1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 22
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 22

By kingovhell ·

Masayang nagkantahan ang lahat… Ilang oras ang lumipas at dumating din si Brando at Clay.. Nag inom ang mga lalaki.. Sila Tanya , Reggie, Sam at Mutya nama'y nagpapalitan sa pagkanta.. Maging si Kaloy ay napakanta din nila..

"Minsan sa may kalayaan tayo'y nagkatagpuan, may mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay, sa ilalim ng iisang bubong, mga sekretong ibinubulong, kahit na anong mangyari, kahit na saan ka man patungo" Lahat ay nakikisabay sa pag kanta ni Kaloy.. Naalala tuloy nila na ito ang theme song ng Tropang Pasaway.. Masaya ang lahat.. si Reggie ay napaluha sa naalala …Ang mga pinag daanan nila, Napaka memorable nitong kantang ito… at sobrang tatag ng pagkakaibigan nila…

"Minsan ay hindi ko na alam ang nangyayari, kahit na anong gawin, lahat ng bagay ay merong hangganan, dahil ngayon tayo ay nilimot ng kahapon, di na mapipilitang buhayin ang ating pinagsamahan, ngunit kung sakaling mapadaan baka ikaw ay aking tawagan, dahil minsan tayo ay naging tunay na magkaibigan"

"Hwooooooooo" hiyawan ang lahat ng matapos ang kanta.. Unti Unting dumilim.. Maingay na ang lahat.. Dumating si Kris at Jema kasama si Angel.. Kani kanyang ingay na naman ang lahat.. sa maiksing oras ay nakalimutan ni Kaloy si Aira.. Inenjoy ang sarili .. ngunit di nagtagal ay naramdaman nya muli ang sakit.

"Enjoy the last night" sigaw ni Dan..

"Bukas.. workaholic na naman lahat" sumigaw din si Sam habang yakap si Angel..

"Para sa tropang pasaway." sigaw ni Tanya at nag yaya ng cheers..

""Cheers" sigaw ng lahat.. Nakitango lang si Kaloy.. Pinilit nyang itago ang lungkot para wala ng mag alala sa kanya …Hindi buong araw e kailangan nyang pag isipin ang lahat sa nararamdaman nya.. Tama sila..Bukas may kani kanyang buhay na naman sila. At ano ng mangyayari sa kanya?? Matapos ang sakit na gawa ni Aira. di nya alam.. Napahimas sa noo ang binata.. Si Aira ..Si Aira. .Hindi maalis sa isip nya ang dalaga.

"Aira…" sigaw ni Reggie..

"Sis" sigaw ni Tanya…

"Uyyyyy" kani kanyang sigawan atlalong umingay ang lahat.. Tumingin si Kaloy sa pinagmulan ng ingay.. Si Aira.. Nanlaki ang mata ng binata.. Nandito si Aira.. ang ganda ganda ng dalaga.. napangiti sya .. namiss nya ang dalaga…di nya maitatanggi .namiss nya ito… Pero ganun na lang ang inis nya ng makitang kasunod nito ang Kano..

"Hi Tanya… Reggie" bati nito. Nagulat pa ang binata… kilala ng Kano si Reggie at Tanya… Kinabahan si Kaloy.. Bumilis ang tibok ng puso nya.. Hindi nya alam.. Matapos ang nangyari ay hindi pa nya ata kayang harapin si Aira.. Isinubsob na lang nya ang ulo sa mesa.. Ayaw nyang makita na magkasama ang dalawa.. Kunwari nag Nap sya..

"William.. this is Envy. You can call her Mutya" narinig nya ang boses ni Aira.. Lalo syang kinabhan.. namiss nya ang boses ng dalaga..

"This is her boyfriend Dan, this is Sam., Angel, Kris, Jema" sabi pa ng dalaga.. Kinabhan si Kaloy… lahat ata e pinapakilala ng dalaga.. Ngunit laking pasalamat nya ng hindi sya banggitin ni Aira.. Laking pasalamat na unti unting naging daan para mas masaktan sya. .Ibig sabihin. Hindi sya pinansin ni Aira.. Natanong tuloy nya ang sarili nya.. May halaga pa ba sya sa dalaga?

"William ..that over there sleeping is Kaloy, the one you'd met on the Hospital" narinig ni Kaloy na si Reggie na ang nagpakilala sa kanya..

"Sino sya Aira..bagong tropa" ika ni Clay.. Napahinto si Aira.. Suminghap ang dalaga… Ngumiti.. Pinili na ngumiti..

"Everyone ..this is William.. my Fiance" sabi ng dalaga.. Pumatak ang luha sa mata ni Kaloy… Gusto na nyang umalis sa kinauupuan nya ng oras nayon..pero mahahalata sya at magiging inconsiderate sya kung gagawin nya yun.Pero sobrang sakit na talaga..

"Syeeet" narinig nyang bulong ni Brando.. Alam nyang kahit ang iba na di alam ang totoo ay nagulat din..

"Tol.." naramdaman nya na may tumapik sa kanya .. Di sya sumagot.. Agad nyang pinunas ang mata nya… Huminga ng malalim at inihanda ang sarili para iangat ang mukha.. Unti unti nyang inangat ang mukha at sa pag angat nito ay una nyang nakita agad si Aira. Nagtama ang mata nila.. Unang umiwas ang dalaga.. Binaling nito ang tingin kay Clay na kinongrats silang dalawa..

"Thank you, Clay" sabi ni William habang nakipagkamay kay Clay..

"Tol.. ok ka lang" tanong ni Dan kay Kaloy..

"Hindi tol.. hindi ako komportable…"Sagot ni Kaloy.

"Ang hirap nyan tol.. " sabi ni Dan.

"Kaya ko to tol..ako pa" muling pinilit ni Kaloy na ngumiti. .Tiningnan nya muli si Aira.. Nakangiti lang ang dalaga.. Magka hawak kamay pa sila ni William habang kausap ang mga kaibigan.. Uminom lang ng uminom si Kaloy.. Na OP sya.. nag enjoy ang lahat .. madalas nyang tingnan si Aira. Nag eenjoy din ang dalaga.. Oo.. hindi katulad nung kasama nya ito na puro pag iyak lang lagi ang ginagawa nito.. Masayang nag tatawanan ang lahat.. Kinakausap nila si William at kani kanyang tawanan pag nagtatagalog ito.

"We're moving in States by the end of the month"Sabi ni William.. Natahimik lahat.. Rinig na rinig ni Kaloy ang sinabi ng Kano.. Walang nakapag salita.. Hindi na kinaya ni Kaloy ang sakit. . Hinanap nya si Aira.. Wala ito sa tabi ni William.. Ok na.. Pede na syang umalis ng hindi nakikita ng dalaga.. Tamang tama dahil kailangan din ni Kaloy na umihi… Tumayo sya.. Sa paglakad nya ay napangiti pa sya.. Mukhang wala na talaga syang laban sa Kano.. at hindi man lang sya pinapansin ni Aira. Mapungay ang mata nya ng pumasok sa bahay… at ganun na lang ang pagkagulat nya ng may makabanggo sya..

"Sorry" sabi ng dalaga na agad tumingin sa lalaking nakabangga nya.. Tiningnan din ni Kaloy ang dalaga..

"Aira" sabi nito.. Matagal silang nagtitigan.. Ngumiti lang ang dalaga..Naghintay ng sasabihin si Aira.. Naghintay ng sasabihin si Kaloy.. ngunit walang nag salita. Tumulo ang luha ng binata.. Nangilid ang luha ng dalaga. Hinintay ni Kaloy na punasin ng dalaga ang luha nya kagaya ng ginagawa nito sa kanya ngunit hindi.. Tila walang napansin si Aira.

"Mag ccr ka" tanong nito. Napaisip si Kaloy.. Bakit ganun… Bakit ibang iba si Aira.. Wala na ba talaga ?? Ganun na lang ba talaga lahat?? Tumango si Kaloy..

"Sige.." huling sabi ni Aira bago sya iniwan nito.. Pinunas ni Kaloy ang luha… Umihi sya .. Huminga ng malalim.. Kailangan nyang maging malakas .. Isang gabi na lang naman ito..Tapos ..babalik na sila sa normal.. Normal.. oo..Katulad noon.. Walang Aira.. Walang Kaloy.. Nagulat pa ang binata ng pagbalik nya sa grupo ay kinakantyawan sya ng lahat na kumanta..

"Go Kaloy.." sigaw ni Mutya..

"Bakit ako" takang tanong ng binata..

"E ikaw lang maganda ang boses dito" sagot ni Reggie.

"Sige na pakipot kapa.."Sigaw ni Tanya na kayakap ni Clay. Wala ng nagawa si Kaloy kundi tanggapin ang Mic at mag play ng kanta nya.. Tiningnan nya si Aira.. Hindi pa din sya nito tinitingnan.. Nakaupo at nasa likod nya si William na nakayakap sa kanya.. Tumugtog ang intro ng kanta ni Kaloy..

"Ayyyyyyyy" tili ng bakla ng mahulaan ang kakantahin ni Kaloy…. Natahimik ang lahat..

"Alam kong meron ng iba, Ang init ay nang lamig na, Ba't di aminin ang di malilihim, Ikaw at ako'y tapos na, Bawat hakbang palayo ka, Walang linaw na babalik pa, Maagaw ka man ng iba sakin, Pag-ibig ko'y patuloy pa rin" Tinitingnan ni Kaloy si Aira sa pagkanta nya

.. Walang reaksyon ang dalaga..

"Tang ina …ako ang nasasaktan sa kanya" sabi ni Kris kay Jema..

"Grabe.. nainlove na nga" bulong ni Mutya kay Dan.. Napayakap naman si Tanya ng mahigpit kay Clay.. Napangiti si Reggie habang salitan na tinitingnan si Kaloy at Aira..

"Sabi ko sana maganda ang ending ng Love Stroy nyo e" bulong nito sa sarili..

"Sa isip ko'y yakap ka pa, Sa isip ko'y walang iba, Mananatiling ikaw ang kapiling, Kahit sa isip ko lang lamang" Nagagaragal ang boses ni Kaloy habang nakanta.. Tumayo si Aira.. Kitang kita nya na pinahid ng dalaga ang luha nya.. di naman ito napansin ni William.. Lalo't di gaanong naintindihan ng Kano ang kanta..

"Swimming tayo" sigaw ni Aira kila Reggie. Tiningnan lang sya ng bakla.. Umiling ito kay Aira.

"Kahit itago mo ..alam ko nasasaktan ka" sabi ni Reggie sa sarili..

"Ligo tayo .." sigaw ni Tanya … Agad magtalunan ang lahat sa pool.. Naghubad ng kanikanyang damit.. Kinabhan si Kaloy.. Hinanap nya agad si Aira.. Nakita nya na naka bra at panty na lang ang mga babae.. Hinanap nya ang dalaga at nakitang hinuhubad na din nito ang damit at short nito.. Gusto nyang pigilan ..Tumayo sya

.. Pero napaatras sya ng makitang niyakap ito agad ni William para sambutin ng tumalon ito sa pool.. Napasinghap si Kaloy.. Naiwan syang mag isa sa mesa.. Kunwari nag inom na lang sya para hindi sya mapansin ng lahat.. Pero ang totoo'y binabantayan nya si William.. Yakap yakap nito ang masayang si Aira. Dumidikit ang braso nito sa suso ng dalaga at tila tuwang tuwa ng mukha ng demonyong Kano.. Maya maya'y naging malikot ang Kano.. Nakita nyang may pahapyaw na himas ang Kano sa suso ng dalaga..na kunwari ay hindi sadya.. Pinapatalikod din nito ang dalaga at kinikiskis marahil ang burat sa likod ni Aira.. napansin naman nyang naiwas ang dalaga..

"I love you Aira..damn you're so pretty.. hot and sixy" sabi ng Kano sa dalaga habang hinahalikan ito sa leeg.. Maging si Reggie ay pansin ang ginagawa ng Kano..

"Maniac" bulong nito.

"William.. no" pag tanggi ni Aira.. Tumatawa ito pero halatang pilit.. Pero makulit ang Kano.. lalo ng hawakan nito ang mukha ng dalaga at pilit halikan.. Umiwas naman si Aira..

"Aira" galit na tinig ng Kano..

"Please.. "Sabi nito..

"William.. we're in front of my friends" sagot ng dalaga..

"Im you're Fiance.. they won't mind" sabi ng Kano at muling pinilita ng gusto.. Agad tumayo si Kaloy.. Lasing na sya .. halata sa lakad nya. dire diretso syang tumalon sa pool at pinuntahan ang gawi nila Aira. Nagulat naman ang lahat sa binata…

"Babe.." ika ni Mutya kay Dan pahiwatig na awatin nito ang binata.. Akmang hahalikan ni William si Aira ng may humawak sa braso nya..

"Ayaw nung babae..wag mo pilitin" sabi nito sa Kano. Napasimagot ang Kano..

"What?" tanong nito..

"The girl don't like you" sagot ni Kaloy.. Napatawa ang Kano sa narinig.. maging ang iba'y napatawa.. kahit si Aira..

"What the hell are you talking about. . im her Fiance. " sabi ng Kano..

"Wala akong pakialam sayo" sabi ni Kaloy at binaling ang tingin kay Aira.. Desperado na sya..

"Tara" yaya nya kay Aira, inilahad nya ang kamay sa dalaga..

"Kaloy" nasa tinig ng dalaga ang pag aalala. Hindi nya tinanggap ang kamay ni Kaloy at nanlaki na lang ang mata nya ng buhatin sya ni Kaloy, iniahon nya ang dalaga… Hinubad ang damit at pinasuot dito.. Sinuot naman ito ni Aira..

"Hey what the hell do you think you're doing" sabi ng Kano kay Kaloy sabay inagaw nito si Aira at dinala sa pwesto nya.. Naginit ang ulo ni Kaloy..matangkad sa kanya ang Kano pero sa galit nya ay alam nyang mapapatay nya ito..

"Ayan na ..tara tol" sigaw ni Kris kay Sam at tumakbo sila sa lapit ni Kaloy..

"Im her boyfriend" sabi ni Kaloy sa Amerikano.. Napatawa ulit si William.

"Yes indeed you are.. you are her Boy

..Friend.. im her Fiance" sagot nito..

"Fiance ..fiance.. im her husband" hirit ni Kaloy. Napatawa ulit ang iba..

"Aira halika na..mag uusap tayo" sabi ni Kaloy at aktong lalapit sa dalaga ng pigilan sya ni William.

"Don't you dare touch her" sabi nito..

"Putang inang to.. inuubos ang english ko nitong hayop na to,,upakan ko na kaya" sabi ni Kaloy kay Kris.. Napatawa ang kaibigan nya.. Tiningnan ni Kaloy si Aira.. sa wakas nakita nya itong nakatingin sa kanya..Natulo ang luha pero may ngiti sa labi.. Lumapit muli si Kaloy kay Aira..Pero tinulak sya ni William..

"Aira ..awatin mo yang Fiance kuno mo… pag napikon ako sa kayabangan nyan di ko pipigilan tong si Kaloy" banta ni Kris kay Aira.. Di na din nakayanan ni Kris ang sitwasyon ng kaibigan.. Wala namang nagawa si Aira… Tahimik lang ang dalaga na nakatingin kay Kaloy.

"Aira..-" di na nakalapit si Kaloy sa dalaga dahil sinuntok na sya agad ni William.

"William.." sigaw ni Aira.. Sa laki ng Kano ay bumagsak agad si Kaloy.. Dumugo ang nguso ng binata.. Napangiti sya.. Tumayo..

"Aira… sumama ka sakin… alam ko ako ang mahal mo" sigaw ni Kaloy at nagtangkang lumapit ulit.. Kinapitan na sya ni Kris pero nakawala sya at ng palapit na sya kay Aira ay isang suntok na naman ang tinanggap nya.. Bagsak muli ang binata..

"Awatin nyo syaaaa" nag aalalang sigaw ni Reggie..

"Aira.. umalis na muna kayo" seryosong utos ni Tanya..

"No… get up tough guy.. you think you're tough enough huh" sabi ni William at inabangan ang pag angat ni Kaloy..

"Ganun na lang ba?? isang araw lang ?? ilang oras lang …andaya daya mo naman e" sabi ni Kaloy ng makatayo sya..

"Tol tama na " sabi ni Sam sa kanya..

"Kaloy… tama nayan" sigaw ni Tanya..

"Akala ko mahal mo ako??? gusto mong ipag laban kita?? heto pinag lalaban na kita oh.. sana lang ipaglaban mo din ako.. "Sabi pa ni Kaloy..

"Blaaaaaag" sinuntok sya muli ni William.. Natulala lang si Aira sa nangyari.. Hindi sya makakilos.. Sobrang nasasaktan ang dalaga.. Pinunas nya ang sunod sunod na pag patak ng luha..

"William.. let's go home" tanging nasabi nya at aktong aawating ang Kano..

"Please.." umiiyak si Kaloy na tumingin kay Aira..

"No… tigilan mo na yan"Sagot ni Aira sa kanya.. Isang suntok pa ng Kano ang nagpabagsak kay Kaloy, kasunod nito ay nilapitan na ni Kris si William.

"Hey.. stop it man.. i think you better be leaving .. he's drunk ..accept my sincere apology for what he'd done" sabi nito sa Kano..

"That's ok …i hope he learned his lesson… he must show some respect.. i don't want my girl to be treated like that"Sagot ng Kano..

"Anong ginagawa mo" tanong ni Kris kay Aira.. Hindi sumagot ang dalaga .. Humikbi lang ito.

"Sigurado ka ba jan??" tanong muli ni Kris.. Maya maya'y si Mutya naman ang lumapit..

"Sabi ko wag mo syang sasaktan di ba?" tanging nasabi nito..

"Umalis na muna kayo Aira.. please" pakiusap ni Tanya.

"Reg" ika ni Aira..

"Aira … naiintindihan kita.. pero sana intindihin mo din sya" sabi ng bakla kay Aira habang tinuturo si Kaloy..

"What the hell are you talkin about" tanong ng Kano.. Wala namang sumagot..

"Let's go home.. you don't need this kind of friend" sabi ng Kano at hinila na si Aira palayo.. Napailing lahat habang tinitingnan sila.. Umiyak lang si Kaloy.. Ayaw na nyang tumayo.. Ilang beses nyang sinubukan tumayo.. ilang beses nyang sinubukang lumaban ….lumaban para kay Aira. para ipaglaban sya pero walang ginawa ang dalaga kundi titigan sya… Siguro nga .. Siguro nga hindi talaga sila karapat dapat.. At siguro'y dapat na nyang tanggapin na bukas…babalik na lahat sa Normal.. At tuluyan ng mawawala ang babaeng nagparamdam sa kanya ng tunay na pagmamahal..