1. Home
  2. Stories
  3. Bakit Absent Si Klasmeyt - Wakas
Lagablab

Bakit Absent Si Klasmeyt - Wakas

By supertoyantz ·

Bakit Absent Si Klasmeyt - Wakas

Ika - 18 ng Marso, 2015.

11:38 ng gabi.

Miyerkules.

- -

Ako si Toyantz, maylikha ng iba't ibang istorya tulad ng:

Kwadro Alas Series

Zack and Sab

Phone Call

Bantay ng Computer Shop

Happy Family

at eto nga, Bakit Absent si Klasmeyt.

Kasalukuyan akong nakaharap sa computer na pinag ipunan ko ng ilang buwan. Kanina pa akong ala una ng madaling araw gising, paulit ulit na binabasa ang buong kwento nina Bebang at Calebrador.

Mag isa akong ngumingiti at umiiling. Kakatwa pero kahit na ako ang may gawa, nadadala pa rin ako sa emosyong pilit ipinadadama ng kwento. (ngiti)

. .

Alam kong alam nyo na kung para saan ang kabanatang ito.

Kung sakaling binabasa nyo to, malugod ngunit masaya kong inibinabalita sa inyo na ito na ang dulo at sadyang hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang katapusan ng istorya.

Napamahal na sa akin itong dalawa. Kakatwa mang isipin na karakter lamang sila na binuhay ko sa aking isipan ngunit sadyang mahirap silang pawalan.

(buntong hininga)

Masaya ko sa tinakbo ng istorya. Ay hindi, sobrang saya ko pala sa mainit nyong pagtanggap sa kanila.

Sa lahat, sa'yo talaga ko nagpapasalamat.

Oo, ikaw nga. Ikaw na walang sawang naghintay ng updates kahit inabot na to ng isang taon.

Ikaw na hindi tumigil sa pagsuporta, kahit na singkupad ako ng pagong magsulat.

Ikaw na walang atubiling nagtanggol kapag may umaaway sakin. ( dahil na rin sa mabagal na updates )

Maraming maraming salamat sayo.

Nawa'y wag kang magsawang sumuporta.

( saludo )

. . . . .

Pero syempre, di ko pwedeng kalimutang pasalamatan yung pamilya ko.

Sa Kwadro Alas family. Solid.

VIP Family. Grabe, napakalaki rin ng utang ko sa mga to. Di ko na kayo iisa isahin kasi sikreto ang mga katauhan nyo :P

Kuya Jim. :) Salamat ulit sa walang sawang suporta at paghihintay kahit na napakasipag kong mag update. The best ka kuya.! :)

At dun sa nag iisang gumagabay sa taas. Dun oh. ( thumbs up. salute. )

. . . . .

Tama ng maraming satsat. Simulan na ang katapusan.

Muli, ako si Toyantz at taos puso akong nagpapasalamat sa wala sawa nyong pagsubaybay.

Walang iwanan mga tropa.

Rakrakan na!

. .

. .

. .

. .

. .

Wakas.

"A-ako ? " nakangangang tanong ni Caleb.

Napasimangot si Romeo.

"Oh sige, ako na lang. Kakay, akina nga yung spare costume ng Romeo dyan. " wika nya kay Cheska.

Napasimangot din ang dalaga.

"Bakit alam mong nickname ko ? " tanong nya.

Ngumiti si Romeo at tinuro si Coleen.

Lalong napasimangot si Cheska at sinugod ang dalaga.

Tawa lang ng tawa si Coleen habang umiiwas sa pinong kurot ni Cheska.

Sumingit si Caleb.

"Hindi! Ako ang magiging Romeo! Ako ang magiging Partner ni Val dito. " mariing sabi nya.

Ngumisi si Romeo at tumango.

"If ever na maduwag ka, nandito lang ako. " pang aasar nya.

"No. I can do this. " palakas loob ni Caleb.

Napangiti ang lahat at pagkuwa'y sabay sabay na silang naghanda.

. . . . .

Sa stage, buong pusong umaarte si Valerie.

Kasalukuyan syang nasa eksena kung saan bibigyan na sya ng lason na bigay ng paring naging kaibigan nila ni Romeo.

Sa pagkakaalala sa kapareha, di nya napigilan ang manghinayang.

Di sya magpapaka ipokirto, si Caleb ang gusto nyang gumanap.

Pero si Yohan na ang nakatakda at bagama't naiinis, kailangan nyang gawin ang lahat para sa ikagaganda ng play.

. .

Di nagtagal, pumasok na sa eksena ang isang kaklase ni Valerie na gumaganap na pari.

Natuwa sya ng makita na hawak na nito ang orihinal na botelya na gagamitin nilang props.

Saglit silang nag usap at tinapos na ang eksena, ngunit hindi umalis si Val.

Sa susunod ay kasali pa rin sya.

Pumasok na si Cheska na gumaganap bilang kanyang ina at muli silang nag usap at ipaalam na payag na syang makasal sa lalaking ipinagkakasundo ng mga ito.

. . . . .

Sa crowd, seryoso ang mga manunuod.

Malinis ang pagkakatakbo ng play at walang dead air.

May mangilan ngilan na nag sasalita at sinasabi ang ending ng istorya ngunit marami pa rin ang seryosong nanunuod.

Kasama na duon ang pamilya nina Caleb at Valerie.

"Pare, magaling palang umarte itong anak mo. " puri ni Gabriel sa kaibigan.

Nanlaki ang butas ng ilong ni Valerio.

"Aba pare, kanino ba magmamana yan ? Di ba sa ama ? " pagyayabang nya.

"Ano bang sinasabi mo ? Baka gusto mong ipaalala ko sayo na muntik na tayong mapatalsik ng minsang may ganyan din tayo dati sa eskwela ? " biro ni Gabriel.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo pare. Abala ako masyado sa pag aaral kaya hindi ko masyadong naaasikaso yang mga ganyan. " ganting biro ni Valerio.

Nagtawanan sila ang mga tatay na ikinalingon ng iba.

Mabuti na lang at maagap ang mga ina at mabilis na pinatigil ang kani kanilang mga asawa.

. . . . .

Napapangiti si Amy habang kinukunan ng video ang mag kumpare.

Hindi pa rin nya akalain na ang matagal ng kababata ng kanyang kuya ay muli nitong makikita.

Tila naglalaro pa ang tadhana, idinaan sa mga anak ang pagtatagpo ng dalawa.

Napailing na lang sya at muling napangiti.

Pero biglang may nagsalita sa likod.

"Hhmm, ang bango mo. " bulong ng boses.

Nanayo ang mga balahibo sa batok ni Amy.

Wala sa loob na napapikit ang dalaga.

Kahit na hindi sya humarap ay alam nya kung sino ang nagsalita.

"Manyak. " tanging nasabi nya.

Natawa ng bahagya si Romeo.

"Kanina pa kita hinihintay. Malungkot ang araw ko, buti na lang kumpleto na. " sagot nya.

Inirapan ni Amy ang binata.

"Tigil tigilan mo ko bata. Baka tapusin ko na maliligayang araw mo. " sambit nya.

Natawa si Romeo.

"Ang sweet mo talaga. Di mo pa kasi aminin, alam mong pupunta ako kaya nandito ka. " pang aasar nya.

"Luh, wag ka ngang assuming. Kala mo gwapo. " wika nya.

Pero ngumisi lang si Romeo.

Namula ang mga pisngi ni Amy at iniwas ang tingin sa binata.

"Manuod ka na nga lang. Teka, bakit di pa lumalabas si Ador ? " tanong nya.

"Ador ? You mean si Caleb ? Nice names huh. " manghang wika ni Romeo.

Bumungisngis si Amy.

"Yeah, cute kaya. " sambit nya.

Nangiti si Romeo.

"Yeah, beautiful people tend to have ugly nicknames. Blame our parents. " naiiling na sabi nya.

Sumang ayon si Amy.

"Ay sinabi mo pa. Mga magulang talaga may pakana nyan. Pero ayos lang. Medyo cute sya sa paningin ko. Kesa naman ang ganda nga ng name mo, pangit naman ugali mo. " wika nya sabay titig sa binata.

Natawa si Romeo at napakamot sa batok.

"Wala akong ginagawang masama. " depensa nya.

Tumaas ang isang kilay ni Amy.

"Affected ? " tanong nya.

"Hello, nakatitig ka saken. " sambit ni Romeo.

"Oh why ? Akala ko ba sanay kang tinititigan ? " panunubok ni Amy.

Nakaramdam ng pagkailang si Romeo. Bagay na nangyayari lang sa kanya pag nahuhuli ang totoo nyang nararamdaman. Pero mabilis nyang kinoberan ang sarili.

"Stop doing that, you might get yourself a kiss. Hmm, diyata't yun ang habol mo ? " tanong nya.

Napasimangot si Amy.

"Ang kapal mo talaga ever. Hindi lahat ng babae gustong mahalikan ng tulad mo. " wika nya.

"Tulad kong ano ? " tanong ni Romeo.

Akmang magsasalita si Amy pero iniwas na lang nya ng tingin.

"Tse! " singhal nya.

Natawa ang binata.

"Tulad kong gwapo ? " sya na ang nagtuloy.

Napabuntonghininga si Amy at sinulyapan ang katabing binata.

"Yes, gwapo ka Romeo. Aaminin ko, namamangha ko sa twing tinititigan kita. Ni hindi ko akalaing may nag e-exist na ganyang mukha. Mayaman ka rin at galing sa primera klaseng pamilya. Alam ko ring di ka talaga mayabang, or I should say mayabang ka pero hindi nakakairita sa mga taong totoong kilala ka. In fact, nakwento ka na sakin ni Ate Harrieta at kuya Gabriel. Pati family background mo. Wag sana itong ikapanlaki ng ulo mo, aaminin ko, interesado ako sayo. Pero alam kong matalino ka. At alam mong pisikal lang ang lahat ng sinabi ko. Kung sa tingin mo ay mahuhulog ako ng ganuon kadali sayo dahil sa pisikal na anyo mo, mababa ang tingin mo saken kung ganoon. " mahaba ngunit malumanay nyang wika.

Natigilan si Romeo at kumunot ang noo.

Umawang ang labi nya ngunit muli nya itong sinara.

Pagkuwa'y napailing at ngumiti ng matamis.

"You're the 4th girl that made me speechless for a while. Really, hindi ito pagyayabang. Pasensya ka na kung makulet ako. Ramdam ko kasing makulit ka rin. Pero no offense meant, malaki ang respeto ko sayo. Wag sana itong ikapanlaki ng ulo mo, tinanong na rin kita kina Tito Gabriel. Alam ko ang hirap na dinanas mo nung umuwi sya galing sa ibang bansa." natawa sya.

"Stalker. " irap na sabi ni Amy ngunit nakangiti.

"At alam ko rin na may nunal ka sa ilalim ng kanang boobs mo. " sambit ni Romeo.

Natulala si Amy. Namula ang pisngi nya at kinurot ng mariin ang binata.

"A-ano bang sinasabi mo ? " tanong nya.

Imbes na masaktan, natawa si Romeo.

"Haha, just kidding. Pero seriously, enough of me. This is not even my story. Let's focus on Caleb and Valerie for now. " wika nya.

Pulang pula ang pisnging inirapan ni Amy ang binata at tinuloy na ang pagkuha ng video.

. . . . .

Sa stage.

Dumating na ang pinakahihintay ng lahat.

Eksena kung saan iinumin ng Juliet ang "lason" na hiningi nya sa kaibigang pari.

Kasalukuyang nasa "silid" ang bidang babae habang kasama ang katulong. Sinulyapan nya ito at kinusap.

"Maari mo na akong iwan mag isa. Mangyari lamang na ipaalam mo sa aking ina na masama ang aking pakiramdam. " wika ni Valerie sa seryosong tono.

Yumukod ang kaklase nyang gumaganap ng katulong.

"Masusunod " sambit nito at dahan dahang lumabas ng "silid"

Ng masigurong wala na ang katiwala, nilabas ng bidang babae ang maliit na botelya at pinakatitigan.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong magtiwala sa paring yon. Sapat ba ang kanyang katapatan para ipagkatiwala ko maging ang aking buhay. Natatakot ako mahal ko. Natatakot akong hindi na ako magising pa. Magising man, hindi ko alam kung ako'y nasa tamang pag iisip pa. Ngunit haharapin ko ito alang alang sa pag ibig ko sayo. Mas nanaisin ko pang magwakas ang aking buhay kaysa maikasal sa iba. " madamdaming sabi ni Valerie.

Binuksan nya ang botelya at lakas loob na ininom ang laman.

Matapos nito, dahan dahan nyang hinimlay ang sarili sa kama at pinikit ang mga mata.

Duon na rin nagsara ang kurtina tanda na tapos na ang scene na iyon.

. . . . .

Di kalayuan, napangisi si Mrs. Legazpi ng makitang ininom ni Valerie ang laman ng botelya.

"Tulog ka ngayon. " bulong nya.

. . . . .

Saglit lamang naputol ang eksena.

Muling bumukas ang telon para sa nalalapit na pagtatapos ng pagtatanghal.

Nanatiling nakahiga ang bidang babae, habang unti unting pumapasok ang isang makisig na lalake.

Nagulat ang lahat ng makitang nakasuot ito ng maskara.

"Why is he wearing a mask ? " tanong ni Harriet sa kabiyak.

"Aba ewan, kanina ko pa nga hinahanap ang anak mo. Akala ko kasali sya dyan ? " tanong ni Gabriel.

"Duh ? That's him! Parang di mo anak! Tindig pa lang nya eh. " turo ni Harriet.

Napakunot ang noo ng ama ni Caleb at tinitigan ang lalaking nakasuot ng maskara.

"Huh ? Ano na naman kaya ang pakana ng batang to ? " tanong nya.

Sinaway sya ng kaibigan.

"Maunod ka na lang kasi pare. Baka may pasabog yang anak mo. " sambit naman ni Valerio.

Natawa na lang din si Gabriel at tumango.

Pagkuwa'y tinutok ang mga mata sa mga nalalabing eksena ng palabas.

. . . .

Sa likod, napangiti na lang ang apat na alas kasama sina Britney at Coleen.

Si Amy naman ay di tinitigilan ang pag kuha ng video.

Ang audience ay nakatutok ang mga mata sa mga bida ng palabas at inaabangan ang huling bahagi ng pagtatanghal na iyon.

. . . . .

Napatayo si Mrs. Senining.

Nais nyang makita ng malinaw ang mga nangyayari.

Dahil sa ginawa, gumaya ang ibang faculty members pati na ng Mayor at Principal.

Focus ang lahat sa magkasintahan na gumaganap.

. . . . .

Sa stage, pansamantalang natulala si Caleb.

Nilibot nya ang mga mata sa palibig at di nya maiwasang panlambutan ng mga tuhod.

"O-oh my, andaming tao. " bulong nya sa isip.

Nautal sya.

Ramdam nya ng nanunuot na titig ng audience, kasama pa ang faculty sa isang tabi at ang nag iisang mayor ng kanilang lugar.

Tila lahat ng mga ito ay nag aabang ng kanyang pagkakamali.

Dahil dito, napaatras si Caleb ng dalawang hakbang.

"H-hindi ko kaya. " iling nya.

Rinig ang bulungan.

Kanya kanyang tanong kung bakit tila nakatulala lamang ang bidang lalake.

Lalong nabalisa si Caleb.

Para syang kinakapos sa paghinga.

Hanggang sa nagtama ang mga mata nila ng amang si Gabriel.

Nakangiti ito at masayang kumakaway sa kanya.

Napangiwi ang binat.

Nakilala sya ng ama sa kabila ng maskarang kanyang sinuot.

Ginala nya ang tingin sa mga katabi nito.

Katabi ng ama ang inang si Harriet at mga magulang ni Valerie.

Sa likod nito ay ang Kwadro Alas pati na ng kapatid at si Britney. Kasama ang tyahin na si Amy.

Kumpleto ang pamilya.

Masaya at buo ang tiwala sa kanya.

Hininto nya ang pag atras at huminga ng malalim.

"I can do it. " bulong nya.

Sunod sunod syang lumunok habang dahan dahang lumapit sa nakahigang si Valerie.

Nakadilat si Valerie at kunot noong nakatingin sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito ? " mahinang tanong ng dalaga.

Natigilan si Caleb.

Oo nga, ano bang ginagawa nya sa stage.

Bakit ba sya nakatayo sa tabi ng kasintahan at nakasuot ng magarang kasuotan.

Tila blangko ang kanyang isip.

"A-ano bang dialogue ko ? " tanong sa isip.

Duon na talagang kinabahan si Caleb.

Walang pumapasok na kahit ano sa kanyang isip kundi ang mababalewala ang pinaghirapan ng lahat ng dahil sa kanya.

Anlakas ng loob nyang akuin ang role ni Yohan.

Nagyabang syang mas hihigitan nya ng binata.

Ngunit eto sya, nakatayo na parang tuod sa gitna ng stage sa harap ng maraming tao.

Walang maapuhap na salita ang kanyang bibig at tila tinakasan na rin sya ng kumpyansa sa sarili.

. . . . .

Rinig na bulung bulungan sa madla.

Hindi ito nakatulong kay Caleb bagkus ay lalo lang nagpahirap sa sitwasyon.

Binuka nya ng bibig para pilitin ang sarili.

Ngunit bigo syang maapuhap ang sariling boses.

Nanlumo si Caleb at tila nanliit.

Ramdam na nya ng kahihiyan hanggang sa napatingin sya sa likod ng faculty members na nakatayo sa kanyang harap.

Sa likod mismo ng gurong si Mrs. Senining.

Nakita nya si Romeo na seryosong nakatitig sa kanya.

Ngumisi ang binata at tinuro ang dibdib.

Pagkuwa'y dahan dahang naglakad palayo.

. . . . .

Unti unting napangiti si Caleb.

Umusal sya ng pasasalamat sa kaibigan.

Muli nyang ginala ang tingin sa paligid at pasimpleng umubo.

"Ahem. " sambit nya.

Natuwa sya dahil sa boses na narinig.

Inalala nya ang dialogue, ngunit sa malas ay di nya maalala ang lahat.

Kinuyom ni Caleb ang kamao.

"Bahala na. " bulong nya.

. . . . .

Napaluhod si Caleb sa tabi ni Valerie at marahang hinaplos ang pisngi nito.

"Napakalupit mo tadhana. Sinupil mo ang pinakamagandang nilalang ng Maykapal dito sa ibabaw. " tangis nya.

Tahimik ang lahat.

Maya maya ay lumitaw ang isa nilang kaklase na gumaganap bilang Paris.

"Lumayo ka sa kanya! Kriminal! " sigaw nito.

Dahan dahang lumingon ang bidang lalake.

Puno ng pait ang kanyang mukha.

Namangha ang lahat.

"Iwan mo na kami Paris. Hayaan mo na kaming magsama ng mahal ko hanggang sa huling hantungan. Wag mo ng hayaan pa akong gumawa ng karumal dumal na krimen. Sundin mo ang aking payo, lumayo ka at mamuhay ng matiwasay. " pakiusap nya.

Ngumit nagmatigas ang lalake.

"Hindi maaari! Hinuhuli kita sa salang pagpatay sa aking pinsan na si Tybalt! " wika nito.

Dahan dahang hinarap ng bidang lalake si Paris.

Puno ng pighati ang kanyang mukha at muling nakiusap.

"Sa huling pagkakataon, lumisan ka na Paris. Hayaan mo na kami ng aking mahal. " wika nya.

Pero umiling lang ang lalaki at itinaas ang kamao tanda na handa itong makipagbuno.

"Hindi! " sambit nito.

. . . . .

Lumipas ang ilang sandali, nakahimlay sa sahig ang gumaganap na Paris. Duguan.

Lumuhod ang bidang lalake at hinawakan ang mga kamay ng binatilyo.

Sa hirap na tinig, nagsalita si Paris.

"K-kung may awa pang natitira sa iyong katawan, nais kong itabi mo ako sa aking pinsan. " pakiusap nya.

Tumango si Romeo at binuhat ang binatilyo.

Hinimlay nya ito sa tabi ng kanyang minamahal pagkuwa'y tumayo sa tabi at pinagmasdan ang pagpanaw.

Muli, panibagong pait ang dumagdag sa miserable ng pakiramdam ng bidang lalake.

Lumapit sya sa nakahimlay na kabiyak at lumuhod.

Pinakatitigan nito ang mukha ng dalaga. Di nakatiis, muling hinaplos ang pisngi at pasimpleng napangiti.

"Nabigo ang kamatayan na bawiin ang iyong rikit, mahal ko. Hindi ko akalain na maaari pala akong makaramdam ng ginhawa bago ang aking nalalapit na paglisan sa mundong ito. Ah! Mahal ko, napakaganda mo. Pagod na pagod na ako. Hayaan mong humimlay ako sa iyong tabi. Mananatili akong tapat sayo. Sa huling pagkakataon, nais kong hagkan ang pinakamatamis na labi sa mundong ito. " wika nya.

Dahan dahan, pinikit ni Caleb ang mga mata at binaba ang mukha para hagkan si Valerie.

. . . . .

Napadilat ang dalaga.

Nakita nya ang unti unting pagbaba ng binata ng mukha nito at ang nalalapit na pag didikit ng kanilang mga labi.

Nais nyang umangal.

Nais nyang ipaalala sa binata na nanduon lamang sa malapit ang kanilang mga magulang.

Ngunit huli na. Nagtama na ang kanilang mga ilong hanggang sa sumayad ang mga labi ni Caleb sa labi nya.

Nanlaki ang mga mata ni Valerie.

Namanhid ang kanyang sistema.

Tanging ang malakas na tibok ni Caleb ang kanyang naririnig.

Hindi, hindi sa binata ang naririnig nya kundi sariling puso.

Pusong nag uumapaw sa di maipaliwanag na pakiramdam.

Nawala na rin sa katinuan si Valerie.

Kinain nya sya ng intensidad ng halik ng kasintahan at pinikit ang mga mata.

Hinayaang tangayin ng daluyong emosyon na tila kay sarap sa pakiramdam.

Wala na syang pakialam sa paligid.

Silang dalawa na lamang ni Caleb ang mahalaga.

. . . . .

Sa parte ni Caleb, tanging pag ganap lamang sa karakter ang pakay nya.

Ngunit di nya maintindihan ang sarili kung bakit tila hindi nya makontrol ang katawan.

Na sa kalauna'y napagtanto nyang wala rin syang balak kontrolin pa.

Hinayaan nya ang sariling tangayin ng agos sa dako paroon kung saan tanging sila lamang ni Valerie ang tao.

Masaya sya.

Nag uumapaw na pagmamahal ang pumuno sa kanyang dibdib.

Kaya imbes na simpleng halik lamang ang maganap, lumalim pa ito ng lumalim.

. . . . .

Sa crowd.

Asiwang nag iwas ng tingin si Valerio.

Binalingan nya ang kabiyak at tinuro ang mga gumaganap sa stage.

"Parang antagal na ata. " wika nya.

Ngunit maging si Aling Vicky ay walang ideya.

Nanatili lamang syang bahagyang nakanganga.

Napasimangot ang ama at kinalabit ang kaibigan.

"Pare, parang sobra na ginagawa ng anak mo sa anak ko ah. " puna nya.

Napakamot sa batok si Gabriel.

"Pare, hayaan mo na yung mga bata. Hindi naman lolokohin ng anak ko yang anak mo eh. " paliwanag nya.

Natahimik si Valerio at tinitigan ang kaibigan.

"Pare, malaki ang respeto ko sayo bilang kaibigan. Higit pa sa kapatid ang tingin ko sayo, alam mo yan. " wika nya.

Natahimik din si Gabriel at tumango.

"Naiintindihan ko ang pinupunto mo pare. Wag kang mag aalala, ganun din ako sayo at sinisiguro kong hindi ko kukunsintihin ang anak ko. Napamahal na rin sa akin si Valerie. Anak na rin ang turing ko sa kanya kaya kahit hindi mo sakin ipaalala ang mga kaganapan, batid ko ang dapat nilang limitasyon. Makakaasa ka sa akin pare na hindi ko pababayaang masaktan ang anak mo. " seryosong sabi nya.

Nagkatitigan ang dalawang ama pagkuwa'y napangiti sa isa't isa.

Inabot ni Valerio ang kamay sa kaibigan.

"Naniniwala ako sayo pare. " sambit nya.

"Salamat pare. Pero sa tingin ko tama ka, parang matagal na silang nakababad sa isa't isa. Patigilin na kaya natin ? " tanong ni Gabriel.

Napatangu tango si Valerio.

"Ano sa tingin mo magandang paraan para tumigil yan. Sigawan kaya natin ? " tanong nya.

"Sige. Sabay tayo. " sang ayon nya.

Naghanda na ang dalawang ama para guluhin ang eksena.

Pero sabay din sila napangiwi ng makaramdam ng kurot mula sa kani kanilang mga asawa.

. . . . .

Sa stage, pakiramdam nina Caleb at Valerie ay tumigil ang mundo.

Pumailanlang ang malamyos na musika na sinasabayan ng pag ihip ng malamig na simoy ng hangin.

Kapanatagan.

Parehas sila ng nararamdaman.

Bagama't batid nilang hindi pa ganuon katagal ang kanilang pagsasama, batid ng kanilang mga batang puso na wala na silang nanaisin pa kundi ang isa't isa.

. . . . .

Makalipas ang ilang sandali, tila nakaramdam na ang dalawa.

Dahan dahang nagmulat ng mga mata si Valerie at marahang tinawag ang kasintahan.

"B-baby. " bulong nya.

Napadilat din si Caleb na may kaunting ngiti sa mga labi.

"What ? " tanong nya.

"S-stop na. Nasa play pa tayo. " paalala ni Valerie.

Ramdam nya ang pag iinit ng mga pisngi.

Tila nuon lang din nahimasmasan si Caleb.

Pasimple nyang sinulyapan ang mga nanunuod at di nya maiwasang mapangiwi ng makitang nakatutok ang lahat ng ito sa kanila.

Mabilis syang nag ayos at tinuloy ang pag arte.

"Ah, maging ang init ng iyong mga labi ay di kayang pawiin ng kamatayan. Wag kang malungkot mahal ko. Hindi kita hahayaang mag isa. Hanggang sa muli nating pagkikita. " sambit nya at tinungga ang lahat ng laman ng botelya pagkuwa'y binagsak ang sarili sa tabi ng bidang babae.

. . . . .

Saglit na namangha si Valerie sa bilis makarekober ni Caleb.

Napangiti sya at hinanda ang sarili.

Bumilang ng ilang segundo pagkuwa'y dahan dahang tumayo na tila galing sa isang pagtulog.

Ginala ang paningin sa paligid at nagulat ng makita ang mga bangkay sa kanyang tabi.

Mabilis na gumapang ang pait sa katawan ng bidang babae.

Hinaplos nya ang pisngi ng kasintahan at tumangis.

"Romeo! Anong nangyari sayo mahal ko ? Bakit mo nagawa ito ? " tanong nya sa hangin.

Marahan nyang pinaglandas ang daliri sa pisngi ng katipan hanggang sa humantong ito sa mga labi.

Napansin nya ang botelya sa tabi ng nobyo at nuon naunawaan ang lahat.

"Narito pa ang sanhi ng iyong paglisan. Ah, sadyang mahal mo ako. Hindi mo nanaising ako'y mapag isa sa kabilang buhay. Hindi ito ang itinakda kong mangyari ngunit ipinapangako ko rin sayo, hindi ka mag iisa. " sambit nya.

Sa malas, wala ng laman ang botelya.

Nakaramdam ng panlulumo ang bidang babae.

Akmang magsasalita sya ng makarinig ng kaluskos di kalayuan na sinundan ng mga boses na tila nagmamadali.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng mabosesan ang sariling ina.

Agad nyang ginala ang paningin sa paligid, naghanap ng maaaring gamitin para wakasan ang kanyang buhay at sundan ang nobyo.

Hanggang sa mahagip ng kanyang paningin ang punyal sa tabi ng kasintahan.

Napalunok ng sunod sunod ang bidang babae.

Hinawakan nya ang punyal at nanginginig na tinutok sa dibdib.

Pilit na pinalakas ang loob hanggang sa muli nyang marinig ang mga tinig na papalapit.

Pinikit na lamang ni Juliet ang mga mata at tinarak na ang punyal.

Napa "Awww" ang mga crowd.

Binagsak ni Valerie ang katawan sa ibabaw ng kasintahan at pinikit ang mga mata.

Di nagtagal ay nagsipasukan sina Cheska na gumaganap na ina ng bidang babae para ibigay tapusin na ang eksena sa pamamagitan ng di malakas na pagtangis.

Unti unting nagsara ang telon hudyat na tapos na ang pagtatanghal.

. . . . .

Tulala ang lahat.

Tila di pa makarekober sa naganap na dula.

Muling bumukas ang telon pero nanduon na sa stage ang lahat ng kasali sa pagtatanghal.

Hawak kamay ang mga ito at sabay sabay na yumuko tanda ng pasasalamat.

Tahimik pa rin ang lahat.

Nakaramdam ng panlulumo ang buong grupo dahil tila hindi na appreciate ng audience ang kanilang pinaghirapan.

Hanggang sa makarinig sila ng palakpak mula sa likod.

Napalingon ang mga tao.

Kita nila ang apat na binata na nag sisimulang pumalakpak.

Sinundan pa ito ng mga magulang nina Valerie at Caleb kasama sina Coleen at Britney.

Hindi nagtagal, umugong ang malakas na palakpakan.

Di pa nakuntento ang iba, nagsitayuan ang mga ito at humiyaw.

. . . . .

Napaupo si Mrs. Senining.

Dumaloy ang masaganang luha sa kanyang mga mata at sinasabayan ng marahang palakpak.

Hindi nya kinaya ang emosyon, tinago nya ang pagtangis sa pamamagitan ng pagtatakip sa kanyang mukha.

Napansin ito ni Valerie kaya bumitaw sya sa kasintahan at sinundo ang guro.

Napangiti sina Caleb at Cheska.

Gumaya ang lahat.

Sinunggaban ang teacher at isa isang niyakap.

Na touch ang lahat sa naganap maging ang Principal at Mayor.

Hinayaan na lamang nila nag buong section at pilit na pinakalma ang madla.

Muling tumayo ang Principal sa likod ng podium.

"Okay students, relax. I know how you feel. Pero wala pang nanalo. " natatawang anunsiyo nya.

Muling kumalma nag lahat. Kanya kanya silang balik sa silya at inabangan ang nalalapit na pag announce ng nagwagi.

. . . . .

Punong puno ng emosyon ang dibdib ni Mrs. Senining.

Isa isa syang binati ang kanyang mga estudyante.

"Ang galing ng ginawa nyo guys. Napakaganda ng play nyo. " puri nya.

"Syempre Ma'am. Para sa inyo po yun eh. " sabi ng isa.

Napangiti si Mrs. Senining at tinipon sa isang tabi ang kanyang klase.

"Let's wait for the final decision. Pero whatever the result is, kayo pa rin ang panalo sakin. " wika nya.

Sumunod naman ang lahat at pumwesto sa isang tabi.

Blangko ang mukha, nilapitan ni Mrs. Legazpi ang kinaiinggitang guro.

"Nice performance Ma'am. Good luck na lang sa results. " sabi nya.

Tumango si Mrs. Senining.

"Salamat Ma'am. Magaling at maganda din ang pinakita ng klase mo. Kahit sino sa kanila nag manalo, masaya ako at nakapag tanghal sila ng matiwasay. " wika nya.

Pasimpleng napaismid si Mrs. Senining. Pinaalala nyang muli ang kanilang pustahan.

"Eh paano yung napag usapan natin? " tanong nya.

Natigilan si Mrs. Senining, pagkuwa'y napangiti.

"Walang problema sa akin Ma'am. Ang sakin ay katuwaan lang sana. Pero nagkasundo na tayo. Sige, payag ako. Pero kahit anong mangyari, sana maging magkaibigan tayo. Yung totoong kaibigan. " pakiusap nya.

Natigilan si Mrs. Legazpi. Nais nyang sumagot ngunit pinili na lamang nyang tumahimik. Tumugon na lamang sya sa pamamagitan ng marahang pagtango.

Napangiti na ng tuluyan si Mrs. Senining. Lakas loob syang umangkla sa braso ng kapwa guro.

Natigilan si Mrs. Legazpi. Pero di sya nagkomento at tinutok na lang ang atensyon sa kanilang punong guro na syang mag a-announce ng resulta.

. . . . .

Lumipas ang ilang sandali.

Aligaga ang lahat.

Hanggang sa muling pumwesto ang punongguro sa likod ng podium para i-anunsyo ang nagwagi.

Tahimik ang lahat. Mahigpit na naghawak kamay sina Valerie at Caleb.

"First, nais kong magpasalamat sa lahat ng nagpunta at nakipag diwang sa anibersaryo ng aming paaralan. Sa mga magulang, sa mga estudyanteng matyagang naghintay matapos ang mga pagtatanghal, sa mga gurong nakipag tulungan para maidaos ng matiwasay ang ating anibersaryo. Syempre, hindi natin dapat kalimutan ang ating butihing mayor na isiningit pa tayo sa kanyang busy schedule. Salamat po Mayor. At higit sa lahat, sa mga estudyanteng nakilahok at nagpamalas ng kanilang galing at husay sa iba't ibang larangan. Ikinararangal kong maging parte ng pagdiriwang na ito. " mahabang panimula ng punongguro.

Umugong ang palakpakan.

Ng matapos ay muli syang nagsalita.

"Lahat ng kalahok at sadyang magagaling. Naging mahirap para sa amin ang pumili ng isa. Bago ko i-anunsyo ang nanalo, nais kong ibahagi sa inyo na ang kalahati ng premyo ay mapupunta sa mga kababayan nating nasalanta ng nakaraang bagyo. Wala naman sigurong aangal. " biro nya.

Nagkaroon ng bulung bulungan pagkuwa'y nag thumbs up ang mga estudyante.

Napangiti ang principal at pinagpatuloy ang pagsasalita.

"Hindi ko na patatagalin pa ang kanina nyo pa hinihintay. As you can see, there's no consolation prize. Isa lang ang makakatanggap ng premyo. Hephep, wag malungkot. Nag usap kami ng aking Co- Teachers na nagsilbing judges pati na si Mayor. Napag kasunduan na bigyan lahat ng premyo. Pasasalamat sa pakikipag tulungan ng mga estudyante sa pagdiriwang ng ating anibersaryo. " wika nya.

Natuwa ang lahat ng sumali at pumalakpak ng sabay sabay.

Maya maya ay muli itong pinahinto ng principal para ibigay na ang hatol.

"Ang nagwagi! Napakaganda ng ipinamalas nilang pagtatanghal! Di ko na to patatagalin pa. Congratulations to the class of Mrs. Jean Senining!.. Congratulations! " anunsyo nya

Dumagundong ang malakas na palakpakan.

Napatalon sa tuwa sina Valerie at Cheska kasama ng iba pa nilang mga kaklase.

Napangiti ang lahat at masaya sa naging resulta. Tinawag ng principal si Mrs. Seninig para tanggapin ang tseke.

Marahang syang kumalas sa pagkaka angkla sa braso ng kapwa guro at lumapit.

Sa nangininig na mga kamay, ngumiti si Mrs. Senining at nakipag daupang palad sa Principal at Mayor.

"M-maraming salamat po. " pabulong na wika nya.

"You deserve it Ma'am. Job well done. " puri ng Principal.

"Maganda ang ginawa mo Ma'am. " gatong ng Mayor.

Ngumiti si Mrs. Senining at umiling.

"Ang mga bata po ang nagpakahirap. Sa kanila po ang perang ito. " sagot nya at pasimpleng sinulyapan ang tseke.

Natigilan sya ng makitang wala itong bawas.

"U-uhm, pardon me Ma'am, pero I thought half of the prize will be given to a certain charity ? How come it's still 15 thousand ? " tanong nya.

Nagkatinginan ang dalawa na tila naguluhan din.

"Oh, akala namin ikaw ang nag utos sa kanya ? " tanong ng Principal

Lalong nalito si Mrs. Senining.

"H-hindi ko ho kayo maintindihan. " sagot nya.

"Really ? Kanina kasi habang nirerevise namin yung scores para sa winner, may lumapit na binata sa amin backstage. He gave us this piece of paper with the signatures of your students and even you. Sabi nya, sya na bahala sa funds para hindi na mabawasan ang premyo ng mga bata. Tell me Ma'am Jean, wala ka bang binibigyan ng authorization ? " tanong ng Principal.

Natigilan si Mrs. Senining. Nalito.

"T-teka po. Pwede ko bang makita yung pape na may pirma ko ? " tanong nya.

Nilabas ng Principal ang isang pirasong papel.

Natigilan si Mrs. Senining at unti unting napangiti ng maluwang.

"That boy. I'm sorry Ma'am, yes, ako nga po ang nag authorize nyan. Pasensya na po at medyo nahihilo ako sa dami ng blessing na dumating. Salamat po ulit. Mayor, salamat po ng marami. " wika nya at nakipag kamay sa dalawa.

Tumango lamang ang mga ito.

. . . . .

Nilapitan ni Mrs. Senining ang klase at winagayway ang tseke.

Nagtilian ang lahat.

"Bukas na bukas, matatanggap nyo na ang premyo nyo. Equally divided hanggang sa kahuli hulihang sentimo. " nakangiting anunsyo ng guro.

Natuwa naman ang lahat.

Pasimpleng lumapit si Caleb.

"Ninang, alam ko po na medyo maliit na yung paghahatian. Wag nyo na kong isama. Saka bubuuin ko na lang yung 15 thousand. " bulong nya.

Ngumiti si Mrs. Senining at tinapik sa balikat ang binata.

"No need to worry Caleb. Maayos na ang lahat. Huwag mo ng itanong kung paano o bakit. Balato mo na sakin to. Pero sige, hindi na kita isasama sa partehan. " sabi nya.

Bagama't naguguluhan, ngumiti na lang is Caleb at tumango.

"Sige po Ninang. " wika nya at bumalik na sa kasintahan.

Napangiti na lang si Mrs. Senining pagkuwa'y hinanap ng mga mata ang Kwadro Alas. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makitang naglalakad na ito palayo.

Akmang hahabulin nya ang apat ng humarang sa daan si Mrs. Legazpi. Bigla itong naglabas ng dalawan libo at kiming inabot sa kanya.

"Yung pustahan. " matipid na wika nito.

Natigilan si Mrs. Senining. Pagkuwa'y marahan syang umiling.

"No Ma'am, hindi ko tatanggapin yan. Hindi ugali ng magkaibigan na magpustahan ng pera, di ba ? " sambit nya sabay ngiti.

Natahimik si Mrs. Legazpi.

Pagkuwa'y dahan dahan na rin syang napangiti at muling binulsa ang pera.

Matapos nito'y inabot nya ang kanang kamay.

"Congratulations. " taos puso nyang bati.

Napangiti ng maluwang si Mrs. Senining at tinanggap ang pakikipagkamay ng guro.

"Maraming Salamat. Magaling ang klase mo. Hindi ako nagbibiro. " puri nya.

"Salamat din Ma'am. O paano, mauna na kame. I treat ko muna sila. Makakatulong itong pera. Salamat ulit ha ? " sambit ni Mrs. Legazpi.

Tumango lang si Mrs. Senining.

"Oh that's nice. Kami rin kakain muna siguro. Kitakits na lang sa monday Ma'am. " paalam nya.

Napangiti si Mrs. Legazpi at tinungo na ang kanina pa naghihintay na klase.

. . . . .

Tinapunan ng tingin ni Mrs. Senining ang apat na binata.

Wala na ito at humalo na sa dami ng taong palabas.

Nakaramdam sya ng kaunting panghihinayang pero sa huli ay naisip nyang pasalamatan na lamang ito ng personal kapag nagtungo sya sa bahay ng kaibigan. Tutal ay iisang subdivision lang naman ang mga ito.

Tinungo nyang muli ang kanang mga estudyante.

"Kids, sinong gutom na ? " tanong nya.

Natigilan ang lahat at sabay sabay na nagtaas ng kamay.

Natawa si Mrs. Senining.

"Naku, malulugi ata ako. Pero sige, since na maganda ang performance nyo, ako ang taya! San tayo ? " tanong nya.

Tila napaisip ang lahat pero isa isa lang rin ang sinagot maliban kay Cheska.

"Jollibee! " sagot ng lahat.

"Manila Hotel! " sigaw ni Cheska na ikinatawa nila.

. . . . .

Bago umalis, nilapitan muna nina Valerie at Caleb ang mga magulang.

Kanya kanya silang yakap sa mga ito.

"Thank you sa pagpunta Dad, Mom. " wika ng binata.

"Sa inyo din po Itay, Inay. Sinong bantay sa mga bata ? " tanong ni Valerie.

"Ay sino pa eh di yung nanay ni Kakay. Hala at uuwi na kami, baka umiiyak na yung mga yon. " sagot ni Aling Vicky.

Sumingit si Harriet.

"Hep hep, anong uuwi ? We are all going to eat. Para humaba pa ang kwentuhan. " aya nya.

Nagkatinginan ang mag asawa.

Napangiti si Gabriel at inakbayan ang kumpare.

"Pare, kung nag aalala ka sa mga bata, sunduin na lang natin. Gusto ko rin silang makita eh. " sambit nya.

Napakamot sa batok si Valerio at tiningnan ang kabiyak.

"Ano ? " sabi nya.

Pero natigilan sya ng makitang abala na sa pakikipagtawanan ang asawa kasama ang asawa ng kaibigan.

Natawa si Gabriel.

"Pare, magkasundo na mga misis natin. Ipasundo na lang natin yung mga bata at dun na tayo tumuloy sa bahay. Para maipakilala na rin kita sa biyenan ko. " muli nyang aya.

Natigilan si Valerio.

"Biyenan ? Eh pare, naalala ko base sa mga kwento mo nuon, di boto sayo nanay ni Harriet ha. " paalala nya.

Napangiti ng maluwang si Gabriel.

"Nagbabago ang tao pare. Mabait ang biyenan ko. " tanging nasabi nya.

"Eh yung mga pahirap na kinwento mo ? "tanong ni Valerio.

"Walang puwang sa akin ang pagtatanim ng sama ng loob pare. Maayos na ang lahat. Siguro nga ay biyaya talaga ang pagdating nyang anak mo sa buhay ng anak ko. Bukod sa napagtagpo nya tayo, naibalik nya rin ang saya ng pamilya. Ng pamilyang buo at nagmamahalan. Kinalimutan ko na ang nakaraan. " nakangiting sagot nya.

Napatangu tango si Valerio at sumang ayon.

Binalingan nya ang anak na si Valerie.

"Oh, dun daw tayo kina Caleb anak. " imporma nya.

Ngumiti lang ang dalaga.

"Sige Tay, sunod kami. Manlilibre si Ma'am eh. " sabi nya.

"Ah ganun ba ? Eh paano kami ng nanay mo ? " tanong ni Valerio.

Sumingit si Caleb.

"Wag po kayong Mag aalala Tyong, mag relax lang po kayo sa bahay at susunod agad kami ni Val pagtapos ng libre ni Ma'am. Nakakahiya kasi na humiwalay kami sa group eh. " paliwanag nya.

"Tama si Caleb Tay. Sunod agad kami pagtapos. Isasama namin si Cheska. " dagdag ni Valerie.

Tumango tango ang dalawang ama.

"Oh sya sya kung ganon. Caleb iho, may tiwala ako sayo. Alagaan at ingatan mo itong anak ko ha. Ibalik mo sya ng buo. " biro ni Valerio ngunit may kalakip na kaseryosohan.

Agad na sinaway ni Valerie ang ama.

"Tay ano ba ? Nakakahiya kay Tito Gab! " saway nya.

Ngumiti lang si Gabriel.

"Tama ang ama mo Val. Caleb anak, sumagot ka sa Tito mo. Yung seryoso. " utos nya.

Tumango naman si Caleb at tinitigan sa mga mata ang ama ni Valerie.

"Opo Tito, makakaasa po kayo. Hinding hindi ho ako gagawa ng ikasisira ng tiwala nyo sa akin. Aalagaan ko po si Valerie hanggang sa ako'y nabubuhay. Magtatapos po kami ng pag aaral at hahanap ng magandang trabaho. Bago kami lumagay sa tahimik ay sinisuguro namin maayos na rin ang kalagayan ng aming mga pamilya. Mahal ko po ang anak nyo Tyong, seryoso po ako. " madamdaming wika nya.

Natigilan si Valerie at nag iwas ng tingin pero nakagatlabi sya ng makita si Coleen at Britney na nakangisi di kalayuan.

"Kakain lang yan, pero parang hinihingi na nya yung kamay ni Bebang. " pang aasar ni Coleen.

"Oo nga, jan pa lang tulo laway na sya. What more kung nag propose si Caleb ? Baka madulas na tayo dito. " gatong ni Britney.

Napasimangot si Valerie.

"Tse! " tanging nasabi nya dahil hindi talaga nya mapigilan ang nararamdaman.

Mabilis na sumakalay ang laksa laksang kilig sa kanyang sistema dahil sa sinabi ng nobyo. Dagdag pa na sinabi nito ito sa harap mismo ng kanyang ama.

. . . . .

Sinipat ni Valerio ang sinseridad ng tinuran ng binata.

Hindi na sya nagsalita, bagkus ay tinapik na lamang nya ang balikat nito ng tatlong ulit.

Matapos nito ay inakbayan nya ang kaibigan at inaya na patungo sa kani kanilang mga asawa.

Sumunod naman sina Coleen at Britney sa dalawa.

Napangiti na lang si Caleb at nilapitan ang nakatalikod na dalaga.

Napakunot noo sya ng makitang tila naiiyak ito.

"Huy! Anyare ? " tanong nya.

Natigilan si Valerie at mabilis na nagpunas ng mga luha.

"W-wala. Tara na. " sagot nya at

Humarang si Caleb at hinawakan ang mga kamay ng kasintahan.

"Oops, not so fast lady. Bakit ka teary eyed ? Dahil sa sinabi ko no ? " tanong nya.

Kumunot ang noo ni Valerie at umiling.

"Di no. Napuwing lang ako. " pagdadahilan nya.

Napangisi si Caleb.

"Wee ? " pang aasar nya.

"Tigilan mo ko Calebrador. Baka tamaan ka. " banta ni Valerie.

Natawa si Caleb.

"Yes boss Bebang. " pang aasar pa nya.

Lalong napasimangot si Valerie at akmang maglalakad ng pigilan ng nobyo.

"Ito naman, di mabiro. Sorry na. Ayusin mo na yang mukha mo at baka sabihin pa nila nag away tayo. " paalala ni Caleb.

Huminto sa paglalakad ang dalaga at marahang pinahid ang mga luhang nakatakas sa kanyang mga mata.

"S-sorry. Di ko lang talaga maisip yung mga nangyari sa atin. " pag amin nya.

Natigilan si Caleb.

"Anong nangyari ? Come on, tell me. " anyaya nya.

Umangat ang tingin ni Valerie sa binata.

"Yung mga pinag daanan natin. Grabe, di ko pa rin talaga maisip na ikaw ang boyfriend ko. " wika nya.

"Why ? " tanong ni Caleb.

Natahimik saglit si Valerie at pagkuwa'y huminga ng malalim.

"Gwapo ka Caleb. Mayaman at napakabait mo. Maraming babae ang nagkakandarapa sayo. Mga babaeng higit na bagay kumpara sa akin. Mga katulad ni Britney. Mayaman at maganda din. Hindi tulad ko na mahirap lang at hindi naman kagandahan. " bulalas nya sa nararamdamang pag aalinlangan.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Stop. Please. How dare you to say. Wala kang karapatan na magsabi ng mga kasinungalingan sa taong mahal ko. Bawiin mo ang mga sinabi mo. Now na. " utos nya.

"Hindi ako nagbibiro Caleb. Napakalaki ng kaibahan natin. " wika ni Valerie.

Napahinga ng malalim si Caleb at hinawakan ng mahigpit ang mga kamay ng dalaga.

"Walang iba sa atin baby. Tinadhana ka para sa akin at ako para sayo. Wag mong kwestyunin ang yaman ng pamilya namin dahil in the first place, hindi ako ang nagpundar non. Hayaan mong patunayan ko rin ang sarili ko para sa mga magulang mo. Ng sa gayon, hindi sila magsisi na ipinaubaya ka nya sa akin. At ikaw, alam ko, malaki ang tiwala ko sayo na marami ka pang patutunayan sa mundo. Ipinagmamalaki ka ng mga magulang mo pati ng mga kaibigan mo. Lalong lalo na ako. Kaya please lang, kung materyal na bagay lang din, wag mo ng ituloy dahil parehas lang tayong wala pang napapatunayan. " paliwanag nya.

Natigilan si Valerie.

"P-pero hindi ako maganda. Masama din ang ugali ko. Marami akong pangit na gawin. Natatakot ako na baka hanggang simula lang tayo. Ambata pa natin. " sambit nya.

Nagkandailing si Caleb.

"Ano bang sinasabi mo ? May salamin ba sa inyo ? Sinong nagsabi na hindi ka maganda ? Eh halos gulpihin ko na nga si Yohan para lang layuan ka. Pati na yung ibang nagnanakaw ng tingin sayo. Hay nako baby. Wag ako, iba na lang. " wika nya.

Napangiti ng kimi si Valerie.

"Tanggap mo pa rin ako kahit na maingay ako at nangugulpe ? " tanong nya.

"Tanggap kong maingay ka at mabigat ang kamay mo. Tanggap ko rin na naglalaway ka habang natutulog. Tanggap ko ring hindi ka naliligo pag weekends. Tanggap ko lahat ng panget sayo dahil kasama yan sa minahal ko. " sagot ni Caleb.

Kinilig si Valerie pero dinaan nya ito sa pamamagitan ng pagkurot sa nobyo.

"HOY! Araw araw kong naliligo. Saka yung laway, minsan lang yon no. " taray nya.

Natawa si Caleb.

"Mahal kita Val. Mahal na mahal. Wala na akong ibang babaeng naiisip pang makasama bukod sayo. Kaya please lang, tama na to at nagugutom na ko. Ang hirap umakting no. " biro nya.

Natawa si Valerie at niyakap ang kasintahan.

"Ang galing galing mo Baby. Pero bad ka. Bakit ang tagal ng kiss mo ? Dapat dampi lang yon ah. " sabi nya.

Natawa lang si Caleb.

"Aba, wala sa script kung gaano katagal yung kissing scene. Nakalagay don, hahalikan ni Romeo si Juliet. Sumusunod lang ako sa script ni Yohan. " sagot nya.

Nagtawanan sila pero muling natigilan.

"Speaking of Yohan, nasan sya ? " tanong ni Valerie.

Nagkibit balikat si Caleb.

"Nakita namin sya kanina nina Coleen at Britney sa kotse nya. Tulog na tulog. Ewan ko ba, kung kelan kailangan at importante, nakuha nya pang matulog. Pero look at the bright side, tama lang din yon. Nakatadhana talaga sakin yung last scene. " nakangising kwento nya.

Natawa si Valerie at muling niyakap ang nobyo.

Ginantihan naman ni Caleb ang yakap nito ng may katumbas na higpit.

Tumingala si Valerie at tinitigan sa mga mata ang binata.

"Salamat baby, salamat at dumating ka sa buhay ko. " bulong nya.

Ngumiti si Caleb.

"Hindi, ako ang nagpapasalamat at binigay ka ng Diyos sa akin. Ikaw ang babaeng pinapangarap kong ihatid sa altar. " ganting bulong nya.

Umahon ang kilig sa sistema ni Valerie. Sa kabila ng nararamdaman, nakuha nya pang magbiro.

"Wala daw forever. Sabi sa facebook. " biro nya.

Natawa si Caleb.

"Anong tingin mo sa mga magulang natin ? Fling lang ? Wag mong pansinin yong mga yon baby. Masyado akong masaya para pakialaman pa ang buhay nila. Siguro nakaranas sila ng kabiguan sa pag - ibig, pero di naman ibig sabihin non iisipin mo na wala nga. Ang sakin lang, nasa tao yan eh. Para sakin, ang pag ibig ay sarap at sakit at the same time. Kung sarap lang ang kaya mong tanggapin, kalahati lang yon. Kung nasaktan ka, siguro hinahanda ka lang at tinuturuan para hindi mo na sya gawin sa next partner mo, dun sa talagang nakatakda sayo. Alam mo na kung anong pakiramdam ng masaktan, bakit mo gugustuhing iparanas yon sa mahal mo di ba? Ah basta, para sakin lang, kapag nagmahal ka, gawin mo ang lahat ng makapagpapasaya sa kanya. Maging tapat ka sa mahal mo. Kapag ginawa mo yon, duon mo masasabi na posible nga na may forever. Pero wala pa rin akong paki alam sa kanila. Masyado akong masaya para intindihin ang lovelife ng iba. May sarili akong lovelife na dapat kong asikasuhin. " seryosong litanya nya.

Natawa si Valerie at kinurot ang pisngi ng binata.

"Hugot baby ? " biro nya.

Natawa din si Caleb at hinuli ang kamay ng dalaga. Nahinto ang tawanan at seryosong napatingin sa isa't isa.

"I love you, Bebang. " bulong nya.

Ngumiti si Valerie.

"Mahal kita Calebrador. Alam mo, nagpapasalamat ako at inalam ko ang kasagutan sa tanong ko. " wika nya.

Kumunot ang noo ni Caleb.

"Anong tanong ? " tanong nya.

Ngumiti ng matamis si Valerie.

"Buti na lang inalam ko kung Bakit Absent si Klasmeyt. " sagot nya.

Unti unting napangiti si Caleb at hinaplos ang pisngi ng dalaga.

"Salamat at inalam mo. " bulong nya.

Nagkatitigan sila hanggang sa unti unting maglapit ang kanilang mga mukha.

Pareho sila ng nararamdaman.

Pareho silang tila inilulutang sa alapaap.

Kaunti pa, ramdam na nila ang hininga ng isa't isa.

Hanggang sa bigla silang makarining ng palakpakan.

"Maligayang bagong kasal! " sigaw ng mga klasmeyt nila.

Dagling naghiwalay ang dalawa.

"K-kanina pa kayo ? " tanong ni Valerie.

Natawa si Mrs. Senining.

"Saka na yan, kanina pa nagwawala itong si Cheska. " utos ng guro.

Napasimangot si Valerie at tiningnan ng masama ang kaibigan.

Agad naman itong nagpauna sa paglalakad.

Hanggang sa sumunod na ang lahat.

Napangiti na lang si Caleb at inabot ang isang kamay sa dalaga.

"Tara baby. " aya nya.

Ngumiti na lang si Valerie at tinanggap ang kamay ng nobyo.

"Let's go baby! " excited na sabi nya.

Magkahawak kamay na silang sumunod sa mga kaklase.

.

.

WAKAS.

. . . . .

. . . . .

.

.

.

.

Muli, maraming maraming salamat sa pagbabasa sa "Bakit Absent si Klasmeyt"

Nawa'y nakapulot kayo ng aral, ( kung meron man )

Sana po suportahan nyo pa ang iba kong mga istorya.

Ako po si Toyantz.

at pogi ako.