1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 11
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 11

By kingovhell ·

Ang Sikreto ni Tanya

Sumisipol na lumabas ng bahay si Kaloy na nagpunas pa ng pawis. Pawis sa matapos ng mainit na tagpo nila ni Tanya. May ngiti sa labi nya… Hindi nya akalain na magkakaroon pa sila ng mainit na sandali ng dalaga kahit sa mismong araw ng kasal nito.. Naunahan pa nya si Clay sa honeymoon.. Ngunit ganun na lang ang takot nya ng pagtapat nya sa mesa ng mga babae e may matang nanlilisik na nakatingin sa kanya. Napatawa sya at tiningnan ang dalaga.

"Ano?"Senyas nya… Umirap lang si Aira.. Nagkibit balikat ang binata at bumalik sa mesa ng mga lalaki. Si Reggie ay hindi mapakali habang minamasdan kung nasaan na si Ella.. Natatakot sya sa nangyari kanina.. Natatakot sya para kay Tanya…

"Lalim ng iniisip ah"Ika ni Aira sa kanya.

"Ah ..eh,, oo.naghahanap ako ng pogi" sabi ni Reggie sa binata..

"Pogi ba ?? ayun ah" ika ni Aira at tinuro si Kaloy. Tumingin ang bakla sa binatang walang kaalam alam sa nangyayari at masayang nakikipag kwentuhan sa iba.

"Ohh… bahala ka muna dyan Tanya.. " nasabi ni Reggie sa sarili ng makita ang kapogian ng binata.. Napangiti naman si Aira sa nakitang reaksyon ni Reggie.. Pogi naman talaga ang binata.. At syempre.. Masaya at very proud si Aira na sa dinami dami ng magandang babae na kasama nila ngayon e sa kanya nabaliw ang binata. Madami na silang napagdaanang problema na sobrang crucial.. Faked Death, Third Party… LDR.. at kahit ano pang sumunod kakayanin nya ..Kasi mahal na mahal nya si Kaloy.. Nagulat pa si Aira ng makitang nakatingin na pala ang binata sa kanya at nakangisi ito.. Pareho sila ng naiisip .. Sumenyas pa ng puso si Kaloy sa nobya na nag duwal duwalan naman kunwari sa kabaduyan. Maya maya'y kinabhan si Aira ng lumapit ito sa kanya. Ano na naman kaya ang plano nito.. Umakyat lahat ng dugo sa mukha ng dalaga ng makita ng poging pogi na nobyo sa harap nya na walang ano ano'y lumuho sa harap nya at nilahad ang kamay senyales na gusto sya nitong isayaw..

"Prinsesa.. Maaari ko ba kayong isayaw" ika ng binata.. Kinilig naman ang mga nasa tabing upuan ni Aira.. Maging sya ay di napigilang kiligin.

"Grabe… sana ako din" ika naman ng bakla.. Nagkantyawan naman ang mga lalaki sa mesa nila Kaloy..

"Isa ka talagang alamat tol" sigaw ni Clay at nagtawanan sila..

"Di ko kaya yun tol.. timing e.. busy lahat tapos saka sya kakana ng yaya sa jowa nya..di ko kaya yun..center of attention kami nun e" sabi ni Kris..

"HOKAGE" sabay sabay nilang sagot at nagtawanan. Tinanggap naman ni Aira ang alok ng nobyo..

"Ibalik mo yan ha" ika pa ni Mutya bago sila tumungo sa gitna para sumayaw.. Ngumiti lang si Kaloy..

"Till i dream that we dance forever, in a wish that we made together, on a night that i pray would never end Nakayakap ang dalaga sa katawan ng binata habang masuyo silang nag sasayaw na tila hindi pansin ang ibang nasa paligid nila..

"Masaya ka ba?"Tanong ni Kaloy sa dalaga.. Hindi sya tiningnan ni Aira..Niyakap lang nya ito.. Pakiramdam nya'y teenager sila at JS itong sinasayaw nila.

"Oo naman ..sobra..ikaw?"Tanong ni Aira.

"Palagi akong masaya basta kasama kita" sabi ng binata.. Natahimik sila..

"Hindi na tayo maghihiwalay ha" sabi ni Kaloy..

"Oo..basta wag ka na ulit mawawala..bawas bawasan mo na din kalandian mo" sagot ni Aira. Tumawa ng mahina si Kaloy.

"Salamat kasi after ilang years e naging consistent ka sa feelings mo sakin" sabi nito.

"Mahirap kang makalimutan. Kala mo"Sabi ni Aira. Tumingin ito sa binata at nabakas ni Kaloy na may luha na ito sa mata.. Huminto sila sa pagsasayaw.. Ang lahat ay nakatutok lang sa dalawa..

"Parang sila pa ang kinasal ah" ika ni Clay sa mga kasama..

"Bakit?"Tanong ni Kaloy kay Aira na nag alala sa nakitang pag luha nito..

"Wag ka ngang iyakin dyan..Di ako mapalagay pag palagi kang naiyak" sabi nito at pinunas ang luha ng dalaga..

"Masaya lang ako" sabi ni Aira..

"Sobrang namiss kita" niyakap sya ni Aira ng mahigpit.. Niyakap din sya ng binata..

"Hinding hindi na ako mawawala Aira" sabi nya. Natahimik si Aira..

"Sa bahay tayo matulog mamaya ha" sabi ng binata.. nagulat si Aira sa narinig..

"San ang bahay mo?" tanong nito..

"Basta" sagot ni Kaloy.. Ngumiti si Aira..

"Mukhang asensado na ah" biro nya..

"Syempre… pinaghandaan ko pag kikita natin ng anak natin.. " sabi ng binata.. Nagulat pa ang dalaga ng bigla syang halikan ng mabilis ni Kaloy..

"Yiiiiieee" kinilig naman ang lahat sa nakita.. Agad syang niyakap ng dalaga..

"Mahal na mahal kita..wag na wag mo na akong iiwan ulit ha" sabi ni Aira. Umiling si Kaloy.

"Hindi na ..Hinding hindi.." Kantyawan ang lahat ng kaibigan ni Kaloy sa mesa nila ng bumalik ang binata.. Maging si Aira ay tinutukso ng mga kaibigan nya..

"Kasalan na to ulit" sigaw ni Clay at nag tawanan sila.

"Oo ba kelan nyo gusto?" biro ni Kaloy.. Nagtawanan sila. Maya maya'y bumalik na sila sa inuman.. Nakalimutan ang kantyawan at kani kanyang kwentuhan na lang. Hapon at unti unti ng naubos ang bisita, Naiwan ang tropa sa dati nilang tambayan.. Sa gilid ng pool.

"Di pa kayo uuwi? honeymoon namin ngayon"Biro ni Clay sa mga kasama..

"Maya maya …papasabikin ka muna namin" ika ni Dan. Si Kris at Ram ay parehas ng tulog sa kalasingan.. Si Sam at Angel ay nawawala na naman.. Si Tanya ay tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Aira at Reggie ..Si Mutya ni Jema ay nasa loob ng bahay kasama ng mga bata. Si Kaloy ay nakahiwalay dahil may tinawagan ito tungkol sa trabaho.

"Sige ..sige… punta ka lang office ko" sabi ng binata at binaba ng cellphone.. Nagulat pa sya ng pag harap ay nakita nya si Ella..

"Kaloy" ika ng dalaga.. ngumiti lang ang binata.

"Oh Mika." sabi nya.. Napangiti si Ella.. Nagbalik ang nakaraan ng tawagin sya nito ng Mika..

"Pwede ba tayong mag usap" ika ng dalaga.

"Sige.. tara dun tayo sa may pool"Sabi ni Kaloy..

"NO..private lang " sabi ni Ella. Napaisip naman si Kaloy..

"Mika..pwede naman tayong-"

"Please. .mabilis lang ..kailangan lang kitang makausap"Sabi ng dalaga.. Napansin ni Kaloy na mapula ang mata ng dalaga. Marahil ay kanina pa ito umiiyak.. Napasinghap si Kaloy ..tiningnan ang paligid saka huminga ng malalim..

"Mabilis lang ha" sabi nya sa dalaga at lumayo sila sa mga pwesto ng kaibigan nila.

"Tapos kung ano ano na naman ." maingay ang bakla na nag sasalita ngunit tila wala naman sa sarili si Tanya na nakatulala lang

..Si Aira ay nakasimangot sa nakita at agad tumayo para maglakad..

"Sis ." tawag ni Reggie sa kanya..

"Shitt" ika ng bakla at tinapik si Tanya na nagulat pa. Agad niyakap ni Ella si Kaloy. Nagulat ang binata sa ginawa ni Ella at pilit syang umiwas dito.

"Mika.. ano yang-"

"Gusto lang kita kayakap Kaloy.. miss na miss kita ..ang unfair unfair lang kasi ganito.. ni wala tayong proper break up.. iniwan mo ako na punong puno ng katanungan tapos babalik ka na biglang masaya na kayo ni Aira" sabi ng dalaga.

"Mika anong sinasabi mo" tanong ni Kaloy.

"Masakit lang kasi…" ika ng dalaga.. Nakaramdam naman ng awa ang binata kaya niyakap nya na din ito..

"Pwede pa naman di ba? kaya mo pa naman akong mahalin di ba? katulad ng dati ..ako pa din yung masungit na nakilala mo sa school…ako pa din to Kaloy.walang nag bago… Mahal pa din kita" sabi ng dalaga.

"Kaloy" tawag ni Aira sa binata na kitang kitang nakayakap sa dalaga.

"Aira" sagot ni Kaloy at agad binitawan ang yakap ni Ella.

"Anong-" di naituloy ni Aira ang sasabihin.

"Mahal… wala .ano,,kasi .." hindi alam ni Kaloy ang sasabihin ..Caught in the act sya

..at sobrang awkward ng sitwasyon.

"Tara na ..bumalik na tayo dun"Utos ni Aira sa binata..

"Sige" sabi ng nagkakamot na binata pero bago pa man sya humakbang ay hinawakan na ni Ella ang braso nya para hindi makaalis.. Naramdaman naman ni Aira na hindi sumunod si Kaloy sa kanya..

"Kaloy…ano ba-" di naituloy ng dalaga ang sasabihin ng makita nyang hawak ni Ella ang kamay ni Kaloy para hindi makaalis..

"Mika please..bumalik na tayo dun" sabi ni Kaloy.

"No….hindi .. Hindi ganun kadali lahat" sabi ni Ella.

"Hindi ka pwedeng basta basta na lang babalik para kunin si Kaloy..ano? ikaw na naman panalo" sabi ni Ella kay Aira.. Nataranta si Kaloy..Lalo ng makita nyang nainis ang ekspresyon ng mukha ni Aira..

"Boypren ko sya at may karapatan akong sabihin kung aalis na kami or what" sabi ni Aira.. tinapangan nito ang boses para ipaalam sa dalagang kausap na kaya nyang ipaglaban ang binata.. Napatawa si Ella..

"Hindi mo na sya boypren.. sa naaalala ko

..boypren ko sya at wala pa kaming proper break up until pekein nyo ang pagkamatay nya kay ako ang may karapatan sa kanya" sabi nito.. Napasimangot si Aira.

"Hindi ko alam na buhay sya" sabi ni Aira..

"Kaloy.. dito ka lang ..ako ang girlpren mo" sabi ni Ella.. Napasinghap ang binata.

"Ella.. may boypren ka na.. at Pinsan ko yung boypren mo, di ka ba naaasiwa" sabi ni Aira. Ngumiti lang si Ella..

"Yun na nga e.. fake death.. plano ng kaibigan mo.. para maagaw mo si Kaloy sakin..plus liligawan ako ng pinsan equals wala na akong habol, di ba?" ika ni Ella..

"Di ko alam pinagsasasabi mo Ella" sabi ni Aira..

"Ang alam ko lang ay Mahal ko si Kaloy.. at mahal din nya ako" sabi pa ng dalaga.

"Hindi mo sya mahal.. kung mahal mo sya hindi ka papayag na pekein ang pagkamatay nya" sabi ni Ella..

"Hindi ko nga alam" inis na sagot ni Aira.

"Ella" sigaw ni Reggie ng maabutan ang tatlo.

"Ayan ..kumpleto na kayo.pagtulungan nyo na ako" hikbi ni Ella..

"Hindi ka namin pinag tutulungan ..sinabi ko naman sayo di ba..kung galit ka..ako ang sisihin mo ..wala ng iba" sabi ni Tanya.

"Tama na yan ..bumalik na tayo doon" awat ng bakla..

"Bumalik na kayo doon ..mag uusap kami ni Kaloy"Sabi ni Ella..

"Boypren ko sya at wala pa kaming proper break up" sabi ng dalaga..

"Kaloy" pinandilatan naman ni Aira ng mata ang binata para sabihin na pumunta ito sa tabi nya. Nainis ang binata.

"Ano ba? eto na naman tayo .. tapos na yan di ba? wag na natin ibalik" sabi ni Kaloy.

"Tapos? so papayag ka na lang na diktahan nila ang desisyon mo?" sabi ni Ella.. Nagsabay sabay sa pag sasalita ang tatlo at nainis si Kaloy sa ingay.

"Tang inaaa naman… "Sigaw nya na nagpahinto sa lahat..

"Sino ba may gusto nyang fake death na yan.. sinong nakaisip" tanong ng naguguluhang binata..

"Kaloy… ginusto mo din to..wag kang umasta ngayon na nag sisisi ka" sabi ng bakla..

"Di ako nagsisisi Reggie.. naisip ko lang na ganun ba talaga?? yun ba talaga ang dapat? ang tama?? wala na bang ibang paraan? " tanong ng binata..

"Well sana naisip mo yan noon bago ka umoo kay Tanya" ika ng bakla,, Napangiti si Ella sa nasaksihan.

"Napaka iresponsable mo " sabi ni Reggie.. Siniko naman sya ni Tanya..

"Ok ,,please wag na kayo mag away..kung meron may kasalanan ..sakin na kayo magalit.." sabi ulit ni Tanya..

"May magagawa pa ba galit namin sayo.." ika ni Kaloy kay Tanya.. Nagulat si Tanya sa sinabi ni Kaloy..

"Siguro pabor din sayo kaya naisip mo yun? para ano?? para masolo mo ako" sigaw ni Kaloy kay Tanya..

"Mahal" inawat naman ni Aira si Kaloy dahil alam nyang masakit na masyado ang sinasabi ng binata dito.. Ngumiti lalo si Ella..

"Kaloy ..ginusto mo din to..ano bang problema mo ..nakuha mo na si Aira ah.." sabi ni Reggie kay Kaloy..Napayuko naman si Tanya ..

"Hayaan mo na sya Reg..ok lang na magalit sya.. kasalanan ko naman.. di ako dapat nakialam " sabi ni Tanya..

"Sis" ika ni Aira sa dalaga.

"Yan ba ang mga kaibigan mo Kaloy? "Sabi ni Ella sa kanila.

"Ella kanina ka paa ..tumahimik ka na dyan" sabi ni Reggie ,

"Ang desperada mo naman para mag habol pa kay Kaloy Ella. past is past … mag move on ka na" sabi ni Aira dito na di na din napigil ang inis..

"Desperada?? babawiin ko ang talagang akin..di pa tayo tapos" sabi ni Ella at saka umalis.. Napasinghap ang lahat pag alis ng dalaga. Si Kaloy ay tila wala sa sarili ng maisip kung ano ang posibleng nangyari kung hindi sya pumayag sa fake death.. Agad syang tumalikod kila Reggie at Tanya habang hawak sa kamay si Aira..

"Kaloy" tawag ni Tanya sa binata.

"Sis" pinigilan ni Reggie si Tanya.

"Sorry" sabi ni Tanya.. hindi sumagot si Kaloy..

"Wag ka namang magalit sakin..ginawa ko lang yun kasi alam kong sobrang mahal mo si Aira..at ayaw kong nasasaktan ka" sabi ng dalaga. Nainis sa narinig si Kaloy.

"Wala kang karapatang magdesisyon ng para sa sarili ko" sabi nito. Nainis din si Reggie..

"Pero.. ginusto mo din naman yun e" humikbi si Tanya. Lalong nainis si Kaloy ng umiyak ito.. Tiningnan nya ang dalaga.. natakot pa si Tanya sa tingin ni Kaloy.

"Wag mo na akong pakialaman.. kaibigan lang kita..bakit mo ba ako laging pinapake-"

"Kasi mahal kita" sigaw ni Tanya na di na pinatapos ang sasabihin ng binata. Kapwa sila nagulat sa sinabi ng dalaga.. Napahinto. Niyakap ni Reggie si Tanya mula sa likod

.Naawa sya dito.. Tiningnan lang ni Kaloy sa mata si Tanya. Wala syang nakapang salita para isagot. Maging si Aira ay gulat sa narinig..

"Tara" ika ni Kaloy kay Aira at nag umpisa na itong maglakad palayo sa dalawa.. Naiwang umiiyak si Tanya.. Sobrang sama ng loob.. Sobrang sakit

..Sobrang lungkot. sobrang effort at sobrang nag mukhang tanga sya.