1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpung Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpung Pahina

By supertoyantz ·

Ika Tatlumpung Pahina

Napanganga si Valerie sa narinig.

"A-anong sabi mo ? " tanong nya.

"Y-you heard it right baby. Ex - Fiancee ko si Britney. " sagot ni Caleb.

Natahimik ang dalaga.

Pakiramdam nya ay may isang malamig na kamay ang bumalot sa kanyang puso at pinipigilan itong tumibok.

Nagulat sya sa matinding epekto ng sinabi ni Caleb.

Parang biglaang nayanig ang kanyang pagkatao.

"B-baby. Still there ? " untag ng binata.

Huminga ng malalim si Valerie.

Tumingala para pigilan ang pagpatak ng luhang mabilis na naipon sa gilid ng kanyang mga mata.

"O-oo. " mahinang sagot nya.

"I'm so sorry baby. " wika ng binata.

"B-bakit ka nagso-sorry ? May ginawa ka bang di tama ? " tanong ni Valerie.

Natahimik si Caleb.

"W-wala naman. " sagot nya.

"May balak ka ba ? " paniniyak ng dalaga.

"WALA ! Walang wala baby. Wala akong plano na sirain ang relasyon natin. " giit ni Caleb.

Pinilit ni Valerie ang mapangiti.

"Then wala tayong dapat pag awayan. Right ? " tanong nya.

"W-wala po. " sagot ni Caleb.

Natahimik si Valerie.

Pilit nyang binigyan ng lohikal na rason ang masakit na bagay na nararamdaman nya sa kaibutaran ng puso.

Di pa man nagtatagal ang kanilang relasyon, heto at tila may malaking pagsubok na silang dapat pagdaanan.

Huminga sya ng malalim at pinilit ang sariling ngumiti.

"Baby. " mahinang tawag nya.

"Yes baby ? " mabilis na sagot ni Caleb.

"M-may dapat pa ba akong dapat malaman ? " tanong ni Valerie.

Saglit na natahimik si Caleb.

Nakaramdam ng kaba ang dalaga pero pinili nyang manahimik at antayin ang isasagot ng kasintahan.

"M-meron pa siguro. D-dito mag is-stay si Britney. " sagot ng binata.

Muling natigilan si Valerie.

Ramdam nya ang mabilis na pagragasa ng selos sa kanyang pagkatao.

"P-paano na yan ? B-baka mawala ka saken baby. " bulong nya.

"Of course not. That will not gonna happen. Kaya nga gumawa na ako ng paraan habang maaga pa. " agad na sambit ni Caleb.

"A-anong ibig mong sabihin ? " tanong ni Valerie.

"Alam ko kasing unfair sayo ang sitwasyon. Malayo tayo sa isa't isa then katabing kwarto ko lang ang ex - fiancee ko. Kaya nagpaalam ako kay Mommy na dito muna ako kina Tyang titira hangga't di pa umaalis yung asungot sa bahay. " sagot ni Caleb.

Natigilan si Valerie.

Unti unti syang napangiti.

"O-okay lang daw ba kay Mommy yon ? " tanong nya.

"Yeah. Sya pa nga ang nag insist. Iniisip nya kasi ang feelings mo. Baka daw magselos ka kung sakaling nasa iisang bubong lang kami ng dati kong mapapangasawa. " sagot ni Caleb.

Lalong napangiti si Valerie.

Natouch sa ginawa ng ina ng binata.

"Pakisabi kay Mommy na sobrang thank you. " wika nya.

"Why don't you say that yourself ? Para mabisita mo na rin si Dad. Tutal Sunday naman bukas. " suhestyon ni Caleb.

Natigilan si Valerie.

"P-pupunta naman talaga ako dyan. May tutorial kami ni Coleen. P-pero, " pinigilan nya ang sarili.

"Why ? Nag wo-worry ka ba na magkikita kayo ni Britney ? Don't worry baby, sasamahan kita. Saka isa pa, lahat ng tao sa bahay kampi sayo. " wika ng binata.

Napangiti si Valerie.

"T-talaga ? " tanong nya.

"Of course. Parang di mo naman alam. " sagot ni Caleb.

Lalong napangiti si Valerie.

Kahit papaano ay nabawasan ang nararamdamang kaba dahil sa sinabi ng kasintahan.

"Hey baby. Ano bang itsura ni Britney ? " tanong nya.

"Maganda. Saka liberated ang itsura. Pero walang wala syang sinabi sa baby ko. " sagot ni Caleb.

Napangisi si Valerie at marahang kinilig.

"Ahuh. Nambola pa daw. " sabi nya.

"Baket ? May mali ba sa sinabi ko ?" tanong ni Caleb.

"Di naman ako maganda. " wika ni Valerie.

"Huh ? Sinong nagsabi ? Pakituro mo nga baby at ng mabalasa ko na. " sambit ni Caleb.

"Kwadro Alas ang peg ? " biro ni Valerie.

Natawa si Caleb.

"Oo nga eh. Nahahawa na ako sa kanila. " wika nya.

Biglang natahimik si Valerie.

"B-baby. " bulong nya.

"Yes ? " tanong ni Caleb.

Huminga muna ng malalim si Valerie bago pikit matang nagsalita.

"Do you love me ? " tanong nya.

..

Natahimik si Caleb ng marinig ang tanong ng katipan.

Nais nyang tumawa at sabihin na hindi, ngunit naisip ayaw magtampo ang dalaga.

"B-baby ? Nandyan ka pa ba? " tanong ni Valerie.

Ngumiti ng masuyo si Caleb.

"Yes baby. " sagot nya.

"Gaano mo ko kamahal ? " pangungulit ni Valerie.

Di nya maintindihan ang sarili.

Ngunit tila nais nyang malaman kung gaano sya kamahal ng kasintahan.

Dahil sa nalaman nya mula dito, parang biglang nais makasiguro ng dalaga.

Ngunit walang nagsalita sa kabilang linya.

Nagsimula tuloy syang kabahan.

"B-bakit di ka na nagsalita ? M-mahirap bang sagutin yung tanong ko ? " tanong ni Valerie.

Muling napangiti si Caleb.

"Yeah. Medyo mahirap sya. " sagot nya.

..

Napakagat labi si Valerie.

Di nya inaasahan ang isasagot ng binata.

"G-ganun ba ? Di ka pa pala sure sa feelings mo para sakin. " bulong nya.

"Of course I'm sure. " agad na sawat ni Caleb.

"Eh bakit di mo masagot yung simpleng tanong ko ? " tanong ni Valerie.

Natahimik muli si Caleb sa kabilang linya.

Kinabahan si Valerie at nagsimulang makaramdam ng lungkot.

Hanggang sa muling magsalita ang binata.

"Sorry baby. Mukhang di ko masasagot ang tanong mo. Napakahirap kasing sukatin ng pag ibig ko sayo. Alam kong nakakatawa, pero kahit na maikli pa lamang ang oras na nagkakilala tayo. Pakiramdam ko ay di na ako mabubuhay ng wala ka. Kaya kung ipapasukat mo sa akin kung gaano kita kamahal, pasensya na baby. Masasagot ko lang yan kapag matanda na tayo at puti na ang mga buhok. Pero duda pa rin ako. " paliwanag ni Caleb.

Napanganga si Valerie sa narinig.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata at di na nya napigilan ang pagtulo nito sa kanyang pisngi.

Kagat labi syang nagsalita.

"I love you baby. " bulong nya.

"And I love you more baby. I love you yesterday, I love you today and I will certainly love you more tomorrow. You don't have to worry about my feelings. It's true and pure. " ganting bulong ng binata.

Lalong napaiyak si Valerie sa sinabi nito.

"K-kung nandito ka lang, baka nakurot na kita. " inis na sabi nya habang pinapahid ang mga luha.

Natawa si Caleb.

"Why ? " tanong nya.

"Pinaiyak mo ko ! " sumbat ng dalaga.

Lalong natawa ang binata.

"Iyakin. " bulong nya.

Akmang tatarayan ni Valerie ang kasintahan ng bigla syang matigilan sa narinig.

"B-baby ? " tanong nya.

"Y-yes ? " sagot ni Caleb.

"Umiiyak ka rin ? " tanong ng dalaga.

Matagal bago sumagot ang binata.

"Wala kang ibidinsya. " biro nito.

Pero di natawa ang dalaga.

"Bakit ka umiyak baby ? " tanong nya.

"Eh kasi umiyak ka eh. " sagot ni Caleb.

"P-pero naiyak kasi ako sa confession mo eh. " wika ni Valerie.

"At naiyak din ako dahil di sa sobra soborang emotions na naghahalo sa damdamin ko sa oras na ito. " bulong ng binata.

Lalong natouch si Valerie.

"Anu anong emotions naman yan ? " tanong nya.

"Love. " sagot ng binata.

"Tapos ? " tanong ni Valerie.

"Longing. " sagot ni Caleb.

"Then ? " tanong ulit ng dalaga.

"Dysmenorrhea " sagot ng binata.

Napanganga si Valerie sabay simangot.

"BALIW ! " singhal nya.

Natawa si Caleb.

"I really missed you baby. Kung nandyan ako, malamang piniga na kita. " bulong nya.

Napangiti si Valerie sabay tango.

"Yeah, gusto ko ding yakapin ka. " sambit nya.

"Pwede ba akong makitira dyan sa inyo ? " tanong ni Caleb.

Natawa si Valerie.

"Saan ka naman daw hihiga ? " tanong din nya.

"Tabi tayo. " sagot ni Caleb.

Lalong natawa si Valerie.

"Gusto mong patayin tayo ni Tatay ? " sabi nya.

Natawa din si Caleb.

"Haha, dun din naman kamo tayo pupunta. Bakit pa ipagpapabukas ang pwede namang gawin ngayon ? " tanong nya.

"Gago. " natatawang saway ni Valerie.

Saglit silang nagtawanan.

Maya maya ay natahimik ang dalawa at dinamdam ang pag ibig sa isa't isa.

"Hey baby. " tawag ni Caleb.

"Yes baby ? " tanong ni Valerie.

"I love you so much. Di ako gagawa ng mga bagay na ikasisira ng relasyon natin. " sagot ni Caleb.

Napangiti ng maluwang si Valerie.

Ramdam nya ang nag uumapaw na pag ibig sa sinabi ng kasintahan.

"I know. And just so you know, I love you too. So much. " bulong nya.

..

Kinabukasan.

Dinilat ni Valerie ang mga mata.

Di pa man ganap na natatauhan ay automatiko na syang napangiti.

Masarap ang kanyang naging pagtulog.

Kaya di kataka takang maganda ang kanyang naging gising.

Agad nyang hinagilap ang cellphone sa pagbabaka sakaling may iniwang sweet na mensahe ang kasintahan.

Pero nadismaya sya ng walang makita.

Napahinga ng malalim si Valerie.

Pinilit nya ang sariling ngumiti.

Ayaw nyang makaramdam ng bad vibes sa umagang ito.

"Baka tulog pa. " paos na bulong nya.

Magaan ang naging pagkilos ni Valerie.

Nakaramdam sya ng gutom kaya diretso syang lumabas ng silid.

Di na nag abalang ayusin ang magulong anyo dahil nga kagigising lamang nya.

"Good Morrrrniiiingggg. " sigaw ng dalaga.

Napatingin sa kanya ang mga tao sa salas.

Ngumiti si Valerie at isa isang binati ang mga ito.

"Good Morning Nanay. Good Morning Tatay. " bati nya.

Nanatiling tahimik ang mga magulang ng dalaga.

Nakangiting tinapunan ni Valerie ang lalaki sa tapat ng dalawa.

"Good Morning Baby. " bati nito sa kanya.

Ngumiti si Valerie at tumango.

"Good Morning Baby. " ganting bati nya.

Dire diretso sya sa kusina para sana maghilamos.

Pero biglang nanlaki ang kanyang mga mata ng may mapansing kakaiba.

"B-baby ? " takang tanong nya.

Napanganga si Valerie at dali daling lumabas ng kusina para kumpirmahin ang hinala.

Pero halos mapasigaw sya ng makita ang kasintahan na kampanteng nakaupo sa salas.

"HOY ! " sigaw nya.

Natawa si Aling Vicky.

Maging si Mang Valerio ay napangiti sa anak.

"Nakakahiya ka nak. May laway ka pa sa bibig mo oh. " turo nito.

Tarantang pinahid ni Valerie sabay takbo papasok sa silid.

Pabalagbag nyang sinara ang pinto na ikinatawa ng mga tao sa salas.

Nakasimangot na humarap ang dalaga sa salamin at binistahan ang sarili.

Nakahinga sya ng maluwag ng walang makitang laway o tanda na naglaway sya sa gilid ng bibig.

Pero napangiwi din sya sa itsura.

Gulo gulo pa ang kanyang buhok at halatang bagong gising.

Napahinga ng malalim si Valerie.

"Bakit ba kasi ang aga nitong ungas na to. " inis na bulong nya.

Nakasimangot na hinablot ng dalaga ang twalya sa likod ng pinto at pagkatapos ay dahan dahang binuksan ang pinto.

Muling napatingin sa kanya ang tatlo.

Ngumiti ng mahinhin si Valerie.

Bumilang sya ng tatlo at pagkatapos ay tumakbo patungo sa kusina kung saan naruon ang banyo.

..

"Bakit ba kasi ang aga mo ? " nakasimangot na tanong ni Valerie habang nag sasangag ng kanin.

Natawa ng mahina si Caleb.

"Baket ? Akala ko ba namiss mo ko ? " tanong nya.

"Oo nga, pero wala naman akong sinabing magpunta ka ng ganitong oras no. " taray ni Valerie.

Napangiti si Caleb.

"Why ? Anong masama sa ginawa ko ? " tanong nya.

Asar na nilingon ni Valerie ang nobyo at dinuro gamit ang sandok.

"Wag kang tatawa ! Anong masama ? Hello, ni hindi pa nga ako nakapagsuklay man lang tapos makikita kita na nasa labas lang ng kwarto ko ? Anong gusto mong maramdaman ko ? " litanya nya.

Pinigilan ni Caleb ang tumawa.

"Baket ba galit na galit ka ? Eh maganda ka pa rin naman kahit bagong gising. " sabi nya.

Lalong napasimangot si Valerie.

"Ewan ko sayo, kumakain ka ba ng tuyo ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Of course, tingin mo naman saken ? " balik tanong nya.

"Naniniguro lang ako. Wala kaming steak o fresh papaya dito. Saging meron. Wala rin kaming mamahaling bigas na pansaing. Ganitong oras, sinangag ang kinakain namin. Alam mo ba kung ano yung sinangag ? " tanong ulit ni Valerie.

Napailing si Caleb at tumayo.

Inagaw nya ang sandok sa dalaga at sya na ang naghalo ng sinangag.

"Hay nako baby. Kung makapagsalita ka, parang abnormal ang tingin mo saken. Di ko alam kung nang aasar ka o nang iinsulto eh. " may tampong sabi nya.

Napangiti si Valerie at niyakap ang baywang ng nobyo.

"Asusss, nagbibiro lang no. Tampururot. " biro nya.

"Walang biro biro saken. " sabi ni Caleb.

Napangiti si Valerie.

"Ano naman ang gagawin ko para mawala ang tampo ng baby ko ? " tanong nya.

Pinigil ni Caleb ang mapangisi.

"Dede. " mabilis na sagot nya.

Natigilan si Valerie sabay batok sa binata.

"Dede ? Eh kung degukan kita ? " taray nya.

Natawa si Caleb.

"Hug and kisses na lang. Kagabi pa ako sabik na sabik dyan eh. " bulong nya.

Napangiti si Valerie.

Mahigpit nyang niyakap ang nobyo mula sa likod at tumingkayad para bigyan ito ng halik sa pisngi.

"Okay na ? " tanong nya.

"Uhm, isa pa. Sa kabila naman. " sagot ng binata.

Ngumiting muli si Valerie at muling tumingkayad.

Nilapit nya ang mga labi sa pisngi ng nobyo pero mabilis itong humarap.

Sa mga labi ni Caleb tumama ang kanyang halik.

Natatawang kinurot ni Valerie ang binata.

"Napakapilyo mo ! " bulong nya.

Ngumiti si Caleb.

"I really missed that. Kuha ka na ng plato baby at patapos na to. " utos nya.

Napangiti si Valerie at tumango.

Kumuha sya na plato at nilagay ito sa mesa.

Biglang pumasok ang kanyang ina.

"Nak, kayo na muna dito ha. May kukunin lang ako dyan sa palengke. " sabi ni Aling Vicky.

Tumango si Valerie.

"Sige po Nay. Ano ba yon ? Eh kung kami na lang ni Caleb ang kumuha ? " tanong nya.

Umiling si Aling Vicky.

"Aysus, yung inorder ko lang na isa yon. Mukhang nakalimutan na ni Mareng Shirley eh. Saka mas mabuti na rin na ako ang mamili kasi baka bilasa na yung ibigay sa inyo. Baka maulit na naman yung nangyari dati. " sabi nya.

Napasimangot si Valerie.

"Si Nanay, di makamove on. " wika nya.

Nacurious si Caleb.

"Baket anong nangyari ? " tanong nya.

Natawa si Aling Vicky.

"Hay nako itong batang ito. Inutusan kong bumili ng manok, isda ba naman ang inuwi ? Ang masaklap, bilasa pa. " naiiling na kwento nya.

Lalong napasimangot si Valerie.

"Si Kakay ang sisihin nyo wag ako. Sya yung naglista eh. " wika nya.

"Hay nako. Turuan kayo ng turuan. Sabi naman ni Kakay ikaw daw yung dumampot. Hala at baka tanghaliin ako, sasabay ako sa Tatay nyo. " sabi ni Aling Vicky.

Tumango na lang si Valerie.

"Okay Nanay, ingat po. " sabi nya.

"Sya sige. Ay yung mga kapatid mo Bebang. Kapag nagising, pakainin mo na. " bilin ng ina.

Muling tumango si Valerie.

"Yes Ma'am. " biro nya.

"Oh bahala na kayo dito ha ? Maganda rin kung maglilinis kayo. Yung mga panty mo Bebang nagkalat sa banyo, buti na lang di pa nag C-Cr yan si Caleb. " pang aasar ni Aling Vicky.

Napahiyaw si Valerie.

"Nanay ! Tanghali na po ! " paalala nya.

Natawa ng malakas si Aling Vicky at kinuha ang lalagyan na gawa sa tela.

"Bahala na kayo dito ha. Hmm, sayang at nakapag almusal na kami ng Tatay nyo. Marunong pala itong si Caleb magluto. Mukhang masarap pa naman. Ang bango eh. " sabi nya.

Napangiti si Caleb.

"Yaan nyo po Nay, sa susunod ipagluluto ko kayo. " wika nya.

"Talaga ? Gawin mo nga iho at ng makatikim naman ng ibang putahe. Medyo nauumay na kami sa mga luto ni Bebang eh. Kung di na rin nakakaabala sayo, pakituruan mo nga itong nobya mo. " pang aasar ni Aling Vicky.

Nakasimangot na tinulak ni Valerie ang ina palabas ng kusina.

Tatawa tawang nagpatulak naman ang ina.

..

Di nagtagal ay nakasimangot na bumalik si Valerie.

"Nakapa hard ni Nanay saken. Parang di ako anak kung laitin. " asar na sabi nya.

Pero walang nagsalita.

Nagtaka si Valerie ng di nakita ang kasintahan.

"Baby ? Caleb ? Yooohoo. " tawag nya.

Napatingin sa mesa ang dalaga.

Luto na ang tinapa at sinangag.

Maayos na rin itong nakahanda.

"Nasan ka baby ? " malakas na tawag nya.

Ngunit walang sumagot.

Akmang lalabas ng kusina si Valerie ng makarinig ng pagbukas ng pinto.

Pagtingin nya ay palabas si Caleb at galing ito sa banyo.

"Yo baby. Umihi lang ako. " sabi nya.

"Ah, kala ko umuwi ka na eh. " sambit ng dalaga.

Natawa si Caleb.

"Sasayangin ko ba naman itong pagkakataon ? " sabi nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Anong pagkakataon ? " tanong naman nya.

"Ito, ang masolo kita. Ang masolo itong bahay nyo. Parang mag asawa tayo eh. " sagot ng binata.

Natigilan si Valerie.

Unti unting gumapang ang kilig sa kanyang sistema.

"Oo nga no. " landi nya.

Natawa si Caleb.

"Hala, gisingin mo na yung mga anak natin. " utos nya.

Kumunot ang noo ni Valerie.

"Anak ? Agad agad ? " tanong nya.

Napangiti si Caleb.

"Ay gising na pala eh. Hello, good morning. " bati nya.

Napalingon si Valerie at natawa ng pupungas pungas na pumasok si Ria.

Tila nagulat pa ito ng makita ang binata.

"Uya Caleb ? " kunot noong paniniguro nito.

Ngumiti si Caleb.

Binuhat nya ang bata at hinalikan sa pisngi.

"Hmm, amoy laway ka ah. Parang yung ate mo. Teka nasan ba dito ang toothbrush mo ? " tanong nya.

Napasimangot si Valerie at kinurot ang braso ng nobyo.

"Sinong amoy laway ? " tanong nya.

Natawa si Caleb.

"Biro lang baby. Gisingin mo na rin si Bitoy. " utos nya.

Ngumiti si Valerie at tumango.

Excited syang nagtungo sa kwarto ng kapatid.

Naabutan nya itong nakanganga pa at tulog na tulog.

"Hmm, magagalit lang ito kapag ginising eh. Mamaya na lang. " sabi nya.

Muling lumabas ng silid ang dalaga at bumalik sa kusina.

Naabutan nyang tinutulungan ni Caleb na magsepilyo ang kapatid.

Napangiti si Valerie sa itsura ng nobyo.

Sumandal sya sa dingding at pinagmasdan ang ginagawa nito.

Hanggang sa tila maramdaman ng binata na pinagmamasdan sya kaya bigla itong lumingon.

Tumaas ang isang kilay ni Caleb na tila nagtatanong.

"Why ? " tanong nya.

Napangiti si Valerie.

"Ang cute mong tingnan. Ang cute nyo palang tingnan. " sabi nya.

Napangiti lang ang binata.

"Paamoy nga ng breath ? Hmm, ambango na ! " puri nya.

"Yehey ! " sabi ng batang si Ria.

Ngumiti si Caleb.

Pinunasan nya ng panyo ang basang bibig ng bata at pagkatapos ay binaba mula sa lababo.

Nilapag nya ito sa isang upuan.

"Anong gusto mong ulam ? Tinapa o dried fish ? " biro nya.

Bumungisngis si Valerie.

Pero kumunot ang noo ni Ria.

"Drayd pis ? Anu yun Uya ? San yun ? " tanong nya.

Natatawang tinuro ni Caleb ang tinapa.

"Yan o. " sagot nya.

"Eh tinapa yan eh. " wika ng bata.

Tumango si Caleb.

"Oo nga. " sambit nya.

"Kala ko may iba pang ulam. " nakasimangot na sagot ni Ria.

"Ria, naghahanap ka ng ibang ulam ? Ano bang sinabi sayo ni Tatay ? " pangaral ni Valerie.

"Opo ate. Di po. " magalang na sagot ng bata.

Napangiti ng maluwang si Caleb.

"Wow, bata pa lang mabait na si Ria. " puri nya.

"Yeah, bata pa lang kasi tinuturuan na kaming magpasalamat kung anong meron sa hapag. Kaya ayan. Natuto na pati si Ria. " pagmamalaki ni Valerie.

Napangiti si Caleb at pasimpleng inakbayan ang kasintahan.

"I'm so proud of you. " bulong nya.

Kinilig si Valerie.

"Para yun lang. " sabi nya.

"Bihira na ang ganyan ngayon. Kadalasan, lagi na lang reklamo ang maririnig mo. Laging paghahanap sa mga bagay na wala naman. Di na lang magpasalamat kung anong meron. " wika ni Caleb.

Ngumiti lang si Valerie.

Nagtitigan sila at napangiti sa isa't isa.

Hanggang sa unti unting maglapit ang kanilang mga labi.

Konting distansya pa ang nilapit, napapikit na ang dalawa at hinanda ang sarili sa nalalapit na sarap na mararamdaman.

Pero biglang may nagsalita.

"Yuck ! " sigaw ni Ria.

Tarantang naghilaway ang dalawa.

Napasimangot si Valerie at sinandukan ng kanin ang kapatid.

"Hala lamon ! " inis na sabi nya.

Natawa na lang si Caleb at niyakap ang nobya sa likod.

ITUTULOY !!!