1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Anim na Pahina
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Ika Tatlumpu't Anim na Pahina

By supertoyantz ·

Ika Tatlumpu't Anim na Pahina

Tulalang napatingin na lamang sa pinto si Caleb.

Ni hindi sya nakakilos agad.

Parang namanhid na rin ang kanyang sistema pagkakita sa kasintahan.

Maging si Britney ay natigilan.

Pero mabilis itong nakarekober.

Pilit na ngumiti ang dalaga.

"D-don't mind her. " bulong nya.

Litong napatingin si Caleb.

"W-what ? " tanong nya.

Ngumiting muli si Britney.

Marahan syang lumapit sa binata at pinalibot ang mga braso sa leeg nito.

"I said don't mind her. Hayaan mo syang umalis. " ulit nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"W-who ? " tanong nya.

"Yung girlfriend mo. " sagot ni Britney.

"S-si Valerie ? " tanong ulit ni Caleb.

Tumango si Britney.

"Yeah. Sya nga. What happened to you ? Uhm anyway, hayaan mo na sya. Let's mind our business here. We have so many things to do and we have to catch up. " wika nya.

Dinampian ng dalaga ng halik ang mga pisngi ni Caleb.

"I'm sorry for all I've done to you. Handa akong bumawi babe. Nagkamali ako at inaamin ko na yon. Akala ko, ayos lang sa akin ang mawala ka. Pero ng umalis ka, para akong mamamatay. I can't think of anyone to love except you. Please, love me again because in my heart, I still love you. " bulong nya.

Unti unting tila natauhan si Caleb.

Para syang nanggaling sa isang malalim na pagkakatulog.

Napatingin sya sa babaeng may ari ng brasong nakapalibot sa kanyang leeg.

Ang maganda nitong mukha.

Kulay tsokalateng mga mata.

Dilaw na buhok na may kaunting itim.

Makikipot na mga labi at tila laging nag aanyaya ng halik.

Maputi at makinis na kutis.

At maging ang samyong hindi hindi tatanggihan ng kahit sinong lalaki.

Maliban sa kanya.

..

Napangiti ng kimi si Caleb.

Hanggang ngayon, nakikita pa rin nya ang mga katangian ni Britney na inibig nya sa nakalipas na taon.

Parehong mukha at katawan.

Maaaring gumanda pa.

Ngunit wala na ang pag ibig.

O pag ibig nga bang matatawag ang kanyang naramdaman patungkol sa dalaga.

Hindi rin nya alam kung pag ibig nga ba ang nararamdaman ni Britney sa kanya.

Maaaring pride na lamang ng dalaga ang umiiral.

O kung pag ibig man ito, huli na.

Dahil nakita nya na ang katapat.

Sa katauhan ni Valerie.

..

Ng maalala ang pangalan ng kasintahan ay mabilis na kumalas si Caleb sa pagkakakulong sa mga bisig ni Britney.

Humakbang sya palabas ng kwarto ngunit maagap na hinawakan ng dalaga ang kanyang kanang kamay.

Galit na napalingon si Caleb.

Pero nawala ito ng makitang lumuluha na ang dalaga.

"C-caleb. " tawag nito.

Nadurog ang puso ni Caleb pagkakita sa babae.

Sa dati nilang paaralan, halos lahat ng schoolmate nila ay nag aasam na mapansin ng dalaga.

Maswerte daw sya dahil naging nobya nya ito.

Napalunok si Caleb.

"W-why are you crying ? " tanong nya.

Mabilis na pinahid ni Britney ang mga luha.

"I just, I'm sorry. I'm so sorry. " sagot nya.

Nalito si Caleb.

"F-for what ? " tanong nya.

"For hurting you. For all the mess I've done. Sorry. J-just follow her. " sabi ni Britney at pinakawalan ang mga kamay ng binata.

Marahan nyang dinampot ang roba at muling binalaban sa katawan.

Matapos nito ay umiiyak na tumakbo sa banyo ang dalaga at kinulong ang sarili sa loob ng banyo.

Lalong naguluhan si Caleb.

Napatingin sya sa pinto at sa pinto ng banyo.

Di malaman kung ano ang dapat gawin at kung sino ba ang dapat unahin sa mga oras na iyon.

Hanggang sa napabuga ng hangin ang binata tanda ng matinding pressure.

Dahan dahan nyang nilapitan ang pinto.

Pinto ng banyo.

..

Paglabas na paglabas ni Valerie sa gate ng mga Concepcion, tuluyan nya ng pinakawalan ang mga luhang kanina pa naghuhurumentado sa kanyang mga mata.

Umagos ito pababa na parang gripong nabuksan.

Lakad lamang sya ng lakad.

Ni hindi na nya nakita ang dinaraanan kaya naman nagulat sya ng biglang may tumahol.

Napaangat ang tingin ng dalaga.

Sa nanlalabong mga mata, unti unti syang nagbaling ng tingin patungo sa pinanggalingan ng tahol.

Hanggang sa manlaki ang kanyang mga mata ng makita ang napakalaking aso di kalayuan.

Nanigas sa kinatatayuan si Valerie.

Sobrang malas ng araw na ito para sa kanya.

Ni hindi pa nga sya nakakarecover sa nakita, heto't mukhang may panibago na naman syang dapat harapin.

Base sa nakikita nyang itsura ng malaking aso, mukhang wala itong balak na buhayin pa sya.

Pero naisip nya na mabuti na rin siguro iyon.

At least kahit papaano, makakaramdam sya ng panibagong sakit dahil hindi nya kayang tiisin ang sakit na kanina pa dumudurog sa kanyang pagkatao.

..

Napalunok si Valerie.

Tuluyan na nyang tinanggap ang tadhana na magiging pulutan ng malaking aso na iyon.

Pero di pa rin nya maiwasang mapatili ng makita itong tumakbo patungo sa kanya.

Pinikit nya ang mga mata.

Hinanda ang sarili sa sakit na mararanasan.

Hanggang sa makarinig sya ng pagpito.

"JACK ! " sigaw ng boses.

Dahan dahang nagmulat ng mga mata si Valerie.

Pero muntik na syang mapasigaw ng makita ang malaking aso na nakatindig mismo sa kanyang harap.

Nakalabas ang dila nito at nakatingin lamang sa kanya.

Sinubukan nyang umatras.

Pero muling may nagsalita.

"Hey ! Don't move ! Hahabulin ka nya kapag gumalaw ka ! " sigaw nito.

Napalunok muli si Valerie at tumango kahit na di nakikita ang nagsasalita.

"Wag kang gagalaw !, wait for me. Jack sit ! " sigaw ulit ng boses.

Tila robot na umupo ang aso.

Kahit papaano, nakahinga ng maluwag si Valerie.

Ngunit di pa rin sya kumilos.

Hanggang sa makarinig sya ng pagbukas ng gate.

Mabilis syang lumingon.

Para lamang matulala ng makita ang isang gwapo at matangkad na lalaking papalapit sa kanya.

Wala itong suot na pang itaas na damit at tanging pantalon lamang ang saplot.

Nakayapak din ito.

..

Tumawid sa kalsada ang lalaki.

Hanggang sa mapunta na ito sa kanyang harap at hinaplos ang aso.

"Bad dog. Sinabing wag kang manghahabol ng tao eh. " galit na sabi nito.

Tila nakakunawang yumuko ang aso.

Mabilis na nawala ang takot sa katawan ni Valerie at napalitan ng pagkamangha.

Napatingin sa kanya ang lalaki.

Napakamot ito sa batok at nahihiyang napangiti.

"I'm sorry. Mukhang nakalimutan ng maid ng pinsan ko na isara yung gate pag alis nya. Nakalabas tuloy itong mokong na to. " sabi nito.

Pinilit ni Valerie ang mapangiti.

Kinalma nya ang sarili.

"A-ayos lang po. " sagot nya.

Kumunot ang noo ng lalaki.

"Oh God. Sorry talaga. Dahil sa takot kay Jack, napaiyak ka na tuloy. " puna nito.

Natigilan si Valerie.

Mabilis syang tumalikod at tarantang pinunasan ang mukha gamit ang laylayan ng damit.

Maya maya ay tumawa ang lalaki.

"Wew, kulay green ang panty mo ? " tanong ng lalaki.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie at mabilis na binaba ang damit.

Napalitan ng pagkapahiya ang takot na nararamdaman nya.

Hanggang sa muling magsalita ang lalaki.

"Sorry ulit ha ? Uhm, ano bang pwede kong gawin para mapatawad mo si Jack ? " tanong nito.

Umiling si Valerie kahit nakatalikod.

"W-wala po. Ayos na po yon. H-hindi naman ako nakagat eh. " sagot nya.

"Naahhh, kahit pa. Grabeng takot ang ginawa sayo ni Jack. Come on, tell me kung anong pwede kong gawin. Kahit ano. " wika ulit ng lalaki.

Marahang umiling si Valerie.

"H-hindi na po talaga kailangan. Uuwi na rin po ako eh. " sambit nya.

Napailing ang lalaki at naglakad patungo sa harap ng dalaga.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

Dahil sa tangkad nito, dibdib lamang nito ang naabot ng kanyang mga mata.

Mabilis syang nag iwas ng tingin dahil ramdam nya ang mabilis na pag iinit ng mga pisngi.

Pero nagulat sya ng hawakan ng lalaki ang kanyang baba at marahang pinaling paharap dito.

"Your face is turning red. Dalawa lang yan, it's either nahihiya ka or galit ka samin ni Jack. Which is which ? " tanong nito.

Napaangat ang tingin ni Valerie.

Nagtama ang mga paningin nila ng lalake.

Ngumisi ito.

Natulala si Valerie.

Tila may isang tao ang sumagi sa kanyang isip na kamukha ng lalake.

"Hey. Ano na ? " tanong nito.

Napalunok si Valerie at mabilis na nag iwas ng tingin.

"N-nahihiya lang po ako. Pero okay na po. Uuwi na lang po ako. " wika nya.

"Hmm, okay. Kung gusto mo ng umuwi, will you wait for me ? " tanong ng lalake.

Muling tumingala si Valerie at tumitig dito.

"B-bakit po ? " tanong nya.

Ngumiti ang lalaki at tinakpan ang mga nipples gamit ang dalawang daliri.

"I'm half naked. Baka kasuhan ako ng MTRCB kapag lumabas ako ng village ng ganito. Rated PG. " biro nito.

Napanganga si Valerie.

Di nya maiwasang mapangiti pero mabilis nya itong tinago.

"S-saan po kayo pupunta ? " di nya maiwasang itanong.

Muling ngumiti ang lalake.

"Ihahatid kita. " sagot nito.

Mabilis na umiling si Valerie.

"H-hindi na po kailangan sir. Ayos lang po talaga ako. Promise. " wika nya.

"Honesto ? " tanong ng lalaki.

Muling napanganga si Valerie.

"Kapamilya ka. " sagot nya.

"Kapatid at Kapuso. Kung saan ang magandang palabas, dun ako. " sagot ng lalaki.

"Eh di balimbing ka ? " tanong ni Valerie.

Kumunot ang noo ng lalaki.

"Balimbing ? Kailangan ba isang network lang ang panuoran ko ? Eh di kung ganuon sana, dapat isang channel na lang ang nakalagay sa TV ko. Oh sa lahat ng TV sa buong Pilipinas. " sambit nito.

Napahiya si Valerie at mabilis na nag-iwas ng tingin.

"S-sorry. Pero okay na po ako. Wag na po kayong mag abala sir. " sabi nya.

Pero nagulat sya ng akbayan ng lalaki.

"Oh come on. Don't be shy. Ihahatid kita. I can see it in your eyes that you need someone to talk to. " puna nito.

Natigilan si Valerie sa narinig.

"H-ho ? " tanong nya.

"Shut up lady. Don't worry, di kita gagawan ng masama. " sagot ng lalaki.

Tinigasan ni Valerie ang mga paa para di sya matangay ng lalaki sa paglalakad.

Tagumpay naman sya dahil inalis nito ang pagkakaakbay sa kanya.

"Why ? " tanong ng lalaki.

Nagseryoso si Valerie.

"Hindi ko ho kayo kilala. Di ho ako sasama sa inyo. " sagot nya.

Tumango tango ang lalaki.

Nilagay nito ang kamay sa baba at nag isip.

Hanggang sa muli itong mapangiti.

"Oh okay. So, hintayin mo na lang ako dito kung ganon ? Promise saglit lang ako. Ihahatid talaga kita. Sa ayaw mo at sa gusto. " sabi nya.

Napanganga si Valerie.

"Ang kulit nyo ! " giit nya.

Ngumisi ang lalaki.

"Sinabi mo pa. " sabi nito.

Muli, tila may isang bahagi ng pagkatao ni Valerie ang nagsasabing nakita na nya ito.

Hanggang sa iabot ng lalaki ang kamay nito sa kanya.

Napatingin si Valerie sa palad nito pagkuwa'y sa mukha.

Ngumiti ang lalaki.

"My name is Gustavo. Gustavo Di Carprio. " sabi nito.

Wala sa loob na inabot ni Valerie ang kamay bilang tanda ng paggalang.

Pero di nya maiwasang matigilan ng maalala ang sinabi nito.

"D-di Carprio ? " tanong nya.

"Yeah. Why ? May kilala kang kasing apelyido ko ? Oh alam ko na. Si Primero Di Carprio kilala mo ? " balik tanong ni Gustavo.

Tumango tango si Valerie.

"Yeah ! Father sya ng friend ko. " sabi nya.

Natigilan si Gustavo at pagkuwa'y napangiti.

"Father ng friend mo. You mean si Romeo ? " tanong nya.

Wala sa loob na napatango si Valerie.

"Opo. Si kuya Rom. " sagot nya.

Lalong napangiti ang lalaki.

"Well, siguro naman magtitiwala ka na sakin ngayon. I'm his Uncle. Pinsan ako ng Tatay nya. You can call Romeo if you want to confirm my indentity. " sabi nya.

Dahan dahang ngumiti si Valerie.

Di na nya kailangan pang tawagan si Romeo para kumpirmahin ang katauhan ng kaharap.

Kitang kita na ito sa mukha.

..

"Please, open this door Britney. Kanina ka dyan sa bathroom. " tawag ni Caleb.

"Go Caleb. Sundan mo na si Valerie. She needs you. " wika ni Britney mula sa loob.

Napahinga ng malalim si Caleb.

"I know. But she's a strong woman. Mamaya pupunta ako sa kanila. At sasamahan mo ako. " sabi nya.

"Why ? Bakit pa kita sasamahan ? Siguradong galit na galit sakin si Valerie." sagot ni Britney.

Ngumiti si Caleb.

"I know. Pero kapag nagpaliwanag ka, mawawala na ang galit nya. Sa ating dalawa. Wala tayong ginagawang masama. " sambit ni Caleb.

"Pero hindi yun ang alam nya. Hindi yon ang nakita nya. Kasalanan ko ito Caleb. Go ! " taboy ng dalaga.

Ngumiting muli si Caleb.

"Mabait si Valerie. Mapagpatawad. Hindi lang panlabas nya ang maganda kundi pati ang panloob. Kaya lumabas ka na dyan at magbihis. " wika nya.

Dahan dahang bumukas ang pinto.

Bumungad kay Caleb ang luhaang mukha ng dalaga.

Di nya maiwasang makadama ng awa para dito.

"Hey. Bakit ka umiiyak ? " tanong nya.

Muling napahikbi si Britney.

"Because I'm a bad girl. " sagot nya.

Ngumiti ng kimi si Caleb.

"No you're not. Come on. Labas ka na dyan then magbihis ka. We go to Valerie. " sabi nya.

"B-but, I'm sure na galit na galit sya sa atin. Lalo na sakin. Baka kung ano ang magawa nya sa akin. " takot na sabi ng dalaga.

Napangiti si Caleb sabay iling.

"Hindi yon. Kaya nga tayo magpapaliwanag di ba ? Sige na, para naman maging friend na din kayo. I'll promise you, masarap kaibigan si Val. She's so kind and sunny. Mahahawa ka sa pagiging positive nya. " pagbibida nya.

Natigilan si Britney sa narinig.

Nagdaan ang selos sa kanyang mga mata pero mabilis nya itong inalis at marahang ngumiti.

"Y-you sure ? " tanong nya.

Tumango si Caleb.

"Pretty sure. Go. Fix yourself. " utos nya.

Ngumiti na din si Britne at tumango.

"Okay. Wait for me. " sabi nya at lumabas ng banyo.

Tumango lang si Caleb.

Sabay silang lumabas ng silid at naglakad patungo sa kwartong ginagamit ng dalaga.

Hinatid nya ito hanggang sa pinto.

"Go on. I'll wait for you here. " wika nya.

Ngumiti si Britney at tumango.

"Okay. Saglit lang ako. " sabi nya.

Tumango lang si Caleb at sumandal sa pader.

Saglit na tumitig si Britney sa binata bago nakangiting pumasok na sa kwarto.

..

Marahang ginala ni Valerie ang paningin sa paligid.

Larawan ng karangyaan ang kanyang nasasaksihan ngunit tila may kakaiba.

Parang malungkot ang aura.

O baka guni guni lamang nya iyon.

Hanggang sa biglang may magsalita.

"Comfy ? " tanong ni Gustavo.

Ngumiti si Valerie at binaba ang hawak na juice.

"Opo. " sagot nya.

Ngumiti si Gustavo at naupo sa harap ng dalaga.

"Finish your food. Pero wag kang magmamadali. Kung gusto mo pa, marami pa sa ref, ikukuha kita. " sabi nya.

Umiling si Valerie.

"Wag na po. Andami na nga nitong cake eh. Salamat po dito ha ? S-sir. " nahihiyang wika nya.

"You better call me Gustavo. Since na friend naman kayo ni Romeo. Uhm, classmate mo ba sya or schoolmate ? " nakangiting tanong ni Gustavo.

Nakangiting napailing si Valerie.

"Hindi po. Mas matanda po si Kuya Rom. Fourth year high school pa lang po ako. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Gustavo.

"Owwss ? Di nga ? Di halata ! Para kang 18 ! Shit muntik na kong maging phedophile ! " bulalas nya.

Bumungisngis si Valerie.

"Para lang po talaga akong matanda. " wika nya.

Napailing iling si Gustavo.

"To think na inisip kong magpacute sayo. Yun pala disasais ka lang. Haaayyy. Bakit ba naman kasi ako nagpapadala sa panlabas na ganda. Tsk tsk. " sabi nya.

Namula ang mga pisngi ni Valerie.

Hinding hindi sumagi sa kanyang isip na maaari syang maging kasintahan ng ganito kagwapong nilalang.

At lalong di nya iisiping magtaksil sa kasintahan.

Sa pagkakaalala sa nobyo at nawala ang ngiti sa mukha ng dalaga.

At di ito nakaligtas sa matalas na paningin ni Gustavo.

Dinampot nya ang tinidor na ginagamit ni Valerie at humiwa ng cake.

Walang sabi sabing nilapit nya ito sa bibig ng dalaga.

Natigilan si Valerie at napatingin sa lalaki.

Ngumiti lamang ito.

"Eat. " utos nya.

Napilitang ibuka ng dalaga ang bibig at tanggapin ang sinusubo ng lalaki.

Matapos nito ay inabot naman ni Gustavo ang juice.

"Then drink. " sabi nya.

Umiling si Valerie pero naging mapilit si Gustavo.

"Please, nguyain mo na muna yan then drink this. It will help you to think and manage your feelings. " wika nya.

Natigilan ang dalaga.

Pero sumunod pa rin sa sinasabi ng lalaki.

Nginuya nya ang cake at marahang nilunok.

Matapos nito ay inabot nya ang baso ng juice at pasimpleng uminom.

..

Inip na sinulyapan ni Caleb ang relos.

Mag kakalahating oras na syang naghihintay sa labas ng silid ni Britney.

Sabik na sabik na syang makita ang kasintahan.

Napag isipan nya na ang gagawin at sasabihin.

Kahit anong gawin ni Valerie sa kanya ay di sya papayag na di matapos ang araw na ito na hindi sila nag kakaayos.

At sa tulong ni Britney, siguradong patatawarin sya ng kasintahan.

"Sana talaga makinig sya. " bulong nya.

Muling napabuga sa hangin ang binata.

Nagsisimula na naman syang mainis kay Britney.

Dahil sa inip, nagdesisyon na syang katukin ang dalaga.

"Hey Britney, ang sabi ko magbihis ka. Hindi matulog ! " tawag nya.

Nagsalita si Britney.

"Wait lang babes. Nahihirapan akong ikabit itong dress. " sabi nya.

"Ano ba kasing naisip mo at magsusuot ka ng dress ? Yung casual lang. " wika ni Caleb.

Rinig nya ang pagtawa ni Britney sa loob.

Asar na muling kumatok si Caleb.

"Britney, ano ba ? Antagal mo naman ? " tanong nya.

"Will you help me here ? Ito na lang ang kailangan kong ikabit. " sagot ni Britney sa loob.

"Okay okay, open this door. " wika ni Caleb.

"It's open. " sagot ni Britney.

Natigilan si Caleb.

Bukas ang pinto ?

Bukas ang pinto eh nagbibihis ito ?

Di nya maiwasang mapailing.

Tila walang pakialam ang dalaga kung pasukin ng kung sino.

"Crazy girl. " bulong nya at sinubukang pihitin ang door knob.

Tama ang dalaga, bukas nga ito.

Napailing na lamang sya at dahan dahang binuksan ang pinto.

"Are you dressed ? " tanong ni Caleb.

"Why ? " balik tanong ni Britney.

"Come on Britney. May damit ka ba ? " tanong ni Caleb.

Natawa ang dalaga sa loob.

"Kahit wala, ayos lang na pumasok ka. " sagot nito.

"Britney ! Di ako nagbibiro ! " inis na sabi ni Caleb.

"Oh come on Caleb. Just come here. May damit ako noh ! " taray ni Britney.

Huminga ng malalim si Caleb at pagkuwa'y dahan dahang binuksan ang pinto.

Pasimple nyang sinilip ang dalaga para alamin kung may damit ba ito.

Nakita nya sa dulo ng kama si Britney na nakatalikod at inaabot ang likod nito.

Dahan dahang pumasok si Caleb.

Tumambad sa kanya ang mga kalat sa ibabaw ng kama.

Mga damit na mukhang sinuot at hinubad.

At ito marahil ang dahilan kung bakit inabot sya ng syam syam sa labas ng kwarto.

Napailing na lang si Caleb.

"Ano bang ginagawa mo ? " tanong nya.

Lumingon si Britney at ngumiti.

"Paki zipper nga babes. " sagot nya.

Napasimangot si Caleb.

"Don't call me that. Akina nga. " sabi nya.

"Why ? Babes naman talaga ang tawag natin di ba ? " tanong ni Britney.

"Dati yon. Talikod ka. " utos ni Caleb.

Sumimangot lang si Britney at sumunod sa utos nito.

Sinara naman ni Caleb ang zipper sa likod ng dalaga.

"Okay na. Bilisan mo naman. " sabi nya.

Akmang lalabas sya ng pinto ng muling magsalita ang dalaga.

"Ay babes, pasara naman ng windor. Lumalabas yung aircon. " sambit nya.

Napahinga ng malalim si Caleb tanda ng inis.

"Bakit mo kasi binubuksan ? " tanong nya.

"Syempre, I want to breathe fresh air no. " sagot ni Britney habang nag susuot ng heels.

"Eh di patayin natin yung air con. " sabi ni Caleb.

Kinuha nya ang isang upuan para abutin ang air con.

Matapos itong patayin ay tuluyan na nyang binuksan ang bintana para papasukin ang sariwang hangin.

Huminga ng malalim ang binata at dinama ang pagpasok ng preskong dampi ng hangin sa kanyang mukha.

Pero bigla syang natigilan ng may pumalibot na braso sa kanyang katawan.

"Britney ! " sambit nya sabay mabilis na humarap dito.

Ngunit nawalan ng boses ang binata ng salubungin ng halik ng dalaga.

..

"I can it your eyes. " sabi ni Gustavo.

Natigilan si Valerie at nag iwas ng tingin.

Tila tumatagos ang mga titig ng lalaki.

Nahihiya man, pero di nya kinontra ang sinasabi nito.

"Problem ? Studies or boyfriend ? " tanong ni Gustavo.

Muling natigilan si Valerie.

Pinilit nya ang sariling ngumiti para pagtakpan ang sakit ng maalala ang kasintahan.

"W-wala po. " sagot nya.

Ngumiti si Gustavo at tumayo.

"Okay. If you don't want to talk about it, di na kita pipilitin. Kukunin ko lang yung susi ng kotse then aalis na tayo. " wika nya.

Wala sa sariling napatango lamang si Valerie.

Ngumiti si Gustavo at umkyat sa hagdan.

Ilang saglit na naghintay ang dalaga bago muling bumaba ang lalaki.

"Shall we ? " tanong nya.

Ngumiti ng pilit si Valerie at tumango.

Isa isa nyang dinampot ang baso at platitong ginamit pero mabilis na umawat ang lalaki.

"Don't do that. Ako ng bahala dyan mamaya. " wika nya.

"N-nakakahiya naman po sir. " sabi ni Valerie.

"Relax. You better call me Uncle Gus. At wag mong gagalawin yang hugasin kung ayaw mong magtampo ako sayo, hey Valerie ! wait ! . " pigil ni Gustavo.

Di na nya nahabol ang dalaga.

Mabilis nitong dinampot ang mga hugasin at tinakbo patungo sa kusina.

Napailing na lang si Gustavo at sinundan ito.

"Nagtatampo na ako sayo. " sabi nya.

Ngumiti si Valerie.

"Di ko kasi narinig yung sinabi nyo eh. " wika nya.

"Paano mong maririnig, tumakbo ka na agad. " sambit ni Gustavo.

Humagikgik lang si Valerie at isa isang hinugasan ang mga ginamit.

Matapos nito ay pinunasan nya gamit ang malinis na basahan ang mga ito at isa isang binalik sa lalagyan.

"Tapos na. " sabi nya.

Napailing na lang muli si Gustavo.

"Clever. " wika nya.

Natawa lang si Valerie at nagpauna ng lumabas ng kusina.

"Tara na po ? " tanong nya.

Ngumiti si Gustavo.

"Sure. " sagot nya.

..

Sabay na lumabas ng bahay ang dalawa.

Ni hindi na nag abalang isara ni Gustavo ang bahay na syang ipinagtaka ni Valerie.

"Hindi nyo na isasara ? " tanong nya.

Ngumiti si Gustavo at umiling.

"Di na. Wala namang papasok dyan kundi yung mga katulong lang ni insan. " sagot nya.

"Kahit na, eh kung pasukin ng magnanakaw ? " tanong ni Valerie.

Natawa si Gustavo.

"Maganda nga yun eh. Para naman may pagkatuwaan kami dito sa village. Biro lang syempre. Actually, lahat ng kanto dito sa subdivision, pati sa entrance, may CCTV. Mataas ang security dito kasi puro VIP ang halos lahat ng nakatira. " sagot nya.

Namangha si Valerie.

"Tulad nyo ? " tanong nya.

Natawa muli si Gustavo.

"Di naman ako VIP na Very Important Person. VIP as in Very Irresistible Person. O kaya Very Important Pogi. Kahit ano. Haha. " sagot nya.

Natawa din si Valerie.

"Ewan ko sa inyo. " wika nya.

Nakangiting binuksan ni Gustavo ang pinto ng kotse.

"After you beautiful. " sabi nya.

Napangiti si Valerie at tuluyan ng pumasok ng sasakyan.

Sinulyapan nya ang lalaki at napangiti sya ng buksan nito ang likod ng kotse.

Tumalon papasok ang aso nitong si Jack.

Sa maikli nilang pagkakakilala, nawala na agad ang takot nya dito.

Hindi pala delikado ang aso tulad ng inaakala nya.

Sa katunayan ay malambing ito at mapaglaro.

..

Umikot si Gustavo at naupo sa driver's seat.

Pagkuwa'y binalingan ang dalaga.

"So. You're the boss. Saan mo gustong mamasyal ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie.

"Uuwi na ko. " sagot nya.

"Sure ka ? " tanong ni Gustavo.

Tumango si Valerie.

"Opo naman. " sagot nya.

Ngumiti si Gustavo.

"Okay. Kung gusto mong sa bahay magmukmok, fine. " sabi nya at binuhay na ang makina.

Natigilan si Valerie at sumimangot.

"Di naman ako magmumukmok. " sabi nya.

"Kdot. " biro ni Gustavo.

Lalong nabwisit si Valerie.

"Ewan ko sayo ! " inis na sabi nya.

Natawa si Gustavo at pinatay muli ang makina.

Binalingan nya ang dalaga at seryosong nagsalita.

"Alam mo, di ako masyadong magaling sa ganito. Si Pinsan Primo ang madalas na nagbibigay ng payo sa amin. Pero sa tingin ko, di ko naman kailangang maging eksperto para sabihing may problema ka. Di sa nanghihimasok ako, pero may kasabihan nga tayo na mas madaling magkwento ng problema sa di mo kakilala. Sabihin na nating kilala na natin ang isa't isa, pero you can try me pa rin naman. " sabi nya.

Natigilan si Valerie at nag iwas ng tingin.

Saglit syang natahimik ng muling magsalita ang lalaki.

"Hmm, mukhang wala ka ngang balak magsalita. Siguro nga dapat na kitang iuwi. Sige, saan ang bahay nyo ? " tanong ni Gustavo.

Napalunok si Valerie.

Dahan dahang nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.

"I love him so much. " bulong nya.

Napangiti si Gustavo.

"Halata. Ang swerte ng ugok na yon. " biro nya.

Ngumiti ng mapait si Valerie.

"Akala ko mutual ang feelings namin. O akala ko lang talaga. It's always Britney. " wika nya.

Natahimik lang si Gustavo at pinakinggan ang hinaing ng dalaga.

..

Lumipas ang ilang sandali.

Nilabas ni Gustavo ang panyo at inabot sa dalaga.

"Here. " sabi nya.

"T-thanks. " bulong ni Valerie at pasimpleng pinunasan ang mga luha.

Huminga ng malalim si Gustavo at binuhay ang makina ng sasakyan.

"So dun ka galing kanina bago ka hinabol ni Jack ? " tanong nya.

Tumango si Valerie.

"Nag tu-tutor ako sa kapatid nya. Pero since na wala na akong maituro, namasyal na lang kami sa paligid. Iniwan namin sya. Then pagbalik namin, natapilok si Coleen, yung kapatid nyang girl. Dinala namin sya sa loob kasama yung maid nila para magamot yung pilay nya. Tapos nagpahanap ng benda yung kasambahay nila. Welcome naman ako sa bahay nila kaya nagprisinta ako na ako na ang kukuha. Pero syempre, di ko kabisado yung bahay kaya ang una ko syang hinanap para sana magpatulong at kamustahin narin. Then, t-then I saw him. With the girl. Naked. " naiyak na ang dalaga.

Wala sa loob na niyakap ni Gustavo ang babae.

"Ssshh. Di ko man kayo kilala ng personal, pero masasabi kong nagpadalus dalos ka lang. I mean, sana naman pinagpaliwanag mo yung tao. " sabi nya.

Kumalas pagkakayakap si Valerie at galit na tumingin.

"Nagpadalus dalos ? Kung ikaw kaya makita ang girlfriend mo sa isang room na may kasamang nakahubad na lalaki. At EX nya pa ! Anong mararamdaman mo ? Anong gagawin mo ? " singhal nya.

Natigilan si Gustavo at napangiwi.

"Bobo ko talaga pagdating dito. Sorry na. Di ako kaaway mo. " wika nya.

Nakasimangot na suminga si Valerie sa panyo ng lalaki.

"Favor po Uncle. " sabi nya.

Ngumiti si Gustavo at tumango.

"Sure ! Ano yon ? " tanong nya.

Huminga ng malalim si Valerie.

"Nakalimutan ko yung bag ko sa kanila. Nandun yung ID ko sa school. P-pwede ko po bang balikan ? " tanong nya.

"Of course ! Saan ba ang bahay nila at ng makastigo na rin yang boyfriend mo. ? " tanong ni Gustavo.

"Please Uncle. Wag na po. Di ko na sya kailangang kausapin. Kukunin ko lang yung bag ko then uwi na po tayo. " pakiusap ni Valerie.

Tila nanghinayang si Gustavo.

"Kahit pingot lang sa tenga ? " tanong nya.

"Uncle. " saway ni Valerie.

"Sabi ko nga eh. Tara. Turo mo yung bahay. " sabi ng lalaki.

Tumango lang si Valerie at sumandal sa upuan.

Pilit kinokontrol ang sakit na nararamdaman ng mga oras na iyon.