1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 1 - Part 3
Pinoy Tambay

Barkada: Book 1 - Part 3

By kingovhell ·

Masayang binalikan ng limang magkakaibigan ang nakaraan nila sa eskwelahan. Bakas na bakas sa mukha ng tatlo ang kasiyahan sa muling pagkakita kay Kaloy, ngunit si Mutya? Tila hindi parin maka get over sa mix emotions na nagtatalo sa isip at puso nya.

"Nasan sila Lola Mars at Tita Ason, Kaloy?" tanong ni Reggie.

"Ah. . nasa kabilang bahay, dun na sila madalas mag stay at ako na lang naiiwan dito, kaya heto, pasensya na kayo, masyadong magulo, wala kayong ieexpect na iba sakin, lalaki ako, kaya hindi maayos ang bahay" paliwanang ng lalaking may hithit na naman na sigarilyo.

"Nasan ang kwarto mo Kaloy, pwedeng makita" malanding tanong ni Tanya habang payukong pinapaumbok ang mga suso nito sa harap ng binta.

"Ayyyy…grabe,, multi level marketing sa pag aalok sis ah," sagot ng bakla at nagtawanan sila.

"Grabe ka, inggit ka lang kasi" sagot ni Tanya.

"Inggit? bakit maiinggit kung pwede namang mag threesome" napatili pa ng malakas ang bakla sa naisip.

"Eewww" napa roll eyes si Aira sa narinig,

"Tang inang mga to, kelan pa kayo naging ganyan kalalandi" putol ni Kaloy sa gitna ng tilian ng mga kaibigan.

"Oo Kaloy, yan si Tanya, papalit palit ng boylet, at itong si Reggie, modernong bakla talaga, nagbibigay ng panustos sa mga lalaki" pag susumbong ni Aira.

"Pssst..sis..wag kang maingay" siniko ng bakla si Aira para tumahimik. Katahimikan.. Tiningnan ni Kaloy si Reggie ng masama…

"Totoo ba yon Reggie?" seryosong tanong ni Kaloy… Hindi sumagot ang bakla..

"Kaloy.. ka-kasi.." magkanda putol putol ang boses ng bakla…

"Totoo ba yun?" matigas na ang boses ni Kaloy.. Natakot naman lahat kaya nanahimik ang kanina'y masayang pag uusap.. Alam nilang may sumpong si Kaloy , ang pagiging bugnutin..madaling magalit..mapikon..at mahilig makipag away..kaya minsan ..takot sila rito..

"Naman..yan na naman yang mga mata mo na yan e…oo.. pero dati pa yun..ngayon mahal na ako nung jowa ko.."Paliwanag ng bakla.. Tila hindi naman kumbinsido sa narinig si Kaloy..

"Ano ba… wag ka nga magalit ng ganyan .. kahit sino hindi matatanggap ang katulad ko noh, gay are meant to pay for love..kelangan naming magbayad para mahalin," malungkot na sagot ng bakla..

"Hindi mo kelangang magbayad para sa pag mamahal, hindi nabibili ang pag mamahal, ano?" sagot ni Kaloy..

"Tapos niloloko ka lang nila Reggie" dagdag ni Tanya..

"Oo alam ko naman yun sis e.. tanggap ko na

" sabi ni Reggie..

"Niloloko? anong niloloko..hindi ka nila niloloko… niloloko mo sarili mo dahil naniniwala ka na dahil sa perang binibigay mo sa kanila e kaya ka na nilang mahalin.. hindi hinahanap ang tunay na pag mamahal.at lalong hindi ito mahahanap ng kahit anong halaga ng pera mo," paliwanag ni Kaloy.. Naka pout lips at malamyang mata naman si Tanya habang tinititigan ang nagpapaliwanag na bata…

"God.. He's the one sis…he's the one" bulong ni Tanya kay Aira..

"Gaga.. may boypren ka tas lalandi ka ng ganyan.."Sagot ni Aira.. Tahimik pa din ang lahat…. Nakatingin naman sa malayo si Mutya.. Hinithit ni Kaloy ang sigarilyo nya at mistulang magususuot na ng damit ng pigilan sya ni Tanya…

"Kaloy wag… wag mo naman ipagdamot samin yang katawan mo" malanding sabi nito at nagtawanan na ang lahat pagkatapos ng matensyong paguusap.. Hindi naman nakitawa si Kaloy…

"Oy bakla..siguraduhin mo na mahal ka nyang jowa mo, uubusin ko ngipin nyan pag nalaman kong niloloko ka nyan." sabi ni Kaloy..

"Thanks sa concern Papa K.. and yes.. promise..mahal nya ako" sagot ng bakla..

"Ayaw ko na sasaktan kayo ng mga jowa nyo..di porket nawala ako sa paningin nyo e hindi ko na kayo sagutin.. sobrang halaga sakin ng pagkakaibigan natin, at kahit kelan hindi ko kayo nakalimutan." dagdag pa ni Kaloy.. Natahimik lahat.. Kani kanya ng naisip..Humanga sa binata.. Kung sana nandito lang si Sam at Kris, ay mas hahanga din sila sa binata na tinuturing nilang Boss nila..

"Ayaw ko sa mga taong nananakit ng damdamin ng iba" dagdag pa ni Kaloy…lalong natahimik ang lahat..Napatayo naman si Mutya sa narinig..di nya kinaya ang narinig kaya nagpasya syang libutin ang bahay ng binata.. Tipikal na bahay.. Pang mahirap.. kung siguro nagkatotoo na nabuntis sya ni Kaloy ay dito sila titira.. pero parang hindi nya kaya..Hindi konkreto ang bahay.. gawa ang dingding sa sawali at ang bubong ay pawid..may ilang bubong na din ang may singit na pinilas pilas na karton… ang ilang kalendaryo ng malalaswang babae ay ginamit para takpan ang ilang butas sa sawali.. pero ang mas kinapukaw ng atensyon nya ay ang isang munting halaman na nakatanim sa isang polybag ..maliit pa ito pero alam nya kung anong klaseng halaman ito. Sa lamesa pa ng kusina ay ilang pipa, rolling paper, lighter at isang teabag ng marijuana.. Nilapitan ng dalaga ang lamesa .. Disappointed.. Hindi nya akalaing magagawa ito ng binata.. ayaw na ayaw nito na kinukumpara sya sa Tatay nya pero heto ang mga proweba.. Nalungkot ang dalaga.. naisip nya na siguro, isa din sya sa dahilan kung bakit nagkaganito ang binata….

"Lets not talk about ourselves..lets talk about you Papa K, kumusta ka na" tanong ni Reggie.

"Ako? anong bago sakin..ito…paside line sideline ..buhay pa naman" sagot ng binata.

"May girlfriend ka na ba? asawa?" tanong ni Tanya..

"Nice question sis" kantyaw ng bakla..

"Ano ba kayo..personal masyado ng tanong nyo.. Kaloy. . di ka na ba nag aral?" singit ni Aira..

"Andami nyong tanong ah.. di ako nakatapos ng pag aaral e ..hanggang hayskul lang … wala akong trabaho..wala akong pera.. anak ako ng adik.. kaya yun din siguro reason kung bakit wala akong girlfriend at di na magkaka asawa" sagot ni Kaloy..

"Ayyy grabe naman.. pakakasalan kita Kaloy.. at hindi mo kailangan mag trabaho..grabeng buhay mo yan.. kung alam lang ng iba na sobrang iba ka kesa sa lahat..special ka " sabi ni Tanya.

"Ginawa mo na naman akong abnormal Tanya" sagot ni Kaloy at nagtawanan lahat..

"Uyyy tanda pa nya .. dati ko pa sya tinatawag na special nung hayskul kami,pag kami lang dalawa…" sabi ni Tanya.

"Ah oo.. nilalandi ako nyan nung Hayskul tayo" pagtatapat ni Kaloy.. Nagblush naman sa narinig si Tanya..

"Uyyyy,,,, grabe,, di namin alam yun ah…. revelation oh" tila kinikilig si Aira sa narinig.

"Bakit di ko yun alam ha…at bakit may mga ganyang moment kayo..at kami ni Kaloy e wala" nagtatampong tanong ng bakla..

"Uy,.medun ah.. nung sleep over sa bahay nyo na puro lalaki tayo" sagot ni Kaloy.. Nagsigawan naman ang dalawang babae sa kalandiang narinig..

"Grabe ka reggie. .ikaw na..ang haba ng hair mo sis.. as in puro boys…tapos ikaw lang mag isa ang girl" tanong ni Tanya..

"Yes..best night ever" pag mamalaki ng bakla..

"Nanood kami ng porn" dagdag pa ni Kaloy na lalong nagpatili sa dalawa… Tila hindi naman masaya si Reggie..

"Bakla grabe ka… oo na ..inggit na ako sayo" sabi ni Tanya..

"Then what happen" tanong pa nito.. Ngumiti na lang si Kaloy at kumindat sa dalaga..

"Oohh my goddd.. no way.. no way" tila di makapaniwala si Tanya sa ekspresyong binigay ni Kaloy..

"Change topic ..change topic..hindi ko na kaya " tawa ng tawa si Aira sa narinig.. Malungkot naman si Reggie..

"Kung alam lang nila na buong gabi akong tulog dahil sila lang ang nag enjoy sa panunuod ng kadiring porn na yun" bulong ng bakla sa sarili…

"Teka ..ano pa lang sadya nyo?" tanong ni Kaloy.. bumalik sa sigla ang bakla sa narinig..

"Ah oo ..hulaan mo kung bakit" tanong ng bakla..

"Wag nyo sasabihin" siniko pa nya ang dalawang kaibigan..

"May ikakasal? " ika ni Kaloy.. umiling lang ang tatlo..

"May namatay"

"Sus .. wag ka nga jan Kaloy" sabi ni Aira.. Napaisip ang binata… tiningnan ang tatlong kaibigan na nakangiti.. nun lang nya naisip na wala si Mutya…

"Makikipag balikan na sakin si Mutya?" seryosong tanong ng binata.. Agad nasindak ang tatlo…Kani kanyang balingan ng tingin..

"Hula pa Papa K.. hula pa" ika ng bakla.. Nalungkot naman sa narinig si Kaloy.. Nalaman nyang hindi yun ang pakay nila.pero bakit pa nga ba sya aasa..malayong malayo sila..

"Alam ko na.. birthday mo at aniversary ng tropa" tila walang ganang sagot ng binata..

"Yes.. at mag cecelebrate tayo kila Tanya.. wala kasi ang parents nya at dun muna tayo mag iistay this weekend.. " masayang sagot ng bakla..

"Ano sasama ka? sumama ka Kaloy ..please

,, please" agad bumalikwas si Tanya at yumakap sa braso ni kaloy.. idinikit ang mga suso nito sa braso ng binata at malanding pinadama sa binata ang kalakihan nito..

"Oo nga Kaloy… andun lahat ng barkada.."Dagdag pa ni Aira..

"Pati mga jowa nila..madami tayo kaya dapat kasama ka.." sabi din ni Reggie..

"Please ..malulungkot ako kapag di ka sumama" nag pout lips muli si Tanya at tiningnan ng maamong mukha ngunit nakaka akit si Kaloy.

"Tang inang babae to..may magagawa pa ba ako.. dikit na dikit na yang boobs mo sa braso ko oh.. inaakit nya ako… oh" sigaw ni Kaloy at nagtawanan ang lahat..

"Group hug .group hug" sigaw ng bakla at kasunod ay sinugod na naman sya ng mga kaibigan para yakapin..

"Guys tara na" biglang singit ng nakatayong si Mutya habang pinupunas ang luha..

"Mutya" nagulat ang lahat ng makitang umiiyak ang dalaga..

"Sis..bakit" tanong ng nag aalalang bakla..

"Mutya" matamlay ang boses ni Kaloy habang palapit sa dalaga..

"Wag kang lalapit sakin.." tila nandidiri naman ang dalaga sa papalapit na binata..

"Mutya" sigaw ni Tanya sa dalaga para ipaalam na mali ang inaasal nito..

"Anong problema mo? bakit ka nag kaganyan

…" tumulo na ang luha ni Mutya..

"Envy" ika ni Kaloy.. sa unang pagkakataon ay tinawag nya sa tunay na pangalan ang dalaga.. alam nila na kapag tinawag na nito sa totoong pangalan ang dalaga e nag aalala na ito.. totoo naman ..sa pagkakataong ito ay sobrang nasasaktan ang binata na makitang umiiyak ang dalaga..

"Eto ..eto .. eto" hagulhol ni Mutya habang isa isang binabato ang mga pipa at rolling paper ng binata.. ang lighter at ang sumabog na weeds.. Nanlaki ang mata ng tatlo nyang kaibigan..

"Carlo.." sigaw ng bakla sa nakita..

"Iba ka?? iba ka sa kanya..ano pang nililihim mo sa likod ng mga tattoo mo na yan.. kelan ka pa natutong manigarilyo..at ano talaga ang balak mo sa buhay mo..di ka ba nag sasawa ..di ka ba naaawa sa sarili mo" tanong ni Mutya..

"Sis" agad lumapit si Reggie para awatin si Mutya..

"Sis tama na.." sa wakas nakialam na din si Aira.. Napakamot lang ng ulo si Kaloy..

"Yan pa din pala issue.. Mutya..may ibang buhay ka na at may sariling buhay na ako..ito ang gusto ko at sa tingin ko hindi ko naman naaapektuhan ang pamumuhay nyo.." sagot ni Kaloy..

"Pero masama pa din yan Kaloy.. pwede kang makulong jan" ika ni Aira..

"Kung makulong man ako, kasalanan ko na yun, at least hindi kayo apektado.. " paliwanag ng binata..

"Anong hindi apektado..kaibigan ka namin..may pakialam kami sayo" sagot ni Aira.

"Saka kung malaman nila na kaibigan ka namin at nagamit ka nyan..baka madamay din kami" sagot ni Reggie..

"Oohh my ,..ayaw kong makulong " dagdag pa ng bakla..

"Kaibigan ko kayo..hindi nyo ako kaibigan….may malaking pinag kaiba yun..at saka..trust me..hindi ganun kabobo ang mga pulis para isipin na damay na kayo sa problema ko.. may mga katungkulan na kayo sa bayan.. teacher..pulis , nurse… kumpara sakin, " sagot ni Kaloy.. Natahimik ang lahat ..may tama ang binata sa nasabi nya..Pero ang masakit ay ang sinabi nitong hindi nila ito kaibigan.. pero ganun nga ba? sabagay.. totoo naman.. nasan sila ng kailangan nito ng tulong nila… wala.. walang sagot sa katanungan nila..

"Mutya..tigilan mo na pag iyak mo..hindi na nakakatuwa.. matagal mo ng tinapos ang relasyon natin.. masakit mang sabihin pero dapat hindi mo na pinapakelaman buhay ko,hanggang ngayon ba kelangan mo pa din sabihin sakin na ganito.ganon" ika ng binata.. Napangiti naman si Tanya sa narinig..tama na naman ang binata..

"Reggie.. sasama ko.. pero puntahan mo ako dito..at saka siguraduhin mong maraming alak.. at please..sana wala ng dramahan na ganito..pupunta tayo doon para mag celebrate ng pagkakaibigan natin.. hindi yung ganito" ika ni Kaloy..

"Sige Papa K" tanging nasabi ni Reggie ..

"Tayo na kaya girls.. para maaga din tayo makauwi" sabi ng bakla.. Agad naman napamulagat si Tanya sa narinig..

"Aaahhh,..teka..teka.. sumakit ata ulo ko..parang ano..nahihilo ako.. di ko ata kayang maglakad.. mauna na kaya kayo..magpapahatid na lang ako kay Kaloy mamaya" umuungol pa ang dalaga habang hinihilot ang ulo..

"Hoy.. gaga.. wag kang ganyan..hintayin mo ang birthday ko..bawal ang manlamang…halika na" sigaw ng bakla sa kaibigan.. Napangiti lang si Aira.. Agad namang lumapit ito sa bakla habang nag dadabog pa sa planong hindi natupad..

"Alis na kami Kaloy..sa sabado ha" pag papaalam ng bakla..tumango lang si Kaloy.. tiningnan nya ang nakatalikod na si Mutya habang palapit sa sasakyan nila..hindi na ito tumingin muli sa kanya at diretso ng pumasok sa sasakyan..

"Bye Kaloy… " ika ni Tanya at diretsang binigyan ng smack na halik sa labi ang binata..

"Grabe ka Tanya.. ang tease mo talaga.. " sigaw ni Kaloy..

"Haha hold your cum.. sa sabado mo na ilabas yan" landi pa ng dalaga sa kanya bago umalis..

"Pano.. una na kami." sabi ni Aira kay Kaloy.. Nagkatinginan ang magkaibigan.. Napangiti si Aira..

"Sabi ko naman sayo mag ayos ka ng sarili mo para kahit papano e hindi magkaron ng dahilan ang ibang tao para mag isip ng kung ano anong negative sayo" sabi nito sa kaibigan habang inaayos ang mahabang buhok nito.. Ngumiti lang ang binata.. Maganda pa din si Aira.. at ang bait bait pa din nito sa kanya..

"Sa sabado ha" sabi ni Aira, napakunot pa ang bibig ng dalaga..

"Yakap na .." sabi ng binata na tila nakuha ang nais ipaalam ng dalaga.. Niyakap sya ng mahigpit ni Aira..

"Namiss kita Kaloy.. sobra" bulong ni Aira sa kanya…

"Sige na … wag na tayo magdramahan" sabi ni Kaloy… maya maya'y bumitaw na din si Aira at umalis.. Sa sasakyan ay kitang kita ni Mutya ang nangyari.. itinaas na lang nya ang salamin ng sasakyan para balewalain ang nakita ngunit di kayang ikubli ng tinted na salamin ng kotse ng bakla ang tinatagong sakit at kirot sa damdamin nya..

"Let's GO" sabi ng bakla bago inistart ang sasakyan..