1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 1
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 1

By kingovhell ·

"Oo tama.. sa sabado.. tutal pare parehas naman ata tayo off nun, bday mo nun Reg di ba?" tanong ng dalaga na kaharap ang barkada at kani kanyang partner nito sa isang bar.

"Sige ,sure.. para makapag relax relax din.. Ako, si Sam, si Kris, si Tanya, si Aira, at ikaw Mutya, tas isama nyo na din yun inyong mga jowa, at ako ,isasama ko din ang aking Papa" malanding tili ng baklang si Reggie at agad napuno ng tawanan ang table nila.

"Call ako jan, guys kayo? " sagot ni Dan at inakbayan ang girlfriend na si Mutya.

"Aba e sasama din ako, ano ba yan? pool party? baka mag bibikini tong si kamahalan ko, aba pagkakataon na" biro ni Clay, boyfriend ni Tanya at nagtawanan muli sila.

"Oo nga noh, saka tol, naalala ko, 10 years na ang tropa nun, anniversary natin nun tol, bday mo di ba nung una tayong naging magkaka group nung hayskul? tas eto na, tayong anim, di ba , di ba" singit ni Sam.

1st year Hayskul ng mabuo ang Tropang Pasaway na myembro ang tatlong lalaki na sina Reggie, Kris at Sam kasama ang tatlong Babae na sila Mutya, Tanya at Aira. Nabuo ito ng magkasama sila sa grupo sa isang school project, nagkasundo sundo sa mga trip hanggang sa tumagal at heto nga, sa Sabado ay sampung taon na silang magkakabarkada. At kahit nga busy sila minsan dahil may kanikanyang trabaho na sila, hindi pa din nawawala ang pagkakaibigan sa kanila. Tahimik ang lahat sa narinig na hirit ni Sam, maging si Sam ay napatigil din ng maalala ang nasabi. Tila dinaanan sila ng anghel, walang nais bumasag ng katahimikan.

"Ang tahimik,naalala nyo na naman si Kaloy" si Dan na ang bumasag ng katahimikan. Wala paring nag salita.

"May balita ka ba sa kanya" nagsalita si Reggie ngunit hindi sya makatingin kaya hindi alam ng lahat kung sino ang tinatanong nya. Tila inosente naman si Mutya sa narinig, nagpabaling baling ang ulo nya kung may sasagot sa bakla ngunit wala, napasinghap sya.

"Dun pa din naman ata ang bahay nila sa dati, baka andun pa din sya." sagot ng dalaga. Katahimikan muli,, ang iba'y nagsipag inom ng kanikanyang baso.

"Para kasing anlaki na ng pinagbago nya, iba na sya" sabi ni Reggie, unti unting nag karon ng interes ang mga kaibigan nya sa narinig.

"Oo, masyado atang napressure nya yung sarili nya, saka mahirap lumaki ng walang Nanay, tapos ayun yung tatay nya, kilalang drug addict sa lugar natin, nakakulong" sagot ni Tanya.

"San naman sya mapepressure" tila interesado si Mutya sa narinig.

"Sa mga bagay bagay sis, sa kaechosan, sa buhay nya, sa buhay pag ibig nya.yiiiee" tila kinikilig pa ang bakla ngunit agad napahinto ng maalalang kasama nila ang boypren ni Mutya..

"Ayy sori" ika nito.

"Naalala ko tuloy nung Hayskul tayo at puro pabebe tayong lahat nun, sya halos ang nagawa ng lahat lalo pag mga project natin, sukdulang mapuyat sya, matalino sya, maangas, may kayabangan at ayaw nya ng nauungusan sya ng iba, siguro may di rin maganda sa ugali nya,pero masakit mang aminin, pero nakatapos ako ng hayskul kasi naging tropa ko sya" lahad ni Kris.

"Oo, at sya ang founder ng tropa di ba, naalala ko noon ang kulit kulit nya, tipong

,tropa na daw tayo,tas nung una aayaw ayaw pa tayo, then nauwi sa Tropang Pasaway ang pangalang ng tropa na araw araw nyang kinakagalit" dagdag pa ni Sam, nagtawanan naman ang lahat.

"Ang di ko makakalimutan nung niloko ako nung jowa ko nung Hayskul, tas wala kayo nun guys, nasa bahay kaming dalawa nun at umiiyak ako sa kanya"

"Ano?" gulat na nagsigawan ang lahat ng marinig ang confession ni Tanya.

"OA nyo, green minded kayo masyado, ayaw ko nyang iniisip nyo, umiyak ako sa kanya tapos tinanong nya ko ,sino nag paiyak sa maganda kong kaibigan, then kinwento ko sa kanya na niloko ako nung boypren ko, pinagpalit sa bata tas pinagkakalat na nag seks kami, e blowjob lang naman binigay ko sa kanya" sabi ni Tanya. Naexcite naman si Clay sa narinig mula sa boses ng girlfriend nya.

"May mga pic sya na pinapakita na galing sa cellphone nya,yung mga nude pictures ko, sinumbong ko yun kay Kaloy,tapos kinabukasan absent sya bigla, 1 week di ba? naalala nyo,tas pinagtakpan na lang natin kay Maam na may sakit at nasa hospital, pero ganun nga pala,ang dami nyang pasa kasi may dalawang kasama yung ex jowa ko nun, sumugod daw sya sa mag isa, kinuha yung cellphone nung jowa ko saka binugbog yung ex ko, nabugbog naman nya, yun nga lang nabugbog din sya nung dalawa. Tapos binigay nya sakin yung cp ng ex jowa ko kaya nadelete ko yung mga pic ko dun." kwento ni Tanya.

"Lahat naman tayo halos malaki ang utang na loob sa taong yun, yun nga lang, ayun nga.. bigla syang nagbago, " sabi ni Aira.

"Alam ko kung bakit," singit ni Reggie.

"Bakit" sabay sabay na tanong ng lahat maliban kay Mutya.

"Kasi-" blaaag.. di na natapos ni Reggie ang sasabihin ng maramdaman nyang sinipa sya ni Mutya mula sa ilalim ng lamesa.

"Araaaayss… syett…"Hinihimas himas pa ng bakla ang binti nyang tinamaan,

"Kasi ano?" tila lahat naman ay gustong malaman ang dahilan ng pagbabago ni Kaloy..

"Chos lang …kayo naman basta showbiz, gusto nyo knowing nyo agad," ika ng bakla. sabay sabay na suminghap ang lahat.

"Sama natin kaya sya? sa bday mo Reggie" ika ni Clay na tila curious sa binatang kinekwento ng mag totropa.. Napangiti naman si Tanya sa pagka mabait ng boypren. Napangiti naman si Reggie sa ideyang naisip..

"Why not, maganda yun. reunion kumbaga.. saka para makumusta na din sya.. pogi pa din kaya sya..haaay sana single pa sya ,,para merong mag sisi jan sa tabi tabi" tila kinikilig pa si Reggie sa sinabi.

"Loka ka talagang bakla ka..pero oo,, pogi nga si Kaloy, di lang marunong mag ayos ng sarili, sus,, kung niligawan ako nun, baka hanggang ngayon kami pa" sagot ni Aira.

"Babe naman" tila nagselos naman si Ram, ang boypren ni Aira..

"Biro lang babe to naman" sagot ng dalaga.

"Oh sya ..sino sasama bukas pupunta sa bahay nila Kaloy?" tanong ni Reggie..

"Oi duty ako bukas.. " sagot agad ni Sam.

"Hmmm kayo na lang mga girls, daanin nyo sa rahas kapag ayaw sumama" sagot din ni Kris..

"Ay …karahasan..gusto ko yan" tila kinikilig na naman ang bading.

"Kayo na lang, may pasok din ako bukas" sabi ni Mutya, at tila wala sa sarili na ininom ang alak nya.

"Hmmm kelan ka pa nagkaroon ng pasok ng Huwebes?" seryoso ang bakla. Napatalima naman sa narinig si Mutya, di nya alam kung ano ang gagawin..

"Hinde-ka -kasi… kasii …may lakad kami ni Dan bukas" pag sisinungaling nya. Tila nahulaan naman ni Dan ang tinatago ng dalaga..

"Ano ka ba .. Hon,ok lang .. lost friend nyo yata si Kaloy, puntahan mo na, malay mo mapasama nyo ulit, di ba mas ok pag buo na kayo?" kalmado lang si Dan.

"Sya nga naman sis, ano ba?" naiiritang pumapadyak pa ang bakla. Unti unti namang nahulaan ng mga kaibigan nila ang nangyayari.

"Di ko alam," tanging sagot ni Mutya..

"Sige ..bukas ng alas tres ng hapon,girls..susunduin ko kayo ha" sabi ni Reggie.. Kinabahan si Mutya ..after 3 years na hindi nila pagkikita ni Kaloy. handa na ba nyang harapin ang binata??