1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Siyam na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Siyam na Pahina

By supertoyantz ·

Ika Limampu't Siyam na Pahina

Kinabukasan.

Huling araw ng ensayo.

Maaga pa lang ay kumpleto na ang lahat tulad ng binilin ng guro.

"Kumpleto na ba kayo ? " tanong ni Mrs. Senining.

Pasabay na sumagot ang iba habang ang iba naman ay tumango.

Napatangu tango rin si Mrs. Senining.

"Good. Alam naman ninyo na bukas na kayo magtatanghal. Yohan iho, kamusta ang play nyo ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Yohan.

"We're good Ma'am. " sagot nya.

Napangiti si Mrs. Senining.

"That's good news. I hope na maging okay ang lahat tomorrow. Pero tatandaan nyo lang, enjoy the play. Have fun. Wag nyo ng isipin yung premyo. Ang mahalaga ay makapag tanghal kayo at walang magkalat. " bilin nya.

Napatangu tango ang lahat maliban kay Yohan.

"We're going to win Ma'am. " kampanteng sabi nya.

Napangiti si Mrs. Senining.

"That's the spirit. Uhm, so punta lang ako sa faculty. You can do what you want. Wag lang muna kayong uuwi kasi baka may announcements pa. " sambit nya.

"Yes Ma'am. " sabay sabay na sabi ng iba.

..

Pagkalabas ng guro ay agad na nagharap sina Valerie at Cheska.

"Oy, dali tuloy mo na yung kwento. " sabi ni Kakay.

Natawa si Valerie pero nagkwento rin sya.

"So yun nga. Grabe talaga yung coincidence Kakay. Biruin mo, yung bestfriend ni Tatay na lagi kong kinukwento sayo, Tatay pala ni Caleb yon. " sambit nya.

Namilog ang mga mata ni Cheska.

Kanina habang naglalakad sila papasok ay nasabi na nga ng kaibigan ang dahilan kung bakit nanduon ang mag ama sa kanilang tahanan.

Nais sana nyang makiusyoso, ngunit dahil sa dami ng inuutos ng kanyang ina, hindi na sya nakabalik pa.

"Ibig sabihin, yung sinasabi ni Tyang Vicky na kaibigan nilang tumulong sa kanila ni Tyong para makapagtanan, si Tito Gabriel yon ? " tanong nya.

Tumango tango si Valerie.

"Oo nga. Galing no ? " tanong nya.

"Sobrang galing. Parang pinagtripan kayo ng tadhana. " sagot ni Cheska.

Bumungisngis si Valerie.

"Okay lang kahit pagtripan nya na kami. Basta yung magandang mga bagay lang. " sambit nya.

Napangisi si Cheska.

"Tuwang tuwa ka naman. " puna nya.

"Konti lang. " landi ni Valerie.

Naghagikgikan sila.

"Asus, konti daw. Eh halos kita ko na yung inalmusal mo kanina oh. Bukang buka na yang bibig mo kakangiti. Di ka ba nangangawit ? " biro nya.

Natatawang pinalo ni Valerie ang braso ng kaibigan.

"Napaka epal mo. Maging happy ka na lang para samin ni Caleb noh. " sabi nya.

Napangiti si Cheska.

"Masaya ko para sa inyo bes. Maswerte ka, nahanap nyo na ang isa't isa. Sana wag mauntog si Caleb. Sana wag ka nyang iwan oras na malaman nya yung mga baho mo. " wika nya.

Imbes na mainis, humagikgik lang ng malakas si Valerie.

Di nya maintindihan, pero talagang masaya sya.

"Hoy, wala kong mabahong sikreto na tinatago no. " sabi nya.

"Oh talaga ? Eh yung tumutulong laway pag natutulog ? Anong tawag mo don ? Mabangong sikreto ? " biro pa ni Cheska.

Lalo lang natawa si Valerie.

Muli nyang nahampas ang kaibigan.

"Baliw ! " nasabi lang nya.

Akmang magsasalita pa si Cheska ng mapansin nya si Yohan na papalapit.

"Hoy, bibig mo. Nandyan yung asungot. " turo nya.

Nakangiti pa rin si Valerie ng lumingon.

Nakita nya si Yohan na may hawak na supot.

"Val oh. " wika nito.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Oy, ano to ? " tanong nya.

Ngumiti si Yohan.

"Open it. " sambit nya.

Napatingin muna si Valerie sa kaibigan, bago tuluyang binuksan ang paper bag.

Ngunit napanganga sya sa nakita.

Gown ang laman ng supot.

"Y-yohan. " tanging nasabi nya.

Maging si Cheska ay namangha.

Lalo na ng iladlad ni Valerie ang gown.

Kinailangan nya pang tumayo para tuluyang mabistahan ang buong damit.

Napatingin sa kanila ang iba nilang kaklase.

Isa isang naglapitan ang mga ito at nakiusyoso.

"Uy ang ganda ! " sabi ng isa.

"Ay, yan ba isusuot mo Val ? Grabe, parang andaya. " wika pa ng isa.

Napakagat labi si Valerie at napatingin sa binata.

"Yohan, kanino to ? " tanong nya.

Ngumiti lang si Yohan.

"Kanino pa? Eh di para kay Juliet. " sagot nya.

Lalong napanganga si Valerie.

Binalingan nya si Cheska para humingi ng tulong dahil wala syang masabi.

..

Mabilis namang nakahalata si Cheska kaya agad syang tumayo at tumabi sa dalaga.

"Pero may costume na ang lahat. Lalo na si Val. Di ba nanay mo pa nagpatahi non ? " tanong nya.

Nakangiting tumango si Yohan.

"Yup. Pero yung last scene, yan ang susuotin ni Val. " sagot nya.

Napakunot ang noo ni Cheska.

"Bakit pa ? Parang di na naman kailangan di ba ? " wika nya.

Tila naasar na si Yohan.

"Why ? May masama ba kung magpalit sya ng damit sa last scene ? " tanong din nya.

Naumid ang dila ni Cheska.

Tama naman ito, walang masama.

Napatingin sya sa kaibigan.

Pasimple syang bumulong.

"Hayaan mo na Bebs. " sagot nya at muling naupo.

Napahinga ng malalim si Valerie at pinilit ang sariling ngumiti.

"Sige Yohan. Susuotin ko to sa last scene. Pero walang sisihan kapag nasira ko ha ? Wala kong pambayad dito. " wika nya.

Ngumiti lang si Yohan.

"That's yours. Sayo na yan. Pero wag mo namang sirain. " sambit nya.

Natigilan si Valerie.

"Aanhin ko to ? " wika nya.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Yohan.

"It's a gift. Bakit andami mong tanong ? Di ba pwedeng tanggapin mo na lang ? " tanong nya.

Sumingit pa ang isa nilang kaklase.

"Oo nga naman Val. Ang ganda ganda ng gown na yan. Tapos parang ayaw mo. Naku kung sakin yan. " sambit nito.

Napakagat labi si Valerie.

Saglit na nagngitngit dahil sya pa ang lumabas na masama sa paningin ng iba.

Pinilit na lamang nya ang sariling tumawa.

"Yun nga eh, nakakahiya kasi. Pero sige, dahil regalo to saken. Di ko to tatanggihan. Salamat Yohan. " tanging nasabi nya.

Ngumiti ang binata.

"No problem. Anything for you. " malambing na sabi nya.

Kinilig ang mga kaklase nilang babae sa narinig.

Habang ang mga kaklase naman nilang lalaki ay napahiyaw.

"Bagay kayo. " sabi ng isa.

"Oo nga, parehas kayong matalino. Gwapo saka maganda. Oha. " kantyaw ng isang lalaki.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Yohan sa narinig.

Lakas loob syang tumabi sa dalaga at hinugot mula sa bulsa ang isang maliit na kahon.

"Here. " wika nya.

Napatitig si Valerie sa hawak ng binata.

"A-ano na naman yan ? " mahinang tanong nya.

Ngumiti lang si Yohan.

Sya na ang nagbukas.

Tumambad sa lahat ng mamahaling kwintas.

Namilog ang mata ng mga kaklase nila.

Umulan ng tuksuhan lalo na ng lakas loob na isuot ni Yohan sa leeg ng dalaga ang alahas.

Pagkuwa'y umatras sya ng kaunti para tingnan ang dalaga.

"Wow. Perfect. You are so beautiful. " humahangang sabi nya.

Natulala na lang si Valerie.

Ayaw nyang magmukhang masama sa paningin ng iba.

Ayaw nya ring ipahiya si Yohan kaya tiniis nya ng lahat ng panunukso.

Ngumiti na lamang sya ng ngumiti.

..

Matapos humupa ang tuksuhan, pasimpleng binulungan ni Valerie ang binata.

"Pwede ka bang makausap ? " tanong nya.

Nakangiting tumango si Yohan.

"Sure. " sambit nya.

"Sumunod ka saken. " aya ni Valerie.

Maingat nyang tinupi ang gown at sinilid muli sa paper bag.

Nilagay nya ito sa tabi ng mga gamit at binilinan si Cheska.

"Babalik ako. " bulong nya.

Hinawakan ni Cheska ang kamay ng kaibigan.

"Okay ka lang ? Sama ko ? " tanong nya.

Ngumiti si Valerie.

"Di na bes. Dyan lang kami sa malapit. Bibigyan ko lang to. " biro nya.

Natawa si Cheska.

"Wag mong tuluyan. Maraming nakakakita. " bulong nya.

Natawa rin si Valerie.

Hinalikan nya sa pisngi ang kaibigan at tuloy tuloy ng lumabas ng classroom.

Lumingon sya saglit para senyasan si Yohan na sumunod.

..

Sa harap ng building.

Napahinto si Valerie at hinarap ang binata.

Pero nagulat sya ng lumuhod ito.

"Y-yohan. " wika nya.

"Val, will you be my girlfriend ? " tanong ni Yohan.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

"Ano bang sinasabi mo ? Nababaliw ka na ba ? Tumayo ka dyan ! " giit nya.

Pinagtitinginan na sila ng mga kapwa estudyante.

Yung iba ay napapakunot noo.

May mangilan ngilan na ring nagbubulungan.

Lalong nanlaki ang mga mata ni Valerie.

Di na sya nakapag isip, hinawakan nya ang kamay ni Yohan at dali daling hinila patungo sa canteen.

..

Nagpatangay naman ang binata.

Ng marating nila ang canteen ay agad na binitawanan ni Valerie ang kamay ni Yohan at kinompronta ito.

"Ano bang problema mo ? " singhal nya.

Nagpapasalamat sya dahil kaunti ang tao ng mga oras na iyon.

Ngumiti lang si Yohan at napakamot sa batok.

"S-sorry Val. " sabi nya.

Nagngitngit si Valerie.

"Hindi ka nakakatuwa Yohan. " galit na sabi nya.

Akmang luluhod na naman si Yohan ng maagap syang pigilan ng dalaga.

"Val. " tanging na nasabi ng binata.

Huminga ng malalim si Valerie.

Mabilis ang tibok ng kanyang puso pero hindi dahil sa kilig o pagmamahal tulad ng nararamdaman nya kay Caleb.

Mabilis ang tibok ng kanyang puso ng mga oras na iyon at hindi pag ibig ang dahilan, kundi inis.

Tinitigan nya sa mga mata ang binata.

"Wag mo kong pagtripan Yohan. " banta nya.

Nagkandailing si Yohan.

"No Val. Di kita niloloko. Gusto kita. Gustong gusto. Nuon pa, 1st year pa lang tayo gusto na kita. Di lang ako makapanligaw kasi nag coconcentrate ako sa pag aaral. " siwalat nya.

Naumid ang dila ni Valerie sa narinig.

Di nya inaasahan ang rebelasyon ng binata.

Lalo pa syang natulala ng hawakan ni Yohan ang kanyang mga kamay.

"Val, matagal na kong inlove sayo. Ngayon ko lang talaga na realize. Alam mo bang ginapang ko pa sa mga teachers para maging magkaklase tayo ? " tanong nya.

Napatitig si Valerie sa mga mata ng binata.

"B-bakit mo ginawa yon ? " tanong nya.

Ngumiti lang si Yohan.

"Para maging kaklase ka. " simpleng sagot nya.

Naguluhan si Valerie.

"Pero bakit nga ? " tanong nya.

Ngumiti ng matamis si Yohan.

"Sabi ko nga sayo, matagal na kitang gusto. Di ko lang alam nuon. Lately lang. Habang tumatagal kasi, di ka na nawawala sa isip ko. Please Val. Wag ka namang magalit. " sagot nya.

Napangiwi ng lihim si Valerie.

"H-hindi ako nagagalit. Pero hindi na pwede. May boyfriend na ko. Si Caleb. " sambit nya.

Lumamlam ang mga mata ni Yohan.

"Alam ko. At nagsisisi ako kung bakit ko sya hinayaan na makuha ka. I mean, all this time, nandyan ka lang, pero wala kong ginawa. Kung hindi pa dumating si Caleb, hindi ko pa malalaman kung gaano ako naging tanga. " sabi nya.

Umiling si Valerie.

Pasimple nyang binawi ang mga kamay.

"Look Yohan. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sayo. Pero gusto kong malaman mo na mahal ko si Caleb at wala akong balak na magtaksil sa kanya. Kaya please, wag ka ng manggulo. " pakiusap nya.

Unti unting nawala ang ngiti sa mga mata ni Yohan.

Napalitan ito ng galit.

Napangisi sya.

"Mahal mo ba talaga si Caleb ? " tanong nya.

Walang alinlangan na sumagot si Valerie.

"Mahal na mahal. " sagot nya.

"Eh mahal ka ba nya ? " tanong ni Yohan.

Natawa ng mahina si Valerie.

"Alam mo Yohan, di ko alam kung bakit ako nakikipag usap sayo ng ganito. Oo, inaamin ko nung una, crush kita. Matagal akong humanga sayo. Akala ko mas malalim pa nga. Pero nung dumating si Caleb, duon ko nalaman na paghanga nga lang talaga ang nararamdaman ko sayo. Bilib kasi ako sa mga lalaking inuuna ang pag aaral. Mahalaga ang edukasyon sa akin Yohan, alam mo yan. Kaya naman humahanga ako sayo. Pero iba ang pagmamahal. At nakita ko yon kay Caleb. " pag amin nya.

Naningkit ang mga mata ni Yohan.

"Hindi mo sinagot ang tanong ko. Sigurado ka bang mahal ka nya ? " tanong nya.

Napaismid si Valerie.

"Oo naman. " sagot nya.

"Talaga ? Eh kaya nyo bang tumagal kahit na malayo kayo sa isa't isa ? " tanong ni Yohan.

Natigilan si Valerie.

"Huh ? " tanong nya.

Tumaas ang isang kilay ni Yohan.

"Bakit ? Don't tell me, hindi mo alam ? " tanong nya.

"Anong hindi ko alam ? " tanong ni Valerie.

Natawa si Yohan.

"Sabi na. Hindi mo rin alam na nandyan si Caleb sa faculty no ? " tanong nya.

Lalong natulala si Valerie sa narinig.

"H-ha ? Nandyan sya ? " tanong nya.

"See ? Di mo alam. Hmm. Mukhang mahal ka nga ng boyfriend mo, alam na alam mo mga ginagawa nya eh. " pang aasar ni Yohan.

Naaasar si Valerie.

Imbes na sumagot, inis syang naglakad palayo.

Lalong tumawa si Yohan.

"Kapag ayaw mo na sa kanya, andito lang ako. " pahabol pa ng binata.

Ngunit hindi na ito pinansin ni Valerie, bagkus ay nagmamadali syang naglakad palayo.

Babalik sana sya sa silid, ngunit sa huli, nagbago ang kanyang isip.

Sa halip ay mabibigat ang kanyang mga hakbang na pumihit pakanan.

Isang direksyon lamang ang kanyang nasa isip.

..

Malapit na si Valerie sa faculty ng makumpirma nya ang sinabi ni Yohan.

Eksaktong lumabas si Caleb sa kwarto ng mga guro kasabay nito ang kanilang adviser na si Mrs. Senining.

Saglit na nag usap ang dalawa.

Pagkuwa'y may mga papel na binigay ang kanilang teacher sa nobyo.

Isa isang sinilip ni Caleb ang papel at maya maya ay nakangiting kinamayan ang babae.

Matapos nito ay pumasok na sa loob si Mrs. Senining.

Si Caleb naman ay naglakad na palayo sa faculty.

Nataranta si Valerie.

Magtatago sana sya pero huli na, nakita na sya ng binata.

"Babes ! " tawag ni Caleb.

Napalunok si Valerie at pilit na hinamig ang sarili.

Winaksi nya ng inis sa kasintahan dahil sa paglilihim nito.

Nagtagumpay naman sya.

Ngunit hindi nya kayang pekein ang pagngiti.

"Oy. " matamlay na sagot ni Valerie.

Nakangiting inakbayn ni Caleb ang kasintahan.

"Oh, bakit ka nandito ? May kailangan ka kay Ma'am ? " tanong nya.

Umiling si Valerie.

"W-wala naman. Ikaw ? Bakit ka nandito ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

"May kinuha lang. " sagot nya.

Napatangu tango si Valerie.

"Mukha nga. Kanina ka pa dyan ? " tanong nya.

Napakunot ang noo ni Caleb.

"Yep, kaninang umaga pa. Why ? " tanong din nya.

Nainis si Valerie.

Di na nya naitago ang galit.

"Anong why ? Nandyan ka pala, di ka man lang nagsasabi ! " sumbat nya.

Napangang si Caleb.

"H-ha ? " tanging nasabi nya.

Lalong nabwisit si Valerie.

"Anong ha ? Gusto mong maHampas ? " tanong nya.

Naguguluhan man, tumawa na lang si Caleb.

"Mukhang masama gising ng baby ko ah. Lika nga dito. " lambing nya.

Pero umiwas si Valerie.

"Tigilan mo nga ko ! " asik nya.

Nagtaka na si Caleb.

"Bakit ba ? Ano bang problema ? " tanong nya.

Napaismid si Valerie.

"Anong problema ? Kanina ka pa pala dito, ni hindi ka man lang nagsasabi ! Kung di ko pa nalaman kay Yohan, di ko pa malalaman na nandito ka. Oo nga, maliit na bagay lang yon. Pero kahit pa, bakit di ka man lang nagtext na " Hoy Bebang, pupunta ako sa school. " o kaya " Babe, wait mo ko dyan ha ? Nasa faculty kasi ako. " Pero wala ! Ni Good morning, wala ! Ni Misscall wala ! " mabilis na sagot nya.

Napanganga si Caleb sa narinig.

Imbes na mangamba, natawa lang sya.

Lalong nabwisit si Valerie.

Padabog syang naglakd palayo, pero mabilis na humabol ang binata.

"Babe. " tawag ni Caleb.

Winaksi ni Valerie ang kamay ng nobyo.

"Wag mo kong mababe- babe. Baka di kita matantya. " banta nya.

Natawa lang si Caleb.

Hinawakan nya ng kamay ng dalaga at pilit na pinahinto.

..

Sa umpisa ay pumipiglas si Valerie.

Pero nagulat sya ng biglang halikan ng nobyo.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga.

Akmang pipiglas sya pero mahigpit na yumakap si Caleb.

Hanggang sa nagpatangay na lang sya sa agos.

Pero kung kailan handa na syang palalimin na ang halik, saka naman kumalas si Caleb.

Dahil dito, lalong nabwisit si Valerie.

Di na sya nakapag pigil, sinikmuraan na nya ng nobyo.

..

Dahil sa di inaasahan, napaluhod si Caleb sa sakit.

"Uhmp. " daing nya.

Nabigla naman si Valerie.

Dali dali nyang niyakap ng nobyo.

"B-baby, sorry. " sabi nya.

Ngumiti lang si Caleb at tumango.

Huminga sya ng malalim.

Unti unti namang nawala ang sakit.

"Ang sakit nun babe. " biro nya.

Biglang niyakap ni Valerie ang kasintahan.

"S-sorry talaga. Di ko sinasadya. " wika nya.

Natawa si Caleb.

"Sshh, it's okay. Di ako galit. " sambit nya.

Kumalas si Valerie at hinaplos ang tyan ng binata.

"M-masakit ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb at umiling.

"Wala na. Nabigla kasi ako. Pero wala na. I'm fine. " sagot nya.

Napakagat labi si Valerie at muling niyakap ang binata.

"S-sorry. Please wag kang magalit. " wika nya.

Hinaplos ni Caleb ang buhok ng dalaga.

"Wala yun no. Uhm babe. Nasan yung phone mo ? " tanong nya.

Kumalas muli si Valerie sa pagkakayakap sa binata pagkuwa'y napaisip.

"Nasa bag ata. " sabi nya.

Ngumiti si Caleb.

"Naniniwala ka ba talagang wala man lang akong text sayo mula kagabi kahit isa ? " tanong nya.

Napakagat labi si Valerie.

Di sya nakapag salita.

Nataw si Caleb at inakbayan ang kasintahan.

"Nagtext ako. Marami pa nga, sinabi ko rin na pupunta ako dito sa school para kunin yung mga credentials ko. Tapos susunduin kita tapos mag dadate tayo. " wika nya.

Napatingin si Valerie.

"Weeeh ? " tanong nya.

Natawang muli si Caleb.

"Oo nga. Pero mukhang lowbat na phone mo. Tinatawagan kita kanina pa eh. Nagchacharge ka ba ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie pagkuwa'y unti unting napangiti.

"Ay. Oo nga. Naglaro kasi si Ria kagabi ng games. S-sorry. " sagot nya.

Napangiti si Caleb at tumango.

"Nope it's okay. Check mo na lang mamaya pag na-charge mo na. " wika nya.

Umiling si Valerie at niyakap ang baywang ng binata.

"Hindi na kailangan, naniniwala ako sayo. " sabi nya.

Napangiti si Caleb.

"Kaya pala sinikmuraan mo ko. " biro nya.

Napasimangot si Valerie.

"Di naman yun ang dahilan eh. " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Ano ? " tanong nya.

Pero umiling lang si Valerie.

Hinding hindi nya sasabihin ang dahilan kung bakit nya ito biglang nasuntok.

..

Masayang bumalik sa silid ang dalawa.

Pagpasok nila sa loob ay nadatnan nilang tila nagkakagulo.

Lumapit si Cheska.

"Bebs. " tawag nya.

"Oh ? Anong problema ? " tanong ni Valerie.

Imbes na sumagot, hinawakan ni Cheska sa kamay ang kaibigan at hinatak sa gitna ng komosyon.

Hinawi nila ang mga tao.

Hanggang sa tumambad sa kanilang paningin si Yohan na nakaupo sa upuan.

Namimilipit sa sakit ang binata.

Nabahala si Valerie.

Agad syang lumapit.

"Yohan, anong nangyari ? " tanong nya.

Di nagsalita ng binata.

Lumapit ang isa nilang kaklase at ito ang sumagot.

"Nasira yung props na balkonahe nung sumakay sya. Sabi kasing di pa tapos eh. " sabi ng isa.

Nanlisik ang mga mata ni Yohan.

"Di pa tapos ? Eh bukas na yung performance natin ! " singhal nya.

"Eh matatapos na yan mamaya. Ipapako na nga di ba ? Di kasi makapag hintay eh ! " ganti ng kaklase nila.

Akmang sasagot pa si Yohan pero napangiwi lang sya sa sakit.

Lumapit si Caleb.

Hinimas nya ng paa ng binata pero tinabig ito ni Yohan.

"Don't touch me ! " sigaw nya.

Ngunit hindi nagpatinag si Caleb.

Hinawakan nya pa rin ang paa ng binata.

Sumigaw si Yohan.

"Ano ba ! Fuck ! Masakit na nga eh ! " hiyaw nya.

Pinigilan ni Valerie ang kasintahan.

"Babes, anong ginagawa mo ? " tanong nya.

"Kailangang imasahe ko to saglit. Ganito yung ginawa ni Mommy sakin nung minsang sumemplang kami ni Coleen sa bisekleta. Kung hindi to gagawin, permanente syang iika ika. " sagot ni Caleb.

Tumango tango si Valerie at binalingan si Yohan.

"Oh kailangan daw kung ayaw mong pipilay pilay. " sabi nya.

Tila natakot naman si Yohan.

"S-sigurado ka ba sa ginagawa mo ? Baka lalo lang akong malumpo ! " singhal nya.

Nainis si Cheska at pinitik sa tenga ng binata.

"Napakadaldal mo. Kung di ka kasi nagmamarunong, di ka magkakaganyan. " galit na sabi nya.

Natameme si Yohan at tiniis na lamang ang sakit.

Maya maya ay binalingan ni Caleb ang iba nilang kaklase.

"Tawagin nyo si Ma'am. Kailangang madala ni Yohan sa clinic. " sabi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Yohan.

"W-wait. Bakit ? Malala na ba ? Oh fuck. Anong ginawa mo ? tanong nya.

Seryosong tumingin si Caleb.

"I did my best. But I guess, my best wasn't good enough. " sagot nya.

Lalong napanganga si Yohan.

Di na sya nakapag salita sa sakit at takot.

..

Lumipas ang ilang oras.

Tuluyan ng naidala sa clinic si Yohan.

Di nagtagal ay humahangos na dumating ang ina nito.

"Where's my son ? " tanong ng babae.

Hinarap ni Mrs. Senining ang ina ng binata.

"Ma'am, ako hong adviser nila. " sabi nya.

Pero ito pinansin ng babae.

Diretso itong pumasok sa loob at kinausap ang anak.

"Anak ? Saan ang masakit ? Nandito na si Mommy. " wika nya.

Sa gulat nila, umiyak si Yohan.

"M-mommy ! It hurts. It hurts. " daing nya.

Umiyak na rin ang ina.

"Hush now baby. Sshhh, I will take you to hospital. " wika nya.

Dali dali itong nagdial.

Wala pang limang minuto ay dumating na ang gwardya.

May kasama itong lalaki.

"Ma'am, driver nyo daw to. " sabi nya.

Tumango ang ina ni Yohan.

"Buhatin mo nga senyorito mo, dadalhin natin sya sa hospital ! " hysterical na sabi nito.

Nagulat ang lahat.

Pero walang umangal.

Hinayaan lamang nila ang mag ina hanggang sa makaalis ito.

Napakamot sa batok si Caleb.

"Bakit pa dadalhin sa ospital ? Eh sprain lang yon ? " tanong nya.

Natawa si Mrs. Senining pero di sya nagkomento.

"Go back to your classroom. Susunod ako don. " wika nya.

Agad namang sumunod ang lahat.

..

Lumipas ang ilang minuto, pumasok si Mrs. Senining.

Naghahati ang emosyon sa kanyang mukha.

Di sya makapaniwala sa binalita ng ina ni Yohan.

Labag man sa kanyang loob, pero wala syang magagawa.

"Kids. " bungad nya.

Agad namang nagbigay atensyon ang lahat.

Napahinga ng malalim si Mrs. Senining.

"As you all know, there's a slight accident na nangyari sa kaklase nyong si Yohan. " patuloy nya.

Walang nagsalita.

Kapwa hinihintay ang sasabihin ng guro.

Muling napabuntong hininga si Mrs. Senining.

Mabigat man sa damdamin, pero wala na syang magagawa.

"Sad to say, her mother decided to confine him sa hospital. " balita nya.

Nagsimula ang tawanan.

Pero hindi natawa si Mrs. Senining.

"Yeah I know nakakatawa para sa inyo. Pero hindi dapat. Kasi kahit ako ang nasa kalagayan ng Mommy ni Yohan, sisiguraduhin ko ang kaligtasan ng anak ko. Kahit na gaano pa kaliit ang sugat nya. " pangaral nya.

Natahimik ang lahat.

Muling napabuntong hininga si Mrs. Senining.

Di nya alam kung paano sisimulan ang masamang balita.

Pero di na nya kailangan pang magsalita, dahil may gumawa na nito para sa kanya.

"Ma'am, what about the play ? " tanong ni Caleb.

Umugong ang bulungan.

Nagsimulang magtanong ng sabay sabay ang lahat.

Tinaas ng guro ang kamay.

Natahimik ang marami, pero may mahina pa ring bulungan.

Nagpatuloy ang guro.

"Yun ang gusto kong sabihin sa inyo. I think, may problema. Kahit na hindi ipaconfine si Yohan ng mommy nya, there would be a problem. May pilay pa rin sya. At hindi naman siguro ninyo gugustuhing magkaroon ng Romeo na pilay ? " sabi nya.

Tumango ang iba.

Pero muling may nagsalita.

"Eh paano na po Ma'am ? " tanong ng isang estudyante.

Napahinga ng malalim si Mrs. Senining.

"Siguro dapat ko ng sabihin sa Principal na hindi na tayo sasali bukas. " wika nya.

Napaungol ang lahat.

Maging sina Valerie at Cheska ay napahiyaw.

"Paano yung mga pinractice namin Ma'am ? " tanong ng isa.

"Oo nga po, napagastos na rin kami sa pamasahe pamasahe. Sayang yung pagod. " wika ng isa pa.

Pinayap ni Mrs. Senining ang mga estudyante.

"I know, I know. Pero anong magagaw ko ? Alangan palitan natin si Yohan as Romeo ? Oh wait, meron ba ditong nakakaalam ng mga lines nya ? Yung kasa kasama nya sa practice ? " tanong nya.

Nagturuan ang lahat.

Nagsalita ang isa.

"Pero Ma'am, lahat kami may role. " sambit nya.

Napaisip si Mrs. Senining.

Maging sya ay labag sa loob na huwag mag participate ang mga estudyante.

..

Maya maya ay nagtaas ng kamay si Cheska.

"Ma'am. " wika nya.

Napatingin si Mrs. Senining sa dalaga.

"Yes Cheska ? " tanong nya.

Ngumiti ang dalaga.

"May gaganap na pong kapalit ni Yohan. " sagot nya.

Napatingin ang lahat sa kanya.

Natawa si Cheska.

"Para namang kakainin nyo ko. " biro nya.

Natawa ang iba.

"Sinong tinutukoy mo iha ? " tanong ni Mrs. Senining.

Maging si Valerie ay napatingin sa kaibigan.

Hanggang sa nakangising inguso ni Cheska ang binata sa kanyang likuran.

Napanganga ang lahat.

Pero walang tatalo sa tili ng nilalang sa tinuro nya.

"What ? " pasigaw na tanong ni Caleb.

ITUTULOY !!!