1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 20
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 20

By kingovhell ·

Isang matindi at napakapait na katotohanan.. Bakit kapag broken hearted ka ay tila lahat ng Sad Song ay pakiramdam mo ay kinompose o ginawa para sayo?

"Heto na naman ako, Nag-aabang ng bago sa istorya ko Paulit-ulit na lang Paulit-ulit na lang." Nakaupo si Kaloy ngayon sa bench sa harap ng hospital, tahimik ang binata, tulala, hindi pa din maka get over sa nangyari.. Paulit ulit nyang nakikita ang sarili na kasama si Aira ilang minuto lang..Ang simoy ng mabango nitong buhok na pabalik balik sa isip nya.. Ang ngiti nito na tila walang katumbas na kaligayahan ang hatid sa kanya.. Daig pa nya ang namatayan..Kung alam lang sana nya na ganito ang kasasapitan ng lahat? Sana'y hindi na nya pinatagal at ngayon mismo ay dinala na nya si Aira sa simbahan..

"Heto na naman ako, Tinitignan sa'n nagkamali ang puso ko, Parang walang katapusan Walang katapusan." Bakit nga ba?? Bakit di nya alam?? Bakit may ganon?? Nag umpisang mag halo halo ang emosoyon sa isip at puso ng binata.

"Napaka daya mo naman e" tila baliw sya na kinakausap ang sarili.

"Bakit ngayon pa kelangan mangyari nito" sabi pa nya..

"Kahit pilitin pa'ng sarili Ibigin kang mali, Ako'y Mali Ako'y Mali" Mali?? Mali nga ba .. Nag umpisang manuot ang sakit sa puso nya.. Gusto nyang lumaban. Pero sapat na ba ang isang araw na pag mamahalan nila ni Aira para ipag laban nya? Nasasaktan sya.. Gusto nyang lumayo sa hospital para mawala sa isip ang lahat. Ang gutom nya kanina ay napawi ng sakit sa dibdib nya.. Ayaw din naman nyang umalis dahil umaaasa pa din sya na sana'y lumabas ang dalaga.. Sana mag paliwanag ito. Di naman sya magagalit.. Pero sana lang

..Para at least may dahilan sya para lumaban.. Kahit alam nyang wala syang laban..

"Paano ba ang magmahal? Palagi bang nasasaktan Umiiyak na lang palagi, Gusto ko nang lumisan."

"Putang ina mo Sarah, putang ina mo Piolo" sabi nya ng marinig ang kanta.. Tiningnan nya ang Hospital. Pinahid ang unang luha na pumatak. Alam nyang hindi ito ang huling luha na pupunasin nya.. Pero masyado ng maraming nangyari. Gusto na nyang mag pahinga.. Tumayo sya sa kinauupuan.. Kinapa ang wallet, may dalawang daan pa syang naitabi… Pwede syang humanap ng sasakyan at umuwi na .. At ano? mag drama.. Hinakbang nya ang paa ..Wala sya sa sarili.. Kung san sya dalhin nito ay di nya alam. Basta isa lang ang gusto nya.. Ang lumayo sa Hospital. Hindi na nya mahihintay si Aira.. Naisip nyang wala ng dapat ipaliwanag ang dalaga.. Para saan pa?

"Sis.." sigaw ni Reggie kay Tanya.. Katatapos maligo ng dalaga,naka tapis lang ito ng tuwalya,basa ang buhok, at papasok na sa kwarto ng makitang pagod na pagod na tumakbo papasok ng bahay nya ang bakla.

"Oh bakla.. para kang hinahabol ng limang rapist ah" biro ni Tanya…

"Ay wish ko lang "Landi ng bakla at nagtilian sila..

"Ayyyy teka .ang landi landi mo..bakit ba?? anong sadya mo" tanong ng dalaga.

"May problema" lumungkot ang mukha ni Reggie..

"Hmmm" napamungot si Tanya sa narinig..

"Di na natapos.. pwede bang bukas na lang yan?? naligo na ko oh, saka wala pa tayong tulog" sagot nito..

"Hayy.. pag namatay ka mag sawa ka sa tulog..grabe ka.." biro ng bakla.. Kinatok naman ni Tanya ang pintuan nya ng tatlong beses.

"Grabe ka ..marami pa akong kakaining ano

..pinapatay mo na ako agad" sagot nito.

"Kakaining ano?" tanong ng bakla at ngumiti.

"Ang libog libog mo" sabi pa nito.. Kumindat lang ang dalaga..

"Eh ano ba yun?" tanong ni Tanya..

"Pinapasundan ni Aira si Kaloy sakin…. e wala naman na kong kasama saka saktong andito na ko nung nabasa ko text nya" sabi ng bakla.

"Bakit na naman?? LQ agad sila?" tanong ng dalaga..

"Nope..mas matindi pa ..eventually kasi.. may lihim na naman na nabunyag.."Sabi ng bakla.. Napamulagat si Tanya..

"Oh my God..wag mo sabihing si Ano??" tanong ni Tanya..

"Yess Sis.. yes..alam ko yang nasa isip mo

..sya nga" sagot ng bakla..

"Akala ko ba hindi na tuloy?? ano ba yan

..andaming lihim ni Aira. .si William ..Si Ram…may kasunod pa kaya" hirit ni Tanya.

"Sayo lang sya nag lihim.. madaldal ka daw kasi ..open na open sya sakin…" pagmamalaki ng bakla.

"Oh e di kaya mo na yan" sagot ni Tanya at aktong papasok na ng kwarto…

"Sis naman..please" sabi ng bakla at nagpakyut pa.. Tiningnan sya ni Tanya at tumawa..

"Di mo ko makukuha nyang pakyut mo ..mag bibihis na ako at matutulog na, inaantok na ko" sagot ng dalaga.. Napairap si Reggie.. May naisip sya..

"Naku..sayang naman …mag isa pa naman si Kaloy… oh alam ko na.. tama Sis..wag ka ng sumama ..Para solo ko si Papa K.. naku. papatulugin ko yun sa bahay…tas kami lang dalawa… hay …broken pa naman ata sya…perfect timing "Tili nito at tiningnan si Tanya kung effective ang hirit nya..

"Aba.. e tara na ..di na ko mag bibihis para pag nakita nya akong naka tapis ng tuwalya e mawala pagka broken nya, tara na"Agad lumakad si Tanya palayo sa bakla.

"Hoy … ang landi landi nito, magbihis ka .. magbihis ka muna" sigaw ng bakla..

"Wag na… matatagalan pa tayo.. baka mag isa na si Kaloy ko..maiwan ka na lang kung gusto mo.. ikaw na mag bihis" sagot ni Tanya.

"Putang inang to.. gumana na naman kalibugan.."Sigaw ng bakla at hinila ang dalaga..at dahil sadyang malakas ang bakla e nahila nya ito..

"Di tayo aalis pag di ka nagbihis.. "Utos ng bakla..

"Sus.. naiinggit ka lang kasi alam mong matitikman ko na naman si Kaloy.."Malanding sagot ni Tanya bago pumasok ng kwarto nya.. Maya maya'y lumabas din agad ang dalaga..

"Tara na" sabi nito.. Nanlaki ang mata ni Reggie sa nakita..

"Oh my God..patawarin nyo po ang malandi kong kaibigan" sabi nito habang hinihimas ang noo. See through na sando ang suot ng dalaga.. Tinambalan ng pink na bra na kitang kita mo kapag nasa maliwanag at sobrang iksi na puki short na malambot.

"Inggit ka na naman" biro ni Tanya..

"Wag ka ng mag salita.. tara na" yaya ng bakla sa kaibigan at umalis na sila.. Sa daan ay naabutan nila na tulalang nag lalakad si Kaloy.. Ramdam agad ni Tanya ang sakit na dinanas nito sa mukha nya.. Sa unang beses kasi ay nakita nyang sobrang lungkot ang binata..Madalas kasi ay nakangiti lang ito o di kaya'y seryoso.. Agad bumaba ang dalawa para lapitan si Kaloy.. Sa pag baba ni Tanya ay agad napansin ng mga adik sa kanto ang dalaga. Madaling araw na at kasalukuyang masaya na ang lahat gawa ng lango na sila sa damo.

"Putang ina Chix" sigaw ng isa.. Nagpaganda naman si Reggie ng marinig ang mga tambay..

"Wow.. ang laki mga tol.. grabe.. ang sarap nyan" narinig ni Tanya na sabi ng isa. Tiningnan nya ang mga ito.. Lahat ay nakatutok ang tingin sa suso nya. Umirap ang dalaga..

"Mga manyakis" bulong nya.. Sa tingin nya ay nasa edad na 20 pataas ito sila.. At wala syang nagawa dahil dun nila naabutan si Kaloy na naglalakad. Kailangan tuloy mabilad at pagpyestahan ng mga tambay ang katawan nya.

"Uy Papa K..halika na …dun na muna tayo kila Tanya.. di pa tapos reunion natin di ba?? two days usapan natin di ba??" sabi ng bakla.. Ngumiti naman ang binata ng makita ang dalawa.

"Oh bakit kayo bumalik?" tanong nito..

"Pinasundan ka ni Aira" sagot ng bakla. Muling nalungkot ang binata ng marinig ang pangalan ng dalaga…

"Hi Miss" kantyawan ng mga tambay sa gitna ng pag iisip ni Kaloy.

"Miss penge naman number mo" hirit ng isa

.. Maya maya'y di pa nakuntento ang isa at lumapit pa mismo kay Tanya.

"Hi miss…. pwedeng makipag kilala?" sabi nito.. Agad napangiwi ang nguso ni Tanya ng makita ang isang maamos na lalaki na bulok na halos ang ngipin. Sunod sunod na naglapitan ang lima pa nitong kasama. Napatakip na lang ng ilong ang dalaga sa amoy nito sila ..Literal na mabaho.. Bakit nga ba may mga ganong lalaki? Sinisira nila ang imahe nating mga Lalaki. .Sila yung mga mag aadik tapos mang mamanyak.

"Miss penge naman ng number mo oh" hirit ng isa..

"Oh kaya pede ka bang ligawan" diretsang hirit ng isa.. Sumama agad ang tingin ni Kaloy sa lahat..

"Eh mga Kuya.. sorry.. may boyfriend na po kasi ako" sagot ni Tanya at ngumit ng pilit.. Napansin naman ni Kaloy at Reggie na pinapapak ng lahat ng mata ng mga tambay ang suso ng dalaga..

"May boyfriend daw ..bakit lahat ng lang ng magaganda may boyfriend" kanytawan ng mga tambay.

"Miss sige na.. " pamimilit ng isa.. Yung isa nama'y marahas ng hinawakan sa braso si Tanya Napapikit na lang ang dalaga sa takot.. Sa hitsura ng mga ito ay parang kayang kaya nilang pumatay ng tao..

"Mga Kuya totoo… May boyfriend na po ako" pakiusap ni Tanya"

"Hoy .. mga tol.. ako ang boyfriend nya, wag nyo nga sya hawakan" pinilit ni Reggie palagumin ang boses nya para sindakin ang mga tambay.. Kani kanyang tawanan ang lahat ng nakarinig

.. Maging si Tanya ay napangiti ng konti..

"Boyfriend daw.. Hoy bakla.. yung tono mo kanina bakla tapos sasabihin mo na boyfriend ka" sabi ng isa.

"Wag kang makialam ihahanap ka namin ng lalaking papatol sa yo mamaya" sabi ng isa..

"Hoy … for your information.. Hindi ako basta basta napatol ..lalo pag mga katulad nyo.

..mga adik..tapos pag mga sabog na e mambabastos" sabi ng bakla..

"Aba.. bastos ang bibig mong bakla ka ha" sabi ng isang tambay at nilapitan si Reggie..

"Syeet" bulong ng bakla sa takot.. Agad namang may humila kay Aira na isang tambay.

"Miss dito ka.. baka madamay ka jan" ika ng isa habang sinisinghot singhot ang dalaga..

"Tol..Kung ako sa nyo.. uuwi na ako sa bahay nyo at matutulog .. Trust me." sabi ng seryosong binata na nakatingin lang sa nangyayari..

"Uy superhero oh.. sino ka" sabi ng tambay na lumapit kay Reggie at si Kaloy naman ang binalingan..

"Boyfriend nyang babaeng hawak nyo" sagot ni Kaloy. Napangiti naman si Tanya sa narinig..

"Wish ko lang" sabi nya sa sarili..

"Walang bastusan ng girlfriend mga tol..

"Sabi ni Kaloy. Hindi naman maaninag ng mga tambay ang mukha ng binata kaya kinakailangan pang lumapit ng isa dito para makilala kung sino sya.. Ganun na lang ang takot ng isang tambay ng makita ang mukha ng binata…

"Tol.. tara na" bulong nito ng lumapit sa may hawak kay Tanya.

"Si Kaloy tol" sagot nito..

"Ha… putang ina…." sagot ng tila leader nila.. Agad nitong binitawan si Tanya…

"Sorry miss… sorry" nagulat pa si Tanya ng bigla itong mag sorry sa kanya.. Agad nag takbuhan ang anim na tambay na tila nakakita ng multo..

"Wag na kayong babalik ..mga bwisit" sigaw pa ni Reggie ng magtakbuhan ang mga ito.. Agad namang tumakbo si Tanya kay Kaloy at yumakap sa braso nito.

"Yiiiiie… buti na lang nandito ang boypren ko.."Sabi nito.

"Hala.. grabe… ang landi landi nito… maiteks nga si Aira" biro ng bakla. Tiningnan lang ni Kaloy ng masama si Tanya..

"Bakit?" tanog ni Tanya ng makita ang mapanganib na mata ng binata..

"Sino ba naman kasing nag utos sayo na mag suot ka ng ganyang damit..sana nag hubad ka nalang " sumbat ng binata..

"E ganun nga sana..e pinigilan lang ako nitong bakla" sagot ni Tanya.

"Sis" suway naman ni Reggie ng makitang seryoso si Kaloy..

"Ayyy" napahinto din si Tanya..

"Sorry… " sabi pa nito..

"Pano ka igagalang ng lahat kung sarili mo hindi mo magawang igalang" sabi pa ni Kaloy.. Mistulang bata naman si Tanya na pinapagalitan.

"Teka.. bakit pala natakot sayo yung mga yon Papa K" pang iiba ng usapan ni Reggie

..naramdaman kasi nyang napatahimik na si Tanya..

"San tayo pupunta?" tanong ni Kaloy at hindi sinagot ang tanong ng bakla..

"Sa bahay. .dun ka daw muna mag stay sabi ng girlfriend mo" nasa boses ni Tanya ang pagtatampo..

"Kaibigan ko" sagot ni Kaloy.. Muling gumuhit ang lungkot sa mukha ng binata.. Dire diretso itong pumunta sa sasakyan ng bakla.. Sa byahe ..Walang imikan ang tatlo… Ramdam na ramdam nila ang pagkalungkot ni Kaloy at hindi alam ng dalawa kung pano pasasayahin to.. Pagdating sa bahay ni Aira ay naabutan nila doon si Kris at Jema..

"Oi.. Kris..bakit" tanong bakla.. Lumapit lang si Kris sa bakla…

"Alam ko nang yari..kateks ko si Aira.. pinapabantayan nya si Kaloy sakin..grabe.. ang hirap naman ng sitwasyon ni Kaloy" sabi ni Kris.. Tiningnan lang nila ang binata na dumiretso sa gilid ng pool.. Maya maya'y tinawag nito si Reggie..

"Oh Papa K..bakit.?" pilit pinasigla ng bakla ang sarili para hindi mapansin ni Kaloy na nadadala din ang bakla sa kalungkutan ng kaibigan..

"Tuloy natin Party? inom tayo" sabi ng binata..

"Kaloy" malungkot si Reggie.. Tumingin sa kanya ang binata.. Pinili nito ang ngumiti..

"Bakit.. inaantok ka na ba?? sige ok lang

…ako na lang iinom,, di pa kasi ako inaantok..magpapa antok na lang muna ako" sabi ni binata..

"Kailangan ko na din kasi magpahinga e.. nasira na beauty rest ko" biro ng bakla..baka sakaling ngumiti ang binata. Ngumiti naman ito ..Pilit nga lang…

"Tol samahan kita" singit ni Kris..

"Sige tol" sagot lang ni Kaloy tapos napatingin na naman sa malayo..

"Wag na kayo magpa umaga… bukas pupunta naman yung iba dito e.. tineks ko na sila" sabi ni Tanya..

"Oo ..sige na mag pahinga na kayo" sabi ni Kris..

"Hon…" tila me sinabi si Jema kay Kris..

"Oo babe.. magpahinga ka na din muna.. Reg.. si Jema oh.." sabi ni Kris kay Reggie..

"Ayyy..Sis .tara dun tayo sa guest room…" yaya ng bakla sa kanya. Unti unting nawala ang tatlo at naiwan si Kris ni Kaloy na hindi nag uusap.. Tinatamaan na ng antok si Kris at kakamunaw lang nya sa pagkalasing tapos heto't kainom na naman nya ang binata.. Wala syang magawa.. kailangan nyang mag sakripisyo para kay Kaloy..

30 minutos ang lumipas.. Malakas uminom si Kaloy.. Sunod sunod ang pag inom nito ..Samantalang si Kris ay hindi na halos makainom.

"Tol.. dahan dahan" sabi ni Kris sa binata. Ngumiti lang si Kaloy.. Naisip na naman nya si Aira.. Siguro'y tulog na ito.. at natutulog ito na kasama si William.. Nakayakap ito sa Kano.. Nangilid ang luha ni Kaloy.. Napansin ito ni Kris..

"Tol..tama na kaya ,,mag uumaga na din naman …mag pahinga na tayo" sabi nya..

"Plaaaaang" ibinato ni Kaloy ang hawak na baso saka yumuko..

"Tol.." agad hinawakan ni Kris ang braso ng binata para awatin baka kasi may gawin pa itong iba.

"Tol.. halika na ,,magpahinga ka na " pamimilit ng binata…

"Sige na tol…sumunod ka na kay Jema.. pasensya na.. hindi ko naman gusto na sabayan mo ako ..pero di ko alam tol.. mas gusto kong magpakalango sa alak para pansamantalang makalimutan ang lahat" sabi ni Kaloy ..seryoso ito.. Napasinghap si Kris.. Alam nyang nasasaktan ang kaibigan.. Naparaming nangyari ng araw na ito.. at konting kasiyahan pa lang ang nararamdaman ni Kaloy kasama si Aira tapos may kasunod na trahedya na agad..

"Tol.. hindi mo naman kelangan pahirapan sarili mo ng ganyan e.." sabi ni Kris… Nainis si Kaloy sa narinig, nangibabawa ng alak.

"Eh ano?? kung inaantok ka na sige na

…umalis ka na.. "Sigaw ni Kaloy.. Napailing si Kris..

"Tol hindi kita iiwan… kaibigan kita.. pero please.. nag aalala si Aira sayo.. gusto nyang malaman yung ginagawa mo kada oras.. pinapatulog ka na nya.. "Sabi ni Kris.. Tumingin si Kaloy sa kaibigan ng marinig ang pangalan ni Aira..

"Nag aalala?? nag aalala sya? akin na cellphone mo " marahas na inagaw ni Kaloy ang cellphone ni Kris..

"Tol.. agad umiwas si Kris para di mahablot ni Kaloy ang cellphone nya.. Sinakal ng binata si Kris dahilan para di makagalaw ito at matakot. Nanlilisik ang mata ni Kaloy..alam nyang seryoso ito..

"Ibigay mo sakin yan" madiin na bigkas ni Kaloy dahilan para iabot ni Kris ang cellphone sa binata. Kahit kelan ay hindi nya nakita na ganon kagalit ang kaibigan. Alam nyang sobrang nasasaktan ito..

"Tol wag kang-" di matapos ni Kris ang sasabihin dahil nakita nyang nagtatype ang binata .. maya maya'y inabot ni Kaloy ang cellphone kay Kris.. kaagad binuksan ng binata ang sent items nya at nabasa ang text ni Kaloy kay Aira.

"Tulog na sya..wag ka na mag alala" Tiningnan lang ni Kris ang kaibigan.. Umiinom pa din ito.. Bakas sa mata nito ang lungkot..

"Sorry" sabi ni Kaloy sa kanya ng tingnan sya nito.

"Ok lang tol..sige na .. magpapahinga na ako" sabi ni Kris sa binata.. Tumango lang si Kaloy. Kasunod nito ay umalis na si Kris. Muli ..nag isa na naman si Kaloy.. Naramdaman nya ang lungkot.. Unti unti syang nahiga sa gilid ng pool.. Pinikit nya ang mata.. Tumulo ang luha..