1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 13
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 13

By kingovhell ·

Alas tres na ng madaling araw at gising pa din si Kaloy matapos ang mainit na tagpo nila ni Aira.. Tiningnan nya ang mahimbing na tulog na nobya at hinalikan ito sa noo.. Ngumiti sya .. Andami na talaga nyang sinakripisyo at andami din sinakripisyo ng babaeng to para lang makasama sya.. At hindi pa rin sya makapaniwala na ngayo'y magkasama na sila.. Isang pamilya na sila.. Ata alam nyang kahit anong dumating na pag subok ay malalampasan nya.. Napaisip si Kaloy pero kada minutong lilipas ay naririnig nyang paulit ulit ang boses ni Tanya.

"KASI MAHAL KITA" ika ng dalaga sa isip nya. Ang mata'y malungkot at seryoso.. Nainis si Kaloy.. Kanina pa nya ito naiisip.. Kanina pa sya ginugulo ng salitang yun.. Madalas naman sabihin sa kanya ni Tanya na mahal sya nito kapag nag seseks sila o kaya'y minsan pero pabiro… Pero never nya itong inisip katulad ng pag iisip nya ngayon.

"Kainis" sabi nya sa sarili at tahimik na umalis sa tabi ng dalaga para bumaba at kumuha ng maiinom.. Kailangan nyang makatulog.. Matapos mainom ang isang bote ng beer ay natulala ang binata. Ano nga bang dahilan kung bakit paulit ulit nyang naririnig si Tanya sa isip nya.

"Tang ina " nasabi nito ng maisip ang nangyari kanina. Naalala din nya si Ella… Yung yakap nito.. Yung nakaraan nila. Pano kung hindi sya nag fake death? Sino ang pipiliin nya? E sa naalala nya e si Ella naman talaga pinili nya dahil tinulak na sya palayo ni Aira. Oo, tinulak sya ni Aira..Pinaubaya na sya nito kay Ella. Naguluhan si Kaloy sa mga naisip.. At si Tanya?? Sinolo nga sya ng dalaga.. Talaga bang plano ni Tanya na palabasin kung sino ang mananatili sa binata? na nagtagumpay naman dahil si Aira ang nanatili sa kanya? o talagang naging makasarili lang si Tanya na solohin sya dahil alam naman nya na hindi fake death lang ang solusyon sa problema nya. Napailing si Kaloy.. Oo. sa buong 5 taon ay si Tanya ang umalalay sa kanya.. Pero ang point pa din ay limang taon din syang kinontrol ng dalaga.. Makasarili ito dahil inilayo sya nito sa mga kaibigan nito.. Itinakas sya nito sa problema nya na dapat sya ang lulutas .. At diniktahan sya nito kung sino ang dapat.. Pano kung si Ella ang nakatuluyan nya?? At bakit naging syota na ni Ram na pinsan ni Aira si Ella? Di nga kaya na set up si Ella?

"Putang ina naman" sabi ni Kaloy sa sarili .. Ang dami nyang tanong na kailangan ng sagot .. alam nyang si Tanya lang makakasagot nito pero wala ng dahilan para mag usap sila nito.. Tapos na… Tapos na ang sikreto nila ni Tanya..at nasa kanya na si Aira.Wala ng dahilan para magkita o mag usap sila.. Lalo ngayong naguguluhan sya sa nangyayari. Masyado ata syang naging unfair at padalos dalos sa desisyon nya na hindi nya sigurado ang kalalabasan.. Napasinghap si Kaloy.. Sa huli'y naisip nya.. nangyari na ang lahat.. may magagawa pa ba sya.. Ang importante'y magkasama sila ni Aira at ng anak nya.

"KASI MAHAL KITA" muling narinig nya ang boses ni Tanya..

"Selfish" sagot ng binata at bumalik na sa kwarto. Agad nyang niyakap si Aira ..

"Mahal na mahal kita" bulong nya sa tulog na dalaga… Hinalikan nya ito sa pisngi at hinanap ang antok para matulog. Alas dyes ng umaga na bumangon ang binata sa ingay ng dalawang bagong panauhin sa bahay nya. Narinig nya mula sa baba na nag aaway ang mag ina..

"Carl.. you can watch TV later.. eat your breakfast first" napangiti si Kaloy sa narining

.. Mukhang nagtatalo ang dalawa sa pag kain ng bata. Kinapa ni Kaloy ang cellphone nya ng makitang umilaw ito.. May teks.. si Ella. nagtaka pa sya kung pano nito nalaman ang number nya.. Binasa nya ang mensahe at napakunot ang noo.. Bumangon na ang binata at nagsuot ng boxer nya saka diretsong bumaba kinaroroonan ng dalawa..

"Morning Anak" bati nya sa bata.

"Papa" excited na sigaw ng anak nya sa kanya at agad tumakbo ito palapit sa binata para yakapin..

"Nag aaway ata kayo" sabi ni Kaloy kay Aira.. Umirap ang dalaga sa kanya..

"Kaw nga magpakain jan..ang kulit kulit" ika ng dalaga.. Tumawa lang ang binata.

"Anak.. Do you want to be like Papa someday.. strong, and tough" pambobola ni Kaloy sa anak habang inabot ang pagkain galing kay Aira.

"Yes Papa.. i want to fight with bad guys like you did" sabi ng anak..

"Oh.. then you have to eat your breakfast first.. and be good to Mama" sabi ni Kaloy. Tiningnan lang sya ng anak nya. Maya maya'y lumayo ito sa kanya.. Napasinghap si Kaloy sa ginawa ng anak.. Mukhang makulit nga ito. Ngunit ganon na lang ang gulat nila ni Aira ng lapitan ng bata ang dalaga at hilain ang kamay nito palapit kay Kaloy..

"Mama, im sorry.. "Sabi ng bata na inilapit ang kamay ng Ina sa pagkain nito. Naintindihan naman ni Aira ang ibig sabihin ng bata Nagkangitian na lang sila ni Kaloy.

"Will i'll be like Papa when i eat breakfast everyday and be a good boy?" tanong ng bata.. Ngumiti si Aira sa anak nya.

"Yes Anak.. you'll be better than Papa" sagot ng dalaga at pumayag na ang bata na kumain.. Ngumiti si Kaloy.. Paalis na sana sya ng tawagin sya ni Aira.

"San ka pupunta" tanong nito..

"Shoshower ..may sasaglitin lang ako sa Mall" sabi ng binata.. Umirap si Aira.

"Baka may katagpo ka lang …tandaan mo.. putol yan" banta ng dalaga sa binata..

"Grabe to.. behave na nga po ako.."Sabi ni Kaloy at lumapit sa dalaga..

"Sapat na kayo ni Baby sakin" sabi pa nya at niyakap ang dalawa.. Ngumiti lang ang dalaga..

"Dapat lang .. umuwi ka agad" sabi nito..

"Opo Misis.. " sagot ng binata at pupunta na sana ng shower ng tawagin ulit sya ni Aira.

"Po? " sagot ng binata.

"Sabi ko mag uusap tayo di ba? pwede mamaya pag uwi mo? pag nakatulog si Carl?" sabi ng dalaga.. Kinabhan naman ang binata.. Napaisip sya kung ano pag uusapan nila.. Sermon kaya? Away?? Problema.

"Sige sige.. bago tayo mag ano?" biro ni Kaloy.

"Mag ano na naman agad..kakatapos lang e" ngiti ni Aira.. Napangisi ang binata sa naisip..

"Sabay ka kaya sakin mag shower" ika nito.

"Ayaw ko nga..kumakain anak mo e" pagtanggi ng dalaga..

"Damot" ika ni Kaloy at umirap sa dalaga.. Tumawa lang si Aira.

"Later Mister" sigaw pa ni Aira ng papasok na ito ng shower.. Wala sa sarili ang binata ng dating nya sa Mall.. Wala naman talaga syang bibilihin .. Ginala nya ang mata para sa hinihintay na kasama. Kinabhan pa sya ng makitang palapit na ito.. Si Ella.. Napahinto ang binata ng makita ang dating nobya.. Napakaganda nito.. Ganun pa din ang hitsura..Walang nag bago..Mas lalo pa nga ngang naging kaakit akit ito lalo ng ngumiti ito.. Wala na ang brace nito sa ngipin ..Humaba ang buhok nito.. Nagkalaman ng konti pero hindi tumaba. Lumaki ng konti ang hinaharap.. At kahit hindi ito gaanong nag ayos e napakaganda pa din nito.. Simpleng simple ..Ella na Ella..

"Kanina ka pa?" tanong ng dalaga sa kanya..

"Oo ..tagal mo.. ano bang pag uusapan natin

.. mamaya makita tayon ng boypren mo e" sabi ni Kaloy na halatang kinakabhan. Tiningnan lang sya ni Ella..

"Kaloy?? Kinakabhan ka na ngayon?" biro nito..

"Kasi di na tayo tulad ng dati,, May boypren ka at may girlfriend ako" sabi ni Kaloy. Natahimik si Ella..

"Samahan mo lang ako bumili mga damit .. tapos pwede ka na umuwi" sagot ng dalaga na kunwari'y nag tampo.. Napangiti naman si Kaloy sa inasal nito..

"Katulad ka pa din ng dati ..tampuhin pa din.." sabi nito Umirap ang dalaga..

"Ikaw lang naman nagbago e" sagot nito..

"Uy hindi ah ..ako pa din to" sabi ng binata. Ngumiti lang si Ella.. Agad nyang niyakap ang braso ni Kaloy, katulad ng dati.. Tila mag kasintahan pa din sila.. Lalo namang kinabhan ang binata.. Masyadong public ang Mall para duon sya yakapin ng dalaga. Tahimik lang ang dalawa Walang nag sasalita habang naglilibot ang dalawa sa Mall. Nakangiti ang dalaga lalo't naiinggit sa kanya ang ibang babae na napapatingin sa kanila.

"Kaloy" ika ng dalaga..

"Hmmmm ano?" tanong ng binata..

"Naisip mo ba kung hindi mo tinanggap yung alok ni Tanya na fake death?" tanong ni Ella. Tumigil pa ang dalaga sa pag lalakad .. Bumitaw sa pagkayakap sa braso nito at pumunta sa harap nya para harangan ang binata… Hinintay nyang sumagot ito.. Napahinto si Kaloy.. Di nya alam ang sasabihin.

"Ah ..ano ..oo .. minsan" sagot nito. napangiti si Ella.

"Pero tapos na yun. We ended up OK naman di ba?" dagdag ng binata. Sumimangot si Ella. Tumalikod ito sa binata.

"Kung di mo tinanggap yung alok ni Tanya.. sino sa na pipiliin mo?"Tanong nito.. Nagulat si Kaloy sa tanong ng dalaga.. Nataranta sya ..Napaisip.. Naguluhan. Hindi sya agad nakasagot.. Humarap ang dalaga sa kanya?

"Si Aira pa din ba?" tanong nito at pilit na ngumiti.. Tiningnan lang sya ni Kaloy Kilala nya si Ella ..Alam nya kapag peke ang ngiti nito at pinipilit lang nyang ngumiti.

"Ano?? Sya pa din di ba? Kasi sya naman talaga ang mahal mo ..at nanghiram lang ako ng oras sa nyo" pagtatampo ni Ella.

"Mika" ika ni Kaloy ..nag alala sya sa nararamdaman ni Ella. Alam nyang nasasaktan ito dahil sa naiisip nito na napagkaisahan sya, Pero alam ni Kaloy ang totoo na noon pa man..Si Ella talaga ang pinili nya..

"Tara na.. dun tayo" sabi ni Ella at nag umpisa ng lumakad..

"Mika" ika ulit ng binata. Tumigil si Ella. Humarap sa binata at ngumiti.

"Ano?" tanong nya.

"Ikaw…"Sabi ng binata..

"Huh" takang tanong ni Ella..

"Ikaw ang pinili ko nun di ba?" sabi ng binata. Nakita nya ang emosyon sa mata ni Ella.. Ang luha na pinipigil nito. Pero ngumiti pa din si Ella..

"Sinungaling" biro nya kay Kaloy.. Tumawa na din si Kaloy.

"Ikaw naman talaga ah.. inaway mo lang ako nung gabing umalis ako kasi di kita pinagbigyan"Sabi ng binata. Agad namang sumugod ang dalaga sa kanya na tila napahiya.

"Tanda mo pa pala yon"Ika nito at paulit ulit sinuntok ang dibdib ng binata. Tumawa lang si Kaloy. Hinawakan nito ang dalawang kamay ni Ella.. Hinuli para pigilan ang dalaga.

"Pag dating talaga sa ganun tandang tanda mo ..pero yung tungkol sakin hindi" ika pa ng dalaga.. Napahinto lang sila ng mahawakan ni Kaloy ang kamay ng dalaga at magtama ang mata nila. Napayuko si Ella.. Agad binitawan ni Kaloy ang kamay nya. Bumalik sila sa pag lalakad. Lumayo ang dalaga sa binataa ..Napansin ito ni Kaloy.. Ngumiti sya at naalala nung College sila..

"Yakap na" alok nya kay Ella at inilahad pa ang braso nya dito. napangiti na din ang dalaga at niyakap ang braso ni Kaloy.

"Ang lambot" biro ng binata..

"Di ka pa nga nag bago" sabi ni Ella..

"Yung feelings mo lang ang nagbago "Sabi pa ng dalaga. Natahimik si Kaloy sa narinig..

"We're friends di ba?" tanong nya sa dalaga.

"Can we be more?" tanong ni Ella.

"Mahirap na e.." ika ng binata..

"Di ka pa kasal..di pa ako kasal" pamimilit ni Ella.

"May anak na ako,kami" sagot ng binata. Inirapan sya ni Ella..

"Ayaw mo lang talaga" sabi nito. Napatawa ang binata..

"Kasi nga komplikado na" sabi nito.

"Hinabol mo ako noon di ba?"Tanong ni Ella sa kanya.

"Oo…"Sagot ni Kaloy..

"Pwes hahabulin din kita ngayon" sabi ni Ella. napakunot ang noo ni Kaloy..

"Kung gusto mo mag fake death ka ulit" irap ng dalaga,, Tumawa na lang si Kaloy. Masayang nag gala ang dalawa sa Mall. Wala naman silang binili…Pero sobrang enjoy nila ang araw.. Unti unting nawala ang takot ni Kaloy na baka may makakita sa kanila.. Parang solo nila ang oras. Bumalik ang saya

..Bumalik ang dati. Pinaramdam ulit ni Ella ang dating pinaramdam nya sa binata.. at pinilit naman ni Kaloy na suklian ito.. Alam nyang hindi na pwede , mahirap na .. pero sobrang saya nya ngayon kay Ella.. Naisip nya tuloy ang mga posibilidad na namiss nya ng itinago sya ni Tanya.

"Ayaw mo pumasok?"Biro ni Ella sa binata ng mag pasama itong umihi sa CR sa Mall.

"Siraulo"Sabi ni Kaloy sa dalaga..

"Kunwari ka pa..alam kong gusto mo e" sagot ni Ella.

"Bahala ka"Sabi pa nito at iniwan na ang binata sa labas ng CR.. Napangiti pa si Kaloy sa kawalan habang iniisip ang saya nya ngayon sa dalaga. Ganun na lang ang gulat nya ng marinig ang pamilyar na tinig..

"Ikaw Baby di ka ba naiihi?" ika ng bakla.

"Hinde bakla.."Sagot ng bata.. Parehas natulala ang tatlo ng magkatitigan..

"Kaloy" ika ng bakla.. Wala namang ganitong klase ng awkward na sitwasyon pag nagkikita kita sila kung bakit ngayon ay parang napaka awkward na na parang gusto na lang tiisin ni Tanya ang pantog nya para hindi na umihi, Walang nag salita.. Nag iwas agad ng tingin si Kaloy.

"Galit pa din" bulong ni Tanya sa bakla..

"Bilisan mo umihi" bulong ni Reggie sa kanya at dumiretso na ang dalaga sa banyo. Nilampasan nya si Kaloy.. Tiningnan nya ang binata.. Nagtama ang mata ng dalawa at agad ding nag iwasan. Pumasok na si Tanya sa banyo at naiwan si Kaloy at si Reggie na karga ang anak nya.. Nakangiti lang si Reggie..

"Sinong kasama mo?" tanong nito..

"Ah…si ano …si "Di nakasagot si Kaloy..

"Aira?" tanong ng bakla… Hindi sumagot si Kaloy.. Ngumiti lang sya.. Tahimik lang sila..

"Bakit hindi mo na pinapansin si Tanya?" tanong ni Reggie sa binata.. Nagulat si Kaloy sa narinig.. Namutla ang binata.. napatawa si Reggie sa reaksyon ni Kaloy.

"Blush? narinig mo lang pangalan ni Tanya nag blush kana?" tanong ng bakla sa kanya. Tumawa pa ito at napailing.

"Ano pinagsasasabi mo? pinapansin ko sya noh" sagot ni Kaloy.

"Kaya pala.. kaya pala kahapon di mo sya pinapansin,..di ka nag paalam..at ngayon nilampasan ka lang nya" sabi ng bakla.

"Sya di pumapansin sakin" sabi ni Kaloy. Napaiwas pa ng tingin si Kaloy.. Napatawa si Kaloy..

"Hoy.. anak nya oh .. batiin mo naman" pang iiba ng bakla sa usapan Tiningnan ni Kaloy ang anak ni Tanya

"Ow .. laki an ah" sabi ni Kaloy dito na tila di mapalagay..

"Ayesha.. Si Kaloy. kaibigan ng Mama at Papa mo. kaibigan ko din .. Kaloy si Ayesha.. Anak ni Tanya" diniinan ng bakla ang bawat salita.

"Kaloy?"Tanong ng bata kay Kaloy.. Ngumiti lang ang binata.

"Papa K.. call him Papa K" utos ng bakla sa bata..

"Papa K?" ika ng bata.

"Oo" sagot ng bakla.

"Hi Papa K" bati ni Ayesha kay Kaloy.

"Bakit Papa K.. mamaya marinig nila na Papa tawag nyan sakin isipin pa nila na Papa nga ako nyan" sabi ni Kaloy.

"At bakit naman nila iisipin na Papa ka nito.. kasal na ang magulang nito ha .." sabi ng bakla na tumatawa dahil sa walang kaalam alam ang binata na Papa nga sya nito.. Wala namang naisagot si Kaloy.. Bakit nga naman.. Pero nakakailang lang kasi na tinatawag sya ng Papa nito..

"Aasuming mo Papa K ha" tili ng bakla.

"Papa K assuming " ulit ng bata. Namutla naman si Kaloy sa narinig.

"Blush na naman.. dalawang beses ka ng nagblush kay Tanya ha.. Kaloy ha" panunukso ni Reggie.

"Ano na naman" natawa na ang binata.

"Kasal na si Tanya.. kung noon ka pa nagblush ng ganyan e di sana may chance kapa" sabi ni Reggie,,

"Crush mo si Mami ko Papa K?"Tanong ng bata kay Kaloy.. Napatawa si Reggie..

"H-hindi.. may asawa na din ako sa anak..si Carl.di ba yung kalaro mo kahapon?" sabi ni Kaloy..

"Yung bata?"Sagot ni Ayesha..

"Buti naman marunong mag tagalog to" sabi ni Kaloy. Napatawa lang sila. Maya maya'y natahimik sila..

"Galit ka ba kay Tanya?" tanong ng bakla kay Kaloy.

"Di ko alam" sagot ni Kaloy.. Ngumiti si Reggie.. May sasabihin pa sana ito ng lumabas na si Ella.

"Tara" yaya ni Ella at nagulat ng makita si Reggie sa labas.. Di nya lang pinansin ito..

"Sige ..una na kami" sabi ni Kaloy..

"Hmmm iba pala kasama mo ha akala ko asawa at anak mo" banat ni Reggie.. Narinig naman ito ni Ella kaya humarap ito sa bakla para sumagot..

"Wala syang asawa" ngumiti si Reggie..

"Ah ganon ba? kaya pala pwede lang landiin" mahinang bulong ni Reggie..

"Anong sabi mo? "Ika ni Ella na susugod na ngunit pinigil ni Kaloy..

"Tara na.." sabi nito sa dalaga.. Tiningnan lang ni Ella ang binata at inirapan si Reggie bago umalis..

"Taraaay" tanging nasabi ng bakla..