1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limapu't Isang Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Limapu't Isang Pahina

By supertoyantz ·

Ika Limapu't Isang Pahina

"Mahal kita Juliet, wala ng iba. Wala akong pakialam sa away ng ating pamilya. Ikaw lang ang mahalaga sa akin. " taimtim na litanya ni Yohan habang matamang nakatitig sa mga mata ni Valerie.

Napangiti ng malungkot ang dalaga sa narinig.

Kahit sino sigurong babae ang makarinig ng ganitong mga kataga ay paniguradong pang hihinaan ng tuhod.

Katakut takot na kilig siguro ang kanilang mararanasan.

Pero hindi sya.

Ni katiting, wala syang espesyal na damdamin para kay Yohan.

Kaya marahil wala syang maramdamang kakaiba sa mga sinasabi nito.

Malinaw sa kanyang isip na ensayo lamang ang kanilang ginagawa.

Pero kakatwang sinseryoso ni Yohan ang bawat sinasabi nito.

Kaya di nya maiwasang mahawa sa dedikasyon ng binata.

Pati sya ay nagseryoso na rin.

Kung may mga katangian si Yohan na ikinaiinis nya, mayroon din namang nakakatuwa.

Ito ang pagiging seryoso nito pagdating sa usaping edukasyon.

Ginagawa ng lahat ang lahat, basta manguna lamang sa academics.

At aminado syang nagpapasalamat sya dito.

Dahil kung di dahil sa kasipagan ng binata sa pag aaral, hindi sya mapipilitang gumawa rin ng hakbang para malagpasan ito.

Tulad ngayon, dahil sa tindi ng konsentrasyon ni Yohan sa ginagawa nilang practice, napupwersa silang magtrabaho rin at tumbasan ang ginagawa nito.

Bagay na talagang ipinagpapasalamat nya dahil hindi sya nabibigyang ng oras para isipin si Caleb.

..

"Hey guys, sorry sa istorbo. Mukhang nagkakaseryosohan kayo ah. Lunch na, kain na muna kayo. Yohan anak, asikasuhin mong mga kaklase mo. " wika ni Yazmin na ina ni Yohan.

Agad na tumango si Yohan at dali daling nagtungo sa kusina.

Napangiti ang lahat lalo na si Cheska.

Dali dali nyang binaba sa lamesita ang hawak na script at nilapitan si Valerie.

"Bebs tara, tomguts na ko. Buti na lang inaya na tayo, muntik ko ng tanungin si Yohan kung anong oras tayo manananghalian eh. " nakangising sabi nya.

Natawa si Valerie at siniko ng mahina ang kaibigan.

"Wala kasing kapal yang peys mo. " bulong nya.

Umirap si Cheska.

"Ipokrita. If you know, kanina ka pa rin nagugutom. " pang aasar nya.

Muling natawa si Valerie.

Binaba nya ang hawak na script at nag inat.

"Hhmm, anong oras na ba ? " tanong nya.

Sinagot sila ng isa nilang kaklase.

"Past 12 na. 12:14 sa relo ko. " sabi nito.

Muling kinalabit ni Cheska ang kaibigan.

"Bebs, sa tingin mo, nasan kaya yung unggoy na pinsan nya ? " tanong nya.

Nagkibit balikat si Valerie.

"Ma at Pa. Malay ko at Pake ko. Teka, bakit mo hinahanap ? Miss mo ? " pang aasar nya.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Cheska.

"Excusing me. Mahiya ka sa balat kalabaw mo Bebang. Ni hindi umabot sa kalahati ng kagwapuhan ni Kuya Rom yung ungas na yon. Mandiri ka nga. " tila kinikilabutan pang sabi nya.

Natawa lang si Valerie at nilapitan ang bag.

Hinawakan nya ang zipper ng maliit na bulsa pero bago nya ito binuksan ay napahinga muna sya ng malalim.

"God, sana naman nag text na sya. " bulong nya.

Dahan dahang binuksan ni Valerie ang zipper.

Kinapa ang cellphone at ng makita ito ay unti unting nilabas.

Mahigpit nyang tinitigan ang aparato habang marahang sinwipe ang locker para bumukas.

Bigla syang natigilan ng may makitang isang mensahe.

Tila lumundag ang kanyang puso. Mabilis na umakyat ang enerhiya sa kanyang katawan.

Kagat labi, nanginginig pa ang daliri.

Dahan dahan nyang pinindot ang tila sobreng imahe sa screen para mabuksan ang mensahe.

Pero ang enerhiyang mabilis na pumaibabaw sa kanyang sistema ay parang bulang mabilis na naglaho.

"G-globe lang pala. " bulong nya.

Malungkot na napangiti si Valerie.

Nais nyang kaawaan ang sarili pero nagpipigil lamang sya.

Marahan nyang ibinalik ang cellphone sa bag kasabay ng pagbuntong hininga.

"Nasan na kaya sya ? " tanong nya sa sarili.

Pinigilan ni Valerie na bigyang kasagutan ang tanong na iyon.

Sigurado kasing hindi maganda ang sasagi sa kanyang isipan kaya marahan na lamang nyang ipinilig ang ulo at tumayo.

Eksakto namang lumabas si Yohan mula sa kusina.

"Guys, tara na habang mainit pa yung foods. Nakahanda na yung table. " tawag nya.

Isa isang nagtayuan ang mga kaklase nila.

Uupo pa sana si Valerie pero natawa sya ng mahina ng hatakin ni Cheska ang kanyang braso.

..

"I'm so sorry honey. Di ko talaga alam na mamaya pa darating yung caretaker namin. Kung bakit naman kasi ngayon pa naisipang bumbaba sa bayan eh ! . " inis na sa paghingi ng tawad ni Britney.

Napangiti ng kimi si Caleb.

"It's okay. Di mo rin naman ginusto eh. " tanging nasabi nya.

Naguilty naman si Britney.

Kita nya sa mukha ng binata na kanina pa ito inip na inip.

Sadyang maginoo lamang si Caleb dahil hindi nito piniling iwan sya sa gitna ng luma nilang bahay para antayin ang matandang katiwala.

Magtatatlong oras na silang naghihintay.

Kasalukuyan silang nakaupo sa hood ng sasakyan at nagpasya na lamang mag kwentuhan.

Hinawakan ni Britney ang kamay ng binata.

"Sorry talaga. Uhm, nagugutom ka na ba ? " tanong nya.

Ngumiti si Caleb.

Gusto sana nyang tumango pero naisip nya si Valerie.

Nais sana nyang makasabay ang kasintahan sa tanghalian.

Pero dahil sa di inaasahang pangyayari, nadelay ang pag uwi nya at malabo ng makauwi sya agad.

Baka nga gabihin pa sila sa daan pabalik.

Naisip nya ang kasintahan.

"A-ano na kayang ginagawa nya ? " tanong nya ng mahina.

Pero narinig ito ni Britney.

"Maybe she's eating her lunch. Sabi ko naman sayo, tawagan mo na si Coleen to ask her number. Then para matawagan narin natin sya. " sabi nya.

Napahinga ng malalim si Caleb.

Unti unti syang napangiti at marahang tumango.

"S-sige. Sa tingin ko yun na nga lang ang tanging paraan. Gusto ko sana syang i-surprise pero mukhang matatagalan pa tayo bago makauwi. Sige Brit, patawag ako. " wika nya.

Napangiti ng matamis si Britney at dinukot sa bag ang sariling cellphone.

Inabot nya ito sa binata at tinanggap naman ni Caleb.

Pero natigilan sya ng makita ang wallpaper ng aparato.

Litrato nila ng dalaga.

"B-brit. I think you should change you background. " mahinang sabi nya.

Natawa si Britney.

"Ikaw naman. Syempre ngayon pa lang tayo nag kaayos at nagkalinawan. Don't worry, papalitan ko rin yan. Wag kang excited. " biro nya.

Natawa rin si Caleb.

"Well, if ever na may makita kang lalaki, be sure na matino ha ? Ayaw ko yung lolokohin ka lang. " payo nya.

Lumawak ang ngiti sa mukha ni Britney.

"Bakit ? Anong gagawin mo if ever na mali ang makita kong guy ? " tanong nya.

Naningkit ang mga mata ni Caleb at kinuyom ang kamao.

"Pahahalikin ko sya dito. " maangas na sabi nya.

Kinilig si Britney pero natawa lang sya.

"Really huh ? Sana mali nga ang makita ko. " biro nya.

Sumeryoso ang mukha ni Caleb.

"Brit. " tawag nya.

Lalong natawa si Britney at kinurot ang pisngi ng binata.

"Hey don't worry about me. Di ako si Coleen para ituring mong nakababatang kapatid. " sabi nya.

"You and Coleen are in the same age. So basically, pareho lang ang takbo ng utak nyo. " paliwanag ni Caleb.

Nagkibit balikat si Britney.

"Yeah, maybe. Pero syempre, iba iba ang taste namin pagdating sa pagpili ng guy. Saka wala pa kong nababalitaang naging boyfriend ni Coleen. Kahit nga crush, wala pa. Bukod kay Keannu Reeves of course. Pero syempre iba yon. Artista yon eh. " sagot nya.

Napasimangot si Caleb ng may maalala.

"Actually, there is a guy na kinalolokohan nya. " maasim na pahayag nya.

Nagulat si Britney sa narinig.

"Oh really ? Sino naman sya ? What's his name ? Taga dito sa Philippines ? Or sa Madrid ? Parang ngayon ko lang narinig yan ah. " sunod sunod na tanong nya.

Pero nagkandailing lang si Caleb.

"We better stop talking about him. Ano nga name ni Coleen dito sa Phone mo ? " tanong nya.

Napangiti si Britney.

"La hermana de mi amor. " mabilis na sagot nya.

Natulala si Caleb.

"Ang hilig mong mag joke. " wika nya.

Pero ngumiti lang si Britney at nginuso ang Cellphone.

Napanganga si Caleb.

Napahinga ng malalim sabay iling.

Sinimulan nyang hanapin ang sinabing pangalan ng dalaga.

At tama ito, yun nga ang naka register na pangalan ng number ni Coleen.

"You should change this. " tanging nasabi nya.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Britney.

Pinakatitigan nya sa mukha si Caleb bago marahang sumandal sa windshield.

"You know Caleb, ngayon ko lang narerealize ang lahat. Masyado ko na palang pinag sisisiksikan ang sarili ko sayo. M-masakit din palang isipin na naging kaawa awa ako sa paningin ng iba. " mahinang sambit nya.

Natigil ang pag dial ni Caleb at agad na tiningnan ang dalaga.

"W-what are you talking about ? " tanong nya.

Ngumiti ng malungkot si Britney.

"Ramdam ko sa pananalita mo. Ayaw mo mang ipahalata, pero alam kong gustong gusto mo na akong mawala sa buhay mo, I mean, sa buhay ng pamilya mo. " sagot nya.

Nilapag ni Caleb sa pagitan nila ang cellphone at hinawakan sa kamay ang dalaga.

"Brit, you're wrong. Hindi ko inisip yan. It's just that. " wika nya.

"It's just that ? What ? Gusto mo lang na umalis na ko sa bahay nyo. Ay mali, di lang pala yon ang gusto mo. Gusto mo na nga pala akong mawala sa buhay mo. " nakangiting sabi ni Britney.

Nakaramdam ng guilt si Caleb.

Bumuka ang kanyang bibig ngunit walang boses na namutawi rito.

Napahinga ng malalim si Britney.

Tumingala para pigilin ang mga luhang muntik ng magpadausdos pababa sa kanyang mga pisngi.

"A-alam mo Caleb. H-hindi ko alam kung maniniwala ka, pero pakiramdam ko, sa twing sumasama ako sa family nyo, pakiramdam ko may nagmamahal sa akin. Parang buo ang family ko. Parang ang saya saya. Inggit na inggit ako kay Coleen kasi kumpleto ang parents nya at mahal na mahal pa sya. Plus may kuya pa syang maalaga at mahal na mahal din sya. Parang spoiled na spoiled sya sa inyo. Eh ako ? Alam mo naman ang story ko. N-namatay si Mommy ng ipanganak ako tapos halos bihira ko lang din makasama si Dad dahil lagi syang wala sa bahay. Mas madalas pa sya sa office nya kesa sa bahay eh. T-tapos kung sinu sino na ang nakikita kong kasama nya. " kwento nya.

Napalunok si Caleb.

Alam nya ang family background ng dalaga pero ang kagulat gulat sa kanya ay ang ideya na naiinggit pala ito sa kanilang magkapatid.

Sa narinig ay nakaramdam ng awa si Caleb.

Di rin nya maiwasang makaramdam ng inis sa sarili dahil sa mga nasabi nya.

Napakasama naman nyang tao para itaboy ang dalaga gayong masaya pala ito sa kanyang pamilya.

..

Unti unting napaiyak si Britney.

Hindi dahil sa kaalamang hindi na sya mahal ni Caleb.

Wala na sa kanya yon.

Bagama't masakit dahil mahal pa nya ang binata, hindi naman sya ganun kasama para sikilin ang kaligayahan nito.

Ang nakapag papaiyak sa kanya ng mga oras na iyon ay ang katotohanang maaari ng mawala ang nag iisang koneksyon nya sa pamilya Concepcion.

Nasanay na syang feeling close.

Kahit pa sabihing tanging sa matanda lamang sya malapit.

Hindi na nya iyon masyadong inaalala pa.

..

Binalot ng awa si Caleb ng makita ang mahinang pagtangis si Britney.

Kusang gumalaw ang kanyang mga kamay at ikinulong ito ng yakap.

"Ssshhh, don't cry. " bulong nya.

Humagulgol si Britney.

Pakiramdam nya ay mayroon syang matinding sumpa at nilalayuan ng mga taong natutuhan na nyang mahalin.

Pakiramdam nya ay wala na syang kakampi.

Sa mga ganitong pagkakataon, duda syang dadamayan ng kanyang ama.

"S-siguro nga, talagang mag isa lang ako dapat. P-para walang masaktan. " sabi nya sa pagitan ng paghikbi.

Umiling si Caleb at mahigpit na niyakap ang dalaga.

"Wag mon sabihin yan. Hindi totoo yan. Hindi mo deserve ang mag isa. Nandito ang family ko. Nandito ako. Nandito kami para sayo. Ituturing ka naming pamilya. Hindi ka nag iisa. " bulong nya.

Lalong naiyak si Britney sa narinig.

Batid nyang hanggang pamilya na lamang ang relasyon na kayang ialok ni Caleb.

Bagama't nais nya pang lumampas pa doon, batid nyang hindi na maaari dahil may iba na itong iniibig.

Ginantihan nya ng yakap ang binata.

Matagal tagal din silang nasa ganuong posisyon ng makarinig ng boses.

"S-sino kayo ? " tanong nito.

Agad na nagkalas ang dalawa.

Kumunot ang noo ni Britney at tinitigan ang bagong dating.

"M-manong Balong ? " atubiling tawag nya.

Napatingin sa paligid ang matanda sa pag aakalang may iba itong tinatawag.

Pero ng masigurong wala, tinuro nya ang sarili.

"A-ako ba ang kausap mo ineng ? " tanong nya.

Tumango si Britney.

Marahang pinunasan ang mga luha at akmang bababa pero naunahan sya ni Caleb.

Napangiti sya ng alalayan ng binata sa bewang at binuhat pababa.

"Thanks. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb.

Gamit ang hinlalaki, pinahid nya ang luha ng dalaga at hinaplos ang pisngi nito.

"Wag ka ng iiyak basta basta. Promise me. " lambing nya.

Ngumiti si Britney.

"Okaaayyy. " wika nya.

Tumikhim ang matanda.

Bagama't magandang pagmasdan ang dalawa, di pa rin maiaalis ang katotohanang hindi nya ito kilala at nasa pribadong pag aari ang mga ito.

"S-sino kayo ? " tanong nya.

Napatingin ang dalawa sa matanda.

Ngumiti si Britney.

"Ako po ito, si Britney. Remember ? Anak ako ni James. " imporma nya.

Natigilan ang matanda.

Maya maya ay nanlaki ang mga mata nito at dali daling lumapit sa anak ng amo.

"Susmiyo, bretne ! Nakup, ang laki laki mo na. Ang ganda ganda mo pa. Hala, nasan ang ama mo ? Bakit di ka nagpasabi na darating ka ? Kanina ka pa ba ? Dyusmiyo, kala ko kung sinong artista ! " bulalas nito.

Bumungisngis si Britney.

"Si Manong talaga, nasan po si Manang ? " tanong nya.

"Ay lekat, baka natutulog. Kumatok ba kayo ? " tanong ng matanda.

Nagkatinginan sina Caleb at Britney sabay iling.

Natawa si Manong Balong.

"Bakit kasi di kayo kumatok ? Nakaupo lang kayo dyan ? Kanina pa kayo ? " tanong nyang muli.

Natawa rin si Caleb.

"Mag 2 and a half hours na po. " sagot nya.

Nagulat ang matanda at napailing.

Pero napatitig sya kay Caleb at sa anak ng amo.

Pati na rin sa mga kamay nitong magkahugpong.

Di nya maiwasang mapangisi.

"Ipakilala mo naman ako sa nobyo mo anak. " sabi nya.

Namula ang mga pisngi ni Britney.

"H-hindi ko ho sya boyfriend." tanggi nya.

Pero umiling lang ang matanda at naglakad na patungo sa maindoor.

Binaba nya ang mga dalang basket at dinukot mula sa kanang bulsa ang susi ng pinto.

Maya maya ay nabuksan na ito.

"Tuloy tuloy. Laging malinis dito Bretne, tulad ng ibinilin ng ama mo. " pagmamalaki nya.

Napangiti lang si Britney at hinatak papasok si Caleb.

Pero nagpigil ang binata.

"Wait Brit. " pigil nya.

Kumunot ang noo ni Britney.

"Why ? " tanong nya.

"Yung phone mo. " nguso ni Caleb.

Natawa si Britney at binitawan ang kamay ng binata.

"Oh I forgot, sige tawagan mo na si Coleen, wait kita dito. " sabi nya.

"Hindi wag na, susunod na lang ako. Pasok ka na. " nakangiting wika ni Caleb.

"Really ? Okay, bilisan mong pumasok ha. " bilin ni Britney.

"Okay po. " sagot ni Caleb.

Ngumiti lang ang dalaga at nagpauna na papasok sa bahay.

Habang muling naglakad pabalik si Caleb sa kotse at dinampot ang cellphone ng dalaga.

Muli nyang hinanap ang sinabi na pangalan ni Britney, at nag dial.

Matagal na sandali ang lumipas bago nya narinig ang tila tinatamad na boses ng kapatid.

"What ? " may halong taray ang boses na sagot ni Coleen.

Natawa ng palihim si Caleb at naisip na lokohin ang kapatid.

"Coleen Concepcion, humanda ka. " boses dwende si Caleb.

Tulad ng inaasahan, nabwisit sa kanya ang kapatid.

"Hoy ! Wala akong panahon sayo ! Britney ! Sino ba tong may hawak ng Phone mo ? Ano bang kailangan nyo ? Sabihin mo na at iniistorbo mong pagtulog ko. " taray ng dalaga.

Sukat duon ay natawa ng malakas si Caleb.

"Tanghali na, matutulog ka pa ? Sarap ng buhay mo ineng. " pang aasar nya.

Ngunit lalong nagwala si Coleen.

"Aba't, ano bang paki - " pero natigilan sya bigla.

Ngiting ngiti si Caleb at hinayaan lang ang kapatid na magsalita.

"T-teka, Kuya ? " tanong ng dalaga.

"Hindi ako to. " boses dwende ulit si Caleb.

Umungol ang dalaga tanda ng pagkainis.

"Kuyaa ! Kanina pa kita kinokontak ! Malolowbat na lang yung phone pero di mo pa rin sinasagot ! " gigil na singhal ng dalaga.

Natawa si Caleb at bahagyang nilayo sa tenga ang cellphone.

"Chill lang hon, unang una, nung tinatawagan mo ba yung phone ko, wala kang naririnig ? " tanong nya.

Saglit na nawalan ng boses ang kanyang kausap.

Hanggang sa muli itong magsalita.

"Hmm, akala ko guni guni lang. Pero yes, may naririnig ako, sa room mo. Oh shucks, don't tell me nakalimutan mong phone mo ? " tanong ni Coleen.

Tumango si Caleb kahit na di naman sya nakikita ng kausap.

"Yan kasi, engot. Nagwawala agad, di muna alamin kung naiwan ba ng tinatawagan nya yung phone nito. " biro nya.

"Eh sino kayang mas engot sa amin ng tinatawagan ko ? Andami daming pwedeng kalimutan, pero yung phone nya pa. Ha ? " ganting pang aasar ni Coleen.

Natawa na lang si Caleb.

"Mamaya na tayo mag sisihan sis, paforward ng number ni Val. Kanina ko pa sya gustong tawagan eh. " sabi nya.

"Hala oo nga, kanina pa daw kayo dyan sabi ni Mommy. Hala ka. " pananakot ni Coleen.

Napakamot sa batok si Caleb.

"Tama yan, takutin mo pa ko. Eto nga't kinakabahan na eh. Sige na kase. Mamaya na tayo magkulitan. " sabi nya.

Humagikgik si Coleen sa kabilang linya.

"Okay po. Sige, forward ko na sayo yung number nya. Then after nyong mag usap, tawagan mo ko kuya ha ? " bilin nya.

"Sure sure, bilisan mo na. " sabi ni Caleb.

"Excited ? Sige ba-bye. Ay teka nasan si Bruha ? " tanong ni Coleen.

"Coleen. " saway ni Caleb.

"Oo na, oo na. Nasan si Britney ? " tanong ni Coleen.

Nilingon ni Caleb ang malaking bahay.

Ngunit di nya makita ang dalaga.

"Nasa loob na. Nandito kasi ako sa labas eh. Mamaya ko na ikukwento. Hintayin ko yung number ni Val ah. " sambit nya.

"Okay, take care kuya. I love you. " wika ni Coleen.

"I love you too hon. " sagot ni Caleb.

Natapos na ang tawag.

Sumandal si Caleb sa gilid ng van at nilaro laro sa kamay ang cellphone habang hinihintay ang text ng kapatid.

Di naman sya naghintay ng matagal dahil isang minuto lang ang lumipas ng makatanggap ng text mula dito.

Agad syang napangiti ng makita ang business card na pinadala ni Coleen.

Dali dali nya itong tinawagan.

Unti unti ng bumilis ang tibok ng kanyang puso sa antipasyon.

Hindi maikakaila ang kasabikan na marinig ang boses ng kasintahan.

Hanggang sa halos mapatid ang kanyang hininga ng ilang rings ang lumipas, sinagot ng dalaga ang phone.

"Hello baby, I'm so sorry kung di ako agad nakatawag sayo ha ? Naiwan ko kasi yung phone sa bahay. And please, wag kang magagalit. Kasama ko si Britney ngayon pero wag kang magduda, wala kaming ginagawang masama. Sinamahan ko lang sya dito sa province nila to do some errands from her father. Babalik sana ako dyan agad pero, wait. Baby ? Still there ? " sunod sunod na sabi ni Caleb.

Pero nagulat sya ng hindi boses ng kasintahan ang marinig sa kabilang linya.

"Hello ? Sino daw to ? Sorry ah, nasa CR kasi si Valerie eh. Tawag ka na lang daw ulit. " boses lalake.

Napalunok si Caleb.

Pilit binobosesan ang nagsalita.

May ideya na sya, pero ayaw itong tanggapin ng kanyang sistema.

Kahit na masakit kung sakaling tama ang kanyang hinala, pinili pa rin nyang itanong kung sino ang nasa kabilang linya.

"S-sino to ? " tanong nya.

"Ay si Yohan to. Sino ka ba ? Tawag ka na lang ulit pare. " sagot ni Yohan.

Pakiramdam ni Caleb ay lalo syang nalunod sa kumunoy sa narinig.

Pero di pa rin sya nawawalan ng pag asa.

Alam nyang nasa bahay lamang nina Valerie ang binata.

Marahil ay hinatid ng ungas ang kanyang kasintahan.

Sa naisip ay umahon ang inis sa kanyang katawan.

"Nasan si Nanay Vicky ? " sinikap nyang ipakilala ang sarili kay Yohan.

Natahimik si Yohan sa kabilang linya.

Napaismid si Caleb.

"Oh loko, huh. Ngayon kilala mo na kung sino ako no. " sa isip isip nya.

Pero mas sya pa ang nagtaka sa isinagot nito.

"Nanay Vicky ? You mean yung mother ni Valerie ? Syempre nasa bahay nila. " sabi nya.

Kumunot ang noo Caleb.

"Bahay ? Bakit ? W-wala ba kayo sa bahay nina Valerie ? N-nasan kayo ? " sunod sunod na tanong nya.

"Ah nandito kasi sya sa bahay namin. Kakatapos lang nyang mag lunch eh. " imporma ni Yohan.

Napanganga si Caleb.

Wala sa loob na napatay nya ang tawag at napaupo sa damuhan.

Pakiramdam nya ay isa syang kandilang unti unting nauupos.

Hanggang sa maramdaman na lamang nya ang pagtawag ni Britney.

"Hey, are you okay ? " tanong nito.

Pinilit ni Caleb ang ngumiti.

"Y-yeah, m-maybe gutom lang ako. " sagot nya.

Natawa ng mahina si Britney at pinalo sa braso ang binata.

"Ikaw talaga, kala ko kung ano na nangyari sayo. Tamang tama, nakaluto na pala si Manang Saling, yung asawa ni Manong. Tara, di ko na maalala kung anong lasa ng luto nya pero base sa pagbibida ni Manong, mukhang singsarap magluto ni Manang yung mga chefs sa five star hotels. " biro nya.

Napangiti na lang ng kimi si Caleb.

Pinili nyang wag magsalita dahil nangangamba syang baka pumiyok.

Inabot na lamang nya ang cellphone sa dalaga at nagpatangay na lang papasok sa bahay.

"Sino daw ba yung tumawag ? " kunot noong tanong ni Valerie kay Yohan.

Di nya maiwasang makaramdam ng inis ng malamang sinagot ng binata ang cellphone nya.

Nagkibit balikat lang si Yohan.

"Ewan ko, di sinabi. Bastos nga eh, bigla na lang binaba yung phone. " asar na sagot nya.

Bagama't naiinis sa ginawa ng binata, di maiwasang mapaisip ni Valerie kung sino ang tatawag sa kanyang ganitong oras.

Tanging mga importanteng tao lamang ang nakakaalam ng numero nya.

Ni hindi nga alam ng iba nyang kakilala na may cellphone sya.

Kaya talagang kataka taka ang nangyari.

Lumapit si Cheska at naupo sa kanyang tabi.

"Baka wrong number lang. " singit nya.

Umiling si Yohan.

"I doubt na wrong number, kilala nya ang mother ni Val eh. Nanay Vicky ang tawag nya. " sabi nya.

Nagkatinginan ang dalawang dalaga.

Parehong nag isip ng posibleng suspect sa likod ng misteryosong pagtawag.

Hanggang sa unti unting manlaki ang mga mata ni Cheska.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Ano na naman yang arte mo ? " tanong nya.

"Isa lang ang naiisip ko. " sagot ni Cheska.

Natawa si Valerie.

"Uhm, nagulat ako sa sinabi mo. Nag iisip ka pala. " biro nya.

Pero di natawa si Cheska.

"Tingnan natin kung makatawa ka pa kapag naisip mo kung sino ang posibleng tumawag sayo. " sabi nya.

Nawala ang ngiti sa mukha ni Valerie at tinitigan ang kaibigan.

"Sino naman aber ? " tanong nya.

"Baby. " maiksing sagot ni Cheska.

Akmang tatawa si Valerie ng matigilan sa narinig.

Hanggang sa unti unti na ring manlaki ang kanyang mga mata.

"H-hindi. " wika nya.

"Sya lang ang tumatawag sa nanay mo ng ganon. Si Coleen, ganun din ang tawag nya, pero sabi ni Yohan, lalaki daw. " dagdag pa ni Cheska.

Nanginig ang kamay ni Valerie.

Mahigpit nyang hinawakan ang kamay ng kaibigan.

"K-kay, a-anong gagawin ko ? " tanong nya.

"Tawagan mo. Ipaliwanag mo kung bakit si Yohan ang sumagot sa tawag nya." sagot ni Cheska.

Napakagat labi si Valerie.

"S-samahan mo ko sa labas, magpapaload ako." sabi nya.

Tumango si Cheska.

Sabay silang napatayo ng harangin ni Yohan sa pinto.

"Where are you going ? " tanong nya.

Seryosong tinitigan ni Valerie ang binata.

"Wag ka munang makulit Yohan, importante lang. " sagot nya.

Pero di natinag ang binata.

Bagkus ay nilabas nito ang sariling cellphone.

"You need to call ? Here, use my phone. Baka kasi di na kayo bumalik eh. " sambit nya.

Naningkit ang mga mata ni Cheska.

"Pano kami uuwi ? Nakita mo bang dala na namain yung mga bags namin ? " singhal nya.

Napaatras si Yohan.

"S-sorry, I c-cant help it. G-gusto ko lang makatulong since na ako ang may kasalanan kung bakit di kayo nagkausap nung caller mo. " mahinang sabi nya.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Okay lang yon Yohan. Sige na, magpapaload lang kami ni Cheska tapos babalik din kami agad. " wika nya.

Ngunit giniit ni Yohan ang sariling cellphone.

"Y-you can use my phone Val. Mapapagod lang kayo sa pagpapaload. Sige na, payagan mo na kong tumulong. " sabi nya.

Kinalabit ni Cheska ang kaibigan.

"Hayaan mo na sya Bebs, okay na rin yun. Makakatipid ka sa Load. " bulong nya.

Kinurot ni Valerie ang dalaga at tinanggap ang cellphone ni Yohan.

Naglakad sya palayo sa dalawa at sinimulang i-dial ang number na ginamit ni Caleb.

Ilang sandali pa ay nag ring na.

Unti unting bumilis ang tibok ng puso ni Valerie.

Di maikakalang sabik na sabik na syang marinig ang boses ng kasintahan.

Tama na ang pagpapahirap sa mga sarili nila.

Tama na ang pagpapanggap na wala syang pakialam.

Aaminin na nya sa kasintahan na miss na miss na rin nya ito.

Ilang rings ang lumipas bago may sumagot.

"Yes hello ? " malambing na boses ang nasa kabilang linya.

Natigilan sa pagsasalita si Valerie.

Di agad sya nakasagot.

Hanggang sa muling magsalita ang nasa kabilang linya.

"Hey, who's this ? Anong kailangan mo ? Hellooo, still there ? " tanong ng babae.

Napalunok si Valerie.

Nais nyang ibaba na ang cellphone ng muling may magsalita.

"Britney iha, ito na ang twalya. Hala at magpalit na kayo ng damit ng nobyo mo. Andumi dumi nyo na oh. " sabi ng isang boses.

Napanganga si Valerie sa narinig.

Tama ang kanyang hinala.

Kay Britney nga ang numerong ginamit ni Caleb.

Muntik na nyang makalimutan na magkasama ang dalawa.

Pero nobyo ?

Bakit nito nasabi kung sino man iyon na nobyo ni Britney si Caleb ?

Nasan na ba ang dalawa ?

Ano na ba ang mga nangyari at nangyayari sa pagitan ng mga ito ?

..

Sari saring masasamang pangitain ang nagpapabalik balik sa isipan ni Valerie.

Bawat ideya at pasama ng pasama hanggang sa wala na syang nagawa kundi patayin na lamang ang tawag.

Dire diretso syang bumalik sa banyo kung saan sya nanggaling.

Hindi na nya pinansin ang pagtawag nina Yohan at Cheska.

Ang mahalaga ay makapasok sya at makapagtago.

Ayaw nyang makita ng iba ang kanyang pagtangis.

Pinili na lamang nyang solohin ang pagluha.

Pinili na lamang nyang mag isa.

ITUTULOY !!!