po. " nakangiwing sabi nya.

Natawa si Caleb at niyakap ang dalawang matanda.

"Sa susunod ho, magtatagal kami. Kung hindi nga lang ho ako may gagawin pa sa Maynila, baka bukas na ako umuwi. Pasensya na po. " sambit nya.

Napangiti ang mag asawa.

"Kuuh , wag mong alalahanin iyon iho. Tama na ba yung kakanin na baon nyo ? Baka kulang pa ? Hala Baldo at dagdagan mo pa nga. " utos ng babae.

Pero inawat na ni Caleb ang matanda.

"Tama na po Lola, andami na ho ng dalawang bayong. " natatawang sabi nya.

Napangiti na lang din ang babae.

"Ayos ka lang ba iha ? " tanong nya.

Kiming napangiti si Britney.

"O-opo, alis na po kami. " paalam nya.

Tumango tango ang mag asawa.

"Mag iingat kayo sa daan. " wika ni Baldo.

Ngumiti si Caleb at inakay na si Britney pabalik sa van pagkatapos ay umikot na rin sya at sumakay.

Matapos isara ang pinto, binuhay na ng binata ang makina.

Muli nyang nilingon ang mag asawa at kumaway.

"Alis na po kami. Salamat po sa pagtanggap. " sabi nya.

Napangiti ang mag asawa.

"Sige lang iho. Balik kayo pag may time. " sagot ng matanda.

Nabigla si Caleb sa narinig.

Pagkuwa'y bigla syang natawa.

"Yung phone ho, tatawag ho kami pag nasa expressway na po kami. " bilin nya.

Tumango si Baldo at gumanti ng kaway.

"Ingat ! " sigaw nya.

Ng makitang nakalayo na ang sasakyan, inagaw ng matandang babae ang cellphone sa asawa at kinutingting.

"Nakita ko kanina, may Flappy bird. " excited na sabi nya.

Napanganga si Baldo.

"Aba't ! May pa flappy flappy bird ka pa ! Gurang ka na hoy ! " pang aasar nya.

Pero umismid lang ang asawa at pumasok na sa loob ng bahay dala ang cellphone.

"Hyprocrite, eh di wag kang maglaro. " taray nya.

Natigilan si Baldo.

"H-hoy, baka malowbat ! Pa open muna ng FB ko ! " sigaw nya at nagmamadaling sumunod sa kabiyak.

..

Tuluyan ng pinaandar ni Caleb ang sasakyan palabas sa lupaing pag aari nina Britney.

Excited na syang umuwi.

Kailangan nyang makausap si Valerie.

Kanina ay para syang pinagsakluban ng langit at lupa ng marinig ang boses ni Yohan.

Nais nyang magalit sa kasintahan dahil ni hindi man lang ito nagpaalam sa kanya.

Pero ng maisip na mas malaki ang kanyang kasalanan sa dalaga, binalot sya ng hiya.

Kailangan nyang humingi ng tawad dito.

Kahit ano pang gawin ni Valerie sa kanya ay tatanggapin nya.

Napatingin sya kay Britney.

Hanggang ngayon ay tulala pa rin ito.

Marahil ay dahil sa ginawang paglaway ng matandang babae.

Napailing si Caleb at kinalabit ang dalaga.

"Huy. " untag nya.

Napapitlag si Britney.

"H-hey, where are we ? Are we home ? " tanong nito.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Huh ? Baka kakaalis lang natin ? Haha. Anyare sayo ? " tanong nya.

"H-ha ? Ganon ba. Eh kasi ano eh. " paputol putol na sagot ni Britney.

Napailing si Caleb.

"Brit, anong masasabi mo sa pamumuhay dito sa Pinas ? " tanong nya.

Napaisip si Britney.

"Uhm, normal ? Walang party, or kung meron man, you have to go sa bar. Alam mo naman satin, kahit sa kapitbahay, may party. " sagot nya.

Napatango tango si Caleb.

"Yeah, bukod don, ano pang pagkakaiba ? " tanong nya sa pagitan ng pagmamaneho.

Nagkibit balikat ang dalaga.

"Wala na gaano. Mainit, lalo na sa tanghali. Then, uhm. Wala na. Yung food. Mas masarap yung luto ng Mommy mo kesa sa luto ng cook namin. " puna nya.

Napangiti si Caleb.

"Syempre, mommy ko ata yon. Well, tama ka, bukod sa mga sinabi mo, sa tingin ko rin wala ng pinagkaiba ang Spain dito sa Philippines. Or sa tingin ko kahit saang lugar. As long as na kasama mong family mo at loved ones. I mean, iba kasi yung feeling eh. Parang ang relax relax pag nasa bahay ka tapos nandun yung mga mahal mo sa buhay. Alam mo yon ? " tanong nya.

Pero bigla syang natigilan ng makita si Britney na nakatingin lang sa bintana.

Naguilty si Caleb.

Binagalan nya ang pagmamaneho at hinaplos ang kamay ng dalaga.

"Brit. " tawag nya.

Ngumiti si Britney.

"It's okay. I guess, hindi ko mararamdaman yang sinasabi mo . " bulong nya.

Agad namang kumontra si Caleb.

"Brit, I'm so sorry. Wag mong sabihin yan. You have me, my family. Pwede mo silang itrato na parang pamilya mo rin. " pang aalo nya.

Nanatiling tahimik lamang ang dalaga.

Napahinga ng malalim si Caleb.

"I'm sorry. " bulong nya.

Bumaling ng tingin si Britney at kinurot ang pisngi ng binata.

"It's ok noh. Wag ka ngang malungkot. Uhm, so paano, anong plano ? Diretso ba tayo sa bahay nina Valerie or uuwi ka muna ? " tanong nya.

Tinitigan muna ni Caleb sa mga mata ang dalaga bago nagsalita.

"Sorry talaga. " sabi nya.

Sumimangot si Britney.

"Ang kulit mo ha. Sinabi ng wala na sakin yun eh. Pero pag di ka tumigil, talagang magagalit na ko. " banta nya.

Nagsukatan pa sila ng titigan bago tuluyang sumuko si Caleb.

"Okay okay. Pero sorry talaga. At yung sinabi ko sayo, you can treat my family as your own. Ganun din ang gagawin namin sayo. " wika nya.

Napangiti si Britney.

"Really ? So I will call you kuya na rin ? " tanong nya.

Natawa si Caleb.

"Well, ok lang. As long as na wag mong sasabayan si Coleen sa pagpapasawa. Hindi ko na nga sya kaya, dadagdag ka pa. Nako. " naiiling na biro nya.

Nagtawanan sila ni Britney at pinagpatuloy na ang mahabang byahe pauwi.

..

Maraming oras ang lumipas.

Pagod at puyat sa byahe, binago na ni Caleb ang desisyon na dumiretso sa bahay ng kasintahan.

Di nya akalain na aabutin sila ng gabi sa daan.

Nabigla sila ni Britney sa traffic.

Inabutan na rin sila ng gutom mabuti na lamang at may dala silang kakanin.

Ito ang nilantakan nila sa gitna ng byahe.

Ng makarating sa bahay, pinatunog ni Caleb ang busina.

Ilang saglit lang ay lumipas si Lisa at dali daling binuksan ang gate.

Tumabi ito sa gilid para bigyang daan ang papasok na sasakyan.

Ng makapasok na sa loob ay agad namang sinarang muli ang gate at hinintay na makababa ang batang amo kasama ang dalaga.

"Good evening senyo, Caleb. " napangiti sya ng muntik ng mabanggit ang salita.

Nagkasundo sila ng mabait na amo na tanging pangalan na lamang nito ang itawag at wag na ang senyorito.

Napangiti si Caleb at tumango.

"Good eve ate Lisa. Kumain na po kayo ? " tanong nya.

"Ay tapos na. Ihahanda ko na ba yung pagkain mo ? Sa room ka ba kakain ? " tanong ni Lisa.

Ngumiti si Caleb.

"Sa kitchen na lang po, pero mamaya na. Sina Mom po ? " tanong nya.

"Ay nanunuod ho sa salas, inaantay ho kayo. " sagot ni Lisa.

Tumango si Caleb at binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan.

Inabot nya sa katulong ang dalawang bilao ng kakanin.

"Pakiayos na lang po ito para pwede pang kainin. May bawas na po yung isang bilao, nagutom kami eh. " sabi nya.

Natawa si Lisa at tinanggap ang pagkain.

Sinulyapan nya si Britney.

Nawala ang ngiti at pagkuwa'y yumuko.

"Magandang gabi po Ma'am. " wika nito.

Napatingin si Britney sa binata.

Nagkibit balikat lang si Caleb.

Napahinga ng malalim si Britney at hinawakan sa balikat ang katulong.

Ngumiti sya.

"Britney na lang din po. Good evening din. " bati nya.

Nagulat si Lisa.

"H-ha ? " tanging nasabi nya.

Ngumiti lang si Britney at yumakap sa braso ni Caleb.

"Britney na lang po. " ulit nya at hinatak na ang binata papasok.

Nagpatangay naman si Caleb.

Naiwan ang katulong na tulala sa pagbabago ng malditang bisita.

..

Tulad ng sinabi ng katulong, naabutan nina Caleb na nasa salas ang mga magulang pati na ang kapatid.

Agad na tumayo si Coleen pagkakita sa kuya pero natigilan sya ng makitang nakaangkla sa kapatid ang kinaiinisang dalaga.

Automatikong tumaas ang isang kilay nya.

Agad na kumalas si Britney.

"Hmm. " banta ni Coleen na may kasamang matalim na tingin.

Natawa si Caleb at nilapitan ang kapatid.

Hinilamos nya ang palad sa mukha nito.

"Magtigil ka. " banta nya.

Naningkit ang mga mata ni Coleen at mataray na tinitigan si Britney.

Napayuko lang ang dalaga.

Lumapit si Caleb sa mga magulang at nagmano.

Naupo sa tabi ng ina.

Agad namang kinumusta ni Harriet ang anak.

"What happened ? You look, raped. " biro nya.

Natawa si Caleb pati na ang ama.

"Yeah, sort of. Grabe ang traffic. " reklamo nya.

Napangiti si Gabriel.

"It's more fun in the Philippines " biro nya.

Natawa si Caleb at binalingan si Britney.

Nakita nyang hinaharass ito ni Coleen sa pamamagitan ng tingin.

Napailing na lang ang binata at pinitik ang braso ng dalaga.

Napahiyaw ito sa sakit.

"Awww ! Ang epal mo ! " tili nya.

"Stop it will you ? Leave her alone. " saway ni Caleb.

Umismid si Coleen at tumabi sa ama.

Yumakap sya dito pero di pa rin tinitigilan si Britney ng tingin.

Napailing na lang si Caleb.

"Hey, upo ka kaya. Baka tumangkad ka. " biro nya.

Napangiti ng kimi si Britney at naupo na rin.

Binalingan ni Harriet ang anak.

"Anong nangyari sa lakad nyo ? Success ba ? Nakausap nyo yung mga dapat kausapin ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Yeah, nakakatuwa na nakakapagod. Nakakatuwa na makipag usap sa iba't ibang tao. Pero syempre, nakakapagod kasi palipat lipat kami. Di naman kami pwedeng sumakay kasi not accessible sa vehicle yung road. " paliwanag nya.

Sumingit si Coleen.

"Ows ? Ang sabihin mo, nagtitipid ka na naman sa gas. " pang aasar nya.

Natawa si Britney.

Napatingin sa kanya ang lahat kaya bigla rin syang napayuko.

Ngumiti si Gabriel.

"Hey iha. Wag kang mahiya sa amin. Ituring mo na kaming pamilya mo. " wika nya.

Akmang aangal pa si Coleen pero pinandilatan na sya ng ina.

Bubulong bulong na lang syang yumakap muli sa ama.

Kiming napangiti lang si Britney.

"S-salamat po. " bulong nya.

"Hay nako Britney, parang di ka pa sanay sa amin ng Tito Gab mo. Magagalit na kami nyan sayo eh. Okay ka naman dati ah, pero bakit parang nahiya ka ata ? " tanong ni Harriet.

Ngumiti lang si Britney.

Si Caleb ang sumagot.

"Mom, I guess na ireserve na natin yung isang guest room para kay Brit. " wika nya.

Di nakatiis si Coleen.

"What ? Bakit naman kuya ? Magtatagal ba sya ? Di ba uuwi rin sya kasama yung Dad nya ? " tanong nya.

Natahimik si Gabriel at tinitigan ang dalagang anak.

Napahiya si Coleen.

Kagat labing tumayo si Britney at nagpaalam sa mag anak.

"S-sa room na po muna ako. T-tito, tita. C-coleen. " paalam nya.

"Ako na ang humihingi ng pasensya sa anak ko, if ever you need something, wag kang mahiyang magsabi ha ? Hindi ka bisita dito Britney, pamilya ka na. " wika ni Harriet.

"Tama ang Tita mo, ituring mong bahay mo rin ito iha. " dugtong ni Gabriel.

Napangiti si Britney sabay tango.

"Opo, salamat po. Uhm, si Dad nga po pala ? " tanong nya.

Nagkatinginan ang mag asawa.

"S-sa hotel daw sya matutulog. I don't know, ayaw nyang paawat eh. Tumawag ka daw sa kanya pagdating mo. " imporma ni Harriet.

Natigilan si Britney.

Dahan dahan syang tumango.

"S-sige po Tita, Tito. Room muna ako. " wika nya .

Ng makitang tumango ang mag asawa, umakyat na sa kwarto si Britney.

..

Hinatid na lamang ng tanaw ng mag anak ang malungkot na dalaga.

Ng makita nilang nakaakyat na ito ay marahas nilang binalingan ang bunso.

"Nicoleen ! " sabay sabay na bigkas ng tatlo.

Napaatras si Coleen.

"Oh God. Monsters. " bulong nya.

Saglit na natawa si Harriet pero muli syang nagseryoso.

"Coleen anak, ganyan ba talaga ang magiging trato mo sa kanya hangga't narito sya ? " tanong nya.

"B-but Mom. Sya kasi eh. " sagot ni Coleen.

Pero sumingit si Caleb.

"Alam ko na ang sasabihin mo Coleen. Pero ako na mismo ang magsasabi sayo, nag usap na kami kanina. Nagsisisi na sya mga ginawa nya, in fact, nag suggest syang sasamahan nya akong humingi ng sorry kay Val. " sabi nya.

Umismid si Coleen.

"Dapat lang ! T-teka, anong humingi ng sorry ? Magkaaway kayo ni Val ? " tanong nya.

Maging ang mag asawa ay nabigla sa narinig.

"Huh ? Nag away kayo ni Valerie anak ? Aba aba, ano ka bang lalaki ka ! Mag sorry ka ! Mag sorry ka ! Napakabait ng nobya mo tapos aawayin mo lang ! " singhal ni Harriet.

Natatawang umias si Caleb sa pamamalo ng ina.

Maging si Gabriel ay natawa pero sya rin ay nabigla.

"Iho, kung anuman ang pinag awayan nyong dalawa, sa inyo na lang yon. Pero mabait na bata si Val. Kung nagkaroon man kayo ng tampuhan, kahit sya pa ang may kasalanan, wag mo ng hintayin na sya ang gumawa ng hakbang para magkabati kayo. Ikaw ang lalaki, ikaw ang humingi ng sorry. " payo nya.

Napangiti si Harriet at niyakap ang asawa.

"Matuto ka sa ama mo ! " pinandilatan nya ang anak.

Natawa si Caleb pero seryosong tumango.

"Yes Dad, Mom. Bukas, papasok na po ako. " sabi nya.

Napangiti ang mag asawa.

Pero natigilan si Harriet.

"Speaking of school, di ba kami kailangan don ? Almost 2 months ka ring absent ah. Di ba kailangan ng parental consent dyan ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Caleb.

"If ever na kailangan Mom, tatawagan ko na lang po kayo. Saka nandun naman po si Ninang, dapat dati nya pang sinabi di ba ?" sagot nya.

"Sabagay, may point ka. Well, galingan mo na lang sa paghingi ng sorry anak. I'm sure na patatawarin ka ni Val. Basta gumawa ka ng bagay na di na sya makakatanggi pa. " nakangiting payo ni Harriet.

Napaisip si Caleb.

"Like what Mom ? " tanong nya.

Nilingon ni Harriet ang asawa.

"Bakit ka sakin nagtatanong ? Ako ba ang lalaki ? " tanong nya.

Natawa si Gabriel.

"Dapat lang na sayo magtanong yan kasi ikaw ang babae. Babae si Val. Ano bang mga gusto nyo ? " tanong nya.

Napaisip si Harriet.

"Sabagay, may point ka. " ulit nya.

Nagtawanan silang mag anak.

Pero muling nangulit si Caleb.

"Ano pong gagawin ko Mom ? " tanong nya.

Napaisip si Harriet ng ideya.

"What if sulatan mo sya ? Love letters will do.! " excited na suhestyon nya.

Pero sumingit si Coleen.

"Yuck. Advance na ang technology Mommy, may tinatawag na pong Cellphone. " pang aasar nya.

Kinurot lang ni Harriet ang anak.

"Shut up. " irap nya.

Natawa ang dalaga at natahimik.

Binalingan ni Caleb ang ama.

"Dad ? " tanong nya.

"Hmm, nung niligawan ko ang Mommy mo, di ako nahirapan. Eh sa gwapo kong to, magpapakipot pa ba sya ? " biro ni Gabriel.

Nanlaki ang mga mata ni Harriet.

Pinagkukurot nya ang kabiyak.

"How dare you ! Ikaw nga itong patay na patay sakin ! " hiyaw nya.

Nagtawanan lang sila.

Napangiti si Caleb sa nakikitang sweetness ng mga magulang.

Nakaramdam sya ng kaunting inggit.

"I hate to istorbo you, but I have problem here. " singit nya.

Napangiti lang ang mag asawa at muling napaisip.

Hanggang sa lumawak ang pagngiti ni Gabriel.

"Haranahin mo anak. I'm sure na di na sya makakatanggi nyan. " sambit nya.

Napangiti si Harriet.

"Yeah. Fact na fact yan. " biro nya.

Ngunit sumingit ulit si Coleen.

"Yuck, eewwww. Mag skype na lang sila. Nakakahiya sa mga makakarinig ng boses ni Kuya. Eewwwwness, sayang ang kagwapuhan mo mahal kong kapatid. Sisirain mo lang. " pang aasar nya.

Tinalikuran ng tatlo ang dalaga.

Natawa si Coleen at pilit na sumingit ngunit tinaboy sya ng mga ito.

"Dun ka nga, epal ka eh. " taboy ni Caleb.

Natatawang sumingit pa rin si Coleen sa gitna ng mga magulang.

"Hmm, serious na. What if, pagsama samahin mo yung ideas ni Dad at Mom. Then put a little twist in it. " suhestyon nya.

Natigilan ang tatlo.

"Hmm, twist ? What kind of twist ? " tanong ni Caleb.

Unti unting napangisi si Coleen.

"Hmm, gising pa kaya sina Kuya Rom ? " tanong nya.

Napakunot noo na lang ang tatlo sa tanong ng dalaga.

ITUTULOY !!!