1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 2 - Part 6
Pinoy Tambay

Barkada: Book 2 - Part 6

By kingovhell ·

Ilang minuto ding hinintay ni Kaloy si Ella na lumabas.. At matinding kasiyahan ang naramdaman nya ng makitang lumabas na sila Jen.. Inayos ni Kaloy ang buhok nya.. ang sarili.. Inamoy pa ang hininga ..

"Jen" tawag nya sa dalaga ng malapit na ito sa kanya..

"Uy. .Kaloy" bati ni Jen sa kanya at agad lumapit dito..

Nilibot ni Kaloy ang mata para icheck kung kasama ni Jen si Ella pero wala ito..

"Si Mika?" tanong nya..

"Ah kanina pa lumabas..nagmamadali nga e..di na kami hinintay" biro ng dalaga..

Natatawa pa ito habang minamasdan ang reaksyon ni Kaloy..

"Ganun" tila nalungkot ang binata..

"Ah sige..bukas na lang siguro" sabi ni to kay Jen at bagsak ang balikat na nagpaalam..

"Uhhhhhmp" ganun na lang ang gulat nya ng pagharap nya para umalis ay nasa harap nya ang nagtatawang si Ella..

Pero ang mas kinagulat nya ay ang halos kahibla na lang na buhok na lapit ng mga labi nila.. Muntikan na .. Muntikan ng magtama ang mga labi nila ..Maging si Ella ay nagulat sa nangyari, Unti unting sumeryoso ang nakangiting mukha ng dalaga..

Hinawakan pa ni Kaloy ang dalaga.. Niyakap para hindi ito matumba.. at sa isang mabilis na pang yayari ay hindi napigilan ng binata ang lahat ..Kinabig nya ang dalaga at sadyang hinalikan ito.. Mabilis ..walang nagawa si Ella..

"Yiiiiiiiieeeeee" kantyawan ng mga nakakita.

Para sa kanila, aksidente ang lahat.. pero iba kay Kaloy.. Hindi nya alam.. nawala sya sa sa katinuan..Ayaw nya ng nangyari lalo ng bumalik sya sa pag iisip.. Kasalanan ito.

Niloloko nya si Aira.. Mahal nya ang dalaga at hindi pwede itong nangyayari lalo't ikatlong araw pa lang ng pasukan ..at ikatlong araw pa lang nilang magkakilala ni Ella..

Bumilis ang tibok ng puso nya.. Pakiramdam nya ay wala silang kasama sa paligid.. silang dalawa lang ng dalaga.. Hindi.. namimiss lang nya si Aira… naaalala lang nya ito.. at nakikita nya ang nobya sa babaeng nasa harap nya..

"Magparamdam ka na please.. "Bulong ni Kaloy sa sarili na tila kinakausap si Aira.

"Baka mahulog ako at unti unti kitang makalimutan" sabi pa nya …

"Plaaaaak" isang malakas na sampal ang gumising kay Kaloy.

"Anong-" hindi na natapos ni Kaloy ang sasabihin ng magsalita si Ella..

"Bastos" galit na angas nito at umalis sa harap ng binata..

"Ayyy" ika ni Jen…

"Sundan mo" ika ng kaibigan ni Ella kay Kaloy..

"Huh" tanong ng binata.. mukhang hindi maintindihan ng lahat ng nasa paligid nya na may nobya sya.. at parang itinutulak pa sya ng mga ito na gumawa ng kasalanan … napaisip si Kaloy.. kung may nobya nga naman sya ..nasan ito?

Hinakbang nya ang paa.. "Bahala na" bulong nya at sinundan ang dalagang sumampal sa kanya..

"Aira" sigaw ni Kaloy .. agad nyang hinawakan ang bibig nya ng maalala na hindi si Aira ang hinahabol nya..

"Tang ina"Bulong ng binata..

"Mika" sigaw nya ulit at mabilis na tumakbo palapit sa dalaga.

"Huy ..saglit lang .."Ika nya ng makalapit sa dalaga,,

"Sorry" sabi ng binata ng huminto ang dalaga.. Kitang kita nya ang ekspresyon sa mukha ni Ella na punong puno ng pagkagulat..

"Sorry …" ulit ng binata..

"Bakit mo ako hinalikan" tanong ni Ella.

Natahimik si Kaloy… Nagpabaling baling ang mata nya..Nag iisip ng sasabihin,

Wala syang nasabi.. Naunahan sya ng takot na nakita sa mata ng dalaga..

"Tabi dyan" utos ni Ella ..marahas.. ramdam ang galit..

Hindi naman tumabi ang binata..

"Sasampalin ulit kita" banta ng dalaga..

Iniangat nito ang kamay para isampal sa binata..Agad itong hinawakan ni Kaloy..

Hinila nya palapit sa katawan nya ang dalaga at niyakap..

Napamulat ang dalaga sa nangyari,

Sa gilid ng kalsada.. Malapit sa school. May dalawang nilalang na magkayakap..

Pinagtitinginan ng mga dumadaan.. at pinagbubulungan ng mga nakakakita..

Napakunot ang noo ni Ella.. agad syang bumitaw sa binata.

"May girlfriend ka tapos gaganyan ganyan ka" sabi nito.

Tiningnan lang ni Kaloy si Ella.. Hindi din nya alam kung bakit nya ito nagawa.. Blanko ang isip nya. Siguro'y namimiss nya lang si Aira. at ramdam nya na may kakaiba din ng yakapin nya ang dalaga,

"Anong ginagawa mo" bulong ni Ella sa kanya.

Hindi sumagot ang binata..

Nainis si Ella.. Kanina pa sya naguguluhan sa kinikilos ni Kaloy at heto ang binata na ayaw magpaliwanag sa lahat ng tanong nya..

Nang pakiramdam ng dalaga na walang sasabihin si Kaloy ay lumakad na sya palayo dito.. Wala syang panahon para makipag lokohan.

"Mahal kita" mahinang sabi ni Kaloy …Sapat para marinig ng dalaga at ihinto ang kanyang paglakad..Lalong nainis ang dalaga.

"Anong sabi mo??" tanong nya sa binata..

Hindi sumagot si Kaloy..

"Mahal mo ako?" may pag aalinlangan sa tinig ni Ella.

"Kaloy" sigaw nya ng hindi sumagot ang binata..

Ilang buwan ng wala si Aira.. ilang buwan ng wala itong paramdam sa kanya ..ilang buwan na nya itong namimiss at ang dami daming katanungan sa isip nya na gusto nyang masagot pero hindi nasasagot dahil wala si Aira.. Pero..sapat na ba ang mga naiisip nya para sagutin ang tanong ng dalaga ngayon sa harap nya. Ano ba tong napasok nya .Ano ba tong nangyayari..Bakit ang gaan ng loob nya sa dalaga.. Bakit hinahanap nya ito palagi..

"Di ko alam" sagot ni Kaloy..Napatawa si Ella..

"Di mo alam?? so trip mo lang na halikan ako,yakapin,at sabihin na mahal mo ako ganon?" tanong ng dalaga..

Hindi sumagot si Kaloy..

"Grow up.. hindi porket naaalala mo ang girlfriend mo e pwede ka ng lumandi kung kani kanino.. "Sabi ni Ella sa kanya.. Simple

..pero may dalang kirot ito..

Wala ng nagawa si Kaloy ng tumakbo na palayo si Ella sa kanya.

"Grow up?" tanong nya sa sarili nya..

"Bakit malungkot yan" tanong ni Tanya kay Reggie ng mapansin na malungkot ang binata..

"As usual.. si Aira na naman siguro" sagot ng bakla.

Nilapitan nila ang binata.

"How's school" tanong ni Tanya kay Kaloy..

Ngumiti lang si Kaloy… Tamad na tamad sya

.. ni mag bukas ng bibig para mag salita ay hindi nya magawa.

"Kaloy.. nabalitaan ko nagsalubong na naman daw kayo nung Ron" sabi ng bakla..

Napasimangot si Kaloy sa narinig.

"Kung dadalas ang pakikipag away mo baka masayang lang lahat.. isipin mo sarili mo..wag muna ibang tao" sabi ng bakla.

"Alam mo naman kung bakit ko to ginagawa di ba.. Gusto ko ipaglaban ang samin ni Aira" sagot ni Kaloy..

Natahimik sila..

"Aira na naman" sabi ng bakla.

"Pwede sarili mo muna isipin mo ngayon? for the past months puro si Aira ah"Ika ni Reggie.

"May pangako kami sa isa't isa …at tutuparin namin yun" sagot ni Kaloy..

"Pangako? bullshit na pangako yan.. gumising ka nga.. wala na si Aira Kaloy.. tapos na ang kahapon at malabo na ang bukas..ang isipin mo yung ngayon.. Mag aral ka..wag puro away" sabi ng bakla..

"Anong sabi mo?" tumayo si Kaloy sa harap ng bakla at nanlisik ang mata nito..

"Kaloy..Reggie tama na yan" awat ni Tanya sa dalawa..

"Anong sabi mo" kinusot ni Kaloy ang kuwelyo ng bakla..at buong galit nya itong tiningnan .. bumwelo ang kamao nya, sobrang nasaktan sya sa narinig..

"Ano?? susuntukin mo ako?? sige gawin mo.. dyan ka naman magaling ..sa away… pag sinuntok mo ba ako mababago ba ang lahat?? Wala na si Aira.. 4 words.. 1 meaning

…Move on.." ika ng bakla at hindi nagpakita ng takot sa binata.

Nangigil si Kaloy sa narinig ..

"Anong alam mo? wala kang alam sa nararamdaman namin at sa sumpaan namin kaya wag na wag mo akong tuturuan na mag move on" pumatak ang luha ni Kaloy..

Gustong gusto nyang pakawalan ang suntok nya na puno ng galit pero hindi nya ito mgawa.

"Alam?? marami akong alam .. gusto mong malaman?? wala ka ng hihintayin ..kasal na si Aira kay William.. Hindi na sya babalik ..at eto" binigay ni Reggie ang phone nya sa binata..

Agad nabasa ni Kaloy ang mensahe ni Aira..

Pagpapaalam .. ito ang laman ng mensahe..

Na huwag na syang maghintay. .wag na syang umasa. .gumawa na sya ng sariling pangarap na wala ang dalaga.. maraming sorry at emoticons na umiiyak.

Galit na nilapag ni Kaloy ang cellphone ni Reggie .. Binitawan ang bakla at pinakawalan ang suntok nya na puno ng galit sa cellphone ni Reggie. .. Nabasag ang screen nito..

"Seriously?" di makapaniwala ang bakla sa nangyari,

"Kung binigyan nyo ako ng chance na makausap sya.. na magkaron ng contact sa kanya sana hindi nangyari ito.. Kaibigan ko kayo di ba?? pero bakit pakiramdam ko tinatago nyo sya sakin" ika ni Kaloy.. Tumulo ang luha ng binata sa nalaman ..Hindi nya inasahan na wala na palang pupuntahan ang lahat..

"Walang balak si Aira na balikan ka kahit nung bago sya umalis.. "Sabi ni Reggie habang chinecheck ang phone nya..

"Reggie" saway ni Tanya..

"What? makulit sya e ..gusto nyang malaman

..ayan..sinasabi ko na" ika ng bakla kay Tanya..

"Bakit alam mo lahat?? bakit hindi ko alam

..kahit yung mga nangyayari kay Kaloy sa school bakit ala mo ?" tanong ni Tanya…

Mukhang pinagana na naman ng dalaga ang pagka detective kuno nya..

"Dahil pinapabantayan sya sakin ni Aira" sagot ng bakla.

"Pinapabantayan para san?? eh di ba nagpaalam na sya kay Kaloy" hirit ni Tanya.

Maging si Kaloy ay napaisip sa sinabi ng kaibigan ..Buti nalang nandito si Tanya kung hindi baka mas nauna ang galit kay Kaloy at hindi na nya nausisa yung mga ganitong bagay..

"Kaibagan pa din natin si Aira.. at si Kaloy..at alam mong malaki ang concern ni Aira kay Kaloy kahit noon pa" sagot ng bakla na napalunok..

"Pakunswelo??" tanong ni Tanya.

"Sana sinabi mo nato noon pa." sabi ni Kaloy..

"At ano? habang nag eemowt ka ng sobra sasabayan ko..lalo kang mamamatay nun Kaloy.. please ..ang sinasabi ko lang ..stop thinking about Aira..yung ngayon muna ang isipin mo.. may chance ka na ngayon para baguhin ang buhay mo, kung kayo ..kayo talaga" sabi ng bakla..

"Putang ina" sagot ni Kaloy at agad umalis sa harap ng dalawa..

"Anong meron" tanong ni Tanya kay Reggie ng umalis si Kaloy.

"Anong anong meron? parang nag dududa ka sakin…"Ika ni Reggie..

Tiningnan lang sya ng seryoso ni Tanya.

"Wala kang alam..mas madami akong alam sayo dahil mas may tiwala si Aira sakin kesa sayo kaya wala kang karapatang magduda." sabi ng bakla..

"Okay" tanging sagot ni Tanya..

Diretsong dumapa si Kaloy sa kama nya

..Naramdaman nya ang sakit matapos ang tensyon sa labas..

Naisip nya si Aira.

"Bakit" tanong nito sa sarili ..Umasa sya …

Naniwala sya..

Pero wala syang nagawa … ni wala syang kaalam alam..

"So yung congrats pala e para sa kasal nyo" kinakausap ni Kaloy ang sarili.

"At putang ina anong balak mo sa kin?" umiiyak sya sa sarili.. Pakiramdam nya'y pinaglaruan sya. Umasa, at Nasaktan.. ang masaklap .. Hindi nya magawang magalit dahil ang taong mahal nya ang gumawa nito sa kanya.

Sinisi nya ang sarili .. Oo ..walang ibang dapat sisihin kundi sya..dapat di na sya pumayag na umalis si Aira.. Dapat ganito

..dapat ganon..

Marami syang naisip… Pero ang hindi nya makalimutan ay ang katotohanang kahit bali baliktarin nya ang mundo.. Kasal na si Aira sa iba..at wala na syang magagawa dito..

Pumikit sya ..nakaramdam ng pagod ang katawan ..Nakatulog..

Sana paggising nya ay wala na ang sakit…