1. Home
  2. Stories
  3. Barkada: Book 3 - Part 14
Pinoy Tambay

Barkada: Book 3 - Part 14

By kingovhell ·

"Wag mo na ako ihatid" sabi ni Ella sa binata ng magkayayaan na silang umuwi..

"Oo naman.. makita pa tayo ni Ram saka mag sumbong kay Aira" sagot ni Kaloy.. Napangiti sa narinig si Ella.

"Apektado ka ata sa date natin.." sabi nya sa binata.

"Oo ah.. mahirap ng maging magulo ang lahat.."Sagot ni Kaloy.

"Sa uulitin ulit.. sama ka naman pag uwi nila Jen" sabi ni Ella. Kinabhan si Kaloy sa narinig ..Akala nya ay wala na itong kasunod.. Though nag enjoy sya.. Mas gugustuhin pa din nya ang tahimik na buhay kesa sa dating tinkasan nya. Pero kung di nya tinakasan ang problema nya? ganito pa din kaya sila kasaya ni Ella. Ngumiti na lang si Kaloy..

"Sige na ..di ka na naman nag sasalita e" sabi ni Ella. Paalis na sana ang dalaga ng hawakan ni Kaloy ang kamay nito. Nagulat sa nangyari si Ella.. Mabilis.. Hindi nya inaasahan.. Hinila ni Kaloy ang dalaga palapit sa katawan nya, paharap , niyakap at agad siniil ng halik sa labi,, Napamulat ang mata ni Ella. Nasa labas sila ng mall at andaming pwedeng makakita sa kanila.Pero heto ang binatang mahal nya na tila walang pakialam sa iba.. Tiningnan nya ang binata.. Nakapikit ito at dinadama ang sensasyong dala ng halik nila.. Pumikit din si Ella.. gusto nyang namnamin ang oras na ito. Ang unang halik nila after ng limang taong pag hihiwalay pero ganun na lang ang inis nya ng bitawan na sya ng binata.. Napatawa pa si Kaloy ng makitang tulala si Ella,,

"What?" tanong ni Kaloy.. Di nakasagot si Ella..sobrang saya nya ngayon..

"Ano di ka na nakasagot?" sabi ni Kaloy.. Napaiyak si Ella at agad yumakap sa binata.. Napangiti si Kaloy.. Niyakap din nya ang dalaga..

"Mahal na mahal pa din kita Kaloy..walang nag bago.. walang nag bago…bumalik ka na oh" sabi ni Ella.. Hindi sumagot si Kaloy.. Hinawakan lang nyang ang pisngi ni Ella at iniharap sa kanya..

"Sasama ako sa lakad nyo nila Jen Ok? susubukan natin ibalik yung dati..salamat Mika.."Sabi ng binata. Lalong yumakap si Ella sa kanya.. Ngumiti lang ang binata.. alam nyang kailangang may gawin sya para matapos na ang lahat ng ito. Matapos punasan ni Kaloy ang luha ni Ella ay nagpaalam na ang dalaga. Sobrang saya nya.. After 5 years.. ngayon ramdam nya na may pag asa pa sila.. Walang pinalampas na oras ang binata.. Pag kaalis ang dalaga ay bumalik sya sa Mall. Mabilis ang tibok ng puso nya .Di nya alam kung bakit basta gusto nyang makita si Tanya.. Hindi nya kahit kelan naramdaman yung ganitong kagustuhan nya na makita ang dalaga basta gusto lang nya ..Walang sekswal na pakiramdam ..Kahit mag usap lang sila ..Kahit buong mag hapon nya lang titigan ang dalaga.. Pero ganun na lang ang lungkot nya ng mapagod sya kakapabalik balik sa Cr at sa ilang sulok ng Mall ngunit di nya ito nakita.. Malawak ang Mall.. May 2nd floor pa.. at hindi nya alam kung pano nya ito hahanapin.. Last Resort nya ang iteks ito para tanungin kung nasaan pero ayaw naman nyang mag mukhang desperado.. huling teks nya kay Tanya na tanungin kung nasan ito ay inisip ng dalaga na gusto nyang mag ano sila. Ayaw nyang isipin ng dalaga na gusto nya itong makita ngayong dahil nalilibugan sya

..Basta ..Gusto nyang makita si Tanya .. Napagod ang binata.. Hiningal sya kakatakbo.. Nagmukha na syang tanga dahil sa kakapabalik balik pero wala .. Napagod lang sya kaya pinasya na lang nyang maupo sa sa isang sulok.. Napayuko ang binata.. Hindi nya alam kung bakit pero sobrang sakit ng pakiramdam nya ngayon na hindi man lang sila nagka usap ni Tanya..

"Looking for someone?" narinig nyang nag salita ang bakla sa tabi nya.. Tumayo agad si Kaloy at tiningnan ang bakla na karga si Ayesha. Ngumuso ang bakla sa gawi kung nasan si Tanya. At nakita ni Kaloy ang babaeng nagpatibok bigla ng puso nya ngayon.. Mabilis ang tibok na puso nya ..Malungkot ang mukha ng binata.. Humihingal pa sya… May konting pawis sa noo.. Si Tanya nama'y pilit na ngumiti.. natatakot pa din sya baka sigawan na naman sya ni Kaloy pero alam nyang kelangan nila talagang mag usap at kailangan nyang maging kwela at kalog para maging dating Tanya ulit sya ..Ang nakilala ni Kaloy na masayahing babae na walang pakialam sa kaseryosohan ng iba.

"Nilibot mo ang Mall..sinong hinahanap mo si Ella?" ika ni Tanya at pilit ng tumawa.. Napailing si Reggie.. halata sa boses ng dalaga na kinakabhan ito..

"San mo ba kasi sya iniwan?" ika pa ni Tanya

"Lagot ka sa misis mo nyan.. alam ba nya na kasama mo si Ella"Sabi ng dalaga.. Walang sagot si Kaloy..Tinitigan lang nya ang dalaga.. Wala syang naririnig ..

"Alam ba nya na-" di na natapos ang sasabihin ni Tanya dahil agad na syang sinugod ni Kaloy para yakapin.. Nanlaki ang mata ni Tanya .. Napangiti sya maya maya..

"Whats happening"Tanong ni Ayesha sa bakla.

"Wag kang maingay…panoorin mo na lang parents mo" sabi nito. Nanlaki ang mata ni Kaloy.. Hindi sya pwedeng magkamali.. Rinig na rinig nya ang bakla..

"Parents?" bumitaw sa pag kakayakap si Kaloy kay Tanya. Tiningnan nya ng matang nagtatanong ang dalaga.. Nagulat si Tanya sa narinig.. Maging si Reggie ay nagulat dahil narinig pa pala ni Kaloy ang nasabi nya..

"Shit" sabi ng bakla..

"Tanya?" ika ni Kaloy. Di nakasagot si Tanya.

"Ah ..ah ano.. Kaloy… si Ella ..dun pumunta sa labas.. nakita ko …si-sige na" sabi nito..

"Tanya" sumigaw na si Kaloy.

"Shit" bulong ni Tanya sa sarili. Napakagat labi sya .. pinigil ang emosyon,,

"Ah …una na muna kami., hinihintay kami nila Mama" sabi ng dalaga..

"Sis" ika ng bakla at nilapitan si Tanya.. Tiningnan nya ito ng mata na nangungusap… pinapahiwatig na kailangang malaman na ni Kaloy ang totoo..

"Please … Reggie … kailangan na nating umuwi" ika ni Tanya at nag umpisa ng pumatak ang luha.. Agad silang umalis at iniwan si Kaloy na tulala.. Kung kanina magulo ang utak nya.. Ngayon . doble ang gulo nito..

"Bakit di mo sinabi"Galit na tanong ni Reggie sa dalagang umiiyak..

"Please …not now.." sagot ni Tanya.

"Eh kelan?" sumigaw ang bakla..

"Bakla?? why are you mad?" tanong ng bata.. Napatingin si Reggie kay Ayesha at napayakap na lang sya sa awa kay Tanya ng maisip kung bakit di nito sinabi ang totoo kanina.

"Im sorry Sis" sabi nito..

"Kung alam mo lang kung gano ko kagustong sabihin kanina nung niyakap nya ako..pero hindi pwede.. ayaw ko na ng gulo" sabi ni Tanya.. Agad din niyakap ni Tanya ang anak nya..

"Hindi ko idadamay anak ko sa gulong to" sabi pa ng dalaga.. Wala sa sarili si Kaloy ng umuwi.. Gabi na ng makauwi sya at hinihintay sya ng dalaga na nakapameawang sa gate..

"Anong oras na? sabi mo madali ka lang?" tanong nito.. Di sumagot ang binata.. Dire diretso lang itong pumasok

"Maghapon kang hinahanap ng anak mo ." sabi ni Aira..

"Asan sya?"Tanong ni Kaloy.

"Nakatulog na …"Sagot ni Aira.

"Ano pag uusapan natin ..sabihin mo na….."Sabi ng binata.. gusto na nya agad matapos ang gabi dahil sobrang gulo na ng utak nya.. Ngumiti ang dalaga.

"Uuwi kami ni Carl sa amerika. Papasok na din kasi sya…" sabi ng dalaga… Nagulat si Kaloy sa narinig.

"Kelan?"Tanong nya.

"Next month" sagot ni Aira.. Di sumagot si Kaloy..

"Wala kang sasabihin" tanong ni Aira. Hindi sumagot ang binata.. naiisip pa din nya ang nangyari kanina sa mall.

"San ka ba galing at ganyan ka..para kang wala sa sarili" tanong ni Aira ng mapansin ang reaksyon ni Kaloy.

"Huh..e ano..sige .sasama ako" sagot ni Kaloy..

"Talaga?" gumuhit ang ngiti sa labi ni Aira..

"Oo ..pero babalik din ako dito" sabi ng binata.

"Ok lang yun.basta magpakita ka ke Papa" sabi ng dalaga.. Ito naman talaga ang plano ni Aira. Napaisip si Kaloy.. May pangako pa nga pala sya sa Papa ni Aira. Napasinghap ang binata. Hindi na nya kailangang maguluhan ngayon sa mga naiisip.. Pwede syang mag focus kay Aira at sa anak nya at kalimutan ang lahat.. Pero pano?

"Sige"Sagot ni Kaloy at ngumiti. Tiningnan pa nya ang dalaga at seksing seksi na naman ito sa suot na mini skirt at sando.. Napangisi si Aira ng makita nyang nakatingin si Kaloy sa katawan nya..

"Nag ready ka talaga ah" ika ng binata..

"Oo di ba sabi ko sayo kanina.. Later?"Sagot ni Aira. napangiti si Kaloy.. ano pa nga bang dapat ikagulo ng isip nya? swerteng swerte na sya kay Aira. Agad nyang kinarga ang dalaga na napatili naman sa gulat. Para silang bagong kasal na nagtungo ng kwarto.