1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 17
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 17

By kingovhell ·

Matamlay ang binata sa eskwela ng lapitan sya ni Jonas..

Wala sa isip nya ang pinag aaralan nila..

Gusto nyang madaliin ang oras para makauwi na dumapa na lang maghapon sa kama.. Wala syang sapat na tulog dahil maaga syang umuwi sa kanila para mag gayak.. Kaagad din syang bumalik para sunduin si Ella. Ni hindi sya nagpakita kay Tanya.. Sobrang wala sya sa sarili.. .Hindi sya mapalagay lalo kapag naiisip na nasa

Pilipinas lang si Aira at di nya alam kung hanggang kailan ito magtatagal ng Pilipinas..

"Uyyy Kuya? ano? parang problemado ka ah" tanong ni Jonas… Kanina pa pala salita ng salita ang binata at di lang sya naintindihan ni Kaloy..

Hindi sumagot si Kaloy..

"Susunod sana kami kagabi sa nyo.. kaya lang naisip ko na solo namin ni Leslie yung bahay kagabi.. "Sabi ni Jonas..

"Mukhang kayo din ni Ate nag solohan kagabi ah.. gabing gabi na kayo umuwi..kakahatid ko lang kay Leslie nun.. buti na lang naihatid ko sya ..pag nalaman ni

Ate na pinasok ko yun sa kwarto ko.lagot ako" dire diretso si Jonas pero tila walang naririnig si Kaloy..

"Uyyy wag mong sasabihin kay Ate ha" sabi pa ng binata..

Naramdaman naman ni Jonas na parang wala sa sarili ang binata kaya nagpaalam na sya rito para bumalik sa upuan nya..

"Pwede mo akong kausapin tungkol jan Kuya" ngiti lang ni Kaloy sa binata..

Tiningnan lang sya ni Kaloy..wala pa din itong kibo..

Hapon.. Magkasabay umuwi si Ella at Kaloy..

Pinipilit pasiglahin ni Kaloy ang sarili kapag kaharap si Ella .. Ayaw nyang magkaroon ito ng dahilan para masaktan o mapansin man lang na problemado sya…

Yumakap ang dalaga sa braso ng binata..

"Kumusta araw mo" tanong ni Ella..

"Puyat" sagot ng binata at tumawa.

Nakitawa si Ella.

"Tapos gusto mo pang humirit kagabi ng ano… grabe ka" sabi ng binata at namutla ang dalaga sa narinig..

"Sus ..tinanggihan mo na naman ako kagabi… last na yun.. never na ako mang aakit sayo" ika ng dalaga at kunwari nagtampo..

"Eh ano yang ginagawa mo" ngisi ni Kaloy..

Nagtaka ang dalaga sa narinig..

"Alin?"

Ngumuso ang binata sa dumidikit na suso ng dalaga sa braso nya ..nag blush sya muli at mabilis na binitawan ang braso ng binata.

"Grabe ka ..ang manyak manyak mo.. pati pala pagyakap ko sa braso mo ha" ika ng dalaga at napangiti sa naisip..

"So.. naaakit ka pala kapag ganito" sabi nya at niyakap ulit ang braso ng binata sabay sunod sunod na binunggo ng suso nya ang braso nito..

Napatawa si Kaloy..

"Para kang tanga" marahas nyang sabi kay Ella.

"Sino kaya?? ikaw tong pervert dyan e.. boobs lang namamanyak na" tawa ni Ella.

"Aba sino kayang nang akit kagabi ha?" ngisi ni Kaloy at tumawa pa ng malakas para asarin ang dalaga..

Tagumpay naman dahil naasar nga si Ella..

"Last na talaga yun kala mo..at saka walang kiss ngayon..bukas… for 3 weeks.." simangot ng napikon na dalaga..

Lalong napatawa si Kaloy sa inasal nito.. pansamantalang nakalimutan nya si Aira. napaka ganda talaga ng pagdating ni Ella sa buhay nya. Lahat kaya nyang iisantabi kapag kasama ang dalaga..

"Lika bilisan natin.. baka wala pang tao sa bahay nyo.. " kumindat kindat pa ang binata kay Ella.

"Mag isa mo" sagot ni Ella at inirapan ang binata..

"Hmm mag isa ko..oh sige ok lang …basta tutulungan mo ako" biro pa ni Kaloy..

"Yucck ka…ang manyak mo.." sabi ng dalaga na kunwari nandiri pa..

"Uy… pa yuck yuck na sya…" tumawa si Kaloy..

Hampas ang sagot ni Ella sa binata at mabilis na naglakad..

"Uy… bat nagmamadali ka..hintayin mo ko" sigaw ni Kaloy.

"Walang tao sa bahay" sagot ng dalaga at binelatan pa sya…

Ngumiti si Kaloy at napaisip..

Kaya ba nyang saktan ang katulad ni Ella?

Tama nga ang dalaga..Walang tao sa bahay..

Pinalayas din muna nya ang Yaya para mamalengke ng project nya at sinadya nyang damihan ang ipabili dito para mag tagal ito.

"Grabe para paraan ka talaga e noh" sabi ni Kaloy sa dalaga ng makitang solo na nila ang bahay..

"Oo ah .. " ngisi ng dalaga at dahan dahang binuksan ang blouse nya.. kasunod hinubad nito ang sando at tumambad sa binata ang magandang katawan ng dalaga..

"Grabe ka..nasa salas pa lang tayo.. mamaya may biglang dumating e" sabi ni Kaloy na napako ang tingin sa katawan ng dalaga.

Malanding gumiling ito sa harap at sumenyas ang mga daliri na lumapit ang binata sa kanya ..Tapos mabagal itong umakyat sa hagdan papuntang kwarto nito habang dahan dahang hinuhubad ang skirt.

"Syeeet" nanigas agad ang alaga ni Kaloy sa nakita..

Luminga sya kung may tao… Wala..

Lumapit sya sa dalaga na marahas syang hinubaran..hinubad nito lahat ng saplot ng binata at walang tinira..

Napangiti si Kaloy ng makita ang kahubaran nilang dalawa..

"Kunin mo yung bag ko sa salas.. pasok mo dito sa kwarto" utos ng dalaga sa binata..

Medyo nailang naman si Kaloy dahil bababa pa sya at baka biglang may pumasok..

"Walang dadating" ngisi lang ng dalaga sa kanya.. Naniwala naman ang binata at agad bumaba para kunin ang bag ng dalaga..

Ngunit ganun na lang ang gulat nya ng makitang dinala ng dalaga ang lahat ng damit nilang dalawa sa kwarto at sinara ito..

Napangisi pa si Kaloy.. Tiningnan nya ang alaga nyang tayong tayo. Mukhang mapapalaban ito..

"Good luck" sabi pa nya dito at ngumisi,

Agad syang tumakbo sa kwarto ng dalaga at dahan dahang lumapit sa pinto.. Libog na libog sya ngayon at yari sa kanya ang nobya nya ngayon..

Nakangisi pa si Kaloy..

"Mahal ko… andito na ako" sigaw nya at pihit ang doorknob, ganun na lang ang gulat nya ng malamang naka lock ito.

"Mika…andito na ko mahal sa pinto" sigaw ng binata..Palinga linga ang binata at mabilis tumatakbo ang puso dahil baka may dumating..

Narinig lang nyang tumawa ang dalaga..

Mukhang naisahan na naman sya nito..

Tiningnan nya ang sarili at napatawa..

Anytime na may pumasok ay siguradong makikita syang hubot hubad..

"Mahal naman..hindi magandang biro to" sabi ni Kaloy.

"Oo Jonas,,bilisan mong umuwi..ngayon na..may ipapakita ako sayo..sama mo na din sila Leslie" napamulagat si Kaloy sa narinig..

"Mikaella…buksan mo ang pinto …mahal naman" natatawa ang binata na may halong kaba..nilibot nya ang paligid at kinuha ang shoulder bag ng dalaga para pansamantalang itakip sa alaga nya.

Tawa lang ng tawa si Ella..

Paulit ulit naman ang katok ng binata sa pintuan pero hindi sya pinansin ni Ella.

Maya maya'y nanlaki ang mata ni Kaloy ng marinig ang motor ni Jonas…

"Syeeet.. Ella.. nandyan na kapatid mo..sorry na ….sorry na" sabi ni Kaloy na tarantang taranta na ..

Agad bumukas ang pinto ng dalaga at tumambad kay Kaloy ang hubad na katawan nito ..Hinila sya ni Ella papasok .

Kinapa ng dalaga ang cellphone at tineks si

Jonas..

Tapos siniil ng halik agad ang binata..

Natahimik sila.

Tinitigan lang ni Ella ang binata sa mata..

"Bigyan mo ako ng baby" sabi ng dalaga kay Kaloy..

Napakunot ang noo ni Kaloy..

"Mika.. napag usapan na natin to.." sabi ni Kaloy.

"Di mo kaya?" tanong ni Ella..

"Kasi ayaw mong mas lumala ang sitwasyon natin nila Aira..?"Sabi pa nito..

"Para kung sakaling iwan mo ako ay madali lang? tapos kahit bali baliktarin ko..may responsibilidad ka sa kanya at wala akong laban sa kanya kapag ginamit nya anak nyo para kunin ka sakin" sunod sunod si Ella.

Nainis si Kaloy sa narining ..

"Hindi gagawin ni Aira yun.." sabi nya sa dalaga.

"Lahat kayang gawin ng isang tao Kaloy para sa pag mamahal" sabi ni Ella..

Nawala sa mood ang binata.. Agad syang nag bihis ng damit..

"Ano? bakit ayaw mo?? " tanong ni Ella..

Hindi sumagot si Kaloy.. Nag iwas ito ng tingin..

"Kung mahal mo ako ibibigay mo gusto ko.." sabi ni Ella.

Hindi sumagot ang binata..

Umiyak ang dalaga..

"Bigyan mo naman ako ng reason para maniwala ako na hindi mo ako iiwan" hikbi nito..

Nainis si Kaloy..

"Grabe Mika.. iniisip mo talaga yan?? na dahil ayaw kitang buntisin at ayaw kitang anakan ay iiwan na kita" nag taas ng boses ang binata.. Natakot si Ella sa inasal ni Kaloy.

"Iniisip kita Mika.. maraming pwedeng mangyari sayo..at maaring masira ng kagustuhan mo ang kinabukasan mo..please.. wag kang maging makasarili" sabi ng binata..

Napatingin si Ella sa narinig .

"Makasarili?? makasarili na ba yun?? di na ako bata Kaloy para hindi isipin ang mga consequences sa gusto ko.. Gusto ko nga di ba?? Gusto ko.. hindi pa ba malinaw yun?" nagtaas na din ng boses si Ella..

Napailing si Kaloy.. hirap na hirap syang ipaintindi ang lahat sa dalaga..

"Hindi pa ako handa…ok? wala pa akong trabaho .. Nakikitira lang ako.. sa tingin mo mabubuhay ko kayo ng magiging anak natin..

Heto nga't ang hirap hirap pa lang isipin kung anong gagawin ko sa anak namin ni Aira" sabi ni Kaloy..

Katahimikan.. Hagulhol lang ni Ella ang bumabasag dito..

"Hindi mo naman kailangan maging handa sa bagay na yun e.. kung mahal mo ako makakayanan mo lahat lahat napag handaan mo man ito o hindi" sabi ng dalaga..

Napatapik sa ulo si Kaloy..

"Tama na.. gulong gulo na ko Mika.. uuwi na muna ako" sabi ng binata at aktong aalis ng magsalita si Ella..

"Sige ..iwan mo ako… yan naman talaga e.. iiwan mo din naman ako..kahit bali baliktarin ko ang mundo ako pa din yung nang hirap sa pag mamahal mo" sigaw nito..

Napasinghap si Kaloy sa inis..

"Tang ina naman Mikaella.. wag mo na muna ako ipressure.. sobrang punong puno na ang utak ko sa mga dapat kong gawin..sa mga dapat kong itama.. please..wag mo muna ako guluhin" huling binitawang salita ni Kaloy at dire diretso ng umalis ng kwarto…

May luhang pumatak sa mata ng binata ng labas nya ng bahay.. Pinunas nya ito..

Kailangan nyang maging matapang..

Sa bahay ni Mutya sunod na pumunta si Kaloy ,may hawak itong isang litro ng empi na tinutungga nya.. kung kanina ay galit na galit ito..ngayo'y ibang Kaloy ang nakaharap kay Mutya at pilit nakikiusap dito..

Galing na ang binata sa bahay nila Aira, at sinabi ng maid nila na nandun ito kila

Mutya..Inabot na ng gabi si Kaloy para lang makausap ang dalaga.. at heto.. tila ayaw syang pagbigyan ng kaibigan…

"Please. kailangan ko lang talaga syang makausap.."Punong puno ng pag susumamo si Kaloy.

Nakaramdam ng awa si Mutya sa dating nobyo.. Alam nyang nahihirapan ito ..bakas sa mukha nito…

"Kaloy.. kung pwede nga lang talaga.. e kaso sya mismo may ayaw.." sagot ng dalaga..

"Hindi pwede.. kailangan naming mag usap" umiyak na ang binata.. hindi na naman nya napigil ang emosyon.

"Aira.. mahal.. mag usap tayo" sigaw ng binata..Sumapi na ang espiritu ng alak sa binata.. iyon ang balak nya ..Para magkaron ng lakas para harapin si Aira.

"Aira.. alam kong mahal mo pa ako..mag usap tayo" sabi ng binata.. nasa tinig na nito ang kalungkutan..

"Ano? iiwan mo na naman ako" tanong ng binata at tumawa..

"Kaloy ..please..wag ka dito mag ingay..

"Saway ni Mutya sa binata..

Nakamasid lang ang mga magulang nito na tila ayaw makialam…

"Aira please… mag usap lang tayo..isang beses lang ..tapos saka mo na ako iwan pagkatapos natin mag usap.." ika ng binata..

Sa takot na lalong lumaki ang gulo ay lumabas na si Aira…

Kasunod nito ay ang magulang ni Mutya..

"Ano bang ginagawa mo" bulong nito sa binata..

"Bat nag inom ka" tanong pa nya..

"Mag uusap tayo mahal. .babalik ka na sakin..hindi na tayo maghihiwalay" sabi ni Kaloy at aktong yayakapin si Aira ng umiwas ito..

Nagulat si Kaloy sa kinilos ng dalaga… Dala ng alak ay mabilis syang umiyak..Mas ramdam nya ngayon ang sakit..

"Iiwan mo ulit ako" tanong ng binata..

"Mag usap tayo kapag hindi ka lasing" sagot ni Aira..

"Hindi ako lasing…sinong lasing"Sigaw ni Kaloy..

"Iho.. umuwi ka na muna at magpahinga" nakialam na ang Papa ni Mutya.

"Hindi ..walang uuwi …hindi ako uuwi" matigas an sagot ni Kaloy.

Napasimangot si Aira.. Ramdam nya ang pinagdadaanan ni Kaloy..

"Please ..Kaloy.. saka na tayo mag usap.. mas kailangan mong mag pahinga ngayon.. may pasok ka pa bukas" sabi ni Aira..

"Pasok?? bakit pa ako papasok?? wala ng kwenta ang buhay ko kapag wala ka" sagot ng binata..

Napailing si Aira..

Maya maya'y dumating si Dan para awatin si Kaloy..

"Tol ..tara na.. lasing ka na .tama na yan" sabi nito sa binata..

"Tol hindi ako lasing ..mag uusap kami ni Aira..pipigilan mo ba kami tol?" ika ng binata kay Dan..

"Tol hindi ko kayo pipigilan..gusto ko kayo magkaayos ..kaya lang lasing kana" sabi ni

Dan..

"Tara na uuwi na tayo.." ika nito at hinila si Kaloy palayo..

Napaiyak na din si Aira sa nakita.. Heto ang binata na sobrang nasasaktan katulad nya sa sitwasyon nila.

"Tol..bitawan mo ako…" sabi ni Kaloy kay

Dan..

"Tol..wag ka ng makulit" sabi ni Dan…

"Sabing bitawan mo ako" sigaw ni Kaloy at agad sinuntok sa mukha si Dan, napabagsak si Dan pero agad bumangon.. kinapa ang bibig kung may dugo..wala.. agad sya ulit lumapit sa binata para yapusin ito..

"Tol tama na… pinahihirapan mo lang sarili mo.." sabi ng binata

"Plaaaag" muling sumuntok si Kaloy..

"Kaloy" sigaw ni Aira…Tumingin si Kaloy sa kanya.. May luha ang mata.. hapong hapo..

"Please.. umalis ka na muna .."Sabi nito.

"Aira" huling sabi ni Kaloy..

Agad syang niyakap ni Dan para hindi na magwala..

"Wala na tayong dapat pag usapan Kaloy…babalik na ako ng Amerika.. ituloy mo na yung masayang buhay mo na wala ako" ngumiti ng pilit si Aira bago pumasok ng bahay nila Mutya..

Nanghina ang binata sa narinig .. Gumuho lahat lahat… Nawalang ng saysay lahat ng inipon nyang pangarap.. naisip nya.. may natira pa ba sa kanya.. Wala na sila Leslie..

Wala na si Ella.. Wala na sila Reggie.. at ngayon mawawala na din si Aira..

"Bitawan mo ako" sigaw ni Kaloy kay Dan..

Hinigpitan lalo ni Dan ang yakap kay Kaloy..

"Tol.. bitawan mo ako…"Tiningnan ng masama ni Kaloy si Dan at natakot ang binata dito kaya nabitawan nya si Kaloy.

Tiningnan ni Kaloy si Mutya .si Dan.. ang pamilya ni Mutya… si Aira..at ang ilang nanunuod..

Wala na syang ibang maisip kundi tumakbo palayo kung saan alam nyang hindi na sya masasaktan.. Patuloy ang pagpatak ng luha sa mata nya habang tumatakbo..

"Sundan mo" bulong ni Mutya sa nobyo.. napailing si Dan..

"Nakakatakot yung mga mata nya" tanging nasabi ni Dan..

Sa Parke .. Nagngingitngit sa galit ang binatang nakakuyom ang kamao..

Sa Wakas nakita nya ang pakay..

"Hoyyy" sigaw nito sa isang grupo ng kalalakihan at agad sinugod ito..

"Putaaaang inaaaa" sigawan nila.. kani kanyang takbo ang iba ang ila'y lumaban..

Tinamaan si Kaloy sa mukha .. hindi nya ito alintana..ang mga mata nya ay nakatutok sa isang tao.. kay Ron..

"Putang ina mo ..uubusin ko ngipin mo ngayon.." sabi ni Kaloy at agad sinuntok ang hawak na binata..

May sumuntok sa likod nya ..sa sikmura..

Pero natiis nya lahat ng dugo at sakit..Di nito kayang pantayan ang sakit sa puso nya..

Napabagsak nya ang lima dahil tumakbo ang ilan..

Sinipa pa nya si Ben para hindi makatayo..

Napalunok ng laway si Ron ng makitang sila na lang dalawa ni Kaloy ang nakatayo..

Lasing ang binata.. pero nagawa pa din nitong pabagsakin ang lima..at ngayo'y sya naman ang puntirya nito..

"Putang ina mo…ikaw ang dahilan ng lahat lahat sa buhay ko" sabi ni Kaloy at agad sinunggaban ang binata..

Bumagsak si Ron.. kinubabawan sya ni Kaloy at pinagsusuntok sa mukha..

Bumugso ang dugo sa mukha ni Ron..ayaw tumigil ni Kaloy..binuhos nya lahat ng galit..

"Plaaaag" napatalsik si Kaloy ng may sumipa sa katawan nya..

Naramdaman ni Kaloy ang sakit na yun.

Umangat sya at nakaramdam ng hilo.. Si Ben….agad syang sinugod nito.. Tinuhod nya ito sa sikmura at napayuko.. Nahilo si Kaloy.. Bumagal ang galaw nya.. Bumwelo sya ng suntok pero bago pa nasalag ito ng kamay ni Ben..

"Pssssssk"

Napamulagat si Kaloy sa malamig na metal na tumarak sa katawan nya..

"Ulggggkkk" bumukwak ang dugo sa bibig ng binata..

Muling binaon ni Ben ang kutsilyo sa katawan ni Kaloy.. Inikot at sinagad..

Unti unting pumikit ang nanlaking mata ng binata..

"Tara ,,,tara " sigawan ng mga tumayong tropa ni Ron..

Nanginginig pa ang binata ng bitawan ni Ben ito para iwan na nakahandusay sa lupa..

Nanlabo ang mata ni Kaloy..

Kinapa nya ang bahaging nasaksak.. Dugo.. madaming dugo.. hindi tumitigil..

Napapikit na sya ng tuluyan… Sana pag gising nya ….Ok na lahat..