1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Walong Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limampu't Walong Pahina

By supertoyantz ·

Ika Limampu't Walong Pahina

"Hanggang ngayon, namamangha pa rin ako kung paano tayo pinaglaruan ng tadhana. Matagal ko ng pinangarap na alamin kung anong nangyari sa'yo pare. Sa inyo ni Mareng Vicky. Dininig na yung panalangin ko. Pero tingnan nyo naman ang kabutihan ng Panginoon, hindi lamang naipagpatuloy ng mga anak natin ang ating pagkakaibigan, nakita rin nila ang isa't isa bilang katuwang. Masaya ako pare, sobrang saya. " naiiyak na wika ni Gabriel.

Kasalukuyan silang nasa maliit na sala sa bahay nina Valerie.

Inakbayan ni Valerio ang kaibigan.

"Pare, wag ka namang umiyak. Dapat nga masaya tayo eh. Tingnan mo naman ang mga anak natin. Tahan na pare. " pang aalo nya.

Ngunit maging sya ay di naiwasang humikbi.

Natawa si Aling Vicky habang nagpupunas ng luha.

Masaya rin sya sa pagtatagpo ng dalawa.

Pero di nya maiwasang matawa dahil parang mga bata ang mga ito.

Ngunit di sya nagsalita para mang asar.

Batid nya ang pinagsamahan ng magkaibian.

Saksi sya.

Alam nya ang lahat ng kalokohan ng mga ito

O maaaring hindni lahat.

May alam si Gibo na lihim ng kanyang asawa at may alam din si Valerio na lihim ni Gibo.

Pero di sya nangangamba, batid nyang mga tagong kapilyuhan lamang ang mga iyon.

..

Lalong napangiti si Aling Vicky ng makita si Valerie na naiiyak sa isang tabi.

Mabilis namang naglabas ng panyo ang katabi nitong si Caleb.

Napatingala sya at palihim na nagpasalamat sa Maykapal.

"Salamat Panginoon at ayos lamang pala sya. Salamat sa lahat ng biyaya. " bulong nya.

Muling napangiti si Aling Vicky.

Napailing na lamang sya at binalingan ang anak.

"Bebang, bumili ka ng maiinom ng Ninong mo. " utos nya.

Natigil sa pag iyak sina Gabriel at Valerio sa narinig.

Napatingin si Gibo sa dalagang katabi ng kanyang anak.

Di nya maiwasang mamangha.

"I-ito na ba si Bebang ? Diyos ko, kaya pala magaan ang loob ko sa kanya. Ito pala ang inaanak ko. " bulalas nya.

Nakangiting tumango si Valerio habang nagpupunas ng luha gamit ang kanyang damit.

"Oo pare. Bebang, sya ang Ninong Gibo mo. Hala at magmano ka anak. " utos nya.

Nabigla man, di mapigilan ni Valerie na sugurin ang lalaki.

"Ninooonngggg ! " lambing nya sabay yakap.

Napangiti ng maluwang si Gibo.

"Anlaki mo na pala. Malaki ang utang ko sa'yo. Dahan dahan lang ang paniningil ha ? " biro nya.

Natawa ang lahat.

Kumalas si Valerie.

"Sya na lang singilin ko Ninong. " biro din nya sabay turo kay Caleb.

Natawa silang muli.

Napakamot sa ulo ang binata.

Pero sinakyan nya ang biro ng kasintahan.

"Dodoble ata order mo pag kakain tayo sa labas ah. " biro nya.

Muling umibabaw ang tawanan.

Napasimangot si Valerie at inirapan ang nobyo.

"Diet kaya ko. " sabi nya.

Kunwaring nabigla si Caleb.

"Ha ? Diet ? Diet ka pa ? " wika nya.

Naningkit ang mga mata ni Valerie.

"Shadap ! " sabi nya.

Nagtawanan sila.

"Oy yung inutos ko sa inyo. Bilisan nyo at nakakahiya sa Ninong mo Bebang. " utos ni Aling Vicky.

Agad namang sumunod ang dalawa.

Naupo si Aling Vicky sa tapat ng asawa at kumpare.

Sabik na nakisalisa kamustahan ng dalawa.

..

Marahang naglalakad sina Valerie at Caleb patungo sa tindahan.

Magkahawak ang kanilang mga kamay at pakiramdam nila ay sasabog na ang kanilang puso sa labis na galak.

Unti unti ng umaayon sa kanila ang tadhana.

Di ito napigilang isatinig ni Caleb.

"For all those difficult times, I think, destiny is trying to catch up. " wika nya.

Napasimangot si Valerie.

"Translate. Nosebleed. " sabi nya.

Natawa si Caleb at gigil na hinapit ang nobya.

"Epal mo. Pero seryoso. Grabe no ? Biruin mo, best of friends pala mga tatay natin. " sabi nya.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

Niyakap nya ang baywang ng nobyo at napatango tango.

"Oo nga eh. Dati ko ng alam na may kaibigan sina Itay at Itay sa probinsya. Alam ko rin yung kwento kung paano sila tinulungan nito ng minsang magtanan sila. Pero di ko akalain na si Tito Gab pala yon. Grabe talaga. " wika nya.

Ngumiti si Caleb.

"I think you should start calling him Dad too. You know, para di ka na mahirapan. Para sanay ka na in case na palitan ko yung apelyido mo. " sabi nya.

Natulala si Valerie sa narinig.

Pakiramdam nya ay namanhid ang kanyang pakiramdam.

Hanggang sa unti unting gumapang ang kilig sa kanyang katawan sa sinabi ng nobyo.

Di nya maiwasang mapangiti ng maluwang.

Kita na gums.

"Kung makapagsalita ka, parang sigurado ka na sa akin. " tanging nasabi nya para paglabanan ang kilig.

Napahinto sa paglalakad si Caleb.

Napahinto din si Valerie at tiningala ang nobyo.

Nagulat sya ng makita ang seryosong ekspresyon sa mukha nito.

"B-babes. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb.

Umangat ang kanyang kamay at marahang hinawi ang buhok na humarang sa magandang mukha ng nobya.

"I've never been this sure in my whole life. I know bata pa tayo, pero ewan ko ba. I can't stop myself from dreaming. Nakikita ko ang sarili kong nakatayo habang nakatingin sa dulo ng malawak na hardin. Nakikinig sa malamyos na musika habang nakatitig sa babaeng mabagal na naglalakad palapit sa akin. Puting puti ang kanyang suot. Nakatitig din sya sakin. Nakangiti. Hanggang sa di nagtagal, nakalapit na sya sa akin. Inalis ko yung nakaharang na belo sa kanyang mukha. Then duon ko nakita ang pinakamagandang babae sa buong mundo. " sabi nya.

Napalunok si Valerie.

Wala syang maapuhap na salita.

Pakiramdam nya ay bibigay na sya anumang oras.

Hanggang sa nagulat na lamang sya ng umangat ang isang kamay ni Caleb at dumampi ito sa kanyang pisngi.

"D-don't cry. " bulong ng binata.

Napasinghot si Valerie at naiiyak na niyakap ang nobyo.

"I love you Caleb. " bulong nya.

Napangiti si Caleb.

Pasimpleng pinahid ang luhang nangilid sa kanyang mga mata.

"And I love you more Bebang. " sabi nya.

Napasigok si Valerie.

"Calebrador. " ganti nya.

Natawa ng malakas si Caleb at lalong hinapit ang dalaga.

"Iyakin. " pang aasar nya.

"Maganda naman. " bulong din ni Valerie.

Napangiti si Caleb at dahan dahang inalis ang pagkakayakap ng kasintahan.

Hinawakan nya ito sa baba at inangat ang mukha.

Tinitigan.

Muling napangiti.

"I can't argue with that. You are indeed, beautiful. " masuyong sabi nya.

Napangiti si Valerie at tiningala ang nobyo.

"At gwapo ka. " puri nya.

Napangisi si Caleb.

"I know. I know. " pagyayabang nya.

Natawa si Valerie at kinurot ng marahan ang tagiliran ng binata.

Muli silang nagkatitigan.

Dahan dahan.

Tila isang malamyos na musika, unti unti itong dumating sa chorus.

Banayad.

Halos sabay pa silang napapikit.

Mga mukha'y naglapit.

Rinig na nila ang tibok ng kanya kanyang mga puso.

Pakiramdam nila ay kanila ang oras at panahon.

Pakiramdam nila ay kanila ang mundo.

At tama nila, pakiramdam lang nila yon.

May tumikhim sa kanilang harap na nagpatigil ng lahat.

Nawala ang malamyos na musika.

Bumalik sa reyalidad.

Napadilat ang magkasintahan.

Napasimangot parehas at binalingan ang pinanggalingan ng pagtikhim.

Bumungad sa kanila ang nakangising mukha ni Cheska.

Nakangisi ang dalaga.

"Ang eksenang ito ay Rated SPG. Maaaring may maseselang Tema, LENGGUWAHE, KARAHASAN, SEKSWAL, HOROR, o DROGA na HINDI angkop sa mga bata. Patnubay ng mga magulang ay kailangan. " sabi nya.

Gigil na sinugod ni Valerie ang kaibigan.

"Kahit kailan, buwisit ka ! Bruha ! " hiyaw nya.

Natatawang umiwas si Cheska.

"Aba, mukhang nabitin ang bidang babae. Sorry naman. " pang aasar nya pa.

Namula ang mga pisngi ni Valerie pero di nya maiwasang matawa.

Maging si Caleb ay natawa sa dalawa.

Masaya sya, masayang masaya.

Pero nya maiwasang malungkot.

..

Mabilis na lumipas ang oras.

Napatingin sa relos sa dingding si Aling Vicky.

Nanlaki ang mga mata nya ng makitang mag aalas dose na.

"Hoy ! Kayong dalawa ! Anong balak nyo ? Hatinggabi na uy ! " saway nya.

Natigil sa masayang kwentuhan sina Gibo at Valerio.

Maging sila ay nagulat sa bilis ng oras.

"Aba't, alas dose na nga ! " bulalas ni Gibo.

Napapalatak si Valerio.

"Ito talagang babaeng to. Kita mong nag eenjoy pa kami ni Pare mo eh. Alam mo namang matagal kaming di nagkita nito. " sabi nya.

"Alam ko Valerio. Kung maaari nga, hanggang mamaya na kayo. Pero isipin mo naman sila Pare. Babyahe pa sila pauwi. Baka hinahanap na sya ni Mareng Harriet. " paliwanag ni Aling Vicky.

Napailing naman si Valerio.

"Ay oo nga. Pasensya ka na Pare. " sabi nya.

"Anong pasensya ? Eh kung ako nga ang masusunod, mamaya na ko uuwi. Aba't marami pa kong ikukwento. " wika ni Gabriel.

Natawa si Caleb.

"Dad, may bukas pa. We can bring Mom too, and Coleen. Matagal na yong nangungulit na bumalik dito. " sambit nya.

Napangiti si Gabriel.

"Pati yung dalaga ko pala, nakilala mo nyo na pare. " sabi nya.

Tumango si Valerio.

"Tulad ng binata mo, mabait din si Coleen. Pero napakalikot at masyadong matanong. " biro nya.

Natawa si Gabriel.

"Well, si Coleen nga yon. Pero seryoso pare, salamat sa pagtanggap sa anak ko para maging nobyo ng anak mo. " wika nya.

Ngumiti si Valerio at sinulyapan si Caleb na katabi ng kanyang anak.

Kita nyang masayang bukas ng mukha ni Valerie.

Binalingan nya si Gabriel at hinawakan sa balikat.

"Maswerte ang anak ko sa anak mo. " sambit nya.

Napangiti din si Gabriel.

"Lalo na ang anak ko. Ilang ulit ko ng napatunayan ang kabutihang loob ni Valerie. Sa tingin ko pare, hindi ka na tututol kung sakaling sila ang magkatuluyan. " bulong nya.

Napataas ang kilay ni Valerio.

Pero napangiti sya ng maluwang.

"Naiisip mo na ba pare ? " tanong nya.

Napangisi si Gabriel.

Sabay nilang tiningnan ang kanilang mga anak.

Sabay din silang nagsalita.

"Kailan nyo kami bibigyan ng apo ? " tanong ng dalawang tatay.

Nasamid si Aling Vicky sa narinig habang natulala lang ang magkasintahan.

..

Lumipas ang mga oras.

Matiwasay ng nakauwi sina Caleb at Gabriel sa kanilang tahanan.

Naabutan nila si Harriet na nanunuod ng TV sa sala.

Agad na niyakap ni Gibo ang kabiyak at tinaniman ng halik sa labi.

"Hello gorgeous. " bulong nya sa tenga nito.

Napangiti si Harriet.

Pero napasimangot at agad na piningot ang asawa.

"May cellphone kayo, bakit hindi kayo nagtext o tumawag ? " tanong nya.

Napatapik sa noo si Gabriel at tinabihan ang kabiyak.

"Patawarin mo ako mahal ko. Mangyari lamang na may hindi inaasahang pangyayari kaming naengkwentro ng anak mo. " sabi nya sabay kindat kay Caleb.

Natawa na lang si Caleb at humalik sa pisngi ng ina.

"Sorry Mom. I left my phone. Then wala ring dala si Dad. Sorry po talaga. " wika nya.

Napasimangot lang si Harriet.

Niyakap naman ni Gabriel ang asawa.

"Patawarin mo na kami ng anak mo. Kasalanan ko kung bakit ngayon lang kami nakauwi. " sabi nya.

"Hmmp, bakit nga kase ? " tanong ni Harriet.

Ngiting ngiti si Gabriel.

Napailing na lang si Caleb at muling humalik sa pisngi ng ina.

"Mom, puntahan ko lang si Lola. " wika nya.

Tumango si Harriet.

"Lock the doors first anak. " sabi nya.

Tumango si Caleb at sinimulan ng mag ikot sa bahay.

Binalingan ni Harriet ang asawa.

"Hoy lalake. Ano bang nangyari bakit ngayon lang kayo ? Siguro nanchicks ka no ? " taray nya.

Natawa ng malakas si Gabriel.

"Nang Chicks ? Sa tanda kong to ? " wika nya.

Pero umirap lang si Harriet.

Nanggigil naman si Gabriel.

Tumayo sya at biglang pinangko ang asawa.

Napatili si Harriet.

"Ayy ! Ano ba Gabriel ! Ibaba mo ako ! " tili nya.

Ngumiti si Gabriel.

"Wala ka bang tiwala sa akin mahal ? Sa tingin mo ba ilalaglag ko ang pinakamamahal kong asawa ? " tanong nya.

Natigilan si Harriet at unti unting napangiti.

Pero muli syang sumimangot.

"Hmmp, bilisan mo. Inaantok na ko. " utos nya.

Napangiti si Gabriel.

"Masusunod mahal na reyna. " sabi nya at nagsimula na silang umakyat ng silid.

..

Napangiti na lang si Caleb ng makita ang paglalambingan ng mga magulang.

Pinagpatuloy na lamang nya ang pag ikot sa kanilang bahay.

Batid nya ang higpit ng seguridad ng kanilang subdivision.

May mga VIP kasi silang kapitbahay tulad ng Chief Prosecutor na walang iba kundi ang ama ni Romeo ng Kwadro Alas.

Pero hindi nya mapigilan ang sarili, bilang panganay, nais nyang masiguro sa sarili na safe ang kanyang mga mahal sa buhay.

..

Matapos masigurong maayos na ang lahat, nagpasya na syang patayin ang lahat ng ilaw pati ang naiwang TV ng mga magulang.

Agad syang umakyat at dumiretso sa silid ng abuela.

Nakabukas ito, tulad ng instruction nila sa lahat para hindi mahirapang buksan ito ng kanilang lola kung sakaling nais nitong lumabas mag isa.

Dahan dahan syang pumasok sa loob.

Napatayo si Lisa mula sa pagkakahiga.

"C-caleb. " wika nito.

Ngumiti si Caleb.

"Sshhh, sleep ka na po Ate Lisa. Check ko lang si Lola. " bulong nya.

Napangiti din ang babae at tumango.

Muli itong nahiga at pinikit ang mga mata.

Nagpatuloy naman si Caleb.

Diretso sya sa gilid ng kama ng kanyang Lola at tinitigan ito.

Pinagmasdan nya ang payapang pagtulog ng abuela.

Napangiti si Caleb.

Inabot nya ang kumot at masuyong kinumutan ang matanda.

Dinampian nya rin ng halik ang noo nito.

Saglit nyang tinitigan ang kanyang Lola bago nagpasyang tumalikod na.

Pero nagulat si Caleb ng bigla itong magsalita.

"Apo. " bulong ni Constance.

Napatingin si Caleb.

"Lola, sorry po kung nagising kita. " wika nya.

Ngumiti si Constance.

"Sshh, di ako makatulog. Wag kang maingay at baka mag alala si Lisa. Akala nya tulog na ko. " bungisngis na bulong nya.

Natawa si Caleb.

Pumihit sya at naupo sa tabi ng abuela.

"Lola, dapat po maaga kayong natutulog. Di ba sabi ni Dok Zack, rest rest rest. " paalala nya.

Napalabi ang matanda.

"Rest rest rest. Eh puro rest, baka ma-rest in peace ako. " biro nya.

Ngunit nagalit si Caleb.

"Don't ever say that again Lola. Please. " sabi nya.

Napangiti si Constance.

Malambing na niyakap ang apo.

"Oh I'm sorry. Pero you see, dun din naman ang punta ni Lola eh. " wika nya.

"Please Lola. Stop it na po. " pakiusap ni Caleb.

Natawa si Constance.

"Kakauwi nyo lang ? Saan kayo galing ? " tanong nya.

"Kina Val po. Hinatid namin sya. " sagot ni Caleb.

"Oh, I forgot. I thought dito sya matutulog. " wika ni Constance.

Napangiti si Caleb.

"Kung pwede nga lang Lola eh. " sabi nya.

Kinurot ni Constance ang braso ng apo.

"Sa tabi ni Nicoleen. Kala mo naman. Hindi pa kayo pwedeng magtabi iho. Matuto kang maghintay. Pahalagahan mo ang nobya mo. " wika nya.

Natawa si Caleb.

"Syempre Lola. Dun ko naman talaga sya patutulugin eh. " sambit nya.

"Naniniguro lang. Iba na ang panahon ngayon. Masyado ng mapupusok ang mga kabataan. Hindi na mahintay ang pagsapit ng kasal. " wika ni Constance.

Natahimik lang si Caleb.

"Lola, ano po ang tingin nyo kay Val ?" tanong nya.

Napaisip si Constance.

Pagkuwa'y tinitigan ang apo.

"Mahalaga ba ang opinyon ko apo ? " tanong nya.

"Of course Lola. Lola ko po kayo. Mahal ko kayo. " sagot agad ni Caleb.

Ngumiti ang matanda.

"Paano kung sabihin ko sayong iwan mo sya. Hindi ko sya gusto. Anong gagawin mo ?" tanong nya.

Natigilan si Caleb.

"B-bakit po ? I thought you already like Valerie ? " ganting tanong nya.

"Sagutin mo muna ang tanong ko iho. Anong gagawin mo kung sakaling di ako pumabor sa kanya ? " tanong muli ni Constance.

Napalunok si Caleb.

"I d-dont know Lola. I loved you, pero mahal na mahal ko po si Valerie. Ayaw ko pong mamili sa inyo. " sagot nya.

Tinitigan ni Constance ang apo.

"Lalayas ka ba ulit kung sakali ? " tanong nya.

Lalong natahimik si Caleb.

Matagal na sandali bago sya nakasagot.

"S-siguro po. " sambit nya.

Napatangu tango ang matanda.

"Bakit ka lalayas ? " tanong nya.

Natigilan si Caleb.

"W-what you mean po ? " balik tanong nya.

"Bakit ka lalayas ? Anong dahilan ? Dahil ba ito sa mahal mo si Valerie, o dahil sa ayaw mong dinidiktahan ka ? " tanong ni Constance.

Napaisip si Caleb.

"The first one. " sagot nya.

Unti unting napangiti si Constance.

"Well, I have nothing to say anymore. " wika nya.

"B-but what about Val ? " tanong ni Caleb.

"What about her? " tanong din ni Constance.

"A-ayaw nyo ba sa kanya ? " tanong ni Caleb.

Ngumiti ng matamis ang matanda.

"Kapag pinakawalan mo sya, magagalit ako sayo. " sagot ni Constance.

Natigilan si Caleb.

Pagkuwa'y unti unting napangiti.

"I love yo Lola. " sambit nya.

"Mahal mo ba ang Lola dahil pumabor ako sa nobya mo ? " tanong ni Constance.

Napangiti si Caleb.

"I love yo because you are Lola. And yes, mahal ko rin kayo pabor kayo kay Val. " sagot nya.

Napanguso ang matanda.

"Andaya mo naman. Isa lang dapat. " sabi nya.

Natawa si Caleb at niyakap ang matanda.

"Bakit isa lang ? Eh pwede namang dalawa. Mahal ko kayo sa maraming dahilan at mahal ko rin si Val sa maraming dahilan. " sagot nya.

Napangiti si Constance.

"Wise answer young man. Now, you can go. Make sure na kasama si Valerie na maghahatid sa atin sa airport. " wika nya.

Natigilan si Caleb.

Muntik ng mawala sa kanyang isip ang nalalapit na pag alis.

Napansin naman ito ng matanda.

"Hindi mo pa ba nasasabi sa kanya ? " tanong nya.

Napangiti ng malungkot si Caleb.

"I don't know how. " sagot nya.

"You want me to tell her ? " tanong ni Constance.

Umiling si Caleb.

"Let me Lola. But not now, may play sila sa school. I want her to concentrate. Importante ito sa kanya. Ayaw kong hatiin ang atensyon nya sa nalalapit na pag alis natin. " sagot nya.

Napangiti si Constance.

"If that's what you want. Now go. Nagpramis ang Mommy mo na mag jojogging daw kami tomorrow. Magagalit na naman yon pag late na kong nagising. " wika nya.

Natawa si Caleb.

Dinampian nya ng halik ang noo ng abuela at niyakap ito.

"I love you Lola. " sabi nya.

"I love you too apo. Stay inlove. " wika ng matanda.

Napangiti si Caleb.

Dahan dahan na syang lumabas ng silid.

Diretso sya sa silid ng kapatid at tsinek ito.

Ng masigurong ayos na ang dalaga, sumunod nyang sinilip si Britney.

Ngunit nag alangan sya na baka maistorbo nya ang privacy nito kaya dumiretso na sya sa sariling silid.

Naglinis lamang sya ng katawan at nagpalit ng preskong pantulog.

Nahiga na sya sa kama.

Napatitig sa kisame.

Unti unting nabuo ang imahe ng kasintahan.

Napangiti sya.

Bumalikwas ng bangon ay hinagilap ang cellphone.

Lalo syang mapangiti ng makita ang text ng dalaga.

"I love you Calebrador. " basa nya.

Natawa si Caleb.

Mabilis syang tumipa ng reply.

"And I love you Bebang. I love you more than you know. Sleep tight baby. Dream of me. ".

Matapos makitang nagsend ang mensahe.

Saglit syang naghintay ng reply sa kasintahan.

Baka sakaling gising pa ito.

Ngunit lumipas ang limang minuto, walang sagot ang dalaga.

"Tulog na. " bulong nya.

Napangiti na lang si Caleb at tinabi ng muli ang cellphone.

Nahiga sya sa kama at tumitig muli sa kisame.

Nagsimulang mangarap.

Pangarap na kasama ang dalaga.

Hanggang sa unti unti na syang tangayin ng antok patungo sa karimlan.

ITUTULOY !!!