1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 3
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 3

By kingovhell ·

Nagulat si Kaloy.. Mabilis ang takbo ng puso nya.. Halo halo ang emosyon..

Kinakabahan..Natatakot.. Nahihiya..

Seryoso?? Nahihiya sya? Bakit sya mahihiya e hindi naman sya kilala ng dalaga.. Di din nya ito kilala…

Tiningnan nya ang dalaga..Saglit ay nakaisip sya.. Dahil nakita nyang tila nang gigigil ito sa galit sa kanya ay naisip nya na lalong asarin ang babae..

"Hi Ate Ella.." ngiting aso ng binata..

Nanlaki ang mata ni Ella.. Tapos napangiwi.

Hindi sya makapaniwala sa narinig.. Kanina lang nya ito nakita tapos..

"Bakit nandito ka?? At Bakit mo ako kilala" tanong ng dalaga.. Tumayo pa ito at nilagay ang dalawang kamay sa bewang.. Hinintay na sumagot ang binata..

"Hala ..grabe.. ikaw ang huling dumating dito ah.. nauna ako dito sayo noh, baka ikaw sumunod sakin… kita mong katatapos ko lang mag ano..mag…" binasa ni Kaloy ang

Computer sa harap nya..

"Facebook" sabi nito at nginitian muli ang dalaga..

"Hoy…kapaaal mo ..at bakit kita susundan.." tanong ng dalaga..Sa sobrang galit nito ay umakyat ang lahat ng dugo nya sa mukha..

Napangiti si Kaloy.. lalong gumanda ang dalaga..

"Bakit mo alam ang pangalan ko" tanong ng dalaga sa kanya..

'hmmm.. ako pa" natatawang sagot ni kaloy at buong pagmamayabang na nagkibit balikat..

Sumimangot si Ella. Pero mayamaya'y napangiti..

"Alam ko na..iba talaga kapag maganda ka.. ok ..di kita masisisi" malanding tumawa ito..

Ang binata naman ang sumimangot..

"Hoy.. maraming daw nag kakacrush sayo sa school kaya kita kilala..grabe neto.." ika ni Kaloy sa kanya at umirap..

"Sus .. para paraan..isa ka din siguro sa kanila" biro ni Ella sa kanya..

Napatawa ng malakas si Kaloy..Yung tawang nakaka insulto..

"Bakit?" tanong ng dalaga..

"Eto" pinakita ng binata ang tattoo sa daliri nito..

"Aira" binasa ito ng dalaga..

"Ano yan?" tanong nito..

"Pangalan ng girlfriend ko.." sabi ni Kaloy.

"Mas maganda sa kin?" nakangiting tanong ni Ella.

Napaisip si Kaloy. May naisip sya para makita nya si Aira sa facebook ng hindi nag bubukas ng account..dahil wala naman syang account..

"5, 6, 7 .8" nag bilang si Ella.

"Tingnan mo picture nya sa computer" sabi ni Kaloy..

"8.. 8 seconds bago ka sumagot… inisip mo pa siguro kung sino mas maganda samin at di mo matanggap na mas maganda ako sa kanya kaya inabot ka ng 8 seconds bago sumagot" biro ng dalaga na tumatawa na ngayon..

Kung kanina'y mistulang magkaaway sila

..Ngayo'y nag ngingitian na ang dalawa..

Ang gaan gaan naman kasing kausap ni Kaloy..at ganun din ang dalaga..

"Tara na Sis..Ok na sya jan" sabi ni Lea kay Jen..

Ngumiti pa ang dalawa ng makitang ok na si Kaloy at Ella.

"Hoy.. walang wala ka sa ganda nun noh.." sagot ni Kaloy na hindi makatingin sa dalaga dahil may parte ng isip nya na naisip na mas maganda nga ito ng ilang paligo sa girlfriend nya..

"Tingnan mo kasi sa jan..sa ano" binasa ni Kaloy muli ang nasa Computer nya..

"Sa Facebook" sabi nito.. Nagtaka naman si Ella sa kinikilos ng binata.

"Ayaw ko nga ..tingnan mo mag isa" sabi ng dalaga at ngumiti..

Napakamot ng ulo si Kaloy.. Mukhang hindi matutupad ang plano nya..

Tumawa sya ulit..

"Takot ka lang na malaman ang katotohanan e" sabi nito..

"Bahala ka jan…wag mo nga ako guluhin.. 15 mins lang time ko..tapos uuwi na ako" sagot ng dalaga..

Wala ng nagawa si Kaloy..Gustohin man nyang umalis dahil ayaw nyang kasama ng matagal ang dalaga sa inis rito e wala syang magawa..Gusto nyang makita ngayon si Aira..

Hindi kasi sya makahirit kay Reggie at Tanya.

Naisip tuloy nya na baka may tinatago sa kanya ang mga kaibigan nya..Wala ng nagawa si Kaloy kundi titigan ang Computer nya..

10 minuto ang nakalipas.. nagpa extend pa si Ella.. tiningnan nya ang katabi na tila tinititigan lang sa kawalan ang Computer..

"Hoy..bakit di ka nakilos jan..LQ siguro kayo noh kaya takot ka mag log in" sabi ni Ella sa kanya.. Napaisip ang binata..

"Wag ka nga jan…sabi mo wag kita guluhin..wag mo din ako guluhin"Marahas na sabi nito..

"Ayyyy pikon" tanging nasabi ni Ella at nagbukas na sya ng sariling browser..

Nanlaki ang mata ni Kaloy ng makitang mag fafacebook si Ella.

Si Ella nama'y nakamasid lang sa gagawin ng binata ..Nagegets nya ang problema nito kaya may lihim na ngiti sya sa labi..

Tinype na ng dalaga ang email sa box…

Tiningnan nya ang binatang katabi na lihim na sinisilip ang Computer nya..

Mabilis kinopya ni Kaloy ang tinype ng dalaga..

"Confirmed" sa pag tatype pa lang ni Kaloy ay alam na ng dalaga na wala itong alam sa

Computer ..sa Facebook..

Tinype nya ang password nya at kitang kita nya sa mata ng binata na naguluhan ito..

"Puro star" narinig pa nyang bulong ng binata..

Nakaisip si Ella ng pang inis ulit sa binata..

"Hooyyy" gulat nya kay Kaloy na agad napahinto sa pag tatype..

Sinilip ni Ella ang Monitor ng binata.. Di ito nagawang takpan ni Kaloy..

"Bat nakasulat jan Email ko.. hacker ka ba?"Tanong ni Ella.

Namutla agad sa pagkapahiya ang binata..

Ngunit umisip pa din sya ng paraan para lumusot..

"O-o -oo…ba-bakit" kinakabhan nitong tanong..

Tumawa ng malakas si Ella.. Halos mag wala ito sa kinauupuan nya..

Agad naman silang sinaway ng bantay ng shop. Tinakpan ng dalaga ang bibig nya at saka tumawa ng pilit..

Tiningnan sya ni Kaloy.. Nainis sya sa dalaga.. Matagal itong tumatawa.. at wala na syang nagawa ng maramdaman nyang ang inis nya ay unti unting nauwi sa pag ngiti nya.. Nakakatuwang pag masdang ang masayang dalaga sa harap nya..

May brace din kasi ito at ang una nyang naalala ay si Aira..

Napangiti na din si Kaloy..nanahimik..

"Tama na..tama na..ayaw ko na" sabi ng humihingal na si Ella ng pigilan nya ang sarili para tumawa..

Eto na ang hinihintay ni Kaloy.. Sya naman ang gaganti sa binata..

"Pinagtatawanan mo ang pagiging inosente ko sa Computer" malungkot ang boses ng binata..

Tumatawa pa din si Ella pero unti unting humina ito hanggang mawala.. Tiningnan lang nya si Kaloy na agad napayuko..

Nakaramdam ng awa ang dalaga..

"Eh kasi naman.. ikaw kasi… naiinis ako sayo kanina" sabi ng dalaga.

"Kaya mo ako ginantihan, pinagtripan mo ako..porket wala akong alam sa Computer.." sabi pa ng binata.. Sinilip nya ang dalaga at nakita nyang napayuko din ito.. Marahil naguilty na.. Ngumiti sya.

"Hindi naman lahat may kaalaman sa ganyan e …lumaki kasi ako na ano…"Suminghap pa si Kaloy.

"Wala na akong magulang" pag dadrama ng binata..

"Iniwan pa ako ni Aira" dagdag pa nito..

"At kelangan kong magtrabaho para sa mga kapatid ko kaya wala akong panahon para mag computer" kunwari'y pinahid nya ang luha nya. Tiningnan nya ulit si Ella…tahimik na ito.. Tumahimik na din sya..

"Huyyyy" naramdaman nyang kinalbit sya ng dalaga..

"Huyyy.."Kinulit sya nito pero hindi sya sumagot o tumingin dito..

"Sorry na…eh.. ayun,sorry na basta.. di ko naman kasi alam na ganyan istorya mo..sorry ang insensitive ko" sabi ng dalaga..

Tagumpay.. Pumalakpak ang tenga ni Kaloy… Nakaganti din sya at sobrang guilty na guilty ang dalaga ngayon..

Tiningnan nya ito at sobrang lungkot ng mukha nito .. Iniwas nya ang tingin nya ngunit di nya alam ay nahagip ni Ella ang mata nya at nakita pa sya nito na ngumiti..

"Plaaaak" pinalo sya ng dalaga ng hawak nitong folder..

"Ikaw ang nantitrip sakin e" sabi nito at aktong aalis na ng hawakan sya ni Kaloy sa kamay..

"Uyyyyy to naman… nag bibiro lang ako ..sya naman magagalit ngayon" sabi ng nagtatawang binata..

"Bitawan mo ako" sabi ng dalaga at hinampas ang braso ng binata para bumitaw ito.

"Araaayy.. nakakarami ka na ha…kanina kapa ..sinampal mo ako kanina.." sabi ng binata.

"Iisahan kita ulit kapag di mo ako binitawan" sabi ng dalaga na nanlilisik ang mata..

"Eh di sampalin mo ..basta di kita bibitawan" sabi ni Kaloy..

Nagtama ang mata nila..

Huminto ang oras… may kung anong nagpabagal nito..

"Plaaaaaaak" malakas na tumama ang kamay ni Ella sa mukha ni Kaloy..

"Araaaaaayy" sa pagkagulat ng binata ay tumama pa ang mukha nito sa nasa upuan.

Napatawa si Ella.

"Halaa sorry"Sabi nito at agad tiningnan ang mukha ni Kaloy..

"Grabe ang gaan gaan ng kamay ko "Sabi nya habang nagtatawang tinitingnan ang mukha ni Kaloy..

Hinawakan nya ang mukha ng binata para malapitang titigan.. Nagtama ulit ang mata nila..

"Sabi ko naman sayo ayusin mo sarili mo e" tila narinig nya ng maalala si Aira na humihimas sa mukha nya..

Pero hinde.. isang evil girl ang nasa harap nya at hindi ito katulad ni Aira..

Agad lumayo ang binata sa kanya.

Nagtawa lang si Ella..

"Magkaka phobia ka na nyan sakin" sabi nito..

"Ikaw naman tong nauna ah.. tas ikaw pa nanampal.. nanampal ka na nga kanina" sumbat ng binata..

"Sorry na nga …" ika ng natatawang dalaga.

Katahimikan ..

"Sige na… ano pangalan ng girlfriend mo

..hanapin na natin"Sabi ng dalaga at umupo sa harap ng computer ..

Muling pumalakpak ang tenga ni Kaloy.

"Yan ..ok na ….bati na tayo"Sabi nito at umupo sa likod ng dalaga..

Nakaisip pa ang binata ng pang aasar ulit..

Mula sa likod ay iniyakap nya ang braso sa harap ng dalaga..Nasinghot nya ang amoy ng dalaga. .Napakabango nito..

"Ehem…gusto mo atang mag away ulit tayo at masampal kita" sabi ni Ella.

"Ayyyyy sorry.. yung kamay ko kasi ..parang kamay mo.,. may sarili din isip"Sabi ng binata..

"Nye nye nye… para paraan" sagot ng dalaga..

"Anong pangalan" tanong nito..

"Aira" sagot nya..

"Full name ..grabe.. andaming Aira sa mundo" inis na sagot ng dalaga.

"Aira Bernadette Sanchez, M ang gitna" sabi ni Kaloy..

"Uy may mutual friends kami …taga dito lang ba sya satin" tanong ng dalaga.

"Oo …kaka lipat lang nya sa states" sagot ng binata.

"Syeeeet" paghanga ni Ella ng makita si Aira..

"Sigurado kang boyfriend ka nito" tanong nito sa binata.

"Oo naman… wala ka bang tiwala sa itsura ko" tanong ni Kaloy at nagpa pogi kay Ella.

Tiningnan sya ni Ella..

"Pwede na" sagot nito.

"Uyyyy napogian sya sakin" biro ni Kaloy..

"Asa" inirapan lang sya ni Ella at ngumiti.

Natulala si Kaloy habang tinititigan ang nobya.. ilang buwan na mula ng nawala ito at sobrang mas gumanda pa ito ..

"Maiadd nga"Sabi ni Ella at inadd si Aira..

"Grabe …ang ganda ganda nitong jowa mo ha..pero yun nga lang ..last 4 months pa nya naupdate mga latest pic nya.." sabi pa nito.

"Hmmm saka medyo tumaba na sya..nung nandito yan sa pinas ang seksi seksi nyan" sabi ni Kaloy..

"Grabe ka… seksi pa din naman to ah…'sabi ng dalaga sa kanya..

"Oo naman pero iba yung dati..basta… maniwala ka sakin kasi ako nakakita nyan ng harapan" malanding sagot ni Kaloy..

"Pervert" bulong ni Ella.

Natahimik ang dalawa sa pag titingin ng pic ni Aira.Tumayo naman si Kaloy dahil di nya makitang mabuti ang pic ng dalaga dahil nahaharangan ito ng ulo ni Ella..

Sa pagtayo nya ay napatingin sya sa dalaga..

Nasulypan nya ang cleavage nito.. Napangiti sya.. May ipagmamalaki din pala ito.. Ibinaba pa nya ang tingin at nakita nyang bakat pala ang bra ng dalaga.. Nainis sya.. Di man nya alam kung bakit pero nakaramdam sya ng inis..

"Hoy" ika ni Kaloy.

"Oh?" si Ella..

"Pag mag susuot ka ng uniform mag sando ka… bumabakat ang ano mo" diretsang sabi ni Kaloy.

Napatingin si Ella sa kanya.. Nakasimangot,

"Kaya pala hindi ka na naimik..hindi na pala pic ng jowa mo tinitingnan mo ..pervert" sumbat ni Ella..

Napatawa si Kaloy..

"Concern lang ..grabe to" ika nya sa dalaga.

"Tara na… nakita mo na ang pic nya.. mag papaprint na din ako.. hapon na ooh" sabi ni Ella.

Nilibot ng dalaga ang profile ni Aira..

"Puro congrats ah" sabi nito na nakapukaw ng atensyon ni Kaloy

Tiningnan ni Kaloy ang screen ng Computer at puro congrats nga ito.

"Ano yan?" tanong ng binata kay Ella.

"Congrats William and Aira" napasimangot pa si Ella sa binata.

"Bakit kinokongrats sila" tanong ng dalaga..

Di sumagot si Kaloy.. Napaisip sya..

"Kelan pa sya kinongrats" tanong ng binata.

"Kahapon.. nung isang araw.. ngayon.." sagot ni Ella..

"Teka.." ika nito at inilipat ang tab sa about section ni Aira.

"Married to William Griffin" binasa ni Ella..

Nagtaka ang dalaga.

"Akala ko ba -" sabi nito kay Kaloy sabay tumingin sa binata.. Hindi na nito natapos ang sasabihin ng makita ang reaksyon sa mukha ni Kaloy.

"Close mo na yan… hapon na.." tanging nasabi ni Kaloy..

Parang alipin na sumunod si Ella sa binata..

Sinundnan nya lang ito sa gawi ng bantay ng shop.. nag iwan ito ng 100 sa lalaki at lumabas na …

"Hintayin mo ko jan..paprint ko lang to" sabi ni Ella sa kanya..

"Miss pakibigay na lang sa boyfriend mo sukli nya" ika ng bantay kay Ella..

Nanlaki ang mata ni Ella sa narinig .

"Di po kami mag jowa kuya"Sagot nya..

"Sus.. para paraan" sagot ng bantay sa kanya at nagtawa,, Nakitawa na lang si Ella..

"Huyy" tawag ni Ella kay Kaloy.

Huminto naman si Kaloy sa paglalakad at hinintay si Ella..

"San ka uuwi" tanong ni Ella sa binata.

"Malayo.. hahatid mo ko?" biro ng binata..

Umirap lang ang dalaga..

Katahimikan.. Diretso lang sila naglakad..

Malapit na din naman ang sakayan.

"Yung sa facebook kanina.. di naman laging totoo yun na pag married yung status mo e married ka na" sabi ni Ella..

Hindi sumagot si Kaloy..

"Saka naniniwala ako na boyfriend ka nya" sabi pa ng dalaga..

"Di mo alam ang nangyari Ella, kaya wag ka na lang maingay dyan" sabi ni Kaloy..

Nainis si Ella sa narinig.

"Eh di bahala ka dyan mag emowt .. Dito na ko..ayun lang bahay namin" sabi ni Ella sabay diretsong naglakad sa tinuro na bahay..

Tiningnan lang ni Kaloy ang bahay ng dalaga..Wala sya sa sarili..

"Ella" sigaw nya ..

Tumingin ang dalaga sa kanya..

"Si William yung tunay nyang boyfriend" sabi ni Kaloy…

Nalungkot si Ella sa narinig.

"Fix Wedding" sabi pa ni Kaloy.

Natahimik si Ella sa narinig.

"Sorry" sabi nito..

"Yung kongrats nila.. baka yun yun" sabi ni Kaloy..

Natahimik si Ella..

"Uy una na ko… bukas na lang" sabi ni Ella sa binata.. ngumiti lang si Kaloy…

Naghintay ng sasakyan .Tiningnan ang dalagang paalis sa harap nya..

Ang dami nyang naiisip ..ang daming nangyari. Unang araw pa lang ng pasukan…