1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 23
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 23

By kingovhell ·

Pinupunasan ni Tanya ang dumugong sugat sa bibig ni Kaloy.. Lahat ay tahimik lang na tinitingnan ang binata.. Lasing na lasing din ito.. Pinagtimpla sya ni Mutya ng matapang na kape para pansamantalang mamunawan..

"Bumangon ka na muna.. inumin mo yung kape" utos ni Mutya sa binatang umiiyak pa din.. Mistulang batang inagawan ng laruan.. Hindi tumitigil..Walang pinapakinggan.

"Bakit nagkaganyan yan? ganyan ba yan sayo dati?" tanong ni Kris kay Mutya.

"Hindi.. there's only one word to describe Kaloy ung boypren ko sya" sagot ni Mutya..

"Ano ?" tanong nila..

"Inertia" tipid na sagot ni Mutya..

"So meaning tinamaan talaga sya kay Aira?" tanong muli ni Tanya.. Pinupunas nito ang mukha ng binata..

"Siguro.. pero as in ? isang araw pa lang sila nagkasama ng lubos ah" sabi ng bakla..

"Ang gulo ng buhay ni Aira noh?" singit ni Sam..

"Oo sobra… wala kasi kayong alam kasi ang dadaldal nyo kaya sakin sya madalas mag share.. madrama at makulay ang buhay nyan.." sagot ng bakla.

*Flashback..

"Asan na ba si Samuel.. late na naman sya.. wala na naman tayo matatapos nito" tanong ng 15 taong bakla na si Reggie.. Nasa bahay sila ngayon nila Tanya at kasalukuyang nasa kalagitnaan ng pag gawa ng project nila na Christmas Tree.

"Ito yung design oh, yung mga lalaki na lang gagawa nyan.. kami na lang bahala sa mga abubot saka sa ilaw" sabi ni Aira ang leader ng grupo.

"Yung mga lalaki?? isa lang lalaki dito.. si Kris." biro ni Reggie..

"Nasan na din ba si Kaloy" tanong ni Aira..

"Baka kasama na naman si Mutya, nag dadate" pang aasar ni Tanya.

"Nakakainis palagi na lang mga wala kapag gawaan ng project tapos mga mag tatampo pag di mo sinama sa list ng gumawa..wala na halos mga maitulong" inis na si Aira.

"Puso mo…. isa lang yan..ingatan mo

..mamaya ma stroke ka.. e di namatay ka pa ng di nagkaka jowa" biro ng bakla.

"Sus.. nag seselos lang ata yan kasi di na sya pinapansin ni Kaloy simula nung naging jowa nun si Mutya" biro din ni Tanya..

"Bakit crush ba ni Aira si Kaloy?" singit ni Kris..

"Oo siguro.. napaka mainitin ng ulo e ..lalo pagdating kay Kaloy." sagot ni Tanya.. nag blush si Aira at agad din nyang tinago.

"Crush crush..kaya kayo bumabagsak sa exam gawa nyang crush crush na yan" sagot ni Aira.

"Araaaay" sabi ni Tanya at nagtawanan lahat..

"Ano na?" sigaw ng binata naka sabog ang buhok..

"Uy Kaloy.. bakit ngayon lang kayo. hinihintay kayo ni Aira.. nagagalit na" sabi ni Tanya.

"Ayyyy sori.. eto kasi e.. sabing mamaya na lang kami mag date e" sagot ni Mutya habang sinisiko si Kaloy..

"Naaaks…. padate date na lang ah..sana magka girlfriend na din ako" hirit ni Kris.

"Si Sam wala pa" sabi ng seryosong si Aira.

"Tara Kaloy…dun na tayo.. eto daw gagawin natin sabi ni Senyorita Aira" biro ni Kris at nagtawanan ang dalawa..

"Araaaay" sigaw ng binata ng tamaan bigla ng lumilipad na ballpen..

"Grabe ang brutal mo Aira.. kung tumusok yun sa ulo ni Kris" sabi ng nagtatawang bakla..

"Eh ano.. mabuti yun para hindi na sya makapang asar" irap ni Aira..

"Bibili muna kami ng xmas decor.. kayo muna dito" paalam ni Tanya sa mga kaibigan.

"Pag nakita nyo si Sam sabihin nyo di na sya kasama sa grupo" sabi ni Aira..

"Opo maam" sagot ni Aira..

"Sungit" bulong ni Mutya.. Pag alis ng dalawa ay patingin tingin si Aira kay Kaloy.. Napansin na naman nito ang buhok ng binata.. Lumapit ito sa dalawang lalaki..

"Gulo gulo na naman buhok mo.." anas nya kay Kaloy.. Napatawa lang ang binata..

"Di nga ako nag susuklay.." sagot nito..

"E bakit andumi ng damit mo.." ika ng dalaga..

"E ano e -"

"Di ka talaga marunong mag ayos ng sarili mo.." sabi ni Aira habang inaayos ang buhok ni Kaloy.. Namutla naman ang binata..

"Hoy…. ano yan? gumagawa ako dito tapos mag aayusan kayo ng buhok?" kunwa'y nagalit si Kris.. tiningnan lang sya ng masama ni Aira.

"Ayyyy sorry po.." ika nito sabay bumalik na sa ginagawa..

*Present Nagtawanan ang lahat habang nasa kama si Kaloy at natutulog.. Nakaupo sila sa sahig at masayang binabalikan ang nakaraan..

"Tuloy mo lang bakla..grabe ang tapang nga nun ni Aira.." sabi ni Kris..

"Oo never mong iisipin na magiging ganito sya kaiyakin pag laki noh" sagot ni Tanya.

"Ikaw din naman ah..never kong naisip na lalaki ka ng ganyan" singit ni Sam sabay tiningnan ng nakalolokong tingin si Tanya. Siniko sya agad ni Angel..

"Ehemm..yari ka… akala mo ha" ika ni Tanya at nagtawanan sila.. namutla naman si Sam sa pagkahiya..

"Ang green minded nyo ..ang ibig kong sabihin e lumaki sa height ,grabe" pag tanggi pa ng binata..

"Lulusot pa e" ika ni Mutya…

*Flashback..

"Oo.." tipid na sagot ni Aira ng tanungin sya ni Reggie kung crush nito si Kaloy..

"Ayyyyyyyy…ayyyyyyyy" tili ng bakla.. Agad namang tumakbo si Kaloy ni Kris sa dalawa..

"Bakit" tanong ni Kaloy.. Nag blush si Aira…eto na ang binatang pinag uusapan nila..

"Si Aira-" di na natapos ni Reggie ang sasabihin ng takpan ni Aira ang bibig nya..

"Ano?? " tanong ni Kaloy..

"Ah- eh" di makasagot si Aira .. tinatakpan nya pa din ang boses ng kinikilig at natatarantang bakla..

"Anong meron Aira?" tanong ni Kaloy.. kinabahan si Aira.. di pwede .. di pwedeng malaman ni Kaloy.

"May mens ako" sagot ni Aira.. Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang pakiramdam ng dalaga matapos nyang sabihin ang hindi pinag isipang sagot.. Nagtawanan ang lahat maging ang bakla..

"Normal yan …kung makasigaw ka parang ikaw ang meron" sagot ng seryosong si Kaloy sabay umalis sa pwesto nila. Sinabunutan naman ni Aira si Reggie pag alis ng dalawa.

"Gusto mo bang alisin kita sa grupo.. kaya ko nga sinabi sayo kasi alam kong hindi mo ikakalat e ..tas sasabihin mo naman" sumbat ng dalaga..

"Sorry …naexcite kasi ako… ay…boto ako sayo..Go… kaya mo yan" sabi ng bakla. Nalungkot bigla si Aira.

"Ano?" tanong ng bakla..

"Eh alam mo namang inlove na inlove sya kay Mutya.. anong laban ko dun?" tanong ni Aira.

"E di hintayin mo na mag break sila.. ang babata pa natin. mag hihiwalay din yang mga yan" sabi ni Reggie..

"Pano kung di na sila magbreak.. or kung mag break man sila e hindi na pwede kasi may boyfriend na ako" tanong ni Aira..

"Eh di hindi kayo ang destiny.."Sagot ng bakla… Natahimik ang dalaga..

"Hmmm everyone has their own secret huh" sabi nito sa dalaga.. Ngumiti lang si Aira..

"Ingatan mo sikreto ko ah…wag mo ipapaalam" sabi nito Tumango lang ang bakla.

*Present

"Grabe.. .so noon pa lang pala ayaw mo na sa akin bakla" tanong ni Mutya.. Napatawa lang si Reggie.

"Hindi naman Sis.. mas kinikilig lang kasi ako sa tambalang KalAira.. isang maangas na lalaki..at isang weirdong babae.. na parehong pag nagmahal e sobrang nagiging baliw at ordinaryong tao" sagot ng bakla.. Tiningnan ni Tanya si Kaloy..

"Never ko inexpect na magiging ganito si Kaloy.. ngayon ko lang sya nakitang umiyak" sabi nito…

*Flashback

"Bakla ..nag date kami ni Kaloy"Kinikilig na balita ng 20 anyos na si Aira.

"My God.. ilang taon na di ka pa din move on..at saka ginagamit mo pa yung pinsan mo as you're boyfriend … hmmm you're going straight to hell girl" sagot ng bakla..

"Hoy,, wag mong sasabihin sa kanya na alam mong pinsan ko sya ha.. napapayag ko lang sya kasi sabi ko napapansin mo na may gusto ako kay Kaloy.. "Sabi ni Aira.

"Naku..dinadamay pa ko.."Sagot ng bakla..

"Sis..walang sikretong di nabubunyag..sana maging matalino ka padin kapag nabunyag mga sikreto mo" sabi pa nito.. Natahimik si Aira..

"Pero at least magkasama kami ni Kaloy"Sabi nito.,

"Masayang masaya …kakabreak lang nung tao..saka ikaw lang nag iisip na date yun." hirit ng bakla.. Natahimik ulit si Aira..

"Bakla" sabi nito..

"Ano ba… bakla ka ng bakla.. nakakasakit ka na ah…" biro nito. Di naman tumawa ang dalaga sa biro ng bakla..

"Kukunin na ako nila Mama.." malungkot ang tinig ni Aira.. napansin naman ito ng bakla..

"Talaga Sis… wow ..bongga …winner ka.. USA ..amerikana ka na Sis" pilit pinasaya ng bakla ang dalaga. ngumiti naman si Aira..

"Iiwan ko na kayo ..ang tropa.. si Kaloy" malungkot ang dalaga..

"Oh eh ano..di naman matatapos pag kakaibigan natin ah..saka pwede pa din kayong magkatuluyan ni Kaloy" sagot ng bakla.. Tiningnan lang sya ni Aira.

"3 or 4 years from now naka arrange wedding na ko sa anak ng boss ni Papa..for family purposes daw.." malungkot na sabi ni Aira..

"Huh?" nanlaki ang mata ng bakla sa narinig

..Nalungkot sya para sa kaibigan..

"Ise share ba natin sa tropa to?" tanong ng bakla..

"Si Tanya.. don't tell anybody" sabi ng dalaga.. Niyakap sya ni Reggie..

"Pano kayo ni Kaloy" tanong nito..

*Present

"Technically 3 years ongoing na sila nung Kano, pauwi uwi din yung Kano dito..1 month vacation… at madalas nasa bahay palagi si Aira andito yung Kano..ayaw ni Aira dun sa Kano… as in… at sobrang in love sya kay Kaloy..yun nga lang.. sobrang laki kasi ng utang na loob nung Papa nya sa boss nya

..kaya nung hiningi daw na mag fix wedding sila nung William e umoo daw yung Papa nya ..kesa sa kung sino sino daw na di kilala ng magulang nya." kwento ng bakla..

"Eh bakit kaya ganun sya kanina, ni hindi nya pinansin si Kaloy.. ni hindi nya pinagtanggol.." tanong ni Mutya..

"Another mysterious side ni Aira.. sigurado may dahilan yun si Aira.. kasi sobrang mahal nya si Kaloy tas though not literally, kanina e lumabas na mas pinipili nya yung Kano" sabi ni Tanya.

"Anong susunod na gagawin kaya ni Kaloy"Tanong ni Dan..

"Di natin alam.. misteryoso din kasi yang lalakin yan.. Sana lang wag syang sumuko.. pakita nya kaya nyang paglaban si Aira kahit sukuan sya nito..Kasi di din biro yung ilang taon na hinintay sya ni Aira" sabi ni Reggie..

"Wala ba tayong pwedeng gawin para sa kanilang dalawa?"Tanong ni Clay..

"Naaaaks..ambait na ng boypren ko ah..parang gusto na namang makaiskor" biro ni Tanya.. Tiningnan naman sya ni Sam ng malanding tingin.. Nagtama ang mata nila.. dinilaan ng dalaga ang labi nya at agad nag iwas ng tingin si Sam.

"Na kay Aira pa din desisyon nyan.. pero mahirap talaga kalaban ang magulang noh..minsan akala nila tama sila ..di nila alam yung akala nilang tama e malaki ang epekto satin" seryosong sagot ni Kris..

"Hugot" sigaw ni Tanya at nagtawanan lahat..

"Pano na bukas? balik work na tayong lahat…di na natin masusubaybayan si Kaloy.. si Aira paalis na this month.." tanong ni Reggie..

"May isa pang paraan…. "Sabi ni Dan..

"Ayan na naman yung para paraan mo Dan" biro ni Tanya ..

"Kailangan nating pigilan na mapakasal si Aira kay William" sabi ng binata..

"What if hindi option ang hindi magpapakasal si Aira dun sa Kano" tanong ni Clay..

"Then gagawa tayo ng paraan para maging option yun" sagot ni Kris..

"How?" tanong ng bakla..

"Ewan" sagot ni Dan, Kris at Clay. napatawa sila..

"Ayyyyyyyyyyyyy" tili ng bakla ng mabasa nya ang bagong teks sa cellphone nya.

"Bakit?"Tanong ni Mutya..

"Pupunta daw si Aira dito" sabi ni Reggie..

"Na naman, sabihin mo di na kami papayag na manggulo si Kano" sabi ni Dan..

"Hindi… mag isa daw sya" tili muli ng bakla,,

"Ay sa wakas… makakapag plano na tayo ngayon" sabi ni Tanya…

"Oh gisingin nyo na yang sleeping macho"Hirit pa nito..

"Ako na ..bigyan ko ng halik" biro ni Reggie..

"Subukan mong lumapit dyan… iteteks ko si Aira" banta ni Tanya .

"Grabe..ang damot" sagot ng bakla..

"Anong plano mo Aira.. anong kasunod na gagawin mo ..anong balak mo..ano pang sikreto mo.. bakit napaka misteryosa mo

..bakit napaka lihim mo.. haaaay ang gulo gulo ng buhay mo … buhay nyo..buhay natin

..pero sana lang . . sa dulo ..Aira at Kaloy pa din.. good luck Sis." sabi ni Mutya sa sarili.. ngumiti….